SlideShare a Scribd company logo
1 of 10
RICE TARIFFICATION LAW
KATAWAN:
Sa harap ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bigas at mga
batayang bilihin, itinulak na ng administrasyong Duterte ang Rice
Tariffication upang diumano ay maseguro ang suplay ng bigas at
maestablisa ang presyo nito. Subalit nakababahala ang Rice Tariffication
para sa produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka, habang hindi
naman garantiya na magmumura nga ang bigas at mga pagkain sa
itinutulak na importasyon ng pamahalaan. Hindi rin mainam na prinsipyo
sa seguridad at soberanya sa pagkain at agrikultura ang pag-asa ng
pamahalaan sa mga produkto ng dayuhang bansa habang hindi nito
pinalalakas ang lokal na produksyon at ekonomiya.
Sa ilalim ng Agreement on Agriculture ng World Trade Organization
(WTO-AOA) na pirnirmahan ng miyembrong bansa noong 1995, nak-
komit ang Pilipinas na papalitan nito ang mga quantitative restriction
(QRs) sa pag iimport ng mga produktong Agrikultural ng taripa o buwis
sa imported. Tariffication ang tawag dito. Sa takdang panahon ay
bababaan ng Pilipinas ang mga taripang ito sa pagkakaisahang
pinakamababang antas, atsakaitatali sa antas na ito ( o tinatawag na
tariff binding) at hindi na maaaring itaas pa mula rito ang taripa sa mga
produktong agrikultural. Niratipika ng Senado ang AOA sa pamamagitan
ng pagpasa ng Republic Act 8178 o Agrikultural Tariffication Law.
Hindi agad pinalitan ng taripa ang QR sa bigas. Katulad ng Taiwan
at South Korea, ginamit ng Pilipinas ang special treatment clause ng
WTO-AOA para sa mga sensitibong produktong agrikultural upang
makakuha ng extention ng deadline ng tariffication. Inaplay ng
pamahalaan ng Pilipinas, ayon na rin sa protesta ng mga magsasaka, ang
bigas at asukal sa special treatment clause.
Ngayon sa harap ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa
nakaraaang pitong buwan, ipinasa ng House of Representative ang
House Bill 7735 o Rice Tariffication Bill upang tuluyan ng alisin ang QR sa
bigas para sa walang limitasyong Importasyon na papatawan na pamang
ng 35% tariff. Isa ang rice tariffication sa limang hakbang na tinukoy sa
pulong na pinasimunuan ni House Speaker Gloria Arroyo kasama ang
mga economic managers ng administrasyon upang diumano mapigilan
ang implasyon.
Sinasabi ng mga mambabatas na bababa ang presyo ng bigas sa
pamilihan kapag naisakatuparan ito. Nababahala naman ang ibaang
mambabatas na madedehado ang mga magsasaka, at kung ganon ay
dapat daw siguraduhin na ang kikitain ng pamahalaan sa pagpataw ng
taripa ay mapupunta sa Rice Competitiveness Enhancement (RCEF) par
sa mga magsasaka.
Ayon sa pamahalaan at ilang akademiko, bababa ang presyo ng
bigas sa pamilihan at makikinabang ang konsumer sa pag-alis ng QR sa
importasyon at ppagpataw ng mababang taripa. Subalit makipot ang
ganitong pagtingin sa mga salik ng retail price ng bigas sa lokal na
pamilihan.
Masasabing may tatlong mahahalagang salik sa retail price ng bigas
– 1) ang halaga ng lokal na produksyon (production cost) at
produktibidad ng mga magsasaka; 2) ang marketing cost dahil hawak ito
ng mga traders at middlemen, kasama rito aang milling cost bilang
hiwalay na aspeto sa produksyon ng mga magsasaka dahil hawak din ito
ng mga traders o moddlemen; at 3) ang presyo ng bigas sa pandaigdigang
pamilihan ( world price). Ang unang dalawang salik ay maaaring kontrolin
ng pamahalaan, subalit ang huli ay pabago bago at bulnerable sa
ispekulasyon. Walang kontrol sa suplay at presyo ng bigas mula sa
pandaigdigang pamilihan ang pamahalaan ng Pilipinas, subalit ito ang
pinili niyang solusyon sa pagpababa ng retail price.
Nagbabala si dating Senate Persident Juan Ponce Enrile sa “over
supply” ng bigas na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa mga
magsasaka dahil sa Rice Trariffication Law. Ginawa ni Enrile ang babala
matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na magpapatupad ng
rice tariffication upang tanggalin ang mga limitasyon sa pag-angkat ng
bigas mula sa ibang bansa.
Sa pagtanggal ng mga restriksyon, hindi na maaaring ikontrol ng
National Food Authority (NFA) ang pag-angkat ng bigas. Itinakda ang
taripa sa 35 porsyento para sa bigas na inaaangkat mula sa bansa sa
ASEAN habang 50 porsyento naman para sa non-ASEAN countries.
Sa ilalim ng batas, ang kita mula sa mga taripa ay mapupunta sa
isang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na may
nakatakdang pondo na P10 bilyong upang maprotektahan ang mga
magsasaka. Sinabi ni Enrile na kapag pinapasok ang sobra-sobrang bigas
mula sa labas ng bansa, apektado ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Ayon kay Atty. Claire Castro, may kaakibat itong epekto sa kalidad
ng bigas sa bansa, lalo na’t mas marami na raw na importer ang
makakapasok sa merkado. Sabi ni Castro maaaring makapasok ang mga
bigas na may mababang kalidad lalo’y mmay probisyon sa batas na
nagsasabing aprubado ang inangkat na bigas kung hindi ito maiisyuhan
ng sanitary at phytosanitary clearance saa loob ng isang linggo.
Bukod sa umanoy magiging problema sa kalidad ng iaangkat na
bigas, inalamahan ng ibat ibang grupo ang posibleng epekto ng Rice
Tariffication Law sa papel ng National Food Authority ( NFA) sa
pabebenta ng murang bigas at sa magiging kita ng mga magsasaka.
Ikinabahala ng ahensiyang ito na baka mabawasan ang kaanilang
tungkulin. Lalo na’t nakatutok na lamang ang NFA sa buffer stoking o
pagtatago ng mga bigas para sa panahon ng kalamidad, mula sa
tungkulin nito na magbenta ng mas murang bigas. Ito ay
pinangangambaan ng ilang manggagawa ng ahenaiya.
Pag ang buffer stoking lang ang papel ng NFA sa pamahalaan, baka
maraming empleyado sa ahensiyang ito ang matatangal. Ito ang pahayag
ni Maximo Torda, pangulo ng NFA Employees Association.
Nasa 20,000 retailer o tagabenta ng NFA Rice at nasa higit 100,000
mga trabahador sa mga rice mill, retailer, at nasa 10 milyong Pinoy daw
ang umaasa sa NFA Rice, ayon sa datos ng grupong Coalition of Farmers
Organization, Unions, Retailers, and Rice Millers. Sa rami ng empleyado
na maapektuhan ng Law na ito siguradong maraming mamamayan ang
mag hihirap.
Sa nasabing datos, aabot naman ng higit 13 milyong magsasaka,
kabilang ang kanilang mga pamilya, ang apektado at nasa higit 17 milyon
din na nagtatrabaho sa bukid ang mawawalan ng trabaho dulot nito.
Ayon sa Philippines Farmer’s Advisory (PFA), magiging matindi ang
