Alam mo ba ?Sabi Nila? Minsan….
Original Spoken Poetry about Love
By: Jonnar Roy A. Mabalot
Alam mo ba? Sabi nila, ang buhay hayskul daw ang pinaka masaya.
Sabi nga nila, ito iyong panahong kung saan ang mga pangarap mo’y unti-unting nagsisimula.
Sabi pa nga nila, Sa buhay na ito mo raw mapapagtanto, kung sa hinaharap ika’y magiging sino at ano.
Ayon pa nga sa kantang isinulat ni Sharon Cuneta, ang sikat na artistang kinabalewan ng aking poging ama,
Na ang Hayskul life daw ay walang kasing saya, oo walang kasing saya!
Alam mo ba kung bakit?....Alam niyo ba kung bakit? …Pareho ba tayo ng iniisip?
Haaay….Malapit na naman ang araw ng mga puso, puso mo ba’y mayroon nang nagmamay-ari?
Panigurado, dalawang kulay lang sa araw na yaon ang mangingibabaw, ang PULA at ang BUGHAW.
Pula para sa mga pusong nag aalab sa tuwa dahil may kayakap, kaagapay at kahawak kamay,
At Bughaw para kay Toto at Inday na ang mga puso’y dinurog ng umay at lumbay.
Minsan naman, ako ay napapaisip, Bakit hindi na lang naging totoo yaring aking mga panaginip,
Kung saan nagkatuluyan tayong dalawa, magkahagkan, magkayakap at masaya,
Hindi iyong mga landasin at pangarap natin ay nag kanya-kanya’t nag iba-iba,
Minsan, O kay lupet nitong tadhana, parang sugarol na napaka mandaraya!
Alam mo ba? Sabi nila, Estudyante ako, Estudyante rin siya, at ang buhay hayskul daw ang pinaka masaya.
Sabi nga nila, ito iyong panahong kung saan ang mga pangarap mo’y uniti-unting nabubuo,
Pero bakit ka naman ganyan pare, magkaibigan lamang ang ating turingan sa skwela,
Ngunit bakit ang inosenteng puso’t damdamin ko’y iyong dinambana!
Alam mo ba kung bakit?....Alam niyo ba kung bakit? Dahil ako sa iyo’y nahalina, O napakasaya!
Malapit na naman ang araw ng mga puso, Inggit kayo?Kayo lang, dahil ang puso ko’y hindi madadarang.
Panigurado, ang isusuot ko’y kulay BUGHAW, hindi dahil sa ang puso ko ay uhaw na uhaw,
Hindi dahil sa ang isipan ko ay nagugulumihanan o takot na masugatan,
Ito’y sa kadahilanang, may pangarap kaming gustong abutin ng magkasabay sa buhay.
Minsan parin, ako ay napapaisip, Bakit kaytagal namang damdamin mo’y lumihis at sa aki’y nagtiis,
Kung alam mo lamang na ako rin ay may pag-ibig, at ang pagtingin mo sa akin ang siyang pinapanaginip.
Isa lamang ang hinihiling ko sa iyo O aking Sinta, na ang pag-ibig mo’y maging akin lang talaga,
At sa mga bukas na darating, kaming mga babae ,alam mo ba? Sabi nila? Minsan lang magmahal,
Kaya dapat pakaingatan ng tunay at ng hindi ka maumay at malumbay habang ikaw ay nabubuhay.
Alam mo?Sabi nila? Minsan…..

Alam mo ba sabi nila minsan.docx

  • 1.
    Alam mo ba?Sabi Nila? Minsan…. Original Spoken Poetry about Love By: Jonnar Roy A. Mabalot Alam mo ba? Sabi nila, ang buhay hayskul daw ang pinaka masaya. Sabi nga nila, ito iyong panahong kung saan ang mga pangarap mo’y unti-unting nagsisimula. Sabi pa nga nila, Sa buhay na ito mo raw mapapagtanto, kung sa hinaharap ika’y magiging sino at ano. Ayon pa nga sa kantang isinulat ni Sharon Cuneta, ang sikat na artistang kinabalewan ng aking poging ama, Na ang Hayskul life daw ay walang kasing saya, oo walang kasing saya! Alam mo ba kung bakit?....Alam niyo ba kung bakit? …Pareho ba tayo ng iniisip? Haaay….Malapit na naman ang araw ng mga puso, puso mo ba’y mayroon nang nagmamay-ari? Panigurado, dalawang kulay lang sa araw na yaon ang mangingibabaw, ang PULA at ang BUGHAW. Pula para sa mga pusong nag aalab sa tuwa dahil may kayakap, kaagapay at kahawak kamay, At Bughaw para kay Toto at Inday na ang mga puso’y dinurog ng umay at lumbay. Minsan naman, ako ay napapaisip, Bakit hindi na lang naging totoo yaring aking mga panaginip, Kung saan nagkatuluyan tayong dalawa, magkahagkan, magkayakap at masaya, Hindi iyong mga landasin at pangarap natin ay nag kanya-kanya’t nag iba-iba, Minsan, O kay lupet nitong tadhana, parang sugarol na napaka mandaraya! Alam mo ba? Sabi nila, Estudyante ako, Estudyante rin siya, at ang buhay hayskul daw ang pinaka masaya. Sabi nga nila, ito iyong panahong kung saan ang mga pangarap mo’y uniti-unting nabubuo, Pero bakit ka naman ganyan pare, magkaibigan lamang ang ating turingan sa skwela, Ngunit bakit ang inosenteng puso’t damdamin ko’y iyong dinambana! Alam mo ba kung bakit?....Alam niyo ba kung bakit? Dahil ako sa iyo’y nahalina, O napakasaya! Malapit na naman ang araw ng mga puso, Inggit kayo?Kayo lang, dahil ang puso ko’y hindi madadarang. Panigurado, ang isusuot ko’y kulay BUGHAW, hindi dahil sa ang puso ko ay uhaw na uhaw, Hindi dahil sa ang isipan ko ay nagugulumihanan o takot na masugatan, Ito’y sa kadahilanang, may pangarap kaming gustong abutin ng magkasabay sa buhay. Minsan parin, ako ay napapaisip, Bakit kaytagal namang damdamin mo’y lumihis at sa aki’y nagtiis, Kung alam mo lamang na ako rin ay may pag-ibig, at ang pagtingin mo sa akin ang siyang pinapanaginip. Isa lamang ang hinihiling ko sa iyo O aking Sinta, na ang pag-ibig mo’y maging akin lang talaga, At sa mga bukas na darating, kaming mga babae ,alam mo ba? Sabi nila? Minsan lang magmahal, Kaya dapat pakaingatan ng tunay at ng hindi ka maumay at malumbay habang ikaw ay nabubuhay. Alam mo?Sabi nila? Minsan…..