SlideShare a Scribd company logo
2 3www.westmincom.com /afpwestmincom
EDITORIAL BOARD
Chairman
Lieutenant General Arnel B Dela Vega AFP
Vice-Chairmen
Brigadier General Cirilo Thomas P Donato Jr AFP
Brigadier General Divino Rey C Pabayo Jr AFP
Members
Colonel Nolasco B Cawaling (GSC) PAF
Lieutenant Colonel Roderick A Balbanero (GSC) PA
Lieutenant Colonel Ismael P Mandanas Jr (GSC)PA
Lieutenant Commander Ariel B Tero PN
Colonel Clarence V Abellera (MNSA) PAF
Lieutenant Colonel Antonio A Mandawe PAF
Lieutenant Colonel Gerry M Besana Infantry (GSC) PA
Lieutenant Colonel Miguel E Ceballos (GSC) PA
EDITORIAL STAFF
Editor-in-Chief
Lieutenant Colonel Gerry M Besana Infantry (GSC) PA
Staff Writers
Miss Donita Lou A Bemida CE
Miss Jennie A Dacuba CE
Photographers
Technical Sergeant Marty Gee D Vicente PAF
Staff Sergeant Ruel A Casanes PA
Sergeant Rowell C Galvez PAF
Circulating Staff
Technical Sergeant Elvin S Marquez PAF
Technical Sergeant Luis E Devila PN(M)
Sergeant Jayve O Paragas PAF
Corporal Edward Ryan C Icawalo PAF
Venus C Hamoy
Laizel Ann S Tahil
Design Consultant
Colonel Jose Victor L Vargas Junior (GSC) PAF
4th Civil Relations Group, CRSAFP
Senior Design Staff
Captain Kasim U Gayak (Infantry) PA
Design and Lay-out Artist
Ian Irving Bacungan
Editorial Consultant
Colonel Leonardo I Pena (MNSA) PA
Ang Pagmulat mula sa 50 Taong
Kasinungalingan at Panlilinlang ng
CPP-NPA-NDF
Mula nang naitatag ang teroristang
grupo ng New People’s Army (NPA)
noong 1968, napakarami nang mga
inosenteng kababayan natin, lalo na sa
mga kabatan, ang nalinlang ng kanilang
mga huwad na pangako. Sa ating
edisyon ng Kapayapaan Magazine,
matutunghayan natin ang ibat-ibang
istorya ng kanilang mga naging biktima.
Kadalasan, mayroong mga
pinangakuan ng suportang pinansyal,
pangkabuhayan, pagmamay-ari ng
sariling lupa at iba pang mga benepisyo
kapalitngpag-aaklaslabansagobyerno.
Ayon sa mga lider ng mga kapatid
nating Lumad, karaniwang ginagamit
ng mga teroristang NPAang mga isyu sa
lipunan upang himukin ang karamihan
sa kanilang mga katribo, pati na ang
mga kabataan na sumali sa kanilang
grupo. Dagdag pa dito, ginamitan din
ng dahas ang mga nagmamatigas
na mamamayan upang sapilitang
isailalim sa pagsasanay bilang
paghahanda sa kanilang pakikibaka.
Maliban sa mga direktang paninira
at desimuladong pagnanakaw
sa kaban ng gobyerno, may
mga insidente rin diumano ng
pagsasamantala ang mga lider ng
teroristang grupo sa mga katutubong
kababaihan na kanilang narekrut.
Sa artikulong nailathala sa isang
pahayagan, sinabi ni Bae Matumpis,
isang lider ng kabataan mula sa
mga katutubo, na ang mga kabataan
sa kanilang tribo ay hinihikayat na
pumasok sa Pambansang
Demokrasyang Paaralan kapalit ng
libreng pagkain, tirahan, at edukasyon.
Subalit, sa halip na aklat ang kanilang
hawak, ang mga batang ito ay
tinuturuan ng paggamit ng armas
at sinasanay sa pakikipagdigma.
Sa pag-upo ni Pangulong Rodrigo
Roa Duterte, pinalawig ng gobyerno
ang kampanya kontra terorismo
sa pamamagitan ng pagtugis sa
mga nalalabing mga terorista. Sa
kabila nito, pinaigting din at mas
binigyang pansin ang paghimok sa
kanilang mga naloko at nabiktima
upang makapagbagong-buhay.
Sa panig ng Western Mindanao
Command, patuloy ang ginagawang
pakikipag-ugnayan sa mga lokal
na opisyales at mga mamamayan
na maging aktibo sa programang
pangkapayapaan upang matugunan
ang mga suliraning panlipunan at
matulungan ang mga nagnanais
magbalik-loob at magbagong-buhay.
Sa pagkakatatag ng Task Force Balik-
Loob at sa mas pinaigting na opensiba
4 5www.westmincom.com /afpwestmincom
ng militar, nakapagtala ang Western Mindanao
Command ng 279 myembro ng teroristang
NPA na na-neutralize: 2 dito ang napatay sa
engkwentro, 7 ang nahuli, at 270 ang sumuko
sa mga tropa ng Joint Task Force Central
at ZamPeLan mula lamang noong Enero
hanggang Disyembre sa taong kasalukuyan.
Ang lahat ng mga dating rebeldeng
NPA na kwalipikado ay ipinatala sa
Enhanced Comprehensive Local
Integration Program (E-CLIP).
Marami na ang namulat sa mga
kasinungalingan ng teroristang NPA na ang
tanging hangarin lamang ay magpalaganap
ng kaguluhan sa Mindanao at unahin
ang pansariling interes ng mga lider.
Ang Western Mindanao Command ay
naniniwala na hindi digmaan ang solusyon
sa pagsugpo sa terorismo kundi ang
pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t
ibang sangay ng gobyerno at ng mga
mamamayan upang makamtan ang inaasam
na kapayapaan sa mahinahong paraan.
Asahan ninyo na patuloy na susuportahan
ng Team WestMinCom ang mga programang
pangkapayapaan ng pamahalaan, kasama
na ang pagtataguyod sa matagumpay na
pagdaraos ng nalalapit na plebesito para sa
ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law
para sa kapakanan ng ating mga kapatid na
Muslim at sa mga taga-Mindanao na lubos na
naghahangad ng katahimikan at kaunlaran.
LTC GERRY M BESANA (GSC) PA
AssistantChiefofUnifiedCommandStaffforCMO,U7
WesternMindanaoCommand,AFP
6 7www.westmincom.com /afpwestmincom
COMMANDER
WESTERN MINDANAO COMMAND
Armed Forces of the Philippines
Mula sa mga taong bumubuo ng Western Mindanao Command, taos puso kong binabati at
pinapasalamatan ang mga mamamayan sa patuloy na pagsuporta sa kasundaluhan at
sa ating mga progama upang makamtan ang kapayapaan at kaunlaran dito sa Mindanao.
Lubos po kaming nasisiyahan na kayo ay naging katuwang namin sa lahat ng aming mga
napagtagumpayan. Ang lahat po ng aming nakamtan ay pagpapatunay na ang kapayapaan ay
pangkalahatan. Lahat po ay maaari nating makamit kung tayo po ay magtutulungan, hindi lamang
para sa ating personal na interest, kundi para rin sa kinabukasan ng ating mga anak at ng mga
susunodnahenerasyon.Angpakikiisangmilitar,pulis,mgalokalnaopisyal,atngmamamayanang
naging susi upang mapagtagumpayan natin ang ating kampanya laban sa mga teroristang grupo.
Ngayon ay inaani na po natin ang mga bunga ng ating pagtitiyaga at pagsasakripisyo
sapagkat nakikita na natin na marami nang mga kasapi ng Communist Party of the
Philippines-New People’s Army-National Democratic Front, Abu Sayyaf Group, Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters, at Maute/Dawlah Islamiyah ang nagbalik-loob sa gobyerno.
Gayonpaman, hindi nagtatapos dito ang ating mga responsibilidad. Sa bahagi ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas, kami po ay nakatuon sa aming mandato na
tugisin ang mga natitirang miyembro ng mga teroristang grupo sa Mindanao
sa pamamagitan ng aming mga opensiba at sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa lokal
na pamahalaan, mga pribado at pampublikong sektor, at iba pang mga organisasyon.
Dagdag pa dito, kami ay patuloy na nananawagan sa mga natitirang kasapi ng mga
teroristang grupo na sila ay magbalik-loob na sa gobyerno, hindi lamang para sa kanilang
sarili kundi para na rin sa kanilang mga anak, pamilya, at sa mga taga-Mindanao na
walang ibang hangad kundi ang matiwasay, mapayapa, at tahimik na pamumuhay.
Ang taong 2018 ay isang matagumpay at masaganang taon para sa Western
Mindanao Command at sa lahat ng mamamayan ng nasasakupan nito at ito ay
ipinagpapasalamat natin sa Poong Maykapal. Ngayong kapaskuhan at Bagong Taon,
nawa’y patuloy tayong pagpalain at proteksyunan ng Diyos sa lahat ng ating mga
misyon. Nawa’y patuloy niya ring gabayan ang mga naliligaw patungo sa tamang landas.
Maligayang Pasko at isang Masaganang Bagong Taon sa ating lahat!
				
