AP8- Qrt1- Week 6
Paunang pagsusulit
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan: _________________Baitang at Pangkat:_____Guro: __________
ARALIN 6: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
MELC: Nasusuri ang mga kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China
Ang Modyul na ito ay para sa Aralin ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang mga
paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay may hangarin na matulungan ka na maging isang
estudyante na may kaalaman sa mga naging pangyayari sa mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig na may positibong kaisipan sa naging impluwensiya nito sa kasalukuyang panahon.
Matapos ang Modyul, ang mga mag- aaral ay inaasahan na…
Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China batay sa
a. politika
b. ekonomiya
c. kultura
d. relihiyon
e. paniniwala at
f. lipunan
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Panahon kung kailan mayroon nang maunlad na pamahalaan, lipunan, kabuhayan, at
kultura ang isang pamayanan o lungsod-estado.
A. Kabihasnan B. Klasikal C. Kontemporaryo D. Midyibal
2. Nagtataglay ng 232 batas na naglalaman ng pamantayan ng sinaunang Babylonian.
A. Bibliya B. Kodigo ni Hammurabi C. Torah D. Vedas
3. Itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo, ang unang pangkat ng mga tao
na nakasakop sa isa pang pangkat ng tao.
A. Imperyong Akkadian C. Imperyong Babylonian
B. Imperyong Assyrian D. Imperyong Chaldean
4. Ang uri ng paniniwalang panrelihiyon na sumasamba sa maraming Diyos.
A. Ateista B. Monoteismo C. Politeismo D. Sekular
Inaasahan
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
5. Sinaunang paraan o sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.
A. Calligraphy B. Cuneiform C. Hieroglypics D.
Pictogram
6. Tawag sa pinuno ng mga kaharian sa Kabihasnang Ehipto.
2
A. Emperador B. Hari C. Patesi D.
Pharaoh
7. Mahalagang pamana ng Sinaunang Ehipto dahil natatangi at kahanga-hanga ang
arkitektura at paraan ng pagtatayo.
A. Irigasyon B. Obelisk C. Piramide D.
Ziggurat
8. Sa lipunan ng sinaunang Ehipto, nasa kanilang kamay ang malalawak na lupain, hindi
nagbabayad ng buwis at may malawak na karapatan.
A. Alipin B. Maharlika C. Pangkaraniwan D. Sundalo
9. Ang uri ng pamahalaan na haring Diyos ang kanilang pinuno.
A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Monarkiya D.
Teokrasya
10. Ang pinakamahalagang Diyosa para sa mga Ehipsyo na kumakatawan sa isang ina at
asawa.
A. Amon-Ra B. Bastet C. Isis D. Osiris
GAWAIN 1: MAPASURI
Panuto: Suriin ang mapa sa ibaba at ilarawan ang heograpikal na katangian ng mga
Sinaunang Kabihasnan sa daigdig. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Balik Tanaw
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang katangiang pisikal ng mga lugar kung saan unang umusbong ang
mga kabihasnan sa daigdig?
2. Bakit sa mga lambak-ilog umusbong ang mga sinaunang kabihasnan?
3. Paano nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga tao ang katangiang pisikal ng
sinaunang kabihasnan?
3
Matapos mong sagutan ang mga pamprosesong tanong, halika at ating alamin ang
naging pag-unlad ng pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa daigdig.
LARAWAN SURI
Panuto: Ang mga larawan sa ibaba ay pagkakakilanlan ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. Suriin ang mga ito at piliin sa loob ng kahon ang katawagan. Isulat ang tamang
sagot sa ibaba ng larawan.
Maikling Pagkilala
sa Aralin
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa mga larawan na nasa itaas?
2. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa pagtukoy sa mga salik sa pagbuo ng isang
kabihasnan?
3. Ano ano ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig?
4
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Ang mga orihinal na nanirahan sa Kabihasnang Ehipto ay nagmula sa mga
nomadikong Asyano. Sila ay nanirahan sa lambak ilog na Nile. Umunlad ang kanilang
pamumuhay at itinatag ang dalawang magkahiwalay na kaharian ang Upper Egypt at
Lower Egpyt.
Mga Yugto sa Kasaysayan ng Ehipto
1. Lumang Kaharian (3200-2000 BCE)
Ito ay tinawag din na “Panahon ng Piramide” itinatag ito ni Haring Menes sa panahon na
ito nagsimula ang pagpapatayo ng mga piramide upang maging libingan ng mga Pharaoh.
Ang kanilang pinuno ay tinatawag na Pharaoh. Itinuturing ng mga tao na ang kanilang
pharaoh ay Diyos kaya kontrolado nito ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan. Ang uri
ng pamahalan na may ganitong sistema ay tinatawag na teokrasya.
Mga kilalang pinuno sa Lumang Kaharian
⮚ Djoser- sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa Ehipto, ang step
pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong 2780.
⮚ Khufu o Cheops - sa kaniyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na
itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro
kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura
na itinayo ng tao. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon na may tinatayang
80 nakahanay na piramide.
Ang mga piramide ay patunay na mayroong matatag na pamahalaan ang Kabihasnan ng
Ehipto Ang maayos na plano at disenyo ng gusali ay nagpapatunay ng kanilang kahusayan
at mataas na kaalaman sa arkitektura. Ang mga sumunod na pharaoh ay hindi nagtataglay
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
ng kagalingan sa pamumuno kung kaya pinahina sila ng sunod-sunod na digmaan. Ang
sumunod na magaling na pinuno ay si Amenemhet I mula sa Thebes.
2. Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.)
Muling nanumbalik ang kaayusan sa Ehipto ng pamunuan ni Amenemhet I. Sa kaniyang
pamumuno Itinatag ang Thebes bilang kabisera ng Ehipto. Pinagbuti ni Amenemhet I ang
sistema ng pagsasaka upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa kaniyang
nasasakupan. Pinaunlad niya din ang yamang mineral ng bansa at ginawang palamuti sa
katawan ng mga pharaoh ang mga ito. Naging masigla ang kalakalan sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng ugnayan sa Palestina at Syria.
Nagwakas ang maunlad na pamamalakad sa kaharian ng ito ay makaranas ng sunod-
sunod na digmaang sibil na siyang nagpahina sa kaharian. Naging madali silang nasalakay
ng mga Hyksos na mula sa Syria. Sa loob ng 160 taon naging maayos at maunlad ang
pamumuno ng mga Hyksos ngunit sila ay pinatalsik sa Ehipto sa pamumuno ni Ahmose I ng
Thebes. Ang kaniyang pagkapanalo ang naging dahilan ng pagsilang sa bagong kaharian.
3. Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)
Matapos maitaboy ang mga Hyksos noong 1567 BCE, naitatag ang bagong dinastiya at
nagsimula na rin ang Bagong Kaharian na tinatawag din na Panahon ng Imperyo sa
paghahari ni Ahmose I. Muli niyang binuo ang Ehipto sa iisang kaharian sa ilalim ng
kabisera ng Thebes.
Ang ilan sa mga tanyag na pharaoh sa kaharian ay ang mga sumusunod:
Thutmose II Nasakop ang Nubia para sa imperyo
Sinakop ang Syria at Palestina
Hatshepsut Kauna-unahang babaeng pinuno sa kasaysayan ng daigdig
Nagpadala ng iba’t ibang ekspedisyong pangkalakalan sa iba’t ibang lugar
Nagpatayo ng mga temple na isang dakilang ambag ng Ehipto
Thutmose III Tinaguriang pinakamahusay na pinuno ng Ehipto dahil napaunlad ang
kalakalan at nagpalawak ng teritoryo. Nakamit ang Ginintuang Panahon sa
kaniyang pamumuno
Amenhotep IV Ipinagbawal ang pagsamba sa maraming Diyos
Ipinakilala ang bagong relihiyon na sumasamba sa iisang Diyos na si Aton.
Tutankhamen Ang kanyang piramide ang itinuturing na pinakamahalagang labi ng sinaunang
kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang laman nito nang matuklasan. Ibinalik
niya ang politeismo o paniniwala sa maraming Diyos sa panahon niya.
Rameses II Nilabanan ang mga Hittites.
Nagpatayo ng malawakang mga templo.
Naganap sa kanyang panahon ang exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa
pagkakaalipin
Winasak ng krisis sa Gitnang Silangan ang kapangyarihan ng mga pharaoh. Dahil
alay, humina ang kapangyarihan ng imperyo. Sunod- sunod ang pagsakop sa kanila ng mga
dayuhan kabilang ang Sudan at Persia. Tuluyang bumagsak ang kapangyarihan ng Ehipto
nang sila ay salakayin ni Alexander the Great mula sa kaharian ng Macedonia at itinatag
ang lungsod ng Alexandria. Ginawa niyang gobernador ng Ehipto ang kaibigan at heneral na
si Ptolemy. Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna at tinaguriang “Serpent of the Nile”
Sinubukan niyang iligtas ang Ehipto sa pamamagitan ni Julius Caesar at Mark Anthony.
Ngunit hindi siya nag tagumpay sa kaniyang pakikidigma sa mga Romano. Nagpakamatay
siya sa pamamagitan ng pagpapatuklaw sa ahas. Ang Ehipto ay naging lalawigan ng
Romano sa loob ng 700 taon.
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
1. Hawak ng hari ang kapangyarihan na mamuno.
Ang mga maharlika ay mayroong malalawak na
lupain at pribilehiyo na hindi nararanasan ng ibang
mamayan tulad ng hindi pagbabayad ng buwis at
pagkakaroon ng malawak na karapatan.
2. Ang mga sundalo ay nangangalaga sa katahimikan
at kaayusan. Nagtataglay din ng maliit na lupain kung
ikukumpara sa mga maharlika.
3. Ang mga magsasaka, pastol at mangagawa ay
karaniwang mamamayan sa lipunan.
4. Ang mga alipin ang pinakamababa. Sila ay ang
mga hindi nakapagbayad sa utang, mga naging bihag
sa digmaan, at mga salarin na inakusahan ng krimen.
Maaaring umangat ang kanilang uri batay sa
kanilang kakayahan at pagsisikap.
Ang mga kababaihan ay may mataas na
kalagayan at malaya. Maaring rin sila magmana ng
ari-arian at sumubok magnegosyo.
LIPUNAN SA SINAUNANG EHIPTO
Mahigit na 2,000 Diyos ang sinasamba ng
sinaunang Ehipto. Ang paniniwala at pagsamba
sa maraming Diyos ay tinatawag na Politeismo. Si
Amon-Ra, ang Diyos ng araw ang
pinakamahalaga sa lahat sapagkat siya ang
nagbibigay-liwanag. Ang Diyosa na si Isis ang
kumakatawan sa isang ina at asawa. Ang Diyos
ng mga nasa kabilang buhay at Ilog Nile na
kumokontrol sa pagbaha ay si Osiris. Ang Diyos
ng pag-ibig, kaligayahan at katarungan ay si
Bastet na isang pusa.
