1. LAHING KAYUMANGGI
Nakikita mo ba ang nakikita ng iba?
Mga naririnig nila naririnig mo ba?
Lahi mo ba'y alam mo na?
O hinahanap mo pa?
2. Lahing kayumanggi lumalaban ka ba?
Nangangarap ka ba na tulad ng iba?
Bayan kong natutulog, gumising ka na
Tayo ang magbubuo ng panibagong historya
3. Sa bawat pangarap may kalakip na hirap
Sa bawat lakbayin may maliliit na hakbangin
Itong aming mithiin sa 'Yo O Diyos dinadalangin
Ibangon Mo ang aming bansa
Ang lahing kayumanggi
4. Ikaw lamang O Diyos ang tanging may alam
Ng aming pinagmulan at patutunguhan
Ibuhos Mo sa amin ang apoy ng Iyong pagmamahal
Upang kami'y makatayo bilang Iyong bayan.
5. Sa bawat pangarap may kalakip na hirap
Sa bawat lakbayin may maliliit na hakbangin
Itong aming mithiin sa Iyo O Diyos dinadalangin
Ibangon Mo ang aming bansa
Ang lahing kayumanggi
6. Sa bawat pangarap may kalakip na hirap
Sa bawat lakbayin may maliliit na hakbangin
Itong aming mithiin sa Iyo O Diyos dinadalangin
Ibangon Mo ang aming bansa
Ang lahing kayumanggi