8. TOPOGRAPIYA
Binubuo ng mga pulo at mababang lupa ang rehiyon.
Sinasabing ang mga pulo ng Batanes ay nabuo mula sa
mga bulkan. Ang mga pulo ng Batanes ay naliligid ng
malawak na katubigan kung saan nagtatagpo ang tubig
ng Pacific Ocean at South China Sea. Hindi rin pantay-
pantay ang lupain ng lalawigan. Halos kalahati nito ay
matatarik na bundok at burol at malalalim na bangin
tulad ng makikita sa Sabtang Island. May mabababang
burol at patag na lupa sa Itbayat. Pinakamalawak ang
kapatagan sa pulo ng Batan. May mga baybaying-dagat
na mabuhangin at mayroon ding mabato.
9. • Ang lalawigan ng Cagayan ay nasa ibabang lunas na
dinadaluyan ng Cagayan River. Ang silangang baybayin ay
maburol at mabundok dahil dumadaan dito ang kabundukan
ng Sierra Madre. Ang baybayin sa hilaga ay mababa at
binubuo ng mga latian. Ang kanluran ay maaaring mabundok,
mababa, at may mga latian din. Ang Lambak ay nasa pagitan
ng mabababang bundok ng Isabela. Nagsisimula ang
lalawigan sa paanan ng Cordillera Mountains sa kanluran
hanggang sa paanan ng Sierra Madre Mountains. Ang
silangang bahagi ay di pantay a magubat, Ang kanlurang
bahagi ay malawak na lambak at natutubigan ng Magat River
at Cagayan River
10. • Maituturing na daanan papasok sa Cagayan
Valley region ang Nueva Vizcaya. Naliligid ng mga
bundok sa tatlong lugar ang lalawigan – ang
Sierra Madre sa silangan, ang Caraballo sa timog,
at ang Cordillera sa kanluran. Ang ibang bahagi
ay mababang burol, lambak, at kapatagan. Mga
sanga ng Magat River ang dumadaloy sa
lalawigan. Mabundok din ang Quirino. Mga 80%
ng lalawigan ay mga bundok ng nagdurugtong sa
Sierra Madre Mountains, at Palaki-Mamparang
Mountains.
11. KLIMA
• Kagaya ng iba pang rehiyon sa hilagang Luzon,
tuyo ang klima mula Nobyembre hanggang
Abril. Sa ibang mga buwan, pantay ang lakas
ng ulan. Sa Batanes ay malamig at mahangin.
Madalas daanan ng bagyo ang Batanes kaya’t
mababa at yari sa bato ang mga bahay roon
12. MGA TAO
Marami sa mga naninirahan sa Region II ay mga
dayuhan mula sa kalapit na mga rehiyon. Matatagpuan
dito ang mga Tagalog at Ilokanong naakit lumipat dahil
sa saganang troso sa rehiyon. Tahanan din ng iba’t
ibang pangkat etniko ang rehiyon, tulad ng mga Ivatan
sa Batanes, ng mga Gaddang at Ibanag sa Cagayan,
Isabela, at Nueva Vizcaya. May mga Dumagat, Isneg,
Ita, Igorot, Ikalahan, at Iwak na naninirahan sa mga
bundok.
Karamihan sa mga taga Region II ay marunong ng
wikang Ilokano at Tagalog bagama’t ginagamit pa rin
nila ang kanilang sariling diyalekto tulad ng Ivatan at
Ibanag.
13. KABUHAYAN
• Pagsasaka pa rin ang karaniwang hanapbuhay
sa Region II. Pangunahing produkto rito ang
palay, mais, at tabako. Masiglang industriya
rin rito ang pagtrotroso, paglililok ng kahoy, at
paggawa ng mga produktong yari sa yantok.
May mga maliliit ding minahan dito
14. TURISMO
• Dinarayo ng mga turista ang mga natural na
atraksiyon sa rehiyon tulad ng mga kuweba,
aplaya, mga baybay-dagat, at mga natural na
parke. Ilan dito ang mga kuweba ng Callao sa
Peñablanca, Cagayan. Ang Birhen ng Piat sa
Cagayan ay dinarayo rin ng mga debotong
Katoliko