6
Bilang pagpapahalaga sa mga yumao pinasimulan nila ang pag-eembalsamo o
mummification o pagpreserba sa mga patay. Pinatutuyo nila ang bangkay at nilalagyan ng
kemikal. Pagkatapos ay babalutan ito ng linen at palalamutian ng alahas. Hieroglypics ang
tawag sa sistema ng pagsulat, kung saan ang mga bagay ay may katumbas na hugis o
larawan. Tinatala ng mga eskriba sa bato ang paniniwala, kasaysayan at kultura hanggang
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
matuklasan nila ang papel na nagmula sa papyrus reeds. Magaling rin sila sa larangan ng
astronomiya, matematika, astrolohiya, at mga gawaing pangkabuhayan.
Ang Kabihasnan ng Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization o lunduyan ng
unang kabihasnan sa buong daigdig. Ang mga unang wika, pagsusulat, agrikultura, at iba
pang mahahalagang imbensiyon ay naunang napaunlad ng Mesopotamia. Sa paglipas ng
panahon ay patuloy na umunlad ang Mesopotamia. Dahil dito, maraming kalapit na
kabihasnan o imperyo ang nagkaroon ng interes na sakupin ang Mesopotamia. Unang
nanirahan dito ang mga Sumerian at sinundan ng mga dayuhang mananakop na Akkadian,
Babylonian, Hittites, Assyrian, Chaldean, Hittite, Persian, at mga Phoenician.
Sumerian (3500-2340 B.C.E.)
⮚ Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog.
Nag-alaga ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
⮚ Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan
ng isang haring pari o mas kilala sa tawag na patesi.
⮚ Tinawag na Ziggurat ang istrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o
Diyos na makikita sa bawat lungsod.
⮚ Naniwala sila sa maraming Diyos at Diyosa na anthropomorphic o may katangian at
pag-uugaling tao.
⮚ Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o
luwad na lapida.
⮚ Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi
nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.
Akkadian (2340-2100 B.C.E.)
⮚ Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang
kauna-unahang imperyo sa daigdig.
Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod- estado ng Akkad o
Agade.
⮚ Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram-Sin (2254-2218 B.C.E).
⮚ Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod estado ng Ur ang
kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad.
⮚ Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa
Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa
katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang
rehiyon.
Babylonian (1792-1595 B.C.E.)
⮚ Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng kabiserang lungsod na Babylon, ang
Mesopotamia.
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
⮚ Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa
hilaga, kabilang ang kahariang Ashur.
⮚ Naging tanyag sa batas na “mata sa mata at ngipin sa ngipin” (“an eye for an eye,
and a tooth for a tooth”) mas kilala sa tawag na Kodigo ni Hammurabi na binubuo ng
282 batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnan
⮚ Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
⮚ Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat
naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga
dayuhang pinuno.
Assyrian (1813-605 B.C.E.)
7
⮚ Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittite at
naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong
Assyrian. Sila ay malulupit at mababagsik kaya natalo ang mga Babylonian at Hittite.
⮚ Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran
upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng
tributo.
⮚ Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakitaan ng maayos na
pamamahala sa kaniyang panahon at nagpatayo ng kauna-unahang silid-aklatan
⮚ Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
Chaldean (612-539 B.C.E.)
⮚ Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) – ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia
matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
⮚ Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar
ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E.
⮚ Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng
kadakilaan. Nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa,
kinilala ito bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
⮚ Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia
hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang
Mesopotamia.
Persian (539-330 B.C.E.)
⮚ Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Achaemenid. (Iran)
⮚ Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) – nagsimulang manakop ang mga
Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia
Minor (Turkey ngayon).
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
⮚ Sa pamumuno ni Darius the Great (521-486 B.C.E.) narating ng Persia ang tugatog
ng tagumpay. Umabot ang sakop hanggang India.
⮚ Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati
ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
⮚ Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o
2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa.
⮚ Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na
itinatag ni Zoroaster.
Hittite
⮚ Mga mandirigmang Indo-Europeo na nanirahan sa silangang bahagi ng Asia Minor
noong 2000 B.C.E.
⮚ Ipinalaganap ang monoteismo, uri ng relihiyong sumasamba sa iisang diyos.
⮚ Makapangyarihan dahil sila ang kauna-unahang nakatuklas at gumamit ng bakal
bilang sandata at kasangkapan. Nakilala din sila sa paggamit ng kabayo at ginagamit
ito bilang chariot.
Phoenician
⮚ Ang kabihasnang Phoenician ay lumitaw noong 2000 B.C.E sa silangan ng Dagat
Mediteranean o kasalukuyang bansang Lebanon.
⮚ Dahil sa kanilang katangiang pisikal nakilala sila bilang mga mangangalakal at
manlalayag.
⮚ Ang purple dye na simbolo ng kamaharlikahan sa kabihasnang kanluranin ang
pangunahing produkto na kanilang kinakalakal sa mga Europeo.
⮚ Nakabuo ng alpabeto na naging batayan ng kasalukuyang alpabeto.
8
⮚ Sila ay naging tanyag ng kanilang sakupin at naging kolonya ang Carthage (Tunisia)
na makapangyarihan sa Mediteranean.
Ang mga unang kaharian sa Mesopotamia ay nagtagal nang mahabang panahon. Ang
ilang bahagi ng Mesopotamia ay napasailaalim sa pamamahala ng mga Romano.
I. PANUTO: Tukuyin ang imperyo na inilalarawan sa bawat bilang. Pumili ng tamang sagot
sa mga kahon at isulat ang tamang sagot sa patlang.