							A R N E L B D E L A V E G A
							 Lieutenant General AFP
8 9www.westmincom.com /afpwestmincom
Inilabas ng Department of National Defense
(DND) ang Implementing Rules and Regulations
o IRR para sa Task Force “Balik-Loob”
(TFBL), ang pamunuang naatasan upang
icentralize ang lahat ng inisyatiba ng ibat-ibang
tanggapan ng gobyerno para sa reintegration
ng mga dating rebeldeng kumunista.
Ang IRR na nakapaloob sa pitong pahinang
dokumento,naisinapublikonoongMayo29,2018,
ay nilagdaan ni DND Secretary Delfin Lorenzana,
DILG Secretary (dating Undersecretary) Eduardo
Año, Housing General Manager Marcelino
Escalada Jr., dating Presidential Peace
Adviser Jesus Dureza, at ni Undersecretary
of the Office of the President Nelson Estares.
Ang kautusan at regulasyon na nakapaloob sa
dukumentong ito ay naging epektibo makalipas
ang labing-limang araw matapos ang nasabing
pagsasapubliko sa dalawang pahayagan na
may malawak na sirkulasyon at matapos itong
mairehistro sa Office of National Administrative
Register (ONAR), UP Law Center, Quezon City.
Ang IRR ay alinsunod sa Administrative
Order (AO) No. 10 na nilagdaan ni Pangulong
Rodrigo R. Duterte noong April 3, 2018 kung
saan ay binubuo din and TFBL bilang sentro
ng ugnayan, tagapaglunsad at magmamasid
sa lahat ng hakbangin para sa reintegrasyon.
Ang IRR ng TFBL and siyang magbibigay
ng balangkas upang ipursige ang isang
pambansang programa na komprehensibo,
pinagsamasama, at nakabase sa tunay na
pangangailangan ng mga kumunidad na dapat
ay maisakatuparan sa mga pamayanan upang
matugunan ang estadong legal at pansiguridad
ng mga dating rebelde, kasama na rin ang
kanilang pangangailangang pang ekonomiya,
rehabilitasyong pangsikolohikal, at matugunan
ang mga pangunahing pangangailangan at
para sa pangmatagalang pangkabuhayan na
suportado ng pinatatag na mga institusyon upang
masiguro ang epektibong implementasyon at
makamit ang lahat ng mga naturang mithiin.
Sa ilalim ng kautusan, ang TFBL ay binigyan
ng tungkulin upang pag-isahin ang dalawang
programa ng gobyerno para sa mga dating
rebeldeng NPA: ang Comprehensive Local
Integration Program (CLIP) na ipinapatupad
ng DILG; at ang PAyapa at MAsaganang
PamayaNAn (PAMANA) na ipinapatupad ng
Office of the Presidential Adviser on Peace
Process (OPAPP); at iba pang mga serbisyong
pampubliko ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno.
And pinag-isang programa ay tinatawag
ngayon na E-CLIP o Enhanced Comprehensive
Local Integration Program na nagbibigay
ng kumpletong package upang
matulungan ang mga dating rebelde.
Ang ilan sa mga benepisyong matatanggap ng
mga nagsipagbalik-loob, kasama sa kanilang
kaligtasan at seguridad, ay ang pagtanggap
ng PHP15,000 immediate assistance,
PHP21,000 para sa kanilang pagkain, suporta
IRR para sa Task Force na
tutulong sa mga dating
rebelde inilunsad ng DND
10 11www.westmincom.com /afpwestmincom
para sa kanilang paglipat ng tahanan kasama ng
kanilang pamilya kung kinakailangan, PHP50,000
livelihood assistance, pansamantalahang tahanan,
pagpapatala sa PhilHealth, medical assistance,
pabahay, modified Conditional Cash Transfer,
tulong pang legal, livelihood materials, healing and
reconciliationinitiatives,atmaramipangibangayuda.
Mga Bumubuo sa TFBL at Kanilang mga Tungkulin
Ang TFBL ay binubuo ng mga kinatawan, na may
ranggong hindi bababa sa Undersecretary, mula sa
DND, DILG, OPAPP, Office of the President at mula
sa National Housing Authority. Ang Task Force ay
pinamumunuan ng kinatawan ng DND na maaaring
magsalingmgakinatawanmulasaibat-ibangahensya
at kagawaran ng gobyerno kung kinakailangan.
Gagampanan ng task force ang mga sumusunod:
•	 Buohin at isakatuparan and isang
Strategic Communication (StratCom)
Plan at ang mga alituntunin sa
pagpapaganap ng reintegration efforts
•	 Tugunan ang anumang kakaharaping
problema sa local at pambansang lebel
•	 Pakikipag-ugnayan sa kinauukulang
local na ahensya ng gobyerno upang
siguruhin ang epektibo at napapanahong
implementasyon ng mga programa
•	 Magbigay ng tulong para sa kapabilidad
ng mga kinauukulang local na pamahalaan
•	 Paghahanda para sa koordinasyon,
pagbabantay, mekanismo para sa pag-aaral
at pagbibigay ulat na magagamit ng lahat
ng mga ahensya ng gobyerno upang masuri
ang estado ng proseso ukol sa integrasyon
•	 Paghahanda ng regular na
pinagsamasamang ulat sa implementasyon
na isusumite sa Tanggapan ng Pangulo
•	 Regular na pagsusuri at pag-update ng
StartCom Plan, Implementing Guidelines at
iba pang mekanismo upang masiguro na
nakakatugon at epektibo ang reintegration efforts
•	 Pagtawag ng tulong at kooperasyon ng ibat-
ibang ahensya ng gobyerno para sa epektibong
implementasyon ng kautusan base saAO No. 10.
Sino ang mga Benepisyaryo
Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng E-CLIP ay mga dating miyembro
ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA)
at ng National Democratic Front (NDF) na boluntaryong tinalikdan ang
armadongpakikibakaatpinilingmagingproduktibongmyembronglipunan.
Ang kanilang mga asawa, kinakasama, mga anak, lehitimo man o hindi,
mga magulang o mga kapatid ay kasama din sa mga makikinabang.
Samantala, ang mga miyembro ng Milisya ng Bayan (MB),
na nagbalik-loob mula noong April 3, 2018 ay pupwede ring
makatanggap ng mga sumusunod na tulong: 1) Immediate
Assistance; 2) Reintegration Assistance at 3) Firearm Remuneration
Ang mga MB ay yaong mga taong naindoktrinahan at
maaaring nakasali o hindi man nakasali sa anumang armadong
pakikibaka ngunit organisado upang magbigay ng suportang
masa para sa kilusang rebolusyunaryo ng CPP/NPA/NDF.
Ang E-CLIP ay sumasakop sa mga nagsipagbalik-loob mula
noong April 3, 2018 o kasabay sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Lahat ng mga dating rebelde na nagbalik-loob simula noong July
1, 2016 ay makatatanggap din ng mga benepisyo mula sa bagong
programa na karagdagan sa kanilang natanggap na mula sa dating CLIP.
12 13www.westmincom.com /afpwestmincom
Frequently Asked Questions (FAQs)
Enhanced Comprehensive Local
Integration Program (E-CLIP)
1. Ano ang E-CLIP?
	 Ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local
Integration Program ay isang programa ng pamahalaan
na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi
ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-
loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling
muli ang kanilang mga pamilya. Sa pamamagitan nito,
sila ay mabibigyan ng mga iba’t-ibang tulong, kaalaman,
at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong
buhay. Ang tulong na ito ng pamahalaan ay hindi lamang
sa kanila kundi para din sa kanilang pamilya at komunidad.
2. Para kanino ang E-CLIP?
	 AyonsaAdministrativeOrderNo.10nanilagdaan
ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-3 ng Abril 2018,
at sa Implementing Rules and Regulations ng nasabing
kautusan, ang E-CLIP ay para sa mga nagbalik-loob simula
noong ika-3 ng Abril 2018, kabilang ang mga sumusunod:
a.	
Regular na miyembro ng CPP-NPA-NDF;
b.	
Kanilang asawa, anak, at kinakasama legitimate
or illegitimate, at kanilang mga magulang at kapatid;
c.	
Mga miyembro ng Militia ng Bayan
3. Anu-ano ang matatanggap ng mga magbabalik-loob sa
pamahalaan?
	 Base sa kanilang indibidwal na
pangangailangan, ang mga sumusunod ang maaring
matatanggap ng mga magbabalik-loob sa pamahalaan*:
•	
Immediate Assistance – Php 15,000.00
•	
FirearmRemuneration–Anghalagaaynakabatay
sakondisyonngarmasomgaarmasnaisusukosapamahalaan.
•	
Livelihood Assistance – Php 50,000.00
•	
Serbisyo ng Gobyerno – Pagpapatala
sa census, pagkakaroon ng mga government-
issued IDs, pagkuha ng birth certificate, at iba pa.
•	
Serbisyong Pangkalusugan – Libreng
serbisyong pangkalusugan mula sa mga ospital o
pagamutan ng Kagawaran ng Kalusugan o Department of
Health mula konsultasyon sa mga espesyalistang doktor,
diagnostic at laboratory procedures, gamot, at iba pa.
•	
Pabahay – ang mga dating miyembro ng
CPP-NPA-NDF na kuwalipikado ay maaring mabigyan
ng pabahay sa tulong ng National Housing Authority
•	
Modified Conditional Cash Transfer – Ang mga
magbabalik-loob sa pamahalaan ay maaring pagkalooban ng
buwanang tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program (4Ps) ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad
Panlipunan o Department of Social Welfare and Development
na kasalukuyang iniaakma sa kanilang mga pangangailangan.
•	
Tulong Pangkabuhayan o Tulong
para magkatrabaho – Ito ay tulong mula sa iba’t-
ibang ahensya ng pamahalaan na maaring gamit
pangkabuhayan o pang-negosyo, o pagbibigay ng
referral sa mga tanggapan ng gobyerno o pribadong
ahensiya / kumpanya, at iba pang tulong sa mga dating
rebelde na nais magkaroon ng permanenteng trabaho.
•	
Pautang at Market Access – Sa tulong ng
mga ahensiyang nagkakaloob ng pautang sa abot-kayang
interes, maaaring makautang ang mga dating rebelde
nang hindi kailangan ng kolateral. Ang halagang inutang
ay maaaring gawing puhunan para sa mga nagnanais
palaguin ang kanilang kabuhayan, o karagdagang
pantustos sa kanilang pangangailangan. Sila ay
tutulungan din ng ilang ahensya ng pamahalaan upang
mailapit ang kanilang mga produkto sa mga mamimili
•	
Tulong Panlegal – Ang mga dating rebelde na
may kinakaharap na kaso ay tutulungan ng pamahalaan
sa pamamagitan libreng serbisyo ng mga abogado nito
mula sa Kagawaran ng Katarungan (Department of
Justice). Ang pagkakaroon ng kaso ay hindi hadlang upang
matanggap nila ang mga benepisyong nakalaan para
sa kanila at kanilang mga pamilya sa ilalim ng E-CLIP.
•	
Alternative Learning System – Para sa mga
nagbalik-loob na nais mag-aral o ituloy ang kanilang
naantalang pag-aaral, ang programang Alternative Learning
System ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of
Education ang para sa kanila. Sa pamamagitan nito,
sila ay mabibigyan ng katumbas na sertipikasyon ng
pagtatapos sa edukasyong elementarya at sekondarya.
•	
Tulong Sikososyal (Psychosocial Assistance)
– Isa sa pinakamahalaga at agarang tulong para sa mga
nagbalik-loob sa pamahalaan ay ang karampatang tulong
sikososyal (psyschosocial assistance) upang tulungan
silang makalimot at makabangon sa kanilang masalimuot
na karanasan nang sila ay kasapi pa ng CPP-NPA-NDF.
•	
Conditional Transitional Grant – Ito
ay karagdagang tulong sa mga nagbalik-loob sa
pamahalaan na kanilang matatanggap isang taon
matapos silang pormal na mapabilang sa E-CLIP. Ito
ay ipagkakaloob sa kanila sa loob ng dalawang taon.
•	
Pangmatrikula at Panggastos sa Kolehiyo
(CollegeTuition and Stipend) – Ito ay tulong para sa isang anak
o asawa ng mga dating rebelde upang sila ay makapagtapos
sa kolehiyo. Sila rin ay bibigyan panggastos habang nag-aaral.
•	
Payapa at Masaganang Pamayanan
(PAMANA) Projects – Ang mga proyektong ito ng Office
for the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) ay
naglalayong magtayo ng mga pasilidad at imprastruktura sa
mga pamayanan kung saan naninirahan ang mga nagbalik-
loob sa pamahalaan. Sa proyektong ito, hindi lamang ang
mga dating rebelde o kanilang pamilya ang makikinabang
kundi pati na rin ang kanilang buong komunidad.
•	
Iba pang mga Tulong – Sa inisyatibo ng mga
pamahalaang lokal, maari ring magkaloob ng iba’t-ibang uri
ng tulong para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan, maliban
pa sa benepisyong mula sa pambansang pamahalaan.
*Alinsunod sa Implementing Rules and
Regulations, ang mga Militia ng Bayan ay maari
lamang tumanggap ng Immediate Assistance,
Reintegration Assistance, at Firearms Remuneration.
4. Kung ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-
NDF ay nagbalik-loob bago pa ang ika-3 ng Abril
2018, makatatanggap pa ba sila ng benepisyo ?
	 Ang mga nagbalik-loob simula noong ika-
01 ng Hulyo 2016 ay maari pa ring makatanggap ng
mga benepisyo sa ilalim ng E-CLIP ngunit hindi na nila
matatanggap ulit ang mga benepisyong naibigay na sa
kanila. Kung nakatanggap na sila ng Immediate Assistance,
Firearms Remuneration, at Livelihood Assistance,
hindi sila kwalipikadong tumanggap pa ulit ng mga ito.
5. Kanino dapat lumapit ang isang miyembro ng CPP-
NPA-NDF na gustong magbalik-loob sa pamahalaan?
Sinumang nais magbalik-loob sa pamahalaan ay maaring
lumapit sa mga receiving unit sa lokal na pamahalaan.
Bukod sa mga yunit ng military at kapulisan, ang mga
receiving unit ay maaring mga lokal na opisyal, Local
Social Worker and Development Officer (LSWDO),
kawani ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
o Department of Interior and Local Government (DILG),
miyembro ng mga civil society organizations, samahang
panrelihiyon gaya ng pari, madre, imam, at pastor, layko,
o mga indibidwal o organisasyong pinagkakatiwalaan
ng sinumang nais magbalik-loob sa pamahalaan.
6. Kanino dapat lumapit ang isang miyembro ng
civil society organization, samahang panrelihiyon,
o karaniwang mamayanan kung may kakilala o
kinukupkop siyang nais magbalik-loob sa pamahalaan?
	 Depende sa kagustuhan ng nais magbalik-loob
kungkaninoosaangreceivingunitsiyadapatdalhinngkanyang
nilapitang kakilala. Maaaring magtungo sila sa pinakamalapit
na yunit ng militar o pulis, o kaya naman ay sa lokal na social
worker o opisyal ng lokal na pamahalaan kung kanino mas
panatag ang kalooban ng nais magbalik-loob. Matapos nito
ay maililipat na sa receiving unit ang pangagalaga sa kanya.
7. Paano malalaman kung ang isang nagbalik-
loob ay tunay na miyembro ng CPP-NPA-NDF?
Lahat ng mga nais magbalik-loob sa pamahalaan ay
kailangang mabigyan ng certification mula sa Joint Armed
Forces of the Philippines and Philippine National Police
Intelligence Committee o JAPIC. Ito ang paraan ng AFP
at PNP upang masuri at mapatunayan kung ang isang
nagbalik-loob ay miyembro nga ng CPP-NPA-NDF o Militia
ng Bayan. Ang JAPIC Certification ay ang pangunahing
dokumentong kailangan ng isang indibidwal para mapabilang
sa E-CLIP. Kung wala nito, hindi siya maaaring mailista
at makatanggap ng iba’t-ibang tulong mula sa programa.
8. May matatanggap bang tulong ang
mga receiving unit mula sa pamahalaan?
Ang mga receiving unit ay makatatanggap ng Reintegration
Assistance sa halagang Php21,000.00 kada indibidwal
na nagbalik-loob sa pamahalaan. Ito ay bilang pantustos
sa araw-araw na pangangailangan ng mga nais
magbalik-loob katulad ng pagkain, damit, toothbrush,
sabon, personal na kagamitan at iba pang gastusin.
Bukod sa halagang ito, maari ring magtalaga ng bantay na
sundalo o pulis ang pinakamalapit na kampo o istasyon ng
AFP-PNP para pangalagaan ang seguridad ng receiving unit.
9. Hanggang kailan mananatili ang isang nais
magbalik-loob sa pangangalaga ng isang receiving unit?
Ang nais magbalik-loob ay maaring manatili sa pangangalaga
ng isang receving unit hanggang siya ay tuluyang mailipat
ng LSWDO sa pangangalaga ng isang halfway house.
10. Ano ang halfway house?
Ang halfway house ay isang pasilidad kung saan maaaring
pansamantalang manuluyan ang mga nagbalik-loob sa
pamahalaan habang pinoproseso ang kanilang pagpapatala
sa E-CLIP. Dito isinasagawa ang iba’t-ibang mga aktibidad
na naglalayong tulungan sila sa kanilang pagpapanibago
mula sa pagiging marahas na bandido tungo sa pagiging
mapayapang mamayan. Dito rin huhubugin ang kanilang
angking kaalaman, kasanayan, at oportunidad na mapaunlad
ang kanilang buhay at komunidad na kabibilangan.
Isinasagawa rito ang mga seminar, orientation at pagsasanay
ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ukol sa kabuhayan,
edukasyon, at kasanayan para sa mga nagbalik-loob.
Ang DILG ay may nakalaang pondo para sa pagpapagawa
ng mga halfway houses at ang mga pamahalaang lokal
ang siyang pangunahing tagapangasiwa sa mga ito.
11. Hanggang kailan maaring mananatili sa half-way
house ang isang nagbalik-loob sa pamahalaan?
Maaring mananatili sa half-way house ang isang
nagbalik-loob sa pamahalaan hanggang makumpleto
niya ang programang para sa kanya at kapag ganap
na siyang kabilang sa iba’t-ibang programa ng E-CLIP.
12. Ano ang mangyayari sa mga nagbalik-loob
na sa pamahalaan, nagkamit ng benepisyo mula
sa E-CLIP at nakauwi na mula sa halfway house?
Sila ba ay babantayan pa ng pamahalaan?
Ang mga nagbalik-loob na nakapagtapos na ng programa sa
loob ng isang halfway house at nakatala na sa E-CLIP para
sa iba’t ibang benepisyo mula sa pamahalaan ay bibisitahin
ng nakakasakop na LSWDO matapos ang anim na buwan
mula sa kanilang paglantad. Sila rin ay regular na bibisitahin
ng LSWDO kada anim na buwan sa loob ng tatlong taon.
13. Dahil sa dami ng benepisyong ipinagkakaloob ng
pamahalaan sa ilalim ng E-CLIP, hindi kaya lalong mahimok
ang ating mga kababayang sumapi na lamang sa CPP-
NPA-NDF at pagkatapos ay magbalik-loob sa pamahalaan?
Isa lamang ang E-CLIP sa mga programa at inisyatibo
ng kasalukuyang administrasyon upang tuluyan nang
matuldukan ang presensiya ng armadong bandidong
grupo ng CPP-NPA na limang dekada nang humahadlang
sa tunay na kapayapaan at pag-unlad ng ating bansa.
Kabilang sa mga ito ay ang pagpigil sa pagdami
ng mga bagong kaanib ng grupong komunista –
terorista sa pamamagitan ng pagpapaalam sa mga
mamamayan ng kanilang mga mapanlinlang at kriminal
na gawain upang makaakit ng mga bagong miyembro.
Pinalalakas din ng pamahalaan ang presensiya at serbisyo nito
sa iba’t-ibang sektor ng lipunan, lalo na sa mga malalayong
lugar na kadalasang nagiging biktima ng bandidong grupo.
Kasabay nito ay mas pinaigting pa ang opensiba ng militar at
pulisya laban sa CPP-NPA-NDF.Ang mga kasapi ng CPP-NPA-
NDF ay may pagpipilian - ang magbalik-loob sa pamahalaan
at umuwi sa kanilang pamilya, o patuloy na makipaglaban,
tiisin ang hirap sa kabundukan habang ang kanilang kurap
na lider ay nagpapakasasa sa karangyaan sa ibang bansa,
at harapin ang posibilidad na masawi sa marahas na paraan.
14. Maari bang gamitin ng pamahalaan ang
mga nagbalik-loob sa operasyon ng military
o pulisya laban sa mga dati nilang kasama?
Hindi gawain ng pamahalaan na gamitin ang mga dating
rebelde laban sa kanilang mga dating kasamahan. Ang
mga dating rebelde ay pinahahalagahan, itinuturing na may
dignidad at iginagalang ang kanilang mga karapatan. Sa
kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan, sila ay katuwang sa
pagtataguyod ng kapayapaan at tunay na pagkakaisa tungo
sa pag-unlad ng kanilang pamilya, pamayanan at bayan.
15. Maari bang lumipat ng tirahan ang
mga nagbalik-loob sa pamahalaan?
Maaring lumipat ng tirahan ang mga nagbalik-loob sa
pamahalaan nang dahil sa isyung panseguridad o anumang
kadahilanan. Kailangan lamamg nilang makipag-ugnayan
sa kanilang LSWDO upang ang kanilang mga benipisyo na
natatanggap ay mailipat din sa lugar na kanilang paglilipatan.
14 15www.westmincom.com /afpwestmincom
Ika-3 ng Abril 2018 nang ipinatupad ni Presidente Rodrigo Roa
Duterte, sa bisa ng Administrative Order No. 10, ang Enhanced
Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na naglalayong
palawakin ang mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga dating
kasapi ng Communist Party of the Philippines, New People’s
Army, at National Democratic Front, at sa kanilang mga pamilya.
Sa ilalim ng E-CLIP, ang isang sumukong komunista ay makakatanggap ng
agarang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng PhP15,000, tulong
pangkabuhayan na nagkakahalaga ng Php50,000, reintegration assistance
na nagkakahalaga ng PhP21,000, firearms remuneration na doble sa
halaga ng isinukong armas, PhilHealth enrolment sa ilalim ng programa
ng PAMANA at PhilHealth, rehistrasyon sa iba’t ibang mga ahensya
ng gobyerno, rehabilitasyon, at iba pang tulong mula sa pamahalaan.
Isa sa mekanismo na inirekomenda ang paglunsad ng sentralisadong
pamamaraan upang mapabilis ang reintegrasyon ng mga dating miyembro
ng komunista sa pamamagitan ng pagbuo ng Task Force Balik-Loob. Ito ay
kinakatawan ng Department of National Defense, Department
of Interior and Local Government, Office of the Presidential
Adviser on Peace Process, at National Housing Authority.
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 2018-01 ng DILG, pinaigting
ng Western Mindanao Command, sa pamumuno ni Lieutenant
General Arnel B. Dela Vega, ang paglungsad ng operasyon laban
sa mga terorista upang sila ay mahikayat na magbalik-loob.
PinalawakrinngJointTaskForcesangkanilangkampanyaatdayalogoupang
itaguyodangprogramangE-CLIP,atipinanatilinilaangkoordinasyonsalokal
na pamahalaan, iba’t ibang ahensya, at sektor ng lipunan upang mapabilis
ang pagpapaabot ng tulong at benepisyo sa mga sumukong komunista.
Nabigyan ng proteksyon ang mga sumuko sa autoridad at napabilis ang
pagkakaloobsakanilangsertipikongJointAFP-PNPIntelligenceCommittee
sa patuloy na koordinasyon ng WestMinCom sa Philippine National Police.
Nagbigay rin ng teknikal na suporta ang Command sa mga iba’t
ibang aktibidad ng kaukulang ahensya upang mapalawak ang
kakayahan ng mga sumukong komunista, lalo na sa pagpapatupad
ng Community Support Program (CSP) or mga programa ng
AFP na sumusuporta sa pag-unlad ng mga lokal na komunidad.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
sa mga lokal na pamahalaan upang maging
epektibo ang implementasyon ng E-CLIP.
E-CLI PSuportado ng militar
TASK FORCE BALIK-LOOB
Itinatag para sa pagpapatupad ng E-CLIP
Alinsunod sa Administrative Order No. 10,
itinatag ang Task Force Balik-Loob, isang
Inter-Agency Task Force, upang magkaroon
ng sistematikong at sentralisadong
pamamaraan ng pagpapabilis ng
reintegrasyon ng mga dating rebelde.
Binubuo ang Task Force Balik-Loob ng
mga kinatawan, na may ranggo na hindi
bababa sa Undersecretary, ng Department
of National Defense, Department of
Interior and Local Government, Office
of the Presidential Adviser on Peace
Process, at National Housing Authority.
Layunin ng nasabing task force na
linangin ang Strategic Communication
Plan at Implementing Guidelines para
sa reintegration efforts; resolbahin ang
mga isyu sa pagpapatupad sa pambansa
at lokal na antas; makipag-ugnayan sa
lokal na pamahalaan upang siguraduhin
ang epektibong implementasyon ng
reintegrasyon; magbigay ng capability
assistance sa lokal na pamahalaan;
maghanda ng koordinasyon, pagsusubaybay,
pagsusuri, at pag-uulat na mekanismo na
gagamitin ng lahat ng mga ahensiya sa
pagsusuri sa kalagayan ng reintegration
efforts; regular na suriin ang StratCom Plan,
Implementing Guidelines, at iba pang mga
mekanismo; at makipag-ugnayan sa iba
pang mga ahensiya para sa pagpapatupad
ng Administrative Order No. 10.
Bilang tagapamuno ng Task Force Balik-
Loob, ang DND ang nagbibigay ng polisiya
sa nasabing task force. Nakikipag-ugnay rin
ito sa DILG sa pagbubuo ng mga alituntunin,
pagsubaybay sa implementasyon
ng programa, at pagtataguyod ng
koordinasyon sa iba pang mga ahensiya.
Responsibilidad rin ng dalawang
departamento ang tiyakin kung ang mga
dating rebelde ay naging produktibong
miyembro na ng kanilang mga komunidad at
kung sumunod ang mga lokal na pamahalaan
sa mga pamantayan ng programa.
Nakaatas naman sa Sandatahang Lakas
ng Pilipinas ang pagpapaigtingin ng
operasyon laban sa mga komunista,
pakikipag-ugnayan sa Philippine National
Police para sa seguridad ng mga sumukong
rebelde, pag-isyu ng dokumentasyon
ng mga dating rebelde, pag-isyu ng
sertipiko ng Joint AFP-PNP Intelligence
Committee, pag-tiyak na nakadokumento
ang mga dating rebelde sa tulong ng
E-CLIP Committee, pagbigay ng teknikal
na tulong sa mga akitibidad sa ilalim ng
programa, at pagpapabilis ng reintegrasyon
ng mga dating rebelde na kwalipikado.
Ang PNP naman ang nakaatas sa seguridad
ng mga dating rebelde; koleksyon at
dokumentasyon, valuation, kontrol, at
disposisyon ng mga armas, amunisyon
at eksplosibo na isinuko ng mga dating
