SlideShare a Scribd company logo
Tagalog Text
ANDRES BONIFACIO
MAYPAGASA
P. ng K. Kapulungan
M. Emilio Jacinto Pinkian,
Minamahal kong kapatid: tinangap ko ang inyong sulat, taglay ang kabilangang araw na ika
labingsiyam ng umiiral at nabatid ko ang lahat ng doo’y nasasabi.
Magbuhat ng mapasok ang bayan ng Silang ng kaaway at magpahanga ngayong mga araw na ito
ay wala kaming ibang inaatupag kundi ang pag tatangol sa guipit na kalagayan ng bayan; ito ang
kadahilanan ng di ko pagsulat dian; nguni’t bago ko tinangap ang inyong sulat ay ako’y nagpadala sa inyo
ng sulat sa pamaguitan ni M. Antonino Guevara na taga S. Pedro Tunasan na ngayo’y inaakala kong
sumapit na sa inyong kamay; doo’y akin ibinabalita sa inyo ang mga nangyaring napagsapit nitong mga
bayan sakop nitong Tangway na nakuha ng Kastila ang Silang, Dasmarinas, Ymus, Bakood, Kawit, Noveleta,
Malabon, Salinas at Tanza; tatlo o apat ang mga bayang ito ay nakuha ng kaaway ng walang laban at
marahil ay makukuha pa ang nangatitirang bayan kung ang pag sasarilinan at kakulangan ng pagkakaisa
ay mananatili, ito’y siyang tanging kadahilanan ng ikinapapahamak ng mga bayan dito tungkol sa pulong
na guinawa dito ng ika 22 ng buang nagdaan, yao’y ginawa sa kadahilanan may tinangap na sulat sa isang
Jesuita at isang Kastila na nagngangalang Pio Pi at Rafael Comenge na ipinadala kay Kapitan Emilio
Aguinaldo sa sulat na ito’y, nasasabi na tayo’y bibigyan ng laganap na kapatawaran (Yndulto mas amplio)
o kaya makipagusap sa kanila at sabihin kung ano ang ibig natin. Yto’y kapwa ipinadala ng taga Ymus sa
mga pinuno ng Magdiwang na may kalakip ng mga condiciones na ibig hingin sa Kastila na pakikipagyari.
Ang taga Magdiwang ng ito’y hindi sangayunan sa kadahilanang ako’y wala sa Tangway at na sa sa Look
(Batangan) ng mga araw na yaon bukod pa sa niwawalan nilang kabuluhan ang mga katauhan ng Jesuita
at ni Comenge na di makapakikialam sa mga bagay na ito.
Sa matanto ng taga Ymus ang kasagutan ng taga Magdiwang si Capitan Emilio ay lihim na sumulat
sa mga Pangulong bayan sakop ng Magdiwang ng tungkol sa nasabing pakikipagyaring gawin sa Kastila;
ito’y ng mabatid ng Presidente ng Magdiwang ay karakarakang nagpatawag ng Pulong at sampung ako’y
ipinasundo sa Look at guinawa na nga ang nasabing Pulong. Doo’y halos ang lahat sa akin pagpapaaninao
ng kasamaan ng pakikipagyari sa Kastila ay wala na hindi ang ibig ay laban.
Sa pagka’t ang karamihan sa Pulong na ito ay minagaling na itayo ang isang Pamahalaan
(Gobierno), bagama’t ipinaunawa ko na ito’y hindi mangyayari sapagka’t wala doon ang pinakakatawan
ng taga ibang hukuman at bukod pa sa rito’y ipinagsabi ko na mayroon ng pinagkayarian sa Pulong na
guinawa sa bayan ng Ymus; ang lahat ng ito’y niwawalan kabuluhan ng karamihan at di umano’y sa
kaguipitan tinatawid ng mga bayang ito’y ay wala ng panahon ay makapag aantabay pa na dumating ang
taga ibang bayan at yaong Pulong na guinawa sa Ymus ay winala rin kabuluhan sapagka’t di rao magawa
ang acta. Gayon ma’y akin ipinagsabi sa lahat na kaharap sa Pulong na yaon na kung kalooban ng mga
taung bayan ang siyang masusunod na makapangyayari sa paghahalal ng mga Pinuno ako’y
sumasangayon.
Ng gawin ang paghahalal ay lumabas na Presidente de la Republica ay si M. Emilio Aguinaldo, Vice
presidente ay si M. Mariano Trias, General en Jefe si M. Artemio Rikarte, Director de grra. M. Emiliano R.
de Dios, ito’y isinigaw na lamang sapagka’t gabi na gayondin naman isinigaw akong pinagkaisahan Director