Gawain
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
___________ 1. Sumusulat sila sa clay tablet gamit ang stylus
___________ 2. Malulupit at mababagsik kaya natalo ang mga Babylonian at Hittite
___________ 3. Magagaling na maglalayag at mahuhusay na mga mangangalakal
___________
___________
4. Ito ang itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo
___________ 5. Nagmula sa lahi ng mga Babylonian
___________ 6. Nakatuklas ng paggamit sa bakal
___________ 7. Nakilala sa prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin”
___________ 8. Mga taong Indo-Europeo na may sentralisadong pamahalaan at sistema ng
pagbubuwis
___________ 9. Patesi o haring pari ang tawag sa kanilang pinuno, kilala din sila bilang mga
magsasaka
___________ 10 Nagpatayo ng kauna-unahang silid-aklatan
II. Ayusin ang mga impormasyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mahalagang pangyayari
sa Kabihasnang Ehipto. Isulat ang titik A- J sa patlang.
_________ 1. Pananalakay ng mga Hyksos
_________ 2. Ang Ehipto ay naging lalawigan ng Romano sa loob ng 700 taon.
_________ 3. Itinatag ni Haring Menes ang Lumang Kaharian
_________4. Sinalakay ni Alexander the Great ang Ehipto at itinatag ang lungsod ng
Alexandria
_________ 5. Itinatag ang Thebes bilang kabisera ng Ehipto.
_________ 6. Pinasimulan ang pagpapatayo ng mga piramide
_________ 7. Natalo at napatalsik ang mga Hyksos sa pamumuno ni Ahmose I
_________ 8. Naging gobernador si Ptolemy
_________9. Nakamit ang Ginintuang Panahon sa pamamagitan ng kalakalan at
pagpapalawak ng teritoryo
_________10. Naganap ang Exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa pagkakaalipin
9
TANDAAN
PERSIAN
AKKADIAN
SUMERIAN
HITTITES
PHOENICIAN
ASSYRIAN
BABYLONIAN
CHALDEAN
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
● Ang sinaunang kabihasnang Ehipto ay mayroong dalawang magkahiwalay na
kaharian ang Upper Egypt at Lower Egypt
● Si Menes ang pinuno ng Upper Egypt na sumakop sa Lower Eypt na nagbigay-daan
upang mapag-isa ang Ehipto sa mahabang panahon.
● Ang pharaoh ang namumuno at may hawak ng kapangyarihan sa sinaunang Ehipto.
● Nakilala ang kabihasnang Ehipto sa kanilang hieroglypics, mummification, at ang
kahanga-hangang piramide.
● Ang Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization dahil dito umusbong ang
unang maunlad na kabihasnan sa buong mundo.
● Ang kabihasnang Mesopotamia ay pinanahan at sinakop ng iba’t ibang pangkat ng
tao kabilang ang Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, Hittite,
Phoenician, at Persian.
Panuto: Punan ang talahanayan ng iyong natutunan sa mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig.
Kabihasnan Antas ng Tao
sa Lipunan
Sistema ng
Pagsulat
Antas ng
Teknolohiya
Pamahalaan Relihiyon
Ehipto
Mesopotamia
A. Mahalaga pa ba sa kasalukuyan ang sining ng pagsusulat?
⮚ Gumawa ng iyong sariling estilo o sistema ng pagsusulat.
⮚ Maaring gumamit ng mga simbolo o bagay na kakatawan dito.
Pag- alam sa mga
Natutuhan
Pagninilay
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
⮚ Subukang ipabasa kung ito ay mauunawaan ng iyong kasama sa bahay.
B. Sa mga namuno sa sinauang panahon, ibigay ang mga pinakamahalagang
katangian sa palagay mo ang dapat na taglayin ng mga kasalukuyang namumuno sa
ating bansa. Ipaliwanag ang iyong sagot.
C. Ihambing mo ang pagpapahalaga ng mga sinaunang tao sa kasalukuyang panahon
batay sa sumusunod:
1. Pananampalataya 2. Karapatang pantao 3. Pagmamahal sa bayan
10
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Ang itinuturing na kauna-unahang pharaoh na babae sa Kabihasnang Ehipto at buong
daigdig.
A. Amethyst B. Cleopatra C. Hatshepsut D. Nefertiti
2. Kauna-unahang paraon o pharaoh ng Sinaunang Ehipto
A. Amenhotep B. Khufu C. Menes D.
Rameses
3. Pharaoh na pinasimulan ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang Diyos,
si Aton, na sinasagisag ng araw.
A. Amenhotep IV B. Khufu C. Menes D.
Rameses
4. Ang uri ng tao sa lipunan ng sinaunang Ehipto na nangangalaga sa katahimikan at
kaayusan.
A. Alipin B. Maharlika C. Pangkaraniwan D. Sundalo
5. Ang itinuturing na Diyos ng pag-ibig, kaligayahan at katarungan sa sinaunang Ehipto.
A. Amon-Ra B. Bastet C. Isis D. Osiris
6. Imperyo sa sinauang Mesopotamian na nakatuklas ng paggamit ng bakal.
A. Akkadian B. Phoenician C. Hittites D. Sumerian
7. Ang tawag sa imperyong itinatag ng mga Persiano.
A. Achaemenid B. Hittite C. Phoenician D.
Sumerian
8. Ang nagsisilbing tagapamuno sa mga lalawigan sa imperyong Persiano.
A. Emperador B. Hari C. Patesi D. Satrap
9. Ang uri ng paniniwalang panrelihiyon na sumasamba sa iisang Diyos.
Panghuling Pagsusulit
AP8- Qrt1- Week 6
ARALING PANLIPUNAN 8
A. Ateista B. Monoteismo C. Politeismo D. Sekular
10. Ang kasalukuyang bansa na kabihasnang lumitaw sa silangan ng Dagat Mediteranean.
A. Iran B. Carthage C. Lebanon D. Persia
Binabati kita sa iyong matiyagang pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito. Bilang isang
estudyante, matagumpay mong binigyang tugon ang hamon sa iyong pag-aaral sa kabila ng
new normal na ating kinahaharap sa bansa.
