SlideShare a Scribd company logo
1 of 27
Download to read offline
Si Jacob na
Mandaraya
Inihahandog ng
Bibliya Para sa mga Bata
Isinulat ni: Edward Hughes
Inilarawan nila: M. Maillot; Lazarus
Ibinagay nila: M. Kerr; Sarah S; Alastair Paterson
Isinalin ni: Christie Cornejo
Inilimbag at ipinamamahagi
ng Bible for Children
www.M1914.org
©2021 Bible for Children, Inc.
Pahintulot: Ang materyal na ito ay maaaring makopya o malimbag, ngunit
hindi maaaring ipagbili.
Nagkaroon ba kayo
ng bagong sanggol sa
pamilya? Hindi ba
napakasaya! Si
Isaak at Rebeka
ay nagkaroon ng
kambal, kaya’t
doble ang kanilang
kasiyahan!
Ang mga sanggol
ay naglilikot sa
tiyan ni Rebeka.
Sa kanyang
panalangin,
sinabi ng
Diyos na
ang dalawang
sanggol ay
magiging pinuno
ng dalawang
bansa, ngunit
magiging higit na
malakas ang mas
bata kaysa sa nauna.
Isinilang na
ang dalawang
sanggol.
Ang kambal ay magkaiba. Si Esau, ang
panganay, ay mabalahibo ang katawan
at mahusay na mangangaso. Si Jacob
naman ay makinis ang balat at tahimik
lagi sa bahay. Mahal ni Isaak si Esau,
at mahal ni Rebeka si Jacob.
Isang araw, si Esau ay umuwi ng gutom at sinabi
kay Jacob, “Bigyan mo ako ng pagkain.” Sumagot si
Jacob, “Ibigay mo muna sa akin ang iyong karapatan
bilang
panganay.”
Nakipagkasundo si
Esau at hindi binigyang
halaga ang pangako ng
Diyos sa mga panganay.
Kaya’t si Jacob
ang magiging ulo
ng pamilya sa
paglisan ng
kanilang ama.
Isang gabi, kinausap ng Diyos si Isaak, “Ako ang
Diyos ng iyong ama na si Abraham. Ako ay kasama
mo, at pagpapalain ko ang iyong lahi.”
Kahit na si Isaak ay sumasamba sa Diyos, ang
kanyang anak na si Esau ay nag-asawa ng dalawang
babaeng dayuhan. Sila ay Heteo na
hindi sumasamba sa Diyos.
Matanda na si Isaak. “Ihuli mo
ako ng hayop at lutuin ang putahing
gusto ko,” ang sabi niya kay Esau.
“At ikaw ay aking bibigyan ng
basbas.” Ang basbas na ito ay ang
pagpala ng isang ama sa kanyang
panganay. Kayat nagmadali si Esau.
Ngunit narinig ni Rebeka ang lahat
ng ito. Nais niyang si
Jacob ang pagpalain
at hindi si Esau.
Si Rebeka ay nag-isip.
Kanyang niluto ang
paboritong pagkain ni
Isaak, at pinasuot kay
Jacob ang damit ni
Esau. Ang mga braso
at leeg ni Jacob na
walang balahibo'y
binalutan niya ng balat
ng hayop. Si Isaak ay
hindi na nakakakita
kayat maari ng madaya.
Dinala ni Jacob ang
pagkain kay Esau. “Ang
tinig mo ay parang kay
Jacob, ngunit ang iyong
kamay ay parang kay
Esau,” ang sabi ni Isaak.
Pagkatapos kumain
ni Isaak, kanyang
binigyan ng
basbas ang
anak na
nakaluhod
sa kanya.
Pagkaalis ni Jacob ay
dumating si Esau. Ito
po ang inyong pagkain,
ang sabi ni Esau. Doon
nalaman ni Isaak na
siya ay nadaya. “Hindi
ko na maibabalik ang
pagpapala,” ang iyak ni
Isaak. Napuno ng galit
si Esau. Inisip niya na
patayin si Jacob.
Nalaman ni Rebeka ang balak
ni Esau. “Pumunta ka sa
iyong tiyo,” ang sabi ni
Rebeka kay Jacob, hanggang
makalimot si Esau. Umayon
din si Isaak na maghanap si
Jacob ng asawa mula sa
pamilya ni Rebeka.
Sa gabi ng
paglalakbay ni Jacob,
