1. Yunit 4: Mga Sektor Pang-Ekonomiya at
mga Patakarang Pang-Ekonomiya nito
Aralin 6: Ang Pilipinas
at ang Kalakalang Panlabas
Paksa: Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas
sa Kalakalang Panlabas
2. Balangkas ng Paksa
I. Konsepto ng Consumer Surplus at
Producer Surplus
II. Kalakalang Panlabas sa tulong ng
Demand at Suplay
III. Epekto ng Kalakalang Panlabas
A. Consumer
B. Prodyuser
C. Ekonomiya
3. I. Konsepto ng Consumer at Producer Surplus
Batay sa nakaraang paksa na iyong binasa, ang
kalakalan sa pagitan ng mga bansa ay may positibong
epekto sa pandaigdigang produksyon na makatutugon
sa walang katapusang panga-ngailangan ng mga tao
subalit mas maipaliliwanag nang susunod na paksa ang
iba pang epekto ng pagsali sa kalakalan sa
pamamagitan ng pagsusuri sa pagbabago ng
distribusyon ng mga produkto sa pamilihan.
Ito ang saklaw ng welfare economics na
tumutukoy sa pagsuri kung ang pagbabago sa
alokasyon ng mga produkto dulot ng kalakalan ay
nakapagpapabuti sa kalagayan ng sa isang bansa.
Malalaman ang epekto ng kalakalan sa
pamamagitan ng pagtukoy sa pagbabago sa
kapakinabangan ng mamimili at nagtitinda.
4. I. Konsepto ng Consumer at Producer Surplus
Consumer surplus ay ang kaibahan ng kabuuang halaga ng produktong kaya
at nais bilhin ng isang mamimili sa kasalukuyang presyo nito sa pamilihan. Ito ay
ang natamong kapakinabangan ng isang konsyumer sa pagbabago ng presyo ng
produktong binibili. Ang producer surplus naman ay ang pagkakaiba sa kabuuang
halaga ng produkto na kaya at gustong ibenta ng isang nagtitinda sa kasalukuyang
presyo nito sa pamilihan. Ito ay ang natamong benepisyo ng isang prodyuser sa
pagbabago ng presyo ng produktong itinitinda.
Laging tatandaan na ang consumer surplus ay ang area sa graph na
matatagpuan sa ibaba ng kurba ng demand at sa itaas ng kasalukuyang presyo ng
produkto sa pamilihan samantalang ang producer surplus naman ay ang area sa
graph na makikita sa itaas ng kurba ng suplay at sa ibaba ng kasalukuyang presyo
ng produktong umiiral sa pamilihan.
5. I. Konsepto ng Consumer at Producer Surplus
P
50
Kurba ng Demand
sa Face Mask
Nabatid kong natutunan mo na
ang konsepto ng demand. Ipinakikita
sa graph ang kakayahan at
kahandaan ng konsyumer sa pagbili
ng face mask sa iba’t ibang presyo at
dami nito.
A Sa presyong ₱30, ang kon-
30
20
10
0 10 15 18
D
Qd
syumer ay planong bumili nang 10
pirasong face mask. Ang Area A ay
ang consumer surplus sa ₱30
sapagkat nais at handa ang mamimili
na bumii sa pinakamataas na
presyong ₱50 ngunit nabili niya
lamang ito sa mas mababang halaga
na ₱30.
6. I. Konsepto ng Consumer at Producer Surplus
Habang mas bumababa ang
presyo mula ₱30 patungong ₱10, mas
lumalaki ang consumer surplus mula
Area A patungong Area A+B+C. Ito ay
nangahuhulugan na kapag bumababa
ang presyo ng isang produkto, mas
P
50
Kurba ng Demand
sa Face Mask
nakapagbibigay ito ng kasiyahan at
kapakinabangan sa mga mamimili
alinsunod sa Law of Demand.
