SlideShare a Scribd company logo
MGA
GUNITA NG
HIMAGSIKAN
(MEMOIRS)
BY: EMILIO AGUINALDO
Emilio Aguinaldo
• First President of the Philippines (Jan. 23, 1899 –
March 23, 1901).
• President of the Revolutionary Government of the
Philippines (June 23, 1897 – Jan. 22, 1898)
• President of the Biak-na-Bato (Nov. 2 – Dec. 14,
1897)
• President of the Tejeros Revolutionary
Government (March 22 – Nov. 1, 1897)
Emilio Aguinaldo
• Born: March 22, 1869 in Kawit, Cavite
• Died: February 6, 1964 in Quezon City
• Spouses: Hilaria de Rosario – Aguinaldo
(1896-1921)
: Maria Agoncillon (1930-1963
• Children: 5 (Carmen Aguinaldo-Melencio,
Emilio ‘Jun’ R. Aguinaldo Jr., Maria
Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-
Sunday, and Miguel Aguinaldo.
Emilio Aguinaldo
• Nicknames: “Kapitan Miong”
“Heneral Miong”
“El Caudillo”
“Magdalo”
“Hermano Colon”
Emilio Aguinaldo
• He led Philippine forces:
- First against Spain in the latter part of the
Philippine Revolution (1896-1898)
- in the Spanish-American War (1898)
- Against the United States during
Philippine-American War (1899-1901)
• He was captured in Palawan, Isabela by
American forces on March 23, 1901, which
brought an end to his presidency.
HISTORICAL BACKGROUND OF THE
DOCUMENT
• The historical events related in his books
were mainly taken from his diary and
various document that he wrote and kept
in his Kawit home for more than fifty years.
• The original book was written in tagalog
and was prepared by General Aguinaldo in
his own handwriting between 1928 and
1946.
HISTORICAL BACKGROUND OF THE
DOCUMENT
• At close of 1963, Gen. Emilio Aguinaldo, after much
deliberation, decided to publish his memoirs.
• His fond that the first volume of his memoirs be
made available to the general public on his 95th
birthday anniversary.
• However, he became suddenly ill and never
recovered from the sickness.
• He died without seeing his own book in print.
• First publication was in 1964.
HULING ARAW NG
AKING PAGKA-
CAPITAN
MUNICIPAL
Iniwan ko na ang aking mga kausap
at nagmamadali akong lumulan sa
isang bangka upang ihatid ako sa
Cavite el Viejo. Subali’t habang
ako’y nagmamadali ay lalong
humihina ang takbo ng bangka
kaya ako’y lalong nainip.
Birin ninyong umabot nang mahigit
sa isang oras ang aming
pamamangka bago nakarating sa
daungan ng Cavite el Viejo!
Tuwang-tuwa ang mga bangkero ng
abutan ko ng limang piso, sa halip
na isang salapi lamang na gaya
nang karaniwang bayaran, subali’t
hindi nila natatanto marahil ang
kahalagahan ng aking mga lakad,
kung kaya ako nagbayad nang
mahal.
Mag-iika dalawa na halos ng hapon
nang ako’y lumunsad sa bangka.
Pagkada’y nagtuloy ako sa
kumbento upang ibalita sa aming
Kura ang nabigo kong lakad sa
Cavite. Maikatlo akong kumatok sa
pinto ng kanyang silid, nguni’t
walang sumasagot.
Nilakasan ko ang yabag ng aking
sapatos upang mapagtanto nila na
may tao sa labas, Nguni’t wala ring
kumikilos. Naghinala tuloy ako sa
aking sarili na baka ayaw nila akong
tanggapin at natiktikan ang aking
pagbabalatkayo sa kanila.
Dali-dali akong nanaog sa silong ng
kumbento at lalo ko pang nilakasan ang
yabag ng aking sapatos, sa
pagbabakasakaling sila’y magising kung
sila man ay natutulog. Subali’t nang
ako’y nasa silong na at palabas na sa
pintuan, ay siyang pagdungaw ng Kura
at tinawag ako.
“Oye, oye Capitan, ano ang labas ng inyong
lakad?” – ang tanong agad sa akin.
“Wala pong nangyari! Bigung-bigo po ang
aking lakad. Nguni’t kung ako’y binigyan Ninyo
ng rekomendasyon, disin sana’y
napagkatiwalaan ako kahit sampung baril.
Sinabi pa po sa akin na may pasiya ang
Excelentismo Capitan General Blanco ng
Estado de Guerra, sa walong lalawigan na
kadamay ang Cavite.”
Pagkatapos ng ganiyang maikling pag-
uusap ay umuwi ako sandal sa aming
bahay, at bago dali-daling nagbalik ako
sa Tribunal. Halos kararating ko pa
lamang sa akin tanggapan, ay kasunod
ko naming dumating na humahangos and
dalawa kong Consejal, sina G. Candido
Tria Tirona at Santiago Dańo.