del Ynterior na ipinag viva pa na gaya ng ibang nahalal; datapwa’t ng ito’y matapos na at sinisimulan ang
pag hahalal ng Director de Hacienda si M. Daniel Tirona ay nagsabing may sumisigaw na ihalal sa
katungkulan Director del Interior si M. José del Rosario; tuloy ipinagsabi na ang katunkulan Director del
Interior ay totoong mabigat at kinakailangan ang isang marunong ang tungkulan nito, ito’y sinabi
kapagkatapos na ipagturing na hindi sa pag hamak niya sa akin. Ang kasagutan ko sa kanya ay sa lahat ng
katungkulan yaon ay kinakailangan ang taung marunong, datapwa’t sino ang wika ko sa nangag si labas
ang kanyang maituturong marunong? gayon ma’y sumigaw rin ng ganito: Isigaw ninyo anya ¡Director del
Interior José del Rosario, Abogado! Wala rin sumunod sa kanya hangan sa makaapat na ulitin kun di
mangilanngilan at sigaw rin ay ako. Sa kaguluhang ito ang Presidente ng Magdiwang ay ipinahayag na
yao’y hindi kapulungan ng mga taung mahal, kaya’y sinabi niya na walang kabuluhan ang doo’y mga
pinagusapan. Bukod dito’y bago sinimulan ang paghahalal ay matuklasan ko ang mga panguupat ng ilan
taga Ymus na di umano’y di nararapat na sila’y pamunuan ng taga ibang bayan. Kaya’t ipinahahalal na
maguing Presidente ay si Capitan Emilio. Kapagkarakang ito’y mabatid ko ay akin sinabi rin na ang
kapulungang yaon ay totoong marumi sapagka’t gayon ang ipinamamarali ang isiahihibo [?] sa tawo at
itanong ko na kung ibig nilang isaisahin kong ituro ng daliri ang gumagawa ng gayon ang aking ituturo ang
karamiha’y sumagot ng huag na. Sinabi ko rin naman na kapag hindi nasunod ang talagang kalooban nang
bayan ay hindi ako makakikilala sa kanino pa mang Pinuno lumabas at kapag di ako kumilala ay di rin
naman kikilalanin ng mga taga rian sa atin. Ang lumabas na general na si M. Artemio Rikarte ay isinigaw
rin sa kapulungang yaon na ang kanyang pagkahalal ay sa masamang paraan.
Ang mga taga Ymus ay ng kinabukasan sila sila ay nagkapulong sa Convento ng Tanza at doo’y
pinilit na isaisang pinapanunumpa ang nangahalal at siya ninyong mapagkikita sa kalakip nitong isang
kasulatan ni M. Artemio Rikarte.
Ang taga Magdiwang lalong lalo ang mga taga Malabon ay gumawa [?] ng isang protesta sa
ipinatawag si Kapitan Emilio at Daniel Tirona at sa isang pag haharap ay pinabitiwan sa kanya ang
kapangyarihang ibig niyang kamkamin; kaya’t sa gabi ring yaon ay gumawa siya ng isang Circular na
ipinahayag niya sa lahat ng bayan sakop ng Tangway na ang kapulungan guinawa na pagkahalal sa kanya
ay wala ng kabuluhan at malagay na muli sa dating kalagayan ng Magdiwang at Magdalo.
Ako at sampu ng ating mga kawal na ma’y mga dalawang pung na baril na Remington at mga
dalawang pung baril na de piston na may katampatan kasangkapan ang nagsi labas na nang bayan ng
Indang sa nayong Halang na talagang gayak sa pag uwi diyan. Kaakbay rin naman namin ang makapal na
sandatahan na may mga isang libo, kaya’t wala kaming ibang inaantay kun di ang inyong pagkakayarian ni
M. Antonino Guevarra ayon sa aming salitaan nito. Antay ko sa madaling panahon ang inyong marapatin
pagkasunduan diyan tungkol sa amin binabalak ng nasabing M. Guevarra.
Tungkol sa armas na ating inaantay ay tila hindi maaasahan sapagka’t sa sulat ni Jokson ay
humihingi ng dalawang pung libo; dito’y ang salaping na iipon ay halos naubos na sa kagugugol ng mga
Pinuno sa kailangan nila at Panghihimagsik.
Kalakip din nitong sulat na ito na inyong tangapin ang salin ng “Manifiesto Revolucionario” namin
