Mga Reporma sa Pagbubuwis +Value Added Tax (VAT)- Corazon C. Aquino +Expanded Value Added Tax (EVAT)- Fidel V. Ramos +Reformed Value Added Tax (RVAT)- Gloria Macapagal-Arroyo > -Ito ay ipinatutupad ng pamahalaan upang magkaroon ng sapat na pondo ^ upang matugunan ang pangangailangan ng ekonomiya Value Added Tax (VAT) -Buwis na ipinapataw sa mga negosyo Ipinatupad sa ating bansa simula noong Enero 1, 1988 sa pamamagitan ng Executive Order (EO) blg. 273 ni dating pangulong Corazon C. Aquino. Pagkompyut ng VAT -Ang VAT ay ipinapataw sa mga negosyo na kumikita ng minimum na ₱ 2 000.00 araw-araw o ₱ 500 000.00 bawat taon. Ang VAT ay kinukwenta sa pamamagitan ng pagbawas ng 10% ng mga ginagastos o Input VAT sa 10% na kabuuang kita o Output VAT sa loob ng isang taon. Expanded Value Added Tax (EVAT) -Ipinatupad upang madagdagan ang pondo ng pamahalaan. -Ipinatupad sa ating bansa noong Enero 1, 1996 sa ilalim ng Batas Republika blg. 7716 noong panahon ni dating Pangulo Fidel V. Ramos. -Ito ay pagpapalawak ng VAT dahil maraming mga produkto at serbisyo na hindi naisali noong 1988 na naisali sa EVAT. Reformed Value Added Tax (RVAT) -Nangangahulugan ang presyo ng bilihin o serbisyo ay tataas dahil sa karagdagang 12% na buwis. -Ipinatupad noong Nobyembre 2007 sa pamamagitan ng Batas Republika blg. 9337 ni Pangulo Gloria Macapagal- Arroyo. -Ang lahat ng sakop ng VAT at EVAT ay papatawan ng 12% na buwis na mula sa dating 10% lang, kasama rito ang elektrisidad at petrolyo. -Ito ay direktang binabayaran ng mga konsyumer. -Mayaman o mahirap man ay pinapatawan ng 12% RVAT sa kanilang pagkonsumo. Iba pang Pinagkukunan ng pondo ng Pamahalaan Mga kaloob at tulong -Ito ay kita mula sa tulong at kaloob ng mga dayuhan sa ating bansa at tulong na ibinibigay ng ilang mga ahensiya ng pamahalaan. Kita sa mga ibinentang Kapital ng Pamahalaan -Ito ay tumutukoy sa programang privatization ng pamahalaan na ukol sa pagbebenta ng mga korporasyon, ari-arian, at ilang makinarya na pagmamay-ari ng pamahalaan. Di-pangkaraniwang Kita -Ito ay mula sa kinita ng mga pautang ng pamahalaan sa mga prodyuser. Kasama rin dito ang kita mula sa mga casino ng PAGCOR at kita mula sa PCSO. Kita mula sa mga Korporasyong Pag-aari at Kontrolado ng Pamahalaan (GOCCs) -Ito ay kita mula sa mga interes ng mga naimpok ng pamahalaan, kita sa mga treasury bills na ipinagbibili ng pamahalaan at kita ng mga negosyo ng pamahalaan \\contact me for the original copy :))