Ibinalita ko sa kanila ang pagkabigo ng
aking lakad sa Cavite, at sinabi ko na
“Declarado na ang Estado de Guerra.”
Hindi ko pa halos nasasabi sa dalawa
ang lahat ng nangyari sa akin sa Cavite,
ay sinabat na nila ako agad sa aking
pangungusap at sinabing:
“Tayo po’y magbangon na agad. Sinabi
na naming kanina sa ating mga kapatid
sa Katipunan, na ilabas ang mga
balaraw at humanda ng lahat sa
pagbabangon, at kailangan nang pututin
ang tatlong Guardia Civil na
pumapatrulya dito sa atin.”
Sinabi ko agad ng: “Huwag naman . . .
Dahil baga sa tatlong Guardia Civil ay
guguluhin na natin ang bayan? Hindi
kabilang iyan sa labanan. Sa palagay
ko, sila’y matahimik nating maaagawan
ng baril mamayang gabi.”
“Aba!” – ang sagot ng Consejal Tirona,
“Hindi na po dapat pang palakarin ang
oras, at maaaring bumigat pa ang
panahon sa atin. Kung kayo ay aayaw pa,
ay pasusulungan na naming ng Consejal
Dańo ang mga Guardia Civil sa mga kapatid
natin sa Katipunan; - - - -
- - sapagka’t kaninang umaga na kaalis pa lamang
ninyong patungong Cavite, ay tumanggap na kami
nang balitang nagbangon at sinalakay na ang
Tribunal at Kuwartel ng Guardia Civil sa San
Francisco de Malabon, at kanginang katanghalian ay
sinalakay naman ang Comandancia Provincial ng
Guardia Civil sa Noveleta, na pinamumunuan ng
Capitan Antonio Redoblado.”
“Aba! Gayon pala. Bakit di ninyo
naipagtapat agad sa akin? Ang balak ko’y
mamayang gabi na tayo kumilos subali’t
sa ganyang sabi ninyo, ay dapat nang
tayo’y sumunod, nguni’t wag nating
patayin ang tatlong Guardia Civil.
Pakiusapan na lamang natin sila, kung
maaari, at kung hindi’y agawan na lamang
natin sila ng kani-kanilang baril. - - -
- - - Tayong dalawa lamang Kumpareng
Candido ang aagaw ng baril, at sila Kuya
Tiago Dańo naman ay uuwi agad sa
Binakayan, upang maihanda ang ating mga
tauhan doon.”
At lumakad naman agad si G. Dańo. Saka
sinabi ko kay Consejal Tirona na maghintay
siya sa loob ng aking tanggapan at aking
mamanmanan kung naroroon na ang tatlong
Guardia Civil. Lumabas ako at namalas kong
naroroon na ang dalawa at nangungupo.
Samantalang wala pa ang ikatlong
Guardia Civil, ay ibinulong ko sa aking
kabo ng Cuadrillero, G. Honorio Falla, na
humanda na at aagawan naming ng baril
ang dalawang naroroon at huwag silang
tutulong sa amin ng Kumpareng Tirona,
hanggang hindi nila nakikitang sinuman sa
amin ay magipit.
Mag-iikatlo nang hapon ng dumating sa
Tribunal ang ikatlong Guardia Civil na
aming pinakahihintay. Pumasok ako
pagdaka, at sinabi ko sa Kumpareng
Tirona na naroroon na ang mga Guardia
Civil. Sinabi kong pagtig-isahan na naming
agawan ng baril ang nasa magkabilang
dulo, at ang nasa gitna ay parang masisikil
na namin sa pakiusapan.
Inulit ko sa kanya na agawan na
lamang naming sila ng baril sa
pamamagitan ng lakas at pakikiusap,
at kalian man ay huwag uutang ng
buhay pagka’t sila’y kadugo rin natin,
at ganito nga ang aming ginawa.
Nilapitan at pinag-isahan na naming
hawakan ang baril ng dalawang
Guardia Civil na pawang nagulantang.
Sinabi ko ang ganito sa kanila:
“Mga kababayan, dumating na ngayon
ang panahon na tayong mga Tagalog
ay magbangon at huwag paalipin sa
Pamahalaang Kastila. Ibigay ninyo sa
amin ang inyong mga baril at sumama
na kayo sa amin upang mahango sa
kaalipinan ang ating Inang Bayan.”
Ang aking kinausap ay nag-anyong
lalaban, kaya’t nagbuno muna kaming
sandali bago inagaw ko ang baril at
iniabot ko agad sa aking Cuadrillero.
Pagkatapos ay isinunod ko naman ang
ikalawang Guardia Civil.
Sinabi ko muna sa kanya: “Narinig mo
na ang aking pakiusap sa iyong
kasama at huwag mo nang hintayin
pang ulitin, kaya’t ipagkaloob mo sa
akin ang iyong baril.”
“Ayoko po!” – tugon niya. “Bayaan po
muna ninyong makauwi ako sa aming
kuwartel sa Noveleta, at silang lahat
ay hihikayatin kong makiisa na.”
“Oo.” – ang sagot ko. “Mabuti iyan
Nguni’t iwan mo na lamang ang iyong
baril sa amin.”
Nang aayaw niyang pumayag ay
nagpamuok kaming sandal hanggang
sa naagaw ko ang baril. Pagkatapos