Hanggang sa muli!

8-AP-Qtr-1-Week-6-Validated-LONG-printing (2).docx

  • 1.
    AP8- Qrt1- Week6 Paunang pagsusulit ARALING PANLIPUNAN 8 Pangalan: _________________Baitang at Pangkat:_____Guro: __________ ARALIN 6: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig MELC: Nasusuri ang mga kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China Ang Modyul na ito ay para sa Aralin ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay may hangarin na matulungan ka na maging isang estudyante na may kaalaman sa mga naging pangyayari sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig na may positibong kaisipan sa naging impluwensiya nito sa kasalukuyang panahon. Matapos ang Modyul, ang mga mag- aaral ay inaasahan na… Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at China batay sa a. politika b. ekonomiya c. kultura d. relihiyon e. paniniwala at f. lipunan Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel. 1. Panahon kung kailan mayroon nang maunlad na pamahalaan, lipunan, kabuhayan, at kultura ang isang pamayanan o lungsod-estado. A. Kabihasnan B. Klasikal C. Kontemporaryo D. Midyibal 2. Nagtataglay ng 232 batas na naglalaman ng pamantayan ng sinaunang Babylonian. A. Bibliya B. Kodigo ni Hammurabi C. Torah D. Vedas 3. Itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo, ang unang pangkat ng mga tao na nakasakop sa isa pang pangkat ng tao. A. Imperyong Akkadian C. Imperyong Babylonian B. Imperyong Assyrian D. Imperyong Chaldean 4. Ang uri ng paniniwalang panrelihiyon na sumasamba sa maraming Diyos. A. Ateista B. Monoteismo C. Politeismo D. Sekular Inaasahan
  • 2.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 5. Sinaunang paraan o sistema ng pagsulat ng mga Sumerian. A. Calligraphy B. Cuneiform C. Hieroglypics D. Pictogram 6. Tawag sa pinuno ng mga kaharian sa Kabihasnang Ehipto. 2 A. Emperador B. Hari C. Patesi D. Pharaoh 7. Mahalagang pamana ng Sinaunang Ehipto dahil natatangi at kahanga-hanga ang arkitektura at paraan ng pagtatayo. A. Irigasyon B. Obelisk C. Piramide D. Ziggurat 8. Sa lipunan ng sinaunang Ehipto, nasa kanilang kamay ang malalawak na lupain, hindi nagbabayad ng buwis at may malawak na karapatan. A. Alipin B. Maharlika C. Pangkaraniwan D. Sundalo 9. Ang uri ng pamahalaan na haring Diyos ang kanilang pinuno. A. Aristokrasya B. Demokrasya C. Monarkiya D. Teokrasya 10. Ang pinakamahalagang Diyosa para sa mga Ehipsyo na kumakatawan sa isang ina at asawa. A. Amon-Ra B. Bastet C. Isis D. Osiris GAWAIN 1: MAPASURI Panuto: Suriin ang mapa sa ibaba at ilarawan ang heograpikal na katangian ng mga Sinaunang Kabihasnan sa daigdig. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon. Balik Tanaw
  • 3.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang katangiang pisikal ng mga lugar kung saan unang umusbong ang mga kabihasnan sa daigdig? 2. Bakit sa mga lambak-ilog umusbong ang mga sinaunang kabihasnan? 3. Paano nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga tao ang katangiang pisikal ng sinaunang kabihasnan? 3 Matapos mong sagutan ang mga pamprosesong tanong, halika at ating alamin ang naging pag-unlad ng pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa daigdig. LARAWAN SURI Panuto: Ang mga larawan sa ibaba ay pagkakakilanlan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Suriin ang mga ito at piliin sa loob ng kahon ang katawagan. Isulat ang tamang sagot sa ibaba ng larawan. Maikling Pagkilala sa Aralin
  • 4.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 Mga Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa mga larawan na nasa itaas? 2. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa pagtukoy sa mga salik sa pagbuo ng isang kabihasnan? 3. Ano ano ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig? 4 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Ang mga orihinal na nanirahan sa Kabihasnang Ehipto ay nagmula sa mga nomadikong Asyano. Sila ay nanirahan sa lambak ilog na Nile. Umunlad ang kanilang pamumuhay at itinatag ang dalawang magkahiwalay na kaharian ang Upper Egypt at Lower Egpyt. Mga Yugto sa Kasaysayan ng Ehipto 1. Lumang Kaharian (3200-2000 BCE) Ito ay tinawag din na “Panahon ng Piramide” itinatag ito ni Haring Menes sa panahon na ito nagsimula ang pagpapatayo ng mga piramide upang maging libingan ng mga Pharaoh. Ang kanilang pinuno ay tinatawag na Pharaoh. Itinuturing ng mga tao na ang kanilang pharaoh ay Diyos kaya kontrolado nito ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan. Ang uri ng pamahalan na may ganitong sistema ay tinatawag na teokrasya. Mga kilalang pinuno sa Lumang Kaharian ⮚ Djoser- sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa Ehipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong 2780. ⮚ Khufu o Cheops - sa kaniyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura na itinayo ng tao. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon na may tinatayang 80 nakahanay na piramide. Ang mga piramide ay patunay na mayroong matatag na pamahalaan ang Kabihasnan ng Ehipto Ang maayos na plano at disenyo ng gusali ay nagpapatunay ng kanilang kahusayan at mataas na kaalaman sa arkitektura. Ang mga sumunod na pharaoh ay hindi nagtataglay
  • 5.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 ng kagalingan sa pamumuno kung kaya pinahina sila ng sunod-sunod na digmaan. Ang sumunod na magaling na pinuno ay si Amenemhet I mula sa Thebes. 2. Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.) Muling nanumbalik ang kaayusan sa Ehipto ng pamunuan ni Amenemhet I. Sa kaniyang pamumuno Itinatag ang Thebes bilang kabisera ng Ehipto. Pinagbuti ni Amenemhet I ang sistema ng pagsasaka upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa kaniyang nasasakupan. Pinaunlad niya din ang yamang mineral ng bansa at ginawang palamuti sa katawan ng mga pharaoh ang mga ito. Naging masigla ang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng ugnayan sa Palestina at Syria. Nagwakas ang maunlad na pamamalakad sa kaharian ng ito ay makaranas ng sunod- sunod na digmaang sibil na siyang nagpahina sa kaharian. Naging madali silang nasalakay ng mga Hyksos na mula sa Syria. Sa loob ng 160 taon naging maayos at maunlad ang pamumuno ng mga Hyksos ngunit sila ay pinatalsik sa Ehipto sa pamumuno ni Ahmose I ng Thebes. Ang kaniyang pagkapanalo ang naging dahilan ng pagsilang sa bagong kaharian. 3. Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.) Matapos maitaboy ang mga Hyksos noong 1567 BCE, naitatag ang bagong dinastiya at nagsimula na rin ang Bagong Kaharian na tinatawag din na Panahon ng Imperyo sa paghahari ni Ahmose I. Muli niyang binuo ang Ehipto sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes. Ang ilan sa mga tanyag na pharaoh sa kaharian ay ang mga sumusunod: Thutmose II Nasakop ang Nubia para sa imperyo Sinakop ang Syria at Palestina Hatshepsut Kauna-unahang babaeng pinuno sa kasaysayan ng daigdig Nagpadala ng iba’t ibang ekspedisyong pangkalakalan sa iba’t ibang lugar Nagpatayo ng mga temple na isang dakilang ambag ng Ehipto Thutmose III Tinaguriang pinakamahusay na pinuno ng Ehipto dahil napaunlad ang kalakalan at nagpalawak ng teritoryo. Nakamit ang Ginintuang Panahon sa kaniyang pamumuno Amenhotep IV Ipinagbawal ang pagsamba sa maraming Diyos Ipinakilala ang bagong relihiyon na sumasamba sa iisang Diyos na si Aton. Tutankhamen Ang kanyang piramide ang itinuturing na pinakamahalagang labi ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang laman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang politeismo o paniniwala sa maraming Diyos sa panahon niya. Rameses II Nilabanan ang mga Hittites. Nagpatayo ng malawakang mga templo. Naganap sa kanyang panahon ang exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa pagkakaalipin Winasak ng krisis sa Gitnang Silangan ang kapangyarihan ng mga pharaoh. Dahil alay, humina ang kapangyarihan ng imperyo. Sunod- sunod ang pagsakop sa kanila ng mga dayuhan kabilang ang Sudan at Persia. Tuluyang bumagsak ang kapangyarihan ng Ehipto nang sila ay salakayin ni Alexander the Great mula sa kaharian ng Macedonia at itinatag ang lungsod ng Alexandria. Ginawa niyang gobernador ng Ehipto ang kaibigan at heneral na si Ptolemy. Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna at tinaguriang “Serpent of the Nile” Sinubukan niyang iligtas ang Ehipto sa pamamagitan ni Julius Caesar at Mark Anthony. Ngunit hindi siya nag tagumpay sa kaniyang pakikidigma sa mga Romano. Nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagpapatuklaw sa ahas. Ang Ehipto ay naging lalawigan ng Romano sa loob ng 700 taon.
