SlideShare a Scribd company logo
1 of 184
1
Tindog Tacloban
Mga Kwento ng Karanasan sa Pag-
Organisa ng Komunidad na Kasalukuyang
Bumabangon sa Hagupit ng Kalamidad
B asma n , M oha mmad Taj all ih
J avie r , P aul Dav e
M ader al , Lus ha F ranc esc a
M idua , Ca mil le A llen
D isye mbre 20 15
Departamento ng Pagpapaunlad ng Pamayanan
Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan
2
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Lungsod Quezon
#TINDOG TACLOBAN:
Mga Kwento ng Karanasan sa Pag-Organisa ng Komunidad
na Kasalukuyang Bumabangon sa Hagupit ng Kalamidad
Basman, Mohammad Tajallih
Javier, Paul Dave
Maderal, Lusha Francesca
Midua, Camille Allen
Disyembre 2015
3
Talaan ng Nilalaman
Kabanata 1: Panimula 1
Field Instruction Program 2
Kabanata 2: Paglalahad ng Konteksto 9
Epekto ng Yolanda sa Tacloban, Leyte 12
Dalawang taon matapos ang Bagyong Yolanda sa Tacloban 13
Mga inisyatibo ng pamahalaang nasyunal at lokal 14
Sitwasyon ng pabahay at rehabilitasyon 28
Kabanata 3: Pagsasalarawan ng Gawaing Fieldwork 47
Balangkas na gabay sa paggawa ng mga plano sa pag-oorganisa 48
Unang yugto ng gawaing fieldwork 54
Ikalawang yugto ng gawaing fieldwork 57
Proseso ng pagpasok sa komunidad 61
Kabanata 4: Mga istratehiyang ginamit sa pag-oorganisa 64
Pakikipamuhay 65
Capacity Building 66
Organizational Development 67
Community Mobilization 68
Leadership Development 69
Kabanata 5: Pinagsama-samang aral ng grupo 71
Papel ng Community Development sa pagbangon ng mga nasalanta 72
Relocation at recovery 72
Community Building at Empowerment 72
Build Back Better Approach 74
Pagiging malaya at may dignidad para sa ganap na buhay 75
Early recovery bilang approach ng pagtulong sa mga nasalanta 76
Pagtugon sa estado ng karapatang pantao 77
Kabanata 6: Mga hamon 79
Kabanata 7: Konklusyon at rekomendasyon 83
Community Development sa pag-oorganisa ng HOA 84
Disaster resilient= wellbeing 86
Kabanata 8: Mga piling pag-aaral sa komunidad 88
CD 126: Innovative Strategies in Community Organizing 89
CD 135: People’s Initiative and Economic Enterprises 98
Kabanata 9: Pagninilay-nilay at repleksyon ng grupo 109
Apendiks 119
4
MGA DAGLAT
BBMA-Bisig Bayan Medical Assistance
BOD-Board of Directors
CB-Community Building
CBL-constitution and By-Laws
CD-Community Development
CHCDO- City Housing and Community Development Office
CMP-Community Mortgage Program
CO-Community Organizer
CRRP- Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan
DILG- Department of Interior and Local Government
FGD-Focused Group Discussion
FIP-Field Instruction Program
GA-General Assembly
GMAKF-GMA Kapuso Foundation
GMAKV-GMA Kapuso Village
GMAKVHOA- GMA Kapuso Village Homeowners’ Association
HLURB-Housing and Land Use Regulatory Board
HOA-Homeowners' Association
HUC-Highly Urbanized City
IDP-Internally Displaced Person
INGO-International Non Government Organization
IRA-Internal Revenue Allotment
KSD-Kapuso Medical Development
LD-Leadership Development
LGU-Local Government Unit
LNCA-Learning Needs Capacity Assessment
LRRP-Local Government Rehabilitation and Recovery Plan
NDRRMC- National Disaster Risk Reduction & Management Council
NGO-Non-government Organization
NHA-National Housing Authority
OB-Operation Brotherhood
OD-Organizational Development
OPARR- Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery
PAR-Philippine Area of Responsibility
PCUP- Presidential Commission on the Urban Poor
PO-People's Organization
Project NOAH- Project Nationwide Operational Assessment of Hazards
RBS-Republic Broadcasting System
UDHA- Urban Development and Housing Act
5
EHEKUTIBONG PAGBUBUOD
Mula Agosto hanggang Nobyembre 2015, ang mga mag-aaral ng BS Community
Development mula sa UP College of Social Work and Community Development ng Unibersidad
ng Pilipinas (UP CSWCD) ay nanatili sa GMA Kapuso Village (GMAKV) Tacloban para sa
ikaapat na taon ng kanilang pag-aaral. Nasa ilalim ito ng Field Instruction Program (FIP) ng
kolehiyo kung saan ang mga mag-aaral ay makikipamuhay at mananatili sa isang komunidad
upang maranasan ang kanilang pang araw-araw na buhay at makatulong sa mga gawaing
pagpapaunlad dito.
Kaakibat ng UP CSWCD ang GMA Kapuso Foundation sa pagpapadala ng apat na mag-
aaral sa GMA Kapuso Village Tacloban upang makatulong sa capacity building ng mga bagong
opisyales ng kanilang Homeowners Association. Maliban sa guro na gabay mula sa kolehiyo na
si G. Victor Obedicen ay mayroon ding mangangasiwa sa mga mag-aaral mula sa Kapuso
Foundation na si Father Arnel Fortes, ang community organizer ng Foundation.
Ang GMA Kapuso Village Tacloban ay isa sa mga unang resettlement sites na naitayo at
natirahan ng mga mamamayan matapos ang Bagyong Yolanda. Mayroon itong 403 na housing
units kung saan ang mga nakatira ay galing sa Brgy. 88 ng Tacloban City, isa sa mga
pinakanaapektuhan ng nangyaring sakuna.
Mula nang dumating ang mga residente sa GMAKV, nagkaroon ng unti-unting
pagbangon mula sa bagyong Yolanda. Ngunit, karamihan pa rin sa kanila ay hirap sa pagbangon
sapagkat maraming nawalan ng mga mahal sa buhay. Marami rin ang nawalang ng mga
kabuhayan at pag-aari. Dahil dito, ang pagsisimula ng panibagong buhay at pagbangon ay
mahirap lalo na't karamihan sa kanila ay pangingisda ang kinabubuhay at malayo ang GMA
Kapuso Village sa kanilang pangisdaan.
Kahit mayroong mga problema at hirap sa pamumuhay ang ilan, mayroon rin namang
mga nakapagsimula na ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tindahan at
paghahanap ng ibang kabuhayan.
Nagsimula ang FIP team sa pakikipamuhay sa komunidad sa pagkilala sa mga residente
ng GMAKV pati sa officers ng kanilang HOA. Sa pakikipamuhay, naranasan ng FIP team ang
araw araw na pamumuhay ng mga residente. Nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang team
sa mga isyu at problema na kinahaharap ng mga taong nakatira sa isang resettlement area
matapos ang isang malaking sakuna.
Mula sa pagkilala sa mga residente at pagtingin sa kanilang mga isyu, nakabuo ang team
ng mga gawain para sa komunidad. Kabilang na dito ang isang project proposal making
workshop na nadaluhan ng mga block leaders. Maliban dito, nagkaroon rin ng isang leadership
training seminar para naman sa mga board of directors ng HOA.
Habang nagpapatuloy ang mga gawaing pagpapaunlad ng kasanayan ng mga lider, ang
FIP team ay nagpatuloy rin sa pakikipagkilala sa mga residente. Dito natuklasan nila na marami
sa mga residente ang kulang o walang partisipasyon sa HOA sapagkat ang paghahalal ng mga
6
opisyales ng HOA ay hindi naidaan sa prosesong kanilang ninanais. Sa naging eleksyon kasi ng
mga residente noong Agosto, pito sa mga board of directors ang pinili lang ng community
organizer, samantalang ang natitirang labingtatlo ay inihalal ng mga representante mula sa mga
blocks.
Dahil sa hindi maayos ang naging proseso ng pagpili ng mga opisyales ng HOA,
nagdulot ito ng hindi pakikiisa ng ilang mga residente sa mga gawain lalo na iyong galing sa
mga blocks na walang representante sa board. Ang mga ganitong reklamo ay nakarating hindi
lamang sa loob ng komunidad ngunit pati na rin sa City Housing and Community Development
Office (CHCDO) ng Tacloban. Pati rin si Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban ay nagtungo sa
GMAKV upang makausap ang mga residente, mga opisyales, pati na rin ang community
organizer upang magkaroon na ng pagkakaisa dito.
Ang CHCDO ang ahensya na namamahala sa relokasyon at paglalaan ng serbisyo sa mga
resettlement sites sa Tacloban. Mula pa nung una, hindi ito pabor na magtayo na ng HOA ang
GMAKV sapagkat ayon sa kanila, maaaring maayos ang pamumuno sa komunidad kahit hindi
muna pormal na HOA ang maitayo. Ngunit hindi ito pinakinggan ng community organizer ng
GMA kaya naman nagpatuloy ang pag-aayos at pagpaparehistro ng GMAKVHOA. Nagtungo rin
ang mga tao mula sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) sa GMAKV upang
masimulan na ang proseso ng pagpaparehistro ng HOA.
Ang mga kaganapang ito ang naging laman ng unang pitong linggong pananatili ng FIP
team sa gawaing field. Sa pagbabalik nila para sa ikalawang yugto ng gawaing field, nagkaroon
naman ng mga panibagong gawain para sa kanila hindi lamang sa aspeto ng mga gawain ngunit
pati ang kanilang personal na pakikitungo sa mga tao sa komunidad. Sapagkat nang sila ay
makabalik na, hindi naging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa kanila sapagkat nalaman nila
na mayroong agam-agam ang FIP team sa nagiging proseso ng pag-oorganisa ng community
organizer. Hindi ito naging madali sapagkat kinakailangang makipagtulungan ng FIP team sa
mga residente sa mga gawain kahit hindi bukas at aktibo ang partisipasyon ng mga ito.
Nagkaroon din ng utos ang community organizer na imbis sa mga host families umuwi ang FIP
team ay pinanatili sila sa opisina ng GMAKF.
Ang tensyon na ito ay mas lumawig pa nang mapagdesisyunan ng GMAKF na pabalikin
na ang community organizer sa Maynila at patigilin na sa kanyang trabaho sa GMAKV. Nang
makarating ang balitang ito sa mga opisyales, nagkaroon sila ng halo-halong emosyon kabilang
na rito ang lungkot sa pagkawala ni Father Arnel, at pagkagalit sa FIP team sapagkat sa tingin ng
mga opisyales ay sila ang nagdulot ng pagkakatanggal sa trabaho ni Father Arnel.
Naging mahirap ang pakikihalubilo ng FIP team sa mga residente pagkatapos ng mga
naganap na ito. Iilan lang sa mga opisyales ang kumakausap sa kanila. Hindi rin makapagpatuloy
sa mga gawaing nakalatag sapagkat hindi ito maisaayos kasama ang mga lider.
Nagkaroon lamang ng paglilinaw at paunti-unting pagbalik ng tiwala at pagiging panatag
ng mga opisyales sa FIP team nang magpunta si Ma'am Mel Tiango, ang head ng GMAKF, sa
komunidad. Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit wala na si Father Arnel at kung ano ang
mga susunod na hakbangin ng foundation para sa komunidad. Dito rin nailahad ng FIP team ang
7
plano na magkaroon ng konsultasyon ng Constitution at By-laws (CBL) sa lahat ng residente
upang magkaroon sila ng CBL na naidaan sa tamang proseso at angkop para sa kanilang mga
pangangailangan. Nasabi rin ni Ma'am Mel magkakaroon na rin ng eleksyon ng mga opisyales
ng HOA na maidadaan sa prosesong kanilang nais.
Nagpatuloy na ang mga gawain ng FIP team sa komunidad. Kabilang na rito ang
pakikipagtulungan sa mga opisyales ng HOA sa isang presentors training kung saan nagkaroon
ng pagsasanay kung paano nila ipapakita at ipapaliwanag ang mga nilalaman ng CBL. Matapos
ito, nagkaroon na ng serye ng konsultasyon ng CBL sa mga residente, Nagawa ito sa
pakikipagtuwangan naman ng FIP team sa CHCDO.
Matapos ang serye ng mga konsultasyon, naihanda at napagsama-sama na ang mga
gustong I-amyenda ng mga residente sa kanilang CBL. Nagsilbi itong bahagi ng paghahanda
para sa General Assembly kung saan maaamyenda na ang CBL at pagkatapos nito ay
magkakaroon na ng eleksyon para sa mga bagong opisyal ng HOA. Nagkaroon ng mainit na
pagtangkilik ang mga residente sa General Assembly. Marami ang nakadalo kaya naman
naamyendahan na ang CBL at nakapagpatuloy na sa eleksyon. Natapos ng matiwasay ang
eleksyon na nagkaroon naman ng positibong pagtanggap sa mga residente.
Ang eleksyon ang naging huling gawain ng FIP team para sa GMAKVHOA. Ngunit,
hindi dito nagtapos ang gawain ng team sapagkat bago umalis sa field ay nagkaroon rin ng
tuluyang pakikipag-ayos sa mga opisyales na lubhang naapektuhan sa pag-alis ng community
organizer. Nasigurado ng team na ang kanilang relasyon sa mga residente ay hindi nila iiwang
sira sa kanilang pag-alis. Sapagkat maliban sa mga gawain na nakatulong sa HOA, ang mga
karanasan sa araw-araw nilang pamumuhay ang kanilang baon sa pagtatapos ng gawaing field.
1
KABANATA 1: PANIMULA
2
ANG FIELD INSTRUCTION PROGRAM
Sa ikaapat na taon ng mga mag-aaral ng kursong Pagpapaunlad ng Pamayanan o
Community Development (CD) sa Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng
Pamayanan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay sumasailalim sila sa Field Instruction
Program o FIP.
Sa Field Instruction Program (FIP) ipinapadala ang mga mag-aaral sa iba’t ibang mga
katuwang na pamayanan upang makipamuhay sa loob ng dalawang semester at tumulong sa mga
gawaing pag-oorganisa. Sa pagtungo sa pamayanan, mayroong kaagapay ang mga mag-aaral na
isa o dalawang guro bilangfaculty supervisor/s. Sila ang mga gagabay ng mga mag-aaral sa
kanilang pakikipamuhay at paggampan ng mga gawain sa pamayanan.
Nilalayon ng programang ito na:
● Matuto ang mga mag-aaral sa pamamagitan nang pagsasapraktika ng mga teoryang
natutunan sa akademiko at sa kasama na rin ang pakikipag-aralan sa mga tao sa
komunidad;
● Iugnay ang mga natutunang istratehiya at teorya sa praktika;
● Pagyamanin ang mga natutunang mga teorya at paunlarin ang kamalayan mula sa
pakikipamuhay sa pamayanan;
● Maisabuhay at makatulong sa pamamagitan nang paglilingkod sa pamayanan at sa
bayan;
● Paunlarin at palakasin pa ang mga kakayahan sa gawaing pagpapa-unlad
Mula sa karanasan sa integrasyon, pakikipamuhay at pakikiisa sa mga gawain sa
pamayanan ay nagkakaroon ng bagong karanasan, pagtingin at kakayahan ang mga mag-aaral.
Kaakibat nito ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maisa-praktika ang mga
kaalaman at kasanayan sa gawaing pagpapaunlad at pag-oorganisa ng pamayanan na natutunan
sa pamantasan.
Upang maisakatuparan ang mga layunin ng FIP, ang Departamento ng Pagpapaunlad ng
Pamayanan ay nakikipag-ugnayan sa mga institutsyon katulad ng Local Government Unit
(LGU), Non-government Organization (NGO), People’sOrganization (PO) at iba pang mga
ahensya at organisasyon na ang kapwa minimithi ay matulungan at gabayan ang mga pamayanan
sa pag-unlad. Mayroong isa o higit pang kinatawan mula sa mga mapipiling ahensya at
organisasyong na magiging katuwang ng mga mag-aaral sa pag-oorganisa sa pamayanan upang
maging partner agency supervisor.
Sa FIP makikita ang pagbabalik sa mga tao sa komunidad ng mga mag-aaral ang
natutunan sa pamamagitan nang pagbibigay serbisyo sa kanila. Sa FIP ginagamit ng mga mag-
3
aaral ang mga kakayahan patungkol sa pag-oorganisa ng pamayanan, pagplano, pagpapaunlad
ng panlipunang negosyo, pagtukoy at pagsasakatuparan ng mga inobatibong istratehiya sa
pamayanan, pagpapakilos at pamamahala sa mga miyembro ng pamayanan at iba pang mga
kasanayang naaangkop sa pamayanang paglilingkuran.
Layunin ng Field Instruction Program sa GMA Kapuso Village Tacloban
Inaasahan na sa pagtatapos ng apat na buwang pakikipamuhay sa pamayanan ay matugunan
ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
● Magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga mag-aaral at ang GMA Kapuso
Foundation tungkol sa tunay na kalagayan ng GMA Kapuso Village sa New Kawayan,
Tacloban City.
● Palakasin at organisahin ang samahan ng (GMAKVHOA) sa pamamagitan nang
paglinang ng mga kakayahan at katangian sa pamamahala na angkop para sa samahan.
● Gabayan ang mga residente sa pagpapaunawa ng proseso ng pabahay sa relokasyon.
● Pagpapaunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng Constitution and By-laws sa
GMAKVHOA at pagpapakilos sa mga lider tuwing block consultation at general
assembly.
● Makapagbigay ng lugar para sa mga lider ng samahan na mapagnilayan at
maisakatuparan ang pagbuo at pamamahala sa pamayanan.
● Matulungan ang na magkaroon ng iba pang katuwang ang GMAKV maliban sa GMA
Kapuso Foundation (GMAKF) para tuluy-tuloy ang pag-unlad sa oras na matapos na ang
tungkulin ng ahensya sa pamayanan.
KATUWANG NA AHENSYA AT KOMUNIDAD
Ang katuwang na ahensya ay ang sumusuporta at nagbibigay ng pondo sa mga pangangailangan
ng FIP team sa gawaing pag-oorganisa sa komunidad upang makamit ang kanilang layunin na
makabangon sa sakunang naransan dahil sa Yolanda sa tulong ng mga mag-aaral. Bilang
nagpamahagi sila ng bagong tirahan sa mga taga Brgy. 88 ng Tacloban. Nais ng katuwang na
ahensya ma-organisa ang mga tao at magkaisa sa komunidad. Kasama rin ang katuwang sa pag-
gawa ng workplan atsabay na nagpaplano sa mga tunguhin na nais makamit ng pamayanan
habang ang katuwang na komunidad ang kasama ng FIP team upang matuto at makipag-aralan sa
bawat isa.
Habang ang katuwang na komunidad ay ang tinutulungan ng FIP team sa kanilang mga gawaing
pang komunidad tulad ng pagpapalakas ng samahan at pag-oorganisa. Kasama itong nakikipag
aralan upang tukuyin ang mga problema at solusyon.
4
GMA Kapuso Foundation
Ang GMA Kapuso Foundation, Inc. (GMAKF) ay isang non-stock at non-profit na
organisasyon na naitatag noong ika-24 ng Abril, taong 1991 sa ilalim ng pangalang Republic
Broadcasting System (RBS) Foundation. Ito aynaging GMA Foundation noong 1996, hanggang
maging GMA Kapuso Foundation, Inc. noong 2003. Isa itong organisasyon na binubuo ng mga
taong nagnanais tumulong sa pakikipagkawanggawa sa kapakanan ng nakararami. Ang GMAKF
ay nakipagtulungan din sa ibang organisasyon para maisagawa ang mga proyekto nito. Ang isa
sa mga pangunahing hangarin ng GMAKF ay ang manguna sa pagtulong sa pag-angat ng buhay
ng mga naaping miyembro ng ating lipunan sa pamamagitan ng Serbisyong Totoo at ang
responsableng paggamit ng media.
Upang maisulong ang mga hangarin ng ahensya, mayroon silang iba't ibang proyekto at
programa na nagbibigay-pansin sa kalusugan, edukasyon, tulong sa mga nasalanta, at values
formation. Isinasagawa ang mga programang ito sa iba't ibang lugar sa bansa.
Ilan sa mga programang ito ay ang Bisig Bayan Medical Assistance (BB) para sa
kalusugan na tumutulong makapagbigay ng tulong medikal sa mga kababayang walang
pangtustos sa gamutan; Unang Hakbang sa Kinabukasan kung saan naman nabibigyan ng mga
gamit sa eskwela ang mga bata; Kapuso School Development (KSD) project kung saan
nagpapatayo ang foundation ng mga eskwelahan sa tulong ng mga tao sa komunidad; Operation
Bayanihan bilang programa naman para sa mga nasalanta ng mga kalamidad; at marami pang
iba.
Isa ring proyekto ng foundation ay ang Kapuso Village Project na nakalaan para sa
kapakanan ng mga naapektuhan ng mga natural na kalamidad. Para sa GMAKF, ang Kapuso
Village Project ay hindi lang normal na pabahay sapagkat ito rin ay sumisimbulo ng pag-asa at
bagong simula para sa mga taong maninirahan dito.
Ang unang Kapuso Village ay naipatayo noong 2006 sa Lilo-an, Southern Leyte. Isang
daang (100) bahay ang naipamigay para sa mga nasalanta ng St. Bernard Landslide. Sumunod
dito ang mga Kapuso Villages sa Iligan City na inilaan naman para sa mga biktima ng Bagyong
Sendong. Ang GMA Kapuso Village (GMAKV) sa Tacloban City ay ang ikaapat na Kapuso
Village para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Ang ikalimang Kapuso Village ay
matatagfpuan naman sa Palo, Leyte kung saan naging biktima rin sila ng Bagyong Yolanda Ang
pomdo ay nagmula sa donasyon ng iba't ibang pribadong kumpanya at kung minsan ay
nagbibigay serbisyo sa GMAKF. Katulong rin ng foundation ang iba't ibang ahensya ng
gobyerno mapalokal o nasyunal.
GMA Kapuso Village-Tacloban
Ang GMA Kapuso Village (GMAKV) ay matatagpuan sa Brgy. 106 sa Lungsod ng
Tacloban. Ito ay ang unang pabahay na nakumpleto sa Lungsod ng Tacloban matapos ang
bagyong Yolanda ayon sa City Housing Office. Binubuo ito ng apatnapu’t tatlong daang (403)
5
yunit na nahahati sa dalawampu’t isang (21) blocks. Nahahati din ito sa anim (6) na phases na
batay sa pagkapangkat-pangkat ng pagkakalipat. Unang nalipatan ito ng mga benepisyaryo
noong Nobyembre 2014, isang taon matapos ang Yolanda. Sa ngayon, tatlumpu’t siyam na raan
(393) na bahay na ang okupado dito. Ang isang bahay ay may sukat na limampung metrong
kuwadrado (50 sqm) na lot area at apatnapu’t dalawang metrong kuwadradong (42sqm) floor
area.
Ang pagpapatayo ng GMAKV ay natupad sa pakikipagkatuwang ng GMA Kapuso
Foundation sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Tacloban at sa National Housing Authority
(NHA). Ang GMAKF ang nagbigay ng istruktura ng bahay, ang NHA ang nag-ayos ng lupang
pagtatayuan ng bahay, at ang lokal na pamahalaan ng Tacloban naman ang nagtaya sa
pagkakaroon ng kuryente at tubig sa lugar. Dahil bahay lang ang ibinigay ng GMAKF, hindi
pagmamay-ari ng mga benipisyaryo ang lupa na pinagtayuan ng bahay. Ngunit pagkalipas ng
limang taon ng kanilang paninirahan ay maaari na nilang bayaran ang lupa. Mayroon din naman
silang karapatan na magdesisyon kung nais ba nila itong bilihin o hindi.
Ang mga naging benepisyaryo ng pabahay sa GMAKV ay pawang mga taga-Brgy. 88 ng
Tacloban isa sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng bagyo. Ito ang pinakamalaking barangay
ng lungsod batay sa dami ng populasyon. Maliban sa pagiging residente ng Barangay 88,
mayroon pang ibang kwalipikasyon upang maging benepisyaryo ng GMAKF. Kabilang dito ang
mga sumusunod: (1) Mayroong anim o pitong miyembro sa pamilya; at (2) Hindi kawani o
empleyado ng gobyerno at kumikita ng hindi hihigit sa labing apat na libong piso (P14,000.00)
sa isang buwan. Kung hindi sakop ng mga kwalipikasyon ngunit bulnerable ang sitwasyon ng
pamilya ay maaari pa ring mabigyan ng pabahay.
GMA Kapuso Village Homeowners Association
Ang GMAKVHOA ay isang samahan ng mga pinuno na nabuo upang mamahala sa mga
residente at GMKV Tacloban. Naitatag noong Agosto 2015 at pormal na narehistro sa HLURB
bilang HOA noong Oktubre 2015. Sila ay tinatag bilang mga lider upang mapangasiwaan ang
mga proyekto at bilang tumayong gobyerno sa loob ng komunidad lalo na kapag may gulo o
hindi pagkakaintindihin. Bukod dito ay sila rin ang bahalang mag-asikaso sa mga gustong
baguhin o idagdag sa komunidad tulad na lamang ng mga pasilidad, pag-aayos ng mga daan at
bahay. Sila rin ay inaasahang mamuno at kumatawan para sa GMAKV-Tacloban.
Ang unang naging kasapi ng HOA ay ang pitong (7) tinalaga ng CO upang maging key
officers at ang labing apat(14) parte ng BOD na dumaan sa proseso ng botohan kada block. Ang
bawat block ay pipili ng kanilang representante upang kumatawan para sa kanilang block noong
botohan.
Ayon sa RA 9904 o Magna Carta for Homeowners and Homeowners' Associations.
Nilalayon nito na hikayatin, respetuhin at maisulong ang pagtatatag ng PO na mayroong
kolektibong interes at mapanglahok na pamamaraan. Kaya naman nagkaroon ng polisiya ang
gobyerno bigyang karapatan ang mga tao na bumuo ng unyon at asosayon na maaaring
magsulong ng karapatan ng mga tao. Samakatuwid inaasahan na ang gobyerno ay magbibigay ng
mga rekurso na mayroon sila upang maisakatuparan ang mga pangangailangan at interes ng
6
pamayanan. Kasama ang LGU na magbibigay ng mga batayang serbisyo sa mga tao at tutulong
na magimplementa ng mga polisiya, programa, batas at ordinansa ng lokal at nasyunal na
ahensya ng gobyerno para sa pagpapaunlad ng mga komunidad.
Sinasabi sa sec 10 ng RA 9904 na ito ang mga sumusunod na kapangyarihan o karapatan
ng isang HOA:
“Ang mga kapangyarihan at katungkulan ng Asosasyon ang nakasaad
saSection10ngRA9904(MagnaCartafor
HomeownersandHomeownersAssociations),saSection49ngImplementing
Rulesand RegulationsngRA9904,at saarticlesofincorporation a t by -la ws ng
Asosa sy on.
Kasama sa kapangyarihan at katungkulan ng Asosasyon ang sumusunod:
(a) Baguhin o palitan ang mga articles of incorporation, by-laws,
atrulesandregulationssa pamamagitan ng pagkonsultaat pag-
aaprubangsimplemajority ng mga miyembro.
(b)Mamahala sa mga suliranintungkol sa kapakanan ng Asosasyonat ng village,
pwera na lamang sa mga usaping hindi nasasakupan ng Asosasyon.
(c) Pangasiwaan at isaayosang mga commonareas at improve ang mga ito
hanggang sumusunod ito sa mga provision ng approved na subdivision plan.
(d) Pangasiwaan ang paggamit samga daanan sa village para mapangalagaan
ang privacy, katahimikan, seguridad, kaligtasan at kaayusan ng trapik. Pero
dapat ito ay: (1) inaprubahan sa publicconsultations;(2) sumusunod sa mga
batas at alituntunin;(3)humingi ng permiso sa kinauukulan; at,(4)may kaukulang
mga dokumento tulad ng memorandum of agreement sa mga kinauukulan.
(e) Pangasiwaan ang pagkuha sa mga empleyado o contractors upang masiguro
ang maayos na pamamalakad sa Asosasyon at sa village;
(f) Bumili o magbenta ng real property o association property, kung aaprubahan
ng simple majority ng mga miyembro ng Asosasyon.
(g) Siguraduhin na mayroong kalidad na water services ang village na may
resonableng presyo.
(h) Ipagamit o iparenta ang mga common areas sa village, maliban sa mga
daanan at kalsada,
(i) Mangolekta ng kaukulang fees sa paggamit ng open spaces, facilities, at
services ng asosasyon para sa operational expenses ng mga ito.
