1. CFC - Choir
15th February 2013 Filipino Mass
PAMBUNGAD NA AWIT:
HALINA TAYO AY MAGPURI
Chorus:
Halina tayo ay magpuri
Sa Diyos na Poon natin
Kunin gitara’t itoy tugtugin
Awitan sya ng himig
Lapitan Sya't dakilain
Atin Syang sambahin
Ang Poon dumalaw sa atin
Upang tayo'y tubusin.
Tingnan natin ating paligid,
ang karagatan at ang langit
Di ba't ito’y kaakit-akit,
Punong-puno ng Kanyang pag-ibig
Atin Syang papurihan
Pasasalamat ay sambitin ( Chorus )
Tingnan natin ating sarili
Isip at puso biyaya satin
Dahil dito tayo’y may dangal
Lahat ng ito sa kanya nagbukal
Atin syang dakilain
Pag ibig nya ay ating damhin ( Chorus )
PANGINOON MAAWA KA
Panginoon maawa Ka
Kristo maawa Ka
Panginoon maawa Ka
PAPURI (LUWALHATI SA DIYOS)
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan
Pinupuri Ka’t ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil sa dakila Mong kalwalhatian
Panginoon naming Diyos Hari ng langit
Amang makapangyarihan, Panginoong
Hesukristo
Bugtong na anak ng Diyos, Kordero ng Ama
Ikaw na nag aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka sa amin
Ikaw lamang ang Banal, Panginoong Hesukristo
Kasama ng Espiritu sa l’walhati ng Ama
Amen, Amen, Amen, Amen, Amen…..
ALLELUIA
Alleluia, alleluia
Wikain mo Poon makikinig ako
Sa Iyong mga salita
Alleluia , Allelu- alleluia!
( repeat 2x )
OFFERTORY
TINAPAY AT ALAK
Chorus:
Ang maihahandog sa’Yo
Panginoon ang tinapay at alak
Mula sa’ming kamay sa’Yong kabutihan
Aming iaalay ang tinapay at alak
Sagisag ng aming buhay
I
Ang tinapay na ito’y nagmula sa lupa
Bunga ng paggawa
Kunin Mo upang maging pagkaing nagdudulot ng
buhay
II
Ang alak na ito’y nagmula sa ubas
Bunga ng paggawa
Kunin Mo upang maging inuming nagdudulot ng
Espiritu
( Repeat CHORUS )
… Ang tinapay at alak
Sagisag ng aming buhay
SANTO
Santo Santo Santo Panginoong Dios
makapangyarihan,
Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian Mo
Hosana, hosana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon
Hosana, hosana sa kaitaasan
Hosana, hosana sa kaitaasan
Sa kaitaasan....
AKLAMASYON
Sa krus Mo at pagkabuhay
Kami’y natubos Mong tunay
Poong Hesus, naming mahal
Niligtas Mo kaming tanan
Poong Hesus, naming mahal
Ngayon at magpakailanman
AMEN (7X)
AMA NAMIN
2. Ama namin sumasalangit Ka
sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang Kaharian Mo sundin ang loob
Mo
Dito sa lupa para lang sa langit
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin
sa bawat araw
At patawarin Mo ang aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa a-min
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sayo nagmumula, ang kaharian at
kapangyarihan, At ang kaluwalhatian
magpasawalang hanggan........
KORDERO
Kordero ng Dios na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin , Maawa Ka sa amin
Kordero ng Dios na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin , Maawa Ka sa amin
Kordero ng Dios na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
COMMUNION
KRISTO
Oh….
Ikaw ang lagi kong kausap
Ikaw ang laging tinatawag,
Gabay ka ng bawat pangarap
Lakas ng bawat pagsisikap
Ikaw ang tunay na kaibigan (Ah…oh…)
Ginto ang pusot kalooban
Ngunit hindi lahat ay may-alam
Na Kristo ang iyong pangalan
Kristo, Kristo
Bakit minsan ka lang nakikilala (Ooh…)
Kapag nakadama ng dusat pangamba
Tinatawagan ka, sana’y maawa ka
Kristo, Kristo
Kulang pa ba ang pag-ibig na (Ooh…)
Dulot mo bakit ba ang mundo ngayo’y gulung
gulo
Anong dapat gawin, kami’y tulungan mo
( Repeat All )
Kami’y tulunga mo, Kristo, Kristo,
Kristo, Ooh…..
NASA TABI KO ANG PANGINOON
Koro : Alam kong nasa tabi kita
Panginoon ko sa lahat ng oras
Kamay Mo ang syang nag iingat sa’kin
Di ko maabot karunungan Mong angkin
Girls : Siniyasat Mo ako at alam ng aking puso
Walang maililihim sa’Yo sa’king gawa
Di ko pa binabanggit Iyo na itong batid
Sa’Yo ano man isip ko’y di lingid (koro)
Boys : Saan ako paroroon upang matakasan Ka
Akyatin ko man ang langit alam kong
Naron ka
Ako ma’y makalipad sa dulong dagat
mapadpad
Daratnan ko rin pag-ibig Mong tapat (koro)
All : Dios ako ay siyasatin alamin ang damdamin
Ako’y iyong subukin upang puso’y malaan
Kung ito’y hindi tapat malalaman mong
ganap
Girls – Ihatid ako
Boys – Ihatid ako
All – Ihatid ako sa buhay Mong wagas
JESUS, MY FRIEND
He's my friend, a man & yet a God
He is my friend, a Servant yet a King
He stays with me every moment of my days
Whose love a lamp to my feet
A light unto my path
Jesus, my friend, You are a friend to me
In sadness, joy You stay so close to me
You poured Your love
And now I know You more
Jesus, my Lord, my God, my friend
You touched my heart and taught me what is
right,
Of all my friends, (ooh...).. (ooh...)
You're really dif'rent (ooh..), really dif'rent, ahh..
You shaped my heart to love as You have loved:
Love bears all things, believes all things,
Hopes all things, endures all things
Jesus, my friend, You are a friend to me
In sadness, joy You stay so close to me
You poured Your love
And now I know You more
3. Jesus, my Lord, my God, my friend
Jesus, my friend.....
RECCESSION
HUMAYONG MAPAYAPA
Koro: Humayong mapayapa
bayang umaawit
Pag-ibig ni Kristo sa kapwa ihatid
Magpuri ang langit at lupa
Magalak sa pag-asang nabatid
Humayo’t ibalita kaligtasan ay sumapit
Ang Diyos ay purihin liwanag ng buong daigdig
Panginoon ay lagi nating purihin
Tinawag niya tayo sa kanyang piging
Huwag mangamba pangako ng Diyos,
Siya’y lagi nating kapiling. (koro)
Pasasalamat sa puso ay aawitin
Kanyang mga likha, biyaya sa ‘tin
Butihin ang Diyos hindi nagkukulang
Siya’y laging sumasa atin. (koro)
Finale:
Ang Diyos ay purihin… (ang Diyos ay purihin)
liwanag ng buong… (liwanag ng buong)
Daigdig !