siya ay natulog at isang
bato ang ginamit na
unan. Maaring siya
ay nalungkot o natakot.
Ngunit siya ay hindi
nag-iisa. Ang
Diyos ay nagsalita
sa kanya sa isang
magandang
panaginip.
“Ako ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ako
ay kasama mo. Ang lupang ito na iyong hinihigan
ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi. Sa iyong
pamilya, ang lahat ng pamilya ng Israel ay
pagpapalain.” Nang matapos magsalita
ang Diyos ay nagising si Jacob.
Siya ay natakot.
Si Jacob ay tinanggap ng kanyang tiyo na
si Laban. Siya din ay napa-ibig sa
anak ni Laban na si Raquel,
kayat siya ay naglingkod
kay Laban ng 7 taon upang
mapakasalan si Raquel.
Ngunit sa gabi ng
kasal, dinaya ni
Laban si Jacob.
“Ito ay si Leah, at hindi si Raquel,” reklamo ni Jacob.
“Dinaya mo ako.” “Ang panganay ang unang dapat
mag-asawa,” sabi ni Laban. “Pakasalan
mo si Raquel ngunit kailangan
mong magsilbi muli ng 7 taon.”
Pumayag si Jacob. Marahil
kanyang naalala ang kanyang
pandaraya kay Esau.
Si Jacob ay nagkaroon
ng 11 anak. Makalipas ang
panahon, siya ay nagnais
makabalik ng Kanaan
kasama ang kanyang
pamilya.
Ngunit si Esau ay nasa Kanaan,
at maaring may panganib ang
buhay ni Jacob. Ngunit isang
araw, sinabi ng Diyos kay
Jacob na bumalik ng Kanaan.
Kaya’t tinipon ni Jacob ang
kanyang pamilya at mga hayop
upang bumalik sa Kanaan.
Isang masayang
paglalakbay.
Sinalubong ni
Esau si Jacob
kasama ang 400
na tauhan.
Tumakbo si Esau
patungo kay Jacob,
at kanyang niyakap.
Ang magkapatid ay
nagkasundo muli, at
si Jacob ay nanirahan
sa Kanaan ng mapayapa.
“Ang bukas ng iyong mga Salita ay
nagbibigay ng liwanag.” Mga Awit 119:130
Si Jacob na Mandaraya
isang kuwentong nanggagaling sa
Salita ng Diyos, ang Bibliya,
makikita sa
Genesis 25-33
Ang Wakas
Sinasabi sa kuwentong ito mula sa Bibliya ang tungkol sa ating
kahanga-hangang Diyos na Siyang lumikha sa atin at nais Niya na
makilala natin Siya.
Alam ng Diyos na tayo'y nakagawa ng masasamang bagay na tinatawag
Niyang kasalanan. Ang parusa sa kasalanan ay kamatayan ngunit lubos
ang pagmamahal ng Diyos sa atin kaya't ipinadala Niya ang Kanyang Anak
na si Hesus na Siyang napako at namatay sa Krus upang pagbayaran
ang ating mga kasalanan.
Subalit hindi nanatiling patay si Hesus. Nabuhay Siyang muli at
bumalik sa langit! Kung mananampalataya ka kay Hesus at hihingi ng
kapatawaran sa iyong mga kasalanan, papatawarin ka Niya. Siya ay
darating at mananahan sa iyong buhay magpakailanman.
Kung ibig mong maligtas at mapatawad sa iyong kasalanan,
narito ang isang panalangin na maaari mong tularan:
“Mahal kong Diyos, naniniwala po ako na si Hesus ay namatay para sa akin,
ngunit Siya ay nabuhay muli. Tinatanggap ko po kayo sa aking buhay at
patawarin Ninyo po ako sa aking mga kasalanan upang ako'y magkaroon ngayon
ng bagong buhay, at sa isang araw ay makasama Kayo magpakailanman.
Tulungan po Ninyo akong mamuhay bilang Inyong anak. Amen.”
Basahin ang Bibliya at manalangin sa Diyos araw-araw! Juan 3:16