epekto nito sa industriya ng agrikultura lalo na’t nakasalalay umano sa
taripang makukuha ang budget para sa mga lokal na magsasak na siyang
pinagkukuhanan ng stock na bigas.
Ayon kay Edwin Paraluman, pinuno ng PFA, ano pa ang buhay ng
mga magsasaka kung liliit yung stock sa world market sa rice at wala
tayong ma-import. Dagdag niya na walang kikitain ang mga lokal na
magsasaka lalo na’t bumababa ng bumababa ang farmgate price ng
palay, na bagsak sa P12 hanggang P15 mula sa P20 dahil sa kasalukuyang
polisiya sa pagtataripa.
Maaaring mas paboran ng rice tariffication law, o batas na mag-
aalis ng limitasyon sa inaangkat na bigas, ang mga negosyante kaysa ang
mga magsasaka, ayon sa isang dating kalihim ng gobyerno.
Ito ay matapos ikatwiran ng gobyerno na mas makikinabang ang
mga magsasaka sa mas mataas na buwis na ipapataw sa iaangkat na
bigas.
Ayon kay dating Department of Agrarian Reform (DAR) Saecretary
Rafael Mariano, maaaring mas paboran ng mga trader ang interes ng
kanilang negosyo kaysa ang seguridad ng pagkain. Kaakibat din kasi ng
naturang batas ang malayang pag-e-export ng bigas.
“ Baka nga ang mangyari, nasa gitna pa lang yung barko ng
imported rice, papunta pa lang dito sa atin, tapos sumipa nang pataas
yung presyo sa world market, baka ibalik na yung barko eh, i-export na,
hindi na darating dito sa atin,” ani Mariano
Bukod dito, muling iginiit ni Mariano na mapanganib ang
pagbabasura sa kappangyarihan ng NFA na mamahala sa supply at
bentahan ng bigas sa bansa.
Pero iginiit ng Department of Finance (DOF) na may importante pa
ring tungkulin ang NFA sa ilalim ng rice tariffication law, partikular na sa
buffer stock.
“The rice tariffication law emphasizes the role, the vital role of NFA
in emergency buffer stocking. Dahil napakahalaga na yung mga lugar na
nasasalanta ay magkaroon ng access na bigas sa bigas. It is our country’s
staple,” ani Finance Undersecretary Tony Lambino.
Tingin naman ni Alliance of Concerned Teacher (ACT) party-list Rep.
Antonio Tinio na palulubhain ng rice tariffication ang kahirapan at gutom
at papayamanin nito ang mga rice cartel sa bansa.
“The enactment of the rice tariffication law will be another broken
promise by the Duterte administration as this measure will only worsen
poverty and hunger and will only cater monopoly traders whose primary
mission in life is to profit,“ anang kinatawan sa pahayag.
Duda naman si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago kung bakit
kailangan pang luwagan ang patakaran sa pag-import lalo na’t sagana sa
lupang mapagtatamnan ang bansa.
“Mayaman ang lupa ng Pilipinas para pakainin ang 108 milyong
populasyon nito, pero bakit patuloy parin tayong nag-i-import ng bigas?
At bakit gusto pa nating mag-import ng mas marami? Ano yun?“ aniya
Samantala, pinag-iisipan ngayon ni House Speaker Gloria
Macapagal Arroyo na magpatawag ng oversight hearing sa Kongreso
tungkol sa rice tariffication law sa susunod na linggo.
“It’s an important bill and we have to make sure it’s implemented,”
ani Arroyo.
Sa kabila nito, iginiit naman ni Presidential Spokesperson Salvador
Panelo na hindi magkakaroon ng korapsiyon sa pagkakataong tuluyan na
maging epektibo ang batas.
“Good governance is the hallmark of the Duterte Administration
and the President has zero tolerance against corruption and wastage of
taxpayers money,” ani Panelo, na tumutukoy sa pondong ilalaan sa mga
magsasaka.
Malalagay sa disbentahe ang mga magsasaka sa rice tariffication.
Mailalagay sa peligro ang produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka
sa pagpasok ng imported na bigas, maski ito pa ay may taripa. Walang
dahilang manatili o tumaas pa ang kasalukuyang farmgate price o ang
presyo ng pagbili ng palay mula sa mga magsasaka kung nasa pamilihan
naman na ang lalabas na mas murang bigas. Mismong pag-aaral ng
institusyon ng gobyerno, ang Philippine Institute of Development Studies
(PIDS) ay nagsasabing magdudulot ng 29% kabawasan sa kita ng mga
magsasaka dahil sa pagbaba nang P4 sa presyo ng palay kapag
naipatupad na ang rice tariffication.
Una hirap at palugi ang magsasakng Pilipino dahil sa mga nananaig
na mapagsamantalang relasyon. Nagbabayad siya ng upa sa lupa sa
pamamagitan ng leasehold arrangment, nagbabayad siya ng upa sa
threser at harvester, at 3-4 kada 10 sa kanila ay walng mautangan ayon
sa gobyerno kata nangungutang sa ususero. Nagbabayad din siya sa
bumili sa kaniy ng palay, na malamang ay nautangan rin niya para sa
mahal na input.
Pangalawa walng sapat na suporta ang pamahalaan sa magsasaka
at kanyang produksyon. Dahil sa patakaran ng deregulasyon sa ilalim ng
WTO, ipinagbawal ang direktang pagsuport ng mga gobyerno sa kanilang
lokal na produksyon na lalampasin sa 10% ng halaga ng produksyon. Sa
buong panahon sa ilalim ng kasunduan ay hindi nga halos umabot ng 5%
ng pambansang badyet ang inilalaan ng Pilipinas agrikultura. Ang
panukala pa nga ngayon ng DA ay babaan nang P862.3 milyon ang badyet
sa agrikultura.
Ang pinapayagan lamang ng WTO ay ang tinatawag na decoupling
payments, o suporta sa mga presyo ng pagbili ng palaya at pagbenta ng
bigas, na siyang papel ng NFA. Subalit naging inutil ang NFA sa
pagkakaroon ng epekto sa produksyon at pamilihan dahil napakaliit
naman ang binili nito sa magsasaka. Ang kanyang mandato ay 10% na
tintayang produksyon ng palay, subalit mula 2013-2017 halimbawa,
umabot lang sa taunang 0.8% ang procurement ng NFA.
Masyadong maliiy ang P17 kada kilong palay na procurement price
ng NFA. Hindi na ito tumaas mula noong 2007, at dahil sa deregulasyon,
hindi na rin tinaasan ng pamahalaan ang subsidyo ng NFA. At sa kabila ng
maliit na badyet ng NFA sa pagbili at pag imbak para sa buffer, hindi pa
rin niya ito ginamit upang bumili sa magsasaka. Nagkasya ang ahensiya
sa paghihintay na lamng ng imported na bigas. Napag alaman pa ng
Commision on Audit (COA) na 18.6% lang nakamit nito sa kaniyang target
noong 2017 dahil nilinis nito ang P5.1 bilyong Food Security Program na
badyet para bayaran ang kaniyang mga utang.
Noong appat na buwang walang hawak na bigas ang NFA, iginiit ng
Bantay Bigas na gamitin ng NFA ang P7 bilyong badyet nito sa pagbili ng
palay subalit umasa lang ang pamahalaan sa susunod na pagdating ng
MAV. Ang totoo sa ilalim ng WTO, binawasan ang papel sa regulasyon ng
NFA ar na-demote ito sa pagmonitor na lamng ng importasyon ng
