2. Basahin and pangungusap. Tukuyin ang
kahulugan ng salitang may salangguhit.
1. Dahil sa labis na pagkahapo ay sumandig si
Ditas sa upuan.
a. humilig
b. tumihaya
c. sumabog
d. sumiksik
2. Harangin mo si Teddy nang hindi makaalis sa
bahay.
a. takpan
b. pigilin
c. dakpin
d. hampasin
3. 3. Hatakin mo siya papunta rito at mabigyan ng
leksiyon.
a. ipitin
b. habulin
c. gapusin
d. hilahin
4. Tuwing sasalok ako sa balon ay nauulinigan ko ang
mga usapan ng mga duwende.
a. iigib
b. magtatapon
c. magbababad
d. huhukay
5. Nataon sa kanyang pagdating ang pagtanggap ni Linda ng
medalya.
a. napuna
b. nabaon
c. natapat
d. napili
5. Sagutin:
oBakit masakit ang ulo ni Elmer?
oAno ang inasal ni Cesar na hindi niya
nagustuhan?
oBakit hindi tamang humingi ng pera tuwing
may gagawin sa bahay?
oKung ikaw si Cesar, pahahalagahan mo
kaya ang paggawa nang bukal sa
kalooban?
6. Wastong Pagkain
Ang taong malusog, lubhang masayahin
Matalas ang isip at hindi sakitin
Katawa’y maganda at hindi patpatin
Pagkat alam niya ang wastong pagkain
Lusog ng katawan nasa kinakain
Ang gulay at prutas dapat piliin
Sa dilis at tulya, sa puso ng saging
Lalakas ang buto, titibay ang ngipin
Lilinaw ang mata, katawa’y lalaki
Sariwang gatas, itlog at kamote
Malunggay at petsay, isda at karne
Ang bata’t matanda, lulusog at bubuti
Sa ating pagkain, laging tatandaan
Mga bitamina nitong tinataglay
Sa sariwang prutas, isda saka gulay
Lulusog, gaganda, hahaba ang buhay.
7. Sagutin:
Anu-ano ang katangian ng
taong malusog?
Paano magiging malusog ang
isang tao?
Ano ang dapat tandaan sa
mga pagkain?