(j) Bantayan ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa National Building Code,
zoning laws, HLURB rules and regulations, at local ordinances.
7
(k) Makonsulta at wastong koordinasyon sa pagtatayo ng mga establishemento
tulad ng schools, hospitals, markets, grocerystores o iba pang mga katulad na
establishimento namakakaapekto sa takbo ng pamumuhay sa village.”
(l) Suspendihin ang mga pribilehiyo o magpataw ng karampatang parusa sa mga
miyembro kung may nilabag o hindi sinunod na patakaran o alituntunin ng
Asosasyon.
(m) Magpetition sa pagtatayo ng panibagong barangay na nakabatay sa Local
Government Code of 1991
(n) May kapangyarihan na magdesisyon na nakabase sa by-laws at HLURB basta
patungkol sa governance at operasyon ng asosasyon”
Lahat ng relocation sites sa Pilipinas ay binigyang mandato ng HLURB na magtatag ng
isang HOA upang pamahalaan at pangasiwaan ang mga village o subdivision. Ang GMAKV-
Tacloban ay bagong komunidad at sa iba;t ibang parte ng Brgy. 88 ang mga tao dito. Ang iba ay
hindi magkakakilala. Mahalaga ang HOA upang maging maayos at tahimik ang kanilang
pamumuhay sa bagong kinabibilangan na komunidad.
Sa pagdami ng mga residente sa village ay nagkaroon na rin ng pangangailangan upang
magkaroon ng mga taong tatayong lider sapagkat ayon sa mga nakaraang karanasan ng GMA
Kapuso Foundation (GMAKF), nagkakaroon ng pagpapabaya ang mga tao sa komunidad ilang
buwan o taon matapos maibigay ang proyektong pabahay. May mga pagkakataon na nagiging
magulo ang komunidad o kaya naman may mga nagbebenta ng kanilang mga bahay.
Dahil dito, nagtalaga ng community organizer (CO) ang GMAKF sa lugar na tutulong
upang magkaroon ng mga lider sa komunidad at maisaayos ang relasyon ng mga tao sa isa’t isa.
Batay sa isinagawang pagsusuri (needs assessment) ng nasabing CO, ang pamamahala sa
komunidad ay matutugunan sa pamamagitan ng pagtatatag isang Homeowners Association
(HOA)
Ngunit may iba't ibang isyu na kinakaharap ang nabuong HOA sa komunidad. Ang ilan
ay hindi kinikilala bilang mga lider ang mga opisyales dahil ito ay hindi dumaan sa mapanglahok
na proseso pagdating sa pagtatalaga o botohan HOA. Ang iba kasi ay itinalaga (appointed)
lamang ng CO at ang iba ay pinagbotohan ng mga tao sa komunidad. Hindi rin naging
mapanglahok kundi naging authoritative ang prosesong ginamit sa pag-oorganisa ng mga tao ng
dating CO ng GMAKF na si Father Arnel Fortes kaya nagkaroon ng pagkahati sa sa dalawang
grupo ang mga tao sa komunidad.
Nagkaroon ng personal na alitan si Father Arnel at si Kapitana Montalban ng Brgy. 88
dahil ang balita ay gustong gawing extension ang GMAKV ng Brgy. 88. Kung tutuusin kasi base
sa populasyon na nalipat dito ay puwede na itong maging isang Barangay. Ito ay nag ugat ng
pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Ang mga dating tauhan, brgy. worker at mga dating
lider ay masama at walang intensyon na mabuti ang tingin ng dating CO. Doon nagmula ang
pagkahati ng grupo dahil sa pananaw ni Father Arnel dapat ang HOA ay maging independent at
8
kumalas na sa LGU. Isa sa kaniyang mga dahilan ay madumi raw ang politika sa lugar kaya
naman hindi na niya ninanais na mabahirap ng duming ito ang GMAKV. Ang alitan nilang
dalawa ay nagbunga ng hindi rin pagkakaintindihan ng mga residente at hindi pagkakaroon ng
pagkakaisa sa komunidad. Nakikita ito sa pamamagitan ng mahinang partisipasyon ng mga tao
sa Homeowners Association.
9
KABANATA 2:
PAGLALAHAD NG KONTEKSTO
10
Tacloban, Leyte
Ang Tacloban ay matatagpuan sa Cancabato Bay katabi ng San Juanico Strait na
naghahati sa probinsya o isla ng Leyte at Samar, ito ay ang dating kapital ng Pilipinas noong 20
Oktubre 1944 hanggang 27 February 1945.
Batay sa 2010 Census of Population and Housing (CPH), mayroong 45,478 na
household, at tumatayang 221, 174 katao ang naninirahan sa siyudad ng Tacloban. Ito rin ay
tinalagang pinakapopuladong siyudad sa buong rehiyon ng Eastern Visayas. Ang siyudad ay
idineklara na isang highly urbanized city (HUC) noong Disyembre 2008. Ito ang kauna-unahang
HUC sa Silangang Visayas, at ika-34 naman sa buong Pilipinas.Ang Tacloban ay nakapwesto sa
Hilagang Silangan ng Lalawigan ng Leyte.Ito ay may layong 580km mula sa Maynila. Mayroon
itong lawak na 201.7 kilometrona binubuo ng 138 na barangay.
Sa loob ng ilang dekada, ito ang nagsilbing sentro ng komersyo, edukasyon, at iba pang
mga aktibidad pang ekonomiya ng Rehiyon VIII. Base sa tala ng National Statistical
Coordination Board noong taong 2013, mayroong 40 na pampubliko at 18 na pribadong
mababang paaralan habang 14 na pampubliko at 15 naman ang pribadong mataas na paaralan. Sa
kolehiyo naman ay may 3 pampublikong paaralan at 15 pribado.
Ayon sa CPH,Brgy. 88 ang pinaka populadong lugar itong barangay din na ito ang lubos
na hinagupit ng Yolanda at pinakamarami ang bilang ng namatay.
Ang Tacloban ay isang First Class City. Ang Internal Revenue Allotment (IRA) nito
noong 2013 ay umabot sa P424 million. Ibig sabihin ang IRA per capita ng siyudad ay P1,916.
Bilang sentro ng komersyo sa rehiyon, nandito nakatayo ang Robinsons Place Tacloban, Save
More, at Gaisano Central. Nagtayo din ng establisyimento ang mga kompanya gaya ng Toyota,
Ford, Chevrolet, Hyundai, Mitsubishi, Suzuki, Isuzu, Foton Motors, at Pilipinas Hino
Incorporated. (National Statistical Coordination Board, 2013)
Bagyong Yolanda (International Name: Haiyan)
Base sa MercyCorps, isang INGO na tumutulong makabangon sa mga komunidad o
lugar na nakaranas ng isang mabigat na delubyo. Ang Bagyong Yolanda ay kinikilalang
kaunaunahang pinakamalakas na bagyong tumama sa lupa, nasira nito ang mga isla ng Pilipinas
na nasa kategorya 5 ang lakas ng bagyo at bilis ng hangin na umaabot ng 195 mph. Ang lakas
ng bagyo ay may bugso ng hangin ay umabot sa 235mph na nakagawa ng labing tatlong
talampakang( 13ft) daluyong-bagyo (storm surge).
11
Ang ilustrasyong nasa taas ay nagpapakita ng aktwal na dinaanan ng Bagyong Yolanda
kasama ang estimadong oras ng pagtama sa lupa at ang mga pinaka naapektuhang mga parte
ng rehiyon.
Noong ika-6 ng Nobyembre taong 2013, pumasok sa silangang bahagi ng Mindanao ang
Bagyong Yolanda, kilala din bilang Haiyan. Kinabukasan ay lumakas pa ito at nagpatuloy
pakanluran hilagang-kanluran patungo ng Silangang Visayas. Ganap na 4:40AM ng Nobyembre
8, 2013 nangyari ang unang pagtama sa lupa ng bagyo. Ito ay sa Guiuan, Eastern Samar at
nagpatuloy pa hanggang sa ikalawang pagtama sa lupa sa Tolosa, Leyte ng 7:00AM. Ang ikatlo
ay sa Daanbantayan, Cebu ng bandang 9:40AM samantalang ang ikaapat ay nangyari isang oras
makalipas sa isla ng Bantayan sa Cebu. 12:00 nang mangyari ang ikalimang pagtama sa lupa sa
Concepcion, Ilo-ilo. Ang huli ay nangyari sa Busuanga, Palawan ng 8:00 ng gabi. Humina nang
kaunti ang bagyo nang nagtungo ito sa West Philippine Sea. Ang Yolanda ay umalis sa PAR ng
1:40PM ng Nobyembre 9. (NDRRMC, 2013)
Epekto ng Bagyong Yolanda sa Pilipinas
Simula 1970 hanggang 2013, mayroong 720 na tropical cyclones na pumasok sa PAR.
Base sa tala ng NDRRMC, ang bagyong Yolanda ang pumapangalawa sa listahan ng mga
pinaka-malalalang bagyong marami ang kinitil na buhay at ito ang kauna-unahangsuper
thypoonna pumasok sa Pilipinasdahil huli na nang maabesuhan ang mga tao at lubos na
naunawaan ang ibig sabihin ng storm surge o daluyong.Kaya naman hindi agad nakalisan ang
mga naninirahan sa danger zones. Ang mala tsunami na alon ang kumuha ng buhay ng
karamihan.
12
Ito ay nagdulot ng humigit kumulang na P9.46Bna pagkasira ng mga ariarian . P9.09B sa
mga ito ay pagkasira ng mga pang-agrikultural na taniman at umabot naman sa humigit
kumulang na P371M para sa imprastuktura.Itinataya na mayroong 3,424,593 na pamilya o 16,
078, 181 katao ang naapektuhan ng bagyo mula sa Rehiyon ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol,
Western Visayas, Eastern Visayas, Central Visayas at Caraga. Kasabay ng pagkawala ng mga
ari-arian ay nawala rin ang mga alagang hayop at pinagkakakitaan. Ang taniman ng mga palay
ang matinding tinamaan. Umabot sa 155,366 na ektaryang lupa na may tanim na palay ang
apektado. Nagkakahalaga ng P7.7B ang pagkalugi sa produksyon.
Ang lupa naman na may tanim na mais ay may sukat na 86,192 ektarya at ang lahat ng ito
ay nasira.
Ang halaga ng lahat ng pagkasira ng mga alagang hayop , palaisdaan at mga pasilidad ng
irigasyon ay P1.3B. Ito ay isang malaking unos na lubos na makakaapekto sa mga lugar na
nakadepende ang kanilang kabuhayan sa mga nabanggit.
Ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs umabot sa
12.9M ang apektado ng bagyo 1.9M dito ay nawalan ng bahay na titnitirhan.
Base sa naitala ng NDRRMC ang bagyo ay nagdulot din ng pagkasawi ng 6,300 katao,
28,688 na sugatan, habang 1,062 ang kasalukuyang nawawala. Sa kabuuan 93.68% ng mga
namatay, 94.72% ng nawawala, at 91.28% ng sugatan ay nagmula sa Rehiyon VIII o Eastern
Visayas.Ang ibang nakakapanayam sa Tacloban ay nagsasabi na halos 10,000 katao ang namatay
sa bagyo. Base naman sa ulat ng GMAKF, 6,000 katao ang namatay sa bagyo.
a) Epekto ng Yolanda sa Tacloban, Leyte
Noong Nobyembre 7, 2013, naglabas ang Storm Surge Hazard Mapping Team ng Project
NOAH ng listahan ng mga lugar na tatamaan ng daluyong ng bagyong Yolanda. Ang Tacloban
ay pangatlo sa listahan. Inaasahan na aabot sa taas na 4.5 metro ang tatamang storm tide level.
Ang epekto ng daluyong ng Yolanda sa siyudad ng Tacloban ay ang pagpanaw ng 2,646 at
pagkawala ng 701 na katao. (Lagmay, et al., 2013)
13
Ang social sector ng Tacloban ay naapektuhan at humigit kumulang na P3,445,080,
055.54 ang pinsalang naitala batay sa tatlong sub-sectors nito: a) education; b) health; c)
housing. Sa talang ito, ang epekto sa mga eskwelahan, gamit sa eskwelahan, ospital, gamit sa
ospital, at mga tinitirahan ng mga apektado ng bagyong Yolanda. P223, 979, 926.00 naman ang
epekto sa sektor ng produksyon sa siyudad. Ang tinutukoy sa sektor na ito ay ang pinsala sa
agrikultura, palaisdaan, minahan, atbp.
b) Dalawang Taon Matapos ang Bagyong Yolanda sa Tacloban
Matapos ang dalawang taon ang Tacloban ay hindi pa rin makakalimutan ang trahedyang
dinulot nito sa mga tao sa lungsod. Kada sumasapit ang petsa ng Nobyembre 8 ay nagkakaroon
ng programa para sa pag gunita ng araw na tumama ang bagyo kung saan marami ang
naapektuhan at kinuhang buhay. Ang bawat daan sa lungsod ay pinuno ng kandila para sa mga
namatay noong bagyo at naghuhuntahan ang mga tao tungkol sa mga kanilang karanasan.
Tinapos ang programa sa pamamagitan ng pagpapalipad ng sky lanterns.
14
c) Mga inisyatibo ng pamahalaang nasyunal at lokal
Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR)
Ang pagbuo ng OPARR o Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and
Recovery ay nanggaling mula sa Memorandum Order No. 62 na pinirmahan noong Disyembre 6,
2013 ni Pres. Benigno Aquino Jr. sa Malacañan Palace.Gampanin nito na pamahalaan at
makipag koordina para sa rehabilitasyon at mapabilis ang pag-aayos ng mga apektadong lugar.
Obligasyon ng opisina na gumawa ng isang strategic vision at pinagisang short-term, medium-
term, at long-term na plano at programa. Ang opisina din ay nararapat na makipag-koordinasa
NDRRMC at ang mga kasama nitong ahensiya, magkonsulta sa mga lokal na pamahalaan
tungkol sa paggawa ng mga plano at programa para sa rehabilitasyon, pagbangon, at pagunlad ng
mga apektadong lugar. Ang paglalatag rin ng proposal ng funding support para sa
implementasyon ng mga plano at programa ay isa sa mga mandato ng opisina. (OPARR, 2014)
Cluster Approach ng OPARR
Upang magampanan ang responsibilidad na ikonsolida, ang lahat ng mga ahensya ng
gobyerno na may kinalaman sa pagtulong para sa pag-ahon ng mga naapektuhan ng Yolanda,
bumuo ng 5 cluster ang OPPAR: Ang 5 klaster ay inaasahang tutugnon sa pangangailangan ng
mga nasalanta at matiyak na maibalik ang dating pamumuhay. Inaasahan na ang papel bawat
ahensya ng gobyerno ay sisiguruhin ang pagpapatupad ng mga proyekto o programa para sa mga
nasalanta. Inaasahang magkakaroon ng koordinasyon sa bawat ahensya upang mapabilis ang
pagbibigay ng tirahan, pagkakakitaan, paaralan at mga batayang serbisyo.
Bottom-up Approach
Ang mga apektadong LGU ay nagsumite ng Local Government Rehabilitation and
Recovery Plan (LRRP) na pinapakita ang mga kailangan para sa Comprehensive Rehabilitation
and Recovery Plan (CRRP). Ang aksyon na ito ay sinisiguro na ang pagpaplano ay consultative,
participatory, at naaayon sa pangangailangan ng mga barangay, munisipalidad, at probinsya.
Layon nitong matukoy ang mga pangangailangan ng mga nasalanta sa mapanglahok na paraan.
15
Reconstruction Assistance on Yolanda (RAY)
Ang RAY ang nagsisilbing balangkas ng gobyerno na para sa pagpaplano at
pagsasakatuparan ng mga programa patungkol sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.Ito ay
pinapangunahan ng nasyonal na iba't ibang ahensya ng gobyerno, local government units, mga
pribadong sektor at ang internasyonal na komunidad. Ang RAY ay nagsisilbing balangkas para
sa pagsasagawa ng plano na tutugon sa pangmatagalang layunin at interes kasama na ang mabilis
na pagsasalba ng sosyo-ekonomikong kondisyon ng mga nasalantang lugar at tulungang
makabangon muli. Pagkatapos ng pagkasirang dinulot ng Yolanda sa Leyte, nilalayon ng RAY
na matugunan ang post-disaster needs sa pamamagitan ng pag-implementa ng iba't ibang
proyekto na nakapokus sa pagbabalik at pagsasa-ayos ng mga pangangailangan ng mga
nasalanta tulad na lamang ng: (i) mga kabuhayan at negosyo; (ii) pabahay at ressetlement; (iii)
social services(batayang serbisyo); at (iv) imprastuktura
Base sa mga datos mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang
pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng Civic Center at Pampublikong Pamilihan sa Leyte ay natapos
noong Setyembre 2014.
Post Disaster Needs Assesment (PDNA)
Ang PDNA ay kinokondukta base sa mga impormasyon na nagmula sa mga apektadong
lugar. Base ito sa multi-sectoral at multi-disciplinary na diskarte para sa pag-asses ng tindi ng
disaster at ang para malaman kung ano ang dapat unahing ipatayo muli.
Upang mailinya sa layunin ng RAY, ang opisina ng Office of the Civil Defense (OCD)
ay nagkondukta ng PDNA upang matukoy ang mga pangunahing pangangailangan at matukoy
ang dapat bigyang prayoridad. Ginamit ang pamamaraan na bottom up approach at ginamit na
gabay ng PDNA(World Bank. 2013. Recommended PDA Guidance Notes (Draft). Prepared
under Capacity Building for Post-Disaster Assessments in the Philippines Contract 7162294.
Manila)sa pangongolekta ng datos. "Pitong grupo ang inorganisa mula sa nasyunal, rehiyunal at
mga lokal na pamahalaan upang mapagdausan ang isang daan at pitumput' isang (171)
munisipalidad at siyudad na nakalugar sa loob ng 50-km radiusna tinahak ng Bagyong Yolanda."
(NEDA,2014) Ang PDNA ay naghahanap ng mga indikasyon mula sa iba't ibang lugar na
naapektuhan at matukoy ang mga bagong matutulaksan sa pagtatasa ay magiging malaking
tulong sa pagtukoy ng mga programang dapat isagawa sa mga partikular na lugar.
16
Ang pigurang nasa ibaba ay ang estimadong pagkasira, pagkawala at mga
pangangailangan pagkatapos ng bagyo. "Ang PDNA ekslusibo lamang sa mga pampublikong
sektor na nasira at nawala habang ang RAY ay isinasama ang pagkasira at pagkawala ng
parehong pribado at panggobyernong sektor. Ang PDNA ay nakumpleto tatlong (3) buwan
matapos ang Bagyong Yolanda at pormal na naibahagi ng OCD sa NEDA noong April 30,
2014."
Build Back Better, Faster, and Safer
Ang prinsipyo ng “Build Back Better” ang nagsisilbing framework ng implementasyon sa
pagbangon ng naapektuhan. Ang prinsipyo ay nakatuon sa long-term, at likas kaya na gawain
para mabawasan ang vulnerabilities at mapalakas ang capacities para sa mga posibleng susunod
pang mga sakuna. Ang diskarteng ito ay nakatuon sa mabilis na pagtugon habang sinisiguro ang
kaligtasan sa pagsasakatuparan ng mga programa at proyekto. Nirekomenda ng gobyerno ang
Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP) kung saan nangako ang
gobyerno "na implementa ang humigit kumulang na 25,000 disaster rehabilitation- and recovery-
specific projects, programs, and activities.” Kaakibat ang iba't ibang ahensya ng gobyerno
kasama na rin ang buong suporta ng iternasyunal na komunidad upang makamit ang layunin ng
'build back better' sa iba't ibang lugar kasama na ang imprastuktura, kapangyarihan, resettlement,
batayang serbisyo, kabuhayan, kalusugan at ang pagiging handa sa kalamidad.
17
Emergency Shelter Assistance (ESA)
Ang ESA ay binibigay sa mga pamilyang nawalan o nasiraan ng tahanan. Ang donasyon
na ito ay maaaring salapi o mga materyales para muling maitayo ang bahay na nakadepende sa
sitwasyon ng pamilya at kung tutugma ito sa kondisyon na binigay ng ahensya. Kasama ang
koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan sa Eastern Visayas, ang Municipal Social Welfare
Development Office ang naka-atas sa pag-gabay ng DSWD-DAFAC (DSWD-Disaster
Assistance and Family Access Card), kung saan naka-indika ang "extent of damage" ng mga
bahay kung ito ba ay partially damaged o totally damaged. Ang LGU ang bahalang magpasa ng
listahan ng mga pamilya na nagmula sa kanilang munisipalidad o siyudad sa DSWD Regional
Office 08.
Ang mga sumusunod ay ang mga criteria upang makakuha ng ESA:
1) Kung ang bahay ng pamilya ay tuluyang nasira/nawala o may mga pagkasira lamang sa
ibang bahagi na nakalugar sa mga ligtas na erya o kontroladong erya na mayroong
engineer o siyantipikong interbensyon para ito ay matirhan. Ang Comprehensive Land
Use Plan (CLUP) at ang multi-hazard maps ng mga lokal na pamahalaan ay kailangang
gamitin para sa pagbibigay ng ESA sa mga tuluyang nasira ang tahanan para masigurado
na ang lugar ay ligtas sa kahit na anong sakuna;
2) Ang mga pamilyang rumerenta o nagsasama sama sa iisang bahay na nasiraan o nawalan
ng tahan at inaasahan na sila ay nakalista sa opisyal na listahan ng DSWD na nagmula sa
DSWD-Disaster Family Access Card (DAFAC) na isinumite ng LGUs na nagpapatunay
na sila ay rumerenta o nakikibahagi sa mga ligtas at kontroladong erya;
3) Ang mga pamilya na mayroong miyembro na kasalukuyang empleyado ng gobyerno o
pribadong sektor pero ang pagiging empleyado ay hindi permanente o regular at walang
akses sa mga pautang para sa pabahay ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor; at,
4) Mga regular na empleyado ng gobyerno o pribadong sektor/organisasyon na may
buwanang sweldo na may halagang Php 15,000.00 pababa at inaasahan na hindi
nakatanggap ng kahit ano mang tulong na kagaya nito sa ibang ahensya at mga indikado
sa masterlist ng mga benepisyaryo alinsunod sa DSWD-Disaster Family Access
Card(DAFAC);
5) Ang mga indibidwal na kinukinsiderang nakaligtas sa bagyo ngunit ang kanilang kamag-
anak ay namatay dahil sa bagyo ay maaaring makakuha ng tulong, ngunit inaasagab na
isa siya sa mga nabigyan ng DSWD-DAFAC at nasa listahan ng mga benepisyaryo;at,
6) Ang mga pamilyang nakalista sa 1-4 na nakapagpaayos na o kasalukuyang inaayos ang
tahanan ay maaari parin makakuha ng ESA kung ang kanilang pangalan ay kasama sa
listahan ng mga benepisyaryo na makukuha sa DSWD-DAFAC.
Ang bawat (inidibidwal o pamilya) na benepisyaryo na ay makakuha ng Php 30,000.00 para sa
mga nawalan ng bahay at Php 10,000.00 para naman sa mga nasiraan.
18
Nagkakahalaga ng P 7,189,579,934.25 ang naipamahagi sa mga munisipalidad at siyudad sa
Eastern Visayas para sa implementasyon ng ESA. Ang siyudad ng Tacloban at nakatanggap ng
isang bilyong (1B) pondo at kasalukuyang hindi pa naipapamahagi ang kalahati nito dahil hindi
pa naisasagawa ang liquidations mula sa mga inisyal na implementasyon ng ESA.
(Ballesteros,2015)
Cash For Work (CFW)
Ang CFW ay isa rin tong programa ng DSWD kung saan ang mga biktima ng Bagyong
Yolanda "binibigyan ng trabaho na nakabase sa kanilang kakayahan tulad ng pagbubuhat ng
relief goods, repacking, paghahanda ng pagkain, paglilinis ng mga nasira, paglilinis sa dagat,
paghuhukay ng kanal, pagtatanim, at pagtulong sa inventory sa mga nasirang pagmamay-
ari."Nagkakahalaga ng P22,055,766.00 ang inilabas ng DSWD para sa implementasyon ng
programa. Sa kada walong (8) oras ng pagtatrabaho ang kapalit nito ay nagkakahalaga ng P260
sa kada isang tao. Para makapasok saprogramang CFW, ikaw ay dapat na may edad na labing
walo (28) pataas. (Rappler, 2014)
Ang Mga Naging Resulta ng Build Back Better, Safer And Faster Gamit Ang Cluster
Approach
Nakalista ang resulta ng mga proyektong natapos na at kasalukuyang isinasagawa sa
ibaba alinsunod sa prinsipyo ng Build Back Better, Safer and Faster.
Department of Public Works and Highways
Ang responsibilidad ng DPWH ay ang mag plano, disenyo, konstruksyon at
pagmintina ng mga imprastuktura, lalo na sa mga national highways, pagkontrol ng
baha at sistema ng mga rekursong tubig at iba pang pangpublikong trabaho na
nakaayon sa nasyunal na layunin ng pagpapaunlad.
IMPRASTUKTURA
Completed:As of November 5, 2015:
 All-access roads (1.7 km)
 286 km of national roads
 1,117.64 m of national bridges
 77 out of 110 flood control projects reconstructed
Ongoing:
 42 km national roads
 09 lm national bridges
 17 flood control projects being reconstructed
19
Department of Social Welfare and Development
Ang DSWD ay isang departamento ng Gobyerno ng Pilipinas na
responsable sa proteksyon ng karapatan sa social welfare ng mga Pilipino
at nagsusulong ng panlipunang pag-unlad.
IMPRASTUKTURA
Completed:As of November 5, 2015:
 48 projects completed for 29,879 household beneficiaries from repair/rehab of damaged
structures from the CDD approach of KALAHI-CIDSS
 2,839 projects completed for 3,238,801 household beneficiaries from construction of new
structures from the CDD approach of KALAHI-CIDSS
RESETTLEMENT
Completed:
 987,545 out of 1,028,329 families with damaged houses were given Emergency Shelter
Assistance (ESA)
 92,554 housing constructions funded
Ongoing:
 40,784 families with damaged houses are covered and will be given Emergency Shelter
Assistance (ESA)
LIVELIHOOD
Completed:
As of November 5, 2015:
A total of 447,730 families have been served comprising 58% of its overall 2014-2016 target of
778,549 families with the following breakdown:
 408,924 families has been served thru Cash for Building Livelihood Assets
 14,376 families has been served thru provision of livelihood assistance grants
 19,894 families has been served thru the support of partners in which all were
implemented in 2014
HEALTH UPDATES
From NEDA (as of November 5, 2015)
Completed:
 Full operational status of the Eastern Visayas Medical Center
 Deployment of 17 doctors, 1058 nurses and 593 midwives
 Provision of RH commodities and services to 324,537 women of reproductive age
 Provision of micronutrient supplementation to 506,198 children
Department of Interior and Local Government
20
Ang DILG ay isa rin itong departamento sa gobyerno ng Pilipinas na
responsable sa pagsusulong ng katahimikan, kaayusan at kapayapan upang
masiguro ang kaligtasan ng publiko at pagpapalakas ng kapasidad ng lokal na
pamahalaan na naglalayon ng epektibong pagbibigay ng mga batayang serbisyo
sa mamamayan
IMPRASTUKTURA
Completed:As of November 5, 2015:
 292 out of 309 partially damaged LGU facilities rehabilitated under DILG Recovery
Assistance on Yolanda (RAY) Batch 1
National Housing Authority
Ang mandato ng NHA ay nakaatas na magpa-unlad at mag implimenta ng
isang komprehensibo at progaramang pabahay na iba sa ibang ahensya,
housing development at resettlement, iba't ibang pagkukunan ng pondo na
may partisipasyon ng gobyerno at pribadong sektor.
RESETTLEMENT
Completed:
 17,641 permanent housing units constructed
Ongoing:
 42,566 permanent housing units
Commission on Higher Education
Ang mandato ng CHED ay ang matiyak at pagsulong ng dekalidad na
edukasyon, masiguro na nakakamit ng lahat ang dekalidad na edukasyon lalo na
ng mga hindi kayang tustusan ang bayarin. Maging garantisado at
maprotektahan ang kalayaan sa pagaaral para sa pagyaman ng kaalaman, mapa-
unlad ang pagiging responsable at epektibong leader, mapayaman ang kulturang
nakagisnan at maisagawa ang mapanglahok na pamamahala sa Komisyon at ng
sub-sector.