pribadong sektor, o minsan pa nga ay pag-import sa ngalan ng mga
pribadong traders. Noong kasagsagan ng krisis noong 2009-2012,
pinagamit pa nga ng NFA sa pribadong sektor ang kaniyang tax
exemption subsidy, na nakabawas ng P12 bilyong kita sana ng
pamahalaan ula sa tariff.
Pangatlo, walang kontrol o aksyong pananagot ang pamahalaan sa
kartel. Lalong palalakasin ng rice tariffication ang kartel na siyang may
hawak ng malaking bolyum ng bigas at nagdidikta ng presyo nito. Sa rice
tariffication na magdudulot ng kompletong liberalisasyon, tuluyan nang
mawawalan ng kakayang magmantini ng buffer ang NFA. Ang problema,
hangga’t mababa ang presyo ng imported, gaganahan ang traders, pero
kapag nagkaroon na ng pagsirit ng presyo at kakulangan sa
pandaigdigang pamilihan, mao-obliga ang gobyernong umorder nang
bilateral. Sa panahong iyon, wala nang subsidy ang NFA at obligadong
mangutang ang pamahalaan.
Hindi rin garantiya ang pinapangako ng Rice Tariffication Bill na Rice
Competitive Enhancement Fund (RCEF) na diumano ay ‘direktang
suporta’ sa magsasaka na kukunin mula sa makokolektang Php28 bilyong
taripa sa bigas sa loob ng anim na taon. Ganito rin naman ang pinangako
ng pamahalaang Estrada noong 2000 para makumbinse ang mga
magsasaka sa decoupling, pero hindi rin nakatulong. Mali rin na gawing
kondisyon ng gobyerno na taasan ng magsasaka ang produktibidad
upang maging handa sa rice tariffication, gayong dapat competitiveness
sa pandaigdigang pamilihan ang kailangang paghandaan ng Pilipinas na
hindi ginawa ng gobyerno dahil sa pagyakap nito sa mga neoliberal na
patakaran.
Malaking salik ang kawalan ng pag-unlad ng agrikultura at kung
gayon kawalan ng nagsasarili at maunlad na pambansang industriya ng
Pilipinas sa kawalan ng kontrol ng pamahalaan sa presyo ng mga bilihin.
Sa halip na palakasin ang lokal na produksyon at ipundar ang lokal na
industriya, patuloy na pinananaig ng gobyerno ang mga neoliberal na
patakaran na nagpapailalim ng Pilipinas sa dikta ng dayuhan at
dominasyon at kontrol ng mga lokal na monopolyo sa lupa, rekurso at
kalakalan. Kaakibat ito ng iba pang neoliberal na patakaran na
nagbibigay-luwag sa malalaking korporasyon, oligarko at kartel sa
kawalan ng tunay na reporma sa lupa, pambabarat ng sahod,
pribatisasyon ng mga serbisyo, at dagdag-buwis sa mga batayang bilihin.
Hindi kailangan ng mamamayan ang rice tariffication upang
diumano makaagapay ito sa pagsirit ng implasyon, at ng magsasaka
upang diumano ay makapagpalakas sila ng produktibidad mula sa kita sa
taripa. Kayang kayang ibigay na ngayon ng gobyerno ang direktang
badyet sa magsasaka kung tutuusin at hindi na kailangang kumita pa
mula sa taripa ng imported na bigas na siya rin namang papatay sa mga
magsasaka. May pera rin ang pamahalaan para suportahan ang
konsumer sa presyo. Kaya rin niyang bawiin ang ipinataw niyang buwis
sa konsumo ng mamamayan.
Ang matagal nang panawagan ay ang pagpapalakas ng lokal na
produksyon nang mapatataas ang ani, matutugunan ang self-sufficiency
ng bansa, substansyal na madadagdagan ang kita ng mga magsasaka, at
bababa ang presyo sa pamilihan sa kapakinabangan ng mga konsumer.
Maisasagawa ito sa pagpapababa ng production cost, na maisasagawa
lamang sa pagpawi ng mga mapagsamantalang relasyon.
Sa pagkakaroon din ng masiglang produksyon, maseseguro ang
reserbang pagkain, hindi maoobliga ang magsasaka na magbenta sa
traders, mahahawakan ng pamahalaan at magsasaka ang bolyum ng
produksyon ng bigas, at mawawalan ng malalanguyan ang kartel. Dapat
obligahin ang kasalukuyang gobyerno na tugisin at panagutin ang kartel
sa bigas.
Kompleto na ang mga panukala ng mga magsasaka, mula sa
parliyamentaryo hanggang sa usapang pangkapayaaan at sa iba pang
larangan. Wakasan ang monopolyo sa lupa, ipamahagi ang lupa nang
libre sa nagsasaka, at bigyan ng karampatang suporta ang pag-unlad ng
kanayunan. Kaakibat nito ang pagtalikod sa mga neoliberal na patakaran
at kasunduan na nagpailalim ng agrikultura ng Pilipinas sa matitinding
hambalos. Sa ganitong kaayusan lamang matitiyak na naihanda ang
bansa sa anumang pakikipag-ugnayan o kalakalan sa daigdig.
CONCLUSION:
Lahat ng tao gusto ang magkaroon ng hanapbuhay. Kailangan nila
ang hanapbuhay para sila ay mabuhay at maging mabuti ang
kinabukasan ng kanilang pamilya. Ngunit pag ganito ang batas na
maipapataw para sa mga mamamayan. Hindi na ito pair sa lahat ng
mamamayan, dahil may maggiginhawaan at marami rin ang maghihirap.
Ngayon iilan lang ang nakakapasok na ambasador ay marami ng
illegal ang nakakapasok sa loob ng ating bansa. Gaya ng droga na
nagiging problema ng bansang Pilipinas, na pati bata ay nadadamay sa
ganitong kagulong buhay. Kung ngayon iilan lang pinapayagang
ambasador na makapasok ay nagkakaroon na ng problema, what else
kung maipapatupad talaga ito. Edi mas marami na ang illegal na
makapasok.
Oo, makakatulong ito sa mga nakatira sa syudad. Dahil mahirap ang
buhay doon. Mahirap kumita ng pera para ipang bili nila ng pagkain. Pero
sana isipin nila ang mga magsasaka na maaapektuhan ng batas na ito.
Pag maraming bigas ang makakapasok sa ating bansa. May
posibleng magkaroon ng mga murang bigas at pag nangyari iyon wala ng
gugustuhing bumili ng mahal na bigas na nanggaling sa mga magsasaka.
REFERENCES:
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.officialgazette.gov.ph/downlo
ads/2019/02feb/20190214-RA-11203-
RRD.pdf&ved=2ahUKEwjchaGAv4vhAhUbfH0KHR7fBxIQFjAAegQIAxAB&usg=AOvVaw2CRr810ks5jfpiBZ7
c5pPD
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2019/02/18/1894694/enrile-nagbabala-sa-epekto-ng-rice-tariffication-
law&ved=2ahUKEwj5h-
nDv4vhAhXQ7XMBHe1TBJ0QFjAAegQIBRAB&usg=AOvVaw0TA1pUcndmA2W_uTPlovnY
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://ibon.org/file/2015/11/IBON_August2
018_Hinggil-Sa-Rice-Tariffication.pdf&ved=2ahUKEwj5h-
nDv4vhAhXQ7XMBHe1TBJ0QFjAKegQIARAB&usg=AOvVaw1nEl0Px6GkMGptGM-25HBJ
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://news.abs-
cbn.com/news/02/20/19/kalidad-ng-bigas-sa-bansa-maaaring-magbago-sa-rice-tariffication-
law&ved=2ahUKEwj5h-
nDv4vhAhXQ7XMBHe1TBJ0QFjABegQIAxAB&usg=AOvVaw23F4hZNciOxKjkBVlcJdhx
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://news.abs-
cbn.com/business/02/15/19/mga-trabahador-sa-nfa-nangangambang-maalis-dahil-sa-rice-
tariffication&ved=2ahUKEwj5h-
nDv4vhAhXQ7XMBHe1TBJ0QFjACegQIAhAB&usg=AOvVaw3NvQu3ZymLH3ke6Tnmmq5w

