Ano ang pinakapaboritomo sa lahat ng regalong
natanggap mo?
Marahil espesyal sa iyo ang taong nagbigay nito o
espesyal rin ang regalong natanggap mo.
Ano kaya ang mararamdaman ng taong naghandog sa
iyo ng regalo kung ito ay mawawala o masisira?
Paano mo pinapakita ang pagpapahalaga mo rito?
Katulad din ba ito ng pagpapahalaga mo sa regalong
binigay sa iyo ng Diyos – ang iyong buhay?
3.
May nabalitaan kaba sa radyo o
telebisyon hinggil sa taliwas na pag-
aalaga ng buhay? Na may patay na
sanggol na itinapon sa basurahan? Na
may mga taong nalululong sa pag-iinom
ng alak? Na may taong nagpapatiwakal?
Pamilyar ka ba sa ikalimang utos ng
Diyos? Siguro naitatanong mo sa sarili mo
kung bakit ba sagrado ang buhay?
Paggalang sa buhay-pangangalaga sa
kalusugan, pagiging maingat sa mga
sakuna at pagsasaalang-alang ng sariling
kaligtasan at ng buhay ng iba. (Macabeo,
2019)
11.
Mga Isyu Lumalabagsa Paggalang sa
Buhay ng Tao
“Pare, nasa
langit na ba
ako? Parang
lumilipad ako.
Ang sarap ng
feeling!”
Ang Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot
12.
1. Ang Paggamitng Ipinagbabawal na Gamot
Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maituturing na
paglapastangan sa sariling buhay at maging sa buhay ng
iba. Ito ay nagdudulot ng masamang epekto sa isip at
katawan. Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank
spot. Nahihirapan ang isip na maiproseso ang iba’t ibang
impormasyon na dumadaloy dito na karaniwang nagiging
sanhi ng maling pagpapasiya at pagkilos (Brizuela, 2019).
Karamihan sa mga krimen na nagaganap sa ating lipunan
ay may kaugnayan sa paggamit ng droga.
13.
Mga Isyu Lumalabagsa Paggalang sa
Buhay ng Tao
Let’s drink all
night! Alak pa!
ALKOHOLIS
MO
14.
2. ALKOHOLISMO
Humihina angresistensiya ng katawan ng taong labis
ang pagkonsumo ng alak at sigarilyo. Maaari itong
magdulot ng cancer, sakit sa atay, baga at kidney at
maaaring mauwi sa kamatayan (Brizuela, 2019). May
mga krimen din na dala ng alkoholismo tulad ng
pakikipag away na nauuwi sa sakitan o kamatayan;
mga aksidente sa kalsada dahil sa pagmamaneho ng
lasing at iba pa.
3. ABORSYON
Ang aborsiyono pagpapalaglag ay pag-alis ng
fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa ilang
bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang
lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang
paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa
Pilipinas, itinuturing itong isang krimen.(Agapay,
2007.
17.
Ang Dalawang Uring Aborsiyon:
1. Kusa o (Miscarriage). Ito ay tumutukoy sa natural
na mga pangyayari at hindi ginagamitan ng medikal o
artipisyal na pamamaraan.
2. Sapilitan (Induced). Sa pamamagitan ng pag-opera
o pagpapainom ng mga gamot ay nagwawakas ang
buhay ng sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina.
18.
Ang isyu ngaborsiyon ay nagbigay-
daan upang magkaroon ng dalawang
magkasalungat na posisyon ang
publiko:
Ang Pro-life at Pro-choice.
19.
Kinikilala nito anglikas na karapatan at
dignidad ng tao na mabuhay mula sa
konsepsiyon hanggang kamatayan (Macabeo,
2019). Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito
na ang buhay ay nagsisimula sa pagsasanib ng
punlay at itlog mula sa mga magulang
(fertilization). (Gomez, 2016)
1. PRO-LIFE
20.
Ito ay tumutukoysa pagpapasiya at pagpili batay sa
sariling paniniwala, kagustuhan, at iniisip na tama
(Macabeo, 2019). Naniniwala ang mga tagapagsulong nito
na ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao
dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng
sinapupunan ng kanyang ina. Samakatuwid, umaasa pa
lamang ito sa katawan ng kanyang ina upang mabuhay.