  • 6.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 1. Hawak ng hari ang kapangyarihan na mamuno. Ang mga maharlika ay mayroong malalawak na lupain at pribilehiyo na hindi nararanasan ng ibang mamayan tulad ng hindi pagbabayad ng buwis at pagkakaroon ng malawak na karapatan. 2. Ang mga sundalo ay nangangalaga sa katahimikan at kaayusan. Nagtataglay din ng maliit na lupain kung ikukumpara sa mga maharlika. 3. Ang mga magsasaka, pastol at mangagawa ay karaniwang mamamayan sa lipunan. 4. Ang mga alipin ang pinakamababa. Sila ay ang mga hindi nakapagbayad sa utang, mga naging bihag sa digmaan, at mga salarin na inakusahan ng krimen. Maaaring umangat ang kanilang uri batay sa kanilang kakayahan at pagsisikap. Ang mga kababaihan ay may mataas na kalagayan at malaya. Maaring rin sila magmana ng ari-arian at sumubok magnegosyo. LIPUNAN SA SINAUNANG EHIPTO Mahigit na 2,000 Diyos ang sinasamba ng sinaunang Ehipto. Ang paniniwala at pagsamba sa maraming Diyos ay tinatawag na Politeismo. Si Amon-Ra, ang Diyos ng araw ang pinakamahalaga sa lahat sapagkat siya ang nagbibigay-liwanag. Ang Diyosa na si Isis ang kumakatawan sa isang ina at asawa. Ang Diyos ng mga nasa kabilang buhay at Ilog Nile na kumokontrol sa pagbaha ay si Osiris. Ang Diyos ng pag-ibig, kaligayahan at katarungan ay si Bastet na isang pusa. 6 Bilang pagpapahalaga sa mga yumao pinasimulan nila ang pag-eembalsamo o mummification o pagpreserba sa mga patay. Pinatutuyo nila ang bangkay at nilalagyan ng kemikal. Pagkatapos ay babalutan ito ng linen at palalamutian ng alahas. Hieroglypics ang tawag sa sistema ng pagsulat, kung saan ang mga bagay ay may katumbas na hugis o larawan. Tinatala ng mga eskriba sa bato ang paniniwala, kasaysayan at kultura hanggang
  • 7.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 matuklasan nila ang papel na nagmula sa papyrus reeds. Magaling rin sila sa larangan ng astronomiya, matematika, astrolohiya, at mga gawaing pangkabuhayan. Ang Kabihasnan ng Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization o lunduyan ng unang kabihasnan sa buong daigdig. Ang mga unang wika, pagsusulat, agrikultura, at iba pang mahahalagang imbensiyon ay naunang napaunlad ng Mesopotamia. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na umunlad ang Mesopotamia. Dahil dito, maraming kalapit na kabihasnan o imperyo ang nagkaroon ng interes na sakupin ang Mesopotamia. Unang nanirahan dito ang mga Sumerian at sinundan ng mga dayuhang mananakop na Akkadian, Babylonian, Hittites, Assyrian, Chaldean, Hittite, Persian, at mga Phoenician. Sumerian (3500-2340 B.C.E.) ⮚ Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog. Nag-alaga ng mga baka, tupa, kambing, at baboy. ⮚ Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang haring pari o mas kilala sa tawag na patesi. ⮚ Tinawag na Ziggurat ang istrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o Diyos na makikita sa bawat lungsod. ⮚ Naniwala sila sa maraming Diyos at Diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao. ⮚ Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida. ⮚ Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian. Akkadian (2340-2100 B.C.E.) ⮚ Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig. Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod- estado ng Akkad o Agade. ⮚ Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram-Sin (2254-2218 B.C.E). ⮚ Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad. ⮚ Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon. Babylonian (1792-1595 B.C.E.) ⮚ Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng kabiserang lungsod na Babylon, ang Mesopotamia.
  • 8.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 ⮚ Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur. ⮚ Naging tanyag sa batas na “mata sa mata at ngipin sa ngipin” (“an eye for an eye, and a tooth for a tooth”) mas kilala sa tawag na Kodigo ni Hammurabi na binubuo ng 282 batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnan ⮚ Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon. ⮚ Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang pinuno. Assyrian (1813-605 B.C.E.) 7 ⮚ Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian. Sila ay malulupit at mababagsik kaya natalo ang mga Babylonian at Hittite. ⮚ Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo. ⮚ Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon at nagpatayo ng kauna-unahang silid-aklatan ⮚ Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa. Chaldean (612-539 B.C.E.) ⮚ Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) – ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria. ⮚ Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E. ⮚ Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World. ⮚ Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia. Persian (539-330 B.C.E.) ⮚ Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Achaemenid. (Iran) ⮚ Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) – nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor (Turkey ngayon).
  • 9.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 ⮚ Sa pamumuno ni Darius the Great (521-486 B.C.E.) narating ng Persia ang tugatog ng tagumpay. Umabot ang sakop hanggang India. ⮚ Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap. ⮚ Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa. ⮚ Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster. Hittite ⮚ Mga mandirigmang Indo-Europeo na nanirahan sa silangang bahagi ng Asia Minor noong 2000 B.C.E. ⮚ Ipinalaganap ang monoteismo, uri ng relihiyong sumasamba sa iisang diyos. ⮚ Makapangyarihan dahil sila ang kauna-unahang nakatuklas at gumamit ng bakal bilang sandata at kasangkapan. Nakilala din sila sa paggamit ng kabayo at ginagamit ito bilang chariot. Phoenician ⮚ Ang kabihasnang Phoenician ay lumitaw noong 2000 B.C.E sa silangan ng Dagat Mediteranean o kasalukuyang bansang Lebanon. ⮚ Dahil sa kanilang katangiang pisikal nakilala sila bilang mga mangangalakal at manlalayag. ⮚ Ang purple dye na simbolo ng kamaharlikahan sa kabihasnang kanluranin ang pangunahing produkto na kanilang kinakalakal sa mga Europeo. ⮚ Nakabuo ng alpabeto na naging batayan ng kasalukuyang alpabeto. 8 ⮚ Sila ay naging tanyag ng kanilang sakupin at naging kolonya ang Carthage (Tunisia) na makapangyarihan sa Mediteranean. Ang mga unang kaharian sa Mesopotamia ay nagtagal nang mahabang panahon. Ang ilang bahagi ng Mesopotamia ay napasailaalim sa pamamahala ng mga Romano. I. PANUTO: Tukuyin ang imperyo na inilalarawan sa bawat bilang. Pumili ng tamang sagot sa mga kahon at isulat ang tamang sagot sa patlang. Gawain
