SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
ANG
ALAMAT NG
PLANETANG
EARTH
NI: ELIZ MARIE MANALO
Si Earny ay nakatira sa isang
planeta, ang planetang Mars.
Si Earny ang pinakamagandang babae
sa kanilang planeta. Mahabang buhok
na may magkahalong kulay berde at
kayumanggi, May magandang hugis ng
pangangatawan, asul na mata,
mapupulang labi at may pagka-hugis
bilog na mukha.
Sa sobrang kagandahan ni Earny
ay walang may gustong
makisalamuha o makipag-usap
sa kanya.
Dahil dito palagi Siyang
nag-iisa at malungkot.
Tuwing gabi ay patago siyang umiiyak dulot
ng kalungkutan, ang kanyang luha ay kulay
asul na kasing kulay ng kanyang mga mata.
Kinabukasan, nagtungo sa palasyo ang
dalaga, kinausap nya ang Hari ng kanilang
Planeta.
Sinabi nya na siya ang sanhi sa mga
nagaganap na kaguluhan sa kanilang
Planeta. Ngunit sa totoo ay hindi.
Pinaniwalaan sya ng Hari at agad
ipinagutos sa mga kawal na “Bukas ng
hating-gabi ay itapon ang dalagang ito
sa katabing planeta bilang parusa sa
kanyang ginawang pagkakasala.”
Gaya ng nangyari, ipinatapon nga si Earny sa
kabilang Planeta, Planeta na walang tao,
walang tubig, walang pagkain o kahit ano pa
man.
Kahit ganito ang mga pangyayari, hindi
nagsisi si Earny sa kanyang ginawang
desisyon kahit pa ikamatay niya ito.
Isang linggo na ang nakakalipas mula ng
ipinatapon siya sa planetang iyon, at hindi
nagtagal ay pumanaw si Earny at kasabay ng
pagpanaw niya ay ang pagtulo ng kaniyang
mga luha sa kaniyang kinahihigaan.
Maya-maya ay biglang nagbago ang paligid,
ang dating lupa na walang buhay ay
nagkaroon ng kulay, nagkaroon ng halaman
na kulay berde katulad ng buhok ni Earny.
Nagkaroon ng tubig sa iba't- ibang sulok na
kulay asul katulad ng kulay ng mata at luha
ni Earny.
Nagbunga rin ang mga itlog na kinuha nya
mula sa Planetang Mars na ngayo'y naging
mga ibon at iba pang mga klase ng hayop.
Ng minsang naisip ng Hari ng planetang Mars
ang kanilang ipinatapon na dalaga,ay agad
nila itong pinuntahan sa kaniyang
kinaroroonan.
Maya-maya ay nakarating na sila, at doo'y
agad bumungad sa kanila ang napakaganda,
malinis at buhay na planeta. Ngunit hindi
nila makita si Earny, si Earny na
napakaganda na ngayon ay parang nakikita
nila siya sa kapaligiran.
Nawala man si Earny, ngunit may panibagong
mundo ang nabuhay.
Napagpasiyahan ng Hari na ilipat ang ibang
mga tao na naninirahan sa kanilang planeta
sa bagong planeta.
Mula noon ay hindi na malungkot si Earny
dahil marami na siyang kasama sa planetang
kaniyang binuhay.
Mapayapang nabuhay ang mga naninirahan
sa Bagong planetang iyon at tinawag malapit
sa pangalan ni Earny, ang Planetang
Earth.
Planeta na ating tinitirahan ngayon.

More Related Content

What's hot

Territorial dispute and border conflicts
Territorial dispute and border conflictsTerritorial dispute and border conflicts
Territorial dispute and border conflicts
KokoStevan
 
Convergent boundaries
Convergent boundariesConvergent boundaries
Convergent boundaries
MissST
 
Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64
mojarie madrilejo
 

What's hot (20)

Ibong adarna ppt
Ibong adarna pptIbong adarna ppt
Ibong adarna ppt
 
Final ibong adarna history
Final ibong adarna historyFinal ibong adarna history
Final ibong adarna history
 
Territorial dispute and border conflicts
Territorial dispute and border conflictsTerritorial dispute and border conflicts
Territorial dispute and border conflicts
 
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong AdarnaAralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
Aralin 1: Ang Paghahanap sa Ibong Adarna
 
Ang Lokasyon
Ang LokasyonAng Lokasyon
Ang Lokasyon
 
Faults and earthquakes
Faults and earthquakesFaults and earthquakes
Faults and earthquakes
 
Cupid at Psyche
Cupid at PsycheCupid at Psyche
Cupid at Psyche
 
pabula (ang mataba at payat na usa)
pabula (ang mataba at payat na usa)pabula (ang mataba at payat na usa)
pabula (ang mataba at payat na usa)
 
