Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Tamang pagpapaligo sa sanggol 6
1. TAMANG PAGPAPALIGO SA SANGGOL
*Ang pagpapaligo sa sanggol ay maaaring gawin isang beses sa
isang araw ngunit ito lamangay limitado sa pagpupunas ng mukha at
katawan ng sanggol at ang pagpapalit ng lampin(diaper).
*Bago simulan ang pagpapaligo, siguraduhin ang temperature ng
paligid ay mainam para sasanggol; hindi masyadong malamig
*Dapat nakahanda ang mga gamit na kailangan para sa papapaligo
ng sanggol gaya ng sabon,bimpo, twalya, suklay, palangganang may
tubig, damit at diaper.
*Siguraduhing maligamgam ang tubig na gagamitin para sa
pagpapaligo sa sanggol. Maaringgamitin ang siko para malaman kung
katamtaman na ang temperatura ng tubig pampaligo.
*Magsimula muna sa mata at mukha, isunod ang katawan at ihuli ang
pagpapalit ng diaper.Punasan ang mata ng sanggol simula sa loob
papalabas gamit ang bimpo. Ang paghuhugassa mukha ay hindi
ginagamitan ng sabon sapagkat ito ay nakakairita sa balat ng sanggol.
*Sa paghuhugas ng buhok ng bata, sabunin muna ang buhok ng
sanggol habang ito aynakahiga sa palanggana. Banlawan at punasan
ng mabuti ang buhok para maiwasang ginawin ang sanggol.
*Hugasan ang buong katawan gamit ang sabon. Banlawan ng mabuti
upang walang maiwangsabon na nagdudulot ng panunuyo ng balat ng
sanggol.
*Sa pagpapalit ng diaper, linisin muna ang pwet ng sanggol at
punasan ito ng maigi paramaiwasan ang pagpapantal dulot ng diaper.
*Bihisan ng maayos ang sanggol para hindi ito lamigin.