More Related Content

What's hot

Ang Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanAng Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanRic Eguia
 
“Wrestling With God”
“Wrestling With God”“Wrestling With God”
“Wrestling With God”Don McClain
 
The Good Samaritan Luke 10:25-37
The Good Samaritan Luke 10:25-37The Good Samaritan Luke 10:25-37
The Good Samaritan Luke 10:25-37Jonathan Swales
 
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunitiesLesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunitiesElmer Dela Pena
 
Pre Encounter Lesson 1: Four Wonderful Opportunities
Pre Encounter Lesson 1: Four Wonderful OpportunitiesPre Encounter Lesson 1: Four Wonderful Opportunities
Pre Encounter Lesson 1: Four Wonderful OpportunitiesRhea Deligero
 
Standing Strong Sermon 7 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 7 (Tagalog)Standing Strong Sermon 7 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 7 (Tagalog)Bong Baylon
 
Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ric Eguia
 
Love One Another
Love One AnotherLove One Another
Love One AnotherRic Eguia
 
FATHERS DAY - YAN ANG TATAY KO - PTR. JOSHUA GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
FATHERS DAY - YAN ANG TATAY KO - PTR. JOSHUA GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICEFATHERS DAY - YAN ANG TATAY KO - PTR. JOSHUA GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
FATHERS DAY - YAN ANG TATAY KO - PTR. JOSHUA GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICEFaithworks Christian Church
 
Gaano kalapit ang puso mo sa Diyos?
Gaano kalapit ang puso mo sa Diyos?Gaano kalapit ang puso mo sa Diyos?
Gaano kalapit ang puso mo sa Diyos?ACTS238 Believer
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang BuhayDerick Parfan
 
Ano ang buhay na gusto mo
Ano ang buhay na gusto moAno ang buhay na gusto mo
Ano ang buhay na gusto moRogelio Gonia
 
Cultivating a relationship with God.
Cultivating a relationship with God.Cultivating a relationship with God.
Cultivating a relationship with God.Myrrhtel Garcia
 
Sekolah Sabat - Triwulan 1 2023 - Pelajaran 6
Sekolah Sabat - Triwulan 1 2023 - Pelajaran 6Sekolah Sabat - Triwulan 1 2023 - Pelajaran 6
Sekolah Sabat - Triwulan 1 2023 - Pelajaran 6Adam Hiola
 
Womens Ministry 2022 ppt.pptx
Womens Ministry 2022 ppt.pptxWomens Ministry 2022 ppt.pptx
Womens Ministry 2022 ppt.pptxTracyLewis47
 

What's hot (20)

Pagod kana ba
Pagod kana baPagod kana ba
Pagod kana ba
 
Ang Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanAng Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang Simbahan
 
“Wrestling With God”
“Wrestling With God”“Wrestling With God”
“Wrestling With God”
 
The Good Samaritan Luke 10:25-37
The Good Samaritan Luke 10:25-37The Good Samaritan Luke 10:25-37
The Good Samaritan Luke 10:25-37
 
The Book of Esther
The Book of EstherThe Book of Esther
The Book of Esther
 
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunitiesLesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
Lesson 1 of pre encounter four wonderful opportunities
 
Pre Encounter Lesson 1: Four Wonderful Opportunities
Pre Encounter Lesson 1: Four Wonderful OpportunitiesPre Encounter Lesson 1: Four Wonderful Opportunities
Pre Encounter Lesson 1: Four Wonderful Opportunities
 
Assurance of salvation v1
Assurance of salvation v1Assurance of salvation v1
Assurance of salvation v1
 
Standing Strong Sermon 7 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 7 (Tagalog)Standing Strong Sermon 7 (Tagalog)
Standing Strong Sermon 7 (Tagalog)
 
Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1
 
Love One Another
Love One AnotherLove One Another
Love One Another
 
FATHERS DAY - YAN ANG TATAY KO - PTR. JOSHUA GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
FATHERS DAY - YAN ANG TATAY KO - PTR. JOSHUA GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICEFATHERS DAY - YAN ANG TATAY KO - PTR. JOSHUA GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
FATHERS DAY - YAN ANG TATAY KO - PTR. JOSHUA GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
 
Story of Joseph
Story of JosephStory of Joseph
Story of Joseph
 
the word of god
the word of godthe word of god
the word of god
 
Gaano kalapit ang puso mo sa Diyos?
Gaano kalapit ang puso mo sa Diyos?Gaano kalapit ang puso mo sa Diyos?
Gaano kalapit ang puso mo sa Diyos?
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay
 
Ano ang buhay na gusto mo
Ano ang buhay na gusto moAno ang buhay na gusto mo
Ano ang buhay na gusto mo
 
Cultivating a relationship with God.
Cultivating a relationship with God.Cultivating a relationship with God.
Cultivating a relationship with God.
 