rebelde; pag-isyu ng JAPIC Certification;
at pagbibigay ng teknikal na tulong sa
mga akitibidad sa ilalim ng programa.
Sa ilalim din ng Administrative Order No.
10, lahat ng mga kaugnay na ahensya ay
maaring tumulong sa Task Force Balik-Loob
upang matugunan ang mga layunin nito.
16 17www.westmincom.com /afpwestmincom
“Mas abot-kamay na natin ang kapay-
apaan sa pamamagitan ng E-CLIP. Ito ay
isang malaking hakbang ng gobyerno upa-
ng hikayatin ang mga nais mag balik-loob
at kami naman ay handa kayong tang-
gapin at sama-sama natin tahakin ang
landas tungo sa tunay na pagkakaisa.”
BGen Cirilo Thomas P Donato Jr AFP
Deputy Commander for Administration
Western Mindanao Command, AFP
18 19www.westmincom.com /afpwestmincom
Ang Nalalapit na Pagbagsak ng
CPP-NPA-NDF
Ika-30 ng Nobyembre 1971 nang
itinatag ang Communist Party of
the Philippines-New People’s Army
sa pamumuno ni Benjamin De Vera,
isang miyembro ng Kabataang
Makabayan National Council, na
ipinadala sa Mindanao upang
tumulongsapagbuoatpagpapalawig
ng Kabataang Makabayan.
Sinimulan ni De Vera ang pagtatatag
ng organisasyon sa Tagum, Davao
del Norte at sa Digos, Davao del Sur.
Nang lumaon, tinulungan siya ni
Luzviminda David sa organisasyon
ng KM chapters sa mga lungsod
ng Cagayan de Oro at Iligan.
Taong 1982 nang tuluyang
itinatag ang Western Mindanao
Regional Party Committee na
nagmula sa grupong Western Front
Committee. Ang kaniyang Sub-
Front Committees ay ipinangalan
naman na Front Committee
1 “BBC”, Front Committee
“Monterosa”, Front Committee-10
Balando, at Front Committee-13.
Sa kasagsagan ng pamamayagpag
ng NPA noong kalagitnaan ng
dekada otsenta, naglunsad sila ng
malawakang opensiba laban sa
gobyerno at sinakop nila ang mga
liblib na bayan sa Luzon at Visayas.
Noong sila ay nakaranas ng sunud-
sunod na pagkatalo sa kanilang
mga operasyon laban sa militar,
kanilang pinaghinalaang na sila
ay sinusubaybayan ng militar.
20 21www.westmincom.com /afpwestmincom
Ito ay sinundan ng ilang serye ng mga
madudugong engkwentro na halos
nagwasak ng kanilang organisasyon.
Nitong taon lamang, umabot na sa 279
na komunista ang nasugpo ng Western
Mindanao Command na pinamumunuan
ni Lieutenant General Arnel Dela Vega.
Sa naitalang ito, dalawa ang napatay,
270 ang sumuko, at pito ang nahuling
komunista sa nasasakupan ng Joint
Task Forces ZamPeLan at Central.
Sa 270 na sumuko, 118 ang kasapi
ng Western Mindanao Regional Party
Committee, habang 152 naman ang
nabibilang sa Guerilla Front 73.
Simula Enero ng taong ito, 141 na armas
na ang nakuha mula sa mga komunista,
115 rito ang isinuko ng mga dating rebelde
at 26 ang narekober ng tropa ng Joint
Task Force ZamPeLan sa pamumuno
ni Major General Roseller Murillo at
Joint Task Force Central sa pamumuno
ni Major General Cirilito Sobejana.
Ang sunud-sunod na pagsuko ng mga
natitirang komunista ay maiuugnay sa
patuloy na opensiba ng militar at ang
pagpapatupad ng programa ng gobyerno
para sa mga nagbabalik-loob sa tulong ng
lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor.
22 23www.westmincom.com /afpwestmincom
“Maging inspirasyon sana sa mga ibang
rebelde ang ginagawang pagbabalik-
loob ng mga dati nilang kasamahan. Mas
makakamtan natin ang matagal na nating
minimithing kapayapaan kung wala nang
kailangan pang mag buwis ng buhay
ng dahil sa baluktot na ipinaglalaban.”
BRIG. GEN. DIVINO REY C PABAYO JR AFP
Deputy Commander for Operations
Western Mindanao Command, AFP
24 25www.westmincom.com /afpwestmincom
Dalawang komunista
sumuko sa tropa sa
Misamis Occidental
Dalawang komunista ang sumuko sa tropang
nagsasagawa ng Community Support Program
sa Barangay Tuno, Don Victoriano Chiongbian,
Misamis Occidental noong Abril 18, 2018.
Kinilala ang dalawang sumuko na sina
Reneboy Gumisid Empel at Junny Catulag
Martizano, parehong miyembro ng Western
Mindanao Regional Party Committee.
Si Empel ay miyembro ng TM Baking Squad,
samantalang si Martizano ay miyembro
ng TM Abe, Squad 1, kapwa ng Komite
ng Seksyon “JOJI” SRPC II “Monterosa.”
Ayon kay Major General Roseller Murillo, ang
kumander ng Joint Task Force ZamPeLan, ang
mga sumukong komunista ay dinala sa punong
tanggapan ng 10th Infantry Battalion para sa
custodial debriefing at medikal na pagsusuri.
“Tinatanggap namin ang pagsuko ng mga
teroristang komunista sa Mindanao at pinaiigting
namin ang aming operasyong militar upang
alisin ang mga natitirang banta sa rehiyon,”
ayon kay Lieutenant General Arnel Dela Vega,
kumander ng Western Mindanao Command.
“Nais kong kilalanin ang suporta ng mga lokal
na opisyal sa pakikiisa nila upang matugis ang
Communist NPA Terrorists. Naniniwala ako na
sa patuloy na kooperasyon, magpapatuloy ang
mga pagsuko ng mga natitirang komunista,”
dagdag pa ni Lieutenant General Dela Vega.
MGA KUWENTO NGTAGUMPAY NG
JOINTTASK FORCE ZAMPELAN
TUNGO SA KAPAYAPAAN
Dahil sa kawalan ng pag-asa at desmoralisasyon,
labing-tatlong miyembro ng Section Committee
“KARA” ng Communist NPA Terrorist (CNT) ang
sumuko sa tropa ng 53rd Infantry Battalion sa
Zamboanga del Sur noong ika-12 ng Hulyo.
Ayon kay Tenyente Koronel Marlowe E. Patria, ang
pinuno ng 53IB, tatlong armas, kabilang na ang
isang M1 Garand, isang Carbine, at isang Caliber .45
pistol, ang kusang loob na isinuko ng tatlo sa Kampo
Major David P. Sabido, Guipos, Zamboanga del Sur.
Inihayag ni Eric, 28 anyos at residente ng Dimataling,
Zamboanga del Sur, na ang kawalan ng suporta,
gutom, at labis na pisikal, mental at emosyonal na
paghihirap, sa gitna ng pinaigting na operasyon
ng militar, ang nagbunsod sa kanya na sumuko
sa awtoridad. Dagdag pa rito ang pinaigting na
implementasyon ng Enhanced Comprehensive
Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Ayon kay Eric, nakatulong ang sunod-sunod
na anunsyo ng 53IB tungkol sa kanilang peace
fellowship kasama ang mga dating rebelde at ang
kanilang mga pamilya. Nais rin umano ng karamihan
sa mga sumukong komunista na bigyan ng mas
magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.
“Ang pagsuko ng 13 komunista ay isang patunay na
naging instrumento ang pakikipagtulungan ng 53IB, iba
pang mga yunit ng militar sa Peninsula, mga ahensya,
at ibang sektor ng lipunan, lalo na ang media, sa pag-
hihimok sa kanila na magbalik-loob,” ayon kay Koronel
Bagnus P. Gaerlan, kumander ng 102nd Infantry Brigade.
BukodsatulongpinansyalsailalimngprogramangE-CLIP,
ang mga sumukong komunista ay isasailalim sa psycho-
social debriefing na pangangasiwaan ng Kagawaran ng
KagalingangPanlipunan,praktikalnapagsasanaysatulong
ng Technical Education and Skills DevelopmentAuthority,
at pagsasanay para mahubog ang kanilang kapasidad.
“Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ating mga tropa
sa mga kasapi ng NPA na nais nang sumuko at
magkaroon ng normal na buhay para sa kanilang
mga pamilya. Gayunpaman, lalo nating paiigtingin
ang ating operasyon upang nutralisahin ang mga
natitirang terorista,” ayon kay Major General Roseller
G. Murillo, kumander ng Joint Task Force ZamPeLan.
13 komunista
sumuko sa Zambo
del Sur
26 27www.westmincom.com /afpwestmincom
“Ang pagsuko at pagbabalik-loob ng mga deting
rebelde ay resulta ng matinding kampanya
ng impormasyon at edukasyon sa E-CLIP,
kasama ang walang humpay at nakatutok na
operasyong militar sa aming nasasakupan.
Inaasahan pa namin na lalo pang dadami ang
mag babalik-loob sa ating gobyerno sa tulong
na din ng aming mga stakeholders na handang
sumuportasaamingpanawaganngkapayapaan”
MAJ. GEN. ROSELLER G MURILLO AFP
Commander, Joint Task Force ZamPeLan
28 29www.westmincom.com /afpwestmincom
4 na babae, 2 batang rebelde sumuko sa Zambo del Sur
Labing-anim na miyembro ng New
People’s Army, kasama na ang apat
na mga babae at dalawang bata, ang
sumuko sa tropa ng 53rd Infantry
Battalion sa Kampo Major David Sabido,
Poblacion, Guipos, Zamboanga del Sur
noong ika-26 ng Setyembre 2018.	
Isa sa mga sumuko si Cel, isang
babaeng rebelde na nasa unang antas
sa kolehiyo nang tumigil sa pag-aaral
at sumali sa grupo ng mga terorista.
“Nagsisisi po ako na ako ay
naging isang miyembro ng NPA at
naging bahagi ng kanilang mga
rebolusyonaryong aktibidad. Sa
katunayan, wala pong kahulugan, pag-
asa, at direksyon, ang pagiging isang
komunista. Nakatapos na po sana ako
ng pag-aaral sa kolehiyo kung di po
ako sumali sa grupo,” anya ni Cel.
Ayon kay Lieutenant Colonel Marlowe
E. Patria, ang opisyal na namumuno
sa 53IB, patuloy pa rin ang paggamit
ng pwersa at pananakot ng NPA
sa pagrerekrut ng kanilang mga
miyembro. Ito umano ang dahilan
kung bakit nagtatagal lamang ng ilang
buwan sa gubat ang kanilang mga
miyembro. Iilan lamang sa kanilang
mga miyembro ang itinuturing na “main-
stays,” ngunit sila ang nakakatanggap
ng pinakamalaking bahagi sa
kanilang koleksyon sa pangingikil.
Karamihan sa mga sumuko ay
nabibilang sa grupo ng Secom Kara
ng Western Mindanao Regional
Party Committee, kabilang na ang
13 taong gulang na sumuko sa
awtoridad noong ika-12 ng Hulyo.
Sila ay base sa mga munisipalidad
ng Midsalip, Pagadian, Tigbao,
Lakewood, Lapuyan, at San Miguel.
Ang dalawang menor de edad ay
pangangalagaan ng Department of
Social Welfare and Development.
Labing-anim na komunista ang sumuko sa mga
tropa ng Joint Task Force ZamPeLan sa Imelda,
Zamboanga Sibugay noong ika-20 ng Oktubre 2018.
Isinuko rin ng mga nasabing komunista ang isang
Kalibre .45 at dalawang shotgun kay Colonel
Bagnus Gaerlan, kumander ng 102nd Brigade.
Sa 16 na sumuko, isa ang regular na
miyembro ng grupo, habang 15 ay mula sa
Militia ng Bayan na base at naninirahan sa
Barangay Balagon, Siay, Zamboanga Sibugay.
Ang pagsuko ay pinangasiwaan ni Mayor Jarvis
M. Acosta ng Siay at Lieutenant Colonel Jonathan
Obena, ang kumander ng 44th Infantry Battalion.
Nanumpa ang 16 na mga dating rebelde
ng kanilang katapatan sa pamahalaan.
Sinabi ni Colonel Gaerlan na ang pagsuko ng
16 na komunista ay makakatulong sa pagbawas
ng mga marahas na insidente sa loob ng area
of operations ng 102nd Brigade at magpapahina
umano ito sa suporta ng baseng masa ng NPA.
Pinuri ni Lieutenant General Arnel Dela Vega, kumander
ng Western Mindanao Command, ang mga tropa ng
102nd Brigade para sa tagumpay na ito. Kinilala din
niya ang aktibong pakikilahok ng mga stakeholder
sa matagumpay na pagsuko ng 16 na komunista.
“Angtagumpaynaitoaynagpapakitanasapagpapatupad
ng Enhanced Comprehensive Local Integration
Program, marami pang miyembro ng NPA ang nagnanais
nang sumuko at makaranas ng mapayapa at maayos na
buhay,” dagdag pa ni Lieutenant General Dela Vega.
16 na komunista tumiwalag,
3 armas isinuko sa Sibugay
Sumuko ang 12 kasapi ng Communist NPA Terrorist
(CNT) organizing group sa 82nd Infantry Battalion
ng Joint Task Force Ranao sa Kapai at Tagoloan,
Lanao del Sur noong ika-26 ng Nobyembre 2018.
“Ang mga sumukong rebelde ay inorganisa ng
Semi Legal Team, Guerilla Front 12, Komite ng
Rehiyon ng Hilagang Mindanao,” sabi ni Lieutenant
Colonel Jayson Jumawan, ang kumander ng 82IB.
Isinuko rin ng CNT organizing group
ang dalawang armas, isang Kalibre .30
carbine rifle at isang Kalibre .45 na pistola.
Matatandaan na isang lider ng New People’s
Army ang napatay sa isang engkwentro laban
sa 65th Infantry Battalion sa Tagoloan, Lanao
del Sur noong ika-10 ng Nobyembre 2018.
PinuriniMajorGeneralRosellerMurillo,kumanderng
Joint Task Force ZamPelan (Zamboanga Peninsula
at Lanao Provinces), ang mga tropa para sa
kanilang mga pagsisikap na humantong sa pagsuko
ng 12 miyembro ng grupong nag-organisa ng NPA.
“Walang humpay ang aming kampanya laban sa
mga komunista at Local Terrorists Group sa aming
area of operations upang maprotektahan ang
mga komunidad mula sa kanilang mga teroristang
aktibidad,” dagdag pa ni Major General Murillo.
12 NPA organizers
sumuko sa Lanao del Sur
30 31www.westmincom.com /afpwestmincom
Mga nagbalik-loob nagtapos ng TESDA course
Limampung rebelde, mga
baseng masa supporters,
at ang kanilang mga
dependents na sumuko sa
awtoridad ang nagmartsa
sa closing ceremony ng
Electrical Installation and
Maintenance NCII, isang
kurso ng TESDA, na ginanap
sa himpilan ng 10th Infantry
“Steady On” Battalion sa
Misamis Occidental noong
ika-15 ng Oktubre 2018.
Ang seremonya, na may
temang “Malasakit sa
Pagbabago, TESDA, Susi
sa Kinabukasan,” ay naging
posible sa pagtutulungan ng
10IB, Gobernadora Herminia
D. Ramiro ng Misamis
Occidental, Miraluna Baje-
Lopez ng TESDA Misamis
Occidental, at Engr. Noel
Econ ng TESDA Provincial
Training Center-Plaridel.
“Sa tulong ng iba pang
mga stakeholders, ang
10IB ay patuloy na tutulong
upang mahikayat ang mga
rebelde na magbalik-loob at
sumailalim sa programang
E-CLIP ng gobyerno,” ayon
kay Major General Roseller
Murillo, kumander ng Joint
Task Force Zampelan.
Pinuri ni Lieutenant General
Arnel B. Dela Vega,
kumander ng Western
Mindanao Command,
ang 10IB at ang mga
stakeholders na nag-ambag
sa tagumpay ng aktibidad.
“Binabati ko ang mga
bagong nagtapos. Ito ay
simula lamang ng isang mas
mahusay at maliwanag na
hinaharap para sa inyo,”
dagdag pa ni Lieutenant
General Dela Vega.
“Sila nawa ay magsilbing
ehemplo sa mga
natitirang rebelled na
nag-aalinlangan pang
sumuko,” pagtatapos niya.
71 dating rebelde pinagkalooban ng
benepisyo ng E-CLIP sa Mis Occ
Pinagkalooban ng mga
benepisyo sa ilalim ng E-CLIP
ang 71 dating mga komunista
sa Provincial Capitol ng
Misamis Occidental sa
Oroquieta City noong ika-
17 ng Nobyembre 2018.
Personal na ibinigay ni
Defense Secretary Delfin
Lorenza ang mga tseke
na nagkakahalaga ng Php
65,000 sa dating mga rebelde
at Php 15,000 sa mga
dating miyembro ng Militia
ng Bayan bilang bahagi ng
reintegrasyon at pinansiyal
na tulong ng programa.
Ang seremonya ay dinaluhan
nina Gobernadora Herminia
Ramiro ng Misamis Occidental;
Assistant Secretary Roosque
Calacat ng Barangay
Affairs at Partnership;
Undersecretary Reynaldo
Mapagu ng Task Force Balik
Loob; Bise-Gobernadora
Virginia Almonte; Major
General Roseller G. Murillo,
kumander ng Joint Task
Force ZamPeLan; at ang
kumite ng E-CLIP, PNP,
LGU, at iba pang mga sektor.
Ayon kay Colonel Bagnus
Gaerlan, kumander ng
102nd Infantry Brigade,
animnapu’t siyam sa 71 na
sumuko ang mga regular na
komunista. Ang dalawang
iba pa ay kasapi ng Militia.
“Tapat ang ating gobyerno
sa pangako nitong suporta
sa mga nagbabalik-loob,”
saad ni Secretary Lorenzana.
Nanumpa rin ang mga dating
rebelde ng katapatan at
suporta sa pamahalaan.
“Pinasasalamatan namin si
Governor Ramiro at ang mga
stakeholders ng lalawigan
ng Misamis Occidental
dahil sa pagiging aktibo sa
pagpapatupad ng E-CLIP,”
sabi ni Major General Murillo.
32 33www.westmincom.com /afpwestmincom
34 35www.westmincom.com /afpwestmincom
NPA kinondena ng 14
sumukong milisiya, 105 na
taga-suporta sa Zambo del Sur
Kinondena ng 14 na dating
miyembro ng milisiya at
105 na kanilang mga taga-
suporta ang Communist NPA
Terrorist sa isang protesta
na ginanap sa Market Site,
Bayog, Zamboanga del Sur
noong ika-9 ng Nobyembre.
Isinuko rin ng mga dating kasapi
ng milisiya ang 127 na mga
armas kay Lieutenant Colonel
Jonathan Obena, ang kumander
ng 44th Infantry Battalion,
at ang mga ito’y inilagay na
sa kustodiya ng PNP Bayog
para sa tamang disposisyon.
Lumahok rin sa nasabing
protesta ang mga opisyal
ng lokal na pamahalaan
at miyembro ng mga non-
governmental organization at
mga civic society organization.
“Ang protestang isinagawa ng
mga dating kasapi ng milisiya
ay isang katibayan ng kawalan
ng tiwala at pagkondena sa NPA
at sa paghahadlang ng grupong
ito sa pagkamit ng kapayapaan
at kaunlaran sa kanilang mga
komunidad,” ayon kay Major
General Roseller G. Murillo,
kumander ng JTF ZamPeLan.
Sinundan ang protesta ng
panunumpa ng mga dating
komunista at taga-suporta ng
katapatan sa pamahalaan.
“Nakikiisa tayo sa mga lokal
na opisyal at iba pang mga
ahensya at mga organisasyon
para mapadali ang pagpapa-
abot ng benepisyo ng
programang E-CLIP sa mga
sumukong komunista at
para makamtan natin ang
pangmatagalang kapayapaan
na walang paggamit ng mga
armas at karahasan,” sabi
ni Lieutenant General Arnel
Dela Vega, kumander ng
Western Mindanao Command.
“Nakikiisa tayo sa mga lokal
na opisyal at iba pang mga
ahensya at mga organisasyon
para mapadali ang pagpapa-
abot ng benepisyo ng
programang E-CLIP sa mga
sumukong komunista at
para makamtan natin ang
pangmatagalang kapayapaan
na walang paggamit ng
mga armas at karahasan.”
- Lt. Gen. Arnel Dela Vega
36 37www.westmincom.com /afpwestmincom
“Bukod sa kahirapang nararanasan
nila sa pag-iwas sa mga tropa
ng gobyerno, isa pa sa matinding
dahilan ng pagsuko ng mga dating
rebelde ay ang mga nabigong
pangako ng kanilang mga pinuno.”
MAJ. GEN. CIRILITO E SOBEJANA AFP
Commander, Joint Task Force Central
38 39www.westmincom.com /afpwestmincom
8 CPP-NPA terorista sumuko
sa Sultan Kudarat
7 komunista sumuko
sa militar sa
Maguindanao
Pitong komunista, na kabilang sa grupo
ng isang nagngangalang Mac-Mac, ang
sumuko sa tropa ng Joint Task Force Central
sa Maguindanao noong Pebrero 12, 2018.
Ang mga sumuko ay kinilalang sina Godus
Sintaw, 36; Arnel Dimantukay, 21; Donie Diwan,
28; Ghagha Ansag, 25; Danilo Mingkay, 25;
Larry Ugalingan, 34; at Jimmy Ulangkaya, 34.
Isiinuko rin ng mga nabanggit ang isang 7.62mm
M14 rifle, dalawang M1 Garand rifles, isang
M16 sniper rifle, isang Springfield rifle, isang
kalibre .38 revolver, granada, at landmine.
Isinailalim sa custodial debriefing at medical
check-up ang mga sumukong rebelde.
“Kungmaymgamedikalnakundisyonnakailangan
ng pansin, awtomatiko namin silang ipapagamot
habangsilaaynasailalimngamingpangangalaga,”
sinabi ni Lieutenant General Arnel Dela Vega,
kumander ng Western Mindanao Command.
MGA KUWENTO NGTAGUMPAY NG
JOINT TASK FORCE CENTRAL
TUNGO SA KAPAYAPAAN
Dulot ng walang humpay na operasyon ng Joint Task Force
Central laban sa CPP-NPA-Terrorists, walong komunista ang
sumukosaawtoridadsaSultanKudaratnoongika-2ngPebrero.
Si Romeo Dongco, a.k.a. Taiwan, 29, ay kabilang sa mga
miyembro ng tribo na sumakop ng isang plantasyon ng kape
na pag-aari ng pamilya Consunji noong Setyembre 2017.
“Sinabi sa amin ni Datu Victor na maaari naming putulin ang
mgapunongkapeparamaibaliknaminanglupangamingmga
ninuno,” sabi ni Dongco, isang residente ng nayon ng Sumilil.
Sumuko rin si Junjun Okom, 29, ang kapitbahay ni Dongco
at kapwa miyembro ng Yunit Milisya. Inihayag niya na sila ay
sinusuportahanngPlatoonArabongCNTsapagtubossalupain.
“Ipinadala ni Ka Yoyo ang kanyang mga armadong tagasunod
upangkamiaytulungan.Napaalisrinnaminangmgaguwardiya
ng kumpanya gamit ang mga bata na may sibat bilang mga
frontliner,” sabi ni Okom, na kasama ang kanyang dalawang
kamag-anak na sina Nasio Dungco, 28, at Binta Okom, 50.
Ang iba pang mga sumukong komunista ay mga
miyembro ng dating Platoon Cloudphone, na sina
Batoy Tayak, 49; Goong Tugi, 47; Justin Tugi, 21;
at isang batang mandirigma na si Raffy Blah, 16.
Samantala, tatlo sa mga sumuko ang nagsumite
ng affidavit na nagsasabi na sila ay nauugnay
sa isang opisyal ng lokal na pamahalaan.
“Pinangunahan niya ang organisasyon ng mga Lumad bilang
mga mandirigma ng NPA upang mabawi umano ang mga
lupa ng aming mga ninuno. Tinanggap niya sina Ka George
at Ka Makmak sa kanyang bahay upang kami ay irecruit
noong Mayo 2015,” ika ng isang dating rebeldeng NPA.
Inaasahan na mas marami pang komunista ang
susuko dahil sa patuloy na operasyon ng militar
at ng 4th Special Action Battalion, SAF-PNP.
“Kung may mga medikal na kundisyon
na kailangan ng pansin, awtomatiko
namin silang ipapagamot habang sila
aynasailalimngamingpangangalaga.”
- Lt. Gen. Arnel B Dela Vega,
40 41www.westmincom.com /afpwestmincom
81 TAGA-SUPORTA NG KOMUNISTA
TUMIWALAG SA SULTAN KUDARAT
Binawi ng 80 miyembro ng isang underground
mass organization ang kanilang suporta sa
mga teroristang komunista at ipinangako nila sa
gobyerno ang kanilang katapatan sa
isang diyalogo na ginanap sa Sultan
Kudarat noong ika-25 ng Marso 2018.
Ang nasabing diyalogo ay pinangunahan
ng 33rd Infantry Battalion sa ilalim ni
Lieutenant Colonel Harold Cabunoc at ng
lokal na pamahalaan ng Bagumbayan na
pinamumunuan ni Jonallette De Pedro.
“Ang pagtiwalag ng mga nasabing taga-suporta
ay resulta ng patuloy na opensiba, intelligence
operations, at civil-military operations ng aming
Joint Task Force Central at ang aming efforts sa
reintegrasyon at programa para sa kapayapaan at
pagpapaunlad sa pakikipagtulungan sa mga lokal
na pamahalaan,” sabi ni Lieutenant
General Arnel Dela Vega, kumander
ng Western Mindanao Command.
Sumalirinsadiyalogoangmgamiyembrongtribong
Manobonadatingtaga-suportangGuerillaFront73.
Isinagawa ang diyalogo sa Barangay Kabulanan,
Sultan Kudarat dakong alas-9 ng umaga.
Dagdag pa ni Lieutenant General Dela Vega
na ang mga dating taga-suporta ay base
sa iba’t ibang sitio ng Barangay Kabulanan.
5 KOMUNISTA SUMUKO SA MARINES
SA SULTAN KUDARAT
Limang miyembro ng CPP-NPA-Terrorist
ang sumuko sa Marine Battalion Landing
Team-2 sa Barangay Keytodac, Lebak,
Sultan Kudarat noong ika-28 ng Marso 2018.
Sumuko ang nasabing miyembro ng
Gerilya Front 73 kay Lieutenant Colonel
Jose Marie Santos, ang commanding
officer ng MBLT-2, na sinuportahan ni
Mayor Deonesio Besana ng Lebak at
ng Keytodac, Dulangan Manobo Elders.
Ayon sa Dulangan Manobo Elders,
nagpapalaganap lamang ang New People’s
Army ng mga kasinungalingan sa Manobo
Tribe sa mga bayan ng Lebak at Kalamansig.
Ang mga sumuko ay kinilala bilang
Ariel Udas Apang, 29; Iyoy Lebeg
Nayam, 31; Nicanor Nayam Apang,
38; Ariel Matog Apang, 36, na mula sa
Barangay Keytodak, Lebak at Barangay
Sabanal, Kalamansig, Sultan Kudarat.
Ayon sa mga dating rebelde, napagtanto
nila na ang kanilang grupo ay wala nang
malinaw na direksyon at ideolohiya.
Karamihan na rin sa kanila ay hindi na
nasisiyahan sa kanilang mga pinuno.
Bukod dito, ipinahayag nila na napansin
nila na ang mga sumuko nang maaga ay
tinanggap ng maayos ng pamahalaan.
Isinuko ni Apang at ang kanyang mga
kasama a ng isang Caliber .30 M1 Carbine,
isang 9MM improvised Uzi, isang granada,
at dalawang Improvised Explosive Device.
Sinabi ni Lieutenant General Arnel Dela Vega,
kumander ng Western Mindanao Command,
na paiigtingin pa ang mga operasyon at
information campaign upang hikayatin ang
iba pang mga komunista na sumuko na.
42 43www.westmincom.com /afpwestmincom
Dalawang magkapatid na mga komunista
ang tumiwalag sa komunistang grupo at
nagsuko din ng mga armas sa militar sa
Tacurong City noong ika-26 ng Hulyo 2018.
Sinamahan sina Boyet Gomez Ador, 19,
at Ato Gomez Ador, 18, ng kanilang ama
na si Jun Ador, 48, sa kanilang pormal na
pagsuko kay Colonel Robert Dauz, kumander
ng 1st Mechanized Infantry Brigade.
Sinabi ng dating mga rebelde na ang kanilang
ama na isang dating kasapi ng komunista ang
nagkumbinsi sa kanila na talikuran na ang kilusan.
IsinukorinniBoyetatAtoangisang40mmGrenade
Launcher at isang lokal na Caliber 5.56mm rifle.
Hinikayat ni Major General Cirilito E. Sobejana,
kumander ng Joint Task Force Central, ang
mga natitirang miyembro ng Gerilya Front
73 sa Sultan Kudarat na sumuko na at
tanggapin ang alok na E-CLIP ng gobyerno.
Umabot na sa 106 na sumukong komunista
ang nabigyan ng mga benepisyong
panlipunan sa pamamagitan ng Task
Force Balik-Loob na pinangunahan ni DND
Undersecretary at dating Army chief na
si Lieutenant General Reynaldo Mapagu.
Karamihan sa mga sumuko ay mga Lumad na
nalinlang ng mga komunista na sumali sa grupo sa
pamamagitan ng paggamit ng mga isyu sa lipunan.
MAGKAPATID NA KOMUNISTA
SUMUKO SA ARMY SA MAGUINDANAO
LIDER, 16 PANG
KOMUNISTA SUMUKO
SA SULTAN KUDARAT
Labing-pitong komunista, kabilang
na ang tagapangulo ng Kilusang
Rebulusyunaryong Barangay, ang tumiwalag
sa Sultan Kudarat noong ika-31 ng Agosto.
	