sanang ilalathala ito’y nasusulat din sa wikang ingles datapwa’t sa pagka’t tila totoong mahaba ay kayo na
ang bahalang maghusay upang magamit natin kapagkarakang tayo’y magkaayos-ayos; gayon din kalakip
nito ang alfabeto de numero na guinagamit sa pakikipagsulatan sa Hong Kong; ito’y kinakailangan
ipaglihim sa kay Vnvqrtc Llntñbqdnd [Mamerto Natibedad].
Ang Hukuman ng Batangan ay nagbangon ng isang Gobierno Provincial at ito’y isinusukob sa akin
kapangyarihan na pinatutunayan ng apat na sulat na sa aki’y ipinadala at doo’y ipinadala kong saklolo ang
dalawang pung baril at dalawang pu’t limang sandatahang Balara; gayon din si Lucino na may kasamang
ilan barilan upang sila’y makatulong sa kasalukuyang paglusob doon ng mga taga roon sa walong bayan
sabay- sabay.
Tungkol sa balitang napatay si Procopio ito’y hindi totoo kahit nanganib ng malaki. Kayo’y ibinalita
rin naman dito ng buang katatapos na pinatay ng mga Carabineros sa kadahilanang di umano’y kayo’y
nagbigay ng isang masamang kautusan, ito’y sapagkat balita ng taga Ymus ay hindi ko pinaniwalaan at
itinuring kong isang kasukaban dating gawa ng mga taung ito. Tungkol sa pagiipon ng salapi ay inaakala
kong hindi kailangan ang tayo’y magpalimos kundi ang nararapat ang tayo’y magpumilit na pumasok ng
mga bayan-bayan at humingi o sumamsam sa kanino pa mang mayaman. Ang K. na si M. Nakpil ay sumulat
sa akin na itinatanong na kun ang salaping may mga apat na raan mahiguit na kanyang naaipon ay kung
nararapat na ibigay sa kay Vnvqrtc Llntñbqdnd [Mamerto Natibedad], ito’y huag ninyong pahintulutan
mangyari, sapagka’t iya’y hindi tapat ang pakikisama sa atin at iya’y malaki ang hilig sa taga Magdalo.
Isang kasuklam suklam na balita ang akin maipapasabi sa inyo tungkol sa kasukaban gawa ng mga
pinuno ng S. Magdalo na nag si sukob sa indulto o umayon sa Kastila ito’y si Daniel Tirona, Mtro. de Guerra,
Jose del Rosario, Ministro del Interior, José Caelles, teniente Gral., gayon din halos lahat ng mga taga Tanza
sampu ng Cura doon; ang lahat ng ito’y pawang kabig o partidos ni Capitan Emilio; kaya’t malabis ang
hinala ng marami na kun kaya’t malabis na nagpumilit na sila’y maguing Gobierno ay ng upang maisuko
ang boong Revolucion. Ng lingong nagdaan ay ipinagapos ko sa ating mga kawal ang isa rin sa mga Ministro
ni Capitan Emilio sa kadahilanang nahuling magtatanan, kaakbay ang dalawang Kastila bihag at isang
señora isa sa mga Kastilang ito ay nagsabi ng totoo na sila ay magtatanan; ito’y pinaghatulan sa Sangunian
Digma at ang kinalabasan ay ang dati rin palakad dito ng pag tatakipan o favoritismo; datapwa’t ang
espediente na tinalaan na ng nasabing Ministro na si M. Cayetano Topacio ay naiwan sa akin ay gayon din
ang sa Kastila. Yto’y isa sa manga kadahilanan ng aming pagpupumilit na mapaalis dito sapagka’t hindi
lamang sa kaaway na Kastila nanganganib ang amin buhay kun di lalo’t higit pa sa mga pinuno dito na ang
karamiha’y may masasamang kilos.
Ang limbagan mga librong kailangan, mapang malaki at mga kasangkapan sa paggagawaan ng
kapsula ay aming dalang lahat.
Ang mga Cuchara na inyong ipinadadala sa kapatid ni Dimas ay hindi maibigay sa kanila sapagka’t
sila’y nagsialis na, na tumungo sa dakong Silangan (Laguna). Ang inyong ina na na sa Marigondong ay
aming ipinatawag at magpahangangayo’y siya naming inaantabayanan.
Tangapin ang mahigpit na yakap na pahatid ko buhat dito.
Limbon 24 Abril 1897
Ang Plo. ng H. B.
And . . . Bonifacio
Maypagasa
[SEAL – “HARING BAYANG KATAGALUGAN – KATAASTAASANG
KAPULUNGAN”]

