Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Puppa Landia
1. Caitlin Anne T. Bautista Filipino
BSPsy1-A Ms. Leonora de Jesus
Ang Marka ng Pababago sa Puppalandya
Sa isang liblib na kabundukan, mayroong isang matandang lalaking naninirahan na
nagngangalang Kufa. Dahil wala ng pamilya at hindi naman siya nagkaroon ng asawa, si Kufa
ay naging abala sa natatanging bagay na nagpapaligaya sa kanya; ang paglililok. Siya ay may
natatanging talento sa pag-ukit ng iba’t ibang mga imahe at rebulto. Ngunit ang paborito niyang
ililok sa lahat ay ang mga anyong manika na kahoy. Ang pag-ukit niya sa mga ito ay maingat at
may kasamang magmamahal.
Bukod sa angkin niyang kahusayan sa paglililok, may isang kakaibang kakayahan pa si
Kafu. Sa pamamamagitan kasi ng kanyang pagpitik sa mga manikang kahoy na kanyang
ginagawa, nagkakaroon ito ng buhay. Nakapagsasalita, nakapaglalakad, at nakakikilos ang
mga ito gaya ng mga totoong tao. At dahil ito ang itinuturing niyang obra maestra, binigyan niya
ang mga ito ng taguri na “Puppa”.
Pagkatapos niyang likhain ang mga nasabing nilalang, ipinadadala niya ang mga ito sa
ibaba ng kabundukan at doon hinahayaang manirahan.Tinawag ang lugar na ito na
Puppalandya kung saan nakasasalamuha at nakikilalaa ng mga Puppa ang isa’t isa. Naging
madali at mabilis sa kanila ang mamuhay dahil hindi na nila kinakailangan pang magtrabaho.
Ang pagkain at pagtulog ay hindi rin nila kinakailangan pang gawin sapagkat hindi naman sila
nakararamdam ng gutom at antok.
Ang pinagkakaabalahan ng mga Puppa ay ang pagpipinta. Pagpipinta, hindi ng mga
larawan kundi ng natatanging marka sa kapwa nila Puppa. Nagpipinta sila ayon sa pananaw at
obserbasyon sa kapwa nila. Ang bilog na marka na kulay pula ay nagpapahayag ng papuri at
paghanga, samantalang ang itim na marka naman ay pagpuna at pagpapakita na ayaw mo sa
katangian ng Puppa na iyon. Ang mga Puppa na makikinis at matitibay ang yari ang kadalasang
nakatatanggap ng pulang marka, samanatalang ang mga may sira at di kagandahan ang
pagkakagawa naman ang nakakukuha ng itim na marka. Simula pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito, ang pagpipinta ng marka sa kapwa nila Puppa ang kanilang inaasikaso.
At kung paramihan lang ng itim na marka ang labanan, wala ng tatalo kay Popoy.
Magmula nang siya mapunta sa Puppalandya, parating itim na marka ang kanyang
natatanggap. Ni minsan, hindi pa siya nakatanggap ng pulang marka. Dahil dito, madalas ay
nagkukulong na lamang siya sa kanyang bahay at namumuhay sa kalungkutan nang mag-isa.
2. Isang araw na natukso siyang lumabas ng bahay at silipin ang mga kaganapan sa labas,
nakakita siya ng isang babaing Puppa.
Ngunit hindi basta ordinaryong Puppa ito. Laking pagtataka niya nang mapagtanto na
wala ito ni isang marka, pula man o puti. Sa pagtataka, hindi niya naiwasang kausapin ito at
tanungin. “Maaari bang makipagkilala sa’yo? Ako nga pala si Popoy.” “Aba oo naman Popoy.
Ako naman si Pam.” “Bakit ganyan ka?”, tanong ni Popoy sa bagong kakilala. “Anong bakit
ganyan?”, sagot naman nito. “Bakit wala ka ni isang marka? Bagong dating ka lang ba? ”,
pagpapatuloy niya. “Hindi, matagal na rin ako rito. Gusto mo bang malaman ang sikreto ko?
Mukang kailangan mo ’yon sa dami ng marka mo sa katawan. ” tugon ni Pam.