ay iniutos ko sa dalawang Guardia
Civil na maghubad sila ng kanilang
uniporme.
Saka hinarap ko naman ang makisig at
malaking Guardia Civil na
nakikipagbuno nang mahigpitan kay
Consejal Tirona, na hindi maagaw-
agaw ang baril, palibhasa’y kapwa sila
matipuno ang pangangatawan.
“Bitawan mo ang baril” – ang pabulas
kong sigaw sa Guardia Civil, Nguni’t
patuloy pa rin sa paghahamok ang
kappa tandis na lalaki, kaya’t tumulong
ako at siya’y napalugamok, tuloy
nabitawan ang baril.
Biglang naglundagan ang mga
Cuadrillero na bunot na lahat ang
gulok at balaraw at tangkang uutasin
ang Guardia Civil. Subali’t sinakyan ko
agad sa ibabaw ang nakahandusay,
kasabay ang sigaw kong; “Patawarin
na ninyo ang buhay nito.”
Gayon man, hindi ko namataan na ang
isa pa lang Cuadrillero ay nakasalingit
at nasaksak ng Guardia Civil sa tapat
pa naman ng kanyang puso, at dahil
dito’y patangis na nanikluhod sa akin
na tutop ang dibdib at nagsabing:
“Maginoong Capitan, mamamatay na
yata ako! Malaki ang sugat ko sa
dibdib.”
“Kung di ko nga nasangga ang
pagkasaksak sa iyo ay bangkay ka na
ngayon sa katigasan ng ulo mo,” – ang
sagot ko.
Tiningnan ko ang kanyang sugat at
natuwa-tuwa siya nang sabihin kong
hindi siya mamamatay. Kaya’t
ipinatawag ko din noon ang medikilyo
ng bayan na si Tandang Julian.
Salamat at hindi kami nakautang ng
buhay sa ganitong pasinaya sa
pagbabangon.
Sa ganitong pag-aagawan lamang ng baril ay
malaking gulo din sa bayan ang nagyari.
Narinig ko ang kalambugan ng pagsasara ng
pinto at bintana ng mga bahay na nakapaligid
sa Tribunal, kasunod ang pagdalo at
pagdaluhong ng mga taong bayan na hindi
naman mga Katipunan, ang iba naman ay
tumakbo sa bukid, bago masayang nagbalikan
at sumang-ayon sa kilusan nang matanto na
isang pagbabangon ang nangyari.
Pagkatapos ng pagkakagulo naming ay
namatyagan ko ang aming Kura na nasa may
puno ng torre at pintuan ng patyo, at sinisilip
pala kami sa Tribunal, bago biglang-biglang
nawala. Samantala’y biglang lumapit sa akin si
Consejal Tirona, at hiniling sa akin na
pahintulutan ko siyang magsama ng sampung
Cuadrillero sa kumbento, upang bihagin ang
Kura.
Subali’t mabilis na palang nakatakas
ang Kura at nakalulan sa isang lunday
na patungong Tangway sa mga
kalabang Infanteria Marina sa
Polvorin, sa Puntod ng Kulanta. Ang
aming balak ay hintayin ang kanilang
pagpasok sa Binakayan,
dahil sa palagay naming na kung kami
ay lulusob ay hindi naming magagapi
ang kuta na kanilang kinalalagyan sa
Polvorin na malapit pa sa kutang
Artilleria ng Arsenal sa Cavite.
Nang kinahating-gabihan, ay dumating na
ang tropang galing Imus, dahil sa nabigo
ang kanilang pagsalakay, sa dahilang sa
liwasang bayan pa lamang, bago
pumasok ng kabayanan ay nakasagupa
na nila ang patrulya ng mga Guardia Civil,
at doon na sila naglaban sa plasa ng
munisipyo at simbahan ng Imus.
Ang mga kalaban ay napatayan nila ng
dalawa, at dalawang baril ang kanilang
naagaw. Samantalang ang ating hukbo
ay nakaiwan naman ng isang sugatan sa
munisipyo ng Imus, at ito’y si Tiniente
Marcelino Cajulis. Sa ganito’y iniuwi ko na
ang tropa ng Cavite el Viejo, sa
kabayanan at doon na kami natuloy sa
kumbento.
Hindi na ako dumaan pa sa aming bahay,
ni ipinaalam na umuwi kami, upang
maiwasan ang lungkot at samaan ng
loob. Mula noon, ay pinilit ko nang huwag
pakita o umuwi pa sa aming bahay.
Ang kaba ng loob ko noon pa na may kasamang
guniguni ay ang sumasalagimsim na ang aking buhay
ay hanggang tatlong araw na lamang. Pagkaraan ng
TATLONG ARAW ay sumaloob ko naman, na tatagal
pa ang buhay ko HANGGANG TATLONG LINGGO.
At nang hindi pa ako napapatay sa ganitong guniguni,
sumaloob naman sa akin na aabutin pa ako ng
TATLONG BUWAN. Hanggang nang malaon ay unti-
unting nawalay sa aking isip ang gayong guni-guni.
1. If you were Aguinaldo, are you going to
revolt against the Spanish government?
Explain your answer.
2. As a student, what is the importance of this
part of Aguinaldo’s memoirs in your life?
ACTIVITY:
Thank you!

