Ang editorial cartoon ay isang anyo ng political cartoon na nagpapahayag ng opinyon o isyu gamit ang caricature at representasyon. Mahalaga ito sa mga pahayagan bilang isang nakakaaliw at mabilis na paraan ng pagbibigay-mensahe sa mga mambabasa. Ang paggawa nito ay nangangailangan ng malawak na kaalaman sa isyu at masusing pagsusuri ng sariling likha bago ito ma-finalize.