IMPRASTUKTURA
Completed:As of November 5, 2015:
 413 rehabilitated SUCs
ONGOING
 191 SUCs ongoing rehabilitation
21
Department of Education
Ang gampanin ng DEPED ay ang masiguro ang pagbigay ng dekalidad na
edukasuon na maaaring makamtan ng lahat at mailatag ang pundasyon ng
pangmatagalang pagkatuto at serbisyo para sa ikakabuti.
IMPRASTUKTURA
Completed:As of November 5, 2015:
 1,026 newly constructed classrooms
 5,457 renovated classrooms
 121,950 items of school furniture
Ongoing:
 928 new classrooms under construction
 4,239 classrooms under renovation
SOCIAL SERVICES
As of September 15, 2015:
Completed:
 3,780,661 items of learning material distributed
 84,835 students were covered by the regular school-based feeding program
 All 243,010 students were covered by the donors’ school feeding
 All 339,745 learning kits were provided.
Ongoing:
 2,689,817 learning material/textbooks are currently being distributed
Department of Agriculture
Ang DA ay isang ahensysa ng gobyerno na ang pangunahing responsibilidad
ay ang pagsulong ng pagpapaunlad at pagpapayaman ng agrikultura. Upang
maisakatuparan ito ay mayroong ibinigay na balangkas ng polisiya na
nakakatulong sa mga publikong imbestor at katuwang dito ang mga LGU na
nagbibigay ng suportang kailangan upang magawa ang agriculture and agri-
based enterprises na makikinabang at makakatulong sa mga mahihirap lalo
na sa mga taga nayon.
LIVELIHOOD
Completed:
As of November 5, 2015:
 232,604 bags of certified and hybrid rice seeds were distributed to 69,733 farmer-
beneficiaries
 31,507 bags of corn seeds were distributed to 32,791 farmer-beneficiaries
 32,781 kgs of assorted vegetable seeds were distributed to 42,700 farmer-beneficiaries
 All 4,000 kg of ginger planting materials were already distributed to the multiplier farms
22
 3,998,787 pcs of coconut, abaca, banana and cacao planting materials were distributed to
farmers
 309,324 bags of various types of fertilizers were distributed to 192,600 farmer-
beneficiaries
 29,828 sets of farm tools were distributed (exceeding the target of 23,704 sets of farm
tools) to 20,267 farmer-beneficiaries
 39,436 units of agricultural supplies and equipment were distributed to the farmer-
beneficiaries
 2,559 farmers were given insurance for their crops, livestock and poultry
LIVELIHOOD
Completed:
As of September 15, 2015:
 The targeted 53,575 m of land are all completed under the the cash-for-work assistance
program (desilting operations)
 10,759 out of the targeted 14,427 hectares are completed under the the cash-for-work
assistance program (planting/replanting/fertilization/intercropping operation)
 138 out of the targeted 176 tractors and other machineries were deployed
 301,789 liters out of the targeted 767,409 liters of fuel subsidy were distributed
 9,100 livestocks are already under animal care
Ongoing:
As of September 15, 2015:
 The remaining 3,668 out of the targeted 14,427 hectares are in the works under the the
cash-for-work assistance program (planting/replanting/fertilization/intercropping
operation)
National Irrigation Administration
Ang gampanin ng NIA ay masiguro ang pag gawa ng lahat ng irigasyon ng patubog
sa buong Pilipinas. Sila ang nagpaplano, nagdidisenyo at nag-aayos o gumagawa
ng lahat ng tipo ng irigasyon kasama ang struktura. Pumapangalawa lamang ang
iba pang klase para sa pag kontrol ng baha, drainage, land reclamation, domestic
water supply, roads and highway construction nang may koordinasyon sa mga
ahensyang may kinalaman dito.
IMPRASTUKTURA
As of September 15, 2015
 All 2,396 hectares with restored national/communal irrigation systems
National Electrification Administration
Ang NEA ay isang korporasyon na pag-aari at kontrol ng gobyerno na
nakapokus sa pagpapalakas ng rural electrification program at mga electric
23
cooperratives upang masigurado ang pagiging maaasahan. Nakabase ang kanilang programa sa
batas ng Rural Elctrification Program.
POWER
As of September 15, 2015:
Completed:
 All 33 electric cooperatives had power restored
Department of Justice
Ang DOJ ay inaasahang isasabuhay ang epektibo, maaasahan at pantay na
administrasyon pagdating sa katarungan.
Ongoing:
2,284 bodies undergoing Disaster Victims Identification in areas affected by Yolanda
Department of Health
Ang DOH ay responsable upang masigurado ang access sa pampublikong
rerbisyo na pangkalusugan sa lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng probisyon
ng kalidad ng health care at regulasyon ng nagbibigay ng pangangailangan
para sa kalusugan at serbisyo.
HEALTH UPDATES
Completed:
As of September 15, 2015:
 100% Provision of essential medicines and supplies for primary care
 100% Provision of DOH complete treatment pack to rural health units
 100% provision of essential medicines and supplies for primary care
 100% provision of DOH complete treatment pack to rural health units
 100% of pregnant women given iron supplementation
 100% of postpartum women given iron supplementation
 100% children with diarrhea given oral rehydration salt
 100% children 6-59 mos with diarrhea given zinc supplementation
 100% deployment of doctors and nurses to augment and complement human resources
for health needs in rural underserved/hard to reach Yolanda-affected areas in Region VIII
 100% deployment of midwives to augment and complement human resources for health
needs in rural underserved/hard to reach areas
 100% multiple micronutrient powder (MNP) supplementation to children 6-11 months
with malnutrition
24
 100% multiple micronutrient powder (MNP) supplementation to children 12-23 months
with malnutrition
 100% Family Planning Services (Combined Oral Contraceptives)
 100% Family Planning Services (Progesteron only pills)
 100% patients with mental health disorder provided with treatment services and
medications
 100% provision of weighing scales
 100% provision of height boards
 100% provision of water disinfectant to households
Department of Science and Technology
Ang DOST ay primyadong ahensya para sa siyensya at teknolohiya sa
Pilipinas na may mandato ng pagbibigay ng direksyon, pamumuno at
koordinasyon sa lahat ng pang siyensya at teknolohiyang aktibidad at
gumagawa ng polisiya, programa at proyekto na susuporta sa nayunal na
pagpapaunlad.
LIVELIHOOD
Completed:
As of November 5, 2015:
 1,033 communities benefitted from the Community Empowerment Science and
Technology (CEST) Program
As of September 15, 2015:
 610 implemented PPAs of CEST
 103 beneficiaries of S&T Driven, Resource based and Sustainable Livelihood Training
out of 4 trainings
 145 beneficiaries of Farmer Scientist Program on Resettlement Areas
Ongoing:
As of September 15, 2015:
 390 beneficiaries of Livelihood Assistance Grant (including community-based projects
and packaging)
 350 beneficiaries of Technology-Driven, Resource Based and Sustainable Livelihood
Training
 338 beneficiaries being introduced to Community Empowerment Science and
Technology (CEST) Program
 497 beneficiaries of S&T Driven, Resource based and Sustainable Livelihood Training
out of 26 trainings
 175 beneficiaries of Farmer Scientist Program on Resettlement Areas
 417 PPAs of CEST ongoing implementation
Department of Labor and Employment
25
Ang DOLE ay ang nasyunal na ahensya ng Pilipinas na responsable sa pag gawa
ng mga polisiya, implementasyon ng programa patungkol sa pagtatarabaho at
employment.
LIVELIHOOD
Completed:
As of November 5, 2015:
 40,952 out of 41,994 target beneficiaries have benefited from the Emergency
Employment Program
 47,319 have benefited from DOLE’s Integrated Livelihood Program
Department of Transportation and Communications
Ang Departamento ng Transportasyon at Komunikasyon ay responsable sa lupa,
himpapawid at pandagat na imprutuktura para sa kominkasyon.
IMPRASTUKTURA
As of September 15, 2015
 23 rehabilitated seaports
 35 out of 37 rehabilitated airports
 5 repaired structures/building
National Power Corporation
Ang NAPOCOR ay korporasyon na kontrolado at pag-aari ng gobyerno. Isa sa
mga pinakamalaking tagabigay ng kuryente sa buong Pilipinas. Ito ang nag-iisang
taga suplay ng kuryente sa buong Metro Manila
POWER
Ongoing:
 Rehabilitation of Mamburao-Sablayan Transmission Line
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
Ang BFAR ay isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na nakapaloob sa DA na
responsable sa pagpapa-unlad, pangangasiwa at konserbasyon ng palaisdaan at iba
pang rekursong tubig.
LIVELIHOOD
Completed:
As of November 5, 2015:
 10 mariculture parks were assisted
 28,781 fisherfolks benefitted from the repair of their boats
 Boats of 3,484 fisherfolks were replaced
26
 Complete provision of 76,598 fishing gears and paraphernalia (exceeding the target
68,636) were given to 46,145 fisherfolks
 15,602 fisherfolks were given marine engines for their boats
 47,105 fishing boats out of the targeted 54,825 were already distributed
 11,082,609 of the targeted 14,620,197 support assistance PPAs were completed
 12,956 out of the targeted 18,920 post harvest facilities and equipments were provided
 Complete resource rehabilitation of 100,029 sites out of the target of 800,029
Ongoing:
As of November 5, 2015:
 The replacement of 5,658 fishing boats is ongoing
The procurement of 3,722 marine engines is ongoing
Ongoing:
As of September 15, 2015:
 The remaining 4,779 fishing gears and paraphernalia are currently being provided
 The remaining 3,537,588 out of the targeted 14,620,197 support assistance PPAs are
being completed
 The remaining 5,964 out of the targeted 18,920 post harvest facilities and equipments are
currently being provided
 The remaining 700,000 sites are currently undergoing resource rehabilitation
Techical Education and Skills Development Authority
Ang TESDA ay isang ahensya na nakapaloob sa DOLE. Responsibilidad nito ang
pangasiwaa at palakarin ang teknikal na edukasyon at pagpapaunlad ng kaalaman
sa mga gawain.
Completed:
As of November 5, 2015:
LIVELIHOOD
 24,535 livelihood skill trainings were conducted in Palawan, Region 6, Cebu and Region
8
o 31,130 trainees graduated from these trainings
 23,006 of them are employed
Department of Trade and Industry
Ang DTI ay isang departamento sa gobyerno ng Pilipinas na nakaatas sa
pagpapalawak ng pakikipag palitan sa bansa , industriya at mga imbestor para sa
pagpapadami ng trabaho at mapataas ang sahod ng mga Pilipino. Nagsisilbing
tagapagsuri ng mga aktibidad ng pribadong sektor para mapa-unlad at magkaroon
ng likas kayang pagyaman ng ekonomiya gamit ang stratehiyangkomprehensibong
industriyal. sa parehong domestic at foreign.
LIVELIHOOD
Completed:
As of November 5, 2015:
 3,719 beneficiaries from Regions 6, 7 and 8 were trained and provided with Livelihood
Seedling Program starter kits
 55 shared service facilities were distributed in Regions 6 and 8
27
 18 Negosyo Centers in Yolanda-affected areas
As of September 15, 2015:
 286 SME Roving Academy (SMERA) trainings
 19 SPIN and other trainings
 7 trade fairs
 389 beneficiaries of enterprise rehabilitation financing of the SB Corporation (only in
region 8)
Ongoing:
As of November 5, 2015:
 Procurement of 678 livelihood starter kits is ongoing
 43 Shared Service facilities are under procurement
 Operations of 18 Negosyo Centers in the Yolanda corridor are ongoing
 DTI initiated meetings with the stakeholders of the coconut industry in Region 8; there
are potential investors who are interested to invest in the coconut industry in Eastern
Visayas
Philippine Coconut Authority
Ang Philcoa ay isang ahensya na responsable sa pagpapa-unlad ng potensyal ng
mga niyog sa at iba pang industriya tulad ng langis na nakaayon sa kanilang
bisyon na sama-sama, nakikipagkumpitensya sa buong mundo at epektibong
industriya.
LIVELIHOOD
Completed:
As of November 5, 2015:
 37,253 hectares of coconut areas were replanted
 17,083 hectares of areas with coconut intercropping were completed
Ongoing:
As of September 15, 2015:
 26,514 hectares of coconut areas were replanted
51,692 hectares of areas with coconut intercropping were completed
Department of Environment and Natural Resources
Ang DENR ay isang departamento ng gobyerno ng Pilipinas na responsable sa
pamamalakad at pag gabay sa pag tuklas, pagpapa unlad, pamamahagi at
konserbasyo n ng mga likas yaman ng bansa.
DISASTER PREPAREDNESS
From NEDA (as of September 15, 2015):
Completed:
 36,955 hectares that were validated and assessed by DENR
 43,665,541 seedlings provided
 10,227 hectares of established plantations
28
Sitwasyon ng Pabahay at Rehabilitasyon
Tinatayang 504,536 ang mga bahay na lubhang naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa
buong rehiyon ng Eastern Visayas. Ang siyudad ng Tacloban ay may bilang na 58,823 ang mga
nawala at nasirang bahay sa may 384,229 na mga nasirang bahay sa Leyte. (NDRRMC,2013)
Dahil sa dami ng bilang ng mga nasirang bahay sa Tacloban, ang pokus ng parehabilita
ay ang mga apektadong lugar.Ang mga national, international na organisasyon at mga ahensya
ay nakipagkoordina sa isa't isa upang magkaroon ng mabilisang pagbangon mula sa disaster.
May mga ahensya na kasama sa pagpaplano o pagsasagawa ng short-term at long-term na
pagpapa-unlad, rehabilitasyon at paglipat ng mga pamilyang nakatira sa danger zones.
Pagdating naman sa nasyunal na inisyatibo, ang Housing and Urban Development
Coordinating Council ay nagmula sa opisina ng Presidente na nabuo dahil sa Executive Order
No. 9- (s1886) na nagsisilbing pangkalahatang nagkikipag koordina, tagapag simula at taga
gabay sa lahat ng polisiya, plano at programa ng gobyerno na may kinalaman sa sektor ng
pabahay.May iba't ibang ahensya ng gobyerno na nakapailalim dito tulad ng Home Development
Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), Home Guaranty Corporation (HGC), Housing and Land Use
Regulatory Board (HLURB), National Housing Authority (NHA), National Home Mortgage
Finance Corporation (NHMFC), Social Housing Finance Corporation (SHFC). Ito ang mga
tumutulong upang matugunan ang iba't ibang isyu na kinakaharap patungkol sa housing finance,
housing regulation, housing production at institutional development ng mga pabahay.
Noong Abril 4, 2014 ay nagkaroon ng pulong ang City Housing Office ng Tacloban kasama ang
NGOs na magpapatayo ng mga transitional shelter at permanent shelter. Ito ay patungkol sa
estado at bilang ng mga bahay na ipapatayo ng bawat NGO.
29
Bilang ng mga pabahay ng ilang NGO at ahensya ng gobyerno base sa datos ng City
Housing and Community Development Office ng Tacloban, 2014
30
Ayon sa ulat ng NHA noong Nobyembre 5, 2015 ito ang suma total ng bilang ng bahay na
kailangang ipatayo na nakabase sa mga plano ng bawat probinsya na isinumita sa OPARR upang
maging basehan ng Comprehenssive Rehabilitation and Rwcovery Plan (CRRP)
Bilang ng mga okyupadong pabahay base sa datos ng City Housing and Community
Development Office ng Tacloban
Housing Site Bilang ng Benepisyaryo
Temporary Shelter 471
Operation Compassion 1 23
Operation Compassion 2 19
Operation Blessing 39
Duplex 1 64
Duplex 2 52
Tagpuro 67
Badato 25
CALI 115
Yu 73
Bunkhouses 797
IPI Housing 290
NHA 308
Abucay 199
Permanent Shelter 795
Ridgeview Park 211
Villa Diana 113
Habitat for Humanity 71
GMA Kapuso Foundation 400
31
Resettlement
Dalawang taon matapos ang pagdating ng Bagyong Yolanda sa siyudad ng Tacloban,
2,063 sa 14, 433 pamilya na target na benepisyaryo ay mayroon nang tinutuluyan. 471 ay
nakatira sa temporary shelters, 797 sa bunkhouses, at 795 naman ay may permanente nang bahay
kung saan ang 324 dito ay nagmula sa NHA at ang 471 ay sa mga NGO.
Ang mga datos ay nagmula sa City Housing and Community Development Office ng
Tacloban. Ayon sa panayam sa CHCDO, ang natitirang mahigit 12,000 ay kasalukuyang
bumalik sa kanilang dating tirahan, ang iba naman ay nakitira umano sa mga ibang mga kamag-
anak.
Naging prayoridad ng lokal na pamahalan ang pagkakaroon ng rehabilitasyon at
relokasyon dahil ayon sa PAGASA ang Tacloban ay madalas na dinadaanan kapag may bagyong
papasok sa Pilipinas. May bilang na benteng (20) bagyo ang dumadating sa bansa kada taon. Ito
din ay matatagpuan sa Leyte kung saan may "funnel" na nag-aapekto ng paghikayat sa
pinamalalakas na daluyong-bagyo (storm surge). Ang mga ISF, pang-industriyal at komersyal na
establisyimento ay tradisyunal na nakalugar sa "coastal danger zones" Ang mga gawang lawa at ,
creek at iba pang mga kanal ay naapektuhan kasama pa ang pagtatayo ng mga bahay at
establisyimento sa mga kabundukan. Ang pisikal nitong kinalalagyan ay bulnerable sa madaming
porma ng banta ng kalikasan.
A.
32
Mapa ng San Jose, Tacloban (Brgy 88)
Mapa ng Tacloban Downtown
33
Mapa ng San Jose, Tacloban
Ipinapakita sa mga mapaang mga eryang malapit sa dagat na lubhang naapektuhan ng
bagyo.Ipinapakita nito kung nasaan ang mga totally affected, hihly affected, possibly affected at
unknown damages na mga gusali.
May mga batas ang Pilipinas patungkol sa paglipat ng mga nakatira sa mga danger zones.
Sinasabi sa Sec 29 ng RA 7279 o tinatawag din na Urban Development Housing Act, na dapat
ang mga lokal na pamahalaan ay nakikipag koordina sa National Housing Authority, na dapat ay
nagiimplementa ng mga relokasyon at resettlement ng mga taong nakatira sa danger zones, ilan
sa mga ito ay sa mga estero, riles ng tren, tambakan ng basura, tabing ilog, tabing dagat, daanan
ng tubig at iba pang pampublikong lugar tulad ng sidewalks, mga daan, parke at playgrounds.
Ang lokal na pamahalaan kasama ang NHA ay dapat magbigay ng relokasyon na mayroong mga
batayang serbisyo tulad ng tubig at kuryente kasama ang mga pasilidad at oportunidad na
magkaroon ng akses sa trabaho at pangkubahayaan na makakatulong makamit ang
pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Dahil dito ay nagkaroon ng pagtutulungan ang DENR, DILG, DND, DPWH at DOST
(LIAC) para sa pagkilala at pagimplimenta ng Hazard Zone Classification sa mga erya na
naapektuhan ng Bagyong Yolanda. Ito ay ang pagtukoy kung saan ang ligtas at hindi ligtas na
erya sa mga lugat na apektado ng Yolanda at upang malaman rin ang mga nararapat na gagawin
sa mga nasabing erya. Nagkaroon ng 40 meter easement sa mga komunidad na nawasak na nasa
tabi ng tubig.
Ang tinatayang bilang ng proyektong pabahay sa Tacloban City para sa mga nasalanta.
Apat (4) dito ay nagawa na at kasalukuyan nang tinitirahan (Ridgeview Park1, Guadalupe
Heights 1, Villa Diana, Greendale Residences at Kawayan Ville I, II at III)
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Tacloban ang bilang ng mga bahay na nawala ay 30,
513 at ang 90% nito at nakatira sa mga tabing dagat at ang bilang naman ng mga nasirang bahay
ay23, 718. Dalawampu't walo (28 ) sa 136 na barangay ang nasa "danger zones" o mga nasa
mabababang lugar at tabi ng tubig na kadalasang informal settler families (ISF) ang namamalagi.
Sa lahat ng mga naapektuhang bahay, sampung libo (10,000) dito ay napapabilang sa maralitang
taga lungsod. Ang halos lahat ng kanilang pinagkakakitaan ay nasira ng Bagyong Yolanda. Ang
mga erya ng resettlement ay nasa norteng bahagi ng Tacloban.
34
Ayon sa City of Tacloban noong cluster meeting na nangyari noong June 3, 2014 ay
magkakaroon muli ng proseso ng revaliditation para sa mga benepisyaryo upang matukoy
kungsila ba ay kwalipikado sa City's socialized housing project,nakasaad sa ibaba ang mga
sumusunod na criteria:
1. Naninirahan ng 1 taon pataas sa Tacloban bago pa man dumating ang Bagyong Yolanda sa
pamamagitan ng pagtatanong sa mga kapit bahay;
2. Hindi aakyat ng Php 10,000 ang kinikita: at
3. Handang malipat ng tirahan sa Tacloban north para sa relokasyon.
Ang basehan ng pagpili ng mga benepisyaryo para sa socialized housing project ng siyudad ay:
 Ang mga pamilyang naninirahan sa erya na hig risk sa daluyong-bagyo
 Mga pamilyang nawalan ng tahanan
 Informal-settler families na may pinagsama-samang kita na Php 10,000 pababa
 Mga pamilyang may bulnerableng kalagayan (na papatunayan ng CSWD)
 Mga naulila o na abandonang bata na may mas matandang kapatid o kamag-anak
Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay kailangan ng revalidation. Bumuo ng labing tatlong
(13) grupo na may representatnte na galing sa DSWD, Urban Poor, IOM, Tacloban City,
Barangay workers(not council),Commission for Human Rights(Philippines). Ibabase ito sa
tatlong criteria na ibinigay sa taas.
Ayon sa mga nakapanayam sa komunidad, kailangan ay tumitira muna sa mga transitional
houses bago makakuha ng permanenteng pabahay. Dito daw sinasanay ang mga tao na mamuhay
bilang isang komunidad para kapag inilipat na sa mga permanenteng pabahay ay hindi na ganon
kadami ang mga gulo.
Bukod sa mga criteria mula sa City of Tacloban ,ang ibang NGO tulad ng GMA Kapuso
Foundation at Habitat for Humanity ay mayroong sariling criteria upang magkaroon ng unit sa
kanilang pabahay. Base sa aming mga nakapanayam sa pamamalagi sa GMA Kapuso Village-
Tacloban ang isang unit ay katumbas ng limang daang o pataaas na oras ng pag-tatrabaho sa
pagtatayo ng bahay. Kahit sinong miyembro ng pamilya ay maaaring tumulong basta ito ay may
edad na labing walo (18) pataas. Oras na tumanggap ng permanenteng pabahay ang mga
nasalanta ay dapat ng ipagkaubaya ang kanilang lupa sa dating tirahan na nakalugar sa "no build
zones" o "danger zones".
Ang GMAKF ay may nakareserbang sampung (10) unit para sila ang mamili ng mga
benepisyaryo. Ito ay tinatawag na "special cases". Si Kuya Marvin ay isa sa mga nakatanggap
nito. Hanggang ngayon dalawang anak niyang babae ang hindi parin natatagpuan pagkatapos ng
Yolanda. Ipinalabas ang kaniyang kwento at karanasan noong Yolanda sa Kapuso Mo, Jessica
35
Soho ng GMA. Si Kuya Jun naman ay nawalan ng labing walo (18) kamag-anak kasama ang
mga anak at kaniyang asawa. Ang kaniyang kwento ay isinulat sa taunang ulat ng GMA Kapuso
Foundation at ibinahagi sa iba ang kaniyang natatanging kwento. Samantalang si Ate Faye ay
matagal nang boluntaryo sa mga aktibidad ng GMAKF sa Leyte at Tacloban kahit na siya ay
hindi nagmula sa Brgy. 88 Tacloban.
ANG IBA’T IBANG KLASE NG PABAHAY
MGA PERMANENTENG PABAHAY
Block 20, Lot 14 ng Ridge View Park 1 na
nasa Brgy. Cabalawan, Tacloban City
Guadalupe Heights 1 sa Brgy. San Isidro (Suhi),
Tacloban City
36
Villa Diana sa Brgy New Kawayan, Tacloban City
Ang Kawayan Ville I, II at III ay matatagpuan sa Tacloban North Resettlement Project sa Brgy.
106, Sto Niño
Greendale Residences 1 sa Brgy.
Suhi Tacloban, City
37
GMA Kapuso Village sa Brgy. 106, Sto Nino
TEMPORARY SHELTERS
CALI transitional shelter sa Brgy. Cabalawan Tacloban, Leyte
Brgy. Tagpuro transitional shelter
38
OB Transitional shelter
Brgy. San Isidro
Transitional
shelter
New Kawayan
Transitional shelter
BUNKHOUSES
39
Brgy. Abucay , Tacloban City
Brgy. 62-B Sagkahan, Tacloban City
NHA Bunk Houses
Lokasyon ng Pabahay sa Tacloban, Leyte
Sa kasalukuyan, ang ibang
permanenteng pabahay ay may
akses na sa kuryente at tubig ngunit
matapos ang dalawang taon, ang
mga transitional shelter at
bunkhouses ay nagtitiis pa rin sa
pag-iigib kapag may rasyon ang
truck ng tubig at nagtitiis sa init
dahil walang kuryente.
40
41
Hamon sa Pabahay
Base sa mga naging karanasan, obserbasyon at panayam ng grupo kadalasang
pinoproblema ng mga mamamayan na lumilipat sa relokasyon ay ang kabuhayan. Madalas ay
malalayo ang pinagkakakitaan at trabaho sa kanilang bagong tirahan kaya naman mas pinipili
nilang manatili o sumugal sa mga delikadong lugar tulad ng tabing ilog, ilalim ng tulay o
kalsada. Ang mga lugar ng relokasyon ay mahal ang singil sa transportasyon. Hindi rin
maiiwasan ang mahal na singil sa tubig at kuryente kung may akses sila at kadalasan ang mga
komunidad ay lagnap ang krimen dala ng kahirapan. Mga displaced talaga ang mga tao sa
komunidad, kinakailangan magsimula muli sakanilang buhay.
Ang nakikitang hamon dito ay ang mga tutugon sa kanilang pangangailangan. Isinasaad
sa mga internasyunal na istandards na dapat ay kumpleto na ang lahat ng pangunahing serbisyo
at pasilidad sa relokasyon sa pagdating pa lamang ng mga napaalis na ISFs. Sa UDHA,, ngunit
hindi binigyan ng espesipikong oras kung kailan ito dapat makamit ng mga ISFs(IPD & CHR,
2014, p. 41)
Batay sa Section 8 ng R.A. 7279 o Urban Development and Housing Act ng 1992,
mandato ng gobyerno na ikonsidera ang pagiging bukas sa batayang serbisyong panlipunan,
kasama na dito ang pagiging malapit sa mga trabaho at iba pang aktibidad na makakatulong sa
ekonomiya. Mas pinalalim ang depinisyon ng batayang serbisyong panlipunan sa ilalim ng
42
Section 21 ng nasabing batas. Pumapailalim dito na kinakailangan na maibigay ng lokal na
pamahalaan o National Housing Authority kasama ang iba pang pribadong organisasyon ang
sumusunod:
(a) Tubig na naiinom
(b) Kuryente at sapat na distribusyon nito
(c) Maayos na pasilidad sa alkantarilya; at
(d) Access sa daanan at transportasyon
Ang ibang mga batayang serbisyong panlipunan patungkol sa kalusugan, edukasyon,
seguridad, atbp. ay marapat na isama sa pagpaplano at bigyang prayoridad ng lokal na
pamahalaan.
Bagam at nakasaad na ang mga polisiya para sa mga taong lilipat ng relokasyon, ito ay
hindi parin naisasakatuparaan ngayon dahil ang karamihan ng lugar para sa relokasyon ay
walang akses sa tubig at kuryente. Kaya naman ang mga relokasyon ay nananitiling mahirap
dahil sa bagal ng serbisyong inaasahang karapatan ng bawat tao.
Hanggang sa ngayon ay wala pa rin akses ang mga residente sa malinis na maiinom na
tubig at may mahal na singil sa tubig. Kalahati pa lamang ng village ang may koneksyon sa tubig
at kuryente at ang natitirang kalahati ay nag-iigib pa rin at walang kuryente.
Sa konteksto ng ibang residente ng GMAKV, ang kanilang pinagdaanan upang
magkaroon ng permanenteng bahay ay dumaan sa proseso. Pagkatapos ng bagyo ay nagkaroon
ng mga bunkhouses na itinuturing na transitional housing upang magsilbi na tirahan habang
hindi pa nabubuo ang mga permanenteng pabahay. Sa transitional housing iniimplementa ang
mga batas na susundin ng mga residente na gagawin din sa mga permanenteng pabahay. Ang
kasalukuyang sitwasyon ng pabahay ay makikita sa table sa itaas.