More Related Content

What's hot

Elpidio Quirino
Elpidio QuirinoElpidio Quirino
Elpidio QuirinoBea Ong
 
EDSA I Revolution
EDSA I RevolutionEDSA I Revolution
EDSA I RevolutionST
 
Diosdado Macapagal
Diosdado MacapagalDiosdado Macapagal
Diosdado MacapagalBea Ong
 
Philippine Economy (Post-war to post-Cold war)
Philippine Economy (Post-war to post-Cold war)Philippine Economy (Post-war to post-Cold war)
Philippine Economy (Post-war to post-Cold war)Tine Sabillo
 
Mathematics in the Modern World Lecture 1
Mathematics in the Modern World Lecture 1Mathematics in the Modern World Lecture 1
Mathematics in the Modern World Lecture 1AnnaClariceYanday
 
34 panahong amerikano eko
34  panahong amerikano eko34  panahong amerikano eko
34 panahong amerikano ekovardeleon
 
Corazon Aquino and Fidel Ramos Administrations
Corazon Aquino and Fidel Ramos AdministrationsCorazon Aquino and Fidel Ramos Administrations
Corazon Aquino and Fidel Ramos AdministrationsRheiiii Panadero
 
Mga Impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas sa: Musika, Sining, Pananamit, ...
Mga Impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas sa: Musika, Sining, Pananamit, ...Mga Impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas sa: Musika, Sining, Pananamit, ...
Mga Impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas sa: Musika, Sining, Pananamit, ...Jenhellie Sheen Villagarcia
 
GEC 1 Understanding the Self (Module 4: The Physical Self)
GEC 1 Understanding the Self (Module 4: The Physical Self)GEC 1 Understanding the Self (Module 4: The Physical Self)
GEC 1 Understanding the Self (Module 4: The Physical Self)NancyJaneDVictorino
 
Emmett till case powerpoint
Emmett till case powerpointEmmett till case powerpoint
Emmett till case powerpointkirkcody
 
Filipino chinese
Filipino chineseFilipino chinese
Filipino chineseM. C.
 
