2. Mga kulang sa pansin napagtanto ko lang
kulang-kulang ang pag-iisip kaya nyo nagawang
paglaruan ang mga nakakaranas ng depresyon
di talaga yan maaalis sa pinas, ating nasyon
3. Magpopost ng mga salitang nakakasakit
Syempre hindi kayo tumitigil sa panlalait
Mga hunghang, sino ba sila para pagtawanan
Di nyo naiisip na hindi nila nagugustuhan
4. Ang mga nangyari sa kanila kaya umiiyak
Tapos wala kayong pakundangang pinagyuyurak
Ang katauhan nilang matagal nilang iniinda
Dahil sa ugali nyong yan, lagi silang lumuluha
5. At iniisip gabi-gabi na magpakamatay nalang
Iniisip gabi-gabi na sila'y walang kwentang nilalang
Sapagkat ang iniinda nila'y matinding depresyon
Kailan ba kayo titigil? dapat nga ay ngayon
6. Hanggang kailan nyo titigil ang
Gawain nyong makakapatay ng
Kapwa nyong taong kapwa ding imperpekto
Hanggang kailan nyo titigil ang
Gawain ninyong walang kabuluhan
Di kayo magsasawa hangga't wala kayong depekto
7. Mga may matatalas ang dila, dinadamay pamilya
Matanong ko lang mga tao, inaano ba kayo nila?
Mga kulang sa pansin, dapat kayo ay pansinin
Ng hatol ng konsyenyang hindi ninyo mapipigil
8. Mga mapagsamantala, napakasama ugali nyo
Panay puna sa mali ng iba mga feeling perpekto
Sa social media idinadaan ang kasamaan
Sige habambuhay kayo lalamunin niyan
9. Hanggang kailan nyo titigil ang
Gawain nyong makakapatay ng
Kapwa nyong taong kapwa ding imperpekto
Hanggang kailan nyo titigil ang
Gawain ninyong walang kabuluhan
Di kayo magsasawa hangga't wala kayong depekto
10. BANDIDONG MADILIM:
Yeah... This is bandidong madilim
Nagdidilim ang paningin sa katulad ninyo
Walang magawa kundi manakit ng damdamin
E wala naman kayong napatunayan sa sarili nyo
Kaya eto ang tula ko sa inyo mga hindot
Pakinggan nyoooooooo!!!!!
11. Mga nanlalait ng kapwa, mga feeling
perpekto
Ginagabayan ba kayo ng mga demonyo
Di na nahiya, mga walang konsiyensiya
Kayo ang pumapatay sa mga kapwa
12. Taong pinaglalaruan ng mga kamalasan
Balang araw kayo ay tatapak-tapakan
Hindi nyo alam ang pakiramdam nila
Mga napapaghalata kayong kulang sa aruga
13. Mararanasan nyo rin yan pag nagkaanak
Na kayo, mangyayari ang karmang
sangkatutak
Mga demonyong kumokontrol, pigilan nyo
Baka kayo makapatay, makonsyensya kayo
14. Ang mga magulang nyo, dumaan rin diyan
Mga walang kwentang tao, kayo ang
inilalarawan
Ng kinakantyaw nyo sa inyong mga inaapi
At ang mga inaapi, sa huli ay siyang
nagwawagi!
15. Hanggang kailan nyo titigil ang
Gawain nyong makakapatay ng
Kapwa nyong taong kapwa ding imperpekto
Hanggang kailan nyo titigil ang
Gawain ninyong walang kabuluhan
Di kayo magsasawa hangga't wala kayong depekto