More Related Content

What's hot

Totul este magic in viata, fiecare actiune fiind guvernata de legea compensat...
Totul este magic in viata, fiecare actiune fiind guvernata de legea compensat...Totul este magic in viata, fiecare actiune fiind guvernata de legea compensat...
Totul este magic in viata, fiecare actiune fiind guvernata de legea compensat...Florentina1978
 
Teacher Jokes
Teacher JokesTeacher Jokes
Teacher Jokes
Amran Mahadi
 
Aivanhov galvanoplastia spirituala 53
Aivanhov galvanoplastia spirituala 53Aivanhov galvanoplastia spirituala 53
Aivanhov galvanoplastia spirituala 53Adrian Ionescu
 
Carlos Castaneda Focul launtric
Carlos Castaneda Focul launtricCarlos Castaneda Focul launtric
Carlos Castaneda Focul launtric
viola_ro
 
Script of English Musical Drama, Beauty and The Beast
Script of English Musical Drama, Beauty and The BeastScript of English Musical Drama, Beauty and The Beast
Script of English Musical Drama, Beauty and The Beast
OSIS SMA Bina Insani
 
Pastor moses lushiku is transported to the second heaven
Pastor moses lushiku is transported to the second heavenPastor moses lushiku is transported to the second heaven
Pastor moses lushiku is transported to the second heaven
Alejandro Josue Zurita Chuca
 
Sepupu Ku Yang Hot Perawan
Sepupu Ku Yang Hot PerawanSepupu Ku Yang Hot Perawan
Sepupu Ku Yang Hot Perawanbeesingle41
 
50 shades of grey darker
50 shades of grey darker50 shades of grey darker
50 shades of grey darker
Ken Days
 
Alcohol Poem
Alcohol PoemAlcohol Poem
Alcohol PoemShawn_R
 
Carlos castaneda 04 povestiri despre putere
Carlos castaneda   04 povestiri despre putereCarlos castaneda   04 povestiri despre putere
Carlos castaneda 04 povestiri despre putereMIHAELA VLAS
 
Commonly Confused Words
Commonly Confused WordsCommonly Confused Words
Commonly Confused WordsKaren F
 
Carlos castaneda-arta-visatului
Carlos castaneda-arta-visatuluiCarlos castaneda-arta-visatului
Carlos castaneda-arta-visatuluimarinelad
 
15425776 Teofilact Ligurda
15425776 Teofilact Ligurda15425776 Teofilact Ligurda
15425776 Teofilact Ligurda
petrus slatineanu
 
Alchimia sau cautarea perfectiunii
Alchimia sau cautarea perfectiuniiAlchimia sau cautarea perfectiunii
Alchimia sau cautarea perfectiunii
CristinaRm8
 
De vorba-cu-valeriu-popa-autor-ovidiu-harbada(1)
De vorba-cu-valeriu-popa-autor-ovidiu-harbada(1)De vorba-cu-valeriu-popa-autor-ovidiu-harbada(1)
De vorba-cu-valeriu-popa-autor-ovidiu-harbada(1)
miruna dora
 

What's hot (15)

Totul este magic in viata, fiecare actiune fiind guvernata de legea compensat...
Totul este magic in viata, fiecare actiune fiind guvernata de legea compensat...Totul este magic in viata, fiecare actiune fiind guvernata de legea compensat...
Totul este magic in viata, fiecare actiune fiind guvernata de legea compensat...
 
