Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Uri ng dula
1.
2. Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang
pampanitikang panggagaya sa buhay upang
maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng
dula,nailalarawan ang buhay ng tao na
maaaring malungkot,masaya,mapagbiro,
masalimuot at iba pa.
3. Kilala bilang Todos Los Santos
Kaluluwa kaming tambing Sa
purgatoryo nanggaling Doon
po’y ang gawa namin Araw
gabi’y manalangin.
Ang unang araw ng nobyembre
ay kilala bilang Todos Los
Santos
4. Ito ay ang mahusay na paghingi ng pahintulot ng magulang ng lalaki
sa magulang ng babae sa isang pag-iisang dibdib. Ang kasal ay
sagradong bagay at ang mga paghahanda pa lamang para sa dakilang
okasyong ito ay humahabi na ng magaganda at makukulay na mga
pagtitipon at pagdiriwang.
Ang pamanhikan ay galing sa salitang panhik at kaugnay rin ng
salitang mamamanhik na may kahulugang makikiusap. Hindi basta't
papanhik sa bahay, kundi makikiusap pa sa mga magulang ng dalaga
upang tulutan nang maipakasal ang kanilang anak na dalaga.
5.
6. Ang panunulúyan ay tradisyonal na dula sa bisperas ng
Pasko hinggil sa paghahanap ng matutuluyan nina
Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at
pagsisilang kay Hesus sa isang sabsaban.
Karaniwang ginagawang makatotohanan ang pagsasadula at palamuti
sa mga bahay. Bawat bahay na dalawin nina Maria at Jose ay
naghahandog ng pagkain, kakanin, kendi, at iba pang bagay sa mga
taong nanonood. Magwawakas ang dula sa harap ng simbahan o
kapilya, at doon isisilang ni Maria si Hesus na nakatakda namang
maging tagapagligtas ng daigdig.