Isinuko ng nasabing mga komunista ang isang
M1 Garand, dalawang Uzi rifle, isang Caliber.38
pistol,atdalawangImprovisedExplosiveDevice.
Ayon kay Major General Cirilito E. Sobejana,
kumander ng Joint Task Force Central,
napagpasyahan ng 17 komunista na sumuko
dahil sa kahirapan na naranasan nila habang
umiiwas sa mga tropa ng gobyerno at dahil sa
mganabigongpangakongkanilangmgapinuno.
Sumuko ang nasabing tagapangulo, isang
miyembro ng Platoon MyPhone, at 15 pang
miyembro ng Yunit Militia sa tropa ng 33rd
Infantry Battalion, Marine Battalion Landing
Team-2, 1st Mechanized Infantry Battalion,
at Senador Ninoy Aquino Municipal Police
Station sa Sitio Kisaday, Barangay Kuden,
Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.
Agad rin silang isinailalim sa debriefing sa
himpilan ng 33rd Infantry Battalion sa Barangay
Tual President Quirino, Sultan Kudarat.
Ipinahayag ni Major General Sobejana na
ang mga sumukong komunista na kwalipikado
sa programa ng E-CLIP ay makakatanggap
ng agarang tulong na nagkakahalaga ng
P15,000.00, bayad sa armas batay sa uri ng
surrendered firearms, at tulong sa kabuhayan
na nagkakahalaga ng PhP50,000.00.
Mas marami pang mga miyembro ng
komunistang NPAang inaasahang susuko dahil
sa patuloy na operasyon ng militar at pulis.
44 45www.westmincom.com /afpwestmincom
Labing-walong miyembro ng Yunit Milisya
ng New People’s Army ang sumuko sa
tropa ng 33rd Infantry Battalion sa Sultan
Kudarat noong ika-4 ng Oktubre 2018.
Ang mga rebelde ay pinamunuan ni Narding
Sunap, a.k.a Sulong. Kabilang sila sa mga
miyembro ng Yunit Milisya ng Platoon
MyPhone ng Guerilla Front 73 sa ilalim ng
Far South Mindanao Regional Command.
Isinuko rin ni Sulong at ang 17 niyang
tagasunod ang kanilang mga armas kay
2nd Lieutenant Dennis Gamos ng 33rd
Infantry Battalion, Alpha Company sa
Sitio Lubunon, Barangay Midtungok sa
Senador Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.
Isinuko nila ang anim na 12-gauge
shotgun, isang Caliber .22 rifle, isang
granada, isang Uzi, isang Caliber
.45 pistol, isang Caliber .38 pistol,
apat na lite pistol, tatlong 12-gauge
shotgun pistol, at iba’t ibang mga bala.
Sinabi ni Sulong na napagpasyahan
nilang sumako matapos sila ay ilagay sa
unang linya ng depensa ng grupong NPA.
“Binigyan kami ni Ka Makmak ng mga
sandata upang maipagtanggol namin
ang aming mga sarili kung sakaling
makapasok ang mga sundalo sa
aming nayon. Ang aking pangunahing
trabaho ay ang pagtatanim sa aming
communal farm, dagdag pa ni Sulong.
Pormal na iniharap ang mga
sumukong komunista kay Mayor
Randy Ecija Jr. ng Senador Ninoy
Aquino noong ika-8 ng Oktubre 2018.
18 KOMUNISTA
TUMIWALAG SA
SULTAN KUDARAT
Limang miyembro ng Communist New
People’s Army Terrorist (CNT) na nabibilang
sa katutubong Dulangan-Manobo ang kusang
sumuko sa Marine Battalion Landing Team-
2 sa pamumuno ng 1st Marine Brigade dahil
sa pinaigting na operasyon at pakikiisa sa iba’t
ibang mga sektor sa kabundukan ng Kalamansig,
Sultan Kudarat noong Oktubre 13, 2018.
Tatlo sa mga sumuko ay menor de edad at
miyembro ng Local Guerilla Unit 1
(LGU 1) ng Guerilla Front 73, Far South
Mindanao Regional Committee (FSMRC).
Ang mga sumuko ay kasalukuyang nasa
kustodiya ng 1st Marine Brigade upang
dumaan sa sikolohikal na rehabilitasyon upang
matulungan sila na baguhin ang kanilang
pamumuhay at mabigyan ng kaukulang
kabuhayan sa pamamagitan ng programa
ng gobyerno na Enhanced Comprehensive
Local Integration Program (E-CLIP).
Ayon sa mga sumuko, napagtanto nila na ang
mga ipinangako ng teroristang grupo ay puro
kasinungalingan at panloloko. Sila ay hinikayat
ng mga terorista na sumapi sa kilusan sa
pamamagitan ng pananakot at mga pangakong
halos kabulaanan upang tumaliwas sa gobyerno.
Sila ay pinangakuan din na ang titulo ng
kanilang lupain ay mabibigyan ng Certificate
of Ancestral Domain Title (CADT), mabigyan
ng kabuhayan at makapagpatayo ng paaralan.
Dagdag pa ng mga sumuko na dumaan sila sa
masusing pagsasanay-militar at naging aktibo sa
mga rally sa Davao, Gensan, Marbel at iba pang
lugar. Nagpalipat-lipat sila sa ibat-ibang barangay
upang manghikayat ng panibagong miyembro
at naging dahilan umaano ito na napabayaan
nila ang kanilang mga pamilya at kabuhayan.
Sa ilang taong pakikibaka nila ni isa sa
pinangako ng grupo ay walang natupad at
patuloy silang ginagamit at tinatakot upang
protektahan at suportahan ang nasabing grupo.
Ang lokal na pamahalaan ng Kalamansig
5 MIYEMBRO NG MGA
NPA SUMUKO SA
MARINES
ay handang sumuporta sa ating mga
kapatid na nagbalik-loob sa pamahalaan
pati na rin sa mga nagnanais na sumuko.
“Ang inyong 1st Marine Brigade ay patuloy na
pinaiigting ang paghihimok sa mga CNT na
sumuko sa pamahalaan at magbagong buhay at
makakaasa po kayo na ang inyong Marines ay
patuloynasusuportahananglahatngmgaadhikain
at programa ng ating pamahalaan tungo sa
mapayapa, matatag at maunlad na
pamayanan,” saad ni 1st Marine Brigade
Commander Colonel Eugenion V. Hernandez.
Ang Commander ng Joint Task Force Central,
Maj. Gen. Cirilito E. Sobejana, ay pinuri
din ang mga tropa ng 1st Marine Brigade
sa pamumuno ni Col. Hernandez dahil sa
boluntaryong pagsuko ng 5 miyembro ng NPA.
46 47www.westmincom.com /afpwestmincom
6 NA KOMUNISTA SUMUKO
SA SULTAN KUDARAT
Anim na miyembro ng Guerilla
Front 73 ng teroristang grupo ng
NPA ang sumuko sa Sultan Kudarat
noong ika-30 ng Nobyembre 2018.
SiKaLoloy,50,isangresidentengbayanng
Esperanza, ay nagdala ng lima pang mga
kasamahanupangsuportahananghakbang
patungo sa kapayapaan ng pamahalaan.
“Nalaman namin ang tungkol sa mga
panlipunang benepisyo ng E-CLIP at ang
tulong na ibinigay ng gobyerno sa mga
sumuko nang mas maaga,” sabi niya.
Ang mga sumukong rebelde ay inaasahan
na makatanggap ng mga benepisyo na
pinansyal para sa limang iba’t ibang mga
armas na kanilang ibinalik sa 33rd Infantry
(Makabayan) Battalion. Kabilang sa mga
isinukong armas ang isang Kalibre .30
Springfield Rifle, isang Kalibre .45 M1911
Pistol, at tatlong Kalibre .38 Revolver.
Ayon kay Lieutenant Colonel Harold
Cabunoc, commanding officer ng 33rd
Infantry Battalion, agad na iniharap ang
mga sumukong rebelde kay Mayor Randy
Ecija, Jr. ng Senador Ninoy Aquino,
Sultan Kudarat at Colnonel
Robert Dauz, kumander ng 1st
Mechanized Infantry Brigade.
Proyektong pabahay
Ang pinakahuling pagsuko ng mga
rebeldeng komunista ay nangyari isang
oras pagkatapos ng inspeksyon sa lugar
na iminungkahi para sa proyektong
pabahay ng dating mga rebelde.
Nanguna si Udersecretary Reynaldo
Mapagu, isang dating hepe ng Army
at kasalukuyang pinuno ng Task Force
Balik-Loob, sa inspeksyon sa dalawang
iminumungkahinglugarparasapabahaysa
nayonngMidtungok,SenadorNinoyAquino.
Sinabi ni Mapagu na ipatutupad ng
kanyang tanggapan ang pangako
ni Pangulong Duterte na tulungan
ang mga rebeldeng nagbalik-loob.
“Ang mga pangako ng ating Pangulo ay
totoo.Tinatawagankorinangibapangmga
mga komunista na sumuko na,” sabi niya.
Sinabi ni Major General Cirilito E.
Sobejana, kumander ng Joint Task
Force Central, na isa itong magandang
pagsulong sa kampanya ng AFP laban
sa mga teroristang komunista at isang
repleksyon ng kanilang panibagong
tiwala sa gobyerno sa kabuuan.
Mula Marso 2017, ang 33rd Infantry
Battalion ng Army ay nagpatupad ng
isang epektibong pamamaraan ng kontra-
insurhensya na nagresulta sa pagbagsak
ng dalawang Guerilla Front, ang East
Daguma at ang Kanlurang Daguma.
Ang tagumpay na ito ay nakamit dahil
sa pagsuko ng 95% ng mga kasapi ng
Platoon Arabo, Platoon Cosmod, Platoon
MyPhone, at Platoon Cloudphone.
“Habang lumalawak ang operasyon sa
mgakritikalnalugar,nakatuonangWestern
Mindanao Command sa pagpapananatili
ng estabilidad sa Central Mindanao,”
sabi ni Lieutenant General Arnel B.
Dela Vega, kumander ng WestMinCom.
48 49www.westmincom.com /afpwestmincom
Mga kalupitan at kalabisan ng
NPA, tinuligsa ng mga Lumad sa
Sultan Kudarat
Harap-harapang tinuligsa sa publiko ng isang
grupo ng mga Lumad sa Sultan Kudarat ang mga
bandidong grupo ng New Peoples Army o NPA sa
kanilang isinagawang pagkilos noong nakaraang
Disyembre 26, 2018 kaugnay sa paggunita ng
huli sa ika-50 anibersaryo ng naturang kilusan.
Mahigit sa 30 miyembro ng tribong Manobo
DulanganangnagtiponsaharapanngSoccsksargen
regional center sa Barangay Carpenter dakong
ika-9 ng umaga, habang isinisigaw ang: “NPA
mangingilad (NPA manlilinlang),” at “NPA terorista.”
Nanguna sa nasabing pagtuligsa sa mga
NPA sina Bai Nenita Billones, pinuno ng mga
Lumad, at isang nagpakilalang “Ka Jason,”
isang Manobo at dating miyembro din ng NPA na
kamakailan lamang ay nagbalik-loob sa gobyerno.
Hawak ang mga plakard habang natatakpan
ang kanilang mga mukha, ipinanawagan ng
mga nagprotestang lumad sa mga komunistatng
grupo na tigilan na ang panggugulo at
pananakot sa kanilang mga kumunidad sa
bulubunduking lugar ng Sultan Kudarat.
Karamihan sa mga sumama sa pagpoprotesta
umano ay mga dating miyembro ng NPA
na nagsipagbalik-loob na sa pamahalaan.
Ipinanawagan din nila na tigilan ng nang mga
NPA ang pagrerekluta sa kanilang mga kapatid na
Lumad sa kabundukan, lalo na sa mga kabataan.
Pinabulaanandinngmganagprotestaangalegasyon
ng mga militanteng grupong panig sa mga NPA na
nagkaroon ng “Massacre” sa naganap na insidente
noongDisyembre2017sapagitannggruponiKumader
Datu Victor at ng 27th at 33rd Infantry Battalions.
“Walang massacre, lehitimong engkwentro ang
naganap. Sa katunayan ay tinulungan pang gamutin
ng mga sundalo ang mga nasugatang tagasunod ni
DatuVictormataposangsagupaan.Dinalapangmga
sundalo ang mga sugatang rebelde sa ospital,” anila.
Mapayapang natapos ang pagtitipon
pagkalipas ng ilang minuto.
Maaalalang may mga kaparehas na ding
pagpoprotestangginawaangmgaLumadsaibat-ibang
lugar sa bansa upang tuligsain ang mga karahasan,
kalabisan at mga pang-aabuso ng mga NPA.
Ang mga Lumad ang madalas na biktima sa mga
masasamanggawainngNPAlalonasamgakabundukan.
Protesta ng mga Lumad laban sa CPP-NPA-NDF. Nakilahok ang mga
LumadsaisangprotestanaginanapsaSultanKudaratShrinesaMakati
City noong ika-26 ng Oktubre taong 2018. Ito ay para kondenahin ang
panghihikayat ng Communist Party of the Philippine-New People’s
Army- National Democratic Front sa ng mga kabataang Lumad na
sumapi sa gawaing terorismo. (Larawan ni Joey O. Razon ng PNA)
50 51www.westmincom.com /afpwestmincom
Mga dating rebeldeng Abu
Sayaff at BIFF nakilahok sa
ARMM Governor’s Cup
Nakilahok ang mga dating miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) at
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa katatapos na Gover-
nor’s Cup na pinangunahan ni Autonomous Region in Muslim Mindan-
ao (ARMM) Governor Mojiv S. Hataman, sa pakikipagtulungan ng 6th In-
fantry (Kampilan) Division at ng Cotabato City Rifle and Pistol Association
(CCRPA), noong nakaraang Disyembre 22, 2018 na ginanap sa 6ID Fir-
ing Range sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Nakilahok din sa nasabing Regional Governor’s Shoot fest na tinaguriang
“RG’s Cup” ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF),
Moro National Liberation Front (MNLF), mga sundalo ng Joint Task Force
Central, mga miyembro ng Philippine National Police, Philippine Drug En-
forcement Agency (PDEA), Philippine Air Force, opisyales ng mga Lo-
kal na Pamahalaan, Media practitioners, Non-Government Organiza-
tions, United State Army, at mula sa International Monitoring Team (IMT).
Ang nasabing aktibidad ay bilang pasasalamat ng Regional Governor sa
kanyang mga nasasakupan at iba pang mga stakeholders na naging katuwang
niya sa kanyang matagumpay na pagseserbisyo sa ARMM, kung saan ang
kanyang layunin ay palakasin at paigtingin ang pagkakaisa at pagkakaibigan
ng bawat isa bilang magkakatuwang
tungo sa kapayapaan at kaunlaran.
Ang mga dating rebeldeng Abu
Sayyaf at BIFF na nakilahok ay
taos pusong nagpasalamat sa 6ID
at sa pamahalaang pangrehiyon ng
ARMM sa kanilang nakitang pag-
tanggap at pakikipagkaibigan habang
ginaganap ang nasabing shoot fest.
“We are shooting for fun, winning is
just a secondary to our love of the
game, what is important…is we en-
joy and we achieve the objective of
building our friendship and cama-
raderie”, turan ni 6ID Commander
Major General Cirilito E. Sobejana
bilang pambungad na pananalita.
Ayon naman kay Governor Hata-
man sa kanyang mensahe, “Na-
kakatuwa ang araw na ito, dahil
ang mga dating nag lalaban ay
nandirito upang mag papaputok
sa isang katuwaan at kasiyahan.”
“Nagkakasama-sama tayong la-
hat sa iisang lugar at lokasyon,
hindi upang mag talo ,kundi tayo
ay mag libang, bilang mag kakai-
bigan na isinusulong ang kapayap-
aan at katahimikan sa Mindanao,”
dagdag pa ni Governor Hataman.
52 53www.westmincom.com /afpwestmincom
Ang Abu Sayyaf Group
NOON at
Ang grupong Abu Sayyaf ay pormal na itinatag noong
Abril 4, 1992 ni Abdurajak Abubakar Janjalani. Noong
una ay wala itong pormal na pangalan hanggang sa
nagbigay ng ideya yung isang Afghan na “Abu Sayyaf”
ang ipangalan sa grupo bilang pagpaparangal sa isang
bayaning Afghan na si Abu Abdurasul Sayyaf na namatay
sa digmaan sa Afghanistan. Isang patunay na ang
kaisipan ng Abu Sayyaf ay nagmula sa mga banyaga.
Ang paglitaw ng grupo ay lumikha ng isang malalim na
epekto dahil sa pagsasagawa nito ng mararahas na
gawain upang makamit ang mga layunin nito. Ang mga
miyembro nito ay naghahasik ng mga kasamaan na
mayroon o walang direktang utos. Pinalawak nila ang
kanilang ugnayan sa ibang mga extremistang grupong
Muslim sa ibang bansa na siyang nagbigay ng mga
pangangailangang materyal at suportang moral sa grupo.
Binigyang katuwiran ni Janjalani na ang terorismo at ang iba
pang anyo ng karahasan ay naaayon sa kanilang paniniwala
at ito ay nakasaad sa “mga doktrina ng Islam”. Siya at
ang kanyang mga tagasunod ay may karapatan umanong
pumatay at kunin ang ari-arian ng kanilang mga kaaway
bilang pagsunod sa utos ni Allah at ng Batas ng Islam.
Sa pagkamatay ni Janjalani, siya ay pinalitan ng kapatid
niya na si Khadaffy na siyang nagpalala sa sitwasyon. Mula
noon, kaliwa’t kanang karahasan ang naitala na ang ASG ang
itinurong may pakana gaya ng pagpatay sa mga Katolikong
pari,pagkidnapsamgabanyagangturista,pambobomba,atbp.
Upang pigilan ang paglaganap ng karahasang idinudulot ng
Abu Sayyaf, ang gobyerno sa pamamagitan ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas, ay naglunsad ng mga opensiba/kontra-
aksyon.Sapagdaanngmgataon,maspinaigtingangmgaoperasyon
laban sa notoryosong grupo hanggang sa unti-unti silang humina.
Hindi rin tumigil ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa paghanap
ng mga alternatibong pamamaraan upang wakasan ang terorismo.
Maliban sa combat operation, isa sa mga nakitang solusyon ng
gobyernoatngSandatahangLakasngPilipinasayangpagpapatibay
ng relasyon sa lokal na pamahalaan at sa iba pang sangay ng
gobyerno sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, at Zamboanga Peninsula.
Noong isang taon, bilang pagtugon sa utos ni Pangulong
Rodrigo Roa Duterte na puksain ang mga natitirang miyembro ng
bandidong grupo, mas pinaigting na opensiba ang inilunsad ng
Western Mindanao Command. Ito ay nagbunga ng substansyal na
numero ng rebeldeng sumuko, nahuli, at napatay sa engkwentro.
Dagdag pa rito ay ang paglunsad ng mga Community
Support Programs (CSP) na nakatulong upang makumbinsi
ang mga mamamayan na makipagtulungan sa gobyerno
upang labanan ang terorismo sa kani-kaniyang komunidad.
Dahil dito, maraming mga bandido ang naisipang magbalik-
loob sa gobyerno. Dito nabuo ang ideya ng paglulunsad ng mga
programang pangkabuhayan at pangkaunlaran ng gobyerno
upang magbigay tulong sa mga sumusuko. Ito ay sa pamamagitan
ng PAVE o Program Against Violent Extremism. Ito ay nakahikayat
ng mas marami pang bandido na magbalik-loob sa gobyerno.
Ilan sa mga naitalang pagbabalik-loob sa gobyerno ay ang 3
miyembro ng ASG na boluntaryong sumuko sa tropa ng Philippine
Marine Ready Force 2 sa Sulu noong ika-25 ng Pebrero 2018.
IsapaayangkusangpagsukongnotoryosongAbuSayyafleadernasi
NhurhassanJamiriatangkanyangmgakasapinoongMarso18,2018,
matapos ang matagumpay na negosasyon na inilunsad ng Militar.
Marami pang ibang sumunod gaya na lamang ng 8 miyembro ng
ASG na sumuko nito lamang ika-6 ng Disyembre 2018 sa Sulu.
Mula Enero hanggang Disyembre 10, 2018, ang bilang ng
sumukong miyembro ng grupong Abu Sayyaf ay umabot na sa 202
habang ang bilang naman ng isinukong armas ay umabot na sa 180.
Sa kabuuan, ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay
positibo na sa tulong ng lokal na yunit ng pamahalaan,
pribadong sektor, iba’t ibang organisasyon, at mamamayan ng
Mindanao, tuluyan na nating makakamtan ang kapayapaan
at kasaganaan dito sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
NGAYON
54 55www.westmincom.com /afpwestmincom
Ang Matagumpay na
Kampanya laban sa
BIFF
56 57www.westmincom.com /afpwestmincom
Ang Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters (BIFF) na kilala din sa tawag na
Bangsamoro Islamic Movement ay isang
militanteng Islamist na organisasyon na
gaya ng ibang Morong grupo, ay may
sariling paraan din ng paghahasik ng gulo
sa Mindanao. Ang grupong ito ay aktibong
nag-ooperate sa Maguindanao at kalapit
na mga probinsya sa Sentral Mindanao.
Isa itong breakaway group ng
Moro Islamic Liberation Front na
itinatag ni Ameril Umbra Kato.
KasunodngpagkamatayniKatonoong2015,
ang grupo ay nahati sa tatlong paksyon.
Dahil sa mas pinaigting na operasyon ng
tropangJointTaskForceCentral,tatlumpu’t-
siyam na miyembro ng Bangsamo Islamic
Freedom Fighters ang sumuko mula Enero
1 hanggang Nobyembre 27, 2018. Apat
napu’t isang armas naman ang nakuha
ng military sa mga sumukong rebelde.
	