Ayon sa ulat ng NHA, (NHA Report,2015)ang mga hamon na kanilang kinakaharap para
sa rehabilitasyon ng mga lugar na apektado ng Bagyong Yolanda ay ang:
a.)Paghahanap ng mga lupa para sa relokasyon na maaaring paglipatan ng mga biktima.
 Tinatayang 1,367 iktaryang lupain ang kinakailangan upang mapatayo ang 205,128 na
unit na proyekto ng NHA. Kada ektarya at lalagyan ng isang daan at limapung unit.
 Pondong kinakailangan-Nagkakahalaga ng humigit kumulang na P59.9B at P1.3B para
naman sa mga pasilidad sa komunidad (total: P61.2B)
 Ang mga lupa ay dapat titulado
 Ang mga lupa ay dapat nasa ligtas na lugar (hindi madaling bahain, magkaroon ng pag
guho ng lupa, daluyong-bagyo, tsunami at wla sa fault line kapag lumindol)
 Kailangan maapruba ang clearance mula sa MGB at PHILVOLCS
b.)Bilang nakapailalim ito sa gobyerno ang proseso ng bidding/procurement ay umaabot ng
tatlong (3) buwan.
c.) Ang mga permit at lisensya sa iba't ibang ahensya ng gobyerno.
 Clearance mula sa DAR at NIA upang matukoy kung ang lupa ay pang agrikultura
 Development permit mula sa lokal na pamahalaan
 ECC galing sa DENR
43
 Tax exemption sa BIR
Ang hamon sa pamahalaan ay ang mas mabilis na pagpapatayo ng mga bahay ngayong
mahigit dalawang taon na ang nagdaan matapos ang Yolanda upang tirahan ng mga nasalanta.
Paano nila mapapabilis ang proseso kung ito ay kinakailangan dumaan sa mahabang proseso
bago masimulan ang bawat proyekto. Ang Yolanda ay nagsilbing hamon sa pamahalaan kung
gaano ito kahandang rumesponde sa mga susunod pang disaster na tatama sa bansa. Isa sa mga
nakikita ng grupo na hamon naman sa mga Civil Society Organization ay ang pagtatanim ng
sense of ownership sa mga residente sa kanilang bagong komunidad kasama na din ang mga
organisasyon na mabubuo dito. Bilang ang mga CSO ay ang mas mabilis na nakakresponde sa
mga nasalanta sapagkat mas maluwag ang kanilang pagbabahagi ng pondo. Dito pumapasok ang
lebel ng partisipasyon ng mga residente sa mga aktibidad hindi lang ng gobyerno kung hindi pati
na rin ang kanilang sariling proyekto gamit ang kanilang inisyatibo.
Dahil sa mabilis na pag aksyon ng mga CSOs, nagdulot ito ng "relationship gap" sa pagitan
ng gobyerno at mga biktima. Ang mga tao ay mas nagtitiwala na sa mga INGO/NGO/pribadong
organisasyon sapagkat litaw ang kanilang aksyon at tugon sa pag rehabilita ng Tacloban at iba
pang parte ng Eastern Visayas. Ang partisipasyon at kooperasyon din ng mga tao sa proyekto ng
gobyerno ay naaapektuhan.
Marahil ang dahilan ng mabagal na aksyon ng gobyerno ay ang mahirap na paglababas ng
pondo sapagkat ito ay maraming pinagdadaanan na proseso samantalang sa mga pribadong
organisasyon naman ay mayaman sa rekurso at pondo kaya naman napapabilis nila ang pagtugon
sa mga pangangailan at sila din ay nakapokus sa "humanitarian work". Samantalang ang
gobyerno ay maraming sakop na gawain at marami din ang pinaggagamitan ng pondo hindi
lamang sa pagtulong.
44
MGA PILING KWENTO NG KARANASAN SA RELOKASYON
Ang disaster ayon sa pakikipagpanayam kay
Jocelyn Colinares, isang residente ng GMA
Kapuso Village, ay isang sitwasyon na
“nakakagulo ng buhay”. Nakakagulo ng
buhay dahil ang nainterbyu ay nawalan ng
dalawang anak, bahay, at nawalan din ng
kabuhayan. Sa kasalukuyan ay may tatlong
anak si Jocelyn, kasama ang kanyang asawa
sa Village. Isa lamang si Jocelyn sa madaming
nakapanayam ng grupo na masasabing na-
disempower ng Yolanda
Si Kuya Marvin Isanan ay dating security guard sa
paliparan ng Tacloban. Nawalan siya ng dalawang
anak na babae at kasalukuyang umaasa parin na
buhay ang isa dito dahil hindi pa natatagpuan ang
katawan. Pagkatapos ng Yolanda ay nagtayo na
lamang ng tindahan si kuya Marvin at kanyang
asawa sa loob ng village dahil hindi na niya kaya
pang mamalagi sa dating trabaho. Bumabalik
lamang sakanyang alaala kung paano inagos ng tubig
ang kaniyang anak. Natira lamang ang kaniyang
buynsong anak. Ayon sa kanyang asawa masakit
isipin na kaniyang dalwang anak ang kapalit ng
kanilang unit sa GMAKV. Tuwing pag-uusapan muli
ang Yolanda ay hindi nila maiwasang umiyak.
45
Sa konteksto ng
GMAKV nagkaroon ng iilang isyu sa
pagkakaroon ng bahay. Isa sa nakapanayam ng grupo si
Kuya Larry, asawa ni ate Gayang. Ayon sa kanya
nahihirapan siya sa pagtugon sa kaniyang oras sa sweat equity dahil ang namamahala sa pag
record ng oras ay hindi nailalagay ang lahat ng oras na kaniyang natrabaho. Nilalayon nito na
maging kabilang ang mga benepisyaryo sa pagbuo ng kanilang mga bahay nang sa ganun ay
magkaroon ng diwa ng pagbangon ang mga naglalayon na makakuha ng bahay. Sa kaniyang
pakiramdam ay nagkakaroon ng pangdadaya. Kahit na nakumpleto na niya ang oras ay patuloy
pa rin siya sa pagtatarabaho. Hindi lamang siya ang nakaranas ng ganitong sitwasyon.
May naibahaging kwento rin na napililitan na magtrabaho upang magkaroon ng unit ang
isang mayroong malubhang karamdaman. Wala itong magawa dahil isa na lamang ang natira sa
kanyang kapamilya dulot ng Yolanda at ito ay menor de edad kaya hindi puwede magtrabaho.
Kalaunan ay nadiskubre ito ng namamahala at pinatigil na din sa pagtatrabaho.
Mayroon ring ibang benepisyaryo na nagbabayad ng mga magtatrabaho para sakanila
upang makuha ang unit pero ito ay sinisilip ng iba at may hindi pagkapatas sa paningin ng ibang
nagtatrabaho at kung minsan ay inaangkin na ng nagtrabaho ang unit.
Masasabi rin na ang "kasabutan" ay maituturing na hamon para sa mga residente ng
GMAKV. Ito ay ang kasunduan na pinirmahan ng donor at benepisyaryo kung saan may mga
polisiya na kailangan sang-ayunan bago makatanggap ng unit o pabahay. Nakasaad dito na ang
mga bahay ay bawal gawing tindahan o pagkakakitaan, bawal din itong taniman ng kahit anong
gulay at bawal dugtungan o magkaroon ng expansion.
Si kuya Jun Castro ang isa sa may
pinakamaraming namatay na kamag anak
kasama ang kaniyang asawa, nanay , limang
anak, asawa ng kaniyang anak, walong apo,
pinsan at asawa ng kaniyang pinsan.
Hanggang ngayon ay hindi mo parin siya
masyadong makakausap pag tungkol sa
bagyo. Nandoon padin ang trauma sa hagupit
ng Bagyong Yolanda. Marami ang kaniyang
natanggap na pinansyal na tulong sa iba't
ibang ahensya ngunit ayon sa kanya hindi
nito mapapalitan ang buhay ng kaniyang
mgakapamilya.
46
Mahirap ang ganitong patakaran lalo na sa mga nakatira sa relokasyon dahil limitado lamang
ang pinagkakakitaan at malayo sa mga oportunidad. Kung sa pagtatanim naman ay malaking
tulong ito para sa kanilang personal na konsumo ng mga gulay. Ngunit mayroon nakasaad na
proyekto ang GMAKF na patayuan ng isang "multi purpose hall" ang GMAKV upang ito ang
magsilbing bilihan o palengke ng mga residente na hanggang sa ngayon ay hindi pa sinisimulan
ang pagtatayo kaya't pansamantalang pinapayagan ang mga tindahan sa tirahan. Kasalukuyang
ipinapatayo ng GMAKF ang eskwelahan para sa GMAKV.
47
KABANATA 3:
PAGSASALARAWAN NG GAWAING FIELDWORK
48
BALANGKAS NA GABAY SA PAGGAWA NG MGA PLANO SA PAG-OORGANISA
Maituturing na bagong komunidad ang nilipatan ng mga nakaligtas sa bagyong Yolanda. Sila
ay nagmula sa iba't ibang parte ng Barangay 88 ng Tacloban na lubos na hinagupit ng bagyo. Isa
sa mga requirement upang magkaroon ng pabahay dito ay kinakailangan na may casuality o
pumanaw na miyembro ng pamilya. Dapat din ay pito (7) pataas ang miyembro upang
magkaroon ng unit. Kahit na sila ay galing sa iisang barangay, ang mga tao ay hindi lubos na
magkakakilala at dito lamang nagkasama-sama.
Ang naging batayan sa pagbuo ng balangkas ay ang kasalukuyang sitwasyon ng mga
nakaligtas gumamit ng iba't ibang stratehiya para sa pag-papaunlad ng kakayahan ng mga lider.
Kasama na dito ang proseso na maging mapanglahok, magkaroon ng pag-angkin sa mga
tungkulin at gampanin at pag-aayos ng mga gusot na nasa loob ng organisasyon upangs sama-
samang muling makabangon mula sa naranasang delubyo at magkaroon ng pagkakaisa ang mga
tao.
Ang balangkas ng konsepto na ginagalawan ng grupo ay nakabatay sa proseso ng pag-
oorganisa ng pamayanan o community organizing (CO) sa pamamagitan ng pagpapalakas ng
pamumuno ng mga lider o leadership development (LD) at pagpapalakas ng samahan o
organizational development (OD) tungo sa pagbubuo ng pamayanan o community building (CB).
Sa pagsasagawa ng prosesong ito ay nilalayong maimulat at mapataas ang antas ng kamalayan
(awareness raising at conscientization) ng mga miyembro ng samahan at pamayanan sa diwa ng
aktibo at sama-samang paglahok (active and collective participation), pag-angkin (ownership) sa
samahan at pamayanan, at pagsasaayos at paghilom ng mga hidwaan (conflict management). Sa
kabuuan ng semestre ang mga gawaing ito ay nagbunga ng pagmomobilisa ng pamayanan
(community mobilization) para sa pagsasagawa ng general assembly (GA) na lubos na
kinakailangan ng samahan at pamayanan. Inaasahan ding makamit ang empowerment sa
pagdanas at pakikilahok ng mga miyembro ng pamayanan at samahan sa mga gawaing
nabanggit.
PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA TEMA
Ang Homeowners Association
Ang Home Owners’ Association o HOA ay ipinarerehistro sa opisinang panrehiyunal ng
Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB na nakakasakop sa subdivision o lupang
nais bilhin ng asosasyon. Inirerehistro ang isang asosasyon upang ito ay magkaroon ng juridical
personality na iba sa mga opisyales at kasapi nito. Sa mga subdivision, ang pagpapatala ng
asosasyon ay hindi sapilitan ngunit sa mga nais mapasailalim ng CMP, ito ay kailangan dahil
hindi sila pauutangin kung hindi sila rehistrado.
Ang pangalan ng isang asosasyon ay hindi dapat kasingtulad, kasing tunog o kasing
hawig ng isang asosasyon na nakatala o nakarehistro na. Ito ay para maiwasan ang pagkalito ng
49
mga tao kung aling asosasyon ang kanilang kaharap o kausap. Ang bilang ng mga direktor ay
hindi dapat bababa sa lima (5) at hindi hihigit sa labinglima (15). Sa mga asososyon sa
subdivision, walang limitasyon ang dami ng miyembro. Sa mga asosasyon ng mga
mangungutang sa CMP, ang bilang ng miyembro ay hindi dapat lalampas sa tatlong daan.
Layunin ng HOA na pamahalaan ang araw-araw na pamamalakad ng nasasakupang lugar.
Ang HOA ay may karapatang magbuo at magpatupad ng mga batas at alintuntunin sa
pamamagitan ng pagkonsulta sa lahat ng miyembro. Sila ay may responsibilidad na pangasiwaan
ang paggamit, pangangalaga, pagsasaayos, at pagpapaganda ng kapaligiran at mga pasilidad sa
kanilang lugar. Sila rin ang nakaatas na mangalaga sa kapayapaan at seguridad ng pamayanan.
Kasama rito ang pamamahala sa mga daanan at kalsada sa lugar.
Ang HOA rin ang namamahala sa pagkuha ng kaukulang mga tauhan upang masiguro
ang maayos na pamamahala at pamamalakad sa komunidad. Sila ang naninigurado na
nakakakuha ng sapat na suplay ng mga batayang serbisyo ang mga residente lalo na ang patubig
sa kanilang lugar. Ang Homeowners’ Association rin ang namamahala sa pangongolekta ng mga
bayarin na gagamitin sa pangangalaga ng mga pasilidad na mayroon sa kommunidad. Sila rin
ang nagpapataw ng karampatang parusa sa mga miyembro ng asosasyon na napatunayang
lumabag sa kanilang mga alituntunin.
Malinaw na nakasaad sa RA 9904 o Magna Carta for Home Owners and Home Owners’
Association na may karapatan ang bawat homeowner o sinumang residente sa komunidad na
sumali o hindi sa asosasyon. Ang bawat residente ay kwalipikadong sumali at may karapatan
gumamit ng mga pasilidad at mga lugar sa kanilang komunidad.
Ayon sa pinapatupad na alituntunin ng batas na ito, ang isang homeowner ay maaring
nagmamay-ari ng lote sa isang subdivision o village. Kasama rin dito ang mga napamahagian ng
pabahay na galing sa lupa ng gobyerno at ang mga residenteng nabenepisyuhan ng mga
programa ng gobyerno tulad ng Community Mortgage Program o CMP. Nakasaad din sa batas
na ang relocatees ay kailangan muna magtayo ng HOA bago sila ilipat sa mga lugar na
paglilipatan sa kanila.
Ang Homeowners’ Association ay mahalaga sa isang komunidad upang matiyak ang mga
serbisyong dapat nakukuha ng bawat residente. Sila ang namamahala sa kaayusan at kapakanan
ng kanilang lugar. Kailangan ang HOA sa isang relocation site sapagkat ang mga tao sa
relokasyon ay magkakaroon ng isang komunidad kung saan magsisimula ulit sila ng panibagong
buhay. Bilang bago ang komunidad, kailangan nilang magtayo ng mas maayos na pamayanan
upang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat sa kanila.
Ang mga maaaring gawin ng isang asosasyon ay ang mga sumusunod:
● Maghabla at ihabla sa ilalim ng pangalan ng asosasyon
● Ang magmana sa ilalim ng pangalan ng asosasyon habang ito ay hindi pa nabubuwag
● Gumamit ng selyo ng isang korporasyon o asosasyon
● Pagsusog ng artikulo ng pagsasama (articles of incorporation) ayon sa Batas Pambansa
Bilang 68
50
● Paggawa ng By-Laws na hindi taliwas sa batas, kagandahang asal, polisiya ng publiko at
ang pagsususog nito
● Tumanggap, bumili, mamigay, umupa, o humawak ng ari-arian ng sang ayon sa batas
● Makipag-isa o sumapi sa ibang asosasyon upang makabuo ng isang asosasyon
● Mamigay ng mga ari-arian ng asosasyon
● Tumanggap ng mga kasapi
● Gawin ang mga bagay na ikakatupad ng hangaring ng asosasyon na nakasaad sa artikulo
ng pagsasama na hindi labag sa batas
Ang nilalaman ng Artikulo ng Pagsasama (Articles of Incorporation) ay ang mga sumusunod:
● Pangalan ng asosasyon
● Pakay ng pagtatag ng asosasyon
● Lugar ng opisina ng asosasyon na dapat ay nasa Pilipinas
● Tagal ng buhay ng asosasyon
● Mga pangalan, nasyonalidad at tirahan ng mga sasapi
● Bilang ng mga director at katiwala
● Bilang ng kapital, ng mga pangalan, nasyonalidad at tirahan ng mga nag-ambag at kung
magkano ang inambag ng bawa’t isa
● Iba pang mga bagay na hindi labag sa batas na mahalaga sa pagkakaalam ng mga sasapi
Ang isang asosasyon ay hindi maaaring magkaroon o gumawa ng anumang karapatan
maliban sa mga ibinibigay na batas sa artikulo ng pagsasama (articles of incorporation). Ang
asosasyon ay maaaring tumagal ng limampung (50) taon, maliban na lang kung ito ay bibigyan
pa ng karagdagang panahon o babawasan sa pamamagitan ng pagsusog ng artikulo ng pagsasama
o pagbuwag ng mga opisyales, kasapi nito at ang mismong HLURB. Ang asosasyon ay
nagkakabisa mula sa araw na ito ay mabigyan ng Certificate of Registration. Ang mayorya ng
mga director at katiwala ang unang nag-aapruba ng anumang amiyenda sa mga probisyon ng
artikulo ng pagsasama at By-Laws at ipinagpapatibay ito sa pamamagitan ng isang resolusyon.
Ang asosasyon ay dapat magsumite sa HLURB ng reportorial requirements ukol sa resulta ng
eleksyon ng mga director at opisyales at estadong pampinansyal ng asosasyon kada taon,
depende sa termino ng mga opisyales. Dapat ding patatakan ang mga libro ng asosasyon sa
HLURB. Kapag ang isang asosasyon ay hindi nakarehistro at ginagampanan ang karapatan at
pribilehiyo ng isang rehistradong asosasyon, ang mga opisyales at miyembro nito ang personal
na mananagot sa mga obligasyon at mga paglabag sa batas ng nasabing hindi rehistradong
asosasyon.
Pagpapalakas ng Samahan
Hindi masasabing matagumpay na ang isang samahan dahil lamang sa pagkakabuo nito at
hindi nangangahulugan na ang pagkakatatag nito ay tapos na sa proseso ng pagkakalikha.
Mahalaga ang palagiang pagtingin sa isang samahan upang masigurado ang pagiging epektibo
nito, makita ang iba’t ibang relasyon ng bawat isa at kung nakatuon pa rin ba ito sa
napagkasunduang layunin at tunguhin ng samahan. Kinakailangan sa isang samahan na paulit-ulit
itong isaayos upang makasabay sa hamon ng pagbabago at pag-unlad. Hindi lamang upang
51
baguhin ang kahinaan sa samahan ngunit ang pagpapalakas ng samahan ay ginagawa rin upang
maging mas epektibo ang ito sa paggamit at pag-angkin ng mga mas abot-kamay na mga rekurso
sa paligid.
Mahalaga sa pagpapalakas ng samahan na mabigyang diin ang talagang dapat pagtuunan
ng pansin at mapansin ang mga pangunahing yaman na mayroon sa isang komunidad upang ito
mismo ang magamit sa pagpapalakas ng organisasyon – ang tao. Ang isang samahan ay binubuo
ng mga tao. Ang mga bumubuong ito sa samahan ay may mga sariling kaisipan at mga kakayahan
upang kumilos ang samahan. Ito ang yaman ng isang organisasyon na dapat pinapanday hindi
lamang para sa indibidwal na pag-unlad kung hindi para rin sa kolektibong ikagaganda ng
samahan.
Ang GMA Kapuso Foundation ay nasa yugto na ng pag alis sa GMA Kapuso Village.
Para sa kanila, tapos na ang responsibilidad nila sa lugar bilang sila ay nakapagpatayo na ng
pabahay sa mga nasalanta ng bagyo. Sa kanilang pag lisan, ninais ng GMA Kapuso Foundation
katuwang ang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng
Pamayanan na palakasin at i-organisa ang samahan sa pamamagitan nang pagbuo at paglinang
ng mga kakayahan at katangian na angkop GMAKVHOA katulad na lamang ng pagpapaintindi
sa kanila ng kahalagahan ng pagkakaroon ng constitution and by-laws sa at pagpapakilos sa mga
lider tuwing block consultation at general assembly. Ninanais rin ng mga organisador na
makapagbigay ng espasyo sa mga lider ng samahan na mapagnilayan at maisakatuparan ang
pagbuo at pamamahala sa pamayanan.
Isa sa mga gawain ng mag-aaral sa GMA Kapuso Village ang pagsasaayos ng constitution
and by-laws ng samahan. Ayon sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), ang mga
dapat na nakasaad sa by-laws ay ang mga sumusunod:
● Lugar, oras at paraan ng pagtawag at pagdaos ng pulong ng mga direktor at katiwala
● Lugar, oras at paraan ng pagtawag at pagdaos ng pangkalahatang pulong
● Kinakailangang dami o bilang ng dadalo sa mga pulong at halalan
● Paraan ng kahalili (proxies) at paraan ng pagboto nito
● Mga kwalipikasyon at pagkakadiskwalipika, tungkulin at pabuya sa mga dir
● Araw ng halalan at paraan ng pagbigay ng paalala o pagtawag ng halalanktor at katiwala
● Paraan ng paghalal o pagtalaga at tagal ng panunungkulan ng mga director, katiwala at
mga opisyales
● Mga parusa sa paglabag ng mga alituntunin o by-laws
● Mga bagay na mahalaga at kanais-nais para sa asosasyon
Ang mga polisiya, sistema at pamamaraan ng isang samahan ang nagbibigay ng
mekanismo upang maging maayos ang samahan. Ito rin ang nagpapanatili at nagpapaibayo ng
mga positibong kaugalian at kumukontrol sa mga negatibong gawi sa loob ng samahan. Dagdag
pa rito, sinisigurado ng mga alituntinin at sistemang ito na kahit sino pa ang namumuno at
nagkokontrol sa isang samahan ay hindi ito lilihis sa landas patungo sa layunin at tunguhin ng
samahan sap ag-unlad.
52
HAKBANG- HAKBANG NA PAG-OORGANISA
Pagpasok sa Komunidad
Dahil sa magandang ugnayan ng Field Instruction Program at ng GMA Kapuso
Foundation, naging madali ang pagpasok ng mga mag-aaral sa GMA Kapuso Village. Ang mga
mag-aaral ay ipinakilala sa community organizer sa lugar na si Father Arnel Fortes. Nagsama-
sama muna ang mag-aaral upang ipakilala sa mga lider ng komunidad at nag-usap para sa mga
planong gawain para sa unang yugto ng kanilang pananatili sa lugar.
GMA Kapuso Village Savings, Loan, and Homeowners Association
Ang napagkasunduan na ang gawain ng FIP Team sa Kapuso Village ay ang pagtulong sa
Capacity Building ng mga Pinuno ng Kapuso Village Savings, Loan, And Homeowners
Association (GMAKVSLHOA). Ito ang asosasyon na nabuo sa pagtutulong-tulong ng
Community Organizer pati na rin ng ilan sa mga residente ng Village.
Buwan ng Agosto sa taong 2015 nang maitatag ang GMAKVSLHOA. Nagkaroon ng
eleksyon kung saan may mga representante lang ang bawat block. Sa dalawmpung (20)
representante, nagkaroon ng botohan kung sino ang mapapabilang sa labing tatlong (13) Board
of Directors (BODs). Kasama ng mga nanalo sa botohan ay ang pitong (7) naatasang opisyales
ng CO na tinawag niyang “conscience block”, at ang isang representatnte mng kabataan. Ang
dalampu’t isang (21) ito ang bumuo sa Board of Directors ng GMAKVHSLA.
Sa pagsisimula ng panunungkulan ng BODs, isa sa kanilang mga proyekto ang
pangongolekta ng isang libong piso (P1000.00) bilang membership equity para sa savings and
loanprogramng asosasyon. Ayon sa kanila, ang isang libong piso (P1000.00) na ito ay
mapupunta sa pondo ng asosasyon kung saan maaaring makapanghiram o mangutang ang mga
residente kapag kinakailangan nila ito.
Mahina ang pagtangkilik ng mga residente sa Savings and Loan Program base sa mga
sumusunod na dahilan:
1. Malaki ang isang libong piso (P1000.00) para sa mga tao sa komunidad. Ang mga
residente sa GMAKV ay pawang mga nagsisimula pa lang ng pagbangon kaya naman
ang pagbibigay ng halagang ito ay malaking bagay para sa kanila.
2. Walang maayos na pagpapaliwanag sa mga residente kung ano nga ba ang pupuntahan ng
kanilang pera. Nagsimula nalang ng implementasyon ang programa ng walang
pagkonsulta sa mga residente kaya naman walang alam ang karamihan sa kanila ukol
dito.
3. Ang ilang residente ay walang pagtitiwala sa ibang BODs sapagkat dala pa rin nila ang
mga isyu mula sa Brgy. 88. May mga miyembro ng BODs na mayroong hindi magandang
reputasyon sa mga tao sa komunidad.
53
4. Hindi sapat ang kita sa trabaho upang makapaglabas ng ganito kalaking halaga ng pera.
Maganda sana ang mithiin ng pagkakaroon ng programa ngunit hindi nagkaroon ng
konsultasyon sa komunidad patungkol dito. Ang nagdesisyon lamang ng ganitong programa ay
ang dating CO at ang kasalukuyang BOD.
May mga ibang kritiko na hindi pabor sa ganitong programa lalo na sa komunidad dahil ang
mga tao ay hirap at kaunti lamang ang kita kaya naman sila ay kadalasang mangungutang na
lamang hanggang sila ay mabaon dito. Kadalasan ay ginagamit s apag-aaral ng mga anak o
kapag nagkakaroon ng sakit ang miyembro ng pamilya. Ngunit kung ito ay gagamitin sa negosyo
o gagawing "micro-lending o micro-credit program" ay maaari pang makatulong sa bawat
indibidwal upang ma-iangat ang antas ng pamumuhay. Ang paraang ito ay ginamit sa India
upang makapagsimula ng maliit na pagkakakitaan ang mga tao at mai-ahon ang mga ito sa
kahirapan.
Maliban sa Savings and Loan Program, naging tungkulin rin ng mga BODs ang
pakikipag-usap sa ibang ahensya na pumupunta sa village, at ang pagdedesisyon sa pamamahagi
ng mga natitirang bakanteng bahay.
Ang hindi pagkakasundo ng ilang mga residente at ng mga pinuno ng asosasyon ang isa
sa naging dahilan kung bakit sa pagpasok ng FIP team sa komunidad ay mayroon na itong
napansin na pagkakaroon ng hati sa mga residente. Sa isang banda, mayroong mga residente na
maayos ang pakikitungo sa mga pinuno ng asosasyon at kay Father Arnel, samantalang ang iba
naman ay hindi maayos ang relasyon sa kanila.
Ang mga paunang pagsusuri na ito ay naobserbahan ng grupo sa pamamagitan ng
pakikipamuhay sa komunidad. Sa mga unang linggo, ang pakikipagkilala sa mga residente ang
nabigyang pansin sa gawaing field. Kasama dito ang pagbabahay-bahay, pagpunta sa mga
pulong ng mga block leaders at mga BODs, pati na ang simpleng pakikipagkwentuhan. Sa mga
ganitong pamamaraan, nagkaroon ng mas malinaw na pag-intindi ang mga estudyante sa paraan
ng pamumuhay ng mga residente.
Ang karaniwang pinagmumulan ng usapan sa mga residente ay maiuugnay sa Bagyong
Yolanda. Sapagkat lahat sila ay nasalanta, makikita na malaki ang epekto ng bagyo sa kanilang
pamumuhay. Ang ilang residente na noon ay nakakaluwag sa buhay ay nawalan ng mga pag-aari
at kabuhayan. Marami rin ang nawalan ng mahal sa buhay, higit sa lahat. Kahit masakit pag-
usapan ang bagyo, inaalala pa rin ito ng mga residente at bukas naman silang ibahagi ang mga
kwentong ito sa grupo.
54
ANG UNANG YUGTO NG GAWAING FIELD
Agosto-Setyembre
Ang plano ng gawain para sa unang yugto ng field ay ang tumutok sa capacity building
ng mga pinuno ng GMAKVSLHOA. Nakagawa ng isang workplan kung saan magkakaroon ng
Learning Needs and Capacities Assessment (LNCA), na siya namang pagkukuhanan ng
magiging laman ng mga leadership trainings. Para naman sa ikalawang yugto ng gawaing field,
nagkaroon ng plano na magsagawa ng profiling ng mga residente na makakatulong sa
revalidation ng mga benepisyaryo.
