Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Kabihasnang Sumer, ang pinakamatandang kabihasnan sa daigdig. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Kabihasnang Sumer.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Kabihasnang Sumer, ang pinakamatandang kabihasnan sa daigdig. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang sistema ng Kabihasnang Sumer.
Ang presentasyong ito ay para sa karagdang panturo patungkol sa mga Kabihasnang umusbong sa iba't ibang panig ng daigdig. Ito ay ang Kontinente ng Asya, Africa at America.
Ang presentasyong ito ay para sa karagdang panturo patungkol sa mga Kabihasnang umusbong sa iba't ibang panig ng daigdig. Ito ay ang Kontinente ng Asya, Africa at America.
2. 1. Mesopotamia-ang lambak-ilog ng Tigris at
Euphrates. Mula sa wikang Greek na
nangangahulugang lupain sa pagitan ng
dalawang ilog.
2. Ziggurat-ang pinakamalaking gusali sa
Sumer; ang dambana para sa diyos o diyosa
ng lungsod.
3. Fertile Crescent-ang arko ng matabang
lupa sa kanlurang Asya mula sa Persian gulf
hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean
Sea.
4. Kabihasnan-mula sa salitang ugat na
bihasa-ibig sabihin eksperto o magaling.Ang
pamumuhay na nakagawian at pinipino ng
maraming pangkat ng tao.
3. 5. Sibilisasyon-mula sa salitang latin na
civitas na ang ibig sabihin ay lungsod.
Masalimuot na pamumuhay sa lungsod.
6. Sumer- ang itinuturing na pinakamatanda
at pinakaunang kabihasnan sa buong
daigdig.
7.paring-hari-ang may hawak ng
kapangyarihang ispiritwal at pampulitikal-
militar.Tagapamagitan sa diyos at
mamamayan at tagapagpatupad ng batas
upang manatili ang kapayapaan at kaayusan
sa lipunan.
8. Cuneiform-ang sistema ng pagsulat ng
kabihasnang Sumer.
4. 9. Indus-dito sumibol ang kabihasnan ng Timog
Asya
10. Citadel-mataas na moog; dito matatagpuan
ang malalaking imbakan ng butil, malaking
bulwagan at pampublikong paliguan.
11. pictogram-ang sistema ng pagsulat ng
kabihasnang Indus.
12. Yangshao-lumitaw at namayagpag noong
3000 BCE-1500 BCE; pagtatanim ang
pangunahing gawain; hindi ganap na sedentaryo.
5. 13. Lungshan-ang pangalawang kalinangang
neolitiko sa Huang Ho bago ang kabihasnang
Shang. Bandang 2500 BCE-2000BCE lumitaw
ito. Mas permanente na pamayanang
Lungshan.
14. Shang-Ang kabihasnang sumibol sa
Silangang Asya.
15. Oracle bones-ginamit sa mga ritwal;
butong orakulo o pang-orakulo o
panghuhula.
6. 16. Chariot-ang sasakyang hinihila ng kabayo na
ginagamit sa labanan; may dalawa po apat ang
gulong nito.
17. Calligraphy-ang sistema ng pagsulat sa
kabihasnang Shang; gumagamit ng mga karakter
na sumisimbolo sa bagay, ideya o tunog na
maaaring isulat na patayo.
18. kaolin-pinung-pinong luwad na kulay puti.
19. Scribe-Tagasulat o tagatala
20. Obsidian-isang volcanic glass na maaaring
gamiting salamin, kutsilyo at iba pang
kagamitang matalas.