Mga Kagamitang Pampagtuturong Ginagamit sa mga Asignaturang FilipinoAJHSSR Journal
ABSTRACT : Teachers have an important role to play in enhancing students' learning, which is important for
their future success. Their ability to teach has a direct impact on the learning and development of their learners,
and they can make learning more engaging by selecting instructional materials that are suitable for the class. In
this paper, the researchers aim to determine what instructional materials are best for college students,
specifically for Filipino-related subjects. The researchers gathered the data in order to determine the level and
factors involved in the use of instructional materials. As a sort of quantitative research, this study documents,
calculates, and analyzes the level of use and other aspects by gathering data using a survey questionnaire. In
connection with this, it was discovered that there is a significant difference in the use of traditional and modern
instructional materials in teaching Filipino subjects. Students often used modern instructional materials because
of the factors that it makes the preparation easier in general. Based on the results, the researchers gave a
conclusion and made recommendations to further develop the study.

Damdamin at saloobin ng mga guro at mag aaral sa filipino 10DepEd
Ang pagtuturo ng Filipino 10 – Panitikang Pandaigdig ay bago sa mga guro sa Filipino. Ang mga damdamin at saloobin ng guro sa pagtuturo nito ay magkakaroon ng implikasyon sa tagumpay ng mag-aaral sa asignatura.
PANANAW AT DANAS NG MGA GURONG FILIPINO: BATAYAN SA PAGBUO NG PLAN OF ACTIONAJHSSR Journal
ABSTRACT: A teacher's response to teaching can be considered a risk to the learning process. Especially
when she teaches the subject matter does not her major. Because the success of learning of the students will
depends on her. The purpose of this study is to illustrate the perspective and experience of non- Filipino major
teacher who teaches Filipino subject even if it is contrary. This study identifies the strength and weakness of
teachers in the elements of teaching. In describing them, it has been determined that there is no significance
between perspective and demographic profile of teachers, except for the element of knowledge in the subject
matter that has a significance. As a result of the study, the strength in teaching of Filipino subject has been
identified, the main element of teaching has been described as the "Experienced" description: classroom
management, while the preparation of the teaching learning materials became the "Less Experienced"
description from the five main elements of teaching. The researcher suggested to implement a plan of action to
indulge awareness skills, and teacher management on a Filipino-language subject, teaching method, strategies,
and class management. Similarly, it wants to fill in the shortage of teachers with knowledge and skills in
preparing teaching learning materials, to solve the learning problems and to promote the fulfillment of the goal
of creating a teacher who is effective and innovative for the 21st century.
KEYWORDS: Perspective, Experience, Plan of Action, Learning Materials, Subject Matter
2010 Secondary Education Curriculum- Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing ikasampung taon.
Ngunit bunga ng mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, naniniwala ang Kawanihan ng Edukasyong Sekondari na dapat nang isaayos ang kasalukuyang kurikulum upang sa gayo’y makaagapay at matugunan nito ang mga pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag – aaral ng kasalukuyang panahon.
MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...AJHSSR Journal
ABSTRACT : This study focuses on Selected Literary Works of Candelaria, Quezon as a Teaching Tool for
Filipino and Vocabulary Improvement, to determine the level of acceptance of the respondents based on
objective, content, meaning and to improve the vocabulary based on, denotation, connotation and imagination.
The researchers used an experimental method, and the respondents were 100 grade 12 students of Drs. Panfilo
Castro National High School. The researchers created learning activity sheets based on the most essential
leaning competencies that were provided to the respondents. After a few weeks of using it the researcher
conducted a posttest, it turned out that the Selected Literary Works helped and improved their vocabulary
Keywords –Selected literature, Vocabulary of words, Filipino, Candelaria Quezon

1. 1
Kilos Pananaliksik sa
“Metakognitibong Istratehiya sa Paglinang ng Kasanayan sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga
Aralin sa Panitikang Pilipino’’
I. Rasyonal/Sanligan ng Pag-aaral
Ayon sa K to 12 Basic Education Curriculum, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang
kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang
pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig. Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang
panturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang
panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.
https://www.academia. edu/40013256/ K_to_12_Gabay_Pangkurikulum_FILIPINO
Batay sa pagsusuri sa resulta ng pagkatuto ng mga estudyante sa Filipino 10 sa gitna ng
pandemya, isa sa mga napansing suliranin ay ang mababang lebel ng komprehensiyon ng mga mag-
aaral pagdating sa mga panitikan na kanilang binabasa na naging dahilan ng kanilang mababang iskor
na nakuha sa mga lagumang pagsusulit sa Unang Markahan. Ang nabanggit na umiiral na sitwasyon
ang nagbunsod sa mananaliksik upang maisagawa ang kasalukuyang pag-aaral at luminang ng
angkop na estratehiya upang magabayan ang mga mag-aaral sa pagbigay ng tamang kasagutan sa
mga modyul na inihanda sa bawat linggo gamit ang metakognitibong pamamaraan.