Sekolah Sabat - Triwulan 1 2023 - Pelajaran 6
Sekolah Sabat - Triwulan 1 2023 - Pelajaran 6Sekolah Sabat - Triwulan 1 2023 - Pelajaran 6
Sekolah Sabat - Triwulan 1 2023 - Pelajaran 6
 
Womens Ministry 2022 ppt.pptx
Womens Ministry 2022 ppt.pptxWomens Ministry 2022 ppt.pptx
Womens Ministry 2022 ppt.pptx
 

Jacob_the_Deceiver_Tagalog.pdf

  • 1. Si Jacob na Mandaraya Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata
  • 2. Isinulat ni: Edward Hughes Inilarawan nila: M. Maillot; Lazarus Ibinagay nila: M. Kerr; Sarah S; Alastair Paterson Isinalin ni: Christie Cornejo Inilimbag at ipinamamahagi ng Bible for Children www.M1914.org ©2021 Bible for Children, Inc. Pahintulot: Ang materyal na ito ay maaaring makopya o malimbag, ngunit hindi maaaring ipagbili.
  • 3. Nagkaroon ba kayo ng bagong sanggol sa pamilya? Hindi ba napakasaya! Si Isaak at Rebeka ay nagkaroon ng kambal, kaya’t doble ang kanilang kasiyahan!
  • 4. Ang mga sanggol ay naglilikot sa tiyan ni Rebeka. Sa kanyang panalangin, sinabi ng Diyos na ang dalawang sanggol ay magiging pinuno ng dalawang bansa, ngunit magiging higit na malakas ang mas bata kaysa sa nauna.
  • 6. Ang kambal ay magkaiba. Si Esau, ang panganay, ay mabalahibo ang katawan at mahusay na mangangaso. Si Jacob naman ay makinis ang balat at tahimik lagi sa bahay. Mahal ni Isaak si Esau, at mahal ni Rebeka si Jacob.
  • 7. Isang araw, si Esau ay umuwi ng gutom at sinabi kay Jacob, “Bigyan mo ako ng pagkain.” Sumagot si Jacob, “Ibigay mo muna sa akin ang iyong karapatan bilang panganay.”
  • 8. Nakipagkasundo si Esau at hindi binigyang halaga ang pangako ng Diyos sa mga panganay. Kaya’t si Jacob ang magiging ulo ng pamilya sa paglisan ng kanilang ama.
  • 9. Isang gabi, kinausap ng Diyos si Isaak, “Ako ang Diyos ng iyong ama na si Abraham. Ako ay kasama mo, at pagpapalain ko ang iyong lahi.”
  • 10. Kahit na si Isaak ay sumasamba sa Diyos, ang kanyang anak na si Esau ay nag-asawa ng dalawang babaeng dayuhan. Sila ay Heteo na hindi sumasamba sa Diyos.
  • 11. Matanda na si Isaak. “Ihuli mo ako ng hayop at lutuin ang putahing gusto ko,” ang sabi niya kay Esau. “At ikaw ay aking bibigyan ng basbas.” Ang basbas na ito ay ang pagpala ng isang ama sa kanyang panganay. Kayat nagmadali si Esau. Ngunit narinig ni Rebeka ang lahat ng ito. Nais niyang si Jacob ang pagpalain at hindi si Esau.
  • 12. Si Rebeka ay nag-isip. Kanyang niluto ang paboritong pagkain ni Isaak, at pinasuot kay Jacob ang damit ni Esau. Ang mga braso at leeg ni Jacob na walang balahibo'y binalutan niya ng balat ng hayop. Si Isaak ay hindi na nakakakita kayat maari ng madaya.
  • 13. Dinala ni Jacob ang pagkain kay Esau. “Ang tinig mo ay parang kay Jacob, ngunit ang iyong kamay ay parang kay Esau,” ang sabi ni Isaak. Pagkatapos kumain ni Isaak, kanyang binigyan ng basbas ang anak na nakaluhod sa kanya.
  • 14. Pagkaalis ni Jacob ay dumating si Esau. Ito po ang inyong pagkain, ang sabi ni Esau. Doon nalaman ni Isaak na siya ay nadaya. “Hindi ko na maibabalik ang pagpapala,” ang iyak ni Isaak. Napuno ng galit si Esau. Inisip niya na patayin si Jacob.
  • 15. Nalaman ni Rebeka ang balak ni Esau. “Pumunta ka sa iyong tiyo,” ang sabi ni Rebeka kay Jacob, hanggang makalimot si Esau. Umayon din si Isaak na maghanap si Jacob ng asawa mula sa pamilya ni Rebeka.