Sa kabilang dako, kapag
tumataas naman ang presyo ng isang
produkto ang consumer surplus
30
20
10
A
B
C
D
naman ay patuloy na lumiliit. 0 10 15 18 Qd
7. I. Konsepto ng Consumer at Producer Surplus
P
50
40
30
10
0
A
Kurba ng Suplay
sa Face Mask
10 13 18
S
Qs
Makikita sa graph ang kurba
ng suplay ng face mask na
nagpapakita ng kombinasyon ng dami
ng mga produktong handa at kayang
ipagbili sa iba’t ibang presyo sa isang
takdang panahon ng isang prodyuser.
Sa presyong ₱30, ang
prodyuser ay magtitinda nang 10
pirasong face mask. Ang Area A ay
ang producer surplus sa ₱30
sapagkat nais at handa ang nagtitinda
na magbenta sa pinakamababa na
presyong ₱10 ngunit naibenta niya ito
sa mas mataas na presyong ₱30.
8. I. Konsepto ng Consumer at Producer Surplus
Habang mas tumataas ang
presyo mula ₱30 patungong ₱50, mas
lumalaki ang rin producer surplus mula
Area A patungong Area A+B+C. Ibig
sabihin, kapag tumataas ang presyo
ng isang produkto, mas ginaganahan
ang mga prodyuser na magtinda ng
kalakal alinsunod sa Law of Supply.
Kapag bumababa naman ang
presyo ng face mask sa pamilihan,
magkakaroon naman ng pagliit sa
kanilang producer surplus na nanga-
ngahulugang pagliit sa kasiyahan at
kapakinabangan ng nagtitinda.
P
50
40
30
10
0
A
Kurba ng Suplay
sa Face Mask
C
B
10 13 17
S
Qs
9. I. Konsepto ng Consumer at Producer Surplus
Bagamat may nagtutunggaliang
interes sa pagitan ng konsyumer at
prodyuser, masusuri sa graph na
nagtamo nang parehas na kapakina-
bangan ang dalawang aktor sa
kalagayang ekwilibriyo. Dahil sa
pagtatamo ng consumer at producer
surplus, walang sinoman sa mamimili
at nagtitinda ang nais gumalaw sa
pamilihan.
Ang konsepto ng consumer at
producer surplus ay gagamitin sa
pagsusuri sa magiging epekto ng
kalakalang panlabas sa isang bansa.
P
50
30
10
0
Kurba ng Demand at Suplay
sa Face Mask
CS
E
PS
10
S
D
Qd
.
10. II. Kalakalang Panlabas sa Tulong ng D-S Model
Sa pagkakataong ito, gagamitin
natin na halimbawa ang saging at baril
sa dalawang produktong lalabas at
papasok sa Pilipinas. Muling
matatandaan na ang bansa ay may
absolute at comparative advantage sa
pagprodyus ng sariwang saging ngunit
may absolute at comparative disad-
vantage naman sa paggawa ng baril.
Ang Pilipinas ay magluluwas ng
bigas subalit mag-aangkat naman ng
baril mula sa Australia.
Handa ka na ba sa gagawing
pagsusuri? Tara na!
11. II. Kalakalang Panlabas sa Tulong ng D-S Model
Walang Kalakalan:
PD (domestic price) = $2
May Kalakalan:
Q = 8,000 kilo
P
Pilipinas Bilang Exporter
ng Saging
PW (world price) = $3
DD (domestic demand) = 5,000 kilo
SD (domestic supply) = 11,000 kilo
Export = 6,000 kilo
Ang pagkakaiba ng presyo sa
pandaigdigang pamilihan ang nagbigay
daan sa kalakalan ngunit sino ba ang
tunay na nakinabang at nasaktan sa
sitwasyong ito? Ilapat natin ngayon ang
konsepto ng consumer at producer
surplus upang tayo ay maliwanagan.
3
2
0
.
5,000
Export = 6,000
.
8,000
.