  • 10.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 ___________ 1. Sumusulat sila sa clay tablet gamit ang stylus ___________ 2. Malulupit at mababagsik kaya natalo ang mga Babylonian at Hittite ___________ 3. Magagaling na maglalayag at mahuhusay na mga mangangalakal ___________ ___________ 4. Ito ang itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo ___________ 5. Nagmula sa lahi ng mga Babylonian ___________ 6. Nakatuklas ng paggamit sa bakal ___________ 7. Nakilala sa prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin” ___________ 8. Mga taong Indo-Europeo na may sentralisadong pamahalaan at sistema ng pagbubuwis ___________ 9. Patesi o haring pari ang tawag sa kanilang pinuno, kilala din sila bilang mga magsasaka ___________ 10 Nagpatayo ng kauna-unahang silid-aklatan II. Ayusin ang mga impormasyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mahalagang pangyayari sa Kabihasnang Ehipto. Isulat ang titik A- J sa patlang. _________ 1. Pananalakay ng mga Hyksos _________ 2. Ang Ehipto ay naging lalawigan ng Romano sa loob ng 700 taon. _________ 3. Itinatag ni Haring Menes ang Lumang Kaharian _________4. Sinalakay ni Alexander the Great ang Ehipto at itinatag ang lungsod ng Alexandria _________ 5. Itinatag ang Thebes bilang kabisera ng Ehipto. _________ 6. Pinasimulan ang pagpapatayo ng mga piramide _________ 7. Natalo at napatalsik ang mga Hyksos sa pamumuno ni Ahmose I _________ 8. Naging gobernador si Ptolemy _________9. Nakamit ang Ginintuang Panahon sa pamamagitan ng kalakalan at pagpapalawak ng teritoryo _________10. Naganap ang Exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa pagkakaalipin 9 TANDAAN PERSIAN AKKADIAN SUMERIAN HITTITES PHOENICIAN ASSYRIAN BABYLONIAN CHALDEAN
  • 11.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 ● Ang sinaunang kabihasnang Ehipto ay mayroong dalawang magkahiwalay na kaharian ang Upper Egypt at Lower Egypt ● Si Menes ang pinuno ng Upper Egypt na sumakop sa Lower Eypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang Ehipto sa mahabang panahon. ● Ang pharaoh ang namumuno at may hawak ng kapangyarihan sa sinaunang Ehipto. ● Nakilala ang kabihasnang Ehipto sa kanilang hieroglypics, mummification, at ang kahanga-hangang piramide. ● Ang Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang maunlad na kabihasnan sa buong mundo. ● Ang kabihasnang Mesopotamia ay pinanahan at sinakop ng iba’t ibang pangkat ng tao kabilang ang Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, Hittite, Phoenician, at Persian. Panuto: Punan ang talahanayan ng iyong natutunan sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Kabihasnan Antas ng Tao sa Lipunan Sistema ng Pagsulat Antas ng Teknolohiya Pamahalaan Relihiyon Ehipto Mesopotamia A. Mahalaga pa ba sa kasalukuyan ang sining ng pagsusulat? ⮚ Gumawa ng iyong sariling estilo o sistema ng pagsusulat. ⮚ Maaring gumamit ng mga simbolo o bagay na kakatawan dito. Pag- alam sa mga Natutuhan Pagninilay
  • 12.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 ⮚ Subukang ipabasa kung ito ay mauunawaan ng iyong kasama sa bahay. B. Sa mga namuno sa sinauang panahon, ibigay ang mga pinakamahalagang katangian sa palagay mo ang dapat na taglayin ng mga kasalukuyang namumuno sa ating bansa. Ipaliwanag ang iyong sagot. C. Ihambing mo ang pagpapahalaga ng mga sinaunang tao sa kasalukuyang panahon batay sa sumusunod: 1. Pananampalataya 2. Karapatang pantao 3. Pagmamahal sa bayan 10 Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel. 1. Ang itinuturing na kauna-unahang pharaoh na babae sa Kabihasnang Ehipto at buong daigdig. A. Amethyst B. Cleopatra C. Hatshepsut D. Nefertiti 2. Kauna-unahang paraon o pharaoh ng Sinaunang Ehipto A. Amenhotep B. Khufu C. Menes D. Rameses 3. Pharaoh na pinasimulan ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang Diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. A. Amenhotep IV B. Khufu C. Menes D. Rameses 4. Ang uri ng tao sa lipunan ng sinaunang Ehipto na nangangalaga sa katahimikan at kaayusan. A. Alipin B. Maharlika C. Pangkaraniwan D. Sundalo 5. Ang itinuturing na Diyos ng pag-ibig, kaligayahan at katarungan sa sinaunang Ehipto. A. Amon-Ra B. Bastet C. Isis D. Osiris 6. Imperyo sa sinauang Mesopotamian na nakatuklas ng paggamit ng bakal. A. Akkadian B. Phoenician C. Hittites D. Sumerian 7. Ang tawag sa imperyong itinatag ng mga Persiano. A. Achaemenid B. Hittite C. Phoenician D. Sumerian 8. Ang nagsisilbing tagapamuno sa mga lalawigan sa imperyong Persiano. A. Emperador B. Hari C. Patesi D. Satrap 9. Ang uri ng paniniwalang panrelihiyon na sumasamba sa iisang Diyos. Panghuling Pagsusulit
  • 13.
    AP8- Qrt1- Week6 ARALING PANLIPUNAN 8 A. Ateista B. Monoteismo C. Politeismo D. Sekular 10. Ang kasalukuyang bansa na kabihasnang lumitaw sa silangan ng Dagat Mediteranean. A. Iran B. Carthage C. Lebanon D. Persia Binabati kita sa iyong matiyagang pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito. Bilang isang estudyante, matagumpay mong binigyang tugon ang hamon sa iyong pag-aaral sa kabila ng new normal na ating kinahaharap sa bansa. Hanggang sa muli!