Matapos mabalitaan ang proyektong
pang-komunidad ng Hukbong Katihan
(Philippine Army) sa kanilang lugar, anim
na miyembro ng BIFF ang nagpasya na
tumiwalag sa kanilang grupo sa Liguasan
Marsh noong ika-9 ng Agosto, 2018.
Ang mga sumukong rebelde ay kasapi ng
pangkat ng BIFF sa ilalim ni Gani Saligan,
isang kilalang rebelde sa timog-kanlurang
Liguasan Marsh na nagtatago pa rin.
Nagdala rin sila ng anim na high-powered
firearms, kabilang ang dalawang Rocket
Propelled Grenade Launchers, dalawang
Caliber .50 Sniper Rifles, isang M14 Rifle,
at isang Caliber .30 Bolt Action Sniper Rifle.
Kabilang sa mga sumuko si Dido
Malawan, 46, ang Deputy Brigade
Commander ng 2nd Division ng BIFF.
“Wala nang mga dahilan para labanan pa
ang pamahalaan. Nalutas na ng mga
sundalo ang aming mga problema, tulad
ng rido, at tinulungan rin nila kaming
magkaroon ng ilaw sa aming nayon
sa pamamagitan ng proyektong
electrification,” sabi ni Malawan.
Nabatid ng iba pang mga sumuko
ang kawalang-kabuluhan ng BIFF
matapos makita ang mga proyekto
sa pagpapaunlad na pinadali ng
AFP sa General SK Pendatun area.
Sa pakikipagtulungan ng Sultan Kudarat
Electric Cooperative, ang 33rd Infantry
Battalion at ang 1st Mechanized
Infantry Battalion ay nanguna sa
implementasyon ng P2 Million proyekto
ng elektripikasyon sa Midpandacan
Village, Bayan ng GSKP sa Maguindanao.
Bukod pa rito, inayos rin ng mga
sundalo ang isang paaralan na
inabandona sa loob ng tatlong taon
dahil sa magulong kapaligiran.
Ang lahat ng mga sumuko ay
nakatanggap ng agarang tulong na
nagkakahalaga ng P20,000.00 mula
kay Maguindanao Congressman Zaid
‘Dong’ Mangudadatu. Makakatanggap
rin sila ng tulong-pangkabuhayan
mula kay Gobernador Esmael ‘Toto’
Mangudadatu ng Maguindanao.
58 59www.westmincom.com /afpwestmincom
Dagdag sa mga unang sumuko ay
ang anim pang miyembro ng BIFF
na sumuko sa tropa sa Liguasan
Marsh noong ika-10 ng Oktubre 2018.
Sumuko si Mama Abdul, a.k.a. Lapu-
Lapu, at ang limang iba pa sa tropa ng
33rd Infantry Battalion, na pinamumunuan
ni Lieutenant Colonel Harold M.
Cabunoc, sa Barangay Midconding,
General SK Pendatun, Maguindanao.
Ang mga sumuko ay mga miyembro
ng BIFF-Karialan faction sa ilalim ni
Kumander Gani Saligan, isang kilalang
rebelde sa Southern Liguasan Marsh.
Isinuko rin ng mga nagbalik-loob ang
kanilang mga armas, kabilang ang
isang M14 rifle, isang Garand rifle, isang
Caliber .45 pistol, dalawang RPG, at
isang improvised Caliber .45 pistol.
Ang mga sumuko ay iprinesenta kay
Gobernador Esmael Mangudadatu, GSKP
Mayor Bonnie Kali, at Assemblyman Toy
Mangudadatu sa Midconding, General
SK Pendatun, at sila ay binigyan ng
dalawampung libong pesos bilang tulong
mulakayCongressmanZajidMangudadatu.
Noong ika-8 ng Nobyembre 2018,
siyam na miyembro naman ng BIFF na
sumuko sa mga tropa ng 33rd Infantry
Battalion noong Oktubre 26, 2018 ang
pormal na iniharap kay Maguindanao
Governor Esmael “Toto” G. Mangudadatu
sa himpilan ng 33IB sa Barangay Tual,
Pangulong Quirino, Sultan Kudarat.
Isinuko ng mga dating rebelde ang
kanilang siyam na armas, kabilang ang
dalawang Caliber 50 Sniper Rifles, tatlong
Rocket Propelled Grenade Launcher,
isang Calibre 5.56mm M653 Assault
Rifle, isang Caliber 7.62mm M14 Rifle, at
dalawang 40mm M79 Grenade Launchers.
Sumuko ang mga rebelde, na
pinamumunuan ni Commander
Banog, isang kilalang kumander
ng BIFF sa lugar ng General SK
Pendatun, sa 33rd Infantry Battalion.
Ayon kay Commander Banog, ang mga
miyembro ng kanyang pamilya ang
nakakumbinsi sa kanyang sumuko.
Nakatanggap naman ng tulong pinansyal
na nagkakahalaga ng P20,000 bawat
isa galing kay Congressman Zajid
‘Dong’ Mangudadatu ang mga sumuko.
Noong ika-10 ng Abril, apat na kasapi ng
BIFF ang sumuko sa Mechanized troops sa
munisipalidad ngAmpatuan, Maguindanao.
Isinuko rin nila ang kanilang mga crew-
served at high-powered firearms, tulad
ng rocket propelled grenade, M16 rifle,
Squad Automatic Weapon, at Garand rifle.
Dagdag pa ditto, sina Junior Dia Kaul, Roy
Saidali Maningkala, at Bin Tato Sulaiman,
mga residente ng Sitio Tukananes,
Midpandakan, General SK Pendatun,
Maguindanao, ay tumiwalag rin sa grupong
BIFF noong ika-22 ng Hunyo 2018.
Isinuko rin nila ang isang 7.62mm M14
rifle, isang 5.56mm M16 rifle, isang
5.56mm M653 carbine, at dalawang sniper
rifle sa tropa ng 602nd Brigade sa Camp
Robert Eduard M. Lucero, Barangay
Nasapian, Carmen, North Cotabato.
Pinili nina Kaul, Maningkala, at Sulaiman
na sumuko sa mga awtoridad at
magbalik-loob dahil sa mas pinaigting na
operasyong militar sa Central Mindanao.
“Nawa’y maging inspirasyon sila sa
mga ibang rebelde. Mas magandang
mapagtagumpayan ang aming hangarin
na bigyan ng isang tahimik at mapayapang
buhay ang mga taga-Mindanao kung
walang dugong dadanak upang
ito ay makamit,” sabi ni Lieutenant
General Arnel B. Dela Vega, kumander
ng Western Mindanao Command.
Sa kabila ng mga nakamit na tagumpay
ng Joint Task Force Central, lalo pa ring
pinaiigting ng tropa ang kanilang operasyon
upang tugisin ang mga nagmamatigas
na terorista sa Central Mindanao.
60 61www.westmincom.com /afpwestmincom
ANG PAGTUGIS SA MGA NATITIRANG
MIYEMBRO NG MAUTE TERRORIST GROUP
Ang Maute Terrorist Group ay
itinatag ng magkapatid na Omar
at Abdullah Maute noong 2012.
Ito ay isang radical Islamist group
na nakabase sa Lanao at kilala rin
sa tawag na Dawlah Islamiya. Ito
ay kinabilangan ng mga mga dating
miyembro ng Moro Islamic Liberation
Front at mga dayuhang mandirigma.
Maraming beses na itong naka-
engkwentro ng mga tropa ng sundalo
subalit ang pinakamarkado ay ang
tinaguriang Battle of Marawi noong
isang taon na nagtagal ng mahigit
limang buwan kung saan napatay ang
karamihan sa kanilang mga miyembro
kasama na ang kanilang mga lider.
Umabot na sa walumpu’t-apat na
miyembro ng Maute Group ang kusang
sumuko sa tropa ng Joint Task Force
ZamPeLan sa pamumuno ni Major
General Roseller Murillo nitong taon
lamang.Isinukorinnilaangpitumpu’tisang
armas bilang tanda ng kanilang katapatan
sa sinumpaang pagbabalik-loob.
Noong Oktubre 9, 2018, pitong miyembro
at taga-suporta ng Dawlah Islamiya/Maute
Group ang sumuko sa tropa ng Joint Task
ForceRanaosaPagayawan,LanaodelSur.
	
Isinuko rin ng grupo ang tatlong M1
Garand Rifle, isang Carbine, apat
na kalibre .45, at isang 9mm pistol
sa tropa ng 55th Infantry Battalion.
Noong Oktubre 10, isang Maute
sniper ang nagpasya ring tumiwalag
sa teroristang grupo sa tulong ng 49th
Infantry Battalion, MILF-Adhoc JointAction
Group (AHJAG), at mga lokal na opisyal.
Isinuko rin ng nasabing Maute sniper
ang kanyang 7.62 Sniper Rifle kay
Lieutenant Colonel Edgar Villanueva,
ang kumander ng 49th Infantry
Battalion, sa Butig, Lanao del Sur.
“Ang kolektibong pagsisikap ng
iba’t ibang mga stakeholder ay
napakahalaga sa pagkakaroon
ng kapayapaan at kasaganaan sa
mga lugar na aming nasasakupan,”
pahayag ni Major General Murillo.
Noong Oktubre 16, dalawa pang
miyembro ng Dawlah Islamiya / Maute
ang sumuko sa Joint Task Force Ranao
sa Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur.
Isinuko ng dalawang nagbalik-loob ang
isang kalibre 50 at isang Garand rifle
kay Lieutenant Colonel Ian Noel Ignes,
kumander ng 55th Infantry Battalion.
Tatlo pang miyembro ng Maute ISIS ang
sumuko sa Joint Task Force Ranao sa
Masiu, Lanao del Sur noong Oktubre 18.
Ang tatlo ay sumuko kay Lieutenant
Colonel Edgar Villanueva, kumander
ng 49th Infantry Battalion, sa tulong
ni Hon. Alonto Gubar, ABC President;
Barangay Chairman Hamil Gubar ng
Sawir, Masiu; at Maliksaif Masjida,
Afgani Deputy Base Commander ng
NDBC BIAF-MILF/JCMP member.
IsinukorinnilasatropaangisangRPG,isang
Kalibre 45 pistola, magasin, at mga bala.
Sa kolaborasyon ng JTF ZamPeLan,
Philippine National Police at nila
Mayor Jamel Kurangking ng Sultan
Dumalongdong at Mohammad Saber D
Solaiman, ang barangay chairwoman
ng Malalis, nagpasyang sumuko ang
anim pang miyembro ng Maute ISIS sa
munisipyo ng Sultan Dumalungdong
sa Lanao del Sur noong Oktubre 22.
Ang anim ay mga tagasunod ng sub-
lider na si Mubarak Manalo, na sangkot
sa panghaharass sa Pantar detachment
noong nakaraang taon na isinagawa
bilang isang dibersyon habang ang ibang
mga Maute ay nakikipaglaban sa mga
sundalo sa main battle area sa Marawi City.
Isinuko ng nasabing mga miyembro ng
Maute ang isang Kalibre .50 Barret rifle,
tatlong M79 grenade launcher, at isang
carbine rifle, sa 49th Infantry Battalion.
Isang 18-anyos na miyembro ng Maute
ang sumuko sa hukbo ng 49th Infantry
“Good Samaritan” Battalion sa Butig,
Lanao del Sur noong Oktubre 29.
SiAsnorayedad14nangsiyaaymahikayat
ng pinuno ng grupong Maute na siAbdullah
Maute, na sumali sa teroristang grupo
noong 2014 kasama ang labindalawang
iba pa na pawang mga menor de edad.
Ayon kay Lieutenant Colonel
Villanueva, ang pinakabatang recruit
ay may edad na 9 at sila ay sangkot sa
pakikipaglaban sa pwersa ng gobyerno
noong Pebrero at Nobyembre 2016.
Sa patuloy na pagpapatupad ng
Community Support Programs kasama ng
lokal na pamahalaan at ang patuloy na
pakikipag-usap sa mga kamag-anak ng
natitirang miyembro ng teroristang grupo,
dalawangmiyembrongDawlahIslamiyah-
Maute Group ang sumuko sa mga
tropa ng Bravo Company, 55th Infantry
“Vigilant” Battalion na pinangunahan ni
1st Lieutenant Joseph A. Galapia sa Sitio
Mantapoli, Barangay Tambac, Lumbatan,
Lanao del Sur noong Nobyembre 2.
Isinuko din ng dalawa na kinilalang
sina Camal Makalao at Marcos
Makalao, ang isang M16 rifle at isang
magazine na may siyam na bala.
Sumunod dito ay ang pagsuko ni
AJ, 15 taong gulang, sa 49th Infantry
“Good Samaritan” Battalion ng
Joint Task Force Ranao sa Butig,
Lanao del Sur noong Nobyembre 13.
Si AJ ay nahikayat ng kanyang mga
pinsan, ang magkapatid na Maute,
sa Butig noong nakaraang taon.
Siya ay sinanay kasama ni Asnor
at ng 11 pang mga menor de edad.
Noong Nobyembre 15, sumuko rin ang pito
pang miyembro ng Maute kay Lieutenant
Colonel Ian Noel Ignes, kumander
ng 55th Infantry “Vigilant” Battalion,
sa Lumbaca Unayan, Lanao del Sur.
Ibinigay rin nila ang dalawang M16,
isang M14 rifle, isang UZI, dalawang
kalibre .45, at isang 9mm handgun.
“Ang tuloy-tuloy na pagsuko ng mga
miyembro ng grupong Maute ay
nagpapahiwatig ng panghihina ng
pamumuno at kakayahan ng grupo, kaya
hinihikayat namin ang mga natitirang iba
pa na sumuko na rin at tuluyan nang
mamuhay nang mapayapa,” mensahe
ni Lieutenant General Dela Vega.
Patuloy pa rin ang programa para sa
rehabilitasyon ng Siyudad na Marawi
at ang pagpapalago ng ekonomiya
ng siyudad habang pinapaigting ang
opensiba ng militar upang tugisin ang mga
natitirang miyembro ng grupong Maute.
62 63www.westmincom.com /afpwestmincom
Halos11,605narebeldengNewPeople’sArmyoNPAatmga
taga-suportanitoangnagbalik-loobnasagobyerno,ayon
sa public affairs chief ng Armed Forces of the Philippines
(AFP) na si Colonel Noel Detoyato. Ang nasabing bilang
ay mula noong Enero hanggang Disyembre 2018.
Sa bilang na ito, 1,222 ay mga regular na NPA; 1,398
ay mga “Militia ng Bayan”; 408 ay mula sa mga
“Sangay ng Partido sa Lokalidad”; 1,133 ay mga
miyembro ng “Underground Mass Organization” at
ang 7,444 na iba pa ay pawang mga taga-suporta ng
komunistang terorista. 120 ang napatay habang 196
ang mga naaresto sa pinaigting na operasyon ng militar.
Tinatayang nasa 787 ang nakuhang matataas na kalibre
ng armas habang 1,074 naman ang mababang klase ng
baril. Mayroon ding 546 na improvised explosive devices
o IED ang nakumpiska at nabawi, samantalang may 310
napinagkutaanangnakuhangmgapwersanggobyerno.
Kamakailan, sinabi ni AFP chief-of-staff, Lt. Gen.
Benjamin Madrigal na ang Communist Party of
the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA)
ay ginunita ang kanilang ika-50 anibersaryo ng
pagkakatatag na walang tunay na saysay at ang mga
miyembro nito ay patuloy lamang na nakikipaglaban
ng walang katuturan at malinaw na kadahilanan.
“Muli, sa abot ng aming kaalaman, ang CPP-NPA ay
walang dahilan upang magdiwang dahil wala naman
silangmaipagmamalakingmabutingnagawa.Naisnamin
silangpaalalahanannamayroonparinsilangpagpipilian:
handa namin silang tangapin, upang sila ay makinabang
sa mga benepisyong kaloob ng ‘Balik-Loob’ o masawi
sa patuloy na pakikipaglaban ng walang katuturan
at patutunguhan,” dagdag pa ni Lt. Gen. Madrigal.
“Handa namin silang tangapin,
upang sila ay makinabang
sa mga benepisyong kaloob
ng ‘Balik-Loob’ o masawi sa
patuloy na pakikipaglaban
ng walang katuturan at
patutunguhan.”
Mahigit 11,000 na Rebelde at Taga-suporta ang nag Balik-loob na
64 www.westmincom.com
www.westmincom.com
/ a f p w e s t m i n c o m
tfbalikloob@dnd.gov.ph
/balikloobph