11,000
S
D
Q
12. II. Kalakalang Panlabas sa Tulong ng D-S Model
Batay sa graph, ang mga
mamimili at nagtitinda ay nagkasundo
sa presyong $2 at sa daming 8,000 kilo
ng saging na pinapatunayan ng
kanilang mga consumer suplus (Area
A+B) at producer surplus (Area C).
Ang pagkakaiba sa presyo ng
saging sa lokal at dayuhang pamilihan
na kung saan mas mataas ang presyo
nito kumpara sa lokal na pamilihan ay
nagdulot ng pagtaas sa lokal na suplay
samantalang pagbaba naman sa lokal
P
3
2
A
Pilipinas Bilang Exporter
ng Saging
Export = 6,000
. .
B
C
S
D
na demand. Ang sarplas na may
daming 6,000 na kilo ng saging ay ang
magiging export ng bansa.
0 5,000 8,000 11,000 Q
.
13. II. Kalakalang Panlabas sa Tulong ng D-S Model
Sa pagluluwas ng Pilpiinas ng
saging, mapapansin ang pagliit ng
consumer surplus (Area A) dahil mas
kaunti na lamang ang kayang bilhin ng
mga konsyumer sa daming 5,000 na
kilo ng saging at sa mas mataas na
presyong $3.
Higit na malaki naman ang
kapakinabangan ng mga prodyuser ng
saging dahil sa paglaki ng kanilang
producer surplus (Area B+C+D). Ang
Area D ay ang karagdagang welfare sa
P
3
2
A
Pilipinas Bilang Exporter
ng Saging
gains from trade
. .
D
B
C
S
D
bansa na dulot ng pagluluwas
tinatawag na gains from trade.
na 0 5,000 8,000 11,000 Q
.
14. II. Kalakalang Panlabas sa Tulong ng D-S Model
P
Pilipinas Bilang Importer
ng Baril
Walang Kalakalan:
PD (domestic price) = $400 Q = 3,000 piraso
May Kalakalan:
S
PW (world price) = $300
DD (domestic demand) = 1,000 piraso
400
300 .
.
.
SD (domestic supply) = 5,000 piraso
Import = 4,000 piraso
Ang pagkakaroon ng absolute at
comparative disadvantage ng Pilipinas
0 1,000
Import = 4,000
3,000 5,000
D
Q
sa paglikha ng baril ang magbibigay
daan sa pag-angkat nito sa Australia. Sa
pagkakataong ito, sino naman kaya ang
makikinabang o hindi sa pag-aangkat ng
ating bansa?
15. II. Kalakalang Panlabas sa Tulong ng D-S Model
P
400
300
C
Pilipinas Bilang Importer
ng Baril
A
B
Import = 4,000
S
D
Sa panahong walang umiiral na
kalakalan, ang mga mamimili at
nagtitinda ay nagkasundo sa presyong
$400 at sa daming 3,000 piraso ng baril
na pinapatunayan ng kanilang mga
consumer suplus (Area A) at producer
surplus (Area B+C).
Ang pagkakaiba sa presyo ng
saging sa lokal at dayuhang pamilihan
na kung saan mas mababa ang presyo
nito kumpara sa lokal na pamilihan ay
nagdulot ng pagbaba sa lokal na suplay
0 1,000 3,000 5,000 Q samantalang pagtaas naman sa lokal na
demand. Ang kakulangan na may
daming 4,000 na piraso ng baril ay ang
magiging import ng bansa.
.
. .
16. II. Kalakalang Panlabas sa Tulong ng D-S Model
P
400
300
C
Pilipinas Bilang Importer
ng Baril
A
B D
gains from trade
S
D
Kapag nag-angkat naman ang
Pilpiinas ng baril, mapapansin ang pagliit
ng producer surplus (Area C) dahil mas
kaunti na lamang ang kayang ibenta ng
mga nagtitinda sa daming 1,000 na
piraso at sa mas mababa na presyong
$300.
Nakapagbigay naman ito ng
kapakinabangan sa mga mamimili
saging dahil sa paglago ng kanilang
consumer surplus (Area A+B+D). Ang
Area D ay ang karagdagang welfare sa
0 1,000 3,000 5,000 Q bansa na dulot ng pag-aangakat na
tinatawag na gains from trade.
