SlideShare a Scribd company logo
Kuwento ni FEMELYN M. CABREROS
Guhit ni FLORANTE G. SALAZAR
SI ISKA AT ANG MGA MAHIWAGANG SAPATOS
Maikling Kuwento sa Filipino at Edukasyon sa Pagpapakatao Para sa Ikalawang Baitang
Mga Kasanayan sa Pagkatuto
F2PN-Ig-8.1 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan batay sa larawan
EsP2PKP-Ic-10 Nakapagpapakita ng kakayahang labanan ang takot kapag may nambubully
F2PP-Ia-c-12 Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid
EsP2P-IId-9 Nakapagpapakita ng iba’t ibang kilos na nagpapakita ng paggalang sa kaklase o kapwa bata
DEVELOPMENT TEAM
Writer: Femelyn M. Cabreros
Illustrator: Florante D. Salazar
Learning Resource Manager: Cheryl R. Ramiro, PhD
Rizalino G. Caronan
Santiago City
Region II
Cabreros, Femelyn M. Si Iska at ang mga Mahiwagang Sapatos. DepEd-BLR, 2019.
Isa lamang ang paa ni Iska nang siya
ay ipanganak. Kakaiba man siya sa
paningin ng iba, biyaya naman siyang
maituturing ng kaniyang ama at ina. Ma-
higit sampung taon din kasi siyang hiniling
sa Diyos ng mga magulang niya.
Pero ‘di kailanman naging madali ang
buhay ni Iska. Habang lumalaki, mas
ramdam niyang siya ay kakaiba dahil
limitado lamang ang kaya niyang gawin.
Maraming bagay ang hindi niya magawa
at ito ay nagpapahina ng kaniyang loob.
Hindi gaya ng ibang mga batang
pitong taong gulang katulad niya, hindi
niya kayang umakyat at maglambitin sa
mga puno ng mangga at santol. Paborito
pa naman niya ang mga ito lalo
na kapag isinawsaw sa asin o suka.
Gusto rin sana niyang maglambitin at
magpalipat-lipat sa mga sanga nito at
mamitas ng paborito niyang mga prutas.
Ngunit hindi niya ito magawa kaya
habang kayakap ni Iska ang kaniyang
saklay, pinanonood na lamang niya sa
isang tabi ang mga batang ginawa nang
basket ng mga napitas ang kamiseta.
Hindi rin niya magawang sumabay sa
ibang mga batang sumasayaw sa saliw
ng mga usong tugtugin kagaya ng mga
napanonood niya. Paano nga ba naman
kasi makasasayaw ang isang pilay na
gaya niya? Kung ang iba’y tutuksuhing
parehas na kaliwa ang paa, isang
kaliwang paa lang naman sa kaniya.
Nais pa naman sana niyang umindak
sa saliw ng iba’t ibang tugtugin habang
tila idinuduyan ang kaniyang katawan sa
hangin. Ngunit gaya ng dati, yayakapin
muli niya ang kaniyang saklay habang
nangangarap na sana’y maging isa siya
sa mga batang ito balang araw.
Hindi rin siya makapaglaro ng habulan
dahil sa kaniyang kondisyon. Dahil dito,
naiinggit siya sa ibang batang tagaktak
lagi ang pawis sa pakikipaghabulan sa
kanilang mga kalaro at nagtatawanan sa
gitna ng matinding sikat ng araw.
Gusto rin sana niyang maglaro ng
habulan kasama ang ibang mga bata.
Siguro, di siya magsasawa sa paghabol
dahil sa nakikita niya pa lang sa mga
mukha nila, parang ang saya-saya nila
kahit kung minsan ay umiiyak ang iba.
Ito ang dahilan kung bakit madalas
siyang maging tampulan ng tukso kaya
lumaki siyang walang kaibigan at kalaro.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, naging
masipag si Iska sa kaniyang pag-aaral.
Katunayan, pangatlo siya sa klase nila.
Isang araw, kumakain siya ng baong
nilagang saging sa ilalim ng punong
mangga. Katatapos lang noon ng klase
nila. Biglang kinuha ni Pilar ang
kaniyang saklay. Ipinasa pa niya ito sa
isa nilang kaklase. Si Pilar ay tatlong
taon na niyang kaklase at tatlong taon
na ring laging tinutukso si Iska.
“Iisa ang paa!” sigaw ni Pilar.
“Ayaw ka namin!” sabi naman ng isa.
“Ibalik niyo sa akin ang saklay ko!”
pagmamakaawa na lang ni Iska habang
pinupunasan niya ang luha gamit ang
kaniyang damit na halos kulay abo na.
Walang ibang nagawa si Iska kundi
umupo sa isang tabi at umiyak. “Bakit ba
kasi ako ipinanganak na iisa ang paa?”
tanong niya sa sarili.
Umuwi siyang umiiyak nang hapong
iyon. Araw-araw na lamang kasi siyang
tinutukso nina Pilar. Ni wala siyang
ginawang masama sa mga ito. ‘Di rin siya
umiimik sa klase maliban na lamang
kapag may itatanong ang guro sa kaniya.
Dumiretso siya sa kwarto. Katulad ng
ginagawa niya tuwing tinutukso ng grupo
ni Pilar, inabala niya na lang ang sarili sa
pagguhit. Gumuhit siya ng iba’t ibang
disenyo ng mga sapatos. May pulang
napalamutian ng laso, may dilaw na
napaligiran ng bulaklak, at mayroon ding