Ayon kay Pam, madalas niyang dalawin si Kufa. Inaakyat niya ang matarik na bundok
upang kausapin ito, at pagkatapos ng kanilang pag-uusap, kusang nwawala ang mga marka na
natanggap niya. Hindi agad naniwala si Popoy kay Pam, at inisip niyang niloloko lamang siya
nito dahil noon niya lamang narinig ang pangalan ni Kufa. Ngunit sa kabila ng pagdududa sa
kanya ni Popoy, itinuro pa rin ni Pam kung paano mararating ang kabundukan at kung paano
makakausap si Kufa. “Sa pinakatuktok ng bundok, naroon ang tahanan niya. Basta kumatok ka
ng tatlong beses sa pinto, lalabas agad siya.”. Pagkaturan nito ay nagpaalam na si Pam.
Hindi agad nawala sa isip ni Popoy ang binanggit ni Pam. Sa sandaling iyon, napag-
isipan niya na subukang gawin ang sinabi nito. Kinabukasan ay inakyat niya ang nasabing
bundok. Muntik pa siyang umatras dahil sa tarik nito,ngunit nagpatuloy siya. Nang matagpuan
ang bahay, agad-agad niyang kinatok ang pinto ng tatlong beses. Walang lumalabas. At dahil
sa nadamang pagkabigo, tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo… Nang biglang may
tumawag sa kanyang pangalan. “Popoy, anak saan ka pupunta? Pumarito ka sa aking tabi.”
“Kayo ba si Kufa? Bakit niyo ako kilala? At bakit niyo ako tinawag na anak?”, tanong niya sa
nagmamay-ari ng tinig. “Paano kitang hindi makikilala gayong ako ang lumikha sa’yo. At lahat
ng nililikha kong Puppa ay itinuturing kong mga anak. ” sagot ni Kufu. “Kung gayon, bakit mo
ako ginawang pangit at walang kwenta? ”, sumbat niya rito. “Popoy anak, hindi kita nilikhang
pangit. Para sa akin,ikaw ang pinaka maganda, at hindi mapapantayan ng kahit ano pa mang
bagay ang iyong halaga…”, paliwanag ni Kufu. Napuno ng kaligayahan ang kalooban ni Popoy
sa kanyang narinig. Unang beses niyang marinig ang ganitong papuri at pagpapahalaga.
Matagal pang nag-usap ang dalawa, at bago siya tuluyang mamaalam sa kanyang tagapaglikha
muli itong nagpaalala. “Lagi mong tatandaan na espesyal ka para sa akin. Hindi mahalaga ang
sasabihin ng iba, basta’t mamumuhay ka ng marangal at maligaya. Sa aking paningin, kailan
ma’y hindi ka naging pangit. ”. Bumaba na siya ng bundok at nangako kay Kufa na muling
dadalaw kinabukasan at sa mga susunod pang araw.
3. Sa bawat pagkikita nila ni Kufa, kapansin-pansin ang unti-unting pagkabura ng mga
marka sa kanyang katawan. Naging magaan ang pakiramdam niya sa paglipas ng mga araw, at
natutong harapin ang panghuhusga sa kanya nang hindi nagpapaapekto.
Nagtaka ang ibang mga Puppa sa biglaang pagbago ni Popoy na dati-rati’y
pinagtatawanan lamang nila. Pilit nilang inalam ang sikreto nito, at nang matuklasan nila na si
Kufa ang dahilan, napahiya sila sa kanilang sarili. Dahil si Kufa na siyang lumikha sa kanila, ni
minsan ay hindi nila naringgan ng panghuhusga laban sa kanila, samantalang sila na mga
nilalang lamang nito ay walang ginawa kundi ikumpara at ipagyabang ang sarili sa mga Puppa
na sa kanilang palagay ay nakabababa sa kanila
Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malaking pagbabago sa pamayanan ng mga
Puppa. Noong araw ding iyon, inalis nila ang sistemang pagpipinta ng marka sa kapwa Puppa.
Naging malapit ang bawat isa sa kanilang tagapaglikha na si Kufa. Tinanggap nila ang
kakulangan at kapintasan na taglay ng kanilang kapwa , at sama-samang namuhay nang may
pagkakaisa, pagdadalamhati at pagmamahal sa isa’t isa.