More Related Content

Featured

Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage EngineeringsProduct Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Pixeldarts
 
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthHow Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
ThinkNow
 
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
marketingartwork
 
Skeleton Culture Code
Skeleton Culture CodeSkeleton Culture Code
Skeleton Culture Code
Skeleton Technologies
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
Neil Kimberley
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
contently
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
Albert Qian
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Kurio // The Social Media Age(ncy)
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Search Engine Journal
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
SpeakerHub
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
Tessa Mero
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Lily Ray
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
Rajiv Jayarajah, MAppComm, ACC
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
Christy Abraham Joy
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
Vit Horky
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
MindGenius
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
RachelPearson36
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Applitools
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work
GetSmarter
 

Featured (20)

Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage EngineeringsProduct Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
 
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthHow Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
 
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
 
Skeleton Culture Code
Skeleton Culture CodeSkeleton Culture Code
Skeleton Culture Code
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work
 

Kapayapaan Magazine E-Clip Edition

  • 1.
  • 2. 2 3www.westmincom.com /afpwestmincom EDITORIAL BOARD Chairman Lieutenant General Arnel B Dela Vega AFP Vice-Chairmen Brigadier General Cirilo Thomas P Donato Jr AFP Brigadier General Divino Rey C Pabayo Jr AFP Members Colonel Nolasco B Cawaling (GSC) PAF Lieutenant Colonel Roderick A Balbanero (GSC) PA Lieutenant Colonel Ismael P Mandanas Jr (GSC)PA Lieutenant Commander Ariel B Tero PN Colonel Clarence V Abellera (MNSA) PAF Lieutenant Colonel Antonio A Mandawe PAF Lieutenant Colonel Gerry M Besana Infantry (GSC) PA Lieutenant Colonel Miguel E Ceballos (GSC) PA EDITORIAL STAFF Editor-in-Chief Lieutenant Colonel Gerry M Besana Infantry (GSC) PA Staff Writers Miss Donita Lou A Bemida CE Miss Jennie A Dacuba CE Photographers Technical Sergeant Marty Gee D Vicente PAF Staff Sergeant Ruel A Casanes PA Sergeant Rowell C Galvez PAF Circulating Staff Technical Sergeant Elvin S Marquez PAF Technical Sergeant Luis E Devila PN(M) Sergeant Jayve O Paragas PAF Corporal Edward Ryan C Icawalo PAF Venus C Hamoy Laizel Ann S Tahil Design Consultant Colonel Jose Victor L Vargas Junior (GSC) PAF 4th Civil Relations Group, CRSAFP Senior Design Staff Captain Kasim U Gayak (Infantry) PA Design and Lay-out Artist Ian Irving Bacungan Editorial Consultant Colonel Leonardo I Pena (MNSA) PA Ang Pagmulat mula sa 50 Taong Kasinungalingan at Panlilinlang ng CPP-NPA-NDF Mula nang naitatag ang teroristang grupo ng New People’s Army (NPA) noong 1968, napakarami nang mga inosenteng kababayan natin, lalo na sa mga kabatan, ang nalinlang ng kanilang mga huwad na pangako. Sa ating edisyon ng Kapayapaan Magazine, matutunghayan natin ang ibat-ibang istorya ng kanilang mga naging biktima. Kadalasan, mayroong mga pinangakuan ng suportang pinansyal, pangkabuhayan, pagmamay-ari ng sariling lupa at iba pang mga benepisyo kapalitngpag-aaklaslabansagobyerno. Ayon sa mga lider ng mga kapatid nating Lumad, karaniwang ginagamit ng mga teroristang NPAang mga isyu sa lipunan upang himukin ang karamihan sa kanilang mga katribo, pati na ang mga kabataan na sumali sa kanilang grupo. Dagdag pa dito, ginamitan din ng dahas ang mga nagmamatigas na mamamayan upang sapilitang isailalim sa pagsasanay bilang paghahanda sa kanilang pakikibaka. Maliban sa mga direktang paninira at desimuladong pagnanakaw sa kaban ng gobyerno, may mga insidente rin diumano ng pagsasamantala ang mga lider ng teroristang grupo sa mga katutubong kababaihan na kanilang narekrut. Sa artikulong nailathala sa isang pahayagan, sinabi ni Bae Matumpis, isang lider ng kabataan mula sa mga katutubo, na ang mga kabataan sa kanilang tribo ay hinihikayat na pumasok sa Pambansang Demokrasyang Paaralan kapalit ng libreng pagkain, tirahan, at edukasyon. Subalit, sa halip na aklat ang kanilang hawak, ang mga batang ito ay tinuturuan ng paggamit ng armas at sinasanay sa pakikipagdigma. Sa pag-upo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, pinalawig ng gobyerno ang kampanya kontra terorismo sa pamamagitan ng pagtugis sa mga nalalabing mga terorista. Sa kabila nito, pinaigting din at mas binigyang pansin ang paghimok sa kanilang mga naloko at nabiktima upang makapagbagong-buhay. Sa panig ng Western Mindanao Command, patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyales at mga mamamayan na maging aktibo sa programang pangkapayapaan upang matugunan ang mga suliraning panlipunan at matulungan ang mga nagnanais magbalik-loob at magbagong-buhay. Sa pagkakatatag ng Task Force Balik- Loob at sa mas pinaigting na opensiba
  • 3. 4 5www.westmincom.com /afpwestmincom ng militar, nakapagtala ang Western Mindanao Command ng 279 myembro ng teroristang NPA na na-neutralize: 2 dito ang napatay sa engkwentro, 7 ang nahuli, at 270 ang sumuko sa mga tropa ng Joint Task Force Central at ZamPeLan mula lamang noong Enero hanggang Disyembre sa taong kasalukuyan. Ang lahat ng mga dating rebeldeng NPA na kwalipikado ay ipinatala sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Marami na ang namulat sa mga kasinungalingan ng teroristang NPA na ang tanging hangarin lamang ay magpalaganap ng kaguluhan sa Mindanao at unahin ang pansariling interes ng mga lider. Ang Western Mindanao Command ay naniniwala na hindi digmaan ang solusyon sa pagsugpo sa terorismo kundi ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan upang makamtan ang inaasam na kapayapaan sa mahinahong paraan. Asahan ninyo na patuloy na susuportahan ng Team WestMinCom ang mga programang pangkapayapaan ng pamahalaan, kasama na ang pagtataguyod sa matagumpay na pagdaraos ng nalalapit na plebesito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law para sa kapakanan ng ating mga kapatid na Muslim at sa mga taga-Mindanao na lubos na naghahangad ng katahimikan at kaunlaran. LTC GERRY M BESANA (GSC) PA AssistantChiefofUnifiedCommandStaffforCMO,U7 WesternMindanaoCommand,AFP
  • 4. 6 7www.westmincom.com /afpwestmincom COMMANDER WESTERN MINDANAO COMMAND Armed Forces of the Philippines Mula sa mga taong bumubuo ng Western Mindanao Command, taos puso kong binabati at pinapasalamatan ang mga mamamayan sa patuloy na pagsuporta sa kasundaluhan at sa ating mga progama upang makamtan ang kapayapaan at kaunlaran dito sa Mindanao. Lubos po kaming nasisiyahan na kayo ay naging katuwang namin sa lahat ng aming mga napagtagumpayan. Ang lahat po ng aming nakamtan ay pagpapatunay na ang kapayapaan ay pangkalahatan. Lahat po ay maaari nating makamit kung tayo po ay magtutulungan, hindi lamang para sa ating personal na interest, kundi para rin sa kinabukasan ng ating mga anak at ng mga susunodnahenerasyon.Angpakikiisangmilitar,pulis,mgalokalnaopisyal,atngmamamayanang naging susi upang mapagtagumpayan natin ang ating kampanya laban sa mga teroristang grupo. Ngayon ay inaani na po natin ang mga bunga ng ating pagtitiyaga at pagsasakripisyo sapagkat nakikita na natin na marami nang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front, Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at Maute/Dawlah Islamiyah ang nagbalik-loob sa gobyerno. Gayonpaman, hindi nagtatapos dito ang ating mga responsibilidad. Sa bahagi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, kami po ay nakatuon sa aming mandato na tugisin ang mga natitirang miyembro ng mga teroristang grupo sa Mindanao sa pamamagitan ng aming mga opensiba at sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, mga pribado at pampublikong sektor, at iba pang mga organisasyon. Dagdag pa dito, kami ay patuloy na nananawagan sa mga natitirang kasapi ng mga teroristang grupo na sila ay magbalik-loob na sa gobyerno, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kanilang mga anak, pamilya, at sa mga taga-Mindanao na walang ibang hangad kundi ang matiwasay, mapayapa, at tahimik na pamumuhay. Ang taong 2018 ay isang matagumpay at masaganang taon para sa Western Mindanao Command at sa lahat ng mamamayan ng nasasakupan nito at ito ay ipinagpapasalamat natin sa Poong Maykapal. Ngayong kapaskuhan at Bagong Taon, nawa’y patuloy tayong pagpalain at proteksyunan ng Diyos sa lahat ng ating mga misyon. Nawa’y patuloy niya ring gabayan ang mga naliligaw patungo sa tamang landas. Maligayang Pasko at isang Masaganang Bagong Taon sa ating lahat! A R N E L B D E L A V E G A Lieutenant General AFP
  • 5. 8 9www.westmincom.com /afpwestmincom Inilabas ng Department of National Defense (DND) ang Implementing Rules and Regulations o IRR para sa Task Force “Balik-Loob” (TFBL), ang pamunuang naatasan upang icentralize ang lahat ng inisyatiba ng ibat-ibang tanggapan ng gobyerno para sa reintegration ng mga dating rebeldeng kumunista. Ang IRR na nakapaloob sa pitong pahinang dokumento,naisinapublikonoongMayo29,2018, ay nilagdaan ni DND Secretary Delfin Lorenzana, DILG Secretary (dating Undersecretary) Eduardo Año, Housing General Manager Marcelino Escalada Jr., dating Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, at ni Undersecretary of the Office of the President Nelson Estares. Ang kautusan at regulasyon na nakapaloob sa dukumentong ito ay naging epektibo makalipas ang labing-limang araw matapos ang nasabing pagsasapubliko sa dalawang pahayagan na may malawak na sirkulasyon at matapos itong mairehistro sa Office of National Administrative Register (ONAR), UP Law Center, Quezon City. Ang IRR ay alinsunod sa Administrative Order (AO) No. 10 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong April 3, 2018 kung saan ay binubuo din and TFBL bilang sentro ng ugnayan, tagapaglunsad at magmamasid sa lahat ng hakbangin para sa reintegrasyon. Ang IRR ng TFBL and siyang magbibigay ng balangkas upang ipursige ang isang pambansang programa na komprehensibo, pinagsamasama, at nakabase sa tunay na pangangailangan ng mga kumunidad na dapat ay maisakatuparan sa mga pamayanan upang matugunan ang estadong legal at pansiguridad ng mga dating rebelde, kasama na rin ang kanilang pangangailangang pang ekonomiya, rehabilitasyong pangsikolohikal, at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at para sa pangmatagalang pangkabuhayan na suportado ng pinatatag na mga institusyon upang masiguro ang epektibong implementasyon at makamit ang lahat ng mga naturang mithiin. Sa ilalim ng kautusan, ang TFBL ay binigyan ng tungkulin upang pag-isahin ang dalawang programa ng gobyerno para sa mga dating rebeldeng NPA: ang Comprehensive Local Integration Program (CLIP) na ipinapatupad ng DILG; at ang PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) na ipinapatupad ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP); at iba pang mga serbisyong pampubliko ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno. And pinag-isang programa ay tinatawag ngayon na E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program na nagbibigay ng kumpletong package upang matulungan ang mga dating rebelde. Ang ilan sa mga benepisyong matatanggap ng mga nagsipagbalik-loob, kasama sa kanilang kaligtasan at seguridad, ay ang pagtanggap ng PHP15,000 immediate assistance, PHP21,000 para sa kanilang pagkain, suporta IRR para sa Task Force na tutulong sa mga dating rebelde inilunsad ng DND
  • 6. 10 11www.westmincom.com /afpwestmincom para sa kanilang paglipat ng tahanan kasama ng kanilang pamilya kung kinakailangan, PHP50,000 livelihood assistance, pansamantalahang tahanan, pagpapatala sa PhilHealth, medical assistance, pabahay, modified Conditional Cash Transfer, tulong pang legal, livelihood materials, healing and reconciliationinitiatives,atmaramipangibangayuda. Mga Bumubuo sa TFBL at Kanilang mga Tungkulin Ang TFBL ay binubuo ng mga kinatawan, na may ranggong hindi bababa sa Undersecretary, mula sa DND, DILG, OPAPP, Office of the President at mula sa National Housing Authority. Ang Task Force ay pinamumunuan ng kinatawan ng DND na maaaring magsalingmgakinatawanmulasaibat-ibangahensya at kagawaran ng gobyerno kung kinakailangan. Gagampanan ng task force ang mga sumusunod: • Buohin at isakatuparan and isang Strategic Communication (StratCom) Plan at ang mga alituntunin sa pagpapaganap ng reintegration efforts • Tugunan ang anumang kakaharaping problema sa local at pambansang lebel • Pakikipag-ugnayan sa kinauukulang local na ahensya ng gobyerno upang siguruhin ang epektibo at napapanahong implementasyon ng mga programa • Magbigay ng tulong para sa kapabilidad ng mga kinauukulang local na pamahalaan • Paghahanda para sa koordinasyon, pagbabantay, mekanismo para sa pag-aaral at pagbibigay ulat na magagamit ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno upang masuri ang estado ng proseso ukol sa integrasyon • Paghahanda ng regular na pinagsamasamang ulat sa implementasyon na isusumite sa Tanggapan ng Pangulo • Regular na pagsusuri at pag-update ng StartCom Plan, Implementing Guidelines at iba pang mekanismo upang masiguro na nakakatugon at epektibo ang reintegration efforts • Pagtawag ng tulong at kooperasyon ng ibat- ibang ahensya ng gobyerno para sa epektibong implementasyon ng kautusan base saAO No. 10. Sino ang mga Benepisyaryo Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng E-CLIP ay mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at ng National Democratic Front (NDF) na boluntaryong tinalikdan ang armadongpakikibakaatpinilingmagingproduktibongmyembronglipunan. Ang kanilang mga asawa, kinakasama, mga anak, lehitimo man o hindi, mga magulang o mga kapatid ay kasama din sa mga makikinabang. Samantala, ang mga miyembro ng Milisya ng Bayan (MB), na nagbalik-loob mula noong April 3, 2018 ay pupwede ring makatanggap ng mga sumusunod na tulong: 1) Immediate Assistance; 2) Reintegration Assistance at 3) Firearm Remuneration Ang mga MB ay yaong mga taong naindoktrinahan at maaaring nakasali o hindi man nakasali sa anumang armadong pakikibaka ngunit organisado upang magbigay ng suportang masa para sa kilusang rebolusyunaryo ng CPP/NPA/NDF. Ang E-CLIP ay sumasakop sa mga nagsipagbalik-loob mula noong April 3, 2018 o kasabay sa kautusan ni Pangulong Duterte. Lahat ng mga dating rebelde na nagbalik-loob simula noong July 1, 2016 ay makatatanggap din ng mga benepisyo mula sa bagong programa na karagdagan sa kanilang natanggap na mula sa dating CLIP.
  • 7. 12 13www.westmincom.com /afpwestmincom Frequently Asked Questions (FAQs) Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) 1. Ano ang E-CLIP? Ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik- loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang mga pamilya. Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng mga iba’t-ibang tulong, kaalaman, at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay. Ang tulong na ito ng pamahalaan ay hindi lamang sa kanila kundi para din sa kanilang pamilya at komunidad. 2. Para kanino ang E-CLIP? AyonsaAdministrativeOrderNo.10nanilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-3 ng Abril 2018, at sa Implementing Rules and Regulations ng nasabing kautusan, ang E-CLIP ay para sa mga nagbalik-loob simula noong ika-3 ng Abril 2018, kabilang ang mga sumusunod: a. Regular na miyembro ng CPP-NPA-NDF; b. Kanilang asawa, anak, at kinakasama legitimate or illegitimate, at kanilang mga magulang at kapatid; c. Mga miyembro ng Militia ng Bayan 3. Anu-ano ang matatanggap ng mga magbabalik-loob sa pamahalaan? Base sa kanilang indibidwal na pangangailangan, ang mga sumusunod ang maaring matatanggap ng mga magbabalik-loob sa pamahalaan*: • Immediate Assistance – Php 15,000.00 • FirearmRemuneration–Anghalagaaynakabatay sakondisyonngarmasomgaarmasnaisusukosapamahalaan. • Livelihood Assistance – Php 50,000.00 • Serbisyo ng Gobyerno – Pagpapatala sa census, pagkakaroon ng mga government- issued IDs, pagkuha ng birth certificate, at iba pa. • Serbisyong Pangkalusugan – Libreng serbisyong pangkalusugan mula sa mga ospital o pagamutan ng Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health mula konsultasyon sa mga espesyalistang doktor, diagnostic at laboratory procedures, gamot, at iba pa. • Pabahay – ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na kuwalipikado ay maaring mabigyan ng pabahay sa tulong ng National Housing Authority • Modified Conditional Cash Transfer – Ang mga magbabalik-loob sa pamahalaan ay maaring pagkalooban ng buwanang tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan o Department of Social Welfare and Development na kasalukuyang iniaakma sa kanilang mga pangangailangan. • Tulong Pangkabuhayan o Tulong para magkatrabaho – Ito ay tulong mula sa iba’t- ibang ahensya ng pamahalaan na maaring gamit pangkabuhayan o pang-negosyo, o pagbibigay ng referral sa mga tanggapan ng gobyerno o pribadong ahensiya / kumpanya, at iba pang tulong sa mga dating rebelde na nais magkaroon ng permanenteng trabaho. • Pautang at Market Access – Sa tulong ng mga ahensiyang nagkakaloob ng pautang sa abot-kayang interes, maaaring makautang ang mga dating rebelde nang hindi kailangan ng kolateral. Ang halagang inutang ay maaaring gawing puhunan para sa mga nagnanais palaguin ang kanilang kabuhayan, o karagdagang pantustos sa kanilang pangangailangan. Sila ay tutulungan din ng ilang ahensya ng pamahalaan upang mailapit ang kanilang mga produkto sa mga mamimili • Tulong Panlegal – Ang mga dating rebelde na may kinakaharap na kaso ay tutulungan ng pamahalaan sa pamamagitan libreng serbisyo ng mga abogado nito mula sa Kagawaran ng Katarungan (Department of Justice). Ang pagkakaroon ng kaso ay hindi hadlang upang matanggap nila ang mga benepisyong nakalaan para sa kanila at kanilang mga pamilya sa ilalim ng E-CLIP. • Alternative Learning System – Para sa mga nagbalik-loob na nais mag-aral o ituloy ang kanilang naantalang pag-aaral, ang programang Alternative Learning System ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education ang para sa kanila. Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng katumbas na sertipikasyon ng pagtatapos sa edukasyong elementarya at sekondarya. • Tulong Sikososyal (Psychosocial Assistance) – Isa sa pinakamahalaga at agarang tulong para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan ay ang karampatang tulong sikososyal (psyschosocial assistance) upang tulungan silang makalimot at makabangon sa kanilang masalimuot na karanasan nang sila ay kasapi pa ng CPP-NPA-NDF. • Conditional Transitional Grant – Ito ay karagdagang tulong sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan na kanilang matatanggap isang taon matapos silang pormal na mapabilang sa E-CLIP. Ito ay ipagkakaloob sa kanila sa loob ng dalawang taon. • Pangmatrikula at Panggastos sa Kolehiyo (CollegeTuition and Stipend) – Ito ay tulong para sa isang anak o asawa ng mga dating rebelde upang sila ay makapagtapos sa kolehiyo. Sila rin ay bibigyan panggastos habang nag-aaral. • Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Projects – Ang mga proyektong ito ng Office for the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) ay naglalayong magtayo ng mga pasilidad at imprastruktura sa mga pamayanan kung saan naninirahan ang mga nagbalik- loob sa pamahalaan. Sa proyektong ito, hindi lamang ang mga dating rebelde o kanilang pamilya ang makikinabang kundi pati na rin ang kanilang buong komunidad. • Iba pang mga Tulong – Sa inisyatibo ng mga pamahalaang lokal, maari ring magkaloob ng iba’t-ibang uri ng tulong para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan, maliban pa sa benepisyong mula sa pambansang pamahalaan. *Alinsunod sa Implementing Rules and Regulations, ang mga Militia ng Bayan ay maari lamang tumanggap ng Immediate Assistance, Reintegration Assistance, at Firearms Remuneration. 4. Kung ang mga dating miyembro ng CPP-NPA- NDF ay nagbalik-loob bago pa ang ika-3 ng Abril 2018, makatatanggap pa ba sila ng benepisyo ? Ang mga nagbalik-loob simula noong ika- 01 ng Hulyo 2016 ay maari pa ring makatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng E-CLIP ngunit hindi na nila matatanggap ulit ang mga benepisyong naibigay na sa kanila. Kung nakatanggap na sila ng Immediate Assistance, Firearms Remuneration, at Livelihood Assistance, hindi sila kwalipikadong tumanggap pa ulit ng mga ito. 5. Kanino dapat lumapit ang isang miyembro ng CPP- NPA-NDF na gustong magbalik-loob sa pamahalaan? Sinumang nais magbalik-loob sa pamahalaan ay maaring lumapit sa mga receiving unit sa lokal na pamahalaan. Bukod sa mga yunit ng military at kapulisan, ang mga receiving unit ay maaring mga lokal na opisyal, Local Social Worker and Development Officer (LSWDO), kawani ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o Department of Interior and Local Government (DILG), miyembro ng mga civil society organizations, samahang panrelihiyon gaya ng pari, madre, imam, at pastor, layko, o mga indibidwal o organisasyong pinagkakatiwalaan ng sinumang nais magbalik-loob sa pamahalaan. 6. Kanino dapat lumapit ang isang miyembro ng civil society organization, samahang panrelihiyon, o karaniwang mamayanan kung may kakilala o kinukupkop siyang nais magbalik-loob sa pamahalaan? Depende sa kagustuhan ng nais magbalik-loob kungkaninoosaangreceivingunitsiyadapatdalhinngkanyang nilapitang kakilala. Maaaring magtungo sila sa pinakamalapit na yunit ng militar o pulis, o kaya naman ay sa lokal na social worker o opisyal ng lokal na pamahalaan kung kanino mas panatag ang kalooban ng nais magbalik-loob. Matapos nito ay maililipat na sa receiving unit ang pangagalaga sa kanya. 7. Paano malalaman kung ang isang nagbalik- loob ay tunay na miyembro ng CPP-NPA-NDF? Lahat ng mga nais magbalik-loob sa pamahalaan ay kailangang mabigyan ng certification mula sa Joint Armed Forces of the Philippines and Philippine National Police Intelligence Committee o JAPIC. Ito ang paraan ng AFP at PNP upang masuri at mapatunayan kung ang isang nagbalik-loob ay miyembro nga ng CPP-NPA-NDF o Militia ng Bayan. Ang JAPIC Certification ay ang pangunahing dokumentong kailangan ng isang indibidwal para mapabilang sa E-CLIP. Kung wala nito, hindi siya maaaring mailista at makatanggap ng iba’t-ibang tulong mula sa programa. 8. May matatanggap bang tulong ang mga receiving unit mula sa pamahalaan? Ang mga receiving unit ay makatatanggap ng Reintegration Assistance sa halagang Php21,000.00 kada indibidwal na nagbalik-loob sa pamahalaan. Ito ay bilang pantustos sa araw-araw na pangangailangan ng mga nais magbalik-loob katulad ng pagkain, damit, toothbrush, sabon, personal na kagamitan at iba pang gastusin. Bukod sa halagang ito, maari ring magtalaga ng bantay na sundalo o pulis ang pinakamalapit na kampo o istasyon ng AFP-PNP para pangalagaan ang seguridad ng receiving unit. 9. Hanggang kailan mananatili ang isang nais magbalik-loob sa pangangalaga ng isang receiving unit? Ang nais magbalik-loob ay maaring manatili sa pangangalaga ng isang receving unit hanggang siya ay tuluyang mailipat ng LSWDO sa pangangalaga ng isang halfway house. 10. Ano ang halfway house? Ang halfway house ay isang pasilidad kung saan maaaring pansamantalang manuluyan ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan habang pinoproseso ang kanilang pagpapatala sa E-CLIP. Dito isinasagawa ang iba’t-ibang mga aktibidad na naglalayong tulungan sila sa kanilang pagpapanibago mula sa pagiging marahas na bandido tungo sa pagiging mapayapang mamayan. Dito rin huhubugin ang kanilang angking kaalaman, kasanayan, at oportunidad na mapaunlad ang kanilang buhay at komunidad na kabibilangan. Isinasagawa rito ang mga seminar, orientation at pagsasanay ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ukol sa kabuhayan, edukasyon, at kasanayan para sa mga nagbalik-loob. Ang DILG ay may nakalaang pondo para sa pagpapagawa ng mga halfway houses at ang mga pamahalaang lokal ang siyang pangunahing tagapangasiwa sa mga ito. 11. Hanggang kailan maaring mananatili sa half-way house ang isang nagbalik-loob sa pamahalaan? Maaring mananatili sa half-way house ang isang nagbalik-loob sa pamahalaan hanggang makumpleto niya ang programang para sa kanya at kapag ganap na siyang kabilang sa iba’t-ibang programa ng E-CLIP. 12. Ano ang mangyayari sa mga nagbalik-loob na sa pamahalaan, nagkamit ng benepisyo mula sa E-CLIP at nakauwi na mula sa halfway house? Sila ba ay babantayan pa ng pamahalaan? Ang mga nagbalik-loob na nakapagtapos na ng programa sa loob ng isang halfway house at nakatala na sa E-CLIP para sa iba’t ibang benepisyo mula sa pamahalaan ay bibisitahin ng nakakasakop na LSWDO matapos ang anim na buwan mula sa kanilang paglantad. Sila rin ay regular na bibisitahin ng LSWDO kada anim na buwan sa loob ng tatlong taon. 13. Dahil sa dami ng benepisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan sa ilalim ng E-CLIP, hindi kaya lalong mahimok ang ating mga kababayang sumapi na lamang sa CPP- NPA-NDF at pagkatapos ay magbalik-loob sa pamahalaan? Isa lamang ang E-CLIP sa mga programa at inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon upang tuluyan nang matuldukan ang presensiya ng armadong bandidong grupo ng CPP-NPA na limang dekada nang humahadlang sa tunay na kapayapaan at pag-unlad ng ating bansa. Kabilang sa mga ito ay ang pagpigil sa pagdami ng mga bagong kaanib ng grupong komunista – terorista sa pamamagitan ng pagpapaalam sa mga mamamayan ng kanilang mga mapanlinlang at kriminal na gawain upang makaakit ng mga bagong miyembro. Pinalalakas din ng pamahalaan ang presensiya at serbisyo nito sa iba’t-ibang sektor ng lipunan, lalo na sa mga malalayong lugar na kadalasang nagiging biktima ng bandidong grupo. Kasabay nito ay mas pinaigting pa ang opensiba ng militar at pulisya laban sa CPP-NPA-NDF.Ang mga kasapi ng CPP-NPA- NDF ay may pagpipilian - ang magbalik-loob sa pamahalaan at umuwi sa kanilang pamilya, o patuloy na makipaglaban, tiisin ang hirap sa kabundukan habang ang kanilang kurap na lider ay nagpapakasasa sa karangyaan sa ibang bansa, at harapin ang posibilidad na masawi sa marahas na paraan. 14. Maari bang gamitin ng pamahalaan ang mga nagbalik-loob sa operasyon ng military o pulisya laban sa mga dati nilang kasama? Hindi gawain ng pamahalaan na gamitin ang mga dating rebelde laban sa kanilang mga dating kasamahan. Ang mga dating rebelde ay pinahahalagahan, itinuturing na may dignidad at iginagalang ang kanilang mga karapatan. Sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan, sila ay katuwang sa pagtataguyod ng kapayapaan at tunay na pagkakaisa tungo sa pag-unlad ng kanilang pamilya, pamayanan at bayan. 15. Maari bang lumipat ng tirahan ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan? Maaring lumipat ng tirahan ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan nang dahil sa isyung panseguridad o anumang kadahilanan. Kailangan lamamg nilang makipag-ugnayan sa kanilang LSWDO upang ang kanilang mga benipisyo na natatanggap ay mailipat din sa lugar na kanilang paglilipatan.