AngLearning Needs and Capacities Assessment(LNCA) ay isinagawa upang malaman
ang mga kaalaman, kakayahan, at saloobin ng mga lider ng HOA sa sitwasyon ng GMA Kapuso
Village at ng kanilang samahan. Sa pagsasagawa ng LNCA ay nalaman na kinakailangan ng mga
lider na matuto ng mga gawain ng isang Homeowners Association, kasama na dito ang gawain
Sunday Monday Tuesda
y
Wednesda
y
Thursday Friday Saturday
27-29
Revision
of
Constitutio
n and By-
laws
20 Paggawa ng
workplan
kasama ang
COCO21
Pagpapakilala sa
Block Leaders at
Officers22
INTEGRATION
30 31 1 2 3 4 TNA
Guide
6c66 k
Consultati
on (Phases
5 and 6)
Project
Proposal
Making
Workshop
8 9 10 11
TNA Para sa mga BOD at
Block Leaders
Interbyu sa BOD at Block Leaders 17 Analysi
s
19
20
21 22 23 24 25 Leadership Training
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte
FIP Tacloban Leyte

More Related Content

Featured

How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthHow Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthThinkNow
 
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfmarketingartwork
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024Neil Kimberley
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)contently
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024Albert Qian
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsKurio // The Social Media Age(ncy)
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Search Engine Journal
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summarySpeakerHub
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Tessa Mero
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentLily Ray
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best PracticesVit Horky
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementMindGenius
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...RachelPearson36
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Applitools
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at WorkGetSmarter
 

Featured (20)

How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthHow Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
 
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
 
Skeleton Culture Code
Skeleton Culture CodeSkeleton Culture Code
Skeleton Culture Code
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work
 
ChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slidesChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slides
 

FIP Tacloban Leyte

  • 1. 1 Tindog Tacloban Mga Kwento ng Karanasan sa Pag- Organisa ng Komunidad na Kasalukuyang Bumabangon sa Hagupit ng Kalamidad B asma n , M oha mmad Taj all ih J avie r , P aul Dav e M ader al , Lus ha F ranc esc a M idua , Ca mil le A llen D isye mbre 20 15 Departamento ng Pagpapaunlad ng Pamayanan Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan
  • 2. 2 Unibersidad ng Pilipinas-Diliman Lungsod Quezon #TINDOG TACLOBAN: Mga Kwento ng Karanasan sa Pag-Organisa ng Komunidad na Kasalukuyang Bumabangon sa Hagupit ng Kalamidad Basman, Mohammad Tajallih Javier, Paul Dave Maderal, Lusha Francesca Midua, Camille Allen Disyembre 2015
  • 3. 3 Talaan ng Nilalaman Kabanata 1: Panimula 1 Field Instruction Program 2 Kabanata 2: Paglalahad ng Konteksto 9 Epekto ng Yolanda sa Tacloban, Leyte 12 Dalawang taon matapos ang Bagyong Yolanda sa Tacloban 13 Mga inisyatibo ng pamahalaang nasyunal at lokal 14 Sitwasyon ng pabahay at rehabilitasyon 28 Kabanata 3: Pagsasalarawan ng Gawaing Fieldwork 47 Balangkas na gabay sa paggawa ng mga plano sa pag-oorganisa 48 Unang yugto ng gawaing fieldwork 54 Ikalawang yugto ng gawaing fieldwork 57 Proseso ng pagpasok sa komunidad 61 Kabanata 4: Mga istratehiyang ginamit sa pag-oorganisa 64 Pakikipamuhay 65 Capacity Building 66 Organizational Development 67 Community Mobilization 68 Leadership Development 69 Kabanata 5: Pinagsama-samang aral ng grupo 71 Papel ng Community Development sa pagbangon ng mga nasalanta 72 Relocation at recovery 72 Community Building at Empowerment 72 Build Back Better Approach 74 Pagiging malaya at may dignidad para sa ganap na buhay 75 Early recovery bilang approach ng pagtulong sa mga nasalanta 76 Pagtugon sa estado ng karapatang pantao 77 Kabanata 6: Mga hamon 79 Kabanata 7: Konklusyon at rekomendasyon 83 Community Development sa pag-oorganisa ng HOA 84 Disaster resilient= wellbeing 86 Kabanata 8: Mga piling pag-aaral sa komunidad 88 CD 126: Innovative Strategies in Community Organizing 89 CD 135: People’s Initiative and Economic Enterprises 98 Kabanata 9: Pagninilay-nilay at repleksyon ng grupo 109 Apendiks 119
  • 4. 4 MGA DAGLAT BBMA-Bisig Bayan Medical Assistance BOD-Board of Directors CB-Community Building CBL-constitution and By-Laws CD-Community Development CHCDO- City Housing and Community Development Office CMP-Community Mortgage Program CO-Community Organizer CRRP- Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan DILG- Department of Interior and Local Government FGD-Focused Group Discussion FIP-Field Instruction Program GA-General Assembly GMAKF-GMA Kapuso Foundation GMAKV-GMA Kapuso Village GMAKVHOA- GMA Kapuso Village Homeowners’ Association HLURB-Housing and Land Use Regulatory Board HOA-Homeowners' Association HUC-Highly Urbanized City IDP-Internally Displaced Person INGO-International Non Government Organization IRA-Internal Revenue Allotment KSD-Kapuso Medical Development LD-Leadership Development LGU-Local Government Unit LNCA-Learning Needs Capacity Assessment LRRP-Local Government Rehabilitation and Recovery Plan NDRRMC- National Disaster Risk Reduction & Management Council NGO-Non-government Organization NHA-National Housing Authority OB-Operation Brotherhood OD-Organizational Development OPARR- Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery PAR-Philippine Area of Responsibility PCUP- Presidential Commission on the Urban Poor PO-People's Organization Project NOAH- Project Nationwide Operational Assessment of Hazards RBS-Republic Broadcasting System UDHA- Urban Development and Housing Act
  • 5. 5 EHEKUTIBONG PAGBUBUOD Mula Agosto hanggang Nobyembre 2015, ang mga mag-aaral ng BS Community Development mula sa UP College of Social Work and Community Development ng Unibersidad ng Pilipinas (UP CSWCD) ay nanatili sa GMA Kapuso Village (GMAKV) Tacloban para sa ikaapat na taon ng kanilang pag-aaral. Nasa ilalim ito ng Field Instruction Program (FIP) ng kolehiyo kung saan ang mga mag-aaral ay makikipamuhay at mananatili sa isang komunidad upang maranasan ang kanilang pang araw-araw na buhay at makatulong sa mga gawaing pagpapaunlad dito. Kaakibat ng UP CSWCD ang GMA Kapuso Foundation sa pagpapadala ng apat na mag- aaral sa GMA Kapuso Village Tacloban upang makatulong sa capacity building ng mga bagong opisyales ng kanilang Homeowners Association. Maliban sa guro na gabay mula sa kolehiyo na si G. Victor Obedicen ay mayroon ding mangangasiwa sa mga mag-aaral mula sa Kapuso Foundation na si Father Arnel Fortes, ang community organizer ng Foundation. Ang GMA Kapuso Village Tacloban ay isa sa mga unang resettlement sites na naitayo at natirahan ng mga mamamayan matapos ang Bagyong Yolanda. Mayroon itong 403 na housing units kung saan ang mga nakatira ay galing sa Brgy. 88 ng Tacloban City, isa sa mga pinakanaapektuhan ng nangyaring sakuna. Mula nang dumating ang mga residente sa GMAKV, nagkaroon ng unti-unting pagbangon mula sa bagyong Yolanda. Ngunit, karamihan pa rin sa kanila ay hirap sa pagbangon sapagkat maraming nawalan ng mga mahal sa buhay. Marami rin ang nawalang ng mga kabuhayan at pag-aari. Dahil dito, ang pagsisimula ng panibagong buhay at pagbangon ay mahirap lalo na't karamihan sa kanila ay pangingisda ang kinabubuhay at malayo ang GMA Kapuso Village sa kanilang pangisdaan. Kahit mayroong mga problema at hirap sa pamumuhay ang ilan, mayroon rin namang mga nakapagsimula na ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tindahan at paghahanap ng ibang kabuhayan. Nagsimula ang FIP team sa pakikipamuhay sa komunidad sa pagkilala sa mga residente ng GMAKV pati sa officers ng kanilang HOA. Sa pakikipamuhay, naranasan ng FIP team ang araw araw na pamumuhay ng mga residente. Nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang team sa mga isyu at problema na kinahaharap ng mga taong nakatira sa isang resettlement area matapos ang isang malaking sakuna. Mula sa pagkilala sa mga residente at pagtingin sa kanilang mga isyu, nakabuo ang team ng mga gawain para sa komunidad. Kabilang na dito ang isang project proposal making workshop na nadaluhan ng mga block leaders. Maliban dito, nagkaroon rin ng isang leadership training seminar para naman sa mga board of directors ng HOA. Habang nagpapatuloy ang mga gawaing pagpapaunlad ng kasanayan ng mga lider, ang FIP team ay nagpatuloy rin sa pakikipagkilala sa mga residente. Dito natuklasan nila na marami sa mga residente ang kulang o walang partisipasyon sa HOA sapagkat ang paghahalal ng mga
  • 6. 6 opisyales ng HOA ay hindi naidaan sa prosesong kanilang ninanais. Sa naging eleksyon kasi ng mga residente noong Agosto, pito sa mga board of directors ang pinili lang ng community organizer, samantalang ang natitirang labingtatlo ay inihalal ng mga representante mula sa mga blocks. Dahil sa hindi maayos ang naging proseso ng pagpili ng mga opisyales ng HOA, nagdulot ito ng hindi pakikiisa ng ilang mga residente sa mga gawain lalo na iyong galing sa mga blocks na walang representante sa board. Ang mga ganitong reklamo ay nakarating hindi lamang sa loob ng komunidad ngunit pati na rin sa City Housing and Community Development Office (CHCDO) ng Tacloban. Pati rin si Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban ay nagtungo sa GMAKV upang makausap ang mga residente, mga opisyales, pati na rin ang community organizer upang magkaroon na ng pagkakaisa dito. Ang CHCDO ang ahensya na namamahala sa relokasyon at paglalaan ng serbisyo sa mga resettlement sites sa Tacloban. Mula pa nung una, hindi ito pabor na magtayo na ng HOA ang GMAKV sapagkat ayon sa kanila, maaaring maayos ang pamumuno sa komunidad kahit hindi muna pormal na HOA ang maitayo. Ngunit hindi ito pinakinggan ng community organizer ng GMA kaya naman nagpatuloy ang pag-aayos at pagpaparehistro ng GMAKVHOA. Nagtungo rin ang mga tao mula sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) sa GMAKV upang masimulan na ang proseso ng pagpaparehistro ng HOA. Ang mga kaganapang ito ang naging laman ng unang pitong linggong pananatili ng FIP team sa gawaing field. Sa pagbabalik nila para sa ikalawang yugto ng gawaing field, nagkaroon naman ng mga panibagong gawain para sa kanila hindi lamang sa aspeto ng mga gawain ngunit pati ang kanilang personal na pakikitungo sa mga tao sa komunidad. Sapagkat nang sila ay makabalik na, hindi naging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa kanila sapagkat nalaman nila na mayroong agam-agam ang FIP team sa nagiging proseso ng pag-oorganisa ng community organizer. Hindi ito naging madali sapagkat kinakailangang makipagtulungan ng FIP team sa mga residente sa mga gawain kahit hindi bukas at aktibo ang partisipasyon ng mga ito. Nagkaroon din ng utos ang community organizer na imbis sa mga host families umuwi ang FIP team ay pinanatili sila sa opisina ng GMAKF. Ang tensyon na ito ay mas lumawig pa nang mapagdesisyunan ng GMAKF na pabalikin na ang community organizer sa Maynila at patigilin na sa kanyang trabaho sa GMAKV. Nang makarating ang balitang ito sa mga opisyales, nagkaroon sila ng halo-halong emosyon kabilang na rito ang lungkot sa pagkawala ni Father Arnel, at pagkagalit sa FIP team sapagkat sa tingin ng mga opisyales ay sila ang nagdulot ng pagkakatanggal sa trabaho ni Father Arnel. Naging mahirap ang pakikihalubilo ng FIP team sa mga residente pagkatapos ng mga naganap na ito. Iilan lang sa mga opisyales ang kumakausap sa kanila. Hindi rin makapagpatuloy sa mga gawaing nakalatag sapagkat hindi ito maisaayos kasama ang mga lider. Nagkaroon lamang ng paglilinaw at paunti-unting pagbalik ng tiwala at pagiging panatag ng mga opisyales sa FIP team nang magpunta si Ma'am Mel Tiango, ang head ng GMAKF, sa komunidad. Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit wala na si Father Arnel at kung ano ang mga susunod na hakbangin ng foundation para sa komunidad. Dito rin nailahad ng FIP team ang
  • 7. 7 plano na magkaroon ng konsultasyon ng Constitution at By-laws (CBL) sa lahat ng residente upang magkaroon sila ng CBL na naidaan sa tamang proseso at angkop para sa kanilang mga pangangailangan. Nasabi rin ni Ma'am Mel magkakaroon na rin ng eleksyon ng mga opisyales ng HOA na maidadaan sa prosesong kanilang nais. Nagpatuloy na ang mga gawain ng FIP team sa komunidad. Kabilang na rito ang pakikipagtulungan sa mga opisyales ng HOA sa isang presentors training kung saan nagkaroon ng pagsasanay kung paano nila ipapakita at ipapaliwanag ang mga nilalaman ng CBL. Matapos ito, nagkaroon na ng serye ng konsultasyon ng CBL sa mga residente, Nagawa ito sa pakikipagtuwangan naman ng FIP team sa CHCDO. Matapos ang serye ng mga konsultasyon, naihanda at napagsama-sama na ang mga gustong I-amyenda ng mga residente sa kanilang CBL. Nagsilbi itong bahagi ng paghahanda para sa General Assembly kung saan maaamyenda na ang CBL at pagkatapos nito ay magkakaroon na ng eleksyon para sa mga bagong opisyal ng HOA. Nagkaroon ng mainit na pagtangkilik ang mga residente sa General Assembly. Marami ang nakadalo kaya naman naamyendahan na ang CBL at nakapagpatuloy na sa eleksyon. Natapos ng matiwasay ang eleksyon na nagkaroon naman ng positibong pagtanggap sa mga residente. Ang eleksyon ang naging huling gawain ng FIP team para sa GMAKVHOA. Ngunit, hindi dito nagtapos ang gawain ng team sapagkat bago umalis sa field ay nagkaroon rin ng tuluyang pakikipag-ayos sa mga opisyales na lubhang naapektuhan sa pag-alis ng community organizer. Nasigurado ng team na ang kanilang relasyon sa mga residente ay hindi nila iiwang sira sa kanilang pag-alis. Sapagkat maliban sa mga gawain na nakatulong sa HOA, ang mga karanasan sa araw-araw nilang pamumuhay ang kanilang baon sa pagtatapos ng gawaing field.
  • 9. 2 ANG FIELD INSTRUCTION PROGRAM Sa ikaapat na taon ng mga mag-aaral ng kursong Pagpapaunlad ng Pamayanan o Community Development (CD) sa Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay sumasailalim sila sa Field Instruction Program o FIP. Sa Field Instruction Program (FIP) ipinapadala ang mga mag-aaral sa iba’t ibang mga katuwang na pamayanan upang makipamuhay sa loob ng dalawang semester at tumulong sa mga gawaing pag-oorganisa. Sa pagtungo sa pamayanan, mayroong kaagapay ang mga mag-aaral na isa o dalawang guro bilangfaculty supervisor/s. Sila ang mga gagabay ng mga mag-aaral sa kanilang pakikipamuhay at paggampan ng mga gawain sa pamayanan. Nilalayon ng programang ito na: ● Matuto ang mga mag-aaral sa pamamagitan nang pagsasapraktika ng mga teoryang natutunan sa akademiko at sa kasama na rin ang pakikipag-aralan sa mga tao sa komunidad; ● Iugnay ang mga natutunang istratehiya at teorya sa praktika; ● Pagyamanin ang mga natutunang mga teorya at paunlarin ang kamalayan mula sa pakikipamuhay sa pamayanan; ● Maisabuhay at makatulong sa pamamagitan nang paglilingkod sa pamayanan at sa bayan; ● Paunlarin at palakasin pa ang mga kakayahan sa gawaing pagpapa-unlad Mula sa karanasan sa integrasyon, pakikipamuhay at pakikiisa sa mga gawain sa pamayanan ay nagkakaroon ng bagong karanasan, pagtingin at kakayahan ang mga mag-aaral. Kaakibat nito ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maisa-praktika ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing pagpapaunlad at pag-oorganisa ng pamayanan na natutunan sa pamantasan. Upang maisakatuparan ang mga layunin ng FIP, ang Departamento ng Pagpapaunlad ng Pamayanan ay nakikipag-ugnayan sa mga institutsyon katulad ng Local Government Unit (LGU), Non-government Organization (NGO), People’sOrganization (PO) at iba pang mga ahensya at organisasyon na ang kapwa minimithi ay matulungan at gabayan ang mga pamayanan sa pag-unlad. Mayroong isa o higit pang kinatawan mula sa mga mapipiling ahensya at organisasyong na magiging katuwang ng mga mag-aaral sa pag-oorganisa sa pamayanan upang maging partner agency supervisor. Sa FIP makikita ang pagbabalik sa mga tao sa komunidad ng mga mag-aaral ang natutunan sa pamamagitan nang pagbibigay serbisyo sa kanila. Sa FIP ginagamit ng mga mag-
  • 10. 3 aaral ang mga kakayahan patungkol sa pag-oorganisa ng pamayanan, pagplano, pagpapaunlad ng panlipunang negosyo, pagtukoy at pagsasakatuparan ng mga inobatibong istratehiya sa pamayanan, pagpapakilos at pamamahala sa mga miyembro ng pamayanan at iba pang mga kasanayang naaangkop sa pamayanang paglilingkuran. Layunin ng Field Instruction Program sa GMA Kapuso Village Tacloban Inaasahan na sa pagtatapos ng apat na buwang pakikipamuhay sa pamayanan ay matugunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod: ● Magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga mag-aaral at ang GMA Kapuso Foundation tungkol sa tunay na kalagayan ng GMA Kapuso Village sa New Kawayan, Tacloban City. ● Palakasin at organisahin ang samahan ng (GMAKVHOA) sa pamamagitan nang paglinang ng mga kakayahan at katangian sa pamamahala na angkop para sa samahan. ● Gabayan ang mga residente sa pagpapaunawa ng proseso ng pabahay sa relokasyon. ● Pagpapaunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng Constitution and By-laws sa GMAKVHOA at pagpapakilos sa mga lider tuwing block consultation at general assembly. ● Makapagbigay ng lugar para sa mga lider ng samahan na mapagnilayan at maisakatuparan ang pagbuo at pamamahala sa pamayanan. ● Matulungan ang na magkaroon ng iba pang katuwang ang GMAKV maliban sa GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para tuluy-tuloy ang pag-unlad sa oras na matapos na ang tungkulin ng ahensya sa pamayanan. KATUWANG NA AHENSYA AT KOMUNIDAD Ang katuwang na ahensya ay ang sumusuporta at nagbibigay ng pondo sa mga pangangailangan ng FIP team sa gawaing pag-oorganisa sa komunidad upang makamit ang kanilang layunin na makabangon sa sakunang naransan dahil sa Yolanda sa tulong ng mga mag-aaral. Bilang nagpamahagi sila ng bagong tirahan sa mga taga Brgy. 88 ng Tacloban. Nais ng katuwang na ahensya ma-organisa ang mga tao at magkaisa sa komunidad. Kasama rin ang katuwang sa pag- gawa ng workplan atsabay na nagpaplano sa mga tunguhin na nais makamit ng pamayanan habang ang katuwang na komunidad ang kasama ng FIP team upang matuto at makipag-aralan sa bawat isa. Habang ang katuwang na komunidad ay ang tinutulungan ng FIP team sa kanilang mga gawaing pang komunidad tulad ng pagpapalakas ng samahan at pag-oorganisa. Kasama itong nakikipag aralan upang tukuyin ang mga problema at solusyon.
  • 11. 4 GMA Kapuso Foundation Ang GMA Kapuso Foundation, Inc. (GMAKF) ay isang non-stock at non-profit na organisasyon na naitatag noong ika-24 ng Abril, taong 1991 sa ilalim ng pangalang Republic Broadcasting System (RBS) Foundation. Ito aynaging GMA Foundation noong 1996, hanggang maging GMA Kapuso Foundation, Inc. noong 2003. Isa itong organisasyon na binubuo ng mga taong nagnanais tumulong sa pakikipagkawanggawa sa kapakanan ng nakararami. Ang GMAKF ay nakipagtulungan din sa ibang organisasyon para maisagawa ang mga proyekto nito. Ang isa sa mga pangunahing hangarin ng GMAKF ay ang manguna sa pagtulong sa pag-angat ng buhay ng mga naaping miyembro ng ating lipunan sa pamamagitan ng Serbisyong Totoo at ang responsableng paggamit ng media. Upang maisulong ang mga hangarin ng ahensya, mayroon silang iba't ibang proyekto at programa na nagbibigay-pansin sa kalusugan, edukasyon, tulong sa mga nasalanta, at values formation. Isinasagawa ang mga programang ito sa iba't ibang lugar sa bansa. Ilan sa mga programang ito ay ang Bisig Bayan Medical Assistance (BB) para sa kalusugan na tumutulong makapagbigay ng tulong medikal sa mga kababayang walang pangtustos sa gamutan; Unang Hakbang sa Kinabukasan kung saan naman nabibigyan ng mga gamit sa eskwela ang mga bata; Kapuso School Development (KSD) project kung saan nagpapatayo ang foundation ng mga eskwelahan sa tulong ng mga tao sa komunidad; Operation Bayanihan bilang programa naman para sa mga nasalanta ng mga kalamidad; at marami pang iba. Isa ring proyekto ng foundation ay ang Kapuso Village Project na nakalaan para sa kapakanan ng mga naapektuhan ng mga natural na kalamidad. Para sa GMAKF, ang Kapuso Village Project ay hindi lang normal na pabahay sapagkat ito rin ay sumisimbulo ng pag-asa at bagong simula para sa mga taong maninirahan dito. Ang unang Kapuso Village ay naipatayo noong 2006 sa Lilo-an, Southern Leyte. Isang daang (100) bahay ang naipamigay para sa mga nasalanta ng St. Bernard Landslide. Sumunod dito ang mga Kapuso Villages sa Iligan City na inilaan naman para sa mga biktima ng Bagyong Sendong. Ang GMA Kapuso Village (GMAKV) sa Tacloban City ay ang ikaapat na Kapuso Village para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Ang ikalimang Kapuso Village ay matatagfpuan naman sa Palo, Leyte kung saan naging biktima rin sila ng Bagyong Yolanda Ang pomdo ay nagmula sa donasyon ng iba't ibang pribadong kumpanya at kung minsan ay nagbibigay serbisyo sa GMAKF. Katulong rin ng foundation ang iba't ibang ahensya ng gobyerno mapalokal o nasyunal. GMA Kapuso Village-Tacloban Ang GMA Kapuso Village (GMAKV) ay matatagpuan sa Brgy. 106 sa Lungsod ng Tacloban. Ito ay ang unang pabahay na nakumpleto sa Lungsod ng Tacloban matapos ang bagyong Yolanda ayon sa City Housing Office. Binubuo ito ng apatnapu’t tatlong daang (403)
  • 12. 5 yunit na nahahati sa dalawampu’t isang (21) blocks. Nahahati din ito sa anim (6) na phases na batay sa pagkapangkat-pangkat ng pagkakalipat. Unang nalipatan ito ng mga benepisyaryo noong Nobyembre 2014, isang taon matapos ang Yolanda. Sa ngayon, tatlumpu’t siyam na raan (393) na bahay na ang okupado dito. Ang isang bahay ay may sukat na limampung metrong kuwadrado (50 sqm) na lot area at apatnapu’t dalawang metrong kuwadradong (42sqm) floor area. Ang pagpapatayo ng GMAKV ay natupad sa pakikipagkatuwang ng GMA Kapuso Foundation sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Tacloban at sa National Housing Authority (NHA). Ang GMAKF ang nagbigay ng istruktura ng bahay, ang NHA ang nag-ayos ng lupang pagtatayuan ng bahay, at ang lokal na pamahalaan ng Tacloban naman ang nagtaya sa pagkakaroon ng kuryente at tubig sa lugar. Dahil bahay lang ang ibinigay ng GMAKF, hindi pagmamay-ari ng mga benipisyaryo ang lupa na pinagtayuan ng bahay. Ngunit pagkalipas ng limang taon ng kanilang paninirahan ay maaari na nilang bayaran ang lupa. Mayroon din naman silang karapatan na magdesisyon kung nais ba nila itong bilihin o hindi. Ang mga naging benepisyaryo ng pabahay sa GMAKV ay pawang mga taga-Brgy. 88 ng Tacloban isa sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng bagyo. Ito ang pinakamalaking barangay ng lungsod batay sa dami ng populasyon. Maliban sa pagiging residente ng Barangay 88, mayroon pang ibang kwalipikasyon upang maging benepisyaryo ng GMAKF. Kabilang dito ang mga sumusunod: (1) Mayroong anim o pitong miyembro sa pamilya; at (2) Hindi kawani o empleyado ng gobyerno at kumikita ng hindi hihigit sa labing apat na libong piso (P14,000.00) sa isang buwan. Kung hindi sakop ng mga kwalipikasyon ngunit bulnerable ang sitwasyon ng pamilya ay maaari pa ring mabigyan ng pabahay. GMA Kapuso Village Homeowners Association Ang GMAKVHOA ay isang samahan ng mga pinuno na nabuo upang mamahala sa mga residente at GMKV Tacloban. Naitatag noong Agosto 2015 at pormal na narehistro sa HLURB bilang HOA noong Oktubre 2015. Sila ay tinatag bilang mga lider upang mapangasiwaan ang mga proyekto at bilang tumayong gobyerno sa loob ng komunidad lalo na kapag may gulo o hindi pagkakaintindihin. Bukod dito ay sila rin ang bahalang mag-asikaso sa mga gustong baguhin o idagdag sa komunidad tulad na lamang ng mga pasilidad, pag-aayos ng mga daan at bahay. Sila rin ay inaasahang mamuno at kumatawan para sa GMAKV-Tacloban. Ang unang naging kasapi ng HOA ay ang pitong (7) tinalaga ng CO upang maging key officers at ang labing apat(14) parte ng BOD na dumaan sa proseso ng botohan kada block. Ang bawat block ay pipili ng kanilang representante upang kumatawan para sa kanilang block noong botohan. Ayon sa RA 9904 o Magna Carta for Homeowners and Homeowners' Associations. Nilalayon nito na hikayatin, respetuhin at maisulong ang pagtatatag ng PO na mayroong kolektibong interes at mapanglahok na pamamaraan. Kaya naman nagkaroon ng polisiya ang gobyerno bigyang karapatan ang mga tao na bumuo ng unyon at asosayon na maaaring magsulong ng karapatan ng mga tao. Samakatuwid inaasahan na ang gobyerno ay magbibigay ng mga rekurso na mayroon sila upang maisakatuparan ang mga pangangailangan at interes ng
  • 13. 6 pamayanan. Kasama ang LGU na magbibigay ng mga batayang serbisyo sa mga tao at tutulong na magimplementa ng mga polisiya, programa, batas at ordinansa ng lokal at nasyunal na ahensya ng gobyerno para sa pagpapaunlad ng mga komunidad. Sinasabi sa sec 10 ng RA 9904 na ito ang mga sumusunod na kapangyarihan o karapatan ng isang HOA: “Ang mga kapangyarihan at katungkulan ng Asosasyon ang nakasaad saSection10ngRA9904(MagnaCartafor HomeownersandHomeownersAssociations),saSection49ngImplementing Rulesand RegulationsngRA9904,at saarticlesofincorporation a t by -la ws ng Asosa sy on. Kasama sa kapangyarihan at katungkulan ng Asosasyon ang sumusunod: (a) Baguhin o palitan ang mga articles of incorporation, by-laws, atrulesandregulationssa pamamagitan ng pagkonsultaat pag- aaprubangsimplemajority ng mga miyembro. (b)Mamahala sa mga suliranintungkol sa kapakanan ng Asosasyonat ng village, pwera na lamang sa mga usaping hindi nasasakupan ng Asosasyon. (c) Pangasiwaan at isaayosang mga commonareas at improve ang mga ito hanggang sumusunod ito sa mga provision ng approved na subdivision plan. (d) Pangasiwaan ang paggamit samga daanan sa village para mapangalagaan ang privacy, katahimikan, seguridad, kaligtasan at kaayusan ng trapik. Pero dapat ito ay: (1) inaprubahan sa publicconsultations;(2) sumusunod sa mga batas at alituntunin;(3)humingi ng permiso sa kinauukulan; at,(4)may kaukulang mga dokumento tulad ng memorandum of agreement sa mga kinauukulan. (e) Pangasiwaan ang pagkuha sa mga empleyado o contractors upang masiguro ang maayos na pamamalakad sa Asosasyon at sa village; (f) Bumili o magbenta ng real property o association property, kung aaprubahan ng simple majority ng mga miyembro ng Asosasyon. (g) Siguraduhin na mayroong kalidad na water services ang village na may resonableng presyo. (h) Ipagamit o iparenta ang mga common areas sa village, maliban sa mga daanan at kalsada, (i) Mangolekta ng kaukulang fees sa paggamit ng open spaces, facilities, at services ng asosasyon para sa operational expenses ng mga ito. (j) Bantayan ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa National Building Code, zoning laws, HLURB rules and regulations, at local ordinances.
