1. Ang Aking Ilaw
Kimberly Kate Y. Laguna, 2 – St. John Berchmans
Inay, ikaw ang s’yang nagbibigay gabay,
Pagmamahal sa akin ay walang humpay;
Dulot mo ay liwanag sa mga bagay
Na aking dapat matutunan sa buhay.
Tuwid na landas ang ‘yong itinuturo
Kaya mahal kita, aking unang guro;
Paggalang ko sa ’yo ay di magbabago
Nag-iisa kang reyna sa aking puso.
Larawan mula sa www.google.com.ph/images