  • 16. Sa gabi ng paglalakbay ni Jacob, siya ay natulog at isang bato ang ginamit na unan. Maaring siya ay nalungkot o natakot. Ngunit siya ay hindi nag-iisa. Ang Diyos ay nagsalita sa kanya sa isang magandang panaginip.
  • 17. “Ako ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ako ay kasama mo. Ang lupang ito na iyong hinihigan ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi. Sa iyong pamilya, ang lahat ng pamilya ng Israel ay pagpapalain.” Nang matapos magsalita ang Diyos ay nagising si Jacob. Siya ay natakot.
  • 18. Si Jacob ay tinanggap ng kanyang tiyo na si Laban. Siya din ay napa-ibig sa anak ni Laban na si Raquel, kayat siya ay naglingkod kay Laban ng 7 taon upang mapakasalan si Raquel. Ngunit sa gabi ng kasal, dinaya ni Laban si Jacob.
  • 19. “Ito ay si Leah, at hindi si Raquel,” reklamo ni Jacob. “Dinaya mo ako.” “Ang panganay ang unang dapat mag-asawa,” sabi ni Laban. “Pakasalan mo si Raquel ngunit kailangan mong magsilbi muli ng 7 taon.”
  • 20. Pumayag si Jacob. Marahil kanyang naalala ang kanyang pandaraya kay Esau.
  • 21. Si Jacob ay nagkaroon ng 11 anak. Makalipas ang panahon, siya ay nagnais makabalik ng Kanaan kasama ang kanyang pamilya.
  • 22. Ngunit si Esau ay nasa Kanaan, at maaring may panganib ang buhay ni Jacob. Ngunit isang araw, sinabi ng Diyos kay Jacob na bumalik ng Kanaan. Kaya’t tinipon ni Jacob ang kanyang pamilya at mga hayop upang bumalik sa Kanaan.
  • 23. Isang masayang paglalakbay. Sinalubong ni Esau si Jacob kasama ang 400 na tauhan.
  • 24. Tumakbo si Esau patungo kay Jacob, at kanyang niyakap. Ang magkapatid ay nagkasundo muli, at si Jacob ay nanirahan sa Kanaan ng mapayapa.
  • 25. “Ang bukas ng iyong mga Salita ay nagbibigay ng liwanag.” Mga Awit 119:130 Si Jacob na Mandaraya isang kuwentong nanggagaling sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, makikita sa Genesis 25-33
  • 27. Sinasabi sa kuwentong ito mula sa Bibliya ang tungkol sa ating kahanga-hangang Diyos na Siyang lumikha sa atin at nais Niya na makilala natin Siya. Alam ng Diyos na tayo'y nakagawa ng masasamang bagay na tinatawag Niyang kasalanan. Ang parusa sa kasalanan ay kamatayan ngunit lubos ang pagmamahal ng Diyos sa atin kaya't ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Hesus na Siyang napako at namatay sa Krus upang pagbayaran ang ating mga kasalanan. Subalit hindi nanatiling patay si Hesus. Nabuhay Siyang muli at bumalik sa langit! Kung mananampalataya ka kay Hesus at hihingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan, papatawarin ka Niya. Siya ay darating at mananahan sa iyong buhay magpakailanman. Kung ibig mong maligtas at mapatawad sa iyong kasalanan, narito ang isang panalangin na maaari mong tularan: “Mahal kong Diyos, naniniwala po ako na si Hesus ay namatay para sa akin, ngunit Siya ay nabuhay muli. Tinatanggap ko po kayo sa aking buhay at patawarin Ninyo po ako sa aking mga kasalanan upang ako'y magkaroon ngayon ng bagong buhay, at sa isang araw ay makasama Kayo magpakailanman. Tulungan po Ninyo akong mamuhay bilang Inyong anak. Amen.” Basahin ang Bibliya at manalangin sa Diyos araw-araw! Juan 3:16