Ang metakognitibong istratehiya ay isang paraan upang ganap na maunawaan ang tekstong
binasa, ito ay pinatnubayang pamamaraan ng pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at
magampanan ang pamamahala sa pinakamataas na antas ng kaisipan. Ang pagbibigay ng
karagdagang impormasyon at gawain sa mga mag-aaral ay makatutulong nang malaki upang
2. 2
maisaulo, maikintal at magamit ang mga mahahalagang konsepto na may kinalaman sa pag-unawa.
Ang pagbasa ay isa sa pinaka-epektibong paraan tungo sa pagpapaunlad ng metakognitibong kaisipan
ng isang mag-aaral. Ang masusing pagbabasa ay isa sa mga daan tungo sa pagpapayaman ng
metakognitibong kasanayan na makatutulong sa mag-aaral para sa lubusang pag-unawa sa tekstong
binabasa, dahil ayon sa pag-aaral ni Sencibaugh sinabi niyang “Ang mga mag-aaral na may mababang
komprehensiyon ay nagpapakita ng kakulangan sa metakognibong pag-unawa.
https://thesilentlearner2014. /06/filipino-2-ang- proseso-mga-teorya-at.html
Kaya naman, nilalayon ng mananaliksik na magamit ang Metakognitibong Istratehiya para sa
mabisang pagpapaunawa sa mga tekstong pamapnitikan sa Pilipino na binabasa ng mga mag-aaral
sa Baitang 10.
•
II. Mga Katanungan Para sa Kilos Pananaliksik
1. Ano ang antas ng metakognitibong kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral
batay sa resulta ng Paunang Pagsusulit bago ang interbensyon?
2. Ano ang antas ng metakognitibong kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral
batay sa resulta ng Panapos na Pagsusulit pagkatapos ng interbensyon?
III. Panukalanag Pagbabago, Interbensyon at Pamamaraan
Inaasahang malinang sa mga mag-aaral ang metakognitibong pag-unawa sa pagbasa ng mga
aralin sa panitikang Pilipino mga mag-aaral sa Grado 10 sa tulong ng iba’t ibang akda na
nagangailangan ng malalim na pag-unawa at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mga
kaganapan sa daigdig sa gitna ng pandemya na dulot ng Covid 19.
3. 3
Ang paggamit ng Metakognitibong Istratehiya sa pag-unawa ay makatutulong upang masukat
ang antas ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa unang araw ng pananaliksik
ay ilalakip sa modyul ng mga estudyante ang Paunang Pagtataya at ipadadala sa mga magulang. Ang
kanilang mga kasagutan ay lilikumin, iwawasto at bibigyan ng kaukulang puntos at interpretasyon
gamit ang sariling gawang iskala ng mananaliksik.
Batay sa resulta ng Paunang Pagsusulit ay isasagawa na kaagad ang pagtuturo gamit ang
Metakognitibong Estratehiya. Sa tulong ng mga piling akda sa Panitikang Pilipino 10, ang mananaliksik
ay bubuo ng mga katanungan na nakabatay sa mga piling akdang binasa na nangangailangan ng
mataas na antas sa pag-unawa kalakip ang mga konkretong panuto para sa kanilang pagkatuto . Bawat
linggo ay magpapadala ang mananaliksik ng worksheet sa bawat tagatugon upang malaman kung
mayroon bang pagbabago sa kakayahan ng mag-aaral sa pag-unawa sa mga piling akdang binasa
hanggang sa tuluyang tumaas ang antas ng kanilang kasanayan sa metakognitibong pag-unawa. Ito
ay muling susukatin sa pamamagitan ng pagbibigay ng Panapos na Pagsusulit gamit ang sariling
gawang pagsusulit na ginamitan ng mga matataas antas na katanungan batay sa mga piling akdang
pampanitikan na susukat sa kanilang metakognitibong kakayahan sa pag-unawa at upang
maisakatuparan ang layunin ng aralin.
Nais mabatid ng mananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan o istratehiya ay angkop
at epektibo sa kakayahan ng mga mag-aaral upang mapaunlad ang kasanayang metakognitibo sa
pag-unawa sa pagbasa at para maipaabot ang kalidad na edukasyon.
IV. Pamamaraang Gagamitin sa Pananaliksik
a. Respondente ng Pag-aaral
Ang kabuuang respondente na 35 na mga mag-aaral sa pangkat SPA ang magiging
tagatugon sa panukalang pagkilos na pananaliksik na ito sa Grado 10 ngayong Taong
Panuruan:2021-2022 na pipiliin sa pamamagitan ng purposive sampling method.