  • 14. 7 (k) Makonsulta at wastong koordinasyon sa pagtatayo ng mga establishemento tulad ng schools, hospitals, markets, grocerystores o iba pang mga katulad na establishimento namakakaapekto sa takbo ng pamumuhay sa village.” (l) Suspendihin ang mga pribilehiyo o magpataw ng karampatang parusa sa mga miyembro kung may nilabag o hindi sinunod na patakaran o alituntunin ng Asosasyon. (m) Magpetition sa pagtatayo ng panibagong barangay na nakabatay sa Local Government Code of 1991 (n) May kapangyarihan na magdesisyon na nakabase sa by-laws at HLURB basta patungkol sa governance at operasyon ng asosasyon” Lahat ng relocation sites sa Pilipinas ay binigyang mandato ng HLURB na magtatag ng isang HOA upang pamahalaan at pangasiwaan ang mga village o subdivision. Ang GMAKV- Tacloban ay bagong komunidad at sa iba;t ibang parte ng Brgy. 88 ang mga tao dito. Ang iba ay hindi magkakakilala. Mahalaga ang HOA upang maging maayos at tahimik ang kanilang pamumuhay sa bagong kinabibilangan na komunidad. Sa pagdami ng mga residente sa village ay nagkaroon na rin ng pangangailangan upang magkaroon ng mga taong tatayong lider sapagkat ayon sa mga nakaraang karanasan ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF), nagkakaroon ng pagpapabaya ang mga tao sa komunidad ilang buwan o taon matapos maibigay ang proyektong pabahay. May mga pagkakataon na nagiging magulo ang komunidad o kaya naman may mga nagbebenta ng kanilang mga bahay. Dahil dito, nagtalaga ng community organizer (CO) ang GMAKF sa lugar na tutulong upang magkaroon ng mga lider sa komunidad at maisaayos ang relasyon ng mga tao sa isa’t isa. Batay sa isinagawang pagsusuri (needs assessment) ng nasabing CO, ang pamamahala sa komunidad ay matutugunan sa pamamagitan ng pagtatatag isang Homeowners Association (HOA) Ngunit may iba't ibang isyu na kinakaharap ang nabuong HOA sa komunidad. Ang ilan ay hindi kinikilala bilang mga lider ang mga opisyales dahil ito ay hindi dumaan sa mapanglahok na proseso pagdating sa pagtatalaga o botohan HOA. Ang iba kasi ay itinalaga (appointed) lamang ng CO at ang iba ay pinagbotohan ng mga tao sa komunidad. Hindi rin naging mapanglahok kundi naging authoritative ang prosesong ginamit sa pag-oorganisa ng mga tao ng dating CO ng GMAKF na si Father Arnel Fortes kaya nagkaroon ng pagkahati sa sa dalawang grupo ang mga tao sa komunidad. Nagkaroon ng personal na alitan si Father Arnel at si Kapitana Montalban ng Brgy. 88 dahil ang balita ay gustong gawing extension ang GMAKV ng Brgy. 88. Kung tutuusin kasi base sa populasyon na nalipat dito ay puwede na itong maging isang Barangay. Ito ay nag ugat ng pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Ang mga dating tauhan, brgy. worker at mga dating lider ay masama at walang intensyon na mabuti ang tingin ng dating CO. Doon nagmula ang pagkahati ng grupo dahil sa pananaw ni Father Arnel dapat ang HOA ay maging independent at
  • 15. 8 kumalas na sa LGU. Isa sa kaniyang mga dahilan ay madumi raw ang politika sa lugar kaya naman hindi na niya ninanais na mabahirap ng duming ito ang GMAKV. Ang alitan nilang dalawa ay nagbunga ng hindi rin pagkakaintindihan ng mga residente at hindi pagkakaroon ng pagkakaisa sa komunidad. Nakikita ito sa pamamagitan ng mahinang partisipasyon ng mga tao sa Homeowners Association.
  • 17. 10 Tacloban, Leyte Ang Tacloban ay matatagpuan sa Cancabato Bay katabi ng San Juanico Strait na naghahati sa probinsya o isla ng Leyte at Samar, ito ay ang dating kapital ng Pilipinas noong 20 Oktubre 1944 hanggang 27 February 1945. Batay sa 2010 Census of Population and Housing (CPH), mayroong 45,478 na household, at tumatayang 221, 174 katao ang naninirahan sa siyudad ng Tacloban. Ito rin ay tinalagang pinakapopuladong siyudad sa buong rehiyon ng Eastern Visayas. Ang siyudad ay idineklara na isang highly urbanized city (HUC) noong Disyembre 2008. Ito ang kauna-unahang HUC sa Silangang Visayas, at ika-34 naman sa buong Pilipinas.Ang Tacloban ay nakapwesto sa Hilagang Silangan ng Lalawigan ng Leyte.Ito ay may layong 580km mula sa Maynila. Mayroon itong lawak na 201.7 kilometrona binubuo ng 138 na barangay. Sa loob ng ilang dekada, ito ang nagsilbing sentro ng komersyo, edukasyon, at iba pang mga aktibidad pang ekonomiya ng Rehiyon VIII. Base sa tala ng National Statistical Coordination Board noong taong 2013, mayroong 40 na pampubliko at 18 na pribadong mababang paaralan habang 14 na pampubliko at 15 naman ang pribadong mataas na paaralan. Sa kolehiyo naman ay may 3 pampublikong paaralan at 15 pribado. Ayon sa CPH,Brgy. 88 ang pinaka populadong lugar itong barangay din na ito ang lubos na hinagupit ng Yolanda at pinakamarami ang bilang ng namatay. Ang Tacloban ay isang First Class City. Ang Internal Revenue Allotment (IRA) nito noong 2013 ay umabot sa P424 million. Ibig sabihin ang IRA per capita ng siyudad ay P1,916. Bilang sentro ng komersyo sa rehiyon, nandito nakatayo ang Robinsons Place Tacloban, Save More, at Gaisano Central. Nagtayo din ng establisyimento ang mga kompanya gaya ng Toyota, Ford, Chevrolet, Hyundai, Mitsubishi, Suzuki, Isuzu, Foton Motors, at Pilipinas Hino Incorporated. (National Statistical Coordination Board, 2013) Bagyong Yolanda (International Name: Haiyan) Base sa MercyCorps, isang INGO na tumutulong makabangon sa mga komunidad o lugar na nakaranas ng isang mabigat na delubyo. Ang Bagyong Yolanda ay kinikilalang kaunaunahang pinakamalakas na bagyong tumama sa lupa, nasira nito ang mga isla ng Pilipinas na nasa kategorya 5 ang lakas ng bagyo at bilis ng hangin na umaabot ng 195 mph. Ang lakas ng bagyo ay may bugso ng hangin ay umabot sa 235mph na nakagawa ng labing tatlong talampakang( 13ft) daluyong-bagyo (storm surge).
  • 18. 11 Ang ilustrasyong nasa taas ay nagpapakita ng aktwal na dinaanan ng Bagyong Yolanda kasama ang estimadong oras ng pagtama sa lupa at ang mga pinaka naapektuhang mga parte ng rehiyon. Noong ika-6 ng Nobyembre taong 2013, pumasok sa silangang bahagi ng Mindanao ang Bagyong Yolanda, kilala din bilang Haiyan. Kinabukasan ay lumakas pa ito at nagpatuloy pakanluran hilagang-kanluran patungo ng Silangang Visayas. Ganap na 4:40AM ng Nobyembre 8, 2013 nangyari ang unang pagtama sa lupa ng bagyo. Ito ay sa Guiuan, Eastern Samar at nagpatuloy pa hanggang sa ikalawang pagtama sa lupa sa Tolosa, Leyte ng 7:00AM. Ang ikatlo ay sa Daanbantayan, Cebu ng bandang 9:40AM samantalang ang ikaapat ay nangyari isang oras makalipas sa isla ng Bantayan sa Cebu. 12:00 nang mangyari ang ikalimang pagtama sa lupa sa Concepcion, Ilo-ilo. Ang huli ay nangyari sa Busuanga, Palawan ng 8:00 ng gabi. Humina nang kaunti ang bagyo nang nagtungo ito sa West Philippine Sea. Ang Yolanda ay umalis sa PAR ng 1:40PM ng Nobyembre 9. (NDRRMC, 2013) Epekto ng Bagyong Yolanda sa Pilipinas Simula 1970 hanggang 2013, mayroong 720 na tropical cyclones na pumasok sa PAR. Base sa tala ng NDRRMC, ang bagyong Yolanda ang pumapangalawa sa listahan ng mga pinaka-malalalang bagyong marami ang kinitil na buhay at ito ang kauna-unahangsuper thypoonna pumasok sa Pilipinasdahil huli na nang maabesuhan ang mga tao at lubos na naunawaan ang ibig sabihin ng storm surge o daluyong.Kaya naman hindi agad nakalisan ang mga naninirahan sa danger zones. Ang mala tsunami na alon ang kumuha ng buhay ng karamihan.
  • 19. 12 Ito ay nagdulot ng humigit kumulang na P9.46Bna pagkasira ng mga ariarian . P9.09B sa mga ito ay pagkasira ng mga pang-agrikultural na taniman at umabot naman sa humigit kumulang na P371M para sa imprastuktura.Itinataya na mayroong 3,424,593 na pamilya o 16, 078, 181 katao ang naapektuhan ng bagyo mula sa Rehiyon ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Central Visayas at Caraga. Kasabay ng pagkawala ng mga ari-arian ay nawala rin ang mga alagang hayop at pinagkakakitaan. Ang taniman ng mga palay ang matinding tinamaan. Umabot sa 155,366 na ektaryang lupa na may tanim na palay ang apektado. Nagkakahalaga ng P7.7B ang pagkalugi sa produksyon. Ang lupa naman na may tanim na mais ay may sukat na 86,192 ektarya at ang lahat ng ito ay nasira. Ang halaga ng lahat ng pagkasira ng mga alagang hayop , palaisdaan at mga pasilidad ng irigasyon ay P1.3B. Ito ay isang malaking unos na lubos na makakaapekto sa mga lugar na nakadepende ang kanilang kabuhayan sa mga nabanggit. Ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs umabot sa 12.9M ang apektado ng bagyo 1.9M dito ay nawalan ng bahay na titnitirhan. Base sa naitala ng NDRRMC ang bagyo ay nagdulot din ng pagkasawi ng 6,300 katao, 28,688 na sugatan, habang 1,062 ang kasalukuyang nawawala. Sa kabuuan 93.68% ng mga namatay, 94.72% ng nawawala, at 91.28% ng sugatan ay nagmula sa Rehiyon VIII o Eastern Visayas.Ang ibang nakakapanayam sa Tacloban ay nagsasabi na halos 10,000 katao ang namatay sa bagyo. Base naman sa ulat ng GMAKF, 6,000 katao ang namatay sa bagyo. a) Epekto ng Yolanda sa Tacloban, Leyte Noong Nobyembre 7, 2013, naglabas ang Storm Surge Hazard Mapping Team ng Project NOAH ng listahan ng mga lugar na tatamaan ng daluyong ng bagyong Yolanda. Ang Tacloban ay pangatlo sa listahan. Inaasahan na aabot sa taas na 4.5 metro ang tatamang storm tide level. Ang epekto ng daluyong ng Yolanda sa siyudad ng Tacloban ay ang pagpanaw ng 2,646 at pagkawala ng 701 na katao. (Lagmay, et al., 2013)
  • 20. 13 Ang social sector ng Tacloban ay naapektuhan at humigit kumulang na P3,445,080, 055.54 ang pinsalang naitala batay sa tatlong sub-sectors nito: a) education; b) health; c) housing. Sa talang ito, ang epekto sa mga eskwelahan, gamit sa eskwelahan, ospital, gamit sa ospital, at mga tinitirahan ng mga apektado ng bagyong Yolanda. P223, 979, 926.00 naman ang epekto sa sektor ng produksyon sa siyudad. Ang tinutukoy sa sektor na ito ay ang pinsala sa agrikultura, palaisdaan, minahan, atbp. b) Dalawang Taon Matapos ang Bagyong Yolanda sa Tacloban Matapos ang dalawang taon ang Tacloban ay hindi pa rin makakalimutan ang trahedyang dinulot nito sa mga tao sa lungsod. Kada sumasapit ang petsa ng Nobyembre 8 ay nagkakaroon ng programa para sa pag gunita ng araw na tumama ang bagyo kung saan marami ang naapektuhan at kinuhang buhay. Ang bawat daan sa lungsod ay pinuno ng kandila para sa mga namatay noong bagyo at naghuhuntahan ang mga tao tungkol sa mga kanilang karanasan. Tinapos ang programa sa pamamagitan ng pagpapalipad ng sky lanterns.
  • 21. 14 c) Mga inisyatibo ng pamahalaang nasyunal at lokal Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) Ang pagbuo ng OPARR o Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery ay nanggaling mula sa Memorandum Order No. 62 na pinirmahan noong Disyembre 6, 2013 ni Pres. Benigno Aquino Jr. sa Malacañan Palace.Gampanin nito na pamahalaan at makipag koordina para sa rehabilitasyon at mapabilis ang pag-aayos ng mga apektadong lugar. Obligasyon ng opisina na gumawa ng isang strategic vision at pinagisang short-term, medium- term, at long-term na plano at programa. Ang opisina din ay nararapat na makipag-koordinasa NDRRMC at ang mga kasama nitong ahensiya, magkonsulta sa mga lokal na pamahalaan tungkol sa paggawa ng mga plano at programa para sa rehabilitasyon, pagbangon, at pagunlad ng mga apektadong lugar. Ang paglalatag rin ng proposal ng funding support para sa implementasyon ng mga plano at programa ay isa sa mga mandato ng opisina. (OPARR, 2014) Cluster Approach ng OPARR Upang magampanan ang responsibilidad na ikonsolida, ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pagtulong para sa pag-ahon ng mga naapektuhan ng Yolanda, bumuo ng 5 cluster ang OPPAR: Ang 5 klaster ay inaasahang tutugnon sa pangangailangan ng mga nasalanta at matiyak na maibalik ang dating pamumuhay. Inaasahan na ang papel bawat ahensya ng gobyerno ay sisiguruhin ang pagpapatupad ng mga proyekto o programa para sa mga nasalanta. Inaasahang magkakaroon ng koordinasyon sa bawat ahensya upang mapabilis ang pagbibigay ng tirahan, pagkakakitaan, paaralan at mga batayang serbisyo. Bottom-up Approach Ang mga apektadong LGU ay nagsumite ng Local Government Rehabilitation and Recovery Plan (LRRP) na pinapakita ang mga kailangan para sa Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP). Ang aksyon na ito ay sinisiguro na ang pagpaplano ay consultative, participatory, at naaayon sa pangangailangan ng mga barangay, munisipalidad, at probinsya. Layon nitong matukoy ang mga pangangailangan ng mga nasalanta sa mapanglahok na paraan.
  • 22. 15 Reconstruction Assistance on Yolanda (RAY) Ang RAY ang nagsisilbing balangkas ng gobyerno na para sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga programa patungkol sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.Ito ay pinapangunahan ng nasyonal na iba't ibang ahensya ng gobyerno, local government units, mga pribadong sektor at ang internasyonal na komunidad. Ang RAY ay nagsisilbing balangkas para sa pagsasagawa ng plano na tutugon sa pangmatagalang layunin at interes kasama na ang mabilis na pagsasalba ng sosyo-ekonomikong kondisyon ng mga nasalantang lugar at tulungang makabangon muli. Pagkatapos ng pagkasirang dinulot ng Yolanda sa Leyte, nilalayon ng RAY na matugunan ang post-disaster needs sa pamamagitan ng pag-implementa ng iba't ibang proyekto na nakapokus sa pagbabalik at pagsasa-ayos ng mga pangangailangan ng mga nasalanta tulad na lamang ng: (i) mga kabuhayan at negosyo; (ii) pabahay at ressetlement; (iii) social services(batayang serbisyo); at (iv) imprastuktura Base sa mga datos mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng Civic Center at Pampublikong Pamilihan sa Leyte ay natapos noong Setyembre 2014. Post Disaster Needs Assesment (PDNA) Ang PDNA ay kinokondukta base sa mga impormasyon na nagmula sa mga apektadong lugar. Base ito sa multi-sectoral at multi-disciplinary na diskarte para sa pag-asses ng tindi ng disaster at ang para malaman kung ano ang dapat unahing ipatayo muli. Upang mailinya sa layunin ng RAY, ang opisina ng Office of the Civil Defense (OCD) ay nagkondukta ng PDNA upang matukoy ang mga pangunahing pangangailangan at matukoy ang dapat bigyang prayoridad. Ginamit ang pamamaraan na bottom up approach at ginamit na gabay ng PDNA(World Bank. 2013. Recommended PDA Guidance Notes (Draft). Prepared under Capacity Building for Post-Disaster Assessments in the Philippines Contract 7162294. Manila)sa pangongolekta ng datos. "Pitong grupo ang inorganisa mula sa nasyunal, rehiyunal at mga lokal na pamahalaan upang mapagdausan ang isang daan at pitumput' isang (171) munisipalidad at siyudad na nakalugar sa loob ng 50-km radiusna tinahak ng Bagyong Yolanda." (NEDA,2014) Ang PDNA ay naghahanap ng mga indikasyon mula sa iba't ibang lugar na naapektuhan at matukoy ang mga bagong matutulaksan sa pagtatasa ay magiging malaking tulong sa pagtukoy ng mga programang dapat isagawa sa mga partikular na lugar.
  • 23. 16 Ang pigurang nasa ibaba ay ang estimadong pagkasira, pagkawala at mga pangangailangan pagkatapos ng bagyo. "Ang PDNA ekslusibo lamang sa mga pampublikong sektor na nasira at nawala habang ang RAY ay isinasama ang pagkasira at pagkawala ng parehong pribado at panggobyernong sektor. Ang PDNA ay nakumpleto tatlong (3) buwan matapos ang Bagyong Yolanda at pormal na naibahagi ng OCD sa NEDA noong April 30, 2014." Build Back Better, Faster, and Safer Ang prinsipyo ng “Build Back Better” ang nagsisilbing framework ng implementasyon sa pagbangon ng naapektuhan. Ang prinsipyo ay nakatuon sa long-term, at likas kaya na gawain para mabawasan ang vulnerabilities at mapalakas ang capacities para sa mga posibleng susunod pang mga sakuna. Ang diskarteng ito ay nakatuon sa mabilis na pagtugon habang sinisiguro ang kaligtasan sa pagsasakatuparan ng mga programa at proyekto. Nirekomenda ng gobyerno ang Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP) kung saan nangako ang gobyerno "na implementa ang humigit kumulang na 25,000 disaster rehabilitation- and recovery- specific projects, programs, and activities.” Kaakibat ang iba't ibang ahensya ng gobyerno kasama na rin ang buong suporta ng iternasyunal na komunidad upang makamit ang layunin ng 'build back better' sa iba't ibang lugar kasama na ang imprastuktura, kapangyarihan, resettlement, batayang serbisyo, kabuhayan, kalusugan at ang pagiging handa sa kalamidad.
  • 24. 17 Emergency Shelter Assistance (ESA) Ang ESA ay binibigay sa mga pamilyang nawalan o nasiraan ng tahanan. Ang donasyon na ito ay maaaring salapi o mga materyales para muling maitayo ang bahay na nakadepende sa sitwasyon ng pamilya at kung tutugma ito sa kondisyon na binigay ng ahensya. Kasama ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan sa Eastern Visayas, ang Municipal Social Welfare Development Office ang naka-atas sa pag-gabay ng DSWD-DAFAC (DSWD-Disaster Assistance and Family Access Card), kung saan naka-indika ang "extent of damage" ng mga bahay kung ito ba ay partially damaged o totally damaged. Ang LGU ang bahalang magpasa ng listahan ng mga pamilya na nagmula sa kanilang munisipalidad o siyudad sa DSWD Regional Office 08. Ang mga sumusunod ay ang mga criteria upang makakuha ng ESA: 1) Kung ang bahay ng pamilya ay tuluyang nasira/nawala o may mga pagkasira lamang sa ibang bahagi na nakalugar sa mga ligtas na erya o kontroladong erya na mayroong engineer o siyantipikong interbensyon para ito ay matirhan. Ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) at ang multi-hazard maps ng mga lokal na pamahalaan ay kailangang gamitin para sa pagbibigay ng ESA sa mga tuluyang nasira ang tahanan para masigurado na ang lugar ay ligtas sa kahit na anong sakuna; 2) Ang mga pamilyang rumerenta o nagsasama sama sa iisang bahay na nasiraan o nawalan ng tahan at inaasahan na sila ay nakalista sa opisyal na listahan ng DSWD na nagmula sa DSWD-Disaster Family Access Card (DAFAC) na isinumite ng LGUs na nagpapatunay na sila ay rumerenta o nakikibahagi sa mga ligtas at kontroladong erya; 3) Ang mga pamilya na mayroong miyembro na kasalukuyang empleyado ng gobyerno o pribadong sektor pero ang pagiging empleyado ay hindi permanente o regular at walang akses sa mga pautang para sa pabahay ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor; at, 4) Mga regular na empleyado ng gobyerno o pribadong sektor/organisasyon na may buwanang sweldo na may halagang Php 15,000.00 pababa at inaasahan na hindi nakatanggap ng kahit ano mang tulong na kagaya nito sa ibang ahensya at mga indikado sa masterlist ng mga benepisyaryo alinsunod sa DSWD-Disaster Family Access Card(DAFAC); 5) Ang mga indibidwal na kinukinsiderang nakaligtas sa bagyo ngunit ang kanilang kamag- anak ay namatay dahil sa bagyo ay maaaring makakuha ng tulong, ngunit inaasagab na isa siya sa mga nabigyan ng DSWD-DAFAC at nasa listahan ng mga benepisyaryo;at, 6) Ang mga pamilyang nakalista sa 1-4 na nakapagpaayos na o kasalukuyang inaayos ang tahanan ay maaari parin makakuha ng ESA kung ang kanilang pangalan ay kasama sa listahan ng mga benepisyaryo na makukuha sa DSWD-DAFAC. Ang bawat (inidibidwal o pamilya) na benepisyaryo na ay makakuha ng Php 30,000.00 para sa mga nawalan ng bahay at Php 10,000.00 para naman sa mga nasiraan.
