2. Ang Dengue ay isang sakit na sanhi ng virus na nakukuha ng mga
tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Ito ay kadalasang nagdudulot
ng lagnat, skin raches, sakit ng ulo at madalas sakit ng kalamnan at
kasukasuan. Ang sakit na ito ay tinatawag ding “breakboned” o
napakainam na lagnat dahil sa hindi karaniwang malubhang pananakit
ng kalamnan at kasukasuan.
Ang sakit na ito ay nakikita sa mga tropikal na rehiyon sa mundo
katulad nalang sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. May apat na klase
ng virus na dengue, ang bawat isa ay maaaring magdulot ng lagnat
(dengue fever) at lagnat na may pagdurugo (dengue hemorrhagic fever).
.
3. Naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na
Aedes na siyang nagdadala ng virus na dengue. Hindi ito naipapasa
mula sa isang tao papunta sa ibang tao. Ang pangunahing klase ng
lamok na nagdadala ng dengue ay ang Aedes aegypti, ay hindi
matatagpuan sa Hong Kong ngunit ang Aedes albupictus na makikita
rito ay maaari ding magdala ng sakit na dengue.
Ang mga sintomas ng Dengue ay nagsisimulang makita sa loob ng
tatlo hanggang labing-dalawang araw, matapos makagat ng lamok na
naglipat ng virus sa isang taong na-exposed dati. Ang mga palatandaan ay
karaniwang nawawala sa loob ng 2-4 na araw at babalik muli gamit ang
mga rashes na kakalat sa buong katawan maging sa mukha. Ang mga ito
ay maaaring magtagal hanggang 1-2 linggo