3. Sa araling ito, binigyang kahulugan
ang demand. Ito ay ang dami ng
produkto at serbisyo na kaya at
handing bilhin ng mga konsyumer sa
alternatibong presyo sa isang takdang
panahon. Sinasabing ang demand at
presyo ay laging magkaugnay at ito ay
mailalarawan sa iba’t ibang paraan.
Sinasaad din sa batas ng demand na
higit na mataas ang presyo, higit na
mababa ang demand.
4. Sinasabing may tatlong paraan
upang medaling maunawaan
ang ekonomiks. Una, ang salita
para malaman ang mga teorya,
ang grap, at ang ikatlo ay ang
paraang matematikal kung
saan naipapahayag ang
ugnayan ng presyo at demand.
5. Ang demand function ay
nagpapakita ng relasyon ng
demand at presyo na
sinasabing magkasalungat o di-
tuwiran. Ang demand schedule
naman ay isang talahayan na
nagpapakita
ng dami ng produkto na handa
at kayang bilhin ng konsyumer.
6. At ang demand curve ay isang
grapikong paglalarawan ng di-
tuwirang relasyon ng presyo at
dami ng bibilhing produkto.
Masasabi natin na anuman ang
gamitin sa paglalarawan ng
demand, demand function,
demand schedule, at demand
curve man ay ipinakikita ang di-
tuwirang relasyon ng presyo
at demand.