  • 25. 18 Nagkakahalaga ng P 7,189,579,934.25 ang naipamahagi sa mga munisipalidad at siyudad sa Eastern Visayas para sa implementasyon ng ESA. Ang siyudad ng Tacloban at nakatanggap ng isang bilyong (1B) pondo at kasalukuyang hindi pa naipapamahagi ang kalahati nito dahil hindi pa naisasagawa ang liquidations mula sa mga inisyal na implementasyon ng ESA. (Ballesteros,2015) Cash For Work (CFW) Ang CFW ay isa rin tong programa ng DSWD kung saan ang mga biktima ng Bagyong Yolanda "binibigyan ng trabaho na nakabase sa kanilang kakayahan tulad ng pagbubuhat ng relief goods, repacking, paghahanda ng pagkain, paglilinis ng mga nasira, paglilinis sa dagat, paghuhukay ng kanal, pagtatanim, at pagtulong sa inventory sa mga nasirang pagmamay- ari."Nagkakahalaga ng P22,055,766.00 ang inilabas ng DSWD para sa implementasyon ng programa. Sa kada walong (8) oras ng pagtatrabaho ang kapalit nito ay nagkakahalaga ng P260 sa kada isang tao. Para makapasok saprogramang CFW, ikaw ay dapat na may edad na labing walo (28) pataas. (Rappler, 2014) Ang Mga Naging Resulta ng Build Back Better, Safer And Faster Gamit Ang Cluster Approach Nakalista ang resulta ng mga proyektong natapos na at kasalukuyang isinasagawa sa ibaba alinsunod sa prinsipyo ng Build Back Better, Safer and Faster. Department of Public Works and Highways Ang responsibilidad ng DPWH ay ang mag plano, disenyo, konstruksyon at pagmintina ng mga imprastuktura, lalo na sa mga national highways, pagkontrol ng baha at sistema ng mga rekursong tubig at iba pang pangpublikong trabaho na nakaayon sa nasyunal na layunin ng pagpapaunlad. IMPRASTUKTURA Completed:As of November 5, 2015:  All-access roads (1.7 km)  286 km of national roads  1,117.64 m of national bridges  77 out of 110 flood control projects reconstructed Ongoing:  42 km national roads  09 lm national bridges  17 flood control projects being reconstructed
  • 26. 19 Department of Social Welfare and Development Ang DSWD ay isang departamento ng Gobyerno ng Pilipinas na responsable sa proteksyon ng karapatan sa social welfare ng mga Pilipino at nagsusulong ng panlipunang pag-unlad. IMPRASTUKTURA Completed:As of November 5, 2015:  48 projects completed for 29,879 household beneficiaries from repair/rehab of damaged structures from the CDD approach of KALAHI-CIDSS  2,839 projects completed for 3,238,801 household beneficiaries from construction of new structures from the CDD approach of KALAHI-CIDSS RESETTLEMENT Completed:  987,545 out of 1,028,329 families with damaged houses were given Emergency Shelter Assistance (ESA)  92,554 housing constructions funded Ongoing:  40,784 families with damaged houses are covered and will be given Emergency Shelter Assistance (ESA) LIVELIHOOD Completed: As of November 5, 2015: A total of 447,730 families have been served comprising 58% of its overall 2014-2016 target of 778,549 families with the following breakdown:  408,924 families has been served thru Cash for Building Livelihood Assets  14,376 families has been served thru provision of livelihood assistance grants  19,894 families has been served thru the support of partners in which all were implemented in 2014 HEALTH UPDATES From NEDA (as of November 5, 2015) Completed:  Full operational status of the Eastern Visayas Medical Center  Deployment of 17 doctors, 1058 nurses and 593 midwives  Provision of RH commodities and services to 324,537 women of reproductive age  Provision of micronutrient supplementation to 506,198 children Department of Interior and Local Government
  • 27. 20 Ang DILG ay isa rin itong departamento sa gobyerno ng Pilipinas na responsable sa pagsusulong ng katahimikan, kaayusan at kapayapan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at pagpapalakas ng kapasidad ng lokal na pamahalaan na naglalayon ng epektibong pagbibigay ng mga batayang serbisyo sa mamamayan IMPRASTUKTURA Completed:As of November 5, 2015:  292 out of 309 partially damaged LGU facilities rehabilitated under DILG Recovery Assistance on Yolanda (RAY) Batch 1 National Housing Authority Ang mandato ng NHA ay nakaatas na magpa-unlad at mag implimenta ng isang komprehensibo at progaramang pabahay na iba sa ibang ahensya, housing development at resettlement, iba't ibang pagkukunan ng pondo na may partisipasyon ng gobyerno at pribadong sektor. RESETTLEMENT Completed:  17,641 permanent housing units constructed Ongoing:  42,566 permanent housing units Commission on Higher Education Ang mandato ng CHED ay ang matiyak at pagsulong ng dekalidad na edukasyon, masiguro na nakakamit ng lahat ang dekalidad na edukasyon lalo na ng mga hindi kayang tustusan ang bayarin. Maging garantisado at maprotektahan ang kalayaan sa pagaaral para sa pagyaman ng kaalaman, mapa- unlad ang pagiging responsable at epektibong leader, mapayaman ang kulturang nakagisnan at maisagawa ang mapanglahok na pamamahala sa Komisyon at ng sub-sector. IMPRASTUKTURA Completed:As of November 5, 2015:  413 rehabilitated SUCs ONGOING  191 SUCs ongoing rehabilitation
  • 28. 21 Department of Education Ang gampanin ng DEPED ay ang masiguro ang pagbigay ng dekalidad na edukasuon na maaaring makamtan ng lahat at mailatag ang pundasyon ng pangmatagalang pagkatuto at serbisyo para sa ikakabuti. IMPRASTUKTURA Completed:As of November 5, 2015:  1,026 newly constructed classrooms  5,457 renovated classrooms  121,950 items of school furniture Ongoing:  928 new classrooms under construction  4,239 classrooms under renovation SOCIAL SERVICES As of September 15, 2015: Completed:  3,780,661 items of learning material distributed  84,835 students were covered by the regular school-based feeding program  All 243,010 students were covered by the donors’ school feeding  All 339,745 learning kits were provided. Ongoing:  2,689,817 learning material/textbooks are currently being distributed Department of Agriculture Ang DA ay isang ahensysa ng gobyerno na ang pangunahing responsibilidad ay ang pagsulong ng pagpapaunlad at pagpapayaman ng agrikultura. Upang maisakatuparan ito ay mayroong ibinigay na balangkas ng polisiya na nakakatulong sa mga publikong imbestor at katuwang dito ang mga LGU na nagbibigay ng suportang kailangan upang magawa ang agriculture and agri- based enterprises na makikinabang at makakatulong sa mga mahihirap lalo na sa mga taga nayon. LIVELIHOOD Completed: As of November 5, 2015:  232,604 bags of certified and hybrid rice seeds were distributed to 69,733 farmer- beneficiaries  31,507 bags of corn seeds were distributed to 32,791 farmer-beneficiaries  32,781 kgs of assorted vegetable seeds were distributed to 42,700 farmer-beneficiaries  All 4,000 kg of ginger planting materials were already distributed to the multiplier farms
  • 29. 22  3,998,787 pcs of coconut, abaca, banana and cacao planting materials were distributed to farmers  309,324 bags of various types of fertilizers were distributed to 192,600 farmer- beneficiaries  29,828 sets of farm tools were distributed (exceeding the target of 23,704 sets of farm tools) to 20,267 farmer-beneficiaries  39,436 units of agricultural supplies and equipment were distributed to the farmer- beneficiaries  2,559 farmers were given insurance for their crops, livestock and poultry LIVELIHOOD Completed: As of September 15, 2015:  The targeted 53,575 m of land are all completed under the the cash-for-work assistance program (desilting operations)  10,759 out of the targeted 14,427 hectares are completed under the the cash-for-work assistance program (planting/replanting/fertilization/intercropping operation)  138 out of the targeted 176 tractors and other machineries were deployed  301,789 liters out of the targeted 767,409 liters of fuel subsidy were distributed  9,100 livestocks are already under animal care Ongoing: As of September 15, 2015:  The remaining 3,668 out of the targeted 14,427 hectares are in the works under the the cash-for-work assistance program (planting/replanting/fertilization/intercropping operation) National Irrigation Administration Ang gampanin ng NIA ay masiguro ang pag gawa ng lahat ng irigasyon ng patubog sa buong Pilipinas. Sila ang nagpaplano, nagdidisenyo at nag-aayos o gumagawa ng lahat ng tipo ng irigasyon kasama ang struktura. Pumapangalawa lamang ang iba pang klase para sa pag kontrol ng baha, drainage, land reclamation, domestic water supply, roads and highway construction nang may koordinasyon sa mga ahensyang may kinalaman dito. IMPRASTUKTURA As of September 15, 2015  All 2,396 hectares with restored national/communal irrigation systems National Electrification Administration Ang NEA ay isang korporasyon na pag-aari at kontrol ng gobyerno na nakapokus sa pagpapalakas ng rural electrification program at mga electric
  • 30. 23 cooperratives upang masigurado ang pagiging maaasahan. Nakabase ang kanilang programa sa batas ng Rural Elctrification Program. POWER As of September 15, 2015: Completed:  All 33 electric cooperatives had power restored Department of Justice Ang DOJ ay inaasahang isasabuhay ang epektibo, maaasahan at pantay na administrasyon pagdating sa katarungan. Ongoing: 2,284 bodies undergoing Disaster Victims Identification in areas affected by Yolanda Department of Health Ang DOH ay responsable upang masigurado ang access sa pampublikong rerbisyo na pangkalusugan sa lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng probisyon ng kalidad ng health care at regulasyon ng nagbibigay ng pangangailangan para sa kalusugan at serbisyo. HEALTH UPDATES Completed: As of September 15, 2015:  100% Provision of essential medicines and supplies for primary care  100% Provision of DOH complete treatment pack to rural health units  100% provision of essential medicines and supplies for primary care  100% provision of DOH complete treatment pack to rural health units  100% of pregnant women given iron supplementation  100% of postpartum women given iron supplementation  100% children with diarrhea given oral rehydration salt  100% children 6-59 mos with diarrhea given zinc supplementation  100% deployment of doctors and nurses to augment and complement human resources for health needs in rural underserved/hard to reach Yolanda-affected areas in Region VIII  100% deployment of midwives to augment and complement human resources for health needs in rural underserved/hard to reach areas  100% multiple micronutrient powder (MNP) supplementation to children 6-11 months with malnutrition
  • 31. 24  100% multiple micronutrient powder (MNP) supplementation to children 12-23 months with malnutrition  100% Family Planning Services (Combined Oral Contraceptives)  100% Family Planning Services (Progesteron only pills)  100% patients with mental health disorder provided with treatment services and medications  100% provision of weighing scales  100% provision of height boards  100% provision of water disinfectant to households Department of Science and Technology Ang DOST ay primyadong ahensya para sa siyensya at teknolohiya sa Pilipinas na may mandato ng pagbibigay ng direksyon, pamumuno at koordinasyon sa lahat ng pang siyensya at teknolohiyang aktibidad at gumagawa ng polisiya, programa at proyekto na susuporta sa nayunal na pagpapaunlad. LIVELIHOOD Completed: As of November 5, 2015:  1,033 communities benefitted from the Community Empowerment Science and Technology (CEST) Program As of September 15, 2015:  610 implemented PPAs of CEST  103 beneficiaries of S&T Driven, Resource based and Sustainable Livelihood Training out of 4 trainings  145 beneficiaries of Farmer Scientist Program on Resettlement Areas Ongoing: As of September 15, 2015:  390 beneficiaries of Livelihood Assistance Grant (including community-based projects and packaging)  350 beneficiaries of Technology-Driven, Resource Based and Sustainable Livelihood Training  338 beneficiaries being introduced to Community Empowerment Science and Technology (CEST) Program  497 beneficiaries of S&T Driven, Resource based and Sustainable Livelihood Training out of 26 trainings  175 beneficiaries of Farmer Scientist Program on Resettlement Areas  417 PPAs of CEST ongoing implementation Department of Labor and Employment
  • 32. 25 Ang DOLE ay ang nasyunal na ahensya ng Pilipinas na responsable sa pag gawa ng mga polisiya, implementasyon ng programa patungkol sa pagtatarabaho at employment. LIVELIHOOD Completed: As of November 5, 2015:  40,952 out of 41,994 target beneficiaries have benefited from the Emergency Employment Program  47,319 have benefited from DOLE’s Integrated Livelihood Program Department of Transportation and Communications Ang Departamento ng Transportasyon at Komunikasyon ay responsable sa lupa, himpapawid at pandagat na imprutuktura para sa kominkasyon. IMPRASTUKTURA As of September 15, 2015  23 rehabilitated seaports  35 out of 37 rehabilitated airports  5 repaired structures/building National Power Corporation Ang NAPOCOR ay korporasyon na kontrolado at pag-aari ng gobyerno. Isa sa mga pinakamalaking tagabigay ng kuryente sa buong Pilipinas. Ito ang nag-iisang taga suplay ng kuryente sa buong Metro Manila POWER Ongoing:  Rehabilitation of Mamburao-Sablayan Transmission Line Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Ang BFAR ay isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na nakapaloob sa DA na responsable sa pagpapa-unlad, pangangasiwa at konserbasyon ng palaisdaan at iba pang rekursong tubig. LIVELIHOOD Completed: As of November 5, 2015:  10 mariculture parks were assisted  28,781 fisherfolks benefitted from the repair of their boats  Boats of 3,484 fisherfolks were replaced
  • 33. 26  Complete provision of 76,598 fishing gears and paraphernalia (exceeding the target 68,636) were given to 46,145 fisherfolks  15,602 fisherfolks were given marine engines for their boats  47,105 fishing boats out of the targeted 54,825 were already distributed  11,082,609 of the targeted 14,620,197 support assistance PPAs were completed  12,956 out of the targeted 18,920 post harvest facilities and equipments were provided  Complete resource rehabilitation of 100,029 sites out of the target of 800,029 Ongoing: As of November 5, 2015:  The replacement of 5,658 fishing boats is ongoing The procurement of 3,722 marine engines is ongoing Ongoing: As of September 15, 2015:  The remaining 4,779 fishing gears and paraphernalia are currently being provided  The remaining 3,537,588 out of the targeted 14,620,197 support assistance PPAs are being completed  The remaining 5,964 out of the targeted 18,920 post harvest facilities and equipments are currently being provided  The remaining 700,000 sites are currently undergoing resource rehabilitation Techical Education and Skills Development Authority Ang TESDA ay isang ahensya na nakapaloob sa DOLE. Responsibilidad nito ang pangasiwaa at palakarin ang teknikal na edukasyon at pagpapaunlad ng kaalaman sa mga gawain. Completed: As of November 5, 2015: LIVELIHOOD  24,535 livelihood skill trainings were conducted in Palawan, Region 6, Cebu and Region 8 o 31,130 trainees graduated from these trainings  23,006 of them are employed Department of Trade and Industry Ang DTI ay isang departamento sa gobyerno ng Pilipinas na nakaatas sa pagpapalawak ng pakikipag palitan sa bansa , industriya at mga imbestor para sa pagpapadami ng trabaho at mapataas ang sahod ng mga Pilipino. Nagsisilbing tagapagsuri ng mga aktibidad ng pribadong sektor para mapa-unlad at magkaroon ng likas kayang pagyaman ng ekonomiya gamit ang stratehiyangkomprehensibong industriyal. sa parehong domestic at foreign. LIVELIHOOD Completed: As of November 5, 2015:  3,719 beneficiaries from Regions 6, 7 and 8 were trained and provided with Livelihood Seedling Program starter kits  55 shared service facilities were distributed in Regions 6 and 8
  • 34. 27  18 Negosyo Centers in Yolanda-affected areas As of September 15, 2015:  286 SME Roving Academy (SMERA) trainings  19 SPIN and other trainings  7 trade fairs  389 beneficiaries of enterprise rehabilitation financing of the SB Corporation (only in region 8) Ongoing: As of November 5, 2015:  Procurement of 678 livelihood starter kits is ongoing  43 Shared Service facilities are under procurement  Operations of 18 Negosyo Centers in the Yolanda corridor are ongoing  DTI initiated meetings with the stakeholders of the coconut industry in Region 8; there are potential investors who are interested to invest in the coconut industry in Eastern Visayas Philippine Coconut Authority Ang Philcoa ay isang ahensya na responsable sa pagpapa-unlad ng potensyal ng mga niyog sa at iba pang industriya tulad ng langis na nakaayon sa kanilang bisyon na sama-sama, nakikipagkumpitensya sa buong mundo at epektibong industriya. LIVELIHOOD Completed: As of November 5, 2015:  37,253 hectares of coconut areas were replanted  17,083 hectares of areas with coconut intercropping were completed Ongoing: As of September 15, 2015:  26,514 hectares of coconut areas were replanted 51,692 hectares of areas with coconut intercropping were completed Department of Environment and Natural Resources Ang DENR ay isang departamento ng gobyerno ng Pilipinas na responsable sa pamamalakad at pag gabay sa pag tuklas, pagpapa unlad, pamamahagi at konserbasyo n ng mga likas yaman ng bansa. DISASTER PREPAREDNESS From NEDA (as of September 15, 2015): Completed:  36,955 hectares that were validated and assessed by DENR  43,665,541 seedlings provided  10,227 hectares of established plantations
  • 35. 28 Sitwasyon ng Pabahay at Rehabilitasyon Tinatayang 504,536 ang mga bahay na lubhang naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa buong rehiyon ng Eastern Visayas. Ang siyudad ng Tacloban ay may bilang na 58,823 ang mga nawala at nasirang bahay sa may 384,229 na mga nasirang bahay sa Leyte. (NDRRMC,2013) Dahil sa dami ng bilang ng mga nasirang bahay sa Tacloban, ang pokus ng parehabilita ay ang mga apektadong lugar.Ang mga national, international na organisasyon at mga ahensya ay nakipagkoordina sa isa't isa upang magkaroon ng mabilisang pagbangon mula sa disaster. May mga ahensya na kasama sa pagpaplano o pagsasagawa ng short-term at long-term na pagpapa-unlad, rehabilitasyon at paglipat ng mga pamilyang nakatira sa danger zones. Pagdating naman sa nasyunal na inisyatibo, ang Housing and Urban Development Coordinating Council ay nagmula sa opisina ng Presidente na nabuo dahil sa Executive Order No. 9- (s1886) na nagsisilbing pangkalahatang nagkikipag koordina, tagapag simula at taga gabay sa lahat ng polisiya, plano at programa ng gobyerno na may kinalaman sa sektor ng pabahay.May iba't ibang ahensya ng gobyerno na nakapailalim dito tulad ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), Home Guaranty Corporation (HGC), Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), National Housing Authority (NHA), National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), Social Housing Finance Corporation (SHFC). Ito ang mga tumutulong upang matugunan ang iba't ibang isyu na kinakaharap patungkol sa housing finance, housing regulation, housing production at institutional development ng mga pabahay. Noong Abril 4, 2014 ay nagkaroon ng pulong ang City Housing Office ng Tacloban kasama ang NGOs na magpapatayo ng mga transitional shelter at permanent shelter. Ito ay patungkol sa estado at bilang ng mga bahay na ipapatayo ng bawat NGO.
  • 36. 29 Bilang ng mga pabahay ng ilang NGO at ahensya ng gobyerno base sa datos ng City Housing and Community Development Office ng Tacloban, 2014
  • 37. 30 Ayon sa ulat ng NHA noong Nobyembre 5, 2015 ito ang suma total ng bilang ng bahay na kailangang ipatayo na nakabase sa mga plano ng bawat probinsya na isinumita sa OPARR upang maging basehan ng Comprehenssive Rehabilitation and Rwcovery Plan (CRRP) Bilang ng mga okyupadong pabahay base sa datos ng City Housing and Community Development Office ng Tacloban Housing Site Bilang ng Benepisyaryo Temporary Shelter 471 Operation Compassion 1 23 Operation Compassion 2 19 Operation Blessing 39 Duplex 1 64 Duplex 2 52 Tagpuro 67 Badato 25 CALI 115 Yu 73 Bunkhouses 797 IPI Housing 290 NHA 308 Abucay 199 Permanent Shelter 795 Ridgeview Park 211 Villa Diana 113 Habitat for Humanity 71 GMA Kapuso Foundation 400
  • 38. 31 Resettlement Dalawang taon matapos ang pagdating ng Bagyong Yolanda sa siyudad ng Tacloban, 2,063 sa 14, 433 pamilya na target na benepisyaryo ay mayroon nang tinutuluyan. 471 ay nakatira sa temporary shelters, 797 sa bunkhouses, at 795 naman ay may permanente nang bahay kung saan ang 324 dito ay nagmula sa NHA at ang 471 ay sa mga NGO. Ang mga datos ay nagmula sa City Housing and Community Development Office ng Tacloban. Ayon sa panayam sa CHCDO, ang natitirang mahigit 12,000 ay kasalukuyang bumalik sa kanilang dating tirahan, ang iba naman ay nakitira umano sa mga ibang mga kamag- anak. Naging prayoridad ng lokal na pamahalan ang pagkakaroon ng rehabilitasyon at relokasyon dahil ayon sa PAGASA ang Tacloban ay madalas na dinadaanan kapag may bagyong papasok sa Pilipinas. May bilang na benteng (20) bagyo ang dumadating sa bansa kada taon. Ito din ay matatagpuan sa Leyte kung saan may "funnel" na nag-aapekto ng paghikayat sa pinamalalakas na daluyong-bagyo (storm surge). Ang mga ISF, pang-industriyal at komersyal na establisyimento ay tradisyunal na nakalugar sa "coastal danger zones" Ang mga gawang lawa at , creek at iba pang mga kanal ay naapektuhan kasama pa ang pagtatayo ng mga bahay at establisyimento sa mga kabundukan. Ang pisikal nitong kinalalagyan ay bulnerable sa madaming porma ng banta ng kalikasan. A.
  • 39. 32 Mapa ng San Jose, Tacloban (Brgy 88) Mapa ng Tacloban Downtown
  • 40. 33 Mapa ng San Jose, Tacloban Ipinapakita sa mga mapaang mga eryang malapit sa dagat na lubhang naapektuhan ng bagyo.Ipinapakita nito kung nasaan ang mga totally affected, hihly affected, possibly affected at unknown damages na mga gusali. May mga batas ang Pilipinas patungkol sa paglipat ng mga nakatira sa mga danger zones. Sinasabi sa Sec 29 ng RA 7279 o tinatawag din na Urban Development Housing Act, na dapat ang mga lokal na pamahalaan ay nakikipag koordina sa National Housing Authority, na dapat ay nagiimplementa ng mga relokasyon at resettlement ng mga taong nakatira sa danger zones, ilan sa mga ito ay sa mga estero, riles ng tren, tambakan ng basura, tabing ilog, tabing dagat, daanan ng tubig at iba pang pampublikong lugar tulad ng sidewalks, mga daan, parke at playgrounds. Ang lokal na pamahalaan kasama ang NHA ay dapat magbigay ng relokasyon na mayroong mga batayang serbisyo tulad ng tubig at kuryente kasama ang mga pasilidad at oportunidad na magkaroon ng akses sa trabaho at pangkubahayaan na makakatulong makamit ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya. Dahil dito ay nagkaroon ng pagtutulungan ang DENR, DILG, DND, DPWH at DOST (LIAC) para sa pagkilala at pagimplimenta ng Hazard Zone Classification sa mga erya na naapektuhan ng Bagyong Yolanda. Ito ay ang pagtukoy kung saan ang ligtas at hindi ligtas na erya sa mga lugat na apektado ng Yolanda at upang malaman rin ang mga nararapat na gagawin sa mga nasabing erya. Nagkaroon ng 40 meter easement sa mga komunidad na nawasak na nasa tabi ng tubig. Ang tinatayang bilang ng proyektong pabahay sa Tacloban City para sa mga nasalanta. Apat (4) dito ay nagawa na at kasalukuyan nang tinitirahan (Ridgeview Park1, Guadalupe Heights 1, Villa Diana, Greendale Residences at Kawayan Ville I, II at III) Ayon sa lokal na pamahalaan ng Tacloban ang bilang ng mga bahay na nawala ay 30, 513 at ang 90% nito at nakatira sa mga tabing dagat at ang bilang naman ng mga nasirang bahay ay23, 718. Dalawampu't walo (28 ) sa 136 na barangay ang nasa "danger zones" o mga nasa mabababang lugar at tabi ng tubig na kadalasang informal settler families (ISF) ang namamalagi. Sa lahat ng mga naapektuhang bahay, sampung libo (10,000) dito ay napapabilang sa maralitang taga lungsod. Ang halos lahat ng kanilang pinagkakakitaan ay nasira ng Bagyong Yolanda. Ang mga erya ng resettlement ay nasa norteng bahagi ng Tacloban.
  • 41. 34 Ayon sa City of Tacloban noong cluster meeting na nangyari noong June 3, 2014 ay magkakaroon muli ng proseso ng revaliditation para sa mga benepisyaryo upang matukoy kungsila ba ay kwalipikado sa City's socialized housing project,nakasaad sa ibaba ang mga sumusunod na criteria: 1. Naninirahan ng 1 taon pataas sa Tacloban bago pa man dumating ang Bagyong Yolanda sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga kapit bahay; 2. Hindi aakyat ng Php 10,000 ang kinikita: at 3. Handang malipat ng tirahan sa Tacloban north para sa relokasyon. Ang basehan ng pagpili ng mga benepisyaryo para sa socialized housing project ng siyudad ay:  Ang mga pamilyang naninirahan sa erya na hig risk sa daluyong-bagyo  Mga pamilyang nawalan ng tahanan  Informal-settler families na may pinagsama-samang kita na Php 10,000 pababa  Mga pamilyang may bulnerableng kalagayan (na papatunayan ng CSWD)  Mga naulila o na abandonang bata na may mas matandang kapatid o kamag-anak Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay kailangan ng revalidation. Bumuo ng labing tatlong (13) grupo na may representatnte na galing sa DSWD, Urban Poor, IOM, Tacloban City, Barangay workers(not council),Commission for Human Rights(Philippines). Ibabase ito sa tatlong criteria na ibinigay sa taas. Ayon sa mga nakapanayam sa komunidad, kailangan ay tumitira muna sa mga transitional houses bago makakuha ng permanenteng pabahay. Dito daw sinasanay ang mga tao na mamuhay bilang isang komunidad para kapag inilipat na sa mga permanenteng pabahay ay hindi na ganon kadami ang mga gulo. Bukod sa mga criteria mula sa City of Tacloban ,ang ibang NGO tulad ng GMA Kapuso Foundation at Habitat for Humanity ay mayroong sariling criteria upang magkaroon ng unit sa kanilang pabahay. Base sa aming mga nakapanayam sa pamamalagi sa GMA Kapuso Village- Tacloban ang isang unit ay katumbas ng limang daang o pataaas na oras ng pag-tatrabaho sa pagtatayo ng bahay. Kahit sinong miyembro ng pamilya ay maaaring tumulong basta ito ay may edad na labing walo (18) pataas. Oras na tumanggap ng permanenteng pabahay ang mga nasalanta ay dapat ng ipagkaubaya ang kanilang lupa sa dating tirahan na nakalugar sa "no build zones" o "danger zones". Ang GMAKF ay may nakareserbang sampung (10) unit para sila ang mamili ng mga benepisyaryo. Ito ay tinatawag na "special cases". Si Kuya Marvin ay isa sa mga nakatanggap nito. Hanggang ngayon dalawang anak niyang babae ang hindi parin natatagpuan pagkatapos ng Yolanda. Ipinalabas ang kaniyang kwento at karanasan noong Yolanda sa Kapuso Mo, Jessica
  • 42. 35 Soho ng GMA. Si Kuya Jun naman ay nawalan ng labing walo (18) kamag-anak kasama ang mga anak at kaniyang asawa. Ang kaniyang kwento ay isinulat sa taunang ulat ng GMA Kapuso Foundation at ibinahagi sa iba ang kaniyang natatanging kwento. Samantalang si Ate Faye ay matagal nang boluntaryo sa mga aktibidad ng GMAKF sa Leyte at Tacloban kahit na siya ay hindi nagmula sa Brgy. 88 Tacloban. ANG IBA’T IBANG KLASE NG PABAHAY MGA PERMANENTENG PABAHAY Block 20, Lot 14 ng Ridge View Park 1 na nasa Brgy. Cabalawan, Tacloban City Guadalupe Heights 1 sa Brgy. San Isidro (Suhi), Tacloban City
  • 43. 36 Villa Diana sa Brgy New Kawayan, Tacloban City Ang Kawayan Ville I, II at III ay matatagpuan sa Tacloban North Resettlement Project sa Brgy. 106, Sto Niño Greendale Residences 1 sa Brgy. Suhi Tacloban, City
  • 44. 37 GMA Kapuso Village sa Brgy. 106, Sto Nino TEMPORARY SHELTERS CALI transitional shelter sa Brgy. Cabalawan Tacloban, Leyte Brgy. Tagpuro transitional shelter
  • 45. 38 OB Transitional shelter Brgy. San Isidro Transitional shelter New Kawayan Transitional shelter BUNKHOUSES
  • 46. 39 Brgy. Abucay , Tacloban City Brgy. 62-B Sagkahan, Tacloban City NHA Bunk Houses Lokasyon ng Pabahay sa Tacloban, Leyte Sa kasalukuyan, ang ibang permanenteng pabahay ay may akses na sa kuryente at tubig ngunit matapos ang dalawang taon, ang mga transitional shelter at bunkhouses ay nagtitiis pa rin sa pag-iigib kapag may rasyon ang truck ng tubig at nagtitiis sa init dahil walang kuryente.
  • 47. 40
  • 48. 41 Hamon sa Pabahay Base sa mga naging karanasan, obserbasyon at panayam ng grupo kadalasang pinoproblema ng mga mamamayan na lumilipat sa relokasyon ay ang kabuhayan. Madalas ay malalayo ang pinagkakakitaan at trabaho sa kanilang bagong tirahan kaya naman mas pinipili nilang manatili o sumugal sa mga delikadong lugar tulad ng tabing ilog, ilalim ng tulay o kalsada. Ang mga lugar ng relokasyon ay mahal ang singil sa transportasyon. Hindi rin maiiwasan ang mahal na singil sa tubig at kuryente kung may akses sila at kadalasan ang mga komunidad ay lagnap ang krimen dala ng kahirapan. Mga displaced talaga ang mga tao sa komunidad, kinakailangan magsimula muli sakanilang buhay. Ang nakikitang hamon dito ay ang mga tutugon sa kanilang pangangailangan. Isinasaad sa mga internasyunal na istandards na dapat ay kumpleto na ang lahat ng pangunahing serbisyo at pasilidad sa relokasyon sa pagdating pa lamang ng mga napaalis na ISFs. Sa UDHA,, ngunit hindi binigyan ng espesipikong oras kung kailan ito dapat makamit ng mga ISFs(IPD & CHR, 2014, p. 41) Batay sa Section 8 ng R.A. 7279 o Urban Development and Housing Act ng 1992, mandato ng gobyerno na ikonsidera ang pagiging bukas sa batayang serbisyong panlipunan, kasama na dito ang pagiging malapit sa mga trabaho at iba pang aktibidad na makakatulong sa ekonomiya. Mas pinalalim ang depinisyon ng batayang serbisyong panlipunan sa ilalim ng
  • 49. 42 Section 21 ng nasabing batas. Pumapailalim dito na kinakailangan na maibigay ng lokal na pamahalaan o National Housing Authority kasama ang iba pang pribadong organisasyon ang sumusunod: (a) Tubig na naiinom (b) Kuryente at sapat na distribusyon nito (c) Maayos na pasilidad sa alkantarilya; at (d) Access sa daanan at transportasyon Ang ibang mga batayang serbisyong panlipunan patungkol sa kalusugan, edukasyon, seguridad, atbp. ay marapat na isama sa pagpaplano at bigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan. Bagam at nakasaad na ang mga polisiya para sa mga taong lilipat ng relokasyon, ito ay hindi parin naisasakatuparaan ngayon dahil ang karamihan ng lugar para sa relokasyon ay walang akses sa tubig at kuryente. Kaya naman ang mga relokasyon ay nananitiling mahirap dahil sa bagal ng serbisyong inaasahang karapatan ng bawat tao. Hanggang sa ngayon ay wala pa rin akses ang mga residente sa malinis na maiinom na tubig at may mahal na singil sa tubig. Kalahati pa lamang ng village ang may koneksyon sa tubig at kuryente at ang natitirang kalahati ay nag-iigib pa rin at walang kuryente. Sa konteksto ng ibang residente ng GMAKV, ang kanilang pinagdaanan upang magkaroon ng permanenteng bahay ay dumaan sa proseso. Pagkatapos ng bagyo ay nagkaroon ng mga bunkhouses na itinuturing na transitional housing upang magsilbi na tirahan habang hindi pa nabubuo ang mga permanenteng pabahay. Sa transitional housing iniimplementa ang mga batas na susundin ng mga residente na gagawin din sa mga permanenteng pabahay. Ang kasalukuyang sitwasyon ng pabahay ay makikita sa table sa itaas. Ayon sa ulat ng NHA, (NHA Report,2015)ang mga hamon na kanilang kinakaharap para sa rehabilitasyon ng mga lugar na apektado ng Bagyong Yolanda ay ang: a.)Paghahanap ng mga lupa para sa relokasyon na maaaring paglipatan ng mga biktima.  Tinatayang 1,367 iktaryang lupain ang kinakailangan upang mapatayo ang 205,128 na unit na proyekto ng NHA. Kada ektarya at lalagyan ng isang daan at limapung unit.  Pondong kinakailangan-Nagkakahalaga ng humigit kumulang na P59.9B at P1.3B para naman sa mga pasilidad sa komunidad (total: P61.2B)  Ang mga lupa ay dapat titulado  Ang mga lupa ay dapat nasa ligtas na lugar (hindi madaling bahain, magkaroon ng pag guho ng lupa, daluyong-bagyo, tsunami at wla sa fault line kapag lumindol)  Kailangan maapruba ang clearance mula sa MGB at PHILVOLCS b.)Bilang nakapailalim ito sa gobyerno ang proseso ng bidding/procurement ay umaabot ng tatlong (3) buwan. c.) Ang mga permit at lisensya sa iba't ibang ahensya ng gobyerno.  Clearance mula sa DAR at NIA upang matukoy kung ang lupa ay pang agrikultura  Development permit mula sa lokal na pamahalaan  ECC galing sa DENR
  • 50. 43  Tax exemption sa BIR Ang hamon sa pamahalaan ay ang mas mabilis na pagpapatayo ng mga bahay ngayong mahigit dalawang taon na ang nagdaan matapos ang Yolanda upang tirahan ng mga nasalanta. Paano nila mapapabilis ang proseso kung ito ay kinakailangan dumaan sa mahabang proseso bago masimulan ang bawat proyekto. Ang Yolanda ay nagsilbing hamon sa pamahalaan kung gaano ito kahandang rumesponde sa mga susunod pang disaster na tatama sa bansa. Isa sa mga nakikita ng grupo na hamon naman sa mga Civil Society Organization ay ang pagtatanim ng sense of ownership sa mga residente sa kanilang bagong komunidad kasama na din ang mga organisasyon na mabubuo dito. Bilang ang mga CSO ay ang mas mabilis na nakakresponde sa mga nasalanta sapagkat mas maluwag ang kanilang pagbabahagi ng pondo. Dito pumapasok ang lebel ng partisipasyon ng mga residente sa mga aktibidad hindi lang ng gobyerno kung hindi pati na rin ang kanilang sariling proyekto gamit ang kanilang inisyatibo. Dahil sa mabilis na pag aksyon ng mga CSOs, nagdulot ito ng "relationship gap" sa pagitan ng gobyerno at mga biktima. Ang mga tao ay mas nagtitiwala na sa mga INGO/NGO/pribadong organisasyon sapagkat litaw ang kanilang aksyon at tugon sa pag rehabilita ng Tacloban at iba pang parte ng Eastern Visayas. Ang partisipasyon at kooperasyon din ng mga tao sa proyekto ng gobyerno ay naaapektuhan. Marahil ang dahilan ng mabagal na aksyon ng gobyerno ay ang mahirap na paglababas ng pondo sapagkat ito ay maraming pinagdadaanan na proseso samantalang sa mga pribadong organisasyon naman ay mayaman sa rekurso at pondo kaya naman napapabilis nila ang pagtugon sa mga pangangailan at sila din ay nakapokus sa "humanitarian work". Samantalang ang gobyerno ay maraming sakop na gawain at marami din ang pinaggagamitan ng pondo hindi lamang sa pagtulong.
