Ang 'Pabebe Patrol' ay nag-ulat tungkol sa nalalapit na Pasko, kung saan inaasahan ang pagtaas ng presyo ng mga karneng pang Noche Buena. Ayon sa mga ulat, ang pagtaas ng presyo ay dulot ng mataas na demand at mga nakaraang bagyo na nakaapekto sa mga poultry at hog farms. Tiniyak ng Department of Trade and Industry na dapat sundin ng mga kompanya ang suggested retail price upang hindi abusuhin ang mga mamimili.