The act of proclamation of independence of the filipino people
The act of proclamation of independence of the filipino peopleThe act of proclamation of independence of the filipino people
The act of proclamation of independence of the filipino peopleKimberly Bronia
 

What's hot (18)

Spanish American War
Spanish American WarSpanish American War
Spanish American War
 
Gomburza
GomburzaGomburza
Gomburza
 
Elpidio Quirino
Elpidio QuirinoElpidio Quirino
Elpidio Quirino
 
EDSA I Revolution
EDSA I RevolutionEDSA I Revolution
EDSA I Revolution
 
Diosdado Macapagal
Diosdado MacapagalDiosdado Macapagal
Diosdado Macapagal
 
Philippine Economy (Post-war to post-Cold war)
Philippine Economy (Post-war to post-Cold war)Philippine Economy (Post-war to post-Cold war)
Philippine Economy (Post-war to post-Cold war)
 
Mathematics in the Modern World Lecture 1
Mathematics in the Modern World Lecture 1Mathematics in the Modern World Lecture 1
Mathematics in the Modern World Lecture 1
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
34 panahong amerikano eko
34  panahong amerikano eko34  panahong amerikano eko
34 panahong amerikano eko
 
Corazon Aquino and Fidel Ramos Administrations
Corazon Aquino and Fidel Ramos AdministrationsCorazon Aquino and Fidel Ramos Administrations
Corazon Aquino and Fidel Ramos Administrations
 
Mga Impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas sa: Musika, Sining, Pananamit, ...
Mga Impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas sa: Musika, Sining, Pananamit, ...Mga Impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas sa: Musika, Sining, Pananamit, ...
Mga Impluwensya ng mga Amerikano sa Pilipinas sa: Musika, Sining, Pananamit, ...
 
GEC 1 Understanding the Self (Module 4: The Physical Self)
GEC 1 Understanding the Self (Module 4: The Physical Self)GEC 1 Understanding the Self (Module 4: The Physical Self)
GEC 1 Understanding the Self (Module 4: The Physical Self)
 
Emmett till case powerpoint
Emmett till case powerpointEmmett till case powerpoint
Emmett till case powerpoint
 
Filipino chinese
Filipino chineseFilipino chinese
Filipino chinese
 
q3, m1
q3, m1q3, m1
q3, m1
 
The act of proclamation of independence of the filipino people
The act of proclamation of independence of the filipino peopleThe act of proclamation of independence of the filipino people
The act of proclamation of independence of the filipino people
 
Mlk ppt
Mlk pptMlk ppt
Mlk ppt
 
Challenges of millennilas
Challenges of millennilasChallenges of millennilas
Challenges of millennilas
 