  • 8. 14 15www.westmincom.com /afpwestmincom Ika-3 ng Abril 2018 nang ipinatupad ni Presidente Rodrigo Roa Duterte, sa bisa ng Administrative Order No. 10, ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na naglalayong palawakin ang mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga dating kasapi ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front, at sa kanilang mga pamilya. Sa ilalim ng E-CLIP, ang isang sumukong komunista ay makakatanggap ng agarang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng PhP15,000, tulong pangkabuhayan na nagkakahalaga ng Php50,000, reintegration assistance na nagkakahalaga ng PhP21,000, firearms remuneration na doble sa halaga ng isinukong armas, PhilHealth enrolment sa ilalim ng programa ng PAMANA at PhilHealth, rehistrasyon sa iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno, rehabilitasyon, at iba pang tulong mula sa pamahalaan. Isa sa mekanismo na inirekomenda ang paglunsad ng sentralisadong pamamaraan upang mapabilis ang reintegrasyon ng mga dating miyembro ng komunista sa pamamagitan ng pagbuo ng Task Force Balik-Loob. Ito ay kinakatawan ng Department of National Defense, Department of Interior and Local Government, Office of the Presidential Adviser on Peace Process, at National Housing Authority. Alinsunod sa Memorandum Circular No. 2018-01 ng DILG, pinaigting ng Western Mindanao Command, sa pamumuno ni Lieutenant General Arnel B. Dela Vega, ang paglungsad ng operasyon laban sa mga terorista upang sila ay mahikayat na magbalik-loob. PinalawakrinngJointTaskForcesangkanilangkampanyaatdayalogoupang itaguyodangprogramangE-CLIP,atipinanatilinilaangkoordinasyonsalokal na pamahalaan, iba’t ibang ahensya, at sektor ng lipunan upang mapabilis ang pagpapaabot ng tulong at benepisyo sa mga sumukong komunista. Nabigyan ng proteksyon ang mga sumuko sa autoridad at napabilis ang pagkakaloobsakanilangsertipikongJointAFP-PNPIntelligenceCommittee sa patuloy na koordinasyon ng WestMinCom sa Philippine National Police. Nagbigay rin ng teknikal na suporta ang Command sa mga iba’t ibang aktibidad ng kaukulang ahensya upang mapalawak ang kakayahan ng mga sumukong komunista, lalo na sa pagpapatupad ng Community Support Program (CSP) or mga programa ng AFP na sumusuporta sa pag-unlad ng mga lokal na komunidad. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga lokal na pamahalaan upang maging epektibo ang implementasyon ng E-CLIP. E-CLI PSuportado ng militar TASK FORCE BALIK-LOOB Itinatag para sa pagpapatupad ng E-CLIP Alinsunod sa Administrative Order No. 10, itinatag ang Task Force Balik-Loob, isang Inter-Agency Task Force, upang magkaroon ng sistematikong at sentralisadong pamamaraan ng pagpapabilis ng reintegrasyon ng mga dating rebelde. Binubuo ang Task Force Balik-Loob ng mga kinatawan, na may ranggo na hindi bababa sa Undersecretary, ng Department of National Defense, Department of Interior and Local Government, Office of the Presidential Adviser on Peace Process, at National Housing Authority. Layunin ng nasabing task force na linangin ang Strategic Communication Plan at Implementing Guidelines para sa reintegration efforts; resolbahin ang mga isyu sa pagpapatupad sa pambansa at lokal na antas; makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang siguraduhin ang epektibong implementasyon ng reintegrasyon; magbigay ng capability assistance sa lokal na pamahalaan; maghanda ng koordinasyon, pagsusubaybay, pagsusuri, at pag-uulat na mekanismo na gagamitin ng lahat ng mga ahensiya sa pagsusuri sa kalagayan ng reintegration efforts; regular na suriin ang StratCom Plan, Implementing Guidelines, at iba pang mga mekanismo; at makipag-ugnayan sa iba pang mga ahensiya para sa pagpapatupad ng Administrative Order No. 10. Bilang tagapamuno ng Task Force Balik- Loob, ang DND ang nagbibigay ng polisiya sa nasabing task force. Nakikipag-ugnay rin ito sa DILG sa pagbubuo ng mga alituntunin, pagsubaybay sa implementasyon ng programa, at pagtataguyod ng koordinasyon sa iba pang mga ahensiya. Responsibilidad rin ng dalawang departamento ang tiyakin kung ang mga dating rebelde ay naging produktibong miyembro na ng kanilang mga komunidad at kung sumunod ang mga lokal na pamahalaan sa mga pamantayan ng programa. Nakaatas naman sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pagpapaigtingin ng operasyon laban sa mga komunista, pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police para sa seguridad ng mga sumukong rebelde, pag-isyu ng dokumentasyon ng mga dating rebelde, pag-isyu ng sertipiko ng Joint AFP-PNP Intelligence Committee, pag-tiyak na nakadokumento ang mga dating rebelde sa tulong ng E-CLIP Committee, pagbigay ng teknikal na tulong sa mga akitibidad sa ilalim ng programa, at pagpapabilis ng reintegrasyon ng mga dating rebelde na kwalipikado. Ang PNP naman ang nakaatas sa seguridad ng mga dating rebelde; koleksyon at dokumentasyon, valuation, kontrol, at disposisyon ng mga armas, amunisyon at eksplosibo na isinuko ng mga dating rebelde; pag-isyu ng JAPIC Certification; at pagbibigay ng teknikal na tulong sa mga akitibidad sa ilalim ng programa. Sa ilalim din ng Administrative Order No. 10, lahat ng mga kaugnay na ahensya ay maaring tumulong sa Task Force Balik-Loob upang matugunan ang mga layunin nito.
  • 9. 16 17www.westmincom.com /afpwestmincom “Mas abot-kamay na natin ang kapay- apaan sa pamamagitan ng E-CLIP. Ito ay isang malaking hakbang ng gobyerno upa- ng hikayatin ang mga nais mag balik-loob at kami naman ay handa kayong tang- gapin at sama-sama natin tahakin ang landas tungo sa tunay na pagkakaisa.” BGen Cirilo Thomas P Donato Jr AFP Deputy Commander for Administration Western Mindanao Command, AFP
  • 10. 18 19www.westmincom.com /afpwestmincom Ang Nalalapit na Pagbagsak ng CPP-NPA-NDF Ika-30 ng Nobyembre 1971 nang itinatag ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa pamumuno ni Benjamin De Vera, isang miyembro ng Kabataang Makabayan National Council, na ipinadala sa Mindanao upang tumulongsapagbuoatpagpapalawig ng Kabataang Makabayan. Sinimulan ni De Vera ang pagtatatag ng organisasyon sa Tagum, Davao del Norte at sa Digos, Davao del Sur. Nang lumaon, tinulungan siya ni Luzviminda David sa organisasyon ng KM chapters sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan. Taong 1982 nang tuluyang itinatag ang Western Mindanao Regional Party Committee na nagmula sa grupong Western Front Committee. Ang kaniyang Sub- Front Committees ay ipinangalan naman na Front Committee 1 “BBC”, Front Committee “Monterosa”, Front Committee-10 Balando, at Front Committee-13. Sa kasagsagan ng pamamayagpag ng NPA noong kalagitnaan ng dekada otsenta, naglunsad sila ng malawakang opensiba laban sa gobyerno at sinakop nila ang mga liblib na bayan sa Luzon at Visayas. Noong sila ay nakaranas ng sunud- sunod na pagkatalo sa kanilang mga operasyon laban sa militar, kanilang pinaghinalaang na sila ay sinusubaybayan ng militar.
  • 11. 20 21www.westmincom.com /afpwestmincom Ito ay sinundan ng ilang serye ng mga madudugong engkwentro na halos nagwasak ng kanilang organisasyon. Nitong taon lamang, umabot na sa 279 na komunista ang nasugpo ng Western Mindanao Command na pinamumunuan ni Lieutenant General Arnel Dela Vega. Sa naitalang ito, dalawa ang napatay, 270 ang sumuko, at pito ang nahuling komunista sa nasasakupan ng Joint Task Forces ZamPeLan at Central. Sa 270 na sumuko, 118 ang kasapi ng Western Mindanao Regional Party Committee, habang 152 naman ang nabibilang sa Guerilla Front 73. Simula Enero ng taong ito, 141 na armas na ang nakuha mula sa mga komunista, 115 rito ang isinuko ng mga dating rebelde at 26 ang narekober ng tropa ng Joint Task Force ZamPeLan sa pamumuno ni Major General Roseller Murillo at Joint Task Force Central sa pamumuno ni Major General Cirilito Sobejana. Ang sunud-sunod na pagsuko ng mga natitirang komunista ay maiuugnay sa patuloy na opensiba ng militar at ang pagpapatupad ng programa ng gobyerno para sa mga nagbabalik-loob sa tulong ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor.
  • 12. 22 23www.westmincom.com /afpwestmincom “Maging inspirasyon sana sa mga ibang rebelde ang ginagawang pagbabalik- loob ng mga dati nilang kasamahan. Mas makakamtan natin ang matagal na nating minimithing kapayapaan kung wala nang kailangan pang mag buwis ng buhay ng dahil sa baluktot na ipinaglalaban.” BRIG. GEN. DIVINO REY C PABAYO JR AFP Deputy Commander for Operations Western Mindanao Command, AFP
  • 13. 24 25www.westmincom.com /afpwestmincom Dalawang komunista sumuko sa tropa sa Misamis Occidental Dalawang komunista ang sumuko sa tropang nagsasagawa ng Community Support Program sa Barangay Tuno, Don Victoriano Chiongbian, Misamis Occidental noong Abril 18, 2018. Kinilala ang dalawang sumuko na sina Reneboy Gumisid Empel at Junny Catulag Martizano, parehong miyembro ng Western Mindanao Regional Party Committee. Si Empel ay miyembro ng TM Baking Squad, samantalang si Martizano ay miyembro ng TM Abe, Squad 1, kapwa ng Komite ng Seksyon “JOJI” SRPC II “Monterosa.” Ayon kay Major General Roseller Murillo, ang kumander ng Joint Task Force ZamPeLan, ang mga sumukong komunista ay dinala sa punong tanggapan ng 10th Infantry Battalion para sa custodial debriefing at medikal na pagsusuri. “Tinatanggap namin ang pagsuko ng mga teroristang komunista sa Mindanao at pinaiigting namin ang aming operasyong militar upang alisin ang mga natitirang banta sa rehiyon,” ayon kay Lieutenant General Arnel Dela Vega, kumander ng Western Mindanao Command. “Nais kong kilalanin ang suporta ng mga lokal na opisyal sa pakikiisa nila upang matugis ang Communist NPA Terrorists. Naniniwala ako na sa patuloy na kooperasyon, magpapatuloy ang mga pagsuko ng mga natitirang komunista,” dagdag pa ni Lieutenant General Dela Vega. MGA KUWENTO NGTAGUMPAY NG JOINTTASK FORCE ZAMPELAN TUNGO SA KAPAYAPAAN Dahil sa kawalan ng pag-asa at desmoralisasyon, labing-tatlong miyembro ng Section Committee “KARA” ng Communist NPA Terrorist (CNT) ang sumuko sa tropa ng 53rd Infantry Battalion sa Zamboanga del Sur noong ika-12 ng Hulyo. Ayon kay Tenyente Koronel Marlowe E. Patria, ang pinuno ng 53IB, tatlong armas, kabilang na ang isang M1 Garand, isang Carbine, at isang Caliber .45 pistol, ang kusang loob na isinuko ng tatlo sa Kampo Major David P. Sabido, Guipos, Zamboanga del Sur. Inihayag ni Eric, 28 anyos at residente ng Dimataling, Zamboanga del Sur, na ang kawalan ng suporta, gutom, at labis na pisikal, mental at emosyonal na paghihirap, sa gitna ng pinaigting na operasyon ng militar, ang nagbunsod sa kanya na sumuko sa awtoridad. Dagdag pa rito ang pinaigting na implementasyon ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan. Ayon kay Eric, nakatulong ang sunod-sunod na anunsyo ng 53IB tungkol sa kanilang peace fellowship kasama ang mga dating rebelde at ang kanilang mga pamilya. Nais rin umano ng karamihan sa mga sumukong komunista na bigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya. “Ang pagsuko ng 13 komunista ay isang patunay na naging instrumento ang pakikipagtulungan ng 53IB, iba pang mga yunit ng militar sa Peninsula, mga ahensya, at ibang sektor ng lipunan, lalo na ang media, sa pag- hihimok sa kanila na magbalik-loob,” ayon kay Koronel Bagnus P. Gaerlan, kumander ng 102nd Infantry Brigade. BukodsatulongpinansyalsailalimngprogramangE-CLIP, ang mga sumukong komunista ay isasailalim sa psycho- social debriefing na pangangasiwaan ng Kagawaran ng KagalingangPanlipunan,praktikalnapagsasanaysatulong ng Technical Education and Skills DevelopmentAuthority, at pagsasanay para mahubog ang kanilang kapasidad. “Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ating mga tropa sa mga kasapi ng NPA na nais nang sumuko at magkaroon ng normal na buhay para sa kanilang mga pamilya. Gayunpaman, lalo nating paiigtingin ang ating operasyon upang nutralisahin ang mga natitirang terorista,” ayon kay Major General Roseller G. Murillo, kumander ng Joint Task Force ZamPeLan. 13 komunista sumuko sa Zambo del Sur
  • 14. 26 27www.westmincom.com /afpwestmincom “Ang pagsuko at pagbabalik-loob ng mga deting rebelde ay resulta ng matinding kampanya ng impormasyon at edukasyon sa E-CLIP, kasama ang walang humpay at nakatutok na operasyong militar sa aming nasasakupan. Inaasahan pa namin na lalo pang dadami ang mag babalik-loob sa ating gobyerno sa tulong na din ng aming mga stakeholders na handang sumuportasaamingpanawaganngkapayapaan” MAJ. GEN. ROSELLER G MURILLO AFP Commander, Joint Task Force ZamPeLan
  • 15. 28 29www.westmincom.com /afpwestmincom 4 na babae, 2 batang rebelde sumuko sa Zambo del Sur Labing-anim na miyembro ng New People’s Army, kasama na ang apat na mga babae at dalawang bata, ang sumuko sa tropa ng 53rd Infantry Battalion sa Kampo Major David Sabido, Poblacion, Guipos, Zamboanga del Sur noong ika-26 ng Setyembre 2018. Isa sa mga sumuko si Cel, isang babaeng rebelde na nasa unang antas sa kolehiyo nang tumigil sa pag-aaral at sumali sa grupo ng mga terorista. “Nagsisisi po ako na ako ay naging isang miyembro ng NPA at naging bahagi ng kanilang mga rebolusyonaryong aktibidad. Sa katunayan, wala pong kahulugan, pag- asa, at direksyon, ang pagiging isang komunista. Nakatapos na po sana ako ng pag-aaral sa kolehiyo kung di po ako sumali sa grupo,” anya ni Cel. Ayon kay Lieutenant Colonel Marlowe E. Patria, ang opisyal na namumuno sa 53IB, patuloy pa rin ang paggamit ng pwersa at pananakot ng NPA sa pagrerekrut ng kanilang mga miyembro. Ito umano ang dahilan kung bakit nagtatagal lamang ng ilang buwan sa gubat ang kanilang mga miyembro. Iilan lamang sa kanilang mga miyembro ang itinuturing na “main- stays,” ngunit sila ang nakakatanggap ng pinakamalaking bahagi sa kanilang koleksyon sa pangingikil. Karamihan sa mga sumuko ay nabibilang sa grupo ng Secom Kara ng Western Mindanao Regional Party Committee, kabilang na ang 13 taong gulang na sumuko sa awtoridad noong ika-12 ng Hulyo. Sila ay base sa mga munisipalidad ng Midsalip, Pagadian, Tigbao, Lakewood, Lapuyan, at San Miguel. Ang dalawang menor de edad ay pangangalagaan ng Department of Social Welfare and Development. Labing-anim na komunista ang sumuko sa mga tropa ng Joint Task Force ZamPeLan sa Imelda, Zamboanga Sibugay noong ika-20 ng Oktubre 2018. Isinuko rin ng mga nasabing komunista ang isang Kalibre .45 at dalawang shotgun kay Colonel Bagnus Gaerlan, kumander ng 102nd Brigade. Sa 16 na sumuko, isa ang regular na miyembro ng grupo, habang 15 ay mula sa Militia ng Bayan na base at naninirahan sa Barangay Balagon, Siay, Zamboanga Sibugay. Ang pagsuko ay pinangasiwaan ni Mayor Jarvis M. Acosta ng Siay at Lieutenant Colonel Jonathan Obena, ang kumander ng 44th Infantry Battalion. Nanumpa ang 16 na mga dating rebelde ng kanilang katapatan sa pamahalaan. Sinabi ni Colonel Gaerlan na ang pagsuko ng 16 na komunista ay makakatulong sa pagbawas ng mga marahas na insidente sa loob ng area of operations ng 102nd Brigade at magpapahina umano ito sa suporta ng baseng masa ng NPA. Pinuri ni Lieutenant General Arnel Dela Vega, kumander ng Western Mindanao Command, ang mga tropa ng 102nd Brigade para sa tagumpay na ito. Kinilala din niya ang aktibong pakikilahok ng mga stakeholder sa matagumpay na pagsuko ng 16 na komunista. “Angtagumpaynaitoaynagpapakitanasapagpapatupad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program, marami pang miyembro ng NPA ang nagnanais nang sumuko at makaranas ng mapayapa at maayos na buhay,” dagdag pa ni Lieutenant General Dela Vega. 16 na komunista tumiwalag, 3 armas isinuko sa Sibugay Sumuko ang 12 kasapi ng Communist NPA Terrorist (CNT) organizing group sa 82nd Infantry Battalion ng Joint Task Force Ranao sa Kapai at Tagoloan, Lanao del Sur noong ika-26 ng Nobyembre 2018. “Ang mga sumukong rebelde ay inorganisa ng Semi Legal Team, Guerilla Front 12, Komite ng Rehiyon ng Hilagang Mindanao,” sabi ni Lieutenant Colonel Jayson Jumawan, ang kumander ng 82IB. Isinuko rin ng CNT organizing group ang dalawang armas, isang Kalibre .30 carbine rifle at isang Kalibre .45 na pistola. Matatandaan na isang lider ng New People’s Army ang napatay sa isang engkwentro laban sa 65th Infantry Battalion sa Tagoloan, Lanao del Sur noong ika-10 ng Nobyembre 2018. PinuriniMajorGeneralRosellerMurillo,kumanderng Joint Task Force ZamPelan (Zamboanga Peninsula at Lanao Provinces), ang mga tropa para sa kanilang mga pagsisikap na humantong sa pagsuko ng 12 miyembro ng grupong nag-organisa ng NPA. “Walang humpay ang aming kampanya laban sa mga komunista at Local Terrorists Group sa aming area of operations upang maprotektahan ang mga komunidad mula sa kanilang mga teroristang aktibidad,” dagdag pa ni Major General Murillo. 12 NPA organizers sumuko sa Lanao del Sur
  • 16. 30 31www.westmincom.com /afpwestmincom Mga nagbalik-loob nagtapos ng TESDA course Limampung rebelde, mga baseng masa supporters, at ang kanilang mga dependents na sumuko sa awtoridad ang nagmartsa sa closing ceremony ng Electrical Installation and Maintenance NCII, isang kurso ng TESDA, na ginanap sa himpilan ng 10th Infantry “Steady On” Battalion sa Misamis Occidental noong ika-15 ng Oktubre 2018. Ang seremonya, na may temang “Malasakit sa Pagbabago, TESDA, Susi sa Kinabukasan,” ay naging posible sa pagtutulungan ng 10IB, Gobernadora Herminia D. Ramiro ng Misamis Occidental, Miraluna Baje- Lopez ng TESDA Misamis Occidental, at Engr. Noel Econ ng TESDA Provincial Training Center-Plaridel. “Sa tulong ng iba pang mga stakeholders, ang 10IB ay patuloy na tutulong upang mahikayat ang mga rebelde na magbalik-loob at sumailalim sa programang E-CLIP ng gobyerno,” ayon kay Major General Roseller Murillo, kumander ng Joint Task Force Zampelan. Pinuri ni Lieutenant General Arnel B. Dela Vega, kumander ng Western Mindanao Command, ang 10IB at ang mga stakeholders na nag-ambag sa tagumpay ng aktibidad. “Binabati ko ang mga bagong nagtapos. Ito ay simula lamang ng isang mas mahusay at maliwanag na hinaharap para sa inyo,” dagdag pa ni Lieutenant General Dela Vega. “Sila nawa ay magsilbing ehemplo sa mga natitirang rebelled na nag-aalinlangan pang sumuko,” pagtatapos niya. 71 dating rebelde pinagkalooban ng benepisyo ng E-CLIP sa Mis Occ Pinagkalooban ng mga benepisyo sa ilalim ng E-CLIP ang 71 dating mga komunista sa Provincial Capitol ng Misamis Occidental sa Oroquieta City noong ika- 17 ng Nobyembre 2018. Personal na ibinigay ni Defense Secretary Delfin Lorenza ang mga tseke na nagkakahalaga ng Php 65,000 sa dating mga rebelde at Php 15,000 sa mga dating miyembro ng Militia ng Bayan bilang bahagi ng reintegrasyon at pinansiyal na tulong ng programa. Ang seremonya ay dinaluhan nina Gobernadora Herminia Ramiro ng Misamis Occidental; Assistant Secretary Roosque Calacat ng Barangay Affairs at Partnership; Undersecretary Reynaldo Mapagu ng Task Force Balik Loob; Bise-Gobernadora Virginia Almonte; Major General Roseller G. Murillo, kumander ng Joint Task Force ZamPeLan; at ang kumite ng E-CLIP, PNP, LGU, at iba pang mga sektor. Ayon kay Colonel Bagnus Gaerlan, kumander ng 102nd Infantry Brigade, animnapu’t siyam sa 71 na sumuko ang mga regular na komunista. Ang dalawang iba pa ay kasapi ng Militia. “Tapat ang ating gobyerno sa pangako nitong suporta sa mga nagbabalik-loob,” saad ni Secretary Lorenzana. Nanumpa rin ang mga dating rebelde ng katapatan at suporta sa pamahalaan. “Pinasasalamatan namin si Governor Ramiro at ang mga stakeholders ng lalawigan ng Misamis Occidental dahil sa pagiging aktibo sa pagpapatupad ng E-CLIP,” sabi ni Major General Murillo.
  • 18. 34 35www.westmincom.com /afpwestmincom NPA kinondena ng 14 sumukong milisiya, 105 na taga-suporta sa Zambo del Sur Kinondena ng 14 na dating miyembro ng milisiya at 105 na kanilang mga taga- suporta ang Communist NPA Terrorist sa isang protesta na ginanap sa Market Site, Bayog, Zamboanga del Sur noong ika-9 ng Nobyembre. Isinuko rin ng mga dating kasapi ng milisiya ang 127 na mga armas kay Lieutenant Colonel Jonathan Obena, ang kumander ng 44th Infantry Battalion, at ang mga ito’y inilagay na sa kustodiya ng PNP Bayog para sa tamang disposisyon. Lumahok rin sa nasabing protesta ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at miyembro ng mga non- governmental organization at mga civic society organization. “Ang protestang isinagawa ng mga dating kasapi ng milisiya ay isang katibayan ng kawalan ng tiwala at pagkondena sa NPA at sa paghahadlang ng grupong ito sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang mga komunidad,” ayon kay Major General Roseller G. Murillo, kumander ng JTF ZamPeLan. Sinundan ang protesta ng panunumpa ng mga dating komunista at taga-suporta ng katapatan sa pamahalaan. “Nakikiisa tayo sa mga lokal na opisyal at iba pang mga ahensya at mga organisasyon para mapadali ang pagpapa- abot ng benepisyo ng programang E-CLIP sa mga sumukong komunista at para makamtan natin ang pangmatagalang kapayapaan na walang paggamit ng mga armas at karahasan,” sabi ni Lieutenant General Arnel Dela Vega, kumander ng Western Mindanao Command. “Nakikiisa tayo sa mga lokal na opisyal at iba pang mga ahensya at mga organisasyon para mapadali ang pagpapa- abot ng benepisyo ng programang E-CLIP sa mga sumukong komunista at para makamtan natin ang pangmatagalang kapayapaan na walang paggamit ng mga armas at karahasan.” - Lt. Gen. Arnel Dela Vega
  • 19. 36 37www.westmincom.com /afpwestmincom “Bukod sa kahirapang nararanasan nila sa pag-iwas sa mga tropa ng gobyerno, isa pa sa matinding dahilan ng pagsuko ng mga dating rebelde ay ang mga nabigong pangako ng kanilang mga pinuno.” MAJ. GEN. CIRILITO E SOBEJANA AFP Commander, Joint Task Force Central
  • 20. 38 39www.westmincom.com /afpwestmincom 8 CPP-NPA terorista sumuko sa Sultan Kudarat 7 komunista sumuko sa militar sa Maguindanao Pitong komunista, na kabilang sa grupo ng isang nagngangalang Mac-Mac, ang sumuko sa tropa ng Joint Task Force Central sa Maguindanao noong Pebrero 12, 2018. Ang mga sumuko ay kinilalang sina Godus Sintaw, 36; Arnel Dimantukay, 21; Donie Diwan, 28; Ghagha Ansag, 25; Danilo Mingkay, 25; Larry Ugalingan, 34; at Jimmy Ulangkaya, 34. Isiinuko rin ng mga nabanggit ang isang 7.62mm M14 rifle, dalawang M1 Garand rifles, isang M16 sniper rifle, isang Springfield rifle, isang kalibre .38 revolver, granada, at landmine. Isinailalim sa custodial debriefing at medical check-up ang mga sumukong rebelde. “Kungmaymgamedikalnakundisyonnakailangan ng pansin, awtomatiko namin silang ipapagamot habangsilaaynasailalimngamingpangangalaga,” sinabi ni Lieutenant General Arnel Dela Vega, kumander ng Western Mindanao Command. MGA KUWENTO NGTAGUMPAY NG JOINT TASK FORCE CENTRAL TUNGO SA KAPAYAPAAN Dulot ng walang humpay na operasyon ng Joint Task Force Central laban sa CPP-NPA-Terrorists, walong komunista ang sumukosaawtoridadsaSultanKudaratnoongika-2ngPebrero. Si Romeo Dongco, a.k.a. Taiwan, 29, ay kabilang sa mga miyembro ng tribo na sumakop ng isang plantasyon ng kape na pag-aari ng pamilya Consunji noong Setyembre 2017. “Sinabi sa amin ni Datu Victor na maaari naming putulin ang mgapunongkapeparamaibaliknaminanglupangamingmga ninuno,” sabi ni Dongco, isang residente ng nayon ng Sumilil. Sumuko rin si Junjun Okom, 29, ang kapitbahay ni Dongco at kapwa miyembro ng Yunit Milisya. Inihayag niya na sila ay sinusuportahanngPlatoonArabongCNTsapagtubossalupain. “Ipinadala ni Ka Yoyo ang kanyang mga armadong tagasunod upangkamiaytulungan.Napaalisrinnaminangmgaguwardiya ng kumpanya gamit ang mga bata na may sibat bilang mga frontliner,” sabi ni Okom, na kasama ang kanyang dalawang kamag-anak na sina Nasio Dungco, 28, at Binta Okom, 50. Ang iba pang mga sumukong komunista ay mga miyembro ng dating Platoon Cloudphone, na sina Batoy Tayak, 49; Goong Tugi, 47; Justin Tugi, 21; at isang batang mandirigma na si Raffy Blah, 16. Samantala, tatlo sa mga sumuko ang nagsumite ng affidavit na nagsasabi na sila ay nauugnay sa isang opisyal ng lokal na pamahalaan. “Pinangunahan niya ang organisasyon ng mga Lumad bilang mga mandirigma ng NPA upang mabawi umano ang mga lupa ng aming mga ninuno. Tinanggap niya sina Ka George at Ka Makmak sa kanyang bahay upang kami ay irecruit noong Mayo 2015,” ika ng isang dating rebeldeng NPA. Inaasahan na mas marami pang komunista ang susuko dahil sa patuloy na operasyon ng militar at ng 4th Special Action Battalion, SAF-PNP. “Kung may mga medikal na kundisyon na kailangan ng pansin, awtomatiko namin silang ipapagamot habang sila aynasailalimngamingpangangalaga.” - Lt. Gen. Arnel B Dela Vega,
  • 21. 40 41www.westmincom.com /afpwestmincom 81 TAGA-SUPORTA NG KOMUNISTA TUMIWALAG SA SULTAN KUDARAT Binawi ng 80 miyembro ng isang underground mass organization ang kanilang suporta sa mga teroristang komunista at ipinangako nila sa gobyerno ang kanilang katapatan sa isang diyalogo na ginanap sa Sultan Kudarat noong ika-25 ng Marso 2018. Ang nasabing diyalogo ay pinangunahan ng 33rd Infantry Battalion sa ilalim ni Lieutenant Colonel Harold Cabunoc at ng lokal na pamahalaan ng Bagumbayan na pinamumunuan ni Jonallette De Pedro. “Ang pagtiwalag ng mga nasabing taga-suporta ay resulta ng patuloy na opensiba, intelligence operations, at civil-military operations ng aming Joint Task Force Central at ang aming efforts sa reintegrasyon at programa para sa kapayapaan at pagpapaunlad sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan,” sabi ni Lieutenant General Arnel Dela Vega, kumander ng Western Mindanao Command. Sumalirinsadiyalogoangmgamiyembrongtribong Manobonadatingtaga-suportangGuerillaFront73. Isinagawa ang diyalogo sa Barangay Kabulanan, Sultan Kudarat dakong alas-9 ng umaga. Dagdag pa ni Lieutenant General Dela Vega na ang mga dating taga-suporta ay base sa iba’t ibang sitio ng Barangay Kabulanan. 5 KOMUNISTA SUMUKO SA MARINES SA SULTAN KUDARAT Limang miyembro ng CPP-NPA-Terrorist ang sumuko sa Marine Battalion Landing Team-2 sa Barangay Keytodac, Lebak, Sultan Kudarat noong ika-28 ng Marso 2018. Sumuko ang nasabing miyembro ng Gerilya Front 73 kay Lieutenant Colonel Jose Marie Santos, ang commanding officer ng MBLT-2, na sinuportahan ni Mayor Deonesio Besana ng Lebak at ng Keytodac, Dulangan Manobo Elders. Ayon sa Dulangan Manobo Elders, nagpapalaganap lamang ang New People’s Army ng mga kasinungalingan sa Manobo Tribe sa mga bayan ng Lebak at Kalamansig. Ang mga sumuko ay kinilala bilang Ariel Udas Apang, 29; Iyoy Lebeg Nayam, 31; Nicanor Nayam Apang, 38; Ariel Matog Apang, 36, na mula sa Barangay Keytodak, Lebak at Barangay Sabanal, Kalamansig, Sultan Kudarat. Ayon sa mga dating rebelde, napagtanto nila na ang kanilang grupo ay wala nang malinaw na direksyon at ideolohiya. Karamihan na rin sa kanila ay hindi na nasisiyahan sa kanilang mga pinuno. Bukod dito, ipinahayag nila na napansin nila na ang mga sumuko nang maaga ay tinanggap ng maayos ng pamahalaan. Isinuko ni Apang at ang kanyang mga kasama a ng isang Caliber .30 M1 Carbine, isang 9MM improvised Uzi, isang granada, at dalawang Improvised Explosive Device. Sinabi ni Lieutenant General Arnel Dela Vega, kumander ng Western Mindanao Command, na paiigtingin pa ang mga operasyon at information campaign upang hikayatin ang iba pang mga komunista na sumuko na.
  • 22. 42 43www.westmincom.com /afpwestmincom Dalawang magkapatid na mga komunista ang tumiwalag sa komunistang grupo at nagsuko din ng mga armas sa militar sa Tacurong City noong ika-26 ng Hulyo 2018. Sinamahan sina Boyet Gomez Ador, 19, at Ato Gomez Ador, 18, ng kanilang ama na si Jun Ador, 48, sa kanilang pormal na pagsuko kay Colonel Robert Dauz, kumander ng 1st Mechanized Infantry Brigade. Sinabi ng dating mga rebelde na ang kanilang ama na isang dating kasapi ng komunista ang nagkumbinsi sa kanila na talikuran na ang kilusan. IsinukorinniBoyetatAtoangisang40mmGrenade Launcher at isang lokal na Caliber 5.56mm rifle. Hinikayat ni Major General Cirilito E. Sobejana, kumander ng Joint Task Force Central, ang mga natitirang miyembro ng Gerilya Front 73 sa Sultan Kudarat na sumuko na at tanggapin ang alok na E-CLIP ng gobyerno. Umabot na sa 106 na sumukong komunista ang nabigyan ng mga benepisyong panlipunan sa pamamagitan ng Task Force Balik-Loob na pinangunahan ni DND Undersecretary at dating Army chief na si Lieutenant General Reynaldo Mapagu. Karamihan sa mga sumuko ay mga Lumad na nalinlang ng mga komunista na sumali sa grupo sa pamamagitan ng paggamit ng mga isyu sa lipunan. MAGKAPATID NA KOMUNISTA SUMUKO SA ARMY SA MAGUINDANAO LIDER, 16 PANG KOMUNISTA SUMUKO SA SULTAN KUDARAT Labing-pitong komunista, kabilang na ang tagapangulo ng Kilusang Rebulusyunaryong Barangay, ang tumiwalag sa Sultan Kudarat noong ika-31 ng Agosto. Isinuko ng nasabing mga komunista ang isang M1 Garand, dalawang Uzi rifle, isang Caliber.38 pistol,atdalawangImprovisedExplosiveDevice. Ayon kay Major General Cirilito E. Sobejana, kumander ng Joint Task Force Central, napagpasyahan ng 17 komunista na sumuko dahil sa kahirapan na naranasan nila habang umiiwas sa mga tropa ng gobyerno at dahil sa mganabigongpangakongkanilangmgapinuno. Sumuko ang nasabing tagapangulo, isang miyembro ng Platoon MyPhone, at 15 pang miyembro ng Yunit Militia sa tropa ng 33rd Infantry Battalion, Marine Battalion Landing Team-2, 1st Mechanized Infantry Battalion, at Senador Ninoy Aquino Municipal Police Station sa Sitio Kisaday, Barangay Kuden, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. Agad rin silang isinailalim sa debriefing sa himpilan ng 33rd Infantry Battalion sa Barangay Tual President Quirino, Sultan Kudarat. Ipinahayag ni Major General Sobejana na ang mga sumukong komunista na kwalipikado sa programa ng E-CLIP ay makakatanggap ng agarang tulong na nagkakahalaga ng P15,000.00, bayad sa armas batay sa uri ng surrendered firearms, at tulong sa kabuhayan na nagkakahalaga ng PhP50,000.00. Mas marami pang mga miyembro ng komunistang NPAang inaasahang susuko dahil sa patuloy na operasyon ng militar at pulis.