Teacher Jokes
Teacher JokesTeacher Jokes
Teacher Jokes
 
Aivanhov galvanoplastia spirituala 53
Aivanhov galvanoplastia spirituala 53Aivanhov galvanoplastia spirituala 53
Aivanhov galvanoplastia spirituala 53
 
Carlos Castaneda Focul launtric
Carlos Castaneda Focul launtricCarlos Castaneda Focul launtric
Carlos Castaneda Focul launtric
 
Script of English Musical Drama, Beauty and The Beast
Script of English Musical Drama, Beauty and The BeastScript of English Musical Drama, Beauty and The Beast
Script of English Musical Drama, Beauty and The Beast
 
Pastor moses lushiku is transported to the second heaven
Pastor moses lushiku is transported to the second heavenPastor moses lushiku is transported to the second heaven
Pastor moses lushiku is transported to the second heaven
 
Sepupu Ku Yang Hot Perawan
Sepupu Ku Yang Hot PerawanSepupu Ku Yang Hot Perawan
Sepupu Ku Yang Hot Perawan
 
50 shades of grey darker
50 shades of grey darker50 shades of grey darker
50 shades of grey darker
 
Alcohol Poem
Alcohol PoemAlcohol Poem
Alcohol Poem
 
Carlos castaneda 04 povestiri despre putere
Carlos castaneda   04 povestiri despre putereCarlos castaneda   04 povestiri despre putere
Carlos castaneda 04 povestiri despre putere
 
Commonly Confused Words
Commonly Confused WordsCommonly Confused Words
Commonly Confused Words
 
Carlos castaneda-arta-visatului
Carlos castaneda-arta-visatuluiCarlos castaneda-arta-visatului
Carlos castaneda-arta-visatului
 
15425776 Teofilact Ligurda
15425776 Teofilact Ligurda15425776 Teofilact Ligurda
15425776 Teofilact Ligurda
 
Alchimia sau cautarea perfectiunii
Alchimia sau cautarea perfectiuniiAlchimia sau cautarea perfectiunii
Alchimia sau cautarea perfectiunii
 
De vorba-cu-valeriu-popa-autor-ovidiu-harbada(1)
De vorba-cu-valeriu-popa-autor-ovidiu-harbada(1)De vorba-cu-valeriu-popa-autor-ovidiu-harbada(1)
De vorba-cu-valeriu-popa-autor-ovidiu-harbada(1)
 