Rice tariffication law

  • 1. RICE TARIFFICATION LAW KATAWAN: Sa harap ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bigas at mga batayang bilihin, itinulak na ng administrasyong Duterte ang Rice Tariffication upang diumano ay maseguro ang suplay ng bigas at maestablisa ang presyo nito. Subalit nakababahala ang Rice Tariffication para sa produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka, habang hindi naman garantiya na magmumura nga ang bigas at mga pagkain sa itinutulak na importasyon ng pamahalaan. Hindi rin mainam na prinsipyo sa seguridad at soberanya sa pagkain at agrikultura ang pag-asa ng pamahalaan sa mga produkto ng dayuhang bansa habang hindi nito pinalalakas ang lokal na produksyon at ekonomiya. Sa ilalim ng Agreement on Agriculture ng World Trade Organization (WTO-AOA) na pirnirmahan ng miyembrong bansa noong 1995, nak- komit ang Pilipinas na papalitan nito ang mga quantitative restriction (QRs) sa pag iimport ng mga produktong Agrikultural ng taripa o buwis sa imported. Tariffication ang tawag dito. Sa takdang panahon ay bababaan ng Pilipinas ang mga taripang ito sa pagkakaisahang pinakamababang antas, atsakaitatali sa antas na ito ( o tinatawag na tariff binding) at hindi na maaaring itaas pa mula rito ang taripa sa mga produktong agrikultural. Niratipika ng Senado ang AOA sa pamamagitan ng pagpasa ng Republic Act 8178 o Agrikultural Tariffication Law. Hindi agad pinalitan ng taripa ang QR sa bigas. Katulad ng Taiwan at South Korea, ginamit ng Pilipinas ang special treatment clause ng WTO-AOA para sa mga sensitibong produktong agrikultural upang makakuha ng extention ng deadline ng tariffication. Inaplay ng pamahalaan ng Pilipinas, ayon na rin sa protesta ng mga magsasaka, ang bigas at asukal sa special treatment clause. Ngayon sa harap ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa nakaraaang pitong buwan, ipinasa ng House of Representative ang House Bill 7735 o Rice Tariffication Bill upang tuluyan ng alisin ang QR sa bigas para sa walang limitasyong Importasyon na papatawan na pamang ng 35% tariff. Isa ang rice tariffication sa limang hakbang na tinukoy sa pulong na pinasimunuan ni House Speaker Gloria Arroyo kasama ang
  • 2. mga economic managers ng administrasyon upang diumano mapigilan ang implasyon. Sinasabi ng mga mambabatas na bababa ang presyo ng bigas sa pamilihan kapag naisakatuparan ito. Nababahala naman ang ibaang mambabatas na madedehado ang mga magsasaka, at kung ganon ay dapat daw siguraduhin na ang kikitain ng pamahalaan sa pagpataw ng taripa ay mapupunta sa Rice Competitiveness Enhancement (RCEF) par sa mga magsasaka. Ayon sa pamahalaan at ilang akademiko, bababa ang presyo ng bigas sa pamilihan at makikinabang ang konsumer sa pag-alis ng QR sa importasyon at ppagpataw ng mababang taripa. Subalit makipot ang ganitong pagtingin sa mga salik ng retail price ng bigas sa lokal na pamilihan. Masasabing may tatlong mahahalagang salik sa retail price ng bigas – 1) ang halaga ng lokal na produksyon (production cost) at produktibidad ng mga magsasaka; 2) ang marketing cost dahil hawak ito ng mga traders at middlemen, kasama rito aang milling cost bilang hiwalay na aspeto sa produksyon ng mga magsasaka dahil hawak din ito ng mga traders o moddlemen; at 3) ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan ( world price). Ang unang dalawang salik ay maaaring kontrolin ng pamahalaan, subalit ang huli ay pabago bago at bulnerable sa ispekulasyon. Walang kontrol sa suplay at presyo ng bigas mula sa pandaigdigang pamilihan ang pamahalaan ng Pilipinas, subalit ito ang pinili niyang solusyon sa pagpababa ng retail price. Nagbabala si dating Senate Persident Juan Ponce Enrile sa “over supply” ng bigas na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa mga magsasaka dahil sa Rice Trariffication Law. Ginawa ni Enrile ang babala matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na magpapatupad ng rice tariffication upang tanggalin ang mga limitasyon sa pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa. Sa pagtanggal ng mga restriksyon, hindi na maaaring ikontrol ng National Food Authority (NFA) ang pag-angkat ng bigas. Itinakda ang taripa sa 35 porsyento para sa bigas na inaaangkat mula sa bansa sa ASEAN habang 50 porsyento naman para sa non-ASEAN countries.
  • 3. Sa ilalim ng batas, ang kita mula sa mga taripa ay mapupunta sa isang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na may nakatakdang pondo na P10 bilyong upang maprotektahan ang mga magsasaka. Sinabi ni Enrile na kapag pinapasok ang sobra-sobrang bigas mula sa labas ng bansa, apektado ang kabuhayan ng mga magsasaka. Ayon kay Atty. Claire Castro, may kaakibat itong epekto sa kalidad ng bigas sa bansa, lalo na’t mas marami na raw na importer ang makakapasok sa merkado. Sabi ni Castro maaaring makapasok ang mga bigas na may mababang kalidad lalo’y mmay probisyon sa batas na nagsasabing aprubado ang inangkat na bigas kung hindi ito maiisyuhan ng sanitary at phytosanitary clearance saa loob ng isang linggo. Bukod sa umanoy magiging problema sa kalidad ng iaangkat na bigas, inalamahan ng ibat ibang grupo ang posibleng epekto ng Rice Tariffication Law sa papel ng National Food Authority ( NFA) sa pabebenta ng murang bigas at sa magiging kita ng mga magsasaka. Ikinabahala ng ahensiyang ito na baka mabawasan ang kaanilang tungkulin. Lalo na’t nakatutok na lamang ang NFA sa buffer stoking o pagtatago ng mga bigas para sa panahon ng kalamidad, mula sa tungkulin nito na magbenta ng mas murang bigas. Ito ay pinangangambaan ng ilang manggagawa ng ahenaiya. Pag ang buffer stoking lang ang papel ng NFA sa pamahalaan, baka maraming empleyado sa ahensiyang ito ang matatangal. Ito ang pahayag ni Maximo Torda, pangulo ng NFA Employees Association. Nasa 20,000 retailer o tagabenta ng NFA Rice at nasa higit 100,000 mga trabahador sa mga rice mill, retailer, at nasa 10 milyong Pinoy daw ang umaasa sa NFA Rice, ayon sa datos ng grupong Coalition of Farmers Organization, Unions, Retailers, and Rice Millers. Sa rami ng empleyado na maapektuhan ng Law na ito siguradong maraming mamamayan ang mag hihirap. Sa nasabing datos, aabot naman ng higit 13 milyong magsasaka, kabilang ang kanilang mga pamilya, ang apektado at nasa higit 17 milyon din na nagtatrabaho sa bukid ang mawawalan ng trabaho dulot nito. Ayon sa Philippines Farmer’s Advisory (PFA), magiging matindi ang epekto nito sa industriya ng agrikultura lalo na’t nakasalalay umano sa