More Related Content

Similar to Tagalog Text. Bonifacio's letter to Jacinto.pdf

Banaag at sikat
Banaag at sikatBanaag at sikat
Banaag at sikat
Hernane Buella
 
el fili.pptx
el fili.pptxel fili.pptx
el fili.pptx
JohnHeraldOdron1
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Ang kalupi suring basa
Ang kalupi suring basaAng kalupi suring basa
Ang kalupi suring basa
Saint Michael's College Of Laguna
 
el filibusterismo filipino.grade10ppt-210522063502.pptx
el filibusterismo filipino.grade10ppt-210522063502.pptxel filibusterismo filipino.grade10ppt-210522063502.pptx
el filibusterismo filipino.grade10ppt-210522063502.pptx
MarcChristianNicolas
 
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptxQ4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
IMELDATORRES8
 
Noli me tangere kabanata 57 58
Noli me tangere kabanata 57 58Noli me tangere kabanata 57 58
Noli me tangere kabanata 57 58mojarie madrilejo
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Nátè Del Mundo
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Mae Garcia
 

Similar to Tagalog Text. Bonifacio's letter to Jacinto.pdf (12)

Banaag at sikat
Banaag at sikatBanaag at sikat
Banaag at sikat
 
el fili.pptx
el fili.pptxel fili.pptx
el fili.pptx
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Ang kalupi suring basa
Ang kalupi suring basaAng kalupi suring basa
Ang kalupi suring basa
 
el filibusterismo filipino.grade10ppt-210522063502.pptx
el filibusterismo filipino.grade10ppt-210522063502.pptxel filibusterismo filipino.grade10ppt-210522063502.pptx
el filibusterismo filipino.grade10ppt-210522063502.pptx
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Q3 W1.pptx
Q3 W1.pptxQ3 W1.pptx
Q3 W1.pptx
 
Fili report
Fili reportFili report
Fili report
 
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptxQ4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
 
Noli me tangere kabanata 57 58
Noli me tangere kabanata 57 58Noli me tangere kabanata 57 58
Noli me tangere kabanata 57 58
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 