2.4 MGA GUNITA NG HIMAGSIKAN.pptx

  • 2. Emilio Aguinaldo • First President of the Philippines (Jan. 23, 1899 – March 23, 1901). • President of the Revolutionary Government of the Philippines (June 23, 1897 – Jan. 22, 1898) • President of the Biak-na-Bato (Nov. 2 – Dec. 14, 1897) • President of the Tejeros Revolutionary Government (March 22 – Nov. 1, 1897)
  • 3. Emilio Aguinaldo • Born: March 22, 1869 in Kawit, Cavite • Died: February 6, 1964 in Quezon City • Spouses: Hilaria de Rosario – Aguinaldo (1896-1921) : Maria Agoncillon (1930-1963 • Children: 5 (Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio ‘Jun’ R. Aguinaldo Jr., Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo- Sunday, and Miguel Aguinaldo.
  • 4. Emilio Aguinaldo • Nicknames: “Kapitan Miong” “Heneral Miong” “El Caudillo” “Magdalo” “Hermano Colon”
  • 5. Emilio Aguinaldo • He led Philippine forces: - First against Spain in the latter part of the Philippine Revolution (1896-1898) - in the Spanish-American War (1898) - Against the United States during Philippine-American War (1899-1901) • He was captured in Palawan, Isabela by American forces on March 23, 1901, which brought an end to his presidency.
  • 6. HISTORICAL BACKGROUND OF THE DOCUMENT • The historical events related in his books were mainly taken from his diary and various document that he wrote and kept in his Kawit home for more than fifty years. • The original book was written in tagalog and was prepared by General Aguinaldo in his own handwriting between 1928 and 1946.
  • 7. HISTORICAL BACKGROUND OF THE DOCUMENT • At close of 1963, Gen. Emilio Aguinaldo, after much deliberation, decided to publish his memoirs. • His fond that the first volume of his memoirs be made available to the general public on his 95th birthday anniversary. • However, he became suddenly ill and never recovered from the sickness. • He died without seeing his own book in print. • First publication was in 1964.
  • 8. HULING ARAW NG AKING PAGKA- CAPITAN MUNICIPAL
  • 9. Iniwan ko na ang aking mga kausap at nagmamadali akong lumulan sa isang bangka upang ihatid ako sa Cavite el Viejo. Subali’t habang ako’y nagmamadali ay lalong humihina ang takbo ng bangka kaya ako’y lalong nainip.
  • 10. Birin ninyong umabot nang mahigit sa isang oras ang aming pamamangka bago nakarating sa daungan ng Cavite el Viejo!
  • 11. Tuwang-tuwa ang mga bangkero ng abutan ko ng limang piso, sa halip na isang salapi lamang na gaya nang karaniwang bayaran, subali’t hindi nila natatanto marahil ang kahalagahan ng aking mga lakad, kung kaya ako nagbayad nang mahal.
  • 12. Mag-iika dalawa na halos ng hapon nang ako’y lumunsad sa bangka. Pagkada’y nagtuloy ako sa kumbento upang ibalita sa aming Kura ang nabigo kong lakad sa Cavite. Maikatlo akong kumatok sa pinto ng kanyang silid, nguni’t walang sumasagot.
  • 13. Nilakasan ko ang yabag ng aking sapatos upang mapagtanto nila na may tao sa labas, Nguni’t wala ring kumikilos. Naghinala tuloy ako sa aking sarili na baka ayaw nila akong tanggapin at natiktikan ang aking pagbabalatkayo sa kanila.
  • 14. Dali-dali akong nanaog sa silong ng kumbento at lalo ko pang nilakasan ang yabag ng aking sapatos, sa pagbabakasakaling sila’y magising kung sila man ay natutulog. Subali’t nang ako’y nasa silong na at palabas na sa pintuan, ay siyang pagdungaw ng Kura at tinawag ako.
  • 15. “Oye, oye Capitan, ano ang labas ng inyong lakad?” – ang tanong agad sa akin. “Wala pong nangyari! Bigung-bigo po ang aking lakad. Nguni’t kung ako’y binigyan Ninyo ng rekomendasyon, disin sana’y napagkatiwalaan ako kahit sampung baril. Sinabi pa po sa akin na may pasiya ang Excelentismo Capitan General Blanco ng Estado de Guerra, sa walong lalawigan na kadamay ang Cavite.”
  • 16. Pagkatapos ng ganiyang maikling pag- uusap ay umuwi ako sandal sa aming bahay, at bago dali-daling nagbalik ako sa Tribunal. Halos kararating ko pa lamang sa akin tanggapan, ay kasunod ko naming dumating na humahangos and dalawa kong Consejal, sina G. Candido Tria Tirona at Santiago Dańo.
