Aralin 1
Katangian at Kalikasan ng
Teksto
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang naibabahagi ang katangian at kalikasan ng
iba’t ibang tekstong binasa na may tuon sa:
● katangian ng tekstong argumentatibo; at
● mga bahagi ng tekstong argumentatibo.
Mahahalagang Tanong
Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong:
● Bakit kailangang maayos na makapaglahad ng ating
katwiran?
● Paano natin mailalahad nang maayos ang ating
katwiran?
● Ano ang mga dapat nating tandaan upang maging
mabisa, matibay at makatarungan ang ating katwiran?
Asignaturang Filipino: Dapat na nga bang Alisin sa
Kolehiyo?
Isinulat ni: Asher Jap
Usap-usapan. Hindi maalis sa bibig ng karamihan. Itong
asignaturang Filipino, aalisin na raw sa kolehiyo. Kani-kaniyang
pagtatanggol at suhestyon. Iba’t ibang paniniwala’t opinyon. Ilang
taon ng isyu sa bansang perlas ng silangan. Tama nga kayang alisin
ang Filipino sa kolehiyo o dapat nga bang ipagpatuloy pa ang
pagtuturo nito?
Naging maingay ang dating tahimik na daloy ng tubig mula ng inilabas ng
Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ang kautusan bilang 20, taong
2013. Alinsunod dito, aalisin na ang Filipino bilang asignatura sa
Pangkalahatang Kurikulum sa Edukasyon sa Kolehiyo na agad tinutulan ng
mga guro, estudyante, at mga organisasyon.
“Bata pa ang wikang pambansa at hindi pa ito ganap na intelektuwalisado o
nagagamit sa iba’t ibang larangan,” ayon kay G. David San Juan, propesor sa
Filipino sa DLSU. Sa ibang salita, paano magiging intelektuwalisado ang
wikang Filipino kung hindi ito pag-aaralan sa mataas na paaralan?
Nakasaad pa sa ating konstitusyon na dapat pagyamanin at palaganapin
ang Filipino bilang wikang pambansa.
Ang pag-alis ng Filipino sa kolehiyo ay mas magdudulot pa ng kolonyal na
kaisipan. Maging ang karamihan sa mga asignatura mula elementarya at
sekondarya ay nakasulat sa wikang Ingles gayong maaari naman itong isalin
sa Filipino katulad ng Home Economics, Music, Philippine Politics and
Governance, Understanding Culture, Society and Politics at iba pa. Dagdag pa
rito, hindi pa bihasa ang karamihan sa mga estudyante sa paggamit ng
Filipino katulad ng paggamit ng panlapi, tamang bantas, pagkakaiba ng ‘ng’ at
‘nang’ at iba pa. Ang mga isyu sa bansa, kultura at pulitika ay mas mainam
din na Filipino ang gamiting wikang panturo upang mas maging makabayan
ang sistema ng edukasyon. "Upang maging ganap ang intelektuwalisasyon
nito, nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito sa
lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo," ani San Juan.
Ayon naman kay Atty. Julito Vitriolo, punong tagapamahala ng Komisyon sa
Mas Mataas na Edukasyon, "Yung pag-aaral ng Filipino, nandoon na sa senior
high school, kasi kung titingnan natin, kalahati ng general education,
dinownload sa K to 12." Kaya raw inalis na sa kolehiyo ang asignaturang
Filipino ay dahil inilapat ito sa ika-11 at ika-12 baitang sa senior high school.
Sa usaping pagmamahal sa wika, "Dapat ang importante diyan, maging
bihasa ka, mahalin mo, itaguyod at tangkilikin mo. Iyong pag-aaral kasi at
pagtataguyod, nasa kahit anong level kasi," paliwanag niya. Dagdag pa rito,
gusto raw ng komisyon na pagtuonang-pansin ang mga pangunahing
asignatura ng kurso sa kolehiyo upang mas malinang ang mga estudyante sa
tatahakin nitong karera.
Nangunguna ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o
Tanggol Wika sa mga tumututol sa kautusang ito kaya naghain sila ng
petisyon sa Korte Suprema upang ito’y rebisahin. Dininig naman nila ang
petisyong ito sa pamamagitan ng paglabas ng pansamantalang pagpigil
(temporary restraining order) sa kautusan ng komisyon. Hanggang ngayon,
hindi pa tapos ang pagtatalakay dito ng mga mahistrado kaya umaasa ang
mga makabayang Pilipino na panigan ng Korte Suprema ang inihaing
petisyon ng Tanggol Wika.
Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay nakadadagdag ng pagkamakabayan ng
bawat isa. Habang patuloy itong inaalam at sinasaliksik, lumalawak ang
kaalaman ng bawat mamamayan patungkol dito na isa sa magiging dahilan
upang maging intelektuwalisado na ang pambansang wika. Ngunit paano ito
mangyayari kung aalisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?
