Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
KARERA NG SAKO.docx
1. LARO: KARERA NG SAKO
Ang larong ito ay may dalawang magkabilaang grupo kung saan ay magpapa-unahan sila sa finish line sa
pamamagitan ng pagtalon habang ang kanilang mga paa ay nasa loob ng sako.
MGA KAGAMITAN:
SAKO -4 NA PIRASO
POSTE O UPUAN -4 NA PIRASO
TIMER/STOP WATCH -1 PIRASO
KAKAILANGANING BADYET:
SAKO – 4 NA PIRASO = Php. 10.00 x 4 = Php. 40.00
PERANG PAMPREMYO = Php. 1,500.00 x 1= Php. 1,500.00
Php. 1000.00 x 1 =Php. 1,000.00
Php. 700.00 x 1 = Php. 700.00
Php. 500.00 x 1= Php. 500.00
Kabuuan: Php. 3,740.00
MEKANIKS SA LARO:
1. Bubuo ng apat na koponan na may tig-sasampung miyembro. Ang miyembro ay dapat na
binubuo ng halu-halong kasarian, edad at dapat sila ay nagmumula sa iba’t-ibang “campus”
ng unibersidad.
2. Kapag nakabuo na ng grupo alinsunod sa mekaniks isa, pipili ang bawat grupo ng kanilang
lider na syang mauuna sa pila.
3. Gamit ang sako sa bawat grupo, kailangang isa-isa silang aalis sa kanilang pwesto at iikot sa
poste pabalik sa pila ng kanilang grupo sa pamamagitan lamang ng paglukso habang ang
mga paa ay nasa loob ng sako.
4. Kailangang hintayin hanggang makarating sa kanilang pwesto ng susunod na manlalaro ang
nauna sa kanilang grupo bago nya kukunin at isuot ang sako.
5. Ang gantimpalang makakamit ng bawat grupo ay depende sa oras na kanilang nagamit
upang tapusin ang karera at ito ang mga sumusunod:
UNANG GANTIMPALA – Php. 1,500.00 (pinaka-unang matapos na grupo sa karera alinsunod
sa mekaniks)
IKALAWANG GANTIMPALA – Php. 1,000.00 (pangalawang matapos na grupo sa karera
alinsunod sa mekaniks)
PANGATLONG GANTIMPALA – Php. 700.00 (pangatlong matapos na grupo sa karera
alinsunod sa mekaniks)
IKA-APAT NA GANTIMPALA – Php. 500.00 (ika-apat o panghuling matapos na grupo sa karera
alinsunod sa mekaniks)
MGA HAKBANG SA PAGLALARO:
1. Bumuo ng maayos na linya ang bawat grupo. Magkaroon ng distansya sa bawat miyembro.
Para gawin ito, tumayo ng patagilid at saka iunat ang magkabilang bisig, ito ang magsisilbing
distansya ng bawat isa. Pagkatapos ay haharap na ang lahat sa unahan na nakasunod sa
2. nagawang distansya. Tiyakin na mayroong 10 metrong distansya ang linya ng isang grupo sa
katabi nitong grupo. Bibigyan ng tig-iisang sako ang bawat grupo at hahawakan ito ng lider o
yung miyembro sa unahan na syang magsisimula ng karera.
2. Lagyan ng poste o upuan sa tapat ng bawat linya ng grupo. Tiyakin na magkakasing distansya
ito mula sa kinaroroonan ng unang miyembro sa pila ng grupo.
3. Ang unang miyembro sa linya ang siyang unang maglalaro. Ipapasok niya ang kanyang mga
paa sa sako at hahawakan ang gilid ng sako gamit ang kanyang dalawang kamay.
4. Kapag sumigaw ng “GO” ang nagpapasimuno ng laro, kailangan nilang tumalon at ikutin ang
poste o upuan na nakatalaga sa kanilang grupo at babalik sa kanilang orihinal na linya.
5. Kapag nakarating na ang unang manlalaro sa kanilang linya, ang susunod na miyembro sa
linya ang gagawa ng parehong hakbang hanggang sa lahat ng miyembro ay matapos na
magawa ito.
6. Bawat “mali, foul o hindi pagsunod sa mekaniks” ay nangangahulugan na uulit mula sa
umpisa ang paglalaro ng grupo.
7. Ang desisyon ng mga nagpapasimuno ng laro ay final at “irrevocable”.
MAHALAGANG PAALALA:
Iwasang mag-tumbling habang suot ang sako. Mag-ingat sa pagtalon upang maiwasan ang
anumang sakuna.
Maglaro at mag-enjoy!