Ang ideolohiya ay isang balangkas ng mga patakaran at sistemang politikal at ekonomiko na umuusbong mula sa iba't ibang pananaw tulad ng liberalismo, konserbatismo, kapitalismo, sosyalismo, komunismo, at pasismo. Ang liberalismo ay nagtuturo ng kalayaan at karapatan ng tao, habang ang konserbatismo naman ay nagtataguyod ng kasaysayan at tradisyon sa lipunan. Ang sosyalismo at komunismo ay kumikilala sa kolektibang pag-aari ng mga salik ng produksiyon, samantalang ang pasismo ay nakatuon sa kapakanan ng estado sa ilalim ng malupit na pamamahala.