.
. .
17. III. Epekto ng Kalakalang Panlabas
Talahanayan Blg 1. Epekto ng Kalakalang Panlabas
sa Consumer at Producer Surplus
PD < PW PD > PW
Daloy ng Kalakalan export import
Pagbabago sa
Consumer Surplus
Pagbabago sa
Producer Surplus
Pagbabago sa Total
Welfare ng Bansa
Ang pagkakaroong ng kalakalan ay may mabuti at di mabuting epekto sa ating
mga mamimili at nagtitinda na ipinakikita ng mga pagbabago sa kanilang mga
consumer at producer surplus. Ang ating ekonomiya sa kabuuan ay nagtala ng
paglago nang kanyang surplus o welfare dahil sa pagbukas ng bansa sa kalakalan.
18. III. Epekto ng Kalakalang Panlabas
Masasabing ang pagkikilahok ng Pilipinas sa kalaklang panlabas ay
nagbibigay ng mga mabuti at di-mabuting epekto sa konsyumer, prodyuser at sa
kalagayan ng ating pambasang ekonomiya. Ilan sa mga mabubuting epekto ng
pakikipagkalalan ay ang mga sumusunod:
1. Mas maraming produkto at serbisyo ang pagpipilian ng mga konsyumer;
2. Mas natutugunan ng bansa ang walang katapusang pangangailangan nito;
3. Pinagbubuti nang kalakalan ang antas ng teknolohiya sa bansa dulot ng
kompetisyon sa dayuhang kalakal na makapagpapabuti sa kalidad at
kantidad ng produkto;
4. Nagbibigay ng oportunidad sa mga kalakal ng bansa na makilala sa
pandaigdigang merkado;
5. Pinagkukunan ng buwis ng pamahalaan sa pagpasok imported goods;
5. Napapanatili ang ugnayan ng mga bansang kasapi rito; at
6. Mas nagiging episyente ang pamilihan sa pagharap nito sa mga suliranin.
19. III. Epekto ng Kalakalang Panlabas
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging panalo ang bansa sa
pagsali nito sa kalakalan. May mga pagkakataon na may negatibong
dulot ito sa mga mamamayang Pilipino gaya ng mga nasa ibaba:
1. Nalilinang ang colonial mentality ng mga Pilipino sa
pagtangkilik nito sa produktong banyaga;
2. Nagiging palaasa ang mga bansa sa mga produktong
inaangkat;
3. Paghina ng lokal at maliliit na industriya dulot ng matinding
kompetisyon sa mga naglalakihang dayuhang kompanya;
4. Mabilis na pagkaubos ng pinagkukunang yaman dahil sa
espesyalisasyon;
5. Pagkawala ng hanapbuhay ng mga manggagawang
Pilipino na kabilang sa infant industry; at
6. Pagpasok ng mga produktong nagdadala ng panganib sa
mga konsyumer.
20. “Ang paglahok ng isang bansa sa
kalakalan ay may positibo at negatibong epekto
sa mga mamimili at nagtitinda ngunit ang
kabuuang epekto nito ay nanatiling positibo para
sa kapakanan ng buong ekonomiya.”
Ako ay labis na nagagalak dahil
napagtagumpayan
mo ang paksang ito. Muli tayong magsasama upang
tutulaksin ang mga programa at polisya ng ating
pamahalaan na nakapagpapaunlad sa ating panlabas na
sektor.
Alam kong uhaw ka pa sa kaalaman sa Ekonomiks.
Tama ba? Ihanda ang sarili sa susunod na paksa.
21. Sanggunian:
1. Ekonomiks 9 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral.
(2016)
2. Balitao, B. R. et al. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at
Aplikasyon. Quezon City. Vibal Publishing Inc.
3. Pugel, Thomas A. (2009). International Economics. 17th edition.
Boston. McGraw-Hill