"Laging nakayuko ang ating mga ulo dahil pinatanggap sa atin na mas
mababang klase ang mga Filipino. Kailangang kilalanin na ang malaking
dahilan kung bakit may [ganitong] problema, ay ang ating kolonyal na
pinanggalingan,” ani pambansang artist para sa literatura, Bienvenido
Lumbera.
Ikaw, pabor ka ba sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil sapat
na raw ang pag-aaral nito hanggang ika-12 baitang? O naniniwala ka na
dapat ipagpatuloy ang pag-aaral sa wika upang mas maging
intelektuwalisado ito?
Asher Jap. Asignaturang Filipino: Dapat na nga bang Alisin sa Kolehiyo?
Launchora. Nakuha mula sa
https://www.launchora.com/story/asignaturang-filipino-dapat-na-nga-bang-
alisin-sa
“Ang marunong na tao ay
matamang pinakikinggan ang
argumento, nag-iisip, at
nagsasalita kung kinakailangan
lamang.”
Pagpapahalaga
Paano nagiging mabisa, matibay, at
makatarungan ang isang argumento?
Inaasahang Pag-unawa
● Ang maayos na paglalahad ng katwiran o argumento ay
nagbibigay daan sa paglilinaw sa isyu.
● Ang ilan sa paraan na maaaring gawin sa paglalahad ng
katwiran ay kailangang lohikal, walang pagkiling
bagaman may sariling pinaniniwalaan, may datos na
magpapatibay sa mga katwirang inilalahad.
● Nagiging matibay, mabisa, at makatarungan ang
paglalahad ng katwiran o argumento kung inilalakip ng
sumulat ang mga ginamit na batayan o reperensiya.
Paglalagom
Ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ito ng
mga paliwanag o argumento sa lohikal na paraan.
Layunin ng tekstong argumentatibo na hikayatin
ang mambabasa na sumang-ayon sa kaniyang
pananaw o opinyon.
1
2
Paglalagom
Ang tekstong argumentatibo ay nakatutulong para
mahasa ang kritikal na pag-iisip ng manunulat at
mga mambabasa.
3
Kasunduan
Gawin ang sumusunod:
● Humanap ng isang tekstong argumentatibo na
tumatalakay sa napapanahong paksa.
● Suriin ito ayon sa mga katangian ng tekstong
argumentatibo.
● I-type ito sa short bond paper.
● Ipasa sa susunod na pagkikita.

KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO FPL.pptx

  • 1.
    Aralin 1 Katangian atKalikasan ng Teksto
  • 2.
    Layunin Pagkatapos ng aralingito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa na may tuon sa: ● katangian ng tekstong argumentatibo; at ● mga bahagi ng tekstong argumentatibo.
  • 5.
    Mahahalagang Tanong Sa aralingito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong: ● Bakit kailangang maayos na makapaglahad ng ating katwiran? ● Paano natin mailalahad nang maayos ang ating katwiran? ● Ano ang mga dapat nating tandaan upang maging mabisa, matibay at makatarungan ang ating katwiran?
  • 6.
    Asignaturang Filipino: Dapatna nga bang Alisin sa Kolehiyo? Isinulat ni: Asher Jap Usap-usapan. Hindi maalis sa bibig ng karamihan. Itong asignaturang Filipino, aalisin na raw sa kolehiyo. Kani-kaniyang pagtatanggol at suhestyon. Iba’t ibang paniniwala’t opinyon. Ilang taon ng isyu sa bansang perlas ng silangan. Tama nga kayang alisin ang Filipino sa kolehiyo o dapat nga bang ipagpatuloy pa ang pagtuturo nito?
  • 7.
    Naging maingay angdating tahimik na daloy ng tubig mula ng inilabas ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ang kautusan bilang 20, taong 2013. Alinsunod dito, aalisin na ang Filipino bilang asignatura sa Pangkalahatang Kurikulum sa Edukasyon sa Kolehiyo na agad tinutulan ng mga guro, estudyante, at mga organisasyon. “Bata pa ang wikang pambansa at hindi pa ito ganap na intelektuwalisado o nagagamit sa iba’t ibang larangan,” ayon kay G. David San Juan, propesor sa Filipino sa DLSU. Sa ibang salita, paano magiging intelektuwalisado ang wikang Filipino kung hindi ito pag-aaralan sa mataas na paaralan? Nakasaad pa sa ating konstitusyon na dapat pagyamanin at palaganapin ang Filipino bilang wikang pambansa.
  • 8.