Beliefs and practices about constellations and astrology.docx
Beliefs and practices about constellations and astrology.docxBeliefs and practices about constellations and astrology.docx
Beliefs and practices about constellations and astrology.docx
 
Sci math quiz bee
Sci math quiz beeSci math quiz bee
Sci math quiz bee
 
Group 4 yamang enerhiya
Group 4 yamang enerhiyaGroup 4 yamang enerhiya
Group 4 yamang enerhiya
 
Florante at Laura : Ang Kariktan ni Laura
Florante at Laura : Ang Kariktan ni Laura Florante at Laura : Ang Kariktan ni Laura
Florante at Laura : Ang Kariktan ni Laura
 
Ang aking mga pangangailangan at kagustuhan
Ang aking mga pangangailangan at kagustuhanAng aking mga pangangailangan at kagustuhan
Ang aking mga pangangailangan at kagustuhan
 
Florante at Laura (Aralin 14-16)
Florante at Laura (Aralin 14-16)Florante at Laura (Aralin 14-16)
Florante at Laura (Aralin 14-16)
 
Convergent boundaries
Convergent boundariesConvergent boundaries
Convergent boundaries
 
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
 
Ang mga Viking
Ang mga VikingAng mga Viking
Ang mga Viking
 
Ang kuwento ng isang oras
Ang kuwento ng isang orasAng kuwento ng isang oras
Ang kuwento ng isang oras
 
John locke
John lockeJohn locke
John locke
 
Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64
 

Ang alamat ng planetang earth

  • 2. Si Earny ay nakatira sa isang planeta, ang planetang Mars.
  • 3. Si Earny ang pinakamagandang babae sa kanilang planeta. Mahabang buhok na may magkahalong kulay berde at kayumanggi, May magandang hugis ng pangangatawan, asul na mata, mapupulang labi at may pagka-hugis bilog na mukha.
  • 4. Sa sobrang kagandahan ni Earny ay walang may gustong makisalamuha o makipag-usap sa kanya. Dahil dito palagi Siyang nag-iisa at malungkot.
  • 5. Tuwing gabi ay patago siyang umiiyak dulot ng kalungkutan, ang kanyang luha ay kulay asul na kasing kulay ng kanyang mga mata. Kinabukasan, nagtungo sa palasyo ang dalaga, kinausap nya ang Hari ng kanilang Planeta.
  • 6. Sinabi nya na siya ang sanhi sa mga nagaganap na kaguluhan sa kanilang Planeta. Ngunit sa totoo ay hindi. Pinaniwalaan sya ng Hari at agad ipinagutos sa mga kawal na “Bukas ng hating-gabi ay itapon ang dalagang ito sa katabing planeta bilang parusa sa kanyang ginawang pagkakasala.”
  • 7. Gaya ng nangyari, ipinatapon nga si Earny sa kabilang Planeta, Planeta na walang tao, walang tubig, walang pagkain o kahit ano pa man. Kahit ganito ang mga pangyayari, hindi nagsisi si Earny sa kanyang ginawang desisyon kahit pa ikamatay niya ito.
  • 8. Isang linggo na ang nakakalipas mula ng ipinatapon siya sa planetang iyon, at hindi nagtagal ay pumanaw si Earny at kasabay ng pagpanaw niya ay ang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang kinahihigaan. Maya-maya ay biglang nagbago ang paligid, ang dating lupa na walang buhay ay nagkaroon ng kulay, nagkaroon ng halaman na kulay berde katulad ng buhok ni Earny.
  • 9. Nagkaroon ng tubig sa iba't- ibang sulok na kulay asul katulad ng kulay ng mata at luha ni Earny. Nagbunga rin ang mga itlog na kinuha nya mula sa Planetang Mars na ngayo'y naging mga ibon at iba pang mga klase ng hayop.
  • 10. Ng minsang naisip ng Hari ng planetang Mars ang kanilang ipinatapon na dalaga,ay agad nila itong pinuntahan sa kaniyang kinaroroonan. Maya-maya ay nakarating na sila, at doo'y agad bumungad sa kanila ang napakaganda, malinis at buhay na planeta. Ngunit hindi nila makita si Earny, si Earny na napakaganda na ngayon ay parang nakikita nila siya sa kapaligiran.
  • 11. Nawala man si Earny, ngunit may panibagong mundo ang nabuhay. Napagpasiyahan ng Hari na ilipat ang ibang mga tao na naninirahan sa kanilang planeta sa bagong planeta. Mula noon ay hindi na malungkot si Earny dahil marami na siyang kasama sa planetang kaniyang binuhay.
  • 12. Mapayapang nabuhay ang mga naninirahan sa Bagong planetang iyon at tinawag malapit sa pangalan ni Earny, ang Planetang Earth. Planeta na ating tinitirahan ngayon.