asul na tila may makikinang na bato.
“Siguro, kung kumpleto lang ang paa
ko katulad ng aking mga kamag-aral at
makasuot ng mga sapatos tulad nito,
marami siguro akong kaibigan. Di sana
ako laging tinutukso,” sabi niya sa sarili
habang siya ay malungkot na lumuluha.
Pagpatak ng luha niya sa iginuhit na
sapatos, laking gulat niya nang biglang
nagliparan ang mga papel. Unti-unti ay
nagkaroon ng buhay ang mga sapatos.
Halos himatayin si Iska sa kaniyang
nakita. Ilang beses niyang ipinikit at
binuksan ang kaniyang mga mata dahil
akala niya’y panaginip lang ang lahat.
“Isa, dalawa, tatlo. Isang pula, isang
asul, isang dilaw. Paano ito nangyari?”
tanong ni Iska.
“Binuhay kami ng iyong husay sa
pagguhit. At bilang kapalit, maaari kang
humiling ng kahit ano,” sabi ng sapatos.
‘Di makapaniwala si Iska. Matagal ni-
yang inisip kung ano ang hihilingin.
“Gusto kong umakyat sa mga puno,
maglambitin sa mga ito katulad ng ibang
mga bata,” unang hiling ni Iska.
Inilipad siya ng pulang sapatos sa
taas ng punong mangga. Masaya siya
habang namimitas ng bunga nito. Wala
rin siyang pagsidlan ng tuwa habang
naglalambitin sa mga sanga ng puno.
“Gusto kong sumayaw gaya ng ibang
batang nakikita ko,” muling hiling niya.
Kusang naisuot sa kaniya ang dilaw
na sapatos. Sinabayan niya ang tugtog.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at
ngumiti ang malungkot niyang mga labi.
“Gusto ko ring maglaro ng habulan
gaya ng mga kaklase ko,” sunod na
hiling ni Iska sa mahiwagang sapatos.
Inilabas siya ng asul na sapatos
habang hinahabol ng dalawa pa. Hingal
na hingal si Iska sa labis na kapaguran.
Araw-araw, masaya si iska kasama
ang kaniyang mga mahiwagang sapatos
dahil tinupad ng mga ito ang kaniyang
mga hiling.
“Ano ang iyong pangatlong hiling?”
tanong ng pulang sapatos.
“Gusto ko namang gumanti sa laging
panlalait ni Pilar,” huling hiling niya.
Ang mga sapatos ay nagtinginan sa
huling hiling ni Iska pero agad ding
tumalima. Kaya sinundan nila si Iska sa
pagpasok para matupad ang hiling niya.
Habang nasa daan, nakita nila si
Pilar. Isinisintas nito ang sapatos na
natanggal siguro sa pagkakatali. ‘Di niya
napansin sa kaniyang likuran ang isang
rumaragasang bus na halos ilang dipa
lang ang layo sa kaniyang kinalalagyan.
Sa isang iglap ay nakalimutan niya
ang kaniyang tunay na pakay kay Pilar.
“Tulungan natin siya!” sigaw ni Iska.
Lumipad sa ere ang pulang sapatos
at mabilis na naisuot sa kaliwang paa ni
Iska. Agad siyang kumaripas ng takbo
upang mailigtas ang kaklase.
Labis ang pasasalamat ni Pilar sa
pagligtas sa kaniya ni Iska. Pinagsisihan
din niya ang mga ginawa niyang
panlalait sa kaniya. Nangako rin siyang
hindi na niya uulitin ito.
Mula noon, naging matalik na
magkaibigan na sila. Si Pilar na ang
naging tagapagtanggol ni Iska sa lahat
ng nanlalait sa kaniya.
Napabalita rin sa buong nayon ang
kabayanihan ni Iska na labis na
ikinatuwa ng kaniyang ama at ina.
Tunay ngang biyaya siya ng Diyos
sapagkat sa kabila ng kapansanan ay
labis ang kabutihan ng kaniyang puso.
Sa ngayon, patuloy pa rin siya sa
pagguhit. Ngunit hindi katulad ng dati,
ngayon ay iginuguhit na niya ang
masasayang karanasan sa piling ng
mga magulang, ng matalik na kaibigang
si Pilar, at ng mga mahiwagang sapatos.
W A K A S
TUNGKOL SA MAY-AKDA
Si Femelyn M. Cabreros ay nagtapos sa
Philippine Normal University - Isabela Campus
sa kursong Bachelor in Secondary Education-
Major in Filipino noong Abril 2008. Siya ay isang
guro sa Santiago City National High School at
isa sa mga manunulat ng Drug Education Mod-
ule sa Grade 10 na inilunsad ng LGU Santiago City at Schools Divi-
sion of Santiago City noong 2016.
TUNGKOL SA DIBUHISTA
Si Florante D. Salazar ay nagtapos ng
BSIE-Industrial Arts sa Isabela State University -
Polytechnic College, Ilagan, Isabela. Siya ay
nagtuturo sa San Mariano II Central Integrated
School.
Isa lamang ang paa ni Iska nang
siya ay ipanganak. Ito ang dahilan
kung bakit madalas siyang maging
tampulan ng tukso ng mga kapwa ni-
ya bata.
Ngunit isang pangyayari ang
magpapabago ng tingin ng lahat sa
kaniya. Halina’t tunghayan ang
pakikipagsapalaran ni Iska kasama
ang kaniyang mga mahiwagang sapa-
tos.

