5. Walang bansang umuunlad nang
walang sariling wika at panitikan.
Nagkakaisa kaming tumitindig at
nagpapahayag na dapat manatili – at
patuloy na paunlarin – ang Wikang
Filipino at Panitikan bilang mga
batayang kurso sa General Education
Curriculum sa kolehiyo.
6. Naniniwala kami na
napakahalaga ng wikang Filipino at
panitikan sa pagpapalalim ng
mapanuri, malikhain, malaya, at
mapagpalayang kakayahan ng mga
mag-aaral at mamamayan, anuman
ang kanilang kurso, disiplina at
larangan ng pagpapakadalubhasa.
Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng
wika at panitikan sa kolehiyo, bagkus
ay pagpapalawig sa teorya, praktika,
at silbi nito sa pamantasan, bansa, at
buhay.
7. 04 05
Mataas ang pagpapahalaga ng
Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Diliman sa
wikang Filipino at panitikan bilang kapwa
mga asignatura at disiplina na humuhubog
sa makabayan, makatao, at demokratikong
aspirasyon ng pamantasan at bansa. Bahagi
ang pagsusulong ng wikang Filipino at
panitikan sa mandato ng 1989 Patakarang
Pangwika ng UP – ang pagtataguyod at
pagsusulong ng wikang Filipino bilang wika
ng pagtuturo, pagsasaliksik, at talastasang-
bayan.
8. Naninindigan kami na ang wikang
Filipino ay buháy na teorya at praktikang
mahalaga sa pagbubuo ng bansa.
Naninindigan kaming higit na
mapaglilingkuran namin ang mas
malawak na mamamayan gamit ang
wikang Filipino. Mandato ng UP, bilang
pambansang pamantasan, ang
paglingkuran ang sambayanan, tulad ng
nakasaad sa UP Charter (2008) o Republic
Act 9500.
9. Sa sarili naming bakuran, ang mga
sentro at dalubhasaan tulad ng
Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas at ng Sentro ng Wikang Filipino, ay
may mahaba at mayamang tradisyon ng
pagsusulong ng wikang Filipino at panitikan
bilang mga larangan at disiplina ng
pagtuturo, pag-aaral, pananaliksik, at
pakikipagtalastasang-bayan.
10. Gamit ang wikang Filipino, patuloy na
nakikipag-ugnayan ang UP sa iba’t ibang
mga akademikong yunit, opisina,
institusyon, at ahensiya sa loob at labas ng
pamantasan. Nagluluwal ang mga
ugnayang ito ng mapanuri, malikhain,
makamamamayan, at makabayang
programa at proyekto gamit ang wikang
Filipino.
11. Ang wikang Filipino ay ang
pambansang wika na itinakda ng
Konstitusyon ng Pilipinas. Patuloy itong
pinayayabong ng lahat ng mga wikang
ginagamit at pinauunlad ng
mamamayan.
12. Ang wikang Filipino at panitikan ay mga
sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at
katuwiran, lalo na sa panahon ng
kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at
krisis panlipunan.
13. Asalanan at kataksilan sa bayan
ang pagtanggal ng wikang Filipino
at panitikan sa hanay ng mga aralín
sa kolehiyo o anumang antas ng
paaralan. Mahigpit ang
pangangailangang itanghal at
ipaglaban nating lahat ang wikang
Filipino at panitikan
15. PICARDO, REAN ANGELA A.
LARGABO, KATHLEN D.
ISIDRO AVILA C.
LABAGO, JOEY Q.
TUAZON, GIL JR D.
ROBLES, NOBERT S.
PATA, ANNEICEL B.
GAMAS, ERON B.
LEJAS, RICO JAMES B. BT-1C
GROUP NAME:
(Sep. 19, 2019)