Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Vincente Lim
1. Vincente Lim
(1853-1915)
Si Vicente Lim ay ang unang Pilipinong nagtapos sa AkademyangWest Point sa Estados Unidos. Isinilang siya noong Pebrero 24 1888 sa Calamba, Laguna. Nagtapos siya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas noong 1908. Pagkaraan ng dalawang taon, nanguna siya sa pagsusulit para sa Akademyang Militar ng Estados Unidos sa West Point. Nagtapos siya rito noong 1914.
Pagbalik sa bansang Pilipinas, naging pangalawang tenyente siya ng Philippine Scouts sa Kuta ng San Pedro (Fort San Pedro) sa Iloilo. Naging guro rin siya sa Akademyang Militar ng Pilipinas sa Lungsod ng Bagio.
Nagtungo siya sa Estados Unidos para muling mag-aral at nagging unang Pilipinong nagtapos sa Kolehiyo ng Hukbong Katihan (Army College) sa Washington noong 1929. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging brigadyer heneral ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Nang bumagsak ang Bataan noong 1942, napiit siya sa Capas, Tarlac.