Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
ANG_IMPLASYON_4.pptx
1.
2. Ang IMPLASYON ay
pangkalahatang pagtaas ng
presyo, pagbaba sa halaga
ng salapi at may negatibong
epekto sa tao, ang
kalagayang ito ay bunga ng
implasyon.
3.
4. Ayon sa aklat na Economics nina Parkin
at Bade (2010), ang implasyon ay pataas
na paggalaw nag presyo at ang
deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng
presyo.
5. Kaya sa tuwing may pagtaas
sa pangkalahatang presyo ng
mga bilihin sa isang
ekonomiya, ang kondisyon ng
implasyon ay nagaganap.
7. Ang pagtaas ng presyo ay sinasabing kaakibat
na ng ating buhay. Hindi na bago sa mga
bansa na makaranas ng implasyon, kahit
noong Panahong Midyebal, ang presyo ay
tumaas ng apat na doble sa Europe.
8. Maliban sa implasyon,
mayroon ding tinatawag na
hyperinflation kung saan ang
presyo ay patuloy na tumataas
bawat oras, araw at linggo na
nagaganap sa Germany noong
dekada 1920.
9. Kahit sa kasalukuyang panahon,
ang implasyon ay isang suliraning
hindi mapigilan. Ang mga
pangunahing produkto tulad ng
bigas, asukal, manok, karne, isda
at iba pa ay hindi nakaliligtas sa
pagtaas ng presyo.
10.
11. Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng
implasyon ang Consumer Price Index (CPI)
upang mapag-aralan ang pagbabago sa
presyo ng mga produkto. Ang pamahalaan ay
nagtatalaga ng mga piling produktong
nakapaloob sa basket of goods.
12. Ang mga nasabing produkto ay
kumakatawan sa mga pangunahing
pangangailangan at
pinagkakagastusan ng
mamamayan. Tinitingnan ang
halaga ng mga produktong ito
upang masukat ang bilis at laki ng
pagbabago sa presyo
13. Mula sa market basket, ang price
index ay nabubuo na siyang
kumakatawan sa kabuuan at average
ng pagbabago ng mga presyo sa
lahat ng bilihin. Ang price index ay
depende sa uri ng bilihin na gustong
suriin.