3. Filipino: Ang pangunahing
wika sa bansa. Ito ay
nakasalig sa pangunguna ng
Tagalog kasunod ng iba pang
umiiral na mga pagbigkas sa
Pilipinas.
4. Tagalog: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa
Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng
kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan.
Taal na gamit sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna,
Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na
CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan
ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala
rin sa tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing
wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang
kabisera ng bansa.
5. Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko.
Pangunahing wika ng mga naninirahan
sa Hilagang Luzon. Gamit sa Rehiyon
1 at 2.
Panggasinense: Gamit sa lalawigan ng
Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang
Luzon at Gitnang Luzon.
6. Kapampangan: Pangunahing wika ng mga
naninirahan sa Gitnang Luzon.
Bikolano: Pangunahing wika ng mga
naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
Cebuano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing
wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros,
Bohol at malaking bahagi ng Mindanao.
Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang
populasyon ng bansa.
7. Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo.
Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay
at Kanlurang Negros.
Waray-Waray: Gamit sa Silangang Visayas
tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar
at Leyte.
14. Mga Tradisyon o Kaugalian at Paniniwala
ng mga Pilipino
Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian”?
Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin
mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.
Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod
sa mga nakagawian na at sa mga tradisyon. Sila
din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin.
21. Madalas na Kaugalian
Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga
nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga
nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y
simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may
nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga
paa na nakaapak sa lupa.
22. Madalas na Paniniwala
Sa Kusina:
Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang
mangyayari.
Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi
pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito
ay simbolo ng kamalasan.
23. Madalas na Paniniwala
Sa Kasal:
Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi
matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal
– maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng
simbahan – upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.
24. Kapag may sumakabilang-buhay
Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang
paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
– upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya
masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat
sa langit.
Madalas na Paniniwala
25. Iba pang pamahiin:
Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .
“Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may
maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may
dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang
mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang
kanyang damit sa lupa)
27. Mga Sangay ng Pamahalaan
Sangay Tagapagbatas (Legislative Branch)– Mababasa sa
Artikulo VI ng Saligang-Batas ng 1987 ang mahahalagang batas
na magpapaliwanag sa kapangyarihang ginagampanan ng sangay
tagapagbatas. Sa kongreso nakatalaga ang kapangyarihang
lumikha, magbago, at magpawalang-bisa ng mga batas.
Binubuo ang kongreso ng dalawang kapulungan. Ang mataas
na kapulungan ay ang Senado at ang mababang kapulungan ay
ang Kapulungan ng mga Kinatawan.
28. Ang Senado (Senate)
Binubuo ng 24 na senador na inihalal ng mga
kwalipikadong botante.
Anim na taon termino ang panunungkulan ng
isang senador at maaaring manungkulan sa loob
ng dalawang magkasunod na termino
29. Ang Senado (Senate)
May mga kwalipikasyong kailangan taglayin ng sinumang
ninanais na tumakbo bilang senador ng bansa:
Katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas
Tatlumpu’t limang taong gulang sa araw ng halalan
Nakababasa at nakasusulat
Rehistradong botante
Naninirahan sa Pilipinas sa loob ng panahong hindi kukulangin
sa dalawang taon bago sumapit ang araw ng halalan
30. Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives)
Binubuo ng mga inihalal na mga kinatawan mula sa iba’t ibang
distrito ng mga kagawad mula sa iba’t ibang distrito ng mga
lalawigan at lungsod.
Ang lungsod o probinsya na may 250,000 populasyon ay dapat
magkaroon ng isang kinatawan.
Ang kabuuang pinakamataas na na bilang ng mga kinatawan ng
kapulungan ng kinatawan ay 250 maliban kung magtakda ng
pagbabago ang batas.
Ang mga kinatawan ay maaaring halal mula sa kanilang distrito o
kaya’y halal sa pamamagitan ng sistemang party-list
31. May mga kwalipikasyong kailangan taglayin ng sinumang ninanais
na tumakbo bilang kinatawan ng mababang kapulungan:
Katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas
Dalawampu’t limang taong gulang sa araw ng halalan
Nakababasa at nakasusulat
Maliban sa kinatawan ng party-list, siya ay nararapat na
rehistradong botante sa distritong paghahalalan sa kanya
Naninirahan sa distrito sa loob ng panahong hindi kukulangin sa
isang taon bago sumapit ang araw ng halalan
Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives)
32. Paggawa ng Batas
Matagal ang proseso bago ang isang panukalang batas ay
maging isang ganap na batas.
