3. Gawin Natin
Maghanda ng mga papel na may iba’t ibang
kulay ( pula, asul, berde, kahel, at dilaw)
Pula : tao
Berde: lugar
Dilaw : Hayop
Kahel :pangyayari
Asul :Bagay
4. Isulat Mo
Sumulat ng isang kuwento mula sa sa sariling
karanasan na may lima hanggang walong
pangungusap tungkol sa pagpapakita mo ng
pagiging magalang sa pamamagitan ng
pangangalaga sa sarili at sa ibang tao.
Hagdan ng Kuwento
Simula
Gitna
Wakas
5. Ano ang unang pangyayari na nais
ninyong isulat natin?
Ano ang isusunod nating
pangyayari?
6. Pagbasa ng natapos na kuwento.
May nais ka bang idagdag sa ating kuwento?
May nais ka bang baguhin?
May nais ka bang bawasin sa ating kuwento?
Ano ang nais ninyong maging pamagat ng
ating kuwento?
Paano isinusulat ang pamagat?
Nagamit ba natin nang wasto ang mga
pangngalan?
Nasunod ba natin ang Hagdan ng Kuwento?
10. Pagtatapos
Ipabasa nang malakas.
Magandang Asal
Ni Raphael Chua
Magandang asal ating pagyamanin,
Ito’y nagmula sa ninuno natin,
Araw-araw ito’y ating gamitin
Sa pamilya’t kapwa palaganapin.
11. Paggamit ng po’t opo ay maganda,
Paggalang sa kapuwa rito nakikita,
Gamitin sa bahay at sa eskuwela.
Bilang pagrespeto sa kanila
Tulad na rin ng pagtulong sa bayan,
Hindi lang pera puwedeng ilaan,
Pagbibigay oras at ikaw ay nandiyan,
Isang asal na higit kailangan.
12. Kabutihang-asal di dapat mawala,
Sa kilos at pananalita,
Magandang asal laging ipakita,
Para lahat maayos at masaya.