More Related Content

What's hot

Mtb mle hiligaynon q3-q4
Mtb mle hiligaynon q3-q4Mtb mle hiligaynon q3-q4
Mtb mle hiligaynon q3-q4
Carlo Precioso
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
EDITHA HONRADEZ
 
ESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docxESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docx
alcel
 

What's hot (20)

Maloutte kwento
Maloutte kwentoMaloutte kwento
Maloutte kwento
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
 
Masusing Banghay sa Filipino 3
Masusing Banghay sa Filipino 3Masusing Banghay sa Filipino 3
Masusing Banghay sa Filipino 3
 
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
si kabayo at si kalabaw-try lang
si kabayo at si kalabaw-try langsi kabayo at si kalabaw-try lang
si kabayo at si kalabaw-try lang
 
Kindergarten Test Paper Monthly Exam
Kindergarten Test Paper Monthly ExamKindergarten Test Paper Monthly Exam
Kindergarten Test Paper Monthly Exam
 
YUNIT III:Health maling paggamit, hatid ay panganib
YUNIT III:Health maling paggamit, hatid ay panganibYUNIT III:Health maling paggamit, hatid ay panganib
YUNIT III:Health maling paggamit, hatid ay panganib
 
Mtb mle hiligaynon q3-q4
Mtb mle hiligaynon q3-q4Mtb mle hiligaynon q3-q4
Mtb mle hiligaynon q3-q4
 
Lesson Plan in Community Places(Public Market) in Kindergarten
Lesson Plan in Community Places(Public Market) in KindergartenLesson Plan in Community Places(Public Market) in Kindergarten
Lesson Plan in Community Places(Public Market) in Kindergarten
 
