1. Ikaw gusto mo ba ng isang pamilya?
Iyan ang tanong ko sa bawat tao
Isang buo’t masayang pamilya
At pamilyang di mabubuwag ng ano mang pagsubok
Ikaw gusto mo bang ganitong pamilya
Isang pamilyang sama-sama
Na hindi mabubuwag ng kahit ano mang pagsubok
Alam kong alam mo ang kasagutan sa tanong kong ito
Ito ang ninanais ng bawat tao sa mundo
Pamilyang may ina’t ama
May ate’t kuya at bunso
Ito ang ninanais kong pamilya sa buhay ko