  • 51. 44 MGA PILING KWENTO NG KARANASAN SA RELOKASYON Ang disaster ayon sa pakikipagpanayam kay Jocelyn Colinares, isang residente ng GMA Kapuso Village, ay isang sitwasyon na “nakakagulo ng buhay”. Nakakagulo ng buhay dahil ang nainterbyu ay nawalan ng dalawang anak, bahay, at nawalan din ng kabuhayan. Sa kasalukuyan ay may tatlong anak si Jocelyn, kasama ang kanyang asawa sa Village. Isa lamang si Jocelyn sa madaming nakapanayam ng grupo na masasabing na- disempower ng Yolanda Si Kuya Marvin Isanan ay dating security guard sa paliparan ng Tacloban. Nawalan siya ng dalawang anak na babae at kasalukuyang umaasa parin na buhay ang isa dito dahil hindi pa natatagpuan ang katawan. Pagkatapos ng Yolanda ay nagtayo na lamang ng tindahan si kuya Marvin at kanyang asawa sa loob ng village dahil hindi na niya kaya pang mamalagi sa dating trabaho. Bumabalik lamang sakanyang alaala kung paano inagos ng tubig ang kaniyang anak. Natira lamang ang kaniyang buynsong anak. Ayon sa kanyang asawa masakit isipin na kaniyang dalwang anak ang kapalit ng kanilang unit sa GMAKV. Tuwing pag-uusapan muli ang Yolanda ay hindi nila maiwasang umiyak.
  • 52. 45 Sa konteksto ng GMAKV nagkaroon ng iilang isyu sa pagkakaroon ng bahay. Isa sa nakapanayam ng grupo si Kuya Larry, asawa ni ate Gayang. Ayon sa kanya nahihirapan siya sa pagtugon sa kaniyang oras sa sweat equity dahil ang namamahala sa pag record ng oras ay hindi nailalagay ang lahat ng oras na kaniyang natrabaho. Nilalayon nito na maging kabilang ang mga benepisyaryo sa pagbuo ng kanilang mga bahay nang sa ganun ay magkaroon ng diwa ng pagbangon ang mga naglalayon na makakuha ng bahay. Sa kaniyang pakiramdam ay nagkakaroon ng pangdadaya. Kahit na nakumpleto na niya ang oras ay patuloy pa rin siya sa pagtatarabaho. Hindi lamang siya ang nakaranas ng ganitong sitwasyon. May naibahaging kwento rin na napililitan na magtrabaho upang magkaroon ng unit ang isang mayroong malubhang karamdaman. Wala itong magawa dahil isa na lamang ang natira sa kanyang kapamilya dulot ng Yolanda at ito ay menor de edad kaya hindi puwede magtrabaho. Kalaunan ay nadiskubre ito ng namamahala at pinatigil na din sa pagtatrabaho. Mayroon ring ibang benepisyaryo na nagbabayad ng mga magtatrabaho para sakanila upang makuha ang unit pero ito ay sinisilip ng iba at may hindi pagkapatas sa paningin ng ibang nagtatrabaho at kung minsan ay inaangkin na ng nagtrabaho ang unit. Masasabi rin na ang "kasabutan" ay maituturing na hamon para sa mga residente ng GMAKV. Ito ay ang kasunduan na pinirmahan ng donor at benepisyaryo kung saan may mga polisiya na kailangan sang-ayunan bago makatanggap ng unit o pabahay. Nakasaad dito na ang mga bahay ay bawal gawing tindahan o pagkakakitaan, bawal din itong taniman ng kahit anong gulay at bawal dugtungan o magkaroon ng expansion. Si kuya Jun Castro ang isa sa may pinakamaraming namatay na kamag anak kasama ang kaniyang asawa, nanay , limang anak, asawa ng kaniyang anak, walong apo, pinsan at asawa ng kaniyang pinsan. Hanggang ngayon ay hindi mo parin siya masyadong makakausap pag tungkol sa bagyo. Nandoon padin ang trauma sa hagupit ng Bagyong Yolanda. Marami ang kaniyang natanggap na pinansyal na tulong sa iba't ibang ahensya ngunit ayon sa kanya hindi nito mapapalitan ang buhay ng kaniyang mgakapamilya.
  • 53. 46 Mahirap ang ganitong patakaran lalo na sa mga nakatira sa relokasyon dahil limitado lamang ang pinagkakakitaan at malayo sa mga oportunidad. Kung sa pagtatanim naman ay malaking tulong ito para sa kanilang personal na konsumo ng mga gulay. Ngunit mayroon nakasaad na proyekto ang GMAKF na patayuan ng isang "multi purpose hall" ang GMAKV upang ito ang magsilbing bilihan o palengke ng mga residente na hanggang sa ngayon ay hindi pa sinisimulan ang pagtatayo kaya't pansamantalang pinapayagan ang mga tindahan sa tirahan. Kasalukuyang ipinapatayo ng GMAKF ang eskwelahan para sa GMAKV.
  • 54. 47 KABANATA 3: PAGSASALARAWAN NG GAWAING FIELDWORK
  • 55. 48 BALANGKAS NA GABAY SA PAGGAWA NG MGA PLANO SA PAG-OORGANISA Maituturing na bagong komunidad ang nilipatan ng mga nakaligtas sa bagyong Yolanda. Sila ay nagmula sa iba't ibang parte ng Barangay 88 ng Tacloban na lubos na hinagupit ng bagyo. Isa sa mga requirement upang magkaroon ng pabahay dito ay kinakailangan na may casuality o pumanaw na miyembro ng pamilya. Dapat din ay pito (7) pataas ang miyembro upang magkaroon ng unit. Kahit na sila ay galing sa iisang barangay, ang mga tao ay hindi lubos na magkakakilala at dito lamang nagkasama-sama. Ang naging batayan sa pagbuo ng balangkas ay ang kasalukuyang sitwasyon ng mga nakaligtas gumamit ng iba't ibang stratehiya para sa pag-papaunlad ng kakayahan ng mga lider. Kasama na dito ang proseso na maging mapanglahok, magkaroon ng pag-angkin sa mga tungkulin at gampanin at pag-aayos ng mga gusot na nasa loob ng organisasyon upangs sama- samang muling makabangon mula sa naranasang delubyo at magkaroon ng pagkakaisa ang mga tao. Ang balangkas ng konsepto na ginagalawan ng grupo ay nakabatay sa proseso ng pag- oorganisa ng pamayanan o community organizing (CO) sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pamumuno ng mga lider o leadership development (LD) at pagpapalakas ng samahan o organizational development (OD) tungo sa pagbubuo ng pamayanan o community building (CB). Sa pagsasagawa ng prosesong ito ay nilalayong maimulat at mapataas ang antas ng kamalayan (awareness raising at conscientization) ng mga miyembro ng samahan at pamayanan sa diwa ng aktibo at sama-samang paglahok (active and collective participation), pag-angkin (ownership) sa samahan at pamayanan, at pagsasaayos at paghilom ng mga hidwaan (conflict management). Sa kabuuan ng semestre ang mga gawaing ito ay nagbunga ng pagmomobilisa ng pamayanan (community mobilization) para sa pagsasagawa ng general assembly (GA) na lubos na kinakailangan ng samahan at pamayanan. Inaasahan ding makamit ang empowerment sa pagdanas at pakikilahok ng mga miyembro ng pamayanan at samahan sa mga gawaing nabanggit. PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA TEMA Ang Homeowners Association Ang Home Owners’ Association o HOA ay ipinarerehistro sa opisinang panrehiyunal ng Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB na nakakasakop sa subdivision o lupang nais bilhin ng asosasyon. Inirerehistro ang isang asosasyon upang ito ay magkaroon ng juridical personality na iba sa mga opisyales at kasapi nito. Sa mga subdivision, ang pagpapatala ng asosasyon ay hindi sapilitan ngunit sa mga nais mapasailalim ng CMP, ito ay kailangan dahil hindi sila pauutangin kung hindi sila rehistrado. Ang pangalan ng isang asosasyon ay hindi dapat kasingtulad, kasing tunog o kasing hawig ng isang asosasyon na nakatala o nakarehistro na. Ito ay para maiwasan ang pagkalito ng
  • 56. 49 mga tao kung aling asosasyon ang kanilang kaharap o kausap. Ang bilang ng mga direktor ay hindi dapat bababa sa lima (5) at hindi hihigit sa labinglima (15). Sa mga asososyon sa subdivision, walang limitasyon ang dami ng miyembro. Sa mga asosasyon ng mga mangungutang sa CMP, ang bilang ng miyembro ay hindi dapat lalampas sa tatlong daan. Layunin ng HOA na pamahalaan ang araw-araw na pamamalakad ng nasasakupang lugar. Ang HOA ay may karapatang magbuo at magpatupad ng mga batas at alintuntunin sa pamamagitan ng pagkonsulta sa lahat ng miyembro. Sila ay may responsibilidad na pangasiwaan ang paggamit, pangangalaga, pagsasaayos, at pagpapaganda ng kapaligiran at mga pasilidad sa kanilang lugar. Sila rin ang nakaatas na mangalaga sa kapayapaan at seguridad ng pamayanan. Kasama rito ang pamamahala sa mga daanan at kalsada sa lugar. Ang HOA rin ang namamahala sa pagkuha ng kaukulang mga tauhan upang masiguro ang maayos na pamamahala at pamamalakad sa komunidad. Sila ang naninigurado na nakakakuha ng sapat na suplay ng mga batayang serbisyo ang mga residente lalo na ang patubig sa kanilang lugar. Ang Homeowners’ Association rin ang namamahala sa pangongolekta ng mga bayarin na gagamitin sa pangangalaga ng mga pasilidad na mayroon sa kommunidad. Sila rin ang nagpapataw ng karampatang parusa sa mga miyembro ng asosasyon na napatunayang lumabag sa kanilang mga alituntunin. Malinaw na nakasaad sa RA 9904 o Magna Carta for Home Owners and Home Owners’ Association na may karapatan ang bawat homeowner o sinumang residente sa komunidad na sumali o hindi sa asosasyon. Ang bawat residente ay kwalipikadong sumali at may karapatan gumamit ng mga pasilidad at mga lugar sa kanilang komunidad. Ayon sa pinapatupad na alituntunin ng batas na ito, ang isang homeowner ay maaring nagmamay-ari ng lote sa isang subdivision o village. Kasama rin dito ang mga napamahagian ng pabahay na galing sa lupa ng gobyerno at ang mga residenteng nabenepisyuhan ng mga programa ng gobyerno tulad ng Community Mortgage Program o CMP. Nakasaad din sa batas na ang relocatees ay kailangan muna magtayo ng HOA bago sila ilipat sa mga lugar na paglilipatan sa kanila. Ang Homeowners’ Association ay mahalaga sa isang komunidad upang matiyak ang mga serbisyong dapat nakukuha ng bawat residente. Sila ang namamahala sa kaayusan at kapakanan ng kanilang lugar. Kailangan ang HOA sa isang relocation site sapagkat ang mga tao sa relokasyon ay magkakaroon ng isang komunidad kung saan magsisimula ulit sila ng panibagong buhay. Bilang bago ang komunidad, kailangan nilang magtayo ng mas maayos na pamayanan upang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat sa kanila. Ang mga maaaring gawin ng isang asosasyon ay ang mga sumusunod: ● Maghabla at ihabla sa ilalim ng pangalan ng asosasyon ● Ang magmana sa ilalim ng pangalan ng asosasyon habang ito ay hindi pa nabubuwag ● Gumamit ng selyo ng isang korporasyon o asosasyon ● Pagsusog ng artikulo ng pagsasama (articles of incorporation) ayon sa Batas Pambansa Bilang 68
  • 57. 50 ● Paggawa ng By-Laws na hindi taliwas sa batas, kagandahang asal, polisiya ng publiko at ang pagsususog nito ● Tumanggap, bumili, mamigay, umupa, o humawak ng ari-arian ng sang ayon sa batas ● Makipag-isa o sumapi sa ibang asosasyon upang makabuo ng isang asosasyon ● Mamigay ng mga ari-arian ng asosasyon ● Tumanggap ng mga kasapi ● Gawin ang mga bagay na ikakatupad ng hangaring ng asosasyon na nakasaad sa artikulo ng pagsasama na hindi labag sa batas Ang nilalaman ng Artikulo ng Pagsasama (Articles of Incorporation) ay ang mga sumusunod: ● Pangalan ng asosasyon ● Pakay ng pagtatag ng asosasyon ● Lugar ng opisina ng asosasyon na dapat ay nasa Pilipinas ● Tagal ng buhay ng asosasyon ● Mga pangalan, nasyonalidad at tirahan ng mga sasapi ● Bilang ng mga director at katiwala ● Bilang ng kapital, ng mga pangalan, nasyonalidad at tirahan ng mga nag-ambag at kung magkano ang inambag ng bawa’t isa ● Iba pang mga bagay na hindi labag sa batas na mahalaga sa pagkakaalam ng mga sasapi Ang isang asosasyon ay hindi maaaring magkaroon o gumawa ng anumang karapatan maliban sa mga ibinibigay na batas sa artikulo ng pagsasama (articles of incorporation). Ang asosasyon ay maaaring tumagal ng limampung (50) taon, maliban na lang kung ito ay bibigyan pa ng karagdagang panahon o babawasan sa pamamagitan ng pagsusog ng artikulo ng pagsasama o pagbuwag ng mga opisyales, kasapi nito at ang mismong HLURB. Ang asosasyon ay nagkakabisa mula sa araw na ito ay mabigyan ng Certificate of Registration. Ang mayorya ng mga director at katiwala ang unang nag-aapruba ng anumang amiyenda sa mga probisyon ng artikulo ng pagsasama at By-Laws at ipinagpapatibay ito sa pamamagitan ng isang resolusyon. Ang asosasyon ay dapat magsumite sa HLURB ng reportorial requirements ukol sa resulta ng eleksyon ng mga director at opisyales at estadong pampinansyal ng asosasyon kada taon, depende sa termino ng mga opisyales. Dapat ding patatakan ang mga libro ng asosasyon sa HLURB. Kapag ang isang asosasyon ay hindi nakarehistro at ginagampanan ang karapatan at pribilehiyo ng isang rehistradong asosasyon, ang mga opisyales at miyembro nito ang personal na mananagot sa mga obligasyon at mga paglabag sa batas ng nasabing hindi rehistradong asosasyon. Pagpapalakas ng Samahan Hindi masasabing matagumpay na ang isang samahan dahil lamang sa pagkakabuo nito at hindi nangangahulugan na ang pagkakatatag nito ay tapos na sa proseso ng pagkakalikha. Mahalaga ang palagiang pagtingin sa isang samahan upang masigurado ang pagiging epektibo nito, makita ang iba’t ibang relasyon ng bawat isa at kung nakatuon pa rin ba ito sa napagkasunduang layunin at tunguhin ng samahan. Kinakailangan sa isang samahan na paulit-ulit itong isaayos upang makasabay sa hamon ng pagbabago at pag-unlad. Hindi lamang upang
  • 58. 51 baguhin ang kahinaan sa samahan ngunit ang pagpapalakas ng samahan ay ginagawa rin upang maging mas epektibo ang ito sa paggamit at pag-angkin ng mga mas abot-kamay na mga rekurso sa paligid. Mahalaga sa pagpapalakas ng samahan na mabigyang diin ang talagang dapat pagtuunan ng pansin at mapansin ang mga pangunahing yaman na mayroon sa isang komunidad upang ito mismo ang magamit sa pagpapalakas ng organisasyon – ang tao. Ang isang samahan ay binubuo ng mga tao. Ang mga bumubuong ito sa samahan ay may mga sariling kaisipan at mga kakayahan upang kumilos ang samahan. Ito ang yaman ng isang organisasyon na dapat pinapanday hindi lamang para sa indibidwal na pag-unlad kung hindi para rin sa kolektibong ikagaganda ng samahan. Ang GMA Kapuso Foundation ay nasa yugto na ng pag alis sa GMA Kapuso Village. Para sa kanila, tapos na ang responsibilidad nila sa lugar bilang sila ay nakapagpatayo na ng pabahay sa mga nasalanta ng bagyo. Sa kanilang pag lisan, ninais ng GMA Kapuso Foundation katuwang ang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan na palakasin at i-organisa ang samahan sa pamamagitan nang pagbuo at paglinang ng mga kakayahan at katangian na angkop GMAKVHOA katulad na lamang ng pagpapaintindi sa kanila ng kahalagahan ng pagkakaroon ng constitution and by-laws sa at pagpapakilos sa mga lider tuwing block consultation at general assembly. Ninanais rin ng mga organisador na makapagbigay ng espasyo sa mga lider ng samahan na mapagnilayan at maisakatuparan ang pagbuo at pamamahala sa pamayanan. Isa sa mga gawain ng mag-aaral sa GMA Kapuso Village ang pagsasaayos ng constitution and by-laws ng samahan. Ayon sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), ang mga dapat na nakasaad sa by-laws ay ang mga sumusunod: ● Lugar, oras at paraan ng pagtawag at pagdaos ng pulong ng mga direktor at katiwala ● Lugar, oras at paraan ng pagtawag at pagdaos ng pangkalahatang pulong ● Kinakailangang dami o bilang ng dadalo sa mga pulong at halalan ● Paraan ng kahalili (proxies) at paraan ng pagboto nito ● Mga kwalipikasyon at pagkakadiskwalipika, tungkulin at pabuya sa mga dir ● Araw ng halalan at paraan ng pagbigay ng paalala o pagtawag ng halalanktor at katiwala ● Paraan ng paghalal o pagtalaga at tagal ng panunungkulan ng mga director, katiwala at mga opisyales ● Mga parusa sa paglabag ng mga alituntunin o by-laws ● Mga bagay na mahalaga at kanais-nais para sa asosasyon Ang mga polisiya, sistema at pamamaraan ng isang samahan ang nagbibigay ng mekanismo upang maging maayos ang samahan. Ito rin ang nagpapanatili at nagpapaibayo ng mga positibong kaugalian at kumukontrol sa mga negatibong gawi sa loob ng samahan. Dagdag pa rito, sinisigurado ng mga alituntinin at sistemang ito na kahit sino pa ang namumuno at nagkokontrol sa isang samahan ay hindi ito lilihis sa landas patungo sa layunin at tunguhin ng samahan sap ag-unlad.
  • 59. 52 HAKBANG- HAKBANG NA PAG-OORGANISA Pagpasok sa Komunidad Dahil sa magandang ugnayan ng Field Instruction Program at ng GMA Kapuso Foundation, naging madali ang pagpasok ng mga mag-aaral sa GMA Kapuso Village. Ang mga mag-aaral ay ipinakilala sa community organizer sa lugar na si Father Arnel Fortes. Nagsama- sama muna ang mag-aaral upang ipakilala sa mga lider ng komunidad at nag-usap para sa mga planong gawain para sa unang yugto ng kanilang pananatili sa lugar. GMA Kapuso Village Savings, Loan, and Homeowners Association Ang napagkasunduan na ang gawain ng FIP Team sa Kapuso Village ay ang pagtulong sa Capacity Building ng mga Pinuno ng Kapuso Village Savings, Loan, And Homeowners Association (GMAKVSLHOA). Ito ang asosasyon na nabuo sa pagtutulong-tulong ng Community Organizer pati na rin ng ilan sa mga residente ng Village. Buwan ng Agosto sa taong 2015 nang maitatag ang GMAKVSLHOA. Nagkaroon ng eleksyon kung saan may mga representante lang ang bawat block. Sa dalawmpung (20) representante, nagkaroon ng botohan kung sino ang mapapabilang sa labing tatlong (13) Board of Directors (BODs). Kasama ng mga nanalo sa botohan ay ang pitong (7) naatasang opisyales ng CO na tinawag niyang “conscience block”, at ang isang representatnte mng kabataan. Ang dalampu’t isang (21) ito ang bumuo sa Board of Directors ng GMAKVHSLA. Sa pagsisimula ng panunungkulan ng BODs, isa sa kanilang mga proyekto ang pangongolekta ng isang libong piso (P1000.00) bilang membership equity para sa savings and loanprogramng asosasyon. Ayon sa kanila, ang isang libong piso (P1000.00) na ito ay mapupunta sa pondo ng asosasyon kung saan maaaring makapanghiram o mangutang ang mga residente kapag kinakailangan nila ito. Mahina ang pagtangkilik ng mga residente sa Savings and Loan Program base sa mga sumusunod na dahilan: 1. Malaki ang isang libong piso (P1000.00) para sa mga tao sa komunidad. Ang mga residente sa GMAKV ay pawang mga nagsisimula pa lang ng pagbangon kaya naman ang pagbibigay ng halagang ito ay malaking bagay para sa kanila. 2. Walang maayos na pagpapaliwanag sa mga residente kung ano nga ba ang pupuntahan ng kanilang pera. Nagsimula nalang ng implementasyon ang programa ng walang pagkonsulta sa mga residente kaya naman walang alam ang karamihan sa kanila ukol dito. 3. Ang ilang residente ay walang pagtitiwala sa ibang BODs sapagkat dala pa rin nila ang mga isyu mula sa Brgy. 88. May mga miyembro ng BODs na mayroong hindi magandang reputasyon sa mga tao sa komunidad.
  • 60. 53 4. Hindi sapat ang kita sa trabaho upang makapaglabas ng ganito kalaking halaga ng pera. Maganda sana ang mithiin ng pagkakaroon ng programa ngunit hindi nagkaroon ng konsultasyon sa komunidad patungkol dito. Ang nagdesisyon lamang ng ganitong programa ay ang dating CO at ang kasalukuyang BOD. May mga ibang kritiko na hindi pabor sa ganitong programa lalo na sa komunidad dahil ang mga tao ay hirap at kaunti lamang ang kita kaya naman sila ay kadalasang mangungutang na lamang hanggang sila ay mabaon dito. Kadalasan ay ginagamit s apag-aaral ng mga anak o kapag nagkakaroon ng sakit ang miyembro ng pamilya. Ngunit kung ito ay gagamitin sa negosyo o gagawing "micro-lending o micro-credit program" ay maaari pang makatulong sa bawat indibidwal upang ma-iangat ang antas ng pamumuhay. Ang paraang ito ay ginamit sa India upang makapagsimula ng maliit na pagkakakitaan ang mga tao at mai-ahon ang mga ito sa kahirapan. Maliban sa Savings and Loan Program, naging tungkulin rin ng mga BODs ang pakikipag-usap sa ibang ahensya na pumupunta sa village, at ang pagdedesisyon sa pamamahagi ng mga natitirang bakanteng bahay. Ang hindi pagkakasundo ng ilang mga residente at ng mga pinuno ng asosasyon ang isa sa naging dahilan kung bakit sa pagpasok ng FIP team sa komunidad ay mayroon na itong napansin na pagkakaroon ng hati sa mga residente. Sa isang banda, mayroong mga residente na maayos ang pakikitungo sa mga pinuno ng asosasyon at kay Father Arnel, samantalang ang iba naman ay hindi maayos ang relasyon sa kanila. Ang mga paunang pagsusuri na ito ay naobserbahan ng grupo sa pamamagitan ng pakikipamuhay sa komunidad. Sa mga unang linggo, ang pakikipagkilala sa mga residente ang nabigyang pansin sa gawaing field. Kasama dito ang pagbabahay-bahay, pagpunta sa mga pulong ng mga block leaders at mga BODs, pati na ang simpleng pakikipagkwentuhan. Sa mga ganitong pamamaraan, nagkaroon ng mas malinaw na pag-intindi ang mga estudyante sa paraan ng pamumuhay ng mga residente. Ang karaniwang pinagmumulan ng usapan sa mga residente ay maiuugnay sa Bagyong Yolanda. Sapagkat lahat sila ay nasalanta, makikita na malaki ang epekto ng bagyo sa kanilang pamumuhay. Ang ilang residente na noon ay nakakaluwag sa buhay ay nawalan ng mga pag-aari at kabuhayan. Marami rin ang nawalan ng mahal sa buhay, higit sa lahat. Kahit masakit pag- usapan ang bagyo, inaalala pa rin ito ng mga residente at bukas naman silang ibahagi ang mga kwentong ito sa grupo.
  • 61. 54 ANG UNANG YUGTO NG GAWAING FIELD Agosto-Setyembre Ang plano ng gawain para sa unang yugto ng field ay ang tumutok sa capacity building ng mga pinuno ng GMAKVSLHOA. Nakagawa ng isang workplan kung saan magkakaroon ng Learning Needs and Capacities Assessment (LNCA), na siya namang pagkukuhanan ng magiging laman ng mga leadership trainings. Para naman sa ikalawang yugto ng gawaing field, nagkaroon ng plano na magsagawa ng profiling ng mga residente na makakatulong sa revalidation ng mga benepisyaryo. AngLearning Needs and Capacities Assessment(LNCA) ay isinagawa upang malaman ang mga kaalaman, kakayahan, at saloobin ng mga lider ng HOA sa sitwasyon ng GMA Kapuso Village at ng kanilang samahan. Sa pagsasagawa ng LNCA ay nalaman na kinakailangan ng mga lider na matuto ng mga gawain ng isang Homeowners Association, kasama na dito ang gawain Sunday Monday Tuesda y Wednesda y Thursday Friday Saturday 27-29 Revision of Constitutio n and By- laws 20 Paggawa ng workplan kasama ang COCO21 Pagpapakilala sa Block Leaders at Officers22 INTEGRATION 30 31 1 2 3 4 TNA Guide 6c66 k Consultati on (Phases 5 and 6) Project Proposal Making Workshop 8 9 10 11 TNA Para sa mga BOD at Block Leaders Interbyu sa BOD at Block Leaders 17 Analysi s 19 20 21 22 23 24 25 Leadership Training