  • 23. 44 45www.westmincom.com /afpwestmincom Labing-walong miyembro ng Yunit Milisya ng New People’s Army ang sumuko sa tropa ng 33rd Infantry Battalion sa Sultan Kudarat noong ika-4 ng Oktubre 2018. Ang mga rebelde ay pinamunuan ni Narding Sunap, a.k.a Sulong. Kabilang sila sa mga miyembro ng Yunit Milisya ng Platoon MyPhone ng Guerilla Front 73 sa ilalim ng Far South Mindanao Regional Command. Isinuko rin ni Sulong at ang 17 niyang tagasunod ang kanilang mga armas kay 2nd Lieutenant Dennis Gamos ng 33rd Infantry Battalion, Alpha Company sa Sitio Lubunon, Barangay Midtungok sa Senador Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. Isinuko nila ang anim na 12-gauge shotgun, isang Caliber .22 rifle, isang granada, isang Uzi, isang Caliber .45 pistol, isang Caliber .38 pistol, apat na lite pistol, tatlong 12-gauge shotgun pistol, at iba’t ibang mga bala. Sinabi ni Sulong na napagpasyahan nilang sumako matapos sila ay ilagay sa unang linya ng depensa ng grupong NPA. “Binigyan kami ni Ka Makmak ng mga sandata upang maipagtanggol namin ang aming mga sarili kung sakaling makapasok ang mga sundalo sa aming nayon. Ang aking pangunahing trabaho ay ang pagtatanim sa aming communal farm, dagdag pa ni Sulong. Pormal na iniharap ang mga sumukong komunista kay Mayor Randy Ecija Jr. ng Senador Ninoy Aquino noong ika-8 ng Oktubre 2018. 18 KOMUNISTA TUMIWALAG SA SULTAN KUDARAT Limang miyembro ng Communist New People’s Army Terrorist (CNT) na nabibilang sa katutubong Dulangan-Manobo ang kusang sumuko sa Marine Battalion Landing Team- 2 sa pamumuno ng 1st Marine Brigade dahil sa pinaigting na operasyon at pakikiisa sa iba’t ibang mga sektor sa kabundukan ng Kalamansig, Sultan Kudarat noong Oktubre 13, 2018. Tatlo sa mga sumuko ay menor de edad at miyembro ng Local Guerilla Unit 1 (LGU 1) ng Guerilla Front 73, Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC). Ang mga sumuko ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 1st Marine Brigade upang dumaan sa sikolohikal na rehabilitasyon upang matulungan sila na baguhin ang kanilang pamumuhay at mabigyan ng kaukulang kabuhayan sa pamamagitan ng programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Ayon sa mga sumuko, napagtanto nila na ang mga ipinangako ng teroristang grupo ay puro kasinungalingan at panloloko. Sila ay hinikayat ng mga terorista na sumapi sa kilusan sa pamamagitan ng pananakot at mga pangakong halos kabulaanan upang tumaliwas sa gobyerno. Sila ay pinangakuan din na ang titulo ng kanilang lupain ay mabibigyan ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT), mabigyan ng kabuhayan at makapagpatayo ng paaralan. Dagdag pa ng mga sumuko na dumaan sila sa masusing pagsasanay-militar at naging aktibo sa mga rally sa Davao, Gensan, Marbel at iba pang lugar. Nagpalipat-lipat sila sa ibat-ibang barangay upang manghikayat ng panibagong miyembro at naging dahilan umaano ito na napabayaan nila ang kanilang mga pamilya at kabuhayan. Sa ilang taong pakikibaka nila ni isa sa pinangako ng grupo ay walang natupad at patuloy silang ginagamit at tinatakot upang protektahan at suportahan ang nasabing grupo. Ang lokal na pamahalaan ng Kalamansig 5 MIYEMBRO NG MGA NPA SUMUKO SA MARINES ay handang sumuporta sa ating mga kapatid na nagbalik-loob sa pamahalaan pati na rin sa mga nagnanais na sumuko. “Ang inyong 1st Marine Brigade ay patuloy na pinaiigting ang paghihimok sa mga CNT na sumuko sa pamahalaan at magbagong buhay at makakaasa po kayo na ang inyong Marines ay patuloynasusuportahananglahatngmgaadhikain at programa ng ating pamahalaan tungo sa mapayapa, matatag at maunlad na pamayanan,” saad ni 1st Marine Brigade Commander Colonel Eugenion V. Hernandez. Ang Commander ng Joint Task Force Central, Maj. Gen. Cirilito E. Sobejana, ay pinuri din ang mga tropa ng 1st Marine Brigade sa pamumuno ni Col. Hernandez dahil sa boluntaryong pagsuko ng 5 miyembro ng NPA.
  • 24. 46 47www.westmincom.com /afpwestmincom 6 NA KOMUNISTA SUMUKO SA SULTAN KUDARAT Anim na miyembro ng Guerilla Front 73 ng teroristang grupo ng NPA ang sumuko sa Sultan Kudarat noong ika-30 ng Nobyembre 2018. SiKaLoloy,50,isangresidentengbayanng Esperanza, ay nagdala ng lima pang mga kasamahanupangsuportahananghakbang patungo sa kapayapaan ng pamahalaan. “Nalaman namin ang tungkol sa mga panlipunang benepisyo ng E-CLIP at ang tulong na ibinigay ng gobyerno sa mga sumuko nang mas maaga,” sabi niya. Ang mga sumukong rebelde ay inaasahan na makatanggap ng mga benepisyo na pinansyal para sa limang iba’t ibang mga armas na kanilang ibinalik sa 33rd Infantry (Makabayan) Battalion. Kabilang sa mga isinukong armas ang isang Kalibre .30 Springfield Rifle, isang Kalibre .45 M1911 Pistol, at tatlong Kalibre .38 Revolver. Ayon kay Lieutenant Colonel Harold Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion, agad na iniharap ang mga sumukong rebelde kay Mayor Randy Ecija, Jr. ng Senador Ninoy Aquino, Sultan Kudarat at Colnonel Robert Dauz, kumander ng 1st Mechanized Infantry Brigade. Proyektong pabahay Ang pinakahuling pagsuko ng mga rebeldeng komunista ay nangyari isang oras pagkatapos ng inspeksyon sa lugar na iminungkahi para sa proyektong pabahay ng dating mga rebelde. Nanguna si Udersecretary Reynaldo Mapagu, isang dating hepe ng Army at kasalukuyang pinuno ng Task Force Balik-Loob, sa inspeksyon sa dalawang iminumungkahinglugarparasapabahaysa nayonngMidtungok,SenadorNinoyAquino. Sinabi ni Mapagu na ipatutupad ng kanyang tanggapan ang pangako ni Pangulong Duterte na tulungan ang mga rebeldeng nagbalik-loob. “Ang mga pangako ng ating Pangulo ay totoo.Tinatawagankorinangibapangmga mga komunista na sumuko na,” sabi niya. Sinabi ni Major General Cirilito E. Sobejana, kumander ng Joint Task Force Central, na isa itong magandang pagsulong sa kampanya ng AFP laban sa mga teroristang komunista at isang repleksyon ng kanilang panibagong tiwala sa gobyerno sa kabuuan. Mula Marso 2017, ang 33rd Infantry Battalion ng Army ay nagpatupad ng isang epektibong pamamaraan ng kontra- insurhensya na nagresulta sa pagbagsak ng dalawang Guerilla Front, ang East Daguma at ang Kanlurang Daguma. Ang tagumpay na ito ay nakamit dahil sa pagsuko ng 95% ng mga kasapi ng Platoon Arabo, Platoon Cosmod, Platoon MyPhone, at Platoon Cloudphone. “Habang lumalawak ang operasyon sa mgakritikalnalugar,nakatuonangWestern Mindanao Command sa pagpapananatili ng estabilidad sa Central Mindanao,” sabi ni Lieutenant General Arnel B. Dela Vega, kumander ng WestMinCom.
  • 25. 48 49www.westmincom.com /afpwestmincom Mga kalupitan at kalabisan ng NPA, tinuligsa ng mga Lumad sa Sultan Kudarat Harap-harapang tinuligsa sa publiko ng isang grupo ng mga Lumad sa Sultan Kudarat ang mga bandidong grupo ng New Peoples Army o NPA sa kanilang isinagawang pagkilos noong nakaraang Disyembre 26, 2018 kaugnay sa paggunita ng huli sa ika-50 anibersaryo ng naturang kilusan. Mahigit sa 30 miyembro ng tribong Manobo DulanganangnagtiponsaharapanngSoccsksargen regional center sa Barangay Carpenter dakong ika-9 ng umaga, habang isinisigaw ang: “NPA mangingilad (NPA manlilinlang),” at “NPA terorista.” Nanguna sa nasabing pagtuligsa sa mga NPA sina Bai Nenita Billones, pinuno ng mga Lumad, at isang nagpakilalang “Ka Jason,” isang Manobo at dating miyembro din ng NPA na kamakailan lamang ay nagbalik-loob sa gobyerno. Hawak ang mga plakard habang natatakpan ang kanilang mga mukha, ipinanawagan ng mga nagprotestang lumad sa mga komunistatng grupo na tigilan na ang panggugulo at pananakot sa kanilang mga kumunidad sa bulubunduking lugar ng Sultan Kudarat. Karamihan sa mga sumama sa pagpoprotesta umano ay mga dating miyembro ng NPA na nagsipagbalik-loob na sa pamahalaan. Ipinanawagan din nila na tigilan ng nang mga NPA ang pagrerekluta sa kanilang mga kapatid na Lumad sa kabundukan, lalo na sa mga kabataan. Pinabulaanandinngmganagprotestaangalegasyon ng mga militanteng grupong panig sa mga NPA na nagkaroon ng “Massacre” sa naganap na insidente noongDisyembre2017sapagitannggruponiKumader Datu Victor at ng 27th at 33rd Infantry Battalions. “Walang massacre, lehitimong engkwentro ang naganap. Sa katunayan ay tinulungan pang gamutin ng mga sundalo ang mga nasugatang tagasunod ni DatuVictormataposangsagupaan.Dinalapangmga sundalo ang mga sugatang rebelde sa ospital,” anila. Mapayapang natapos ang pagtitipon pagkalipas ng ilang minuto. Maaalalang may mga kaparehas na ding pagpoprotestangginawaangmgaLumadsaibat-ibang lugar sa bansa upang tuligsain ang mga karahasan, kalabisan at mga pang-aabuso ng mga NPA. Ang mga Lumad ang madalas na biktima sa mga masasamanggawainngNPAlalonasamgakabundukan. Protesta ng mga Lumad laban sa CPP-NPA-NDF. Nakilahok ang mga LumadsaisangprotestanaginanapsaSultanKudaratShrinesaMakati City noong ika-26 ng Oktubre taong 2018. Ito ay para kondenahin ang panghihikayat ng Communist Party of the Philippine-New People’s Army- National Democratic Front sa ng mga kabataang Lumad na sumapi sa gawaing terorismo. (Larawan ni Joey O. Razon ng PNA)
  • 26. 50 51www.westmincom.com /afpwestmincom Mga dating rebeldeng Abu Sayaff at BIFF nakilahok sa ARMM Governor’s Cup Nakilahok ang mga dating miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa katatapos na Gover- nor’s Cup na pinangunahan ni Autonomous Region in Muslim Mindan- ao (ARMM) Governor Mojiv S. Hataman, sa pakikipagtulungan ng 6th In- fantry (Kampilan) Division at ng Cotabato City Rifle and Pistol Association (CCRPA), noong nakaraang Disyembre 22, 2018 na ginanap sa 6ID Fir- ing Range sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Nakilahok din sa nasabing Regional Governor’s Shoot fest na tinaguriang “RG’s Cup” ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), mga sundalo ng Joint Task Force Central, mga miyembro ng Philippine National Police, Philippine Drug En- forcement Agency (PDEA), Philippine Air Force, opisyales ng mga Lo- kal na Pamahalaan, Media practitioners, Non-Government Organiza- tions, United State Army, at mula sa International Monitoring Team (IMT). Ang nasabing aktibidad ay bilang pasasalamat ng Regional Governor sa kanyang mga nasasakupan at iba pang mga stakeholders na naging katuwang niya sa kanyang matagumpay na pagseserbisyo sa ARMM, kung saan ang kanyang layunin ay palakasin at paigtingin ang pagkakaisa at pagkakaibigan ng bawat isa bilang magkakatuwang tungo sa kapayapaan at kaunlaran. Ang mga dating rebeldeng Abu Sayyaf at BIFF na nakilahok ay taos pusong nagpasalamat sa 6ID at sa pamahalaang pangrehiyon ng ARMM sa kanilang nakitang pag- tanggap at pakikipagkaibigan habang ginaganap ang nasabing shoot fest. “We are shooting for fun, winning is just a secondary to our love of the game, what is important…is we en- joy and we achieve the objective of building our friendship and cama- raderie”, turan ni 6ID Commander Major General Cirilito E. Sobejana bilang pambungad na pananalita. Ayon naman kay Governor Hata- man sa kanyang mensahe, “Na- kakatuwa ang araw na ito, dahil ang mga dating nag lalaban ay nandirito upang mag papaputok sa isang katuwaan at kasiyahan.” “Nagkakasama-sama tayong la- hat sa iisang lugar at lokasyon, hindi upang mag talo ,kundi tayo ay mag libang, bilang mag kakai- bigan na isinusulong ang kapayap- aan at katahimikan sa Mindanao,” dagdag pa ni Governor Hataman.
  • 27. 52 53www.westmincom.com /afpwestmincom Ang Abu Sayyaf Group NOON at Ang grupong Abu Sayyaf ay pormal na itinatag noong Abril 4, 1992 ni Abdurajak Abubakar Janjalani. Noong una ay wala itong pormal na pangalan hanggang sa nagbigay ng ideya yung isang Afghan na “Abu Sayyaf” ang ipangalan sa grupo bilang pagpaparangal sa isang bayaning Afghan na si Abu Abdurasul Sayyaf na namatay sa digmaan sa Afghanistan. Isang patunay na ang kaisipan ng Abu Sayyaf ay nagmula sa mga banyaga. Ang paglitaw ng grupo ay lumikha ng isang malalim na epekto dahil sa pagsasagawa nito ng mararahas na gawain upang makamit ang mga layunin nito. Ang mga miyembro nito ay naghahasik ng mga kasamaan na mayroon o walang direktang utos. Pinalawak nila ang kanilang ugnayan sa ibang mga extremistang grupong Muslim sa ibang bansa na siyang nagbigay ng mga pangangailangang materyal at suportang moral sa grupo. Binigyang katuwiran ni Janjalani na ang terorismo at ang iba pang anyo ng karahasan ay naaayon sa kanilang paniniwala at ito ay nakasaad sa “mga doktrina ng Islam”. Siya at ang kanyang mga tagasunod ay may karapatan umanong pumatay at kunin ang ari-arian ng kanilang mga kaaway bilang pagsunod sa utos ni Allah at ng Batas ng Islam. Sa pagkamatay ni Janjalani, siya ay pinalitan ng kapatid niya na si Khadaffy na siyang nagpalala sa sitwasyon. Mula noon, kaliwa’t kanang karahasan ang naitala na ang ASG ang itinurong may pakana gaya ng pagpatay sa mga Katolikong pari,pagkidnapsamgabanyagangturista,pambobomba,atbp. Upang pigilan ang paglaganap ng karahasang idinudulot ng Abu Sayyaf, ang gobyerno sa pamamagitan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ay naglunsad ng mga opensiba/kontra- aksyon.Sapagdaanngmgataon,maspinaigtingangmgaoperasyon laban sa notoryosong grupo hanggang sa unti-unti silang humina. Hindi rin tumigil ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa paghanap ng mga alternatibong pamamaraan upang wakasan ang terorismo. Maliban sa combat operation, isa sa mga nakitang solusyon ng gobyernoatngSandatahangLakasngPilipinasayangpagpapatibay ng relasyon sa lokal na pamahalaan at sa iba pang sangay ng gobyerno sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, at Zamboanga Peninsula. Noong isang taon, bilang pagtugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na puksain ang mga natitirang miyembro ng bandidong grupo, mas pinaigting na opensiba ang inilunsad ng Western Mindanao Command. Ito ay nagbunga ng substansyal na numero ng rebeldeng sumuko, nahuli, at napatay sa engkwentro. Dagdag pa rito ay ang paglunsad ng mga Community Support Programs (CSP) na nakatulong upang makumbinsi ang mga mamamayan na makipagtulungan sa gobyerno upang labanan ang terorismo sa kani-kaniyang komunidad. Dahil dito, maraming mga bandido ang naisipang magbalik- loob sa gobyerno. Dito nabuo ang ideya ng paglulunsad ng mga programang pangkabuhayan at pangkaunlaran ng gobyerno upang magbigay tulong sa mga sumusuko. Ito ay sa pamamagitan ng PAVE o Program Against Violent Extremism. Ito ay nakahikayat ng mas marami pang bandido na magbalik-loob sa gobyerno. Ilan sa mga naitalang pagbabalik-loob sa gobyerno ay ang 3 miyembro ng ASG na boluntaryong sumuko sa tropa ng Philippine Marine Ready Force 2 sa Sulu noong ika-25 ng Pebrero 2018. IsapaayangkusangpagsukongnotoryosongAbuSayyafleadernasi NhurhassanJamiriatangkanyangmgakasapinoongMarso18,2018, matapos ang matagumpay na negosasyon na inilunsad ng Militar. Marami pang ibang sumunod gaya na lamang ng 8 miyembro ng ASG na sumuko nito lamang ika-6 ng Disyembre 2018 sa Sulu. Mula Enero hanggang Disyembre 10, 2018, ang bilang ng sumukong miyembro ng grupong Abu Sayyaf ay umabot na sa 202 habang ang bilang naman ng isinukong armas ay umabot na sa 180. Sa kabuuan, ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay positibo na sa tulong ng lokal na yunit ng pamahalaan, pribadong sektor, iba’t ibang organisasyon, at mamamayan ng Mindanao, tuluyan na nating makakamtan ang kapayapaan at kasaganaan dito sa katimugang bahagi ng Pilipinas. NGAYON
  • 28. 54 55www.westmincom.com /afpwestmincom Ang Matagumpay na Kampanya laban sa BIFF
  • 29. 56 57www.westmincom.com /afpwestmincom Ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na kilala din sa tawag na Bangsamoro Islamic Movement ay isang militanteng Islamist na organisasyon na gaya ng ibang Morong grupo, ay may sariling paraan din ng paghahasik ng gulo sa Mindanao. Ang grupong ito ay aktibong nag-ooperate sa Maguindanao at kalapit na mga probinsya sa Sentral Mindanao. Isa itong breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front na itinatag ni Ameril Umbra Kato. KasunodngpagkamatayniKatonoong2015, ang grupo ay nahati sa tatlong paksyon. Dahil sa mas pinaigting na operasyon ng tropangJointTaskForceCentral,tatlumpu’t- siyam na miyembro ng Bangsamo Islamic Freedom Fighters ang sumuko mula Enero 1 hanggang Nobyembre 27, 2018. Apat napu’t isang armas naman ang nakuha ng military sa mga sumukong rebelde. Matapos mabalitaan ang proyektong pang-komunidad ng Hukbong Katihan (Philippine Army) sa kanilang lugar, anim na miyembro ng BIFF ang nagpasya na tumiwalag sa kanilang grupo sa Liguasan Marsh noong ika-9 ng Agosto, 2018. Ang mga sumukong rebelde ay kasapi ng pangkat ng BIFF sa ilalim ni Gani Saligan, isang kilalang rebelde sa timog-kanlurang Liguasan Marsh na nagtatago pa rin. Nagdala rin sila ng anim na high-powered firearms, kabilang ang dalawang Rocket Propelled Grenade Launchers, dalawang Caliber .50 Sniper Rifles, isang M14 Rifle, at isang Caliber .30 Bolt Action Sniper Rifle. Kabilang sa mga sumuko si Dido Malawan, 46, ang Deputy Brigade Commander ng 2nd Division ng BIFF. “Wala nang mga dahilan para labanan pa ang pamahalaan. Nalutas na ng mga sundalo ang aming mga problema, tulad ng rido, at tinulungan rin nila kaming magkaroon ng ilaw sa aming nayon sa pamamagitan ng proyektong electrification,” sabi ni Malawan. Nabatid ng iba pang mga sumuko ang kawalang-kabuluhan ng BIFF matapos makita ang mga proyekto sa pagpapaunlad na pinadali ng AFP sa General SK Pendatun area. Sa pakikipagtulungan ng Sultan Kudarat Electric Cooperative, ang 33rd Infantry Battalion at ang 1st Mechanized Infantry Battalion ay nanguna sa implementasyon ng P2 Million proyekto ng elektripikasyon sa Midpandacan Village, Bayan ng GSKP sa Maguindanao. Bukod pa rito, inayos rin ng mga sundalo ang isang paaralan na inabandona sa loob ng tatlong taon dahil sa magulong kapaligiran. Ang lahat ng mga sumuko ay nakatanggap ng agarang tulong na nagkakahalaga ng P20,000.00 mula kay Maguindanao Congressman Zaid ‘Dong’ Mangudadatu. Makakatanggap rin sila ng tulong-pangkabuhayan mula kay Gobernador Esmael ‘Toto’ Mangudadatu ng Maguindanao.
  • 30. 58 59www.westmincom.com /afpwestmincom Dagdag sa mga unang sumuko ay ang anim pang miyembro ng BIFF na sumuko sa tropa sa Liguasan Marsh noong ika-10 ng Oktubre 2018. Sumuko si Mama Abdul, a.k.a. Lapu- Lapu, at ang limang iba pa sa tropa ng 33rd Infantry Battalion, na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Harold M. Cabunoc, sa Barangay Midconding, General SK Pendatun, Maguindanao. Ang mga sumuko ay mga miyembro ng BIFF-Karialan faction sa ilalim ni Kumander Gani Saligan, isang kilalang rebelde sa Southern Liguasan Marsh. Isinuko rin ng mga nagbalik-loob ang kanilang mga armas, kabilang ang isang M14 rifle, isang Garand rifle, isang Caliber .45 pistol, dalawang RPG, at isang improvised Caliber .45 pistol. Ang mga sumuko ay iprinesenta kay Gobernador Esmael Mangudadatu, GSKP Mayor Bonnie Kali, at Assemblyman Toy Mangudadatu sa Midconding, General SK Pendatun, at sila ay binigyan ng dalawampung libong pesos bilang tulong mulakayCongressmanZajidMangudadatu. Noong ika-8 ng Nobyembre 2018, siyam na miyembro naman ng BIFF na sumuko sa mga tropa ng 33rd Infantry Battalion noong Oktubre 26, 2018 ang pormal na iniharap kay Maguindanao Governor Esmael “Toto” G. Mangudadatu sa himpilan ng 33IB sa Barangay Tual, Pangulong Quirino, Sultan Kudarat. Isinuko ng mga dating rebelde ang kanilang siyam na armas, kabilang ang dalawang Caliber 50 Sniper Rifles, tatlong Rocket Propelled Grenade Launcher, isang Calibre 5.56mm M653 Assault Rifle, isang Caliber 7.62mm M14 Rifle, at dalawang 40mm M79 Grenade Launchers. Sumuko ang mga rebelde, na pinamumunuan ni Commander Banog, isang kilalang kumander ng BIFF sa lugar ng General SK Pendatun, sa 33rd Infantry Battalion. Ayon kay Commander Banog, ang mga miyembro ng kanyang pamilya ang nakakumbinsi sa kanyang sumuko. Nakatanggap naman ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P20,000 bawat isa galing kay Congressman Zajid ‘Dong’ Mangudadatu ang mga sumuko. Noong ika-10 ng Abril, apat na kasapi ng BIFF ang sumuko sa Mechanized troops sa munisipalidad ngAmpatuan, Maguindanao. Isinuko rin nila ang kanilang mga crew- served at high-powered firearms, tulad ng rocket propelled grenade, M16 rifle, Squad Automatic Weapon, at Garand rifle. Dagdag pa ditto, sina Junior Dia Kaul, Roy Saidali Maningkala, at Bin Tato Sulaiman, mga residente ng Sitio Tukananes, Midpandakan, General SK Pendatun, Maguindanao, ay tumiwalag rin sa grupong BIFF noong ika-22 ng Hunyo 2018. Isinuko rin nila ang isang 7.62mm M14 rifle, isang 5.56mm M16 rifle, isang 5.56mm M653 carbine, at dalawang sniper rifle sa tropa ng 602nd Brigade sa Camp Robert Eduard M. Lucero, Barangay Nasapian, Carmen, North Cotabato. Pinili nina Kaul, Maningkala, at Sulaiman na sumuko sa mga awtoridad at magbalik-loob dahil sa mas pinaigting na operasyong militar sa Central Mindanao. “Nawa’y maging inspirasyon sila sa mga ibang rebelde. Mas magandang mapagtagumpayan ang aming hangarin na bigyan ng isang tahimik at mapayapang buhay ang mga taga-Mindanao kung walang dugong dadanak upang ito ay makamit,” sabi ni Lieutenant General Arnel B. Dela Vega, kumander ng Western Mindanao Command. Sa kabila ng mga nakamit na tagumpay ng Joint Task Force Central, lalo pa ring pinaiigting ng tropa ang kanilang operasyon upang tugisin ang mga nagmamatigas na terorista sa Central Mindanao.
  • 31. 60 61www.westmincom.com /afpwestmincom ANG PAGTUGIS SA MGA NATITIRANG MIYEMBRO NG MAUTE TERRORIST GROUP Ang Maute Terrorist Group ay itinatag ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute noong 2012. Ito ay isang radical Islamist group na nakabase sa Lanao at kilala rin sa tawag na Dawlah Islamiya. Ito ay kinabilangan ng mga mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at mga dayuhang mandirigma. Maraming beses na itong naka- engkwentro ng mga tropa ng sundalo subalit ang pinakamarkado ay ang tinaguriang Battle of Marawi noong isang taon na nagtagal ng mahigit limang buwan kung saan napatay ang karamihan sa kanilang mga miyembro kasama na ang kanilang mga lider. Umabot na sa walumpu’t-apat na miyembro ng Maute Group ang kusang sumuko sa tropa ng Joint Task Force ZamPeLan sa pamumuno ni Major General Roseller Murillo nitong taon lamang.Isinukorinnilaangpitumpu’tisang armas bilang tanda ng kanilang katapatan sa sinumpaang pagbabalik-loob. Noong Oktubre 9, 2018, pitong miyembro at taga-suporta ng Dawlah Islamiya/Maute Group ang sumuko sa tropa ng Joint Task ForceRanaosaPagayawan,LanaodelSur. Isinuko rin ng grupo ang tatlong M1 Garand Rifle, isang Carbine, apat na kalibre .45, at isang 9mm pistol sa tropa ng 55th Infantry Battalion. Noong Oktubre 10, isang Maute sniper ang nagpasya ring tumiwalag sa teroristang grupo sa tulong ng 49th Infantry Battalion, MILF-Adhoc JointAction Group (AHJAG), at mga lokal na opisyal. Isinuko rin ng nasabing Maute sniper ang kanyang 7.62 Sniper Rifle kay Lieutenant Colonel Edgar Villanueva, ang kumander ng 49th Infantry Battalion, sa Butig, Lanao del Sur. “Ang kolektibong pagsisikap ng iba’t ibang mga stakeholder ay napakahalaga sa pagkakaroon ng kapayapaan at kasaganaan sa mga lugar na aming nasasakupan,” pahayag ni Major General Murillo. Noong Oktubre 16, dalawa pang miyembro ng Dawlah Islamiya / Maute ang sumuko sa Joint Task Force Ranao sa Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur. Isinuko ng dalawang nagbalik-loob ang isang kalibre 50 at isang Garand rifle kay Lieutenant Colonel Ian Noel Ignes, kumander ng 55th Infantry Battalion. Tatlo pang miyembro ng Maute ISIS ang sumuko sa Joint Task Force Ranao sa Masiu, Lanao del Sur noong Oktubre 18. Ang tatlo ay sumuko kay Lieutenant Colonel Edgar Villanueva, kumander ng 49th Infantry Battalion, sa tulong ni Hon. Alonto Gubar, ABC President; Barangay Chairman Hamil Gubar ng Sawir, Masiu; at Maliksaif Masjida, Afgani Deputy Base Commander ng NDBC BIAF-MILF/JCMP member. IsinukorinnilasatropaangisangRPG,isang Kalibre 45 pistola, magasin, at mga bala. Sa kolaborasyon ng JTF ZamPeLan, Philippine National Police at nila Mayor Jamel Kurangking ng Sultan Dumalongdong at Mohammad Saber D Solaiman, ang barangay chairwoman ng Malalis, nagpasyang sumuko ang anim pang miyembro ng Maute ISIS sa munisipyo ng Sultan Dumalungdong sa Lanao del Sur noong Oktubre 22. Ang anim ay mga tagasunod ng sub- lider na si Mubarak Manalo, na sangkot sa panghaharass sa Pantar detachment noong nakaraang taon na isinagawa bilang isang dibersyon habang ang ibang mga Maute ay nakikipaglaban sa mga sundalo sa main battle area sa Marawi City. Isinuko ng nasabing mga miyembro ng Maute ang isang Kalibre .50 Barret rifle, tatlong M79 grenade launcher, at isang carbine rifle, sa 49th Infantry Battalion. Isang 18-anyos na miyembro ng Maute ang sumuko sa hukbo ng 49th Infantry “Good Samaritan” Battalion sa Butig, Lanao del Sur noong Oktubre 29. SiAsnorayedad14nangsiyaaymahikayat ng pinuno ng grupong Maute na siAbdullah Maute, na sumali sa teroristang grupo noong 2014 kasama ang labindalawang iba pa na pawang mga menor de edad. Ayon kay Lieutenant Colonel Villanueva, ang pinakabatang recruit ay may edad na 9 at sila ay sangkot sa pakikipaglaban sa pwersa ng gobyerno noong Pebrero at Nobyembre 2016. Sa patuloy na pagpapatupad ng Community Support Programs kasama ng lokal na pamahalaan at ang patuloy na pakikipag-usap sa mga kamag-anak ng natitirang miyembro ng teroristang grupo, dalawangmiyembrongDawlahIslamiyah- Maute Group ang sumuko sa mga tropa ng Bravo Company, 55th Infantry “Vigilant” Battalion na pinangunahan ni 1st Lieutenant Joseph A. Galapia sa Sitio Mantapoli, Barangay Tambac, Lumbatan, Lanao del Sur noong Nobyembre 2. Isinuko din ng dalawa na kinilalang sina Camal Makalao at Marcos Makalao, ang isang M16 rifle at isang magazine na may siyam na bala. Sumunod dito ay ang pagsuko ni AJ, 15 taong gulang, sa 49th Infantry “Good Samaritan” Battalion ng Joint Task Force Ranao sa Butig, Lanao del Sur noong Nobyembre 13. Si AJ ay nahikayat ng kanyang mga pinsan, ang magkapatid na Maute, sa Butig noong nakaraang taon. Siya ay sinanay kasama ni Asnor at ng 11 pang mga menor de edad. Noong Nobyembre 15, sumuko rin ang pito pang miyembro ng Maute kay Lieutenant Colonel Ian Noel Ignes, kumander ng 55th Infantry “Vigilant” Battalion, sa Lumbaca Unayan, Lanao del Sur. Ibinigay rin nila ang dalawang M16, isang M14 rifle, isang UZI, dalawang kalibre .45, at isang 9mm handgun. “Ang tuloy-tuloy na pagsuko ng mga miyembro ng grupong Maute ay nagpapahiwatig ng panghihina ng pamumuno at kakayahan ng grupo, kaya hinihikayat namin ang mga natitirang iba pa na sumuko na rin at tuluyan nang mamuhay nang mapayapa,” mensahe ni Lieutenant General Dela Vega. Patuloy pa rin ang programa para sa rehabilitasyon ng Siyudad na Marawi at ang pagpapalago ng ekonomiya ng siyudad habang pinapaigting ang opensiba ng militar upang tugisin ang mga natitirang miyembro ng grupong Maute.
  • 32. 62 63www.westmincom.com /afpwestmincom Halos11,605narebeldengNewPeople’sArmyoNPAatmga taga-suportanitoangnagbalik-loobnasagobyerno,ayon sa public affairs chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Colonel Noel Detoyato. Ang nasabing bilang ay mula noong Enero hanggang Disyembre 2018. Sa bilang na ito, 1,222 ay mga regular na NPA; 1,398 ay mga “Militia ng Bayan”; 408 ay mula sa mga “Sangay ng Partido sa Lokalidad”; 1,133 ay mga miyembro ng “Underground Mass Organization” at ang 7,444 na iba pa ay pawang mga taga-suporta ng komunistang terorista. 120 ang napatay habang 196 ang mga naaresto sa pinaigting na operasyon ng militar. Tinatayang nasa 787 ang nakuhang matataas na kalibre ng armas habang 1,074 naman ang mababang klase ng baril. Mayroon ding 546 na improvised explosive devices o IED ang nakumpiska at nabawi, samantalang may 310 napinagkutaanangnakuhangmgapwersanggobyerno. Kamakailan, sinabi ni AFP chief-of-staff, Lt. Gen. Benjamin Madrigal na ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay ginunita ang kanilang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag na walang tunay na saysay at ang mga miyembro nito ay patuloy lamang na nakikipaglaban ng walang katuturan at malinaw na kadahilanan. “Muli, sa abot ng aming kaalaman, ang CPP-NPA ay walang dahilan upang magdiwang dahil wala naman silangmaipagmamalakingmabutingnagawa.Naisnamin silangpaalalahanannamayroonparinsilangpagpipilian: handa namin silang tangapin, upang sila ay makinabang sa mga benepisyong kaloob ng ‘Balik-Loob’ o masawi sa patuloy na pakikipaglaban ng walang katuturan at patutunguhan,” dagdag pa ni Lt. Gen. Madrigal. “Handa namin silang tangapin, upang sila ay makinabang sa mga benepisyong kaloob ng ‘Balik-Loob’ o masawi sa patuloy na pakikipaglaban ng walang katuturan at patutunguhan.” Mahigit 11,000 na Rebelde at Taga-suporta ang nag Balik-loob na
  • 33. 64 www.westmincom.com www.westmincom.com / a f p w e s t m i n c o m tfbalikloob@dnd.gov.ph /balikloobph