Una, dapat ang panukalang batas ay sumasaklaw sa isang
paksa lamang na malinaw na ipinapahayag sa titulo nito para
maiwasan ang magkakahalong lehislasyon.
Pangalawa, bago pagtibayin ang panukalang batas ay dapat
magkaroon ng tatlong pagbasa sa magkakaibang araw at ang
kopyang nalimbag ay maibahagi sa lahat ng miyembro ng
kapulungan 3 araw bago ito ganap na pagtibayin.
33. Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagpapatibay ng panukalang batas:
1. Unang Pagbasa – pagbasa sa pamagat at titulo
2. Pagsangguni sa nararapat na komite
3. Pangalawang pagbasa- pagbasa sa kabuuang panukalang-batas at mga
pagbabagong ginawa.
4. Paglilimbag at Pamamahagi sa miyembro
5. Pangatlong Pagbasa – wala ng babaguhin sa panukalang-batas at itatala
ang boto ng mga miyemro sa Journal.
6. Pagsangguni sa Ibang Kamara o Kapulungan
7. Pagsumite sa Pangulo upang pagtibayin ito. Kapag hindi sumang-ayon
sa loob ng 30 araw ay hindi na magiging batas, ngunit ang ¾ na boto ng
lahat ng miyembro ay magpapawalang halaga sa pagtutol ng pangulo.
34. Sangay Tagapagpaganap (Executive Branch)- Makikita sa Artikulo VII ng
Saligang Batas 1987 ang mga batas kaugnay ng sangay na ito.
Seksyon 1: Nasa kamay ng Pangulo ang Kapangyarihang tagapagpaganap
Seksyon 2: Kwalipikasyon ng Pangulo
Seksyon 3: Pangalawang pangulo at mga gabinete
Ang kwalipikasyon ng maaaring maging pangulo ay ang sumusunod:
Katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas
Di bababa sa apatnapung taong gulang sa araw ng halalan
Nakababasa at nakasusulat
rehistradong botante
Naninirahan sa bansa sa loob ng panahong hindi kukulangin sa sampung
taon bago sumapit ang araw ng halalan
35. Mga Kapangyarihan ng Pangulo:
Kontrolado lahat ng kawanihan at humihirang sa kalihim
Commander-in-chief
Maaaring pumigil pansamantala sa pagpapatupad ng hatol na
kamatayan sa nagkasala
Maaaring magpababa ng parusa
Magpawalang-bisa sa hatol sa nagkasala
Magkaloob ng amnestiya (nagpapawalang-bisa sa kasalanan ng
isang tao laban sa batas)
36. Mga Kapangyarihan ng Pangulo:
Gumarantiya sa pag-utang sa labas ng bansa at pumasok sa
kasunduang pambansa
Magharap ng pambansang badyet sa kongreso
Ang Gabinete ng Pangulo
Gabinete (Cabinet) – Tumutulong sa pangulo na maisakatuparan
ang mga adhikain sa bansa.
Binubuo ng mga Kagawaran o Departments na pinamamahalaan ng
isang Kalihim (Secretary)> pinipili ng pangulo na may pagsang-ayon
ng Commission on Appointments ng Kongreso.
37. Sangay na Tagapaghukom (Judicial Branch)- Tinatalakay sa
Artikulo VIII ng SB 1987 ang mga probisyon sa sangay
tagapaghukom.
Ito ang nagpapaliwanag ng mga batas na ipinasa ng
kongreso.
Ang Supreme Court o Kataas-taasang Hukuman ay binubuo
ng Punong Mahistrado o Chief Justice at 14 na kasamang
mahistrado/Justices.
Sila ay hinirang ng pangulo ng bansa sapagsang-ayon ng
Commission on Appointments.
38. Kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman
Nagbibigay pakahulugan sa nilalaman ng Saligang Batas
Nag-uuutos at nagtatakda at lugar ng paglilitis upang maiwasan ang pagkabigo sa
pagpapairal ng katarungan.
Nagdidisiplina sa mga huwes/Judges ng mababang hukuman. Maaari nitong ipag-
utos ang pag-aalis sa mga huwes.
Naghahalal o pumupili ng mga opisyal ng hukuman sang-ayon sa batas ng
Serbisyo Sibil
Nakikibahagi sa mga delibirasyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa
Saligang-Batas.
Nagpapatupad ng mga tuntunin sa paraan at gawain ng hukuman, pagtanggap sa
pagiging manananggol ng integrated bar at pagbibigay tulong na ligal para sa
mahihirap. (PAO o Public Attorney’s Office)