2
Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto
Kagawaran ng Edukasyon
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189
Manwal ng Tagapatnubay
Saklolo!
Basic Literacy Learning Material
Bureau of Alternative Learning System
DEPARTMENT OF EDUCATION
PANIMULA
Ang modyul na ito ay ginawa upang malinang sa
kaisipan ng mag-aaral ang mga mahahalagang
hakbang na dapat gawin kung may sunog.
Malalaman din ang iba’t ibang tao na
makakatulong sa pamayanan. Ito ay binubuo sa
tatlong aralin. Ang mga aralin ay may kanya-kanyang
layunin upang higit na malinang ang kakayahan sa
bawat asignatura.
Ang modyul na ito ay magagamit ng tagapagturo
sa kanilang lugar sa magaan at mabisang pagtuturo.
Ang mga pamamaraan, metodolohiya at estrtiheya ay
naiangkop sa antas at kawilihan ng mag-aaral upang
masigla ang pagtatalakayan, makipagtalastasan,
magsuri, at malinang ang kanilang kakayanan sa
pagbasa, pagsusulat at pagsagot sa mga suliraning
pamilang na nailaan sa bawat pagtatalakayan.
1
Saklolo!
Karapatang-Ari 2005
KAWANIHAN NGALTERNATIBONG SISTEMA
SAPAGKATUTO
Kagawaran ng Edukasyon
Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa
Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindi
maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang
walang nakasulat na pahintulot ang organisasyon o ahensiya ng
pamahalaang naglathala.
Inilathala sa Pilipinas ng:
Kagawaran ng Edukasyon
Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189
Saklolo! Bumbero, May Sunog Sa Kanto!
Patnubay sa Aralin Blg. 1
I. MGA LAYUNIN
Pakikinig : Nakapakikinig nang may pang-
unawa sa narinig na kwento.
Pagsasalita : Naipaliliwanag ang pang-unawa sa
narinig na kwento.
Pagbasa : Nakababasa ng payak na salita at
simpleng pangungusap.
Pagsulat : Naipamamalas ang kakayahang
sumulat ng mga salita gamit ang
mga larawan.
Pagkwenta : Natutukoy ang panunurang
pamilang.
Paglutas ng : Natutukoy ang mga mahahalagang
Suliranin o hakbang na gagawin kapag may
Mapanuring sunog.
Pag-iisip.
Paglinang : Naipakikita ang malasakit at pang-
ng Sarili, unawa sa kapwa.
Pakikipag- : Nakikilala ang ibat bang tao sa
Kapwa at pamayanan
Pakikipanayam
Pakikisalamuha at Pagdamay sa Kapwa
II. PAKSA
A. Aralin 1 – Saklolo! Bumbero, May Sunog sa Kanto!
p. ___
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:
Kasanayang makipagkapwa at makibagay sa
kapwa.
B. Kagamitan: mga larawan ng iba’t ibang tao
sa pamayanan
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
• Itanong:
Naranasan na ba ninyo ang masunugan?
Kung oo, maaari itong ipakuwento sa
harap.
• Hayaang magtanong ang iba sa
nagkukwento.
2 3
B. Panlinang na Gawain
Pagbasa
1. Paglalahad
• Sabihin:
- Basahin ang kwento sa modyul na
matatagpuan sa pahina __ hanggang
__. (Pakinggan Natin)
• Ipasadula ang kwento.
• Itanong:
- Sino-sino ang mga taong tumulong sa
pagsugpo ng sunog sa bahay ni Ador?
• Ipagawa ang Simulation Game
- Tumawag ng isang mag-aaral sa
harapan. Ipakita sa kanya ang isang
larawan ng bumbero at gagayahin niya
ang trabaho nito.
2. Pagtatalakayan
• Balikan muli ang maikling kwento. Pag
usapan ito.
Itanong:
- Kung kayo si Ador, ano kaya ang
gagawin ninyo sa oras na iyon?
- Hihingi din ba kayo ng tulong sa iba?
Kanino?
• Pag-usapan ang mga sagot ng mag-aaral.
Basahin ang mga dapat gawin kapag
may sunog sa Pag-usapan Natin pahina __.