  • 17. Ibinalita ko sa kanila ang pagkabigo ng aking lakad sa Cavite, at sinabi ko na “Declarado na ang Estado de Guerra.” Hindi ko pa halos nasasabi sa dalawa ang lahat ng nangyari sa akin sa Cavite, ay sinabat na nila ako agad sa aking pangungusap at sinabing:
  • 18. “Tayo po’y magbangon na agad. Sinabi na naming kanina sa ating mga kapatid sa Katipunan, na ilabas ang mga balaraw at humanda ng lahat sa pagbabangon, at kailangan nang pututin ang tatlong Guardia Civil na pumapatrulya dito sa atin.”
  • 19. Sinabi ko agad ng: “Huwag naman . . . Dahil baga sa tatlong Guardia Civil ay guguluhin na natin ang bayan? Hindi kabilang iyan sa labanan. Sa palagay ko, sila’y matahimik nating maaagawan ng baril mamayang gabi.”
  • 20. “Aba!” – ang sagot ng Consejal Tirona, “Hindi na po dapat pang palakarin ang oras, at maaaring bumigat pa ang panahon sa atin. Kung kayo ay aayaw pa, ay pasusulungan na naming ng Consejal Dańo ang mga Guardia Civil sa mga kapatid natin sa Katipunan; - - - -
  • 21. - - sapagka’t kaninang umaga na kaalis pa lamang ninyong patungong Cavite, ay tumanggap na kami nang balitang nagbangon at sinalakay na ang Tribunal at Kuwartel ng Guardia Civil sa San Francisco de Malabon, at kanginang katanghalian ay sinalakay naman ang Comandancia Provincial ng Guardia Civil sa Noveleta, na pinamumunuan ng Capitan Antonio Redoblado.”
  • 22. “Aba! Gayon pala. Bakit di ninyo naipagtapat agad sa akin? Ang balak ko’y mamayang gabi na tayo kumilos subali’t sa ganyang sabi ninyo, ay dapat nang tayo’y sumunod, nguni’t wag nating patayin ang tatlong Guardia Civil. Pakiusapan na lamang natin sila, kung maaari, at kung hindi’y agawan na lamang natin sila ng kani-kanilang baril. - - -
  • 23. - - - Tayong dalawa lamang Kumpareng Candido ang aagaw ng baril, at sila Kuya Tiago Dańo naman ay uuwi agad sa Binakayan, upang maihanda ang ating mga tauhan doon.”
  • 24. At lumakad naman agad si G. Dańo. Saka sinabi ko kay Consejal Tirona na maghintay siya sa loob ng aking tanggapan at aking mamanmanan kung naroroon na ang tatlong Guardia Civil. Lumabas ako at namalas kong naroroon na ang dalawa at nangungupo.
  • 25. Samantalang wala pa ang ikatlong Guardia Civil, ay ibinulong ko sa aking kabo ng Cuadrillero, G. Honorio Falla, na humanda na at aagawan naming ng baril ang dalawang naroroon at huwag silang tutulong sa amin ng Kumpareng Tirona, hanggang hindi nila nakikitang sinuman sa amin ay magipit.
  • 26. Mag-iikatlo nang hapon ng dumating sa Tribunal ang ikatlong Guardia Civil na aming pinakahihintay. Pumasok ako pagdaka, at sinabi ko sa Kumpareng Tirona na naroroon na ang mga Guardia Civil. Sinabi kong pagtig-isahan na naming agawan ng baril ang nasa magkabilang dulo, at ang nasa gitna ay parang masisikil na namin sa pakiusapan.
  • 27. Inulit ko sa kanya na agawan na lamang naming sila ng baril sa pamamagitan ng lakas at pakikiusap, at kalian man ay huwag uutang ng buhay pagka’t sila’y kadugo rin natin, at ganito nga ang aming ginawa.
  • 28. Nilapitan at pinag-isahan na naming hawakan ang baril ng dalawang Guardia Civil na pawang nagulantang. Sinabi ko ang ganito sa kanila:
  • 29. “Mga kababayan, dumating na ngayon ang panahon na tayong mga Tagalog ay magbangon at huwag paalipin sa Pamahalaang Kastila. Ibigay ninyo sa amin ang inyong mga baril at sumama na kayo sa amin upang mahango sa kaalipinan ang ating Inang Bayan.”
  • 30. Ang aking kinausap ay nag-anyong lalaban, kaya’t nagbuno muna kaming sandali bago inagaw ko ang baril at iniabot ko agad sa aking Cuadrillero. Pagkatapos ay isinunod ko naman ang ikalawang Guardia Civil.
  • 31. Sinabi ko muna sa kanya: “Narinig mo na ang aking pakiusap sa iyong kasama at huwag mo nang hintayin pang ulitin, kaya’t ipagkaloob mo sa akin ang iyong baril.”
  • 32. “Ayoko po!” – tugon niya. “Bayaan po muna ninyong makauwi ako sa aming kuwartel sa Noveleta, at silang lahat ay hihikayatin kong makiisa na.” “Oo.” – ang sagot ko. “Mabuti iyan Nguni’t iwan mo na lamang ang iyong baril sa amin.”
  • 33. Nang aayaw niyang pumayag ay nagpamuok kaming sandal hanggang sa naagaw ko ang baril. Pagkatapos ay iniutos ko sa dalawang Guardia Civil na maghubad sila ng kanilang uniporme.