4. 4
b. Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos
Upang matukoy ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa metakognitibong pag-
unawa sa pagbasa, ang mananaliksik ay gagamit ng pauna at anapos na pagsusulit na
ibabatay sa MELC’s. Sa pag-aaral na ito, ang paunang pagsusulit ay tumutukoy sa marka ng
mga estudyante na hindi ginamitan ng interbensyon para sa unang markahan samantalang
ang panapos na pagsusulit ay masusukat sa pamamagitan ng markang nakuha sa ikalawang
markahan na ginamitan ng Metakognitibong Estratehiya. Sa pagkuha ng mga datos, ito ay
gagawin sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga magulang ng researcher made test o
palatanungan upang masagot ng mga mag-aaral at maibalik kapag tapos nang masagutan
para sa pagbibigay ng kaukulang puntos at interpretasyon gamit ang sariling gawang iskala ng
mananaliksik.
Mean
Iskor Berbal na Interpretasyon
21.00 - 30.00 Mataas
11.00 – 20.00 Katamtaman
0.00 – 10.00 Mababa
• c. Isyung Etikal
Ang mananaliksik ay hihingi muna ng pagsang-ayon at suhestiyon sa Punongguro
at Pansangay na Tanggapan sa Panukalang Kilos Pananaliksik. Ipapaalam din sa mga
magulang sa pamamagitan ng oryentasyon o pagpupulong na isinaalang-alang ang mga
payo at paghihigpit laban sa Covid 19 at maglalagda ng kasunduan na maging kalahok
ang kanilang anak sa nasabing pag-aaral at ipaunawa na ito ay hindi makaaapekto sa
kanilang marka bagkus ito ay magdudulot ng malaking kaginhawaan sa kanila.
d. Plano sa Pag-aanalisa ng Datos
Ang sariling gawa na pagsusulit ay dadaan sa maraming proseso. Una
ipapabaledeyt ng mananaliksik sa kanyang kapwa Master Teacher na nagtuturo sa
Filipino/English at iba pang eksperto sa nasabing larangan nang sa gayon ay maituwid
ang kamalian.
5. 5
Pangalawa, ipapakita sa iba pang gurona nagtuturo sa Filipino upang matiyak
ang kaangkupan nito sa lebel ng mga mag-aaral sa Grade 10. Ang mga datos ay
aanalisahin sa pamamagitan ng descriptive design at gagamit ng descriptive statistics
gamit ang mean, averages, at percentages.
V. Plano at Panahon sa Pagsagawa ng Kilos Pananaliksik
Estratehiya
Una
hanggang
Ikalawang
Linggo ng
Nobyembre
2021
Ikatlo
hanggang
Ika-apat na
Linggo ng
Nobyembre
2021
Una
hanggang
Ika-apat na
Linggo ng
Disyembre
2021
Una
hanggang
Ika-apat na
Linggo ng
Enero
2022
Una
hanggang
Ika-apat na
Linggo ng
Pebrero
2022
Pagkilala sa suliranin at
tagatugon sa Panukalang
Kilos Pananaliksik
Paghingi ng pagsang-ayon at
suhestiyon ng Pansangay na
Tanggapan sa Panukalang
Kilos Pananaliksik
Pagpapalakas ng pagsangkot
sa mga magulang sa
pamamagitan ng oryentasyon
Pagpapadala sa mga
magulang ng researcher made
test/paunang pagsusulit upang
matugunan ng mga
respondente
6. 6
Pagbuo at pagpapabaledeyt
ng mga panlunas na gawain
(intervention worksheets)
Pagpapadala ng iba’t ibang
mga pagsasanay na mga
panlunas na gawain na
nakabatay sa metakognitibong
estratehiya
Pagpapadala ng pananapos na
pagsusulit upang matugunan
ng mga respondente, pagkalap
at pag-analisa ng kinalabasan
Pangangalap ng datos, pag-
analisa at pagbuo ng
interpretasyon, mga hinuha at
rekomendasyon
• VI. Planong Pagbabahagi at Paggamit
Ang mananaliksik ay magbabahagi ng kopya ng kilos pananaliksik sa Pansangay na
Tanggapan ng Capiz at sa tagapamahala ng paaralan para maipagpatuloy ang programa upang
patuloy na malinang ang kahusayan ng mga mag-aaral at mapataas ang antas ng kasanayan sa
metakognitibong pag-unawa sa panitikan. . Ang resulta ng pag-aaral ay ipapaalam din sa mga
guro sa paaralan sa pamamagitan ng Learning Action Cell (LAC) Sessions, mga pagpupulong, In-
Service Trainings (INSET) at School Colloquim.
•
VII. Sanggunian
https://www.academia.edu/40013256/K_to_12_Gabay_Pangkurikulum_FILIPINO
https://thesilentlearner2014. /06/filipino-2-ang- proseso-mga-teorya-at.html