Tagalog Text. Bonifacio's letter to Jacinto.pdf

  • 1. Tagalog Text ANDRES BONIFACIO MAYPAGASA P. ng K. Kapulungan M. Emilio Jacinto Pinkian, Minamahal kong kapatid: tinangap ko ang inyong sulat, taglay ang kabilangang araw na ika labingsiyam ng umiiral at nabatid ko ang lahat ng doo’y nasasabi. Magbuhat ng mapasok ang bayan ng Silang ng kaaway at magpahanga ngayong mga araw na ito ay wala kaming ibang inaatupag kundi ang pag tatangol sa guipit na kalagayan ng bayan; ito ang kadahilanan ng di ko pagsulat dian; nguni’t bago ko tinangap ang inyong sulat ay ako’y nagpadala sa inyo ng sulat sa pamaguitan ni M. Antonino Guevara na taga S. Pedro Tunasan na ngayo’y inaakala kong sumapit na sa inyong kamay; doo’y akin ibinabalita sa inyo ang mga nangyaring napagsapit nitong mga bayan sakop nitong Tangway na nakuha ng Kastila ang Silang, Dasmarinas, Ymus, Bakood, Kawit, Noveleta, Malabon, Salinas at Tanza; tatlo o apat ang mga bayang ito ay nakuha ng kaaway ng walang laban at marahil ay makukuha pa ang nangatitirang bayan kung ang pag sasarilinan at kakulangan ng pagkakaisa ay mananatili, ito’y siyang tanging kadahilanan ng ikinapapahamak ng mga bayan dito tungkol sa pulong na guinawa dito ng ika 22 ng buang nagdaan, yao’y ginawa sa kadahilanan may tinangap na sulat sa isang Jesuita at isang Kastila na nagngangalang Pio Pi at Rafael Comenge na ipinadala kay Kapitan Emilio Aguinaldo sa sulat na ito’y, nasasabi na tayo’y bibigyan ng laganap na kapatawaran (Yndulto mas amplio) o kaya makipagusap sa kanila at sabihin kung ano ang ibig natin. Yto’y kapwa ipinadala ng taga Ymus sa mga pinuno ng Magdiwang na may kalakip ng mga condiciones na ibig hingin sa Kastila na pakikipagyari. Ang taga Magdiwang ng ito’y hindi sangayunan sa kadahilanang ako’y wala sa Tangway at na sa sa Look (Batangan) ng mga araw na yaon bukod pa sa niwawalan nilang kabuluhan ang mga katauhan ng Jesuita at ni Comenge na di makapakikialam sa mga bagay na ito. Sa matanto ng taga Ymus ang kasagutan ng taga Magdiwang si Capitan Emilio ay lihim na sumulat sa mga Pangulong bayan sakop ng Magdiwang ng tungkol sa nasabing pakikipagyaring gawin sa Kastila; ito’y ng mabatid ng Presidente ng Magdiwang ay karakarakang nagpatawag ng Pulong at sampung ako’y ipinasundo sa Look at guinawa na nga ang nasabing Pulong. Doo’y halos ang lahat sa akin pagpapaaninao ng kasamaan ng pakikipagyari sa Kastila ay wala na hindi ang ibig ay laban. Sa pagka’t ang karamihan sa Pulong na ito ay minagaling na itayo ang isang Pamahalaan (Gobierno), bagama’t ipinaunawa ko na ito’y hindi mangyayari sapagka’t wala doon ang pinakakatawan ng taga ibang hukuman at bukod pa sa rito’y ipinagsabi ko na mayroon ng pinagkayarian sa Pulong na guinawa sa bayan ng Ymus; ang lahat ng ito’y niwawalan kabuluhan ng karamihan at di umano’y sa kaguipitan tinatawid ng mga bayang ito’y ay wala ng panahon ay makapag aantabay pa na dumating ang taga ibang bayan at yaong Pulong na guinawa sa Ymus ay winala rin kabuluhan sapagka’t di rao magawa ang acta. Gayon ma’y akin ipinagsabi sa lahat na kaharap sa Pulong na yaon na kung kalooban ng mga