May karapatan at malaya ang ina na magpasiya para sa
sariling katawan (Brizuela, 2019).
2. PRO-CHOICE
Ang salitang Euthanasiaay galing sa salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay mabuting
kamatayan (Gomez, 2016).
Isa itong pamamaraan kung saan napadadali ang
kamatayan ng isang taong may malubhang
karamdaman na maaari ring mauwi sa kamatayan
dahil wala na itong lunas. Ginagamitan ito ng
modernong kagamitan o medisina upang tapusin
ang paghihirap ng taong maysakit.
4. EUTHANASIA (MERCY KILLING)
23.
Dalawang uri ngEuthanasia:
ACTIVE EUTHANASIA. Ito ay ginagawa sa pamamagitan
ng paggamit ng gamot na nakakapagdulot ng kamatayan sa
isang tao. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa maraming
bansa dahil ito raw ay malinaw na suicide o murder kaya
itinuturing na imoral (Macabeo, 2019).
PASSIVE EUTHANASIA. Ito ay pagtigil sa pagbibigay ng
gamot at mga medical na serbisyo. Ilan sa paraan nito ay
ang pagtanggal ng makinang sumusuporta sa buhay ng
pasyente o pagtigil sa pagbibigay ng gamot na maaaring
makapagpahaba ng kanyang buhay. Ito ay itinuturing na
lehitimo sapagkat tinatanggap lamang na ang kamatayan
ng tao ay hindi maaaring pigilan.
5. PAGPAPATIWAKAL (SUICIDE)
Angpagpapatiwakal o suicide ay sadyang
pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at
naaayon sa sariling kagustuhan. Kadalasan,
ginagawa ito upang takasan ang hirap at
problema na nararanasan sa mundo.
Nawawalan na sila ng pag-asa na
magpatuloy kaya pinipili na lamang nilang
tapusin ang kanilang buhay.
26.
GAWAIN:
Kilalanin kung alingisyu sa paglabag sa paggalang sa buhay ang
ipinapahayag ng bawat pangungusap.
1. Ito ay ang labis na pag-inom ng alak.
2. Ito ay ang pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan
ng ina.
3. Ito ay sadyang pagkitil ng buhay at naayon sa sariling
kagustuhan
4. Ito ay isang gawain kung saan napapadali ang kamatayan
ng isang taong may matindi at walang nang lunas na
karamdaman.
5. Ito ay isang estadong sikiko( psychic) o pisikal na
pagdepende sa isang mapanganib na gamot na
nagyayayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa
27.
GAWAIN:
Panuto: Ipaliwanag angkahalagahan ng BUHAY sa pamamagitan ng
pagbuo ng akrostik gamit ang salitang REGALO. Isulat ang sagot sa
patlang.
R –
___________________________________________________
E – ___________________________________________________
G –
___________________________________________________
A –
___________________________________________________
L – ___________________________________________________
O –
___________________________________________________
28.
Gumawa ng sarilingposter
tungkol na nagpapahiwatig ng
pagpapahalaga at paggalang
sa buhay. (1/8 illustration
board). Submission: 01-24-25
PERFORMANCE TASK
30.
TANDAAN:
Ang buhay aysagrado. Ito ay biyaya ng Diyos
sa iyo at sa lahat nang nagtataglay nito. Ang
bawat pagmulat ng iyong mata sa umaga,
bawat pintig ng iyong puso at bawat paghinga
ay isang kahanga-hangang regalo mula sa
Diyos. Ito ay binigay sa iyo upang magampanan
mo ang dahilan ng iyong pagkalalang –
mahalin ang Diyos at mahalin ang ibang tao.
Isang indikasyon ng kawalan ng pasasalamat at
pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos ang hindi
paggalang sa kasagraduhan ng buhay.
Editor's Notes
#3 Sa nakaraang aralin natutunan mo ang ang kahulugan ng mga salita na naiuugnay sa aralin tungkol sa makataong kilos. Atin itong balikan upang mapa-igting ang pag unawa sa mga susunod na leksiyon.