• Gabayan ang mag-aaral sa pagpapantig
ng bawat pangalan ng mga ito.
• Ipagawa ang “Subukin Natin”, A at B,
pahina __.
3. Paglalahat
• Pabuksan ang Tandaan Natin sa pahina
__.
• Ipabasa ang mga dapat tandaan.
4. Paglalapat
• Ipagawa ang Fire Drill
- Hatiin sa dalawa o tatlong pangkat ang
mga mag-aaral.
- Gamit ang mga larawan sa modyul,
ipagawa ang “fire drill”.
Halimbawa:
• Gamitin ang salitang “sunog” bilang
hudyat na may sunog sa loob.
• Susundan ng mag-aaral ang bawat
larawang ipakikita ng taga-
patnubay.
• Panalo ang grupong makakapag-
pakita ng mga tamang proseso sa
pagsugpo sa sunog.
4 5
Pagkukwenta
1. Paglalahad
• Sabihin:
- Pagmasdan mabuti ang larawan.
Paano nagsunud-sunod ang mga
larawan?
• Itanong:
- Sino-sino sila? Paano sila nagtutulung-
tulong kung may sunog?
2. Pagtatalakayan
• Ipagawa ang Simulation Game.
• Tumawag ng limang (5) mag-aaral sa
harapan. Ipagaya ang nasa larawan sa
pahina __.
• Paharapin ang mga mag-aaral sa pintuan
bilang tanda ng simula.
- Hayaang tuklasin ng mag-aaral kung
sino ang una, ikalawa, ikatlo, ikaapat at
ikalima sa linya. Bakatin at gayahin ang
nasa pahina __.
- Ipagawa ang iba pang Gawain sa
pahina __.
3. Paglalahat
• Tumawag muli ng limang mag-aaral.
Isang payat, isang mataba, isang
matangkad, isang maliit at isang maitim.
(Puwedeng ibahin ang mga katangian
6 7
depende kung anong meron ang mga
mag-aaral.)
• Magpagawa ng isang linya
• Magsabi ng isang katangian ng mag-aaral
at isusulat bsa papel ng iba kung pang-
ilan ang nabanggit na mag-aaral sa
linya.
Halimbawa:
Tagapatnubay: Siya ay masaya at
mataba.
Mag-aaral:
4. Paglalapat
A. Ipasagot ang mga sumusunod na
tanong pagkatapos ng maikling kuwento.
• Ikaw sana ay mamamalengke sa sikat
na pamilihan sa inyong bayan. Nang
biglang nakita mo na may sunog sa
kanto. Ano ang gagawin mo? Tutuloy
ka ba sa palengke o tutulong ka muna
kasi mas kailangan ang iyong tulong?
• Pagkabitin ng guhit ang bagay at
ang pangalan nito.
IV. PAGTATAYA
Ipagawa ang “Alamin ang iyong natutuhan”,
sa pahina __.
8 9
V. KARAGDAGANG GAWAIN
Sino sila?
Kilalaning mabuti ang mga sumusunod na tao
sa inyong pamayanan.
Ano ang nagagawa nila sa inyong pamayanan?
Isulat ang mga gagawin nila.
Isama ito sa sariling journal o portfolio.
Saklolo! Saklolo! May Parating na Bagyo!
Patnubay sa Aralin Blg. 2
I. MGA LAYUNIN
Pakikinig : Nakapakikinig ng may pang-unawa
sa narinig na balita.
Pagsasalita : Naipaliliwanag ang pang-unawa sa
narinig na pahayag.
Pagbasa : Nakababasa ng payak na salita at
simpleng pangungusap.
Pagsulat : Naipamamalas ang kakayahang
sumulat ng mga salita gamit ang
mga larawan.
: Naisusulat ang mga pangalan ng
mga bagay na kailangan sa
panahon ng bagyo.
Pagkwenta : Naisasagawa ang mga panunurang
bilang.
Paglutas ng : Natutukoy ang mga mahahalagang
Suliranin o hakbang na gagawin kapag may
Mapanuring bagyo.
Pag-iisip.
Paglinang : Nauunawaan ang mga narinig sa
ng Sarili, balita at kwento.
Pakikipag- : Naihahanda ang sarili sa narinig na
Kapwa at balita.
Pakikipanayam.
Katatagan sa Sarili at Pagdamay sa Kapwa
II. PAKSA
A. Aralin 2 – Saklolo! Saklolo! May Parating na
Bagyo! p. __.
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:
Kasanayang makipagkapwa at makibagay sa
kapwa.
B. Kagamitan : mga larawan ng iba’t ibang
kagamitan sa bahay na
kakailanganin sa panahon ng
bagyo.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
• Itanong:
Naranasan na ba ninyo ang masunugan?
Kung oo, maaari itong ipakuwento sa
harap.
! Hayaang magtanong ang iba sa
nagkukwento.
Pabuksan sa pahina 1 Aralin 2
Sabihin:
! Sagutin natin ang mga tanong.
(Ipabasa ang panuto. Kung hindi kaya
gabayan ng tagapatnubay ang mag-
aaral sa pagbasa.)
B. Panlinang na Gawain
Pagbasa
Paglalahad
• Sabihin:
- Basahin ang kwento sa modyul na
matatagpuan sa pahina __ hanggang
__. (Pakinggan Natin)
• Ipasadula ang kwento.
• Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang
kagamitan sa bahay na pwedeng
magamit sa panahon ng bagyo, na
matatagpuan sa pahina __ ng modyul.
(Kilalanin Natin)
• Itanong:
- Marunong na bang bumasa? Ating
basahin ang mga pangalan ng bawat
larawan. Sino ang makababasa na?
- Ano-ano ang mga gamit na nakikita
ninyo sa mga larawan?
• Ipagawa ang Simulation Game
- Tumawag ng isang mag-aaral sa
harapan. Ipakita sa kanya ang isang
larawan ng tao na tagapagbalita sa
telebisyon at gagayahin niya ang
10 11
12 13
trabaho nito. Kailangan hindi makita
ang larawan ng iba dahil huhulaan nila
kung sino at ano ang trabaho nito sa
pamayanan.
- Itanong:
- Anu-anong paghahanda ang
ibinigay ng brodkaster sa mga taong
nanonood sa telebisyon? Gamitin
ang larawan na nasa pahina 7 ng
modyul. (Pag-usapan Natin)
Pagtatalakayan
• Balikan muli ang maikling kuwento. Pag-
usapan ito.
Itanong:
- Kung kayo ang nakarinig sa balitang
iyon, ano kaya ang gagawin ninyo sa
oras na ito?
- Susundin ba ninyo ang mga payo ng
tagapagbalita? Bakit?
- Hihingi din ba kayo ng tulong sa iba?
Kanino?
• Pag-usapan ang mga sagot ng mag-aaral.
Ipagawa ang “Subukin Natin”, pahina __.
• Talakayin ang mga gamit na kailangan
kung may bagyo, pahina __.
• Ipabasa kung anu-ano ang mga dapat
gawin sa pagsapit ng bagyo. Tandaan
Natin pahina __.
• Gabayan ang mag-aaral sa pagbasa ng
mga ito.
Halimbawa:
Mag-aaral
Makinig ng radio o telebisyon.
Paglalahat
Itanong:
! Kung naintindihan. Ano-anong mga
paghahanda ang dapat gawin sa tuwing
may padating ng bagyo?
! Ipasulat ang mga bagay na kakailanganin
pagsapit ng bagyo. (Ipamasid sa mag-
aaral ang mga larawan, upang maisulat
ang pangalan ng mga bagay sa kahon.)
! Bakit kailangan natin ihanda ang mga
kagamitang ito? Ipaliwanag.
Paglalapat
• Magpagawa ng isang dula-dulaan
tungkol sa pagbabalita sa paparating na
bagyo.
• Tingnan kung paano nila ihahanda ang
sarili pagkatapos marinig ang balita.
• Ipagawa sa mag-aaral ang dapat gawin
kapag may bagyo.
Kwentahin Natin
Pag-aralan ang pangunahing hugis na
nakikita sa larawan, pahina __.
14 15
Itanong: Masasabi mo ba kung anong hugis
ang mga ito?
Pabuksan sa pangunahing hugis. Pag-aralan
ang mga larawan na nasa ibaba.
Basahin ang bawat pangalan ng bawat
larawan at isulat ito sa nakalaang guhit sa
ibaba (Pahina __)
Pagmasdan ang mga hugis sa susunod na
pahina na nasa larawan.
Ano-anong hugis ang nakikita ninyo ?
Pagkabitin nang mga linya para mabuo ang
hugis na nakalarawan.
IV. PAGTATAYA
• Pabuksan ang modyul sa pahina __, “Alamin
Natin ang iyong natutuhan.”
A. Ipagawa ang mga pagsasanay.
B. Bakatin ang pangalan ng bawat kagamitan sa
pahina __.
V. KARAGDAGANG GAWAIN
Magpagawa ng scrapbook tungkol sa
nakaraang lindol sa Pilipinas.
Ipaliwanag ito sa mga mag-aaral.
Isama ito sa sariling journal o portfolio.
Saklolo ! Saklolo! Yumayanig ang Mundo!
Patnubay sa Aralin Blg. III
I. MGA LAYUNIN
Pakikinig : Nakapakikinig nang may pang-
unawa sa narinig na kwento.
Pagsasalita : Naipaliliwanag ang sariling
pananaw sa narinig na kwento.
Pagbasa : Nakababasa ng payak na salita at
simpleng pangungusap.
Pagsulat : Naipamamalas ang kakayahang
sumulat ng mga salita gamit ang
mga larawan.
: Naisusulat ang mga pangalan ng
lugar na maaaring pangyarihan ng
lindol.
Pagkwenta : Natutukoy ang mga panunurang
bilang.
Paglutas ng : Natutukoy ang mga mahahalagang
Suliranin o hakbang na gagawin kapag may
Mapanuring lindol.
Pag-iisip.
Paglinang : Nakikilala ang mga bagay na
ng Sarili, magiging kanlungan habang
Pakikipag- lumilindol.
Kapwa at : Naisasagawa ang mga hakbang na
Pakikipanayam. dapat gawin para sa kaligtasan.
16 17
Pakikipagtulungan at Pakikiramay sa Kapwa
II. PAKSA
A. Aralin III – Saklolo! Saklolo! Yumayanig ang
Mundo!
Pangunahing kasanayan sa Pakikipamuhay:
Kasanayang mailigtas ang sarili at makatulong
sa kapwa.
B. Kagamitan: mga larawan ng mga pan gyayari
sa kwento, mga kagamitan o bagay
na masisilungan habang
lumilindol
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
• Itanong:
Naranasan na ba ninyo ang lindol ?
Kung oo, maaari itong ipakuwento sa
harap.
• Hayaang magtanong ang iba sa nagku-
kwento.
B. Panlinang na Gawain
Pagbasa
1. Paglalahad
Sabihin:
- Basahin ang kwento sa modyul na
matatagpuan sa pahina __ hanggang __.
- Bayaang isadula ang kwento.
- Ipakita ang mga larawan ng sitwasyon
upang higit na mabigyan ng buhay ang
bawat yugto.
Pagtatalakayan
Itanong:
- Ano ang inyong naramdaman sa
pagbibigay buhay sa mga pangyayari sa
kwento?
- Sino-sino ang magtutulungan kung
sakaling may pangyayaring ganito sa lugar
ninyo?
- Ano ang kahalagahan ng pagsasadula ng
mga pangyayaring ito sa inyo? Ipaliwanag.
Paglalahat
Itanong:
- Ano-ano ang natutunan sa ginawa natin?
Sino ang pwedeng magbuod sa mga
natutunan. (Tumawag ng mag-aaral at
sasabihin ang kanyang natutunan sa
harap ng klase.) Basahin ang mga salita sa
“Basahin Natin” A at B, pahina __.
Isagawa ang pagsasanay sa “Subukin
Natin”, pahina __.
Paglalapat
Pabuksan sa pahina __ ng modyul, “Alamin
Natin” at “Tandaan Natin.”
Itanong:
- Ano ang dapat gawin kapag may lindol?
Ano-ano ang mga dapat tandaan kapag
kayo ay nakaramdam ng pagyanig ng
lupa? (Pwedeng ipabasa nang
maramihan , pangkatan dalawahan at
isahan.
Pagkwenta
Paglalahad
Itanong:
Ano-ano ang mga kagamitan sa inyong
bahay ang pwedeng masilungan o magamit
kung may lindol ?
Pabuksan sa pahina __ ng modyul.
Pagmasdan at suriin mabuti ang mga
larawan.
Itanong:
- Ano-anong mga kagamitan ang inyong
nakikita?
- Saan ito pwedeng gamitin? Ipaliwanag.
Pagtatalakayan
- Pagsamasamahin ninyo ang magkaka-uri
at kung saan ito nabibilang na grupo?
- Ilang grupo ng mga kagamitan mayroon
si Aling Linda?
Pabuksan sa pahina __ ng Modyul. Pag-aralan
ang mga sumusunod na larawan.
Itanong :
> Ano-anong mga larawan ang nakikita
ninyo?
Paglalahat
> Ano-anong kagamitan mayroon si Aling
Linda?
> Saan kaya niya ito pwedeng gamitin?
Bakit? Kailan?
Paglalapat
Sabihin:
Nagkaroon ng lindol sa lugar ni Aling
Linda, nagkagulo-gulo ang kanyang mga
kagamitan. Nagkahalu-halo ang mga ito sa
loob ng bahay. Paano natin siya
matutulungan?
18 19
IV. PAGTATAYA
Pabuksan sa pahina __ ng modyul sa “Alamin Natin”,
pahina __.
Ipagawa sa mag-aaral ang mga sumusunod:
- Ipasulat ang pangalan ng bawat lugar na
pwedeng pangyarihan ng pagyanig ng lupa.
V. KARAGDAGANG GAWAIN
Magpagawa ng scrap book ng mga larawan ng
mga pangyayari sa lindol.
20

Saklolo manual

  • 1.
    2 Kawanihan ng AlternatibongSistema sa Pagkatuto Kagawaran ng Edukasyon 3/F Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189 Manwal ng Tagapatnubay Saklolo! Basic Literacy Learning Material Bureau of Alternative Learning System DEPARTMENT OF EDUCATION
  • 2.
    PANIMULA Ang modyul naito ay ginawa upang malinang sa kaisipan ng mag-aaral ang mga mahahalagang hakbang na dapat gawin kung may sunog. Malalaman din ang iba’t ibang tao na makakatulong sa pamayanan. Ito ay binubuo sa tatlong aralin. Ang mga aralin ay may kanya-kanyang layunin upang higit na malinang ang kakayahan sa bawat asignatura. Ang modyul na ito ay magagamit ng tagapagturo sa kanilang lugar sa magaan at mabisang pagtuturo. Ang mga pamamaraan, metodolohiya at estrtiheya ay naiangkop sa antas at kawilihan ng mag-aaral upang masigla ang pagtatalakayan, makipagtalastasan, magsuri, at malinang ang kanilang kakayanan sa pagbasa, pagsusulat at pagsagot sa mga suliraning pamilang na nailaan sa bawat pagtatalakayan. 1 Saklolo! Karapatang-Ari 2005 KAWANIHAN NGALTERNATIBONG SISTEMA SAPAGKATUTO Kagawaran ng Edukasyon Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ang organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala. Inilathala sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto 3/F Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189
  • 3.
    Saklolo! Bumbero, MaySunog Sa Kanto! Patnubay sa Aralin Blg. 1 I. MGA LAYUNIN Pakikinig : Nakapakikinig nang may pang- unawa sa narinig na kwento. Pagsasalita : Naipaliliwanag ang pang-unawa sa narinig na kwento. Pagbasa : Nakababasa ng payak na salita at simpleng pangungusap. Pagsulat : Naipamamalas ang kakayahang sumulat ng mga salita gamit ang mga larawan. Pagkwenta : Natutukoy ang panunurang pamilang. Paglutas ng : Natutukoy ang mga mahahalagang Suliranin o hakbang na gagawin kapag may Mapanuring sunog. Pag-iisip. Paglinang : Naipakikita ang malasakit at pang- ng Sarili, unawa sa kapwa. Pakikipag- : Nakikilala ang ibat bang tao sa Kapwa at pamayanan Pakikipanayam Pakikisalamuha at Pagdamay sa Kapwa II. PAKSA A. Aralin 1 – Saklolo! Bumbero, May Sunog sa Kanto! p. ___ Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Kasanayang makipagkapwa at makibagay sa kapwa. B. Kagamitan: mga larawan ng iba’t ibang tao sa pamayanan III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagganyak • Itanong: Naranasan na ba ninyo ang masunugan? Kung oo, maaari itong ipakuwento sa harap. • Hayaang magtanong ang iba sa nagkukwento. 2 3
  • 4.
    B. Panlinang naGawain Pagbasa 1. Paglalahad • Sabihin: - Basahin ang kwento sa modyul na matatagpuan sa pahina __ hanggang __. (Pakinggan Natin) • Ipasadula ang kwento. • Itanong: - Sino-sino ang mga taong tumulong sa pagsugpo ng sunog sa bahay ni Ador? • Ipagawa ang Simulation Game - Tumawag ng isang mag-aaral sa harapan. Ipakita sa kanya ang isang larawan ng bumbero at gagayahin niya ang trabaho nito. 2. Pagtatalakayan • Balikan muli ang maikling kwento. Pag usapan ito. Itanong: - Kung kayo si Ador, ano kaya ang gagawin ninyo sa oras na iyon? - Hihingi din ba kayo ng tulong sa iba? Kanino? • Pag-usapan ang mga sagot ng mag-aaral. Basahin ang mga dapat gawin kapag may sunog sa Pag-usapan Natin pahina __. • Gabayan ang mag-aaral sa pagpapantig ng bawat pangalan ng mga ito. • Ipagawa ang “Subukin Natin”, A at B, pahina __. 3. Paglalahat • Pabuksan ang Tandaan Natin sa pahina __. • Ipabasa ang mga dapat tandaan. 4. Paglalapat • Ipagawa ang Fire Drill - Hatiin sa dalawa o tatlong pangkat ang mga mag-aaral. - Gamit ang mga larawan sa modyul, ipagawa ang “fire drill”. Halimbawa: • Gamitin ang salitang “sunog” bilang hudyat na may sunog sa loob. • Susundan ng mag-aaral ang bawat larawang ipakikita ng taga- patnubay. • Panalo ang grupong makakapag- pakita ng mga tamang proseso sa pagsugpo sa sunog. 4 5
  • 5.
    Pagkukwenta 1. Paglalahad • Sabihin: -Pagmasdan mabuti ang larawan. Paano nagsunud-sunod ang mga larawan? • Itanong: - Sino-sino sila? Paano sila nagtutulung- tulong kung may sunog? 2. Pagtatalakayan • Ipagawa ang Simulation Game. • Tumawag ng limang (5) mag-aaral sa harapan. Ipagaya ang nasa larawan sa pahina __. • Paharapin ang mga mag-aaral sa pintuan bilang tanda ng simula. - Hayaang tuklasin ng mag-aaral kung sino ang una, ikalawa, ikatlo, ikaapat at ikalima sa linya. Bakatin at gayahin ang nasa pahina __. - Ipagawa ang iba pang Gawain sa pahina __. 3. Paglalahat • Tumawag muli ng limang mag-aaral. Isang payat, isang mataba, isang matangkad, isang maliit at isang maitim. (Puwedeng ibahin ang mga katangian 6 7 depende kung anong meron ang mga mag-aaral.) • Magpagawa ng isang linya • Magsabi ng isang katangian ng mag-aaral at isusulat bsa papel ng iba kung pang- ilan ang nabanggit na mag-aaral sa linya. Halimbawa: Tagapatnubay: Siya ay masaya at mataba. Mag-aaral: 4. Paglalapat A. Ipasagot ang mga sumusunod na tanong pagkatapos ng maikling kuwento. • Ikaw sana ay mamamalengke sa sikat na pamilihan sa inyong bayan. Nang biglang nakita mo na may sunog sa kanto. Ano ang gagawin mo? Tutuloy ka ba sa palengke o tutulong ka muna kasi mas kailangan ang iyong tulong? • Pagkabitin ng guhit ang bagay at ang pangalan nito. IV. PAGTATAYA Ipagawa ang “Alamin ang iyong natutuhan”, sa pahina __.
  • 6.
    8 9 V. KARAGDAGANGGAWAIN Sino sila? Kilalaning mabuti ang mga sumusunod na tao sa inyong pamayanan. Ano ang nagagawa nila sa inyong pamayanan? Isulat ang mga gagawin nila. Isama ito sa sariling journal o portfolio. Saklolo! Saklolo! May Parating na Bagyo! Patnubay sa Aralin Blg. 2 I. MGA LAYUNIN Pakikinig : Nakapakikinig ng may pang-unawa sa narinig na balita. Pagsasalita : Naipaliliwanag ang pang-unawa sa narinig na pahayag. Pagbasa : Nakababasa ng payak na salita at simpleng pangungusap. Pagsulat : Naipamamalas ang kakayahang sumulat ng mga salita gamit ang mga larawan. : Naisusulat ang mga pangalan ng mga bagay na kailangan sa panahon ng bagyo. Pagkwenta : Naisasagawa ang mga panunurang bilang. Paglutas ng : Natutukoy ang mga mahahalagang Suliranin o hakbang na gagawin kapag may Mapanuring bagyo. Pag-iisip. Paglinang : Nauunawaan ang mga narinig sa ng Sarili, balita at kwento. Pakikipag- : Naihahanda ang sarili sa narinig na Kapwa at balita. Pakikipanayam.
  • 7.
    Katatagan sa Sariliat Pagdamay sa Kapwa II. PAKSA A. Aralin 2 – Saklolo! Saklolo! May Parating na Bagyo! p. __. Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Kasanayang makipagkapwa at makibagay sa kapwa. B. Kagamitan : mga larawan ng iba’t ibang kagamitan sa bahay na kakailanganin sa panahon ng bagyo. III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain Pagganyak • Itanong: Naranasan na ba ninyo ang masunugan? Kung oo, maaari itong ipakuwento sa harap. ! Hayaang magtanong ang iba sa nagkukwento. Pabuksan sa pahina 1 Aralin 2 Sabihin: ! Sagutin natin ang mga tanong. (Ipabasa ang panuto. Kung hindi kaya gabayan ng tagapatnubay ang mag- aaral sa pagbasa.) B. Panlinang na Gawain Pagbasa Paglalahad • Sabihin: - Basahin ang kwento sa modyul na matatagpuan sa pahina __ hanggang __. (Pakinggan Natin) • Ipasadula ang kwento. • Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang kagamitan sa bahay na pwedeng magamit sa panahon ng bagyo, na matatagpuan sa pahina __ ng modyul. (Kilalanin Natin) • Itanong: - Marunong na bang bumasa? Ating basahin ang mga pangalan ng bawat larawan. Sino ang makababasa na? - Ano-ano ang mga gamit na nakikita ninyo sa mga larawan? • Ipagawa ang Simulation Game - Tumawag ng isang mag-aaral sa harapan. Ipakita sa kanya ang isang larawan ng tao na tagapagbalita sa telebisyon at gagayahin niya ang 10 11
  • 8.
    12 13 trabaho nito.Kailangan hindi makita ang larawan ng iba dahil huhulaan nila kung sino at ano ang trabaho nito sa pamayanan. - Itanong: - Anu-anong paghahanda ang ibinigay ng brodkaster sa mga taong nanonood sa telebisyon? Gamitin ang larawan na nasa pahina 7 ng modyul. (Pag-usapan Natin) Pagtatalakayan • Balikan muli ang maikling kuwento. Pag- usapan ito. Itanong: - Kung kayo ang nakarinig sa balitang iyon, ano kaya ang gagawin ninyo sa oras na ito? - Susundin ba ninyo ang mga payo ng tagapagbalita? Bakit? - Hihingi din ba kayo ng tulong sa iba? Kanino? • Pag-usapan ang mga sagot ng mag-aaral. Ipagawa ang “Subukin Natin”, pahina __. • Talakayin ang mga gamit na kailangan kung may bagyo, pahina __. • Ipabasa kung anu-ano ang mga dapat gawin sa pagsapit ng bagyo. Tandaan Natin pahina __. • Gabayan ang mag-aaral sa pagbasa ng mga ito. Halimbawa: Mag-aaral Makinig ng radio o telebisyon. Paglalahat Itanong: ! Kung naintindihan. Ano-anong mga paghahanda ang dapat gawin sa tuwing may padating ng bagyo? ! Ipasulat ang mga bagay na kakailanganin pagsapit ng bagyo. (Ipamasid sa mag- aaral ang mga larawan, upang maisulat ang pangalan ng mga bagay sa kahon.) ! Bakit kailangan natin ihanda ang mga kagamitang ito? Ipaliwanag. Paglalapat • Magpagawa ng isang dula-dulaan tungkol sa pagbabalita sa paparating na bagyo. • Tingnan kung paano nila ihahanda ang sarili pagkatapos marinig ang balita. • Ipagawa sa mag-aaral ang dapat gawin kapag may bagyo. Kwentahin Natin Pag-aralan ang pangunahing hugis na nakikita sa larawan, pahina __.
  • 9.
    14 15 Itanong: Masasabimo ba kung anong hugis ang mga ito? Pabuksan sa pangunahing hugis. Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba. Basahin ang bawat pangalan ng bawat larawan at isulat ito sa nakalaang guhit sa ibaba (Pahina __) Pagmasdan ang mga hugis sa susunod na pahina na nasa larawan. Ano-anong hugis ang nakikita ninyo ? Pagkabitin nang mga linya para mabuo ang hugis na nakalarawan. IV. PAGTATAYA • Pabuksan ang modyul sa pahina __, “Alamin Natin ang iyong natutuhan.” A. Ipagawa ang mga pagsasanay. B. Bakatin ang pangalan ng bawat kagamitan sa pahina __. V. KARAGDAGANG GAWAIN Magpagawa ng scrapbook tungkol sa nakaraang lindol sa Pilipinas. Ipaliwanag ito sa mga mag-aaral. Isama ito sa sariling journal o portfolio. Saklolo ! Saklolo! Yumayanig ang Mundo! Patnubay sa Aralin Blg. III I. MGA LAYUNIN Pakikinig : Nakapakikinig nang may pang- unawa sa narinig na kwento. Pagsasalita : Naipaliliwanag ang sariling pananaw sa narinig na kwento. Pagbasa : Nakababasa ng payak na salita at simpleng pangungusap. Pagsulat : Naipamamalas ang kakayahang sumulat ng mga salita gamit ang mga larawan. : Naisusulat ang mga pangalan ng lugar na maaaring pangyarihan ng lindol. Pagkwenta : Natutukoy ang mga panunurang bilang. Paglutas ng : Natutukoy ang mga mahahalagang Suliranin o hakbang na gagawin kapag may Mapanuring lindol. Pag-iisip. Paglinang : Nakikilala ang mga bagay na ng Sarili, magiging kanlungan habang Pakikipag- lumilindol. Kapwa at : Naisasagawa ang mga hakbang na Pakikipanayam. dapat gawin para sa kaligtasan.
  • 10.
    16 17 Pakikipagtulungan atPakikiramay sa Kapwa II. PAKSA A. Aralin III – Saklolo! Saklolo! Yumayanig ang Mundo! Pangunahing kasanayan sa Pakikipamuhay: Kasanayang mailigtas ang sarili at makatulong sa kapwa. B. Kagamitan: mga larawan ng mga pan gyayari sa kwento, mga kagamitan o bagay na masisilungan habang lumilindol III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Pagganyak • Itanong: Naranasan na ba ninyo ang lindol ? Kung oo, maaari itong ipakuwento sa harap. • Hayaang magtanong ang iba sa nagku- kwento. B. Panlinang na Gawain Pagbasa 1. Paglalahad Sabihin: - Basahin ang kwento