Ang United Nations (UN) ay isang pandaigdigang organisasyon na itinatag noong Oktubre 24, 1945, upang mapanatili ang pandaigdig na kapayapaan at seguridad. Ito ay bunga ng iba't ibang kumperensya, tulad ng Moscow, Dumbarton Oaks, at Yalta, na naglatag ng mga prinsipyo para sa pagtutulungan ng mga bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang UN ay binubuo ng 192 miyembro at mayroong iba't ibang sangay, kabilang ang General Assembly, Security Council, at International Court of Justice.