  • 4. taripang makukuha ang budget para sa mga lokal na magsasak na siyang pinagkukuhanan ng stock na bigas. Ayon kay Edwin Paraluman, pinuno ng PFA, ano pa ang buhay ng mga magsasaka kung liliit yung stock sa world market sa rice at wala tayong ma-import. Dagdag niya na walang kikitain ang mga lokal na magsasaka lalo na’t bumababa ng bumababa ang farmgate price ng palay, na bagsak sa P12 hanggang P15 mula sa P20 dahil sa kasalukuyang polisiya sa pagtataripa. Maaaring mas paboran ng rice tariffication law, o batas na mag- aalis ng limitasyon sa inaangkat na bigas, ang mga negosyante kaysa ang mga magsasaka, ayon sa isang dating kalihim ng gobyerno. Ito ay matapos ikatwiran ng gobyerno na mas makikinabang ang mga magsasaka sa mas mataas na buwis na ipapataw sa iaangkat na bigas. Ayon kay dating Department of Agrarian Reform (DAR) Saecretary Rafael Mariano, maaaring mas paboran ng mga trader ang interes ng kanilang negosyo kaysa ang seguridad ng pagkain. Kaakibat din kasi ng naturang batas ang malayang pag-e-export ng bigas. “ Baka nga ang mangyari, nasa gitna pa lang yung barko ng imported rice, papunta pa lang dito sa atin, tapos sumipa nang pataas yung presyo sa world market, baka ibalik na yung barko eh, i-export na, hindi na darating dito sa atin,” ani Mariano Bukod dito, muling iginiit ni Mariano na mapanganib ang pagbabasura sa kappangyarihan ng NFA na mamahala sa supply at bentahan ng bigas sa bansa. Pero iginiit ng Department of Finance (DOF) na may importante pa ring tungkulin ang NFA sa ilalim ng rice tariffication law, partikular na sa buffer stock. “The rice tariffication law emphasizes the role, the vital role of NFA in emergency buffer stocking. Dahil napakahalaga na yung mga lugar na nasasalanta ay magkaroon ng access na bigas sa bigas. It is our country’s staple,” ani Finance Undersecretary Tony Lambino.
  • 5. Tingin naman ni Alliance of Concerned Teacher (ACT) party-list Rep. Antonio Tinio na palulubhain ng rice tariffication ang kahirapan at gutom at papayamanin nito ang mga rice cartel sa bansa. “The enactment of the rice tariffication law will be another broken promise by the Duterte administration as this measure will only worsen poverty and hunger and will only cater monopoly traders whose primary mission in life is to profit,“ anang kinatawan sa pahayag. Duda naman si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago kung bakit kailangan pang luwagan ang patakaran sa pag-import lalo na’t sagana sa lupang mapagtatamnan ang bansa. “Mayaman ang lupa ng Pilipinas para pakainin ang 108 milyong populasyon nito, pero bakit patuloy parin tayong nag-i-import ng bigas? At bakit gusto pa nating mag-import ng mas marami? Ano yun?“ aniya Samantala, pinag-iisipan ngayon ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na magpatawag ng oversight hearing sa Kongreso tungkol sa rice tariffication law sa susunod na linggo. “It’s an important bill and we have to make sure it’s implemented,” ani Arroyo. Sa kabila nito, iginiit naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi magkakaroon ng korapsiyon sa pagkakataong tuluyan na maging epektibo ang batas. “Good governance is the hallmark of the Duterte Administration and the President has zero tolerance against corruption and wastage of taxpayers money,” ani Panelo, na tumutukoy sa pondong ilalaan sa mga magsasaka. Malalagay sa disbentahe ang mga magsasaka sa rice tariffication. Mailalagay sa peligro ang produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka sa pagpasok ng imported na bigas, maski ito pa ay may taripa. Walang dahilang manatili o tumaas pa ang kasalukuyang farmgate price o ang presyo ng pagbili ng palay mula sa mga magsasaka kung nasa pamilihan naman na ang lalabas na mas murang bigas. Mismong pag-aaral ng institusyon ng gobyerno, ang Philippine Institute of Development Studies (PIDS) ay nagsasabing magdudulot ng 29% kabawasan sa kita ng mga
  • 6. magsasaka dahil sa pagbaba nang P4 sa presyo ng palay kapag naipatupad na ang rice tariffication. Una hirap at palugi ang magsasakng Pilipino dahil sa mga nananaig na mapagsamantalang relasyon. Nagbabayad siya ng upa sa lupa sa pamamagitan ng leasehold arrangment, nagbabayad siya ng upa sa threser at harvester, at 3-4 kada 10 sa kanila ay walng mautangan ayon sa gobyerno kata nangungutang sa ususero. Nagbabayad din siya sa bumili sa kaniy ng palay, na malamang ay nautangan rin niya para sa mahal na input. Pangalawa walng sapat na suporta ang pamahalaan sa magsasaka at kanyang produksyon. Dahil sa patakaran ng deregulasyon sa ilalim ng WTO, ipinagbawal ang direktang pagsuport ng mga gobyerno sa kanilang lokal na produksyon na lalampasin sa 10% ng halaga ng produksyon. Sa buong panahon sa ilalim ng kasunduan ay hindi nga halos umabot ng 5% ng pambansang badyet ang inilalaan ng Pilipinas agrikultura. Ang panukala pa nga ngayon ng DA ay babaan nang P862.3 milyon ang badyet sa agrikultura. Ang pinapayagan lamang ng WTO ay ang tinatawag na decoupling payments, o suporta sa mga presyo ng pagbili ng palaya at pagbenta ng bigas, na siyang papel ng NFA. Subalit naging inutil ang NFA sa pagkakaroon ng epekto sa produksyon at pamilihan dahil napakaliit naman ang binili nito sa magsasaka. Ang kanyang mandato ay 10% na tintayang produksyon ng palay, subalit mula 2013-2017 halimbawa, umabot lang sa taunang 0.8% ang procurement ng NFA. Masyadong maliiy ang P17 kada kilong palay na procurement price ng NFA. Hindi na ito tumaas mula noong 2007, at dahil sa deregulasyon, hindi na rin tinaasan ng pamahalaan ang subsidyo ng NFA. At sa kabila ng maliit na badyet ng NFA sa pagbili at pag imbak para sa buffer, hindi pa rin niya ito ginamit upang bumili sa magsasaka. Nagkasya ang ahensiya sa paghihintay na lamng ng imported na bigas. Napag alaman pa ng Commision on Audit (COA) na 18.6% lang nakamit nito sa kaniyang target noong 2017 dahil nilinis nito ang P5.1 bilyong Food Security Program na badyet para bayaran ang kaniyang mga utang. Noong appat na buwang walang hawak na bigas ang NFA, iginiit ng Bantay Bigas na gamitin ng NFA ang P7 bilyong badyet nito sa pagbili ng