  • 2. taung bayan ang siyang masusunod na makapangyayari sa paghahalal ng mga Pinuno ako’y sumasangayon. Ng gawin ang paghahalal ay lumabas na Presidente de la Republica ay si M. Emilio Aguinaldo, Vice presidente ay si M. Mariano Trias, General en Jefe si M. Artemio Rikarte, Director de grra. M. Emiliano R. de Dios, ito’y isinigaw na lamang sapagka’t gabi na gayondin naman isinigaw akong pinagkaisahan Director del Ynterior na ipinag viva pa na gaya ng ibang nahalal; datapwa’t ng ito’y matapos na at sinisimulan ang pag hahalal ng Director de Hacienda si M. Daniel Tirona ay nagsabing may sumisigaw na ihalal sa katungkulan Director del Interior si M. José del Rosario; tuloy ipinagsabi na ang katunkulan Director del Interior ay totoong mabigat at kinakailangan ang isang marunong ang tungkulan nito, ito’y sinabi kapagkatapos na ipagturing na hindi sa pag hamak niya sa akin. Ang kasagutan ko sa kanya ay sa lahat ng katungkulan yaon ay kinakailangan ang taung marunong, datapwa’t sino ang wika ko sa nangag si labas ang kanyang maituturong marunong? gayon ma’y sumigaw rin ng ganito: Isigaw ninyo anya ¡Director del Interior José del Rosario, Abogado! Wala rin sumunod sa kanya hangan sa makaapat na ulitin kun di mangilanngilan at sigaw rin ay ako. Sa kaguluhang ito ang Presidente ng Magdiwang ay ipinahayag na yao’y hindi kapulungan ng mga taung mahal, kaya’y sinabi niya na walang kabuluhan ang doo’y mga pinagusapan. Bukod dito’y bago sinimulan ang paghahalal ay matuklasan ko ang mga panguupat ng ilan taga Ymus na di umano’y di nararapat na sila’y pamunuan ng taga ibang bayan. Kaya’t ipinahahalal na maguing Presidente ay si Capitan Emilio. Kapagkarakang ito’y mabatid ko ay akin sinabi rin na ang kapulungang yaon ay totoong marumi sapagka’t gayon ang ipinamamarali ang isiahihibo [?] sa tawo at itanong ko na kung ibig nilang isaisahin kong ituro ng daliri ang gumagawa ng gayon ang aking ituturo ang karamiha’y sumagot ng huag na. Sinabi ko rin naman na kapag hindi nasunod ang talagang kalooban nang bayan ay hindi ako makakikilala sa kanino pa mang Pinuno lumabas at kapag di ako kumilala ay di rin naman kikilalanin ng mga taga rian sa atin. Ang lumabas na general na si M. Artemio Rikarte ay isinigaw rin sa kapulungang yaon na ang kanyang pagkahalal ay sa masamang paraan. Ang mga taga Ymus ay ng kinabukasan sila sila ay nagkapulong sa Convento ng Tanza at doo’y pinilit na isaisang pinapanunumpa ang nangahalal at siya ninyong mapagkikita sa kalakip nitong isang kasulatan ni M. Artemio Rikarte. Ang taga Magdiwang lalong lalo ang mga taga Malabon ay gumawa [?] ng isang protesta sa ipinatawag si Kapitan Emilio at Daniel Tirona at sa isang pag haharap ay pinabitiwan sa kanya ang kapangyarihang ibig niyang kamkamin; kaya’t sa gabi ring yaon ay gumawa siya ng isang Circular na ipinahayag niya sa lahat ng bayan sakop ng Tangway na ang kapulungan guinawa na pagkahalal sa kanya ay wala ng kabuluhan at malagay na muli sa dating kalagayan ng Magdiwang at Magdalo. Ako at sampu ng ating mga kawal na ma’y mga dalawang pung na baril na Remington at mga dalawang pung baril na de piston na may katampatan kasangkapan ang nagsi labas na nang bayan ng Indang sa nayong Halang na talagang gayak sa pag uwi diyan. Kaakbay rin naman namin ang makapal na sandatahan na may mga isang libo, kaya’t wala kaming ibang inaantay kun di ang inyong pagkakayarian ni M. Antonino Guevarra ayon sa aming salitaan nito. Antay ko sa madaling panahon ang inyong marapatin pagkasunduan diyan tungkol sa amin binabalak ng nasabing M. Guevarra. Tungkol sa armas na ating inaantay ay tila hindi maaasahan sapagka’t sa sulat ni Jokson ay humihingi ng dalawang pung libo; dito’y ang salaping na iipon ay halos naubos na sa kagugugol ng mga Pinuno sa kailangan nila at Panghihimagsik.