  • 34. Saka hinarap ko naman ang makisig at malaking Guardia Civil na nakikipagbuno nang mahigpitan kay Consejal Tirona, na hindi maagaw- agaw ang baril, palibhasa’y kapwa sila matipuno ang pangangatawan.
  • 35. “Bitawan mo ang baril” – ang pabulas kong sigaw sa Guardia Civil, Nguni’t patuloy pa rin sa paghahamok ang kappa tandis na lalaki, kaya’t tumulong ako at siya’y napalugamok, tuloy nabitawan ang baril.
  • 36. Biglang naglundagan ang mga Cuadrillero na bunot na lahat ang gulok at balaraw at tangkang uutasin ang Guardia Civil. Subali’t sinakyan ko agad sa ibabaw ang nakahandusay, kasabay ang sigaw kong; “Patawarin na ninyo ang buhay nito.”
  • 37. Gayon man, hindi ko namataan na ang isa pa lang Cuadrillero ay nakasalingit at nasaksak ng Guardia Civil sa tapat pa naman ng kanyang puso, at dahil dito’y patangis na nanikluhod sa akin na tutop ang dibdib at nagsabing:
  • 38. “Maginoong Capitan, mamamatay na yata ako! Malaki ang sugat ko sa dibdib.” “Kung di ko nga nasangga ang pagkasaksak sa iyo ay bangkay ka na ngayon sa katigasan ng ulo mo,” – ang sagot ko.
  • 39. Tiningnan ko ang kanyang sugat at natuwa-tuwa siya nang sabihin kong hindi siya mamamatay. Kaya’t ipinatawag ko din noon ang medikilyo ng bayan na si Tandang Julian. Salamat at hindi kami nakautang ng buhay sa ganitong pasinaya sa pagbabangon.
  • 40. Sa ganitong pag-aagawan lamang ng baril ay malaking gulo din sa bayan ang nagyari. Narinig ko ang kalambugan ng pagsasara ng pinto at bintana ng mga bahay na nakapaligid sa Tribunal, kasunod ang pagdalo at pagdaluhong ng mga taong bayan na hindi naman mga Katipunan, ang iba naman ay tumakbo sa bukid, bago masayang nagbalikan at sumang-ayon sa kilusan nang matanto na isang pagbabangon ang nangyari.
  • 41. Pagkatapos ng pagkakagulo naming ay namatyagan ko ang aming Kura na nasa may puno ng torre at pintuan ng patyo, at sinisilip pala kami sa Tribunal, bago biglang-biglang nawala. Samantala’y biglang lumapit sa akin si Consejal Tirona, at hiniling sa akin na pahintulutan ko siyang magsama ng sampung Cuadrillero sa kumbento, upang bihagin ang Kura.
  • 42. Subali’t mabilis na palang nakatakas ang Kura at nakalulan sa isang lunday na patungong Tangway sa mga kalabang Infanteria Marina sa Polvorin, sa Puntod ng Kulanta. Ang aming balak ay hintayin ang kanilang pagpasok sa Binakayan,
  • 43. dahil sa palagay naming na kung kami ay lulusob ay hindi naming magagapi ang kuta na kanilang kinalalagyan sa Polvorin na malapit pa sa kutang Artilleria ng Arsenal sa Cavite.
  • 44. Nang kinahating-gabihan, ay dumating na ang tropang galing Imus, dahil sa nabigo ang kanilang pagsalakay, sa dahilang sa liwasang bayan pa lamang, bago pumasok ng kabayanan ay nakasagupa na nila ang patrulya ng mga Guardia Civil, at doon na sila naglaban sa plasa ng munisipyo at simbahan ng Imus.
  • 45. Ang mga kalaban ay napatayan nila ng dalawa, at dalawang baril ang kanilang naagaw. Samantalang ang ating hukbo ay nakaiwan naman ng isang sugatan sa munisipyo ng Imus, at ito’y si Tiniente Marcelino Cajulis. Sa ganito’y iniuwi ko na ang tropa ng Cavite el Viejo, sa kabayanan at doon na kami natuloy sa kumbento.
  • 46. Hindi na ako dumaan pa sa aming bahay, ni ipinaalam na umuwi kami, upang maiwasan ang lungkot at samaan ng loob. Mula noon, ay pinilit ko nang huwag pakita o umuwi pa sa aming bahay.
  • 47. Ang kaba ng loob ko noon pa na may kasamang guniguni ay ang sumasalagimsim na ang aking buhay ay hanggang tatlong araw na lamang. Pagkaraan ng TATLONG ARAW ay sumaloob ko naman, na tatagal pa ang buhay ko HANGGANG TATLONG LINGGO. At nang hindi pa ako napapatay sa ganitong guniguni, sumaloob naman sa akin na aabutin pa ako ng TATLONG BUWAN. Hanggang nang malaon ay unti- unting nawalay sa aking isip ang gayong guni-guni.
  • 48. 1. If you were Aguinaldo, are you going to revolt against the Spanish government? Explain your answer. 2. As a student, what is the importance of this part of Aguinaldo’s memoirs in your life? ACTIVITY: