Script l q

804 views

Published on

halimbawa ng radio drama

Published in: Education
0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
804
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
3
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Script l q

  1. 1. “LONG QUOTE” (Radio Drama) Ni: Angeline Espeso ABF 3-1 Enero 5, 2013
  2. 2. SCENE 1 Music on: Face Down- Red Jumpsuit Apparatus (sustain 1 min) Fade in Sa pasimano ng Unibersidad, nag-uusap ang magkaibigan na si Miko at Arjay. Miko: Kawawa ka naman Dude! Arjay: At bakit naman? Miko: kasi, isa lang ang syota mo, ako dalawa. Haha. Arjay: (Napangiti) alam mo Dude, ikaw ang kawawa. Miko: Talaga lang. Haha. Gwapo ako kaya maraming nagkakandarapang chicks na patay na patay sakin. Madaming-madami. Kaya wag mong baliktarin Dude. Ako? Kawawa? Tsss.. anak ng baklang baka. Arjay: Anak ng baklang baka mo Dude! Di nga kwestyunable yun. Pero, paano ko nasabi? Simple lang. kasi kailangan mo pa ng dalawa o higit pa para maramdaman mong may nagmamahal sayo. Eh ako, eto‟t kontento at nabubusog sa pagmamahal ng taong mahal ko --si Dona. Miko: (Nagpipgil ng tawa) tsss.. haha..tsss.. ang corny mo dude! (napakanta ng “ang corny corny mo tonight”) Ang corny, ang corny, ang corny mo tonight. Haha. Ganyan ba talaga ang nagagawa ng sinasabi nilang PAGMAMAHAL??? Haha. Ayoko Dude. Kabading. Arjay: kabading mong mukha mo! Haha ewan ko sayo dude, basta ako, masaya ako. Ganito lang talaga kapag nagmamahal. Ewan ko ba sayo. Magseryoso ka na nga. Miko: seryoso naman ako ah. Seryosong hindi magseryoso haha. TAMA na nga yang pagpapanggap mo. Nakakasuka. Tsaka, paalis na si Dona na kanina pa nakikinig sa usapan natin. Ngiting wagas sa mga narinig niya sayo! Arjay: pwede ba, totoo yun dude! Palibhasa… Miko: Palibhasa ano? Arjay: (hindi na pinansin si Miko, sa halip ay tinawag si Dona) Dona! Dona! Saglit, antayin mo ko! Miko: tsk! Tsk! Tsk! Tingnan mo „to, di na ko pinansin. Arjay: 11:50 na pala, Tsss… breaktime na nila. Kaw kase, kalokohan mo. Miko: nasisisi pa ko! Arjay: sige Miko, una na ko. Sa susunod nalang ulit. (tumakbo papalayo papunta kina Dona) SFX: tumatakbo Music: Face Down- Red Jumpsuit Apparatus Fade out Music: INSTRUMENTAL (New RnB Pop Instrumental, Beat. Hotness) Fade in Kasama ni Dona si Hana. Mula pa lamang sa pakikinig sa usapan nina Arjay at ni Miko hanggang sa pag-aantay kay Arjay ng tawagin nito si Dona. Dona: ang pogi ni Arjay „no? pati yung kasama niya? Hana: pwede ba, diba, may boyfriend ka na? Dona: OA mo naman friendship! I mean, ang pogi ni Arjay, bagay sa akin. Ganun din yung kasama niya, bagay sayo! Haha. Hana: tigil-tigilan mo ko Dona haa. Wala akong panahon para sa mga ganyan. Tsaka yun? Yung mukhang unggoy na yun? Tss. NEVER! Dona: haha oo nga pala, naalala ko yung sa ano… sa … hahahahahahah.
  3. 3. Hana: oo, yun. Nga. Hay naku. Wag mo nga ipaalala. Dona: oo na friend, haha. Anyway, magmove-on ka na nga Hana! Ilang buwan, halos taon na ngang hindi nagpapakita sayo yang si Jasper na yan!! Umaasa ka pa rin. Ano ba talagang nangyari roon? Hana: ………………………….. (tulala) Dona: hoy! Hoy Hana! Hana: Ah, ano yun? Dona: wala, wala, next time na nga lang, nandyan na si Arjay eh. Naabutan ni Arjay na nag-uusap ang dalawa Arjay: ah, Dona, naistorbo ko ba kayo? Dona: ah hindi. Tapos na rin naman kami sa pinag-uusapan namin. Hehe. Arjay: Sorry nga pala, di kita nasundo sa room niyo, kinausap kasi ako ng kaibigan ko. Dona: ganun ba, ok lang. pero sa susunod………………………….. sabihin mo na lang sakin kung may gagawin ka. Maliwanag? Haha. Arjay: ah, maglulunch nga pala kami ni Dona sa cafeteria, sabay ka na. Dona: oo nga Bessie, sabay ka na. Hana: ah, hindi na. salamat na lang sa alok. May gagawin pa kasi ako eh. Biglang may tumawag ka Arjay, si Miko. Miko: arjay! Arjay! (malayo, papalapit ang boses) Arjay: oh, dude. Miko: pambihira ka naman Dude eh, basta-basta ka na lang nang-iiwan. Pinagpalit na ako ng Bestfriend ko. Arjay: tss. Haha. Tumigil ka nga! Corny mo Dude, di bagay! Anyway, Girls, this is Miko, my bestfriend. Remember? Dona: nice to meet you ulit. Hana: ah, nice to meet you (pabulong) …again. Tss. Miko: Oo. Kilala ko na si Dona, nakilala ko na siya nung birthday party mo. Eh, sino yung isa? Arjay: kilala mo na siya, kasama rin siya ni Dona noon. Anyway siya si Ha… Hana: ah! Kailangan ko ng umalis eh. Kita na lang tayo mamaya Dona. Sige, mauna na ako guys. (mabilis na tumakbo palayo) SFX: takbo Dona: sige, ingat haa. Miko: ano ba naman yun, basta-basta na lang umaalis. Arjay: nabanggit na niya sa amin kanina na may gagawin daw siya. Dona: oo. Kaya, pagpasensyahan mo na. Miko: ah, ganun ba. Arjay: tara, sama ka ba samin mag-lunch? Miko: hindi na. (Pabulong) may imi-meet pa akong chicks eh. Arjay: osha, una na kami. Miko: sige, enjoy your meal with Dona! SFX: naglakad palayo
  4. 4. Nakaalis na sila Dona at Arjay Miko: pamilyar talaga sakin yung Ha…. na yun. Pero baka nga dahil nakilala ko na siya nung birthday party ni Arjay. Pero..ang tagal na kasi nun, last year pa yun. Di ko na maalala. Agrrh! Pero bakit parang nababanas ako nung nakita ko siya? Naku, gutom lang „to. Makakakain na nga! Music Fade out SCENE 2 New Music Fading in: INSTRUMENTAL (New RnB Pop Instrumental, Beat. Hotness) sustain until the next character speak (1 min.) Hana: Agrrh! Nakainis! Bakit ba nakita ko ulit yung lalaking yun!!! Naaalala ko na naman yun ginawa niya nung party! SFX: Flashback Dona: sige na friend, samahan mo na ako, please. Wala ng ibang sasama sa akin kundi ikaw lang. Hana: ikaw na lang, masama ang pakiramdam ko eh. Dona: wala ka namang sakit eh, di ka naman mainit. Hana: basta, masama ang pakiramdam ko! Dona: Basta ngayon lang rin ako mangungulit sayo friend, pagbigyan mo na ako.Please, please. Please! Hana: ayoko nga sabi eh. Dona: ano ka ba friend, hindi naman pwede na lagi ka na lang magmumukmok ng ganyan dahil lang kay Jasper. Aba, hindi lang naman siya ang buhay mo. Tumitibok ang puso mo dahil buhay ka, hindi dahil siya ang buhay mo! Isa pa, marami ka pang makikilala na higit sa kanya. Pwede roon sa pupuntahan nating birthday party mamaya. Hehe. Sige na girl, first time akong magpapakilala sa mga magulang ng boyfriend ko. Kinakabahan ako. Please, samahan mo na ako. Hana: oo na, last na „to haa! Dona: yehey. Thank you, thank you talaga Hana. Salamat talaga! Promise, mag-eenjoy ka roon. (fading in) ano kayang magandang suotin? Ikaw, meron na ba? kung wala, papahiramin kita. Ako na rin ang mag-aayos sayo haa. Hana: (kinausap ang sarili) tama nga si Dona, hindi lang naman si Jasper ang buhay ko. Pero kung nasaan man siya, sana ok siya. (fading out) Dona: hoy! Hana! Hello? May kausap pa ba ako? Kako. Ano kayang magandang suotin? Ikaw, meron na ba? kung wala, papahiramin kita. Ako na rin ang mag-aayos sayo haa. Ikaw talaga, tulala na naman ang peg mo dyan. MUSIC: Good Time by Owl City and Carly Rae Jepsen (sustain the whole conversation) Dona: Hana, maiwan muna kita rito haa. Tinawag ako ni Arjay. Gosh, ito na yun girl, ipapakilala na niya ako. Hana: wag kang kabahan, magiging ok lang yan. Just be true to yourself. Ok? Dona: ah, eto pala si Arjay eh. Happy 19th birthday Arjay. Hana: Happy birthday din Arjay. Arjay: Salamat girls. Salamat Dona. Buti nakarating ka. Pa‟no? let‟s go? Dona: ah, o…o s..i.ge. Arjay: wag kang kabahan, di naman sila nangangain ng tao eh. Haha. Hana: oo nga naman.
  5. 5. Arjay: paano Hana, maiwan ka muna namin ha. Enjoy ka lang dito. Kuha ka lang din ng kahit anong food dyan sa buffet. O kaya, kung gusto mo ng matahimik na lugar, ahmm alam ko kasi na ayaw mo ng masyadong maingay, nabanggit lang sakin ni Dona, ahmm ok doon sa garden. Hana: aaah. sige, salamat. Ok lang ako. Dona: sige Hana, basta kung may kailangan ka, tawagan mo ko haa. Babalikan kita mamaya dyan friend. SFX: naglalakad Nadaan nila Dona at Arjay si Miko Arjay: oh, dude, ok ka pa ba? Parang malakas na amats mo ah. Miko: (medyo lasing) tss. Ako? Hindi. Kaya ko pa „to? Teka, sino yang kasama mo? Siya ba yung sinasabi mong si “my one true love”? haa? Arjay: oo, siya yun Dude, papakilala ko na nga kila Mama at Papa eh. Sige, una na kami. Oh, mga dudes, alalayan niyo lang „tong si Miko haa. Kaibigan1: haha. Sige Dude, salamat pero pwedeng padagdag pa ng pantulak at pambara! Mga Kaibigan: oo nga Dude. Hahah. Arjay: sige, sige, kuha lang kayo. Marami pa sa buffet saka sa ref. Enjoy lang kayo. Mga Kaibigan: hahah. Oh, meron pa raw. Tara-tara. Miko: (medyo lasing) teka mga Dude, excuse muna. Iihi lang ako. Kaibigan2: oh, ingat ka, medyo may amats ka na eh. Hahaha Miko: (medyo lasing) tsssssssssssss.. basta, antayin niyo ko. Babalik ako. Wag niyo ko ubusan. *Music: fading in. SFX: naka-lock na pinto. Miko: pambihira, bakit sarado? Tss. Doon na nga lang sa garden, sigurado naman akong walang tao roon. SFX: naglalakad New Music: fading out (Tuloy Pa Rin by Neocolors) sustain the whole conversation Hana: (naiiyak) Jasper, alam kong masyadong mabigat at personal ang dinadala mong problema, pero bakit sinasarili mo lang? para saan pa at kababata mo ako. Para saan pa at kaibigan mo ako. Para saan pa at kasintahan mo ako? (tuluyang umiyak) Kararating lang ni Miko nang makarinig siya ng mahinang tunog ng umiiyak na babae Miko: (sinok) he.. hello? May tao ba rito? SFX: krooo krooo Patuloy lang sa pag-iyak si Hana at hindi sumagot Hana: (mahinang iyak) huhuhuhuhuh… huhuhuhuhuhu…huhuhuhuhuhuh.. Miko: tsssssssssssss. (dumighay) Baka guni-guni ko lang yun.(sinok) maka-ihi na nga. SFX: umiihi/ umaagos na tubig Unti-unting tumahan si Hana ng nabasa siya ng ihi ni Miko Hana: (sumisinghot-singhot) ano „to? Umaambon ba? (sumisinghot-singhot) Miko: (medyo lasing) lalala… ano ba „tong party ni Arjay. .(sinok) Hindi masyadong masaya. Wala man lang ka-chicks-chicks. Pero ok na rin, nomo-nomo rin with tropa. .(sinok) Hahaha. Lalalala.. Hana: hindi naman. Eh saan galing „to? Hmmp, makaalis na nga. Tumayo si Hana mula sa damuhan at tiningnan kung saan galing ang umaangge na tubig. SFX: kumakaluskos sa damo
  6. 6. Hana: aaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!! Hana at Miko: aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!! Hana: bastos!!!!!!!!! Miko: ha? SFX: pagsara ng zipper Hana: bingi ka ba? Sabi ko, bastos ka!!!!!!!!!!!! BASTOS!!!!!!!!!!! Miko: (sinok) anong bastos? At ako pa ngayon ang bastos? Baka ikaw? Eh bakit ka ba nandito haa? (sinok) si Arjay talaga, wala raw chicks pero meron dito. Haha. Hana: Ang KAPAL ng mukha mo!!! Kung ano-ano ang pinagsasasabi mo! SFX: sampal Hana: chicks mong mukha mo! Miko: whaaaaaaaaaaaat the………….SFX: *tooooooooooot* are you!!! Biglang dumating sina Dona at Arjay at ang ilang kabarkada nito SFX: tumatakbo Hana: Dona, Arjay, buti dumating kayo! Arjay: oh, ano bang nangyari? Dona: oo nga, bakit nagsigawan kayo? Hana: kasi, itong bastos na „to, kung saan-saan na lang umiihi!!! Kadiri! Miko: (sinok) tss. Hindi ako ang bastos Dude. Baka yung isa dyan kasi bigla-bigla na lang sumusulpot at sakto pa nung umiihi ako! Hindi ko kasalanan kung BINGI siya. Nagtanong muna ako kung may tao bago umihi, walang sumasagot. Arjay: may CR naman para sa mga guest Dude ah……….. Ay! Oo nga pala, sira yung lock. Miko: see? So I have no choice. Arjay: Hana, ako na ang humihingi ng sorry. Sorry Hana. (binulungan si Miko) manghingi ka rin ng sorry! Miko: no way!!! What the hell is she! Kung makasampal, kala mo kung sino eh, BINGI naman!? Hana: salamat na lang Arjay, isa pa, hindi naman ikaw ang may kasalanan. Tsa….tsaka i….ikaw unggoy, hindi ako BINGI! Dapat lang sayo ang masampal! Wala kang manners! Wag ka na mag-sorry, nakakahiya naman sa kapal ng mukha mo! Mga kaibigan: whooooooooooooohooho SFX: Flashback *END OF FLASHBACK New Music Fading in: INSTRUMENTAL (New RnB Pop Instrumental, Beat. Hotness) 15 secs. Then sustain. Hana: aarrgghh!!!!! Napakapal talaga ng mukha ng unggoy na yun! Haay! Makakain na nga lang muna. SCENE 3 Music Fading out: INSTRUMENTAL (New RnB Pop Instrumental, Beat. Hotness) Dona: Hana, halata sayong mabadtrip ka nung nakaraang Sabado ah. Hana: oo, nakita ko kasi yung unggoy na yun! Dona: haha. Ang tagal na nun ah! Move on! Hana: anong move on? Wala naman kaming nakaraan no? tsaka kung may nakakahiya man sa aming dalawa, siya yun.
  7. 7. Dona: ssshhhh! Speaking of the monkey! Papunta siya rito. SFX: naglalakad Miko: oh, hi Dona! Si Arjay? Dona: ah, hello rin Miko. Ah, may klase pa eh. Miko: ah, ganun ba? Ah. Hello rin miss Ha…. Dona: Ah… Hana: Harold! Miko: Ha..Harold? SFX: BOING Hana: oo. Miko: ang weird naman ng pangalan mo. Hana: eh sa yun yung binigay na pangalan sa akin eh. Miko: (Nagpipigil ng tawa) tss. Hahaaa….aang weird talaga! Haha. Matitigil ang tawa ni Miko. Chicks: babe? Sino sila? Miko: ah, yung isa, GF ni Arjay tapos yung isa, kaibigan niya. Chicks: ahhh. Hmm. So, ano, tara na!? Miko: yessssss. Leggo! Chicks: sige girls, una na kami. Sorry kung na-interrupt ko kayo. May lakad pa kasi kami eh. Dona at Hana: ah, ok lang. SFX: naglalakad Nakaalis na sila Miko Dona: oh my gosh! Harold na pala ang pangalan ng bestfriend ko ngayon!!! Hana: oo. Ayun ang pangalan ko kapag nandyan yung unggoy na yun. Dona: bakit naman? Big deal ba kung malaman niya ang pangalan mo? Hana: baka maalala pa niya yung nangyari dati. Tsaka wala akong balak na malaman niya, kaderder lang. yung mga ganung lalaki, nakikipagdate kung kani-kanino. Nakita mo ba yung suot nung kasama niya? Parang gusto kong tanungin kung bakit nagshort pa siya e, sa wagas naman ang pagkaikli! Dona: yung totoo Harold.. este Hana. Haha. Hay naku. Bitter ka lang. May namimiss ka lang. For sure! Hana: oo. Namimiss ko na si Jasper. SCENE 4 MUSIC: Highway blues by Marc seals fading in. 25 secs. SFX: NOISY CROWD Hana: Jasper? SFX: TAKBO Hana: Jasper? (sigaw) ..Jasper!... Jasper! SFX: NABANGGA
  8. 8. Hana: ARAY! SFX: NABAGSAK NA MGA LIBRO. Hana: Bakit ba kasi hinde ka tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba?! Ha?! Akala mo kung sino! Miko: sobra ka naman Harold. Hana: aaa---ah.. i..kaw pala yan. Miko: oo. At kung sino mas may karapatang umaray sa atin, ako yun! Hana: aahh. So..sorry. may hinahabol kasi ako eh! Sorry naman. Miko: unang-una, hindi ako ang bumangga sayo. Pangalawa, bago mo ko talakan, alamin mo muna yung talagang nangyari. Freak! Kaibigan`1: oo nga miss. Napaka-war-freak mo.. Te…teka, kilala ko siya Dude. Kaya ganyan siya kasi ….. Hana: ah. Ah..sorry ulit. Pasensya na, may hinahabol kasi ako eh. SFX: TAKBO Kaibigan1: Dude! Bakit mo siya pinaalis? Di mo ba sya naalala? Siya lang naman yung nanampal sayo nung birthday party ni Arjay! Miko: nanampal? Kaibigan: oo. Haha. Nakakatawa pa nga yung pinag-awayan niyo eh. Haha. Siguro kaya di mo na maalala kasi may amats ka na nun. Haha. Oo may amats ka na pala kasi nun. SCENE 5 MUSIC: Highway blues by Marc seals fading out SFX: ringing phone Arjay: hello dude? Napatawag ka? Miko: may itatanong lang ako tungkol kay Harold. Arjay: Harold? Sino yun? Miko: Harold! yung kaibigan ni Dona! Arjay: ah! Hahah. Harold ka dyan? Hana ang pangalan nun dude! Miko: ah….Hana pala ah. Arjay: bakit? Hindi mo na ba naalala? Nagkita na kayo nung birthday party ko last year. Actually, nag-away pa nga kayo. Haha. Miko: tsss. Talaga? Hindi ko maalala pare eh. Bakit ano bang nangyare nun? Arjay: ah, eh. Nag-away kayo Pare. Hahah. Kaw naman kasi, kung saan-saan ka umiihi. Eh saktong nandoon si Hana. Nakita ka tuloy. Hahaha. Miko: teka.. parang naaalala ko na. Arjay: hahah. May amats ka na kasi nun Dude. Ahahah. Grabe talaga kayo magtalo. Parang mga bata! hahah Miko: tawa ka dyan? Funny???? Arjay: hahaha. Sige, maya na tayo mag-usap Dude, may gagawin pa ko eh. Miko: ok, sige, sige. Salamat sa pagtawa! SFX: end call Miko: ganun pala.. haha. Ayos „to! May bago na naman akong pagti-tripan. Hahaha.
  9. 9. SCENE 6 Music on: Face Down- Red Jumpsuit Apparatus (sustain 30 secs.) Fading in Kaibigan1: Oy, oy oy. What do we have here? Ang billionaire friend natin! Miko: Peram nga! SFX: Billiard (tumira ng bola) Miko: whoo! Kaibigan1: aba! Ang ganda ata ng mood natin ngayon ah. Miko: naman mga Dude! Ako pa! wanna know why? Kaibigan2: mukhang alam ko na! Hot Chick na naman yan Dude ano? Miko: eennnnnk!!!! Mali, lalaki. SFX: Billiard (tumira ng bola) Kaibigan2: tssssssssssss.. wag mong sabihing nag-iba na taste mo Dude…. Miko: *LOL!!! Haha. May gusto kasi akong pagtripan ngayon eh. Isang babae na nagngangalang Harold. Kaibigan1: Harold? Whatta name! Kaibigan2: haha baka dating maton Dude! Miko: haha. Oo eh. Matapang……….kaya paamuhin ko! SFX: Billiard (tumira ng bola) Kaibigan2: haha. Ehh kunting lambing lang yan Dude! Kaibigan1: naku! For sure, bibigay rin yun. Ikaw pa eh….. Certified Lover boy ata „tong si Dude!!!!!!! Haha. Miko: haha! Oo nga! Ako pa! anyway mga Dudes, maiba ako. Kaibigan1: oh, ano naman yun? Miko: ah kase, this past few months, weeks, days…pero hindi naman consequetive. May napapansin akong nagmamanman sakin. SFX: Billiard (tumira ng bola) Kaibigan1: Kilala mo ba sya? Miko: hindi nga eh. Nasa age gap lang natin. Di ko nga alam kung I must be frighten kase wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Kaibigan2: nakpagtataka, bakit ka naman niya kaya minamanmanan? Kaibigan1: naku Dude! Alam ko na! baka Kuya yun ng isa sa mga ex mo! Kaibigan2: haha o kaya, obsess sayo! hahahahahaha Miko: *LOL!!! Pakshet! Hindi. Basta Dude, I‟m telling you this kase if ever may mangyari sa akin, may clue kayo. Kaibigan1: whahahah. Grabe. Huling habilin? Kaibigan2: haha. Di raw frighten, nathreaten lang! hahaha! SFX: Billiard (tumira ng bola) Music on: Face Down- Red Jumpsuit Apparatus Fading out SCENE 7 Music on: Rugs from me to you - owl city
  10. 10. Fading in Hana: nasaan na ba si Dona? Ang tagal naman. SFX: ticking clock Hana: matawagan na nga lang! SFX: ringing phone Miko: (Pasigaw/ Manggugulat) HELLO! Hana: (Nagulat) Ay! Hello mo mukha mo unggoy! Miko: whatta expression? Hana: ikaw na naman? Miko: why? Is there something wrong? Were in a same University, same corner, same place at the same time. Were in the same chair sitting under the shade of the…tr..ee.. and…… Hana: sandali, tigil!.................. JASPER? Miko: oh bakit? Jasper? Sino yun? Hana: aalis na ako, may gagawin pa kasi ako. Naway maging mapayapa ka rito. Here, sitting under the shade of the tree. Miko: teka, teka. Bat mo ba ako iniiwasan. I just want to be friendly. Hana: ah, eh, may gagawin kasi talaga ako eh. Bye! SFX: naglalakad ng mabilis Hana: teka, Jasper!! SFX: naglalakad ng mabilis Miko: Harold! May atraso ka pa sa akin! SFX: naglalakad ng mabilis Hana: Harold niyang mukha niya. Isa pa, hindi naman ako si Harold. Hana ang pangalan ko. Blaaaaahh.. blaaahhh.. blaaahh… wala akong naririnig! Miko: Hana! SFX: boing Hana: whaaaaaaat the! Paano niya nalaman ang pangalan ko! SFX: takbo Tumakbo na rin si Miko para maabutan si Hana. Miko: hoy! Hana! SFX: takbo Miko: Gotcha! Haha. Hana: bitiwan mo nga ako unggoy ka! (mahinang bulong) Nawala na tuloy si Jasper. Miko: hoy! Sumusobra ka na ha. Etong mukhang to, unggoy? Tss. For the second time around, tinawag mo na naman aong ganun. Hana: naaalala m..o? teka! sumusobra ka na rin! Alam mo namang may gagawin yung tao eh! Miko: yeps! And your dead to me girl! Hana: wala akong kasalanan sayo! Miko: meron! Una, the slap on my handsome face. Pangalawa, yung pagbunggo mo sa akin. Hana: nag-sorry na ako at sincere ako roon. I think, clear na yun! Tsaka napakabading mo, parang yun lang. tsss! Bwisit! Miko: uh-ah. Nope! To make this thing clear, tuturuan mo ko! Tutor. Ganun. Personal tutor.
  11. 11. Hana: Ano? Grabe ka naman mag-demand! Parang napak-big deal ng ginawa ko! Miko: oo. Or else… Sasabihin ko sa mga magulang mo na wala na ang scholarship mo dahil hindi mo na-maintain ang grades mo. Hana: ano!!!!!! Miko: pero kung tatanggapin mo ang offer ko.. . babayaran ko ang hospital bills ng Papa mo inatake sa puso at halos dalawang lingo ng na-confine. Hana: paano mo nalaman yun? Anong…. Miko: ako yata si Mike Colin Elizalde! I have all the guts to do all the things na sinabi ko. Haha. Ms. Hana Dela Rosa, alam kong matalino ka. So, its your choice, its either to make them feel good or bad. Pag-isipan mo. Thursday ngayon, sa Sabado ang tutorial sa Condo ko. Bye, Harold. SFX: lakad Hana: pakshet naman oh! Nakita ko na nga si Jasper, nawala pa dahil sa epal na to! Isa pa, paano na ko nito. Ayoko ng dumagdag sa alalahanin ni Mama at ni kuya dahil sa ma gastusin at sa sitwasyon ni Papa. Isa pa, gustong mabayaran na ang bills sa hospital..agrgghHH!!! ano ba ang gagawin ko????? Music on: Rugs from me to you - owl city Fading out SCENE 8 Music on: Fuzzy blue lights - owl city Fading in SFX: door bell SFX: door open Miko: ohw. Nandito ka. Hana: hindi, hindi, wala. Istatwa lang to. Miko: ganyan ba makipag-usap ang intelihenteng tao? Hana: oo, kapag isang taong katulad mo ang kausap. Miko: aga-aga, high blood ka dyan! Pumasok ka na and let‟s talk about the deal. SFX: door closed Hana: hanggang kelan itong pagtuturo ko sayo? At kelan ko pwedeng makuha ang pambayad? Miko: chilaks! Haha. Makukuha mo, kapag pasado ang lahat ng grades ko sa darating na mid term next next week. At kung hanggang kalian ang pagtuturo mo? Pag-isipan ko pa. Hana: ano? Napaka-demanding mo! At paano kung hindi mo maipasa lahat?! Unfair naman kung… kung wala akong makukuhang pambayad! Miko: meron naman, kaso di enough to pay all yours bills, pwede ka namang humiram sa akin… pero, you will serve more than tutoring me. Hana: ah—ahht ano naman yun!? Miko: be my personal maid. Hana: ANO?!!!!! Miko: don‟t worry. Hindi naman stay-in. basta kung kailangan kita, dapat nandoon ka. Ok? Hana: (bulong) pasalamat ka at hindi naming kayang bayaran ang hospital bills. Dahil kung oo. Tsssss… hindi ako makapapayag na ganito-ganituhin mo lang ako. Miko: ah, Hana, ipagluto mo ako. Gutom na ako eh. Di pa ako nagbreakfast.
  12. 12. Hana: (bulong)Bwiset talaga yang lalaking yan! Ipagluluto ko siya! Baliw na ba ako?! Badtrip talaga! Hay, tiis-tiis din. Makapasa at mabayaran niya lang ako. Ok na! SFX: Naghahalungkat sa freezer. Hana: walang pagkain! Walang totoong pagkain! Anong klaseng tao ka ba? Nabubuhay sa pagkain ng delata at noodles?! Mayaman naman ka, bakit hinde ka kumuha ng tagaluto? Miko: Bakit ka ba nangingialam sa buhay ng mga buhay! Tsaka.. hello? Ikaw na nga yung kinuha ko diba? Freak. Hana: sige, bibili muna ako sa sm market dyan sa malapit. Miko: owkey! SCENE 9 SFX: Noisy crowd and traffic jam Hana: pambihira, tutor na nga, maid pa…teka, hindi ako nagkakamali. Jasper! SFX: takbo Hana: sandal lang! Jasper! SFX: car brake and car horn Manong: ano ba miss? Magpapakamatay ka ba haa? Hana: aahh—ah sorry po! Miko: hoy! Hana! Hana: ba—bakit? Miko: muntik ka na dun ah! Papakamatay ka ba? O.a mo naman. Bibili ka lang. Hana: haa? Miko: hoy! Are you out of your mind? Hana: h-hindi. Miko: freak. Eh bat iniwan mo yung pambili. (fading in) Napahabol pa tuloy ako ng di oras. Haha. Yung totoo, sindya mo no! hooooooooooooooooooy!!!! Kinakausap kita! hooooooooooooooooooy!!!! Hana: alam kong hindi ako namamalik mat. Alam kong si Jasper ang nakita ko. Bakit niya ako iniiwasan? Miko: HANA! Grabe? Bingi? SCENE 10 Music: Strawberry Avalance - owl city Fading in Hana: pitong araw ko nang hinde nakikita si Jasper simula nung sabado. Pinagtataka ko lang, nakikita ko siya kapag kasama ko yung unggoy na si Miko. Speaking of Miko. Limang araw ko na rin siyang tinuturuan. Para kaming aso‟t pusa. Paano kasi, sa inaasal niya, hindi siya makakapasa. Puro babae, inom, at gimik. Ginagawa ko lahat ng makakaya ko para lang sa loob ng kulang-kulang dalawang linggo mapatino ko man lang sya para tapos na agad ang kailangan ko sa kanya. Sa totoo lang, hirap akong pakisamahan siya. Isa pa, lihim lang tong deal naming dalawa. Kahit sina Dona at Arjay ay hindi ito alam. Nakakahiya, isa pa, wala akong balak patagalin ito. basta, ginagawa ko to para sa Papa ko. Miko: anong binubulong-bulong mo dyan? Hana: ay! Anak ka ng unggoy! Wag ka ngang nanggugulat! Miko: pwede ba? May pangalan ako. Ang tagal naman. Ano? Tama ba yung sagot ko? Hana: ah. Oo. Ayos ah. Nag-iimprove ka na unggoy! Miko: talaga? Haha. I‟m the best!
  13. 13. Hana: taas ng confident! Nahiya naman ako. Miko: haha. Anyway Hana. Matanong lang.. Hana: ano yun? Miko: may boyfriend ka na ba? Hana: pwede ba. Walang pakialamanan. Miko: nagtatanong lang naman tsaka. Oo o hindi lang naman ang sagot! Damot! Hana: hay naku! Miko: ah! Alam ko na, ganito na lang, dahil ayaw mo namang sagutin yung tanong ko, I‟ll ask a favor na lang. Hana: ano naman yun? Miko: let‟s drink! Hana: hindi ako mahilig uminom! Occasional drinker lang ako! Miko: I know! Hahah. Hana: alam mo pala eh. Engot! Miko: pero kung iinom ka with me, uhmmm. I‟ll promise na hindi.. I mean babawasan ko na ang pag-inom ko and all my vices. Those girls, those gigs.. Hana: weh? Utot mo blue at bilog! Miko: well uhmm. I‟ll make it less na lang. hahaha. Hana: make it less for what? Miko: yep. For you! Hana: for me? Miko: hahaha. Joke! Wala lang. Trip ko lang. pero, seryoso, gagawin ko yun, kung iinom ka? Hana: sorry pero ayoko. Miko: sige na please. I‟m serious! Hana: wala akong tiwala sa mukha mong unggoy! Miko: OK. Bukod sa mga yun, promise kong ipapasa ko yung lahat ng exam ko next week! Hana: hmmmmmm. Di nga? Miko: mark my word! Music: Strawberry Avalance - owl city Fading out SCENE 11 Music: Jenny- the click five Fading in Miko: ang galing ko talaga dahil napapayag ko si Hana. Magaling lang siguro ako mambola! Haha. Nag-inuman kami. Hindi ko kasi sya matanong ng ibang bagay kapag matino sya kaya, sinubukan ko kapag wala sya sa katinuan. Ang dami kong tinanong sa kanya. Karamihan, mga kalokohang mga tanong pero ang pinaka-highlight ko ay yung “kung mga boyfriend na ba sya”. Wala siyang sinabing oo o wala, ang sinabi nya lang, iniwan daw siya tapos, nag-iiniyak lang siya. Iyak ng iyak, ayun, hanggang sa nakatulog na lang sa lasing at kaiiyak. Na-curious tuloy ako. Nung una, nilasing ko sya to test if she will seduce me like the other
  14. 14. fling I have. But, she‟s different, ang sarap niya pa lang kausap kahit nag-aaway lang kami palagi. Hahah. Pero, it slightly broke my heart whwn I see her crying. DAMN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! I think, I like her. VOLUME UP VOLUME DOWN Hana: noong raw na nag-inuman kami ni Unggoy. Hindi ko alam ang nangyari matapos malasing ako. Lakking gulat ko na pagkagising ko eh, sa condo niya ako natutulog. Buti na lang sa sofa niya ako pinatulog, may kumot din ako. Aba, may concern din naman pala kahit papano yung walang pusong unggoy na yun diba? Pero labis kong pinagtataka eh, mugtong-mugto yung mata ko paggkagising ko. Tinanaong ko sya kung anong ginawa ko, sabi niya. Tawa lang raw ako ng tawa at kaya raw namaga dahil napuyat ako. Whatta explanation! Music: Jenny- the click five Fading out SCENE 12 MUSIC: Highway blues by Marc seals fading out Hana: Akala ko ba dapat hinde tayo magpapakita sa school na medyo close tayo? Hinde naman kasi talaga tayo clos no? Miko: Wala namang tao eh. Hinde naman kita niyayakap o hinahalikan, kaya ok lang. 1 pa yung klase mo diba? May oras pa tayo. Hana: eeewwwwwwww. Anong piangsasabi mo dyan? Yuck! Anyway. kailangan kong umalis ng 12:30, ok lang ba? Dun tayo? Miko: ditto ka muna, ako na lang ang bibili ng makakain. SFX: takbo Hana: oh, bakit ka bumalik? Miko: Di pa ko bumibili, hinde ko kasi alam yung gusto mo eh. Hana: fries at mc float na lang. Miko: owkey! SFX: counter Cashier: May I take your ordr sir! Miko: Ah, 2 reg. fries at Mcfloat. Dine in. Cashier: 2 reg. fries at Mcfloat. Dine in. P100 po. SFX: Lakad Miko: owkey.. let‟s eat!!! Hana: parang sira! HAHA. Ok, haay. Sarap ng fries. Miko: ah, Hana, harap ka sakin. Hana: bakit? Miko: May mayonnaise kasi eh. Pupunasan ko. SFX: sweet Miko: yung totoo? Marunong ka bang kumain ng fries? Ahaha. Hana: tama na, hindi naman ako. Bata. Nakita sila nina Arjay at Dona Arjay: MIKO!!!!! Dona: HANA!!!! Arjay: Kanina pa kayo magkasama ni Hana?
  15. 15. Dona: oo nga, Kanina ka pa namin hinahanap Hana! Sabay na tayong pumasok. Miko: ah, hindi naman, inalok ko lang magmeryenda si Hana, eh, katatapos niya kang daw mag-lunch eh. Hana: oo ganun nga. Nga pala. Dona, sorry, itetext na lang sana kita kaso, ayan, nagkita na tayo. Hehe. Oo ba. Sabay na tayo. Dona: oh, pano, tara na ba? 12:30 na eh. Hana: ah, oo sige. Paano, una na kami. Sa room ko na to uubusin. Salamat sa paglibre unggoy. Arja at Dona: hahahahaah Arjay: hindi niyo pa rin talaga limot yung away niyo ha. Hahah Miko: si Hana lan naman yung bitter hanggang ngayon eh. Dona: haha. Oo nga, yun pa rin kasi ang tawag niya sayo. Haha. Hana: hay naku, wag niyo nga akong pagtulugan. Ano Dona? Tara na? Dona: ok sige. Sige bye Miko. Bye arjay, kita na lang tayo mamaya. Arjay: ok sige ingat. SCENE 13 SFX: lakad Dona: haha. Bakit ba unggoy tawag mo dun? May pangalan naman siya ah. MIko. SFX: lakad Hana: eh, nakasanayan ko na eh. Tsaka, hindi na rin naman siya nagrereklamo. SFX: lakad Dona: weh? Naiilang ka lang eh.. uyyyyyyyy.. Hana: tigilan mo nga ako. Dona: uyyyyyyyy.. Hana: sandali lang, may titingnan lang ako. SFX: takbo SFX: lakad Hana: Jasper? Sabi ko na nga ba? Ikaw yan. (naiiyak) Jasper, bat nagyon ka lang bumalik? Saan ka an nakatira ngayon? SFX: nagpumiglas Jasper: Hana, bitawan mo ko. Hana: p—pero bakit? Jasper nag-alala ako sayo. Ano na bang nangyari sayo? SFX: tinulak Dona: Hana!!!!!!! Hana: (umiiyak) Jasper, bakit? Bakit? Ano ba talaga ang nangyari? SCENE 14 Music: DRAMATIC Fading in Hana: dahil nga sa nakita ni dona ang nangyari at matapat ko naman siyang kaibigan, kinuwento ko na sa kanya ang totoong nangyari bago ako iwan at umalis noon si Jasper. Kababata ko siya. Sabay kaming lumaki at alam ko noon pa na wala siyang ama. Naging malapit kami sa isa‟t isa at naging higit pa sa isang magkaibigan ang turingan naming dalawa. Maayos naman ang lahat pero ramdam ko sa kanya ang pangungulila niya sa isang ama lalo na noong nagkasakit ang nanay niya na si Gng. Louisa. Ginawa ko ang lahat para makatulong pero hindi sapat, kailangan niya ng kalinga ng isang ama ngunit nasaan? Nasaan ang ama niya? Dumating ang araw na hindi na kaya pang lumaban ni tita Louisa sa kanyang sakit na leukemia, ito ang araw ng
  16. 16. kanyang paglisan at pagbabago ni Jasper. Sa paglibing ng kanyang ina, naging nadamdamin siya at binitiwan ang ganitong mga salita. “Jasper: magbabayad kayong mga Elizalde!!! Magbabayad kayo!!” Hindi ko siya maintindihan…matapos nun ay naglaho na lang siya bigla at hindi na nagpaalam. Music: DRAMATIC Fading out Hana: sa pagkukwento kong iyon kay Dona, may napansin akong bagay, sabi ni Jasper, humanda raw ang mga Elizalde, eh, Elizalde ang apelyido ni Unggoy. Pangalawa, nakikita ko si Jasper kapag kasama ko o malapit si Unggoy sa paligid ko? Magkaugnay kay itong naiisip ko o baka.. nagkakamali ako? SCENE 15 Music: Bizarre love triangle Fading in Miko: hana! Hana: oh, unggoy, anong balita, tapos na ang finals niyo diba? Miko: ako nga dapat makibalita kasi nung mid term week, nawala ka. Sabi ni Dona, masama raw pakiramdam mo. Hana: ah.. oo eh. Masyado kasing pasaway yung tinuturuan ko! Miko: at ako pa ang nasisis! Hana: kasi naman, daming segway, ano ba ang resulta? Miko: I‟m sorry. I failed. Hana: ha? Ba-bakit? Pinag-aralan naman nating mabuti yun ah. Sabi ko na nga ba.. Miko: I‟m sorry. I failed to make you believe pero, totoong naipasa ko lahat! Hahah whoooooooooooooooh!!!! Sinong nagsabing walang utak ang mga unggoy!!!!!!! Hana: hindi nga? Niloloko mo ba ako? Miko: haha. Tingnan mo. SFX: papers Hana: haa.hahaah. totoo nga! Mapapayakap si Hana kay Miko dahil sa sobrang tuwa Miko: ehe. Hmmmmmmmmmmmm..Sabi sayo eh! Hana: ah.. sorry. Miko: hehe. Ok lang. Hana: ahm. A-ah.. yung totoo? Nangodigo ka no? hahahaha. Miko: tssss. Hahahaha. Music: Bizarre love triangle Fading in Hana: dahil nga naipasa niya ang lahat ng exams. Natupad ang deal naming na sasagutin niya ang hospital bills ni Papa. Pangalawa, ewan ko kung seryoso? Pero babawasan na raw niya yung mga bisyo niya pati yung mga babae. Hmp! Sana lang no! ah-ah I mean, bahala sya sa buhay niya, basta, tapos na deal namin. Miko: hep. Hep. Ano na namang binubulong mo dyan? hindi pa tapos ang deal nating dalawa.
  17. 17. Hana: tapos na ano! Miko: haha. Joke lang. salamat. Hana: naku! Babatukan na kita dyan eh!!! Miko: haha. Praning! Hana: ewan ko sayo!!! Sa kalagitnaan ng usapan, may humaharurot na kotse ang babangga sa kanila. SFX: Car brake Miko: Hana! Tabi! Hana: ahhhh! Miko? MIKO!!!!!!!!!!!! SCENE 13 SFX: ospital Miko: ok lang ako, medyo masakit nga lang ang tagiliran ko pero ok lang.. Hana: sigurado ka? Miko: oo. Uy! Nag-aalala. Hana: mukha mo! Miko: grabe, I save your life tapos.. ganyan? Hana: ka—kaya nga, eh bat mo ba kasi ginawa yun? Miko: eh.. kasi….. Hana: kasi…. G. Fernando: hijo, are you ok? Miko: ah- yes I‟m fine! May unit galos nga lang. G. Fernando: pinaiimbistigahan ko na kung sino ang bumangga sayo anak and ayon sa kanila, may hint na sila kung sino. Makatutulong din yung sinabi mo na may nagmamanman sayo this past few months. Miko: ah, ganun ba Dad. Ah, nga pala, Hana, Daaddy ko. Hana: Hello po. G. Fernando: I‟m Fernando Elizalde, nice to meet you! Hana: nice to meet you din po! SCENE 14 Music: Highway Blues Fading in Hana: matapos ang arwa na iyon ay medyo nagkakaugnay-ugna ang mga tanong ko. At laking gulat at pagtataka ko ng Makita ko ang Daddy ni Miko dahil hawig na hawig niya si Jasper. Tungkol naman kay jasper, hindi ko na siya nakikita nitong mga nakaraang linggo. Nakalabas na rin si Miko sa Ospital, magdadalawang linggo na. matapos ng aksidenteng yun. May nag-iba sa pagkakaibigan namin. …. VOLUME UP VOLUME DOWN Miko: tama ba tong sagot ko?
  18. 18. Hana: ah, teka,medyo mahirap kasi yan eh. Sandal, kukuha lang ako ng libro. Miko: teka.. Hana: b—bakit? Miko: ang lamig ng kamay mo ah. Nilalamig ka ba? Hana: hindi. Hindi. Miko: ahmm. Halika. Ditto ka muna sa tabi ko. Hana: haa? Miko: ano ka ba? Hindi naman kita aanuhin. May ipapapikita lang ako sayo. Hana: sige, ano bay un? Miko: tumingin ka sa bintana. Hana: oh, tapos? Miko: ma mga patak ng ulan. Hana: tapos? Miko: tuwing umuulan, naaalala kita. haha Hana: tss. Bakit naman? Miko: kasi dyan tayo unang nagkakilala. Haa alam ko, ang pangit ng una nating pagkikita pero, ang sarap balikan. Nakakataw eh! Ahaha! Hana: adik! Anong maganda dun! Nakakaasar nga! Miko: ahahah. Ewan ko sayo. Panira ng moment! Hana: ahaahahaha! Miko: waw ha! Napatawa rin kita! Hana: bakit? Ngayon mo pa lang ba ako nakitang tumawa? Miko: oo eh. Ang sungit mo kasi! Hahah. Ipagpatuloy mo lang yan ha. Ayoko kasing nakikita kang malungkot! Hana: haa? Miko: malungkot. Ma-long quote. Ito yung nararamdaman mo kapag hindi mo kasama ang taong mahal mo. Parang ganito. Pagsama-samahin mo yung mahabang quotation mark. Makikita mo, pwedeng ulan o luha na parang walang katapusan. Ayoko ng makita ka pang umiiyak ulit Hana. Hana: k—kailan mo ko nakitang umiyak? Miko: naalala mo nung uminom tayo tapos pagkagising mo, namumugto ang mga mata mo. Nagsinungaling ako, hindi yun dahil sa puyat. Dahil yun sa pag-iyak mo. Hana: pag-iyak. Bakit? Miko: h-hindi ko alam. Basta, kung anuman yang sakit na nararamdaman mo, gusto kong alisin yan. Ayaw kitang paiyakain. Nasasaktan ako. Hana….. Mahal kita! Music: Highway Blues Fading out SCENE 15 Music: Bizarre love triangle
  19. 19. Fading in Hana: ewan ko ba. Gusto kong tumakas ng mga oras na yun kaya tumayo na ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Hinila niya ako ng mahina para umupo ulit ako sa tabi niya. Nung nakaupo na ako ay bigla siyang sumandal sa balikat ko. Isinandal ko rin yung ulo ko sa may ulo niya. Ang tagal ko ng hinde nararamdaman yung ganitong feeling. Kahit papaano, masaya ako sa nangyayari samin ni Lucas. Kahit na ang sama ko, pakiramdam ko, maganda yung parusa sa akin ng Diyos. Pero matapos nun. Tinapos ko na ang lahat. Simula ng sinabi yun ni Miko ay nilayuan ko sya. Hindi dahil ayoko sa kanya kundi, naguiguilty ako dahil kahit wala na kaming komunikasyon ni Jasper ay hindi pa rin maaalis ang katotohanan na kami pa rin. Pagtataksil kung hahayaan kong mahulog ako ng tuluyan kay Miko.. SCENE 16 SFX: Kuliglig Hana: nakakatakot naman ngayon, hindi maliwanga ang buwan aky mas lalong……….(inakpan ang bibig) Uhmmmmmmmp!!!!!!!!!! Tu……..lummmmmmp! Jasper: ssssssssshhh! Ako to, si Jasper. Hana: Jasper? SFX: sampal Jasper: para saan yu? Hana: para yun sa pang-iiwan mo? Umalis ka na lang ng walang paalam! Alam mo ba kung aano kasakit sa akin yun!? Ha! Jasper: alam ko, patawad! Hindi mo alam ang nangyari. Kaya, wag mo isumbat sa akin ang mga bagay na yan. Hana, nasaktan din ako. Sobra! Hana: kung ganon! Bakit hindi mo ipaintindi sa akin! Jasper, ano ba tlaga ang nangyari. (naiiyak) makikinig ako. Jasper: lumaki ako na walang ama. Akala ko, yun na ang pinakamasakit. Hindi pa pala, mas masakit pala na talikuran ka ng sarili mong ama at lola sa oras na kailangan mo sila! Alam mo hana, hirap na hirap si Mama sa sakit niya, masakit sa akin na wala akong magawa para sa kanya! Nung malapit ng mamamatay si Mama, inamin niya sa akin kung sino ang tunay kong ama at kung saan ko siya makikita. Tuwang-tuwa akong malaman yun Hana. Pinuntahan ko siya upang humingi ng tulong at magpakilala pero, tinakwil ako ng Lola ko. Wala raw siyang apo na mahirap at anak ng isang labandera na katulad ni mama. Sinubukan kong lumapit sa aking ama na si Fernando pero, ganun din siya!!!! Mga walang hiya sila! Mga walang puso! Matapos noon, sinumpa akong gaganti ako. Hana: Fernando? Fernando Elizalde? (gulat) Jasper: oo. Siya nga. Siya lang naman ang walang hiya kong ama!! At ngayon, pagbabayarin ko ang anak niya. Ang nakababata kong kapatid na si Miko! Hana: ikaw. Ikaw yung nagmamasid sa kanya? Ikaw ba yung bumangga sa kanya??? Jasper: oo! Ako nga! Laking pasalamat ko nga sayo eh. Dahil sayo, naging madali sa akin na gawin ang mga bagay nay un. Dahil sayo, natunton ko ang tinitirahan niya, ang pinipuntahan niya. Hana: hindi……..hindi… hindi ikaw yan Jasper! Jasper: kaya, Hana, tapos na ang papel mo. Kaya bago pa mapahamak ang buhay mo, layuan mo na siya! Hana: ayoko!!!! Alam mo, maiintindihan naman kita eh. Pero sana hindi sa ganitong paraan! Ayoko Jasper, hindi ko sya lalayuan Lalo na at alam ko na ang plano mo! Hindi!! Jasper: at bakit hindi?? Dahil ba, mahal mo siya! Hana: oo!! Mahal ko siya! Akala ko, ikaw pa rin pero ngayon ko napataunayan na, gusto ko sya! Na..aalagaan ko sya!! Na pahahalagahan ko siya at hindi na pakakawalan! (naiiyak) Jasper: pwes.. uunahin na kita!! Music: Suspense Fade in Hana: bitawan mo ko!!! Hayop ka!! Miko: Hana!
  20. 20. SFX: suntok Miko: Hana! Umalis ka na! Hana: pero Miko! Jasper: ano to? Pelikula. Hahah. At ano ka? Knight in shinning armor? hahahah Miko: umalis ka na! SFX: suntok Jasper: tssssssss. Hahahah. Nagdadrama pa kayong dalawa eh. Eto ang tunay na drama! SFX: putok ng Baril Hana: MIKO!!!!!!!!!!!! (Echoing) miko! Tulong!!! (Echoing) Jasper: SFX: humaharurot na kotse Music: Suspense Fade out SCENE 17 SFX: ______ SFX: ospital, dextrose Music: My love is here Eric santos Fade in (sustain) Hana: Miko, gumising ka na please. (umiiyak) miko, sabi mo, hindi mo na ako paiiiyakin, sabi mo, ayaw mo na akong malungkot. Pero ginawa mo pa rin. Gumising ka na!!! pangako, hindi na kita tatawaging unggoy. Gumising ka lang pangako..hindi na kita iiwasan..pangako..kasi.. mahal kita! Alam ko, madaling sabihin ang salitang mahal kita pero habambuhay iyon na dapat patunayan, kaya para mapakita ko sayong totoo ang pagmamahal ko.. gumising ka na.. gumising ka na please. (umiiyak) SFX: ______ ____________________________ SFX: patay na Music: My love is here Eric santos (sustain) Narrator: dito nab a nagtatapos ang nagsisimulang pagmamahalan nina Hana at Miko? Nasaan na ni Jasper? Bakit hindi niya oinatay si Hana? At ngayong wala na si Miko, aptuloy pa rink ay niyang mamahalin ito? abangan ang susunod na kabata; ito po ang long quote sa panulat ni Angeline Espeso. Paalam. Salamat 

×