    Ang pag-alis ngFilipino sa kolehiyo ay mas magdudulot pa ng kolonyal na kaisipan. Maging ang karamihan sa mga asignatura mula elementarya at sekondarya ay nakasulat sa wikang Ingles gayong maaari naman itong isalin sa Filipino katulad ng Home Economics, Music, Philippine Politics and Governance, Understanding Culture, Society and Politics at iba pa. Dagdag pa rito, hindi pa bihasa ang karamihan sa mga estudyante sa paggamit ng Filipino katulad ng paggamit ng panlapi, tamang bantas, pagkakaiba ng ‘ng’ at ‘nang’ at iba pa. Ang mga isyu sa bansa, kultura at pulitika ay mas mainam din na Filipino ang gamiting wikang panturo upang mas maging makabayan ang sistema ng edukasyon. "Upang maging ganap ang intelektuwalisasyon nito, nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito sa lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo," ani San Juan.
  • 9.
    Ayon naman kayAtty. Julito Vitriolo, punong tagapamahala ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon, "Yung pag-aaral ng Filipino, nandoon na sa senior high school, kasi kung titingnan natin, kalahati ng general education, dinownload sa K to 12." Kaya raw inalis na sa kolehiyo ang asignaturang Filipino ay dahil inilapat ito sa ika-11 at ika-12 baitang sa senior high school. Sa usaping pagmamahal sa wika, "Dapat ang importante diyan, maging bihasa ka, mahalin mo, itaguyod at tangkilikin mo. Iyong pag-aaral kasi at pagtataguyod, nasa kahit anong level kasi," paliwanag niya. Dagdag pa rito, gusto raw ng komisyon na pagtuonang-pansin ang mga pangunahing asignatura ng kurso sa kolehiyo upang mas malinang ang mga estudyante sa tatahakin nitong karera.
  • 10.
    Nangunguna ang Alyansang mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika sa mga tumututol sa kautusang ito kaya naghain sila ng petisyon sa Korte Suprema upang ito’y rebisahin. Dininig naman nila ang petisyong ito sa pamamagitan ng paglabas ng pansamantalang pagpigil (temporary restraining order) sa kautusan ng komisyon. Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang pagtatalakay dito ng mga mahistrado kaya umaasa ang mga makabayang Pilipino na panigan ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng Tanggol Wika.
  • 11.
    Ang pag-aaral ngwikang Filipino ay nakadadagdag ng pagkamakabayan ng bawat isa. Habang patuloy itong inaalam at sinasaliksik, lumalawak ang kaalaman ng bawat mamamayan patungkol dito na isa sa magiging dahilan upang maging intelektuwalisado na ang pambansang wika. Ngunit paano ito mangyayari kung aalisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo? "Laging nakayuko ang ating mga ulo dahil pinatanggap sa atin na mas mababang klase ang mga Filipino. Kailangang kilalanin na ang malaking dahilan kung bakit may [ganitong] problema, ay ang ating kolonyal na pinanggalingan,” ani pambansang artist para sa literatura, Bienvenido Lumbera.
  • 12.
    Ikaw, pabor kaba sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil sapat na raw ang pag-aaral nito hanggang ika-12 baitang? O naniniwala ka na dapat ipagpatuloy ang pag-aaral sa wika upang mas maging intelektuwalisado ito? Asher Jap. Asignaturang Filipino: Dapat na nga bang Alisin sa Kolehiyo? Launchora. Nakuha mula sa https://www.launchora.com/story/asignaturang-filipino-dapat-na-nga-bang- alisin-sa
  • 19.
    “Ang marunong natao ay matamang pinakikinggan ang argumento, nag-iisip, at nagsasalita kung kinakailangan lamang.”
  • 20.
    Pagpapahalaga Paano nagiging mabisa,matibay, at makatarungan ang isang argumento?
  • 21.
    Inaasahang Pag-unawa ● Angmaayos na paglalahad ng katwiran o argumento ay nagbibigay daan sa paglilinaw sa isyu. ● Ang ilan sa paraan na maaaring gawin sa paglalahad ng katwiran ay kailangang lohikal, walang pagkiling bagaman may sariling pinaniniwalaan, may datos na magpapatibay sa mga katwirang inilalahad. ● Nagiging matibay, mabisa, at makatarungan ang paglalahad ng katwiran o argumento kung inilalakip ng sumulat ang mga ginamit na batayan o reperensiya.
  • 22.
    Paglalagom Ang tekstong argumentatiboay naglalahad ito ng mga paliwanag o argumento sa lohikal na paraan. Layunin ng tekstong argumentatibo na hikayatin ang mambabasa na sumang-ayon sa kaniyang pananaw o opinyon. 1 2
  • 23.
    Paglalagom Ang tekstong argumentatiboay nakatutulong para mahasa ang kritikal na pag-iisip ng manunulat at mga mambabasa. 3
  • 24.
    Kasunduan Gawin ang sumusunod: ●Humanap ng isang tekstong argumentatibo na tumatalakay sa napapanahong paksa. ● Suriin ito ayon sa mga katangian ng tekstong argumentatibo. ● I-type ito sa short bond paper. ● Ipasa sa susunod na pagkikita.