  • 3. Kalakip din nitong sulat na ito na inyong tangapin ang salin ng “Manifiesto Revolucionario” namin sanang ilalathala ito’y nasusulat din sa wikang ingles datapwa’t sa pagka’t tila totoong mahaba ay kayo na ang bahalang maghusay upang magamit natin kapagkarakang tayo’y magkaayos-ayos; gayon din kalakip nito ang alfabeto de numero na guinagamit sa pakikipagsulatan sa Hong Kong; ito’y kinakailangan ipaglihim sa kay Vnvqrtc Llntñbqdnd [Mamerto Natibedad]. Ang Hukuman ng Batangan ay nagbangon ng isang Gobierno Provincial at ito’y isinusukob sa akin kapangyarihan na pinatutunayan ng apat na sulat na sa aki’y ipinadala at doo’y ipinadala kong saklolo ang dalawang pung baril at dalawang pu’t limang sandatahang Balara; gayon din si Lucino na may kasamang ilan barilan upang sila’y makatulong sa kasalukuyang paglusob doon ng mga taga roon sa walong bayan sabay- sabay. Tungkol sa balitang napatay si Procopio ito’y hindi totoo kahit nanganib ng malaki. Kayo’y ibinalita rin naman dito ng buang katatapos na pinatay ng mga Carabineros sa kadahilanang di umano’y kayo’y nagbigay ng isang masamang kautusan, ito’y sapagkat balita ng taga Ymus ay hindi ko pinaniwalaan at itinuring kong isang kasukaban dating gawa ng mga taung ito. Tungkol sa pagiipon ng salapi ay inaakala kong hindi kailangan ang tayo’y magpalimos kundi ang nararapat ang tayo’y magpumilit na pumasok ng mga bayan-bayan at humingi o sumamsam sa kanino pa mang mayaman. Ang K. na si M. Nakpil ay sumulat sa akin na itinatanong na kun ang salaping may mga apat na raan mahiguit na kanyang naaipon ay kung nararapat na ibigay sa kay Vnvqrtc Llntñbqdnd [Mamerto Natibedad], ito’y huag ninyong pahintulutan mangyari, sapagka’t iya’y hindi tapat ang pakikisama sa atin at iya’y malaki ang hilig sa taga Magdalo. Isang kasuklam suklam na balita ang akin maipapasabi sa inyo tungkol sa kasukaban gawa ng mga pinuno ng S. Magdalo na nag si sukob sa indulto o umayon sa Kastila ito’y si Daniel Tirona, Mtro. de Guerra, Jose del Rosario, Ministro del Interior, José Caelles, teniente Gral., gayon din halos lahat ng mga taga Tanza sampu ng Cura doon; ang lahat ng ito’y pawang kabig o partidos ni Capitan Emilio; kaya’t malabis ang hinala ng marami na kun kaya’t malabis na nagpumilit na sila’y maguing Gobierno ay ng upang maisuko ang boong Revolucion. Ng lingong nagdaan ay ipinagapos ko sa ating mga kawal ang isa rin sa mga Ministro ni Capitan Emilio sa kadahilanang nahuling magtatanan, kaakbay ang dalawang Kastila bihag at isang señora isa sa mga Kastilang ito ay nagsabi ng totoo na sila ay magtatanan; ito’y pinaghatulan sa Sangunian Digma at ang kinalabasan ay ang dati rin palakad dito ng pag tatakipan o favoritismo; datapwa’t ang espediente na tinalaan na ng nasabing Ministro na si M. Cayetano Topacio ay naiwan sa akin ay gayon din ang sa Kastila. Yto’y isa sa manga kadahilanan ng aming pagpupumilit na mapaalis dito sapagka’t hindi lamang sa kaaway na Kastila nanganganib ang amin buhay kun di lalo’t higit pa sa mga pinuno dito na ang karamiha’y may masasamang kilos. Ang limbagan mga librong kailangan, mapang malaki at mga kasangkapan sa paggagawaan ng kapsula ay aming dalang lahat. Ang mga Cuchara na inyong ipinadadala sa kapatid ni Dimas ay hindi maibigay sa kanila sapagka’t sila’y nagsialis na, na tumungo sa dakong Silangan (Laguna). Ang inyong ina na na sa Marigondong ay aming ipinatawag at magpahangangayo’y siya naming inaantabayanan. Tangapin ang mahigpit na yakap na pahatid ko buhat dito. Limbon 24 Abril 1897 Ang Plo. ng H. B.
  • 4. And . . . Bonifacio Maypagasa [SEAL – “HARING BAYANG KATAGALUGAN – KATAASTAASANG KAPULUNGAN”]