  • 7. palay subalit umasa lang ang pamahalaan sa susunod na pagdating ng MAV. Ang totoo sa ilalim ng WTO, binawasan ang papel sa regulasyon ng NFA ar na-demote ito sa pagmonitor na lamng ng importasyon ng pribadong sektor, o minsan pa nga ay pag-import sa ngalan ng mga pribadong traders. Noong kasagsagan ng krisis noong 2009-2012, pinagamit pa nga ng NFA sa pribadong sektor ang kaniyang tax exemption subsidy, na nakabawas ng P12 bilyong kita sana ng pamahalaan ula sa tariff. Pangatlo, walang kontrol o aksyong pananagot ang pamahalaan sa kartel. Lalong palalakasin ng rice tariffication ang kartel na siyang may hawak ng malaking bolyum ng bigas at nagdidikta ng presyo nito. Sa rice tariffication na magdudulot ng kompletong liberalisasyon, tuluyan nang mawawalan ng kakayang magmantini ng buffer ang NFA. Ang problema, hangga’t mababa ang presyo ng imported, gaganahan ang traders, pero kapag nagkaroon na ng pagsirit ng presyo at kakulangan sa pandaigdigang pamilihan, mao-obliga ang gobyernong umorder nang bilateral. Sa panahong iyon, wala nang subsidy ang NFA at obligadong mangutang ang pamahalaan. Hindi rin garantiya ang pinapangako ng Rice Tariffication Bill na Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) na diumano ay ‘direktang suporta’ sa magsasaka na kukunin mula sa makokolektang Php28 bilyong taripa sa bigas sa loob ng anim na taon. Ganito rin naman ang pinangako ng pamahalaang Estrada noong 2000 para makumbinse ang mga magsasaka sa decoupling, pero hindi rin nakatulong. Mali rin na gawing kondisyon ng gobyerno na taasan ng magsasaka ang produktibidad upang maging handa sa rice tariffication, gayong dapat competitiveness sa pandaigdigang pamilihan ang kailangang paghandaan ng Pilipinas na hindi ginawa ng gobyerno dahil sa pagyakap nito sa mga neoliberal na patakaran. Malaking salik ang kawalan ng pag-unlad ng agrikultura at kung gayon kawalan ng nagsasarili at maunlad na pambansang industriya ng Pilipinas sa kawalan ng kontrol ng pamahalaan sa presyo ng mga bilihin. Sa halip na palakasin ang lokal na produksyon at ipundar ang lokal na industriya, patuloy na pinananaig ng gobyerno ang mga neoliberal na patakaran na nagpapailalim ng Pilipinas sa dikta ng dayuhan at dominasyon at kontrol ng mga lokal na monopolyo sa lupa, rekurso at
  • 8. kalakalan. Kaakibat ito ng iba pang neoliberal na patakaran na nagbibigay-luwag sa malalaking korporasyon, oligarko at kartel sa kawalan ng tunay na reporma sa lupa, pambabarat ng sahod, pribatisasyon ng mga serbisyo, at dagdag-buwis sa mga batayang bilihin. Hindi kailangan ng mamamayan ang rice tariffication upang diumano makaagapay ito sa pagsirit ng implasyon, at ng magsasaka upang diumano ay makapagpalakas sila ng produktibidad mula sa kita sa taripa. Kayang kayang ibigay na ngayon ng gobyerno ang direktang badyet sa magsasaka kung tutuusin at hindi na kailangang kumita pa mula sa taripa ng imported na bigas na siya rin namang papatay sa mga magsasaka. May pera rin ang pamahalaan para suportahan ang konsumer sa presyo. Kaya rin niyang bawiin ang ipinataw niyang buwis sa konsumo ng mamamayan. Ang matagal nang panawagan ay ang pagpapalakas ng lokal na produksyon nang mapatataas ang ani, matutugunan ang self-sufficiency ng bansa, substansyal na madadagdagan ang kita ng mga magsasaka, at bababa ang presyo sa pamilihan sa kapakinabangan ng mga konsumer. Maisasagawa ito sa pagpapababa ng production cost, na maisasagawa lamang sa pagpawi ng mga mapagsamantalang relasyon. Sa pagkakaroon din ng masiglang produksyon, maseseguro ang reserbang pagkain, hindi maoobliga ang magsasaka na magbenta sa traders, mahahawakan ng pamahalaan at magsasaka ang bolyum ng produksyon ng bigas, at mawawalan ng malalanguyan ang kartel. Dapat obligahin ang kasalukuyang gobyerno na tugisin at panagutin ang kartel sa bigas. Kompleto na ang mga panukala ng mga magsasaka, mula sa parliyamentaryo hanggang sa usapang pangkapayaaan at sa iba pang larangan. Wakasan ang monopolyo sa lupa, ipamahagi ang lupa nang libre sa nagsasaka, at bigyan ng karampatang suporta ang pag-unlad ng kanayunan. Kaakibat nito ang pagtalikod sa mga neoliberal na patakaran at kasunduan na nagpailalim ng agrikultura ng Pilipinas sa matitinding hambalos. Sa ganitong kaayusan lamang matitiyak na naihanda ang bansa sa anumang pakikipag-ugnayan o kalakalan sa daigdig.
  • 9. CONCLUSION: Lahat ng tao gusto ang magkaroon ng hanapbuhay. Kailangan nila ang hanapbuhay para sila ay mabuhay at maging mabuti ang kinabukasan ng kanilang pamilya. Ngunit pag ganito ang batas na maipapataw para sa mga mamamayan. Hindi na ito pair sa lahat ng mamamayan, dahil may maggiginhawaan at marami rin ang maghihirap. Ngayon iilan lang ang nakakapasok na ambasador ay marami ng illegal ang nakakapasok sa loob ng ating bansa. Gaya ng droga na nagiging problema ng bansang Pilipinas, na pati bata ay nadadamay sa ganitong kagulong buhay. Kung ngayon iilan lang pinapayagang ambasador na makapasok ay nagkakaroon na ng problema, what else kung maipapatupad talaga ito. Edi mas marami na ang illegal na makapasok. Oo, makakatulong ito sa mga nakatira sa syudad. Dahil mahirap ang buhay doon. Mahirap kumita ng pera para ipang bili nila ng pagkain. Pero sana isipin nila ang mga magsasaka na maaapektuhan ng batas na ito. Pag maraming bigas ang makakapasok sa ating bansa. May posibleng magkaroon ng mga murang bigas at pag nangyari iyon wala ng gugustuhing bumili ng mahal na bigas na nanggaling sa mga magsasaka.
  • 10. REFERENCES: https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.officialgazette.gov.ph/downlo ads/2019/02feb/20190214-RA-11203- RRD.pdf&ved=2ahUKEwjchaGAv4vhAhUbfH0KHR7fBxIQFjAAegQIAxAB&usg=AOvVaw2CRr810ks5jfpiBZ7 c5pPD https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.philstar.com/pilipino-star- ngayon/bansa/2019/02/18/1894694/enrile-nagbabala-sa-epekto-ng-rice-tariffication- law&ved=2ahUKEwj5h- nDv4vhAhXQ7XMBHe1TBJ0QFjAAegQIBRAB&usg=AOvVaw0TA1pUcndmA2W_uTPlovnY https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://ibon.org/file/2015/11/IBON_August2 018_Hinggil-Sa-Rice-Tariffication.pdf&ved=2ahUKEwj5h- nDv4vhAhXQ7XMBHe1TBJ0QFjAKegQIARAB&usg=AOvVaw1nEl0Px6GkMGptGM-25HBJ https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://news.abs- cbn.com/news/02/20/19/kalidad-ng-bigas-sa-bansa-maaaring-magbago-sa-rice-tariffication- law&ved=2ahUKEwj5h- nDv4vhAhXQ7XMBHe1TBJ0QFjABegQIAxAB&usg=AOvVaw23F4hZNciOxKjkBVlcJdhx https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://news.abs- cbn.com/business/02/15/19/mga-trabahador-sa-nfa-nangangambang-maalis-dahil-sa-rice- tariffication&ved=2ahUKEwj5h- nDv4vhAhXQ7XMBHe1TBJ0QFjACegQIAhAB&usg=AOvVaw3NvQu3ZymLH3ke6Tnmmq5w