Q2W1_Filipino.pptx
Q2W1_Filipino.pptxQ2W1_Filipino.pptx
Q2W1_Filipino.pptx
 
PAGGAWA NG SMART ART
PAGGAWA NG SMART ARTPAGGAWA NG SMART ART
PAGGAWA NG SMART ART
 
Quarter 3 F2F Week 8 (1).pptx
Quarter 3 F2F Week 8 (1).pptxQuarter 3 F2F Week 8 (1).pptx
Quarter 3 F2F Week 8 (1).pptx
 
Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
 
Aralin 4
Aralin 4Aralin 4
Aralin 4
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
 
ESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docxESP3 Q2 LAS docs.docx
ESP3 Q2 LAS docs.docx
 
Grade 3 EsP Learners Module
Grade 3 EsP Learners ModuleGrade 3 EsP Learners Module
Grade 3 EsP Learners Module
 
english grade 3 learners manual quarter 2
english grade 3 learners manual quarter 2english grade 3 learners manual quarter 2
english grade 3 learners manual quarter 2
 
MTB MLE Grade 3 Q1.pdf
MTB MLE Grade 3 Q1.pdfMTB MLE Grade 3 Q1.pdf
MTB MLE Grade 3 Q1.pdf
 

Similar to Si Iska at ang mga Mahiwagang Sapatos (7)

Ang Aking Talambuhay
Ang Aking TalambuhayAng Aking Talambuhay
Ang Aking Talambuhay
 
Ang Aking Talambuhay
Ang Aking TalambuhayAng Aking Talambuhay
Ang Aking Talambuhay
 
Ang Aking Talambuhay
Ang Aking TalambuhayAng Aking Talambuhay
Ang Aking Talambuhay
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Akademikong sulatin
Akademikong sulatinAkademikong sulatin
Akademikong sulatin
 
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulatKompilasyon ng mga akademikong pagsulat
Kompilasyon ng mga akademikong pagsulat
 
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalananAlamat ng isla ng pitong makasalanan
Alamat ng isla ng pitong makasalanan
 

Si Iska at ang mga Mahiwagang Sapatos

  • 1. Kuwento ni FEMELYN M. CABREROS Guhit ni FLORANTE G. SALAZAR
  • 2.
  • 3. SI ISKA AT ANG MGA MAHIWAGANG SAPATOS Maikling Kuwento sa Filipino at Edukasyon sa Pagpapakatao Para sa Ikalawang Baitang Mga Kasanayan sa Pagkatuto F2PN-Ig-8.1 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan batay sa larawan EsP2PKP-Ic-10 Nakapagpapakita ng kakayahang labanan ang takot kapag may nambubully F2PP-Ia-c-12 Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid EsP2P-IId-9 Nakapagpapakita ng iba’t ibang kilos na nagpapakita ng paggalang sa kaklase o kapwa bata
  • 4. DEVELOPMENT TEAM Writer: Femelyn M. Cabreros Illustrator: Florante D. Salazar Learning Resource Manager: Cheryl R. Ramiro, PhD Rizalino G. Caronan Santiago City Region II Cabreros, Femelyn M. Si Iska at ang mga Mahiwagang Sapatos. DepEd-BLR, 2019.
  • 5.
  • 6. Isa lamang ang paa ni Iska nang siya ay ipanganak. Kakaiba man siya sa paningin ng iba, biyaya naman siyang maituturing ng kaniyang ama at ina. Ma- higit sampung taon din kasi siyang hiniling sa Diyos ng mga magulang niya.
  • 7. Pero ‘di kailanman naging madali ang buhay ni Iska. Habang lumalaki, mas ramdam niyang siya ay kakaiba dahil limitado lamang ang kaya niyang gawin. Maraming bagay ang hindi niya magawa at ito ay nagpapahina ng kaniyang loob.
  • 8. Hindi gaya ng ibang mga batang pitong taong gulang katulad niya, hindi niya kayang umakyat at maglambitin sa mga puno ng mangga at santol. Paborito pa naman niya ang mga ito lalo na kapag isinawsaw sa asin o suka.
  • 9. Gusto rin sana niyang maglambitin at magpalipat-lipat sa mga sanga nito at mamitas ng paborito niyang mga prutas. Ngunit hindi niya ito magawa kaya habang kayakap ni Iska ang kaniyang saklay, pinanonood na lamang niya sa isang tabi ang mga batang ginawa nang basket ng mga napitas ang kamiseta.
  • 10. Hindi rin niya magawang sumabay sa ibang mga batang sumasayaw sa saliw ng mga usong tugtugin kagaya ng mga napanonood niya. Paano nga ba naman kasi makasasayaw ang isang pilay na gaya niya? Kung ang iba’y tutuksuhing parehas na kaliwa ang paa, isang kaliwang paa lang naman sa kaniya.
  • 11. Nais pa naman sana niyang umindak sa saliw ng iba’t ibang tugtugin habang tila idinuduyan ang kaniyang katawan sa hangin. Ngunit gaya ng dati, yayakapin muli niya ang kaniyang saklay habang nangangarap na sana’y maging isa siya sa mga batang ito balang araw.
  • 12. Hindi rin siya makapaglaro ng habulan dahil sa kaniyang kondisyon. Dahil dito, naiinggit siya sa ibang batang tagaktak lagi ang pawis sa pakikipaghabulan sa kanilang mga kalaro at nagtatawanan sa gitna ng matinding sikat ng araw.
  • 13. Gusto rin sana niyang maglaro ng habulan kasama ang ibang mga bata. Siguro, di siya magsasawa sa paghabol dahil sa nakikita niya pa lang sa mga mukha nila, parang ang saya-saya nila kahit kung minsan ay umiiyak ang iba.
  • 14. Ito ang dahilan kung bakit madalas siyang maging tampulan ng tukso kaya lumaki siyang walang kaibigan at kalaro. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, naging masipag si Iska sa kaniyang pag-aaral. Katunayan, pangatlo siya sa klase nila.
  • 15. Isang araw, kumakain siya ng baong nilagang saging sa ilalim ng punong mangga. Katatapos lang noon ng klase nila. Biglang kinuha ni Pilar ang kaniyang saklay. Ipinasa pa niya ito sa isa nilang kaklase. Si Pilar ay tatlong taon na niyang kaklase at tatlong taon na ring laging tinutukso si Iska.
  • 16. “Iisa ang paa!” sigaw ni Pilar. “Ayaw ka namin!” sabi naman ng isa. “Ibalik niyo sa akin ang saklay ko!” pagmamakaawa na lang ni Iska habang pinupunasan niya ang luha gamit ang kaniyang damit na halos kulay abo na.
  • 17. Walang ibang nagawa si Iska kundi umupo sa isang tabi at umiyak. “Bakit ba kasi ako ipinanganak na iisa ang paa?” tanong niya sa sarili.
  • 18. Umuwi siyang umiiyak nang hapong iyon. Araw-araw na lamang kasi siyang tinutukso nina Pilar. Ni wala siyang ginawang masama sa mga ito. ‘Di rin siya umiimik sa klase maliban na lamang kapag may itatanong ang guro sa kaniya.
  • 19. Dumiretso siya sa kwarto. Katulad ng ginagawa niya tuwing tinutukso ng grupo ni Pilar, inabala niya na lang ang sarili sa pagguhit. Gumuhit siya ng iba’t ibang disenyo ng mga sapatos. May pulang napalamutian ng laso, may dilaw na napaligiran ng bulaklak, at mayroon ding asul na tila may makikinang na bato.
  • 20. “Siguro, kung kumpleto lang ang paa ko katulad ng aking mga kamag-aral at makasuot ng mga sapatos tulad nito, marami siguro akong kaibigan. Di sana ako laging tinutukso,” sabi niya sa sarili habang siya ay malungkot na lumuluha.
  • 21. Pagpatak ng luha niya sa iginuhit na sapatos, laking gulat niya nang biglang nagliparan ang mga papel. Unti-unti ay nagkaroon ng buhay ang mga sapatos. Halos himatayin si Iska sa kaniyang nakita. Ilang beses niyang ipinikit at binuksan ang kaniyang mga mata dahil akala niya’y panaginip lang ang lahat.
  • 22. “Isa, dalawa, tatlo. Isang pula, isang asul, isang dilaw. Paano ito nangyari?” tanong ni Iska. “Binuhay kami ng iyong husay sa pagguhit. At bilang kapalit, maaari kang humiling ng kahit ano,” sabi ng sapatos. ‘Di makapaniwala si Iska. Matagal ni- yang inisip kung ano ang hihilingin.
  • 23. “Gusto kong umakyat sa mga puno, maglambitin sa mga ito katulad ng ibang mga bata,” unang hiling ni Iska. Inilipad siya ng pulang sapatos sa taas ng punong mangga. Masaya siya habang namimitas ng bunga nito. Wala rin siyang pagsidlan ng tuwa habang naglalambitin sa mga sanga ng puno.
  • 24. “Gusto kong sumayaw gaya ng ibang batang nakikita ko,” muling hiling niya. Kusang naisuot sa kaniya ang dilaw na sapatos. Sinabayan niya ang tugtog. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at ngumiti ang malungkot niyang mga labi.
  • 25. “Gusto ko ring maglaro ng habulan gaya ng mga kaklase ko,” sunod na hiling ni Iska sa mahiwagang sapatos. Inilabas siya ng asul na sapatos habang hinahabol ng dalawa pa. Hingal na hingal si Iska sa labis na kapaguran.
  • 26. Araw-araw, masaya si iska kasama ang kaniyang mga mahiwagang sapatos dahil tinupad ng mga ito ang kaniyang mga hiling. “Ano ang iyong pangatlong hiling?” tanong ng pulang sapatos.
  • 27. “Gusto ko namang gumanti sa laging panlalait ni Pilar,” huling hiling niya. Ang mga sapatos ay nagtinginan sa huling hiling ni Iska pero agad ding tumalima. Kaya sinundan nila si Iska sa pagpasok para matupad ang hiling niya.
  • 28. Habang nasa daan, nakita nila si Pilar. Isinisintas nito ang sapatos na natanggal siguro sa pagkakatali. ‘Di niya napansin sa kaniyang likuran ang isang rumaragasang bus na halos ilang dipa lang ang layo sa kaniyang kinalalagyan.
  • 29. Sa isang iglap ay nakalimutan niya ang kaniyang tunay na pakay kay Pilar. “Tulungan natin siya!” sigaw ni Iska. Lumipad sa ere ang pulang sapatos at mabilis na naisuot sa kaliwang paa ni Iska. Agad siyang kumaripas ng takbo upang mailigtas ang kaklase.
  • 30. Labis ang pasasalamat ni Pilar sa pagligtas sa kaniya ni Iska. Pinagsisihan din niya ang mga ginawa niyang panlalait sa kaniya. Nangako rin siyang hindi na niya uulitin ito.
  • 31. Mula noon, naging matalik na magkaibigan na sila. Si Pilar na ang naging tagapagtanggol ni Iska sa lahat ng nanlalait sa kaniya.
  • 32. Napabalita rin sa buong nayon ang kabayanihan ni Iska na labis na ikinatuwa ng kaniyang ama at ina. Tunay ngang biyaya siya ng Diyos sapagkat sa kabila ng kapansanan ay labis ang kabutihan ng kaniyang puso.
  • 33. Sa ngayon, patuloy pa rin siya sa pagguhit. Ngunit hindi katulad ng dati, ngayon ay iginuguhit na niya ang masasayang karanasan sa piling ng mga magulang, ng matalik na kaibigang si Pilar, at ng mga mahiwagang sapatos. W A K A S
  • 34.
  • 35. TUNGKOL SA MAY-AKDA Si Femelyn M. Cabreros ay nagtapos sa Philippine Normal University - Isabela Campus sa kursong Bachelor in Secondary Education- Major in Filipino noong Abril 2008. Siya ay isang guro sa Santiago City National High School at isa sa mga manunulat ng Drug Education Mod- ule sa Grade 10 na inilunsad ng LGU Santiago City at Schools Divi- sion of Santiago City noong 2016. TUNGKOL SA DIBUHISTA Si Florante D. Salazar ay nagtapos ng BSIE-Industrial Arts sa Isabela State University - Polytechnic College, Ilagan, Isabela. Siya ay nagtuturo sa San Mariano II Central Integrated School.
  • 36. Isa lamang ang paa ni Iska nang siya ay ipanganak. Ito ang dahilan kung bakit madalas siyang maging tampulan ng tukso ng mga kapwa ni- ya bata. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago ng tingin ng lahat sa kaniya. Halina’t tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Iska kasama ang kaniyang mga mahiwagang sapa- tos.