CL185 Final PaperAng Huling Gabia Tagalog Translation of James Salter’s “Last Night”Translated by: Genalin O. Setarios10/1...
Si Armando Gonzales ay isang tagapagsalin. Gustong-gusto niyang magsulat gamit ang berdengpluma na nakaugalian niyang itaa...
-   Napakahirap siguro niyan, sabi ni Laviṅa.-   Kung alam mo lang.Bumalik si Armando, dala-dala ang inumin at ibinigay it...
ang dati niyang kama, ang bintana kung saan pinagmamasdan niya ang mga butuin sa langit, ang kanyangama na yumuyuko upang ...
Nang sila’y umalis na, si Laviṅa ay nakaupo sa likuran. Walang mga sasakyan sa daan. Nakakita sila ngmga palipat-lipat na ...
-   Oo nga eh.-   Sa totoo lang, hindi talaga kami umuorder ng ganito kasarap at mahal na alak, paliwanag ni Maria.Madalas...
-   Dalawampu’t siyam, ulit ni Maria. Tahimik siya ng ilang sandal. Wala talaga kaming mga anak, sabiniya. Ikaw ba, hinaha...
-   Kailangan mong manatili, nakikiusap ako. Ilang sandal na lang at aakyat na ako, ngunit pagbalik ko,ayaw kong mag-isa. ...
Sa may pintuan, nakatayo si Armando, naghihindtay sa pahintulot. Tumingin siya sa kanya na walangimik. Hawak-hawak niya na...
Nasa tamang pangangatawan si Armando noon, mas mabigat nga siya kaysa noon… Ang kanyang bilogna tiyan ay natakpan ng isang...
Si Laviṅa, nakatiklop ang mga braso hawak-hawak ang bawat siko, ay nakatayo na sa kusina kasama siArmando.-   Hindi naman ...
Sinubukan ni Laviṅang magsalita ulit, ngunit inilapat ni Armando ang kanyang kamay sa kanyang mgalabi at idiniin siya paba...
-   Hindi ko maintindihan, sabi niya.-   Mali! Mali ang lahat, paulit-ulit na sinabi ni Marvin. At kay Laviṅa, Nandito ka ...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Ang Huling Gabi

971 views

Published on

a Tagalog translation of James Salter's "Last Night"

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
971
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
14
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ang Huling Gabi

  1. 1. CL185 Final PaperAng Huling Gabia Tagalog Translation of James Salter’s “Last Night”Translated by: Genalin O. Setarios10/12/2012
  2. 2. Si Armando Gonzales ay isang tagapagsalin. Gustong-gusto niyang magsulat gamit ang berdengpluma na nakaugalian niyang itaas tuwing nakakatapos siya ng isang pangungusap na tila isangmekanikal na bagay ang kamay niya. Kaya niyang isalaysay ang mga linya ng Mi Ultimo Adiosni Jose Rizal sa espanyol at ibigay ang salin ni Virgilio Almario nito sa Filipino, habangpinapakita ang kagandahan nito. Palakaibigan siya na tao, ngunit minsan ay matinik na sa umpisaay nauutal ng kaunti at namumuhay kasama ang asawa niya sa paraan na nais nila. Ngunit angkanyang asawang si Maria ay may sakit.Naghihintay siyang nakaupo kasama si Laviṅa, na kaibigan nila. At saw akas, narinig na nilangbumababa sa hagdanan si Maria hanggang sa siya’y nasa silid na. Siya ay nakasuot ng isangpulang sedang damit kung palagi siyang mapanrahuyo tingnan, dahil sa kanyang malayangdibdib at makintab na maitim na buhok. Sa puting alambreng basket na nasa loob ng kanyangcloset nakalagay ang salansan ng mga nakatuping damit, salawal, gamit panglaro, mganightgowns, mga sapatos na nakakalat sa ilalim ng sahig. Mga gamit na hindi na niya kailangan.Kasama na rin ang alahas, mga pulseras at kwintas, at ang isang lakang kahon na naglalaman nglahat ng sing-sing niya. Ayaw niya namang walang suot ang mga daliri niya, na ngayon ay buto’tbalat na.- Ang ga-ganda mo, sabi ng asawa niya.- Pakiramdam ko nga ay unang date ko toh. Iinom ka ba?- Oo.- Sa palagay ko, ako rin. Yung maraming yelo ah, sabi niya.Naupo siya.- Wala na akong gana, sabi niya, iyang ang pinakanakakatakot. Wala na. Hindi na ito babalik.Ayaw ko na ngang tumayo at maglakadlakad.
  3. 3. - Napakahirap siguro niyan, sabi ni Laviṅa.- Kung alam mo lang.Bumalik si Armando, dala-dala ang inumin at ibinigay ito sa kanyang asawa.- Iyon na nga ang mga masasayang araw, sabi niya. At, tila may naalala siya, napangiti siya sakanila. Isang nakakasindak na ngiti. Na tila kabaliktaran ang ipinahihiwatig.Iyon ang gabing kanilang itinakda. Sa loob ng pridyeder, may isang heringgang nakapatong saplatito. Ang doctor niya ang nagbigay ng mga sangkap nito. Ngunit isang huling hapunan muna,kung kaya pa niya. Hindi maaring silang dalawa lamang, sabi ni Maria. Ang pakiramdam niya.Kaya si Laviṅa ang isinama nila, kaysa ang mga taong malapit sa kanila at nagdadalamhati rin, tulad ngkapatid ni Maria na hindi rin naman niya kasundo, o ang mga matalik nilang kaibigan. Si Laviṅa ay batapa. Mayroon siyang malapad na mukha at mataas na dalisay na noo. Mukha siyang anak ng isangpropesor or bangkero na may pagkapilya. Maruming babae, puna ng isa sa mga kaibigan niya, na mayhalong paghanga.Si Laviṅa, na nakaupo suot-suot ang maikling palda, ay unti-unti nang kinakabahan. Mahirap magkunwarina isang simpleng hapunan lamang iyon. Mahirap din naman hind imaging handa. Dumating siya nangdapit-hapon na. Ang bahay na may bintanang maliwanag, na tila lahat ng silid nito ay inilawan – aykapansin-pansin kung ikumpara sa iba, tila ito’y isang lugar na may kasiyahang nagaganap.Pinagmasdan ni Maria ang mga kagamitan sa silid, ang mga litratong naka-frame ng pilak, ang mgalampara, ang mga malalaking libro tungkol sa Surrealism, landscape design, o country houses na noonniya pa gustong basahin, ang mga upuan, kahit ang mga alpombra na maganda pa rin sa kumukupasnitong kulay. Tiningnan niyang lahat ng ito na tila tinatandaan ang lahat, na sa katunayan ay wala namanghalaga. Ang mahabang buhok at pagiging maaliwalas ni Laviṅa ay may ipinahihiwatig, ngunit ‘di niyamawari kung ano.May ilang mga alaala na daladala mo talaga, naisip niya, mga alaala niya bago pa kay Armando, mulanoong bata pa siya. Ang kanilang bahay, hindi yung bahay nila ngayon, kundi iyong kung saan naroon
  4. 4. ang dati niyang kama, ang bintana kung saan pinagmamasdan niya ang mga butuin sa langit, ang kanyangama na yumuyuko upang sabihan siya ng good night, ang ilawan kung saan sinusubukan ng ina niyangkapitan ng pulseras. Ang bahay na iyon. Ang iba ay walang kabuluhan. Ang iba ay isang mahabangnobela katulad ng buhay mo, na pinagdadaanan mong wala mo man lang pinag-isipan at isang araw aymagwawakas ng bigla: may mga marka na.- Nasobrahan na ata ako, napaisip si Maria.- Ang inumin? tanong ni Laviṅa.- Oo.- Ibig mong sabihin, sa mga taong nagdaan.- Oo, sa loob ng ilang taong nagdaan. Anong oras na ba?- Quarter to eight na, sabi ng asawa niya.- Alis na tayo?- Kahit kalian n’yo gusto, sabi niya. Hindi naman kailangang magmadali.- Ayaw ko namang magmadali.Sa katunayan, ayaw n’ya pa sanang umalis. Palapit na palapit na kasi.- Anong oras ba ang reserbasyon? tanong niya.- Anumang oras natin naisin.- Eh di, tara, alis na tayo.Nanggaling ito sa kanyang matris at pagkatapos galling doon ay tumungo sa kanyang mga baga. Sabandang huli, tinanggap rin niya ito. Sa may ibabaw ng neckline ng damit niya makikita ang balat namaputla na tila buhat ang karimlan. Hindi na niya kahawig ang sarili niya. Wala na ang kung anumanghitsura niya noon; kinuha na ito sa kanya. Ang pagbabagong dulot nito ay nakakakilabot, lalong-lalo na samukha niya. Para nang isang bangkay ang mukha niya, katulad ng mga taong makikilala niya roon.Mahirap para kay Armando na tandaan kung iyong dati niyang anyo. Halos ibang-iba na siya ngayonmula noong taimtim na pinangakuan siya ni Armando na tutulungan sa takdang panahon.
  5. 5. Nang sila’y umalis na, si Laviṅa ay nakaupo sa likuran. Walang mga sasakyan sa daan. Nakakita sila ngmga palipat-lipat na kulay asul na ilaw sa may ibaba ng mga bahay kanilang nadaanan. Tahimik nanakaupo si Maria. Nakaramdam siya ng lungkot ngunit may naguguluhan rin siya ng kaunti. Sinusubukanniyang i.imagine ang bukas, na wala na siya para makita ito. Hindi niya mawaring isipin ito. Mahirapisipin na ang mundo’y naroroon pa rin sa panahong iyon.Pagdating sa hotel, naghintay sila malapit sa isang maingay bar. May mga lalaking walang suot na jacket,mga babaeng nag-uusap o tumatawa ng malakas at mga babaeng walang kamalay-malay. Sa dingdingnakasabit ang mga malalaking French posters, lumang lithograph sa loob ng malabong frames.- Wala akong kakilala dito, pansin ni Maria. Mabuti na lang, dagdag pa niya.Si Armando ay nakakita ng kakilala nilang madaldal na mag-asawa, ang mga Bukambibig.- ‘Wag kang tumingin, sabi niya. Hindi nila tayo nakita. Kukuha ako ng lamesa sa ibang silid.- Nakita ba nila tayo? tanong ni Maria nag naupo na sila. Wala akong ganang makipag-usap sa kahitsinuman.- Okay na tayo, sabi ni Armando.Ang weyter ay nakasuot ng puting tapis at itim na buklod-kurbata. Inabot niya sa kanila ang menu at anglistahan ng alak.- Gusto niyo ba ng mainom?- Definitely, sabi ni Armando. Tinitingnan niya ang listahan, kung saan nakaayos ang mga alak mula sapinakamamahaling alak hanggang sa pinakamura. Kasama sa listahan ang Cheval-Blanc na naghahalagang sampung libong piso. Meron ba kayo nitong Cheval-Blanc?- Iyong 1989? tanong ng weyter.- Bigyan mo kami ng isang bote noon.- Ano itong Cheval-Blanc? White wine ba ito? tanong ni Laviṅa nung nakaalis na ang weyter.- Hindi, red wine iyon. sagot ni Armando.- Alam mo, salamat at pinaunlakan mo an gaming inbitasyon ngayong gabi, sabi ni Maria kay Laviṅa. Ito ay pawang natatanging gabi lamang.
  6. 6. - Oo nga eh.- Sa totoo lang, hindi talaga kami umuorder ng ganito kasarap at mahal na alak, paliwanag ni Maria.Madalas kumakain sila ni Armando dito, malapit sa bar, na naglalaman ng mga hanay ng makikintab nabote. Hindi pa talaga sila umorder ng alak na higit pa sa dalawang daan ang halaga.Kumusta na man daw ang pakiramdam niya, tanong ni Armando habang sila’y naghihintay. Ayos lang badaw siya?- Hindi ko alam kung paano ipahayag ang dinaramdam ko. Umiinom ako ng morphine, sinabihan niyasi Laviṅa. Ginagawa nito ang trabaho niya, ngunit… napahinto siya. Maraming bagay ang hindi dapatmangyari sa’yo, sabi niya.Ang hapunan nila’y tahimik lamang. Mahirap makipag-usap ng kaswal lang. Ngunit, nakadalawang botesila ng alak. Hinding-hindi na siya iinom nito ulit, hindi niya mapigilang isipin. Ibinuhos niya ang hulinglaman ng ikalawang bote sa baso ni Laviṅa.- ‘Wag na, sa’yo na iyan, sabi ni Laviṅa. Para sa’yo talaga iyan.- Tama na iyong nainom niya, sabi ni Maria. Bagaman ay masarap siya, hindi ba?- Napakasarap talaga.- Parang napapaisip ka tuloy na may mga bagay… am, ewan ko, samu’t saring bagay lang. Masaraptalaga sa pakiramdam na nakainom ka nito. Sinabi niya ito sa isang paraang makaantig damdamin.Bumuti na ang kanilang pakiramdam. Naupo muna sila ng ilang sandal at saw akas ay lumabas na.Maingay pa rin ang bar. Nung nasa sasakyan na sila, napatingin si Maria sa labas ng bintana. Pagod nasiya. Pauwi na sila ngayon. Ang hangin ay gumagalaw sa may ibabaw ng mga puno. Sa kalangitan aymay nagniningning na asul na mga ulap, kumikislap na parang umaga.- Napakaganda ngayong gabi, ano? sabi ni Maria. Tinamaan ako niyan. Nagkamali ba ako?- Hindi, inayos ni Armando ang kanyang lalamunan. Maganda nga ito.- Napansin mo ba ito? tanong ni Maria kay Laviṅa. Sigurado akong napansin mo. Ilang tao ka na ba? Nakalimutan ko eh.- Dalawampu’t siyam.
  7. 7. - Dalawampu’t siyam, ulit ni Maria. Tahimik siya ng ilang sandal. Wala talaga kaming mga anak, sabiniya. Ikaw ba, hinahangad mo bang may anak ka?- Uhm, paminsan, sa tingin ko. Hindi ko pa masyadong iniisip iyan eh. Isa iyan sa mga bagay na dapatkasal ka na muna bago mo pag-iisipan.- Ikakasal ka rin.- Oo, malamang nga.- Anong malay natin, sa loob ng isang minuto, kasal ka na, sabi ni Maria.Pagod na siya nang makarating na sila sa bahay. Naupo silang magkatabi sa sala na parang nanggalingsila sa isang malaking pagtitipon, ngunit hindi pa sila handing matulog. Iniisip ni Armando angmangyayari sa hinaharap, ang ilaw na liliwanag sa loob ng pridyeder kapag binuksan ang pintuan nito.Ang karayom ng heringga ay matalas, ang walang dungis nitong dulo na putol sa isang anggulo, at parangisang pang-ahit. Kailangan niyang ipasok ito sa kanyang ugat. Sinubukan niyang hindi na mabagabagnito. Kahit papano, kakayanin niya ito. Nininerbyos na siya paunti-unti.- Naalala ko si mama, sabi ni Maria. Nais niyang kwentuhan ako ng mga bagay sa bandang huli, mgabagay na nangyari noong bata pa ako Nakipagtalik si Anna Gomez kay Pablo San Juan. Si Nene Tomasdin. Silang dalawa ay may mga asawa na. Si Pablo San Juan naman ay wala. Siya ay isang negosyante atmahilig maglaro ng basketball. Patuloy ang kwento ni mama tungkol jan, kung sinong nakipagtalik kayganito, ganyan. Iyon ang gusto niyang sabihin sa akin. Syempre, noong panahon na iyon, si Anna Gomezmalamang ay hindi lang basta-basta.Pagkatapos ay sinabi ni Maria na pupunta na siya sa itaas.Tumayo siya. Ayos lang ako, sabi niya sa asawa niya. Huwag ka munang umakyat, ha. Magandang gabi,Laviṅa.Nang sila na lang dalawa ang naiwan, kailangan ko nang umalis, sabi ni Laviṅa.- Huwag. Pakiusap huwag kang umalis. Manatili ka muna ditto.Napailing siya. Hindi maari, sabi niya.
  8. 8. - Kailangan mong manatili, nakikiusap ako. Ilang sandal na lang at aakyat na ako, ngunit pagbalik ko,ayaw kong mag-isa. Paki-usap.Mayroong sandal ng katahimikan.- Laviṅa.Umupo sila nang walang sinuman sa kanila ang nagsalita.- Alam kong pinagisipan mo itong lahat ng mabuti, sabi niya.- Oo, nang lubusan.Matapos ang ilang minute, tumingin si Armando sa kanyang relos, magsasalita na sana siya, ngunit piniliniyang manahimik na muna. Mailang sandal pa ay tiningnan niyang muli ito, at lumabas na nang silid.Ang kusina ay nasa hugis L, luma at hindi planado, may isang puting enamel na lababo at ilang besesnang pinintahan na mga aparador na gawa sa kahoy. Tuwing pag-araw, mahilig silang mag-ipon ng iba’t-ibang prutas dito,, na minsan ay ibinibenta nila, mga prutas na ‘di malilimutan, lalung-lalo na sahalimuyak nilang tila pabango. Mayroon pa ring natirang mga garapon. Nagtungo siya sa pridyeder atbinuksan ito.Naroon na nga, ang maliit at maselang bagay. Mayroon itong sampung ccs. Sinubukan niyang mag-isipng paraan upang hindi na ituloy ang plano. Kung mahulog at masira niya ang heringga, at sasabihingnanginginig kasi ang mga kamay niya…Kinuha niya ang platito at tinakpan ito ng tuwalya. Mas malala pa ang paraang iyon. Ibinaba niya ito,pinulot ang heringga, hinawakan ito sa kung anu-anong paraan – at sa wakas, halos nakakubli sa hita niya.Nanghina siya, na parang isang papel na walang lakas.Inihanda na ni Maria ang kanyang sarili. Inayos niya na ang kanyang mga mata, nagsuot na siya ng ivoryna satin na nightgown, na mababa ang cut sa likuran. Iyon ang nightgown na gusto niyang suotin sakabilang mundo. Sinikap niyang maniwala na may mundo pa sa kabilang buhay. Makakapunta ka dittolamang dito sa pagsakay ng isang bangka, na pinaniniwalaan nga mga matatanda. Sa ibabaw ng kanyangbalagat, nakapatong ang pilak na kwintas. Pagod na siya. Umipekto na ang alak, ngunit di pa rinmapalagay.
  9. 9. Sa may pintuan, nakatayo si Armando, naghihindtay sa pahintulot. Tumingin siya sa kanya na walangimik. Hawak-hawak niya na ito sa kanyang kamay, pansin ni Maria. Tumibok ang puso niya dulot ngkaba, ngunit determinado siyang itago ito.- Well, darling, sabi niya.- Sinubukan niyang sumagot. Napansin niyang kakalagay lang ni Maria ng lipstick dahil pulang-pula ang mga labi niya. May mga iilang litrato na isinabit niya sa palibot ng kama.- Pasok ka.- Sandali lang, babalik lang ako, nagawa niya pang sabihin.Nagmadali siyang bumaba. Papalpak talaga siya; kailangan niya munang uminom. Wala ng tao sa sala.Umalis na si Laviṅa. Mas naramdaman niya tuloy na nag-iisa na lang siya. Pumunta siya sa kusina atbumuhos ng vodka, na malinaw at walang amoy, sa isang baso at kaagad niya itong ininom. Dahan-dahansiyang umakyat sa itaas at umupo sa tabi ng kanyang asawa. Nalalasing na siya sa vodka na ininom niya.Pakiramdam niya ay wala siya sa kanyang sarili.- Armando, sabi niya.- Ano ‘yon?- Ito ang tama.Inabot niya ang kanyang kamay upang kunin ang kamay ni Armando. Kahit papano, nangingilabot siyadahil dito, na parang isang malaking bagay kung lalapit siya sa kanya.- Alam mo, sabi niya, Minahal kita higit pa sa kung sinuman sa buong mundo – para akong lasing – alam ko.- Ah, Maria! sigaw niya.- Minahal mo ba ako?Kumukulo ang kaniyang tiyan dahil sa panghihina ng loob.- Oo, sagot niya. Minahal kita!- Ingatan mo ang sarili mo ha.- Syempre naman.
  10. 10. Nasa tamang pangangatawan si Armando noon, mas mabigat nga siya kaysa noon… Ang kanyang bilogna tiyan ay natakpan ng isang layer ng malambot at maitim na buhok, ang mga kamay at kuko niya ayalagang-alaga rin. Lumapit si Maria at niyakap siya. Hinagkan ni Maria si Armando. Sa isang sandali,nawala ang takot niya. Mabubuhay siyang muli, babata na naman siya katulad noon. Inabot niya angkanyang braso. Sa loob nito, may makikitang dalawang ugat na kulay verdigris. Sinimulan na itong ipitinni Armando upang lumabas talaga sila. Si Maria ay lumingon sa ibang direksyon.- Naalala mo pa ba, sabi ni Maria sa kanya, noong nagtatrabaho pa ako sa Mcdo at doon tayo unangnagkita? Doon pa lang, alam ko na kaagad.Ang karayom ay nagaalanganin habang sinusubukan niyang iposisyon ito ng maayos.- Maswerte ako, patuloy ni Maria. Napakaswerte ko.Halos hindi na siya humihinga. Naghintay siya, ngunit hindi na nagsalita pa si Maria. Hindi pa rin siyamakapaniwala sa ginagawa niya, ipinasok niya na ang karayom – walang hirap man lang – at dahan-dahang ininjek ang laman nito. Narining niyang napabuntong hininga si Maria. Nakapikit ang mga mataniya habang nakahiga. Maaliwalas kung tingnan ang kanyang mukha. Wala na siya. Diyos ko, naisip niArmando, Diyos ko. Nakilala niya si Maria noong siya’y dalaga pa lamang, may mahabang legs atinosenteng mukha. At ngayon, pinakawalan niya ito, sa isang burol sa karagatan, sa ilalim ng daloy ngpanahon. Mainit pa rin ang kamay niya. Kinuha niya ito at hinalikan. Hinila niya ang kubrekama attinakpan ang mga hita ni Maria. Isang hindi kapanipaniwalang katahimikan ang bumalot sa buong bahay.Naging tahimik ito dahil sa isang nakakamatay na pagganap. Ni ang hangin ay ‘di niya margining.Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan. Parang nakahinga na siya ng maluwag, isang malaking ginhawaat halong lungkot. Sa labas, ang mga bughaw na ulap ang pumuno sa buong gabi. Nakatayo na siya doonng ilang minute, nang makita niya si Laviṅa na nakaupo lamang sa loob ng kanyang sasakyan. Ibinabaniya ang kanyang bintana nang lumapit si Armando.- Hindi ka umalis, sabi niya.- Hindi ko lang kayang manatili sa loob.- Tapos na ang lahat, sabi ni Armando. Pasok ka na. Kukuha ako ng mainom natin.
  11. 11. Si Laviṅa, nakatiklop ang mga braso hawak-hawak ang bawat siko, ay nakatayo na sa kusina kasama siArmando.- Hindi naman siya terible, sabi ni Armando. Kaya, pakiramdam ko lang… hay, ewan ko ba.Uminom silang nakatayo sa kusina.- Gusto niya ba talaga akong sumama? tanong ni Laviṅa.- Darling, siya pa nga ang nagmungkahi noon. Wala naman siyang alam na kahit ano.- Nakapagtataka lang.- Maniwala ka sa akin. Wala siyang ideya.Ibinaba ni Armando ang kanyang inumin.- Huwag, inumin mo iyan, sabi ni Laviṅa. Makakatulong iyan.- May kakaiba akong nararamdaman.- Kakaiba? Hindi ka ba nanghihina?- Hindi ko alam.- Huwag kang manghina. Halika, lumapit ka sa akin. Sandali lang, kukuha muna ako ng tubig.Si Laviṅa ay nakapokus sa paghinga ng maayos.- Laviṅa.- Ano ‘yon?- Kailangan kita.Narinig niya si Armando ngunit di na siya makapokus. Nakaposisyon ang ulo niya na parang isang siyangbabae na uhaw na uhaw para sa isang Diyos.- Dapat kaunti lang ininom ko, sabi niya sa kanyang sarili.Sinimulan nang tanggalin ni Armando ang butones ng kanyang blusa.- Huwag, sabi niya, at sinubukang muling ibutones ang kanyang blusa.Ngunit si Armando ay tinatanggal na ang kanyang bra. Hanggang sa lumuwa ang malaki niyang dibdib.Hindi na matanggal ang mga titig ni Armando sa kanyang nakalabas na dibdib. Mapangahas niya itonghinagkan. Hanggang sa umurong na siya sa gilid habang ibinaba ni Armando ang takip na puting tela.
  12. 12. Sinubukan ni Laviṅang magsalita ulit, ngunit inilapat ni Armando ang kanyang kamay sa kanyang mgalabi at idiniin siya pababa. Isinakmal ni Armando si Laviṅa na nanginginig na tila natatakod, at sabandang huli, mahigpit niyang idiniin ang hubad na katawan ni Laviṅa sa kanya. Mahimbing silangnakatulog, pagkatapos ng lahat.Kinaumagahan, malinaw at matindi ang sikat ng araw. Ang bahay, na nakatayo pa rin sa parehong lugar,ay tila naging mas maaliwalas. Kapansin-pansin ito kung ikumpara sa iba, mas dalisay at tahimik. Anganino ng isang mataas na puno ng narra ay parang isang magandang larawan na iginuhit gamit ang lapis.Ang mapuputlang kurtina ay nakasabit lang na walang anumang kilos. Maaliwalas ang lahat. Sa likuranng bahay ay ang malapad na bakud, kung saan naglilibot-libot si Laviṅa ngayon katulang noong inilibotsiya ni Armando noon unang araw na nagkita sila, kung kalian napansin niya matangkad si Laviṅa atmaganda ang hugi ng kanyang katawan. Isa ito sa mga alaalang hindi makakalimutan ni Armando,bagama’t ang iba ay nangyari pa sa mga sumunod na araw, noong bumalik si Laviṅa upang tulungan siMariang mag-ayos sa kanilang hardin.Naupo sila sa may lamesa habang umiinom ng kape. Kakagising pa lang nila at wala pa silang pakialamkung anong hitsura nila. Gayunpaman, ay masayang pinagmamasdan ni Armando si Laviṅa. Masmaganda siya na walang make-up. Wala pang suklay ang mahaba niyang buhok. Mukha namang madalisiyang kausap. May mga tawag pa na kailangang gawin, ngunit hindi niya naisip ito. Masyado pangmaaga. Iniisip niya na hindi muna sa araw na ito. Sa una, ‘di niya pa gaanong narinig si Maria mula sahagdanan. Bilasa ang make-up sa kaniyang mukha at mayroon ng biyak ang mga labi nya. Hindi siyamakapaniwala at natulala na lang siya.- May kung anumang nagkamali.- Ayos ka lang bah?- Hindi, nagkamali ka ta.- O Dios ko, patagong sinabi ni Armando.Nanghihina siyang naupo sa una hagdan. Saka lang niya napansin si Laviṅa.- Akala ko tutulungan mo ako, sabi niya at sabay iyak.
  13. 13. - Hindi ko maintindihan, sabi niya.- Mali! Mali ang lahat, paulit-ulit na sinabi ni Marvin. At kay Laviṅa, Nandito ka pa?- Kailangan ko na namang ulitin ang lahat, hikbi ni Maria.- Paumanhin, sabi niya. Patawarin mo ako.Wala na siyang ibang maisip na sabihin. Umalis na si Laviṅ upang kunin ang kanyang damit. Sa harapansiya lumabas. At ganoon na nga, siya at si Armando ay naghiwalay, sa oras na nadiskubre sila ng kanyangasawa. Nagkita silang muli, dalawa o taltong beses dahil pinilit siya ni Armando, ngunit wala pa rinsaysay. Kung anuman iyong humahawak sa dalawang tao upang magsama, ay wala na iyon. Sinabihanniya si Armando na wala na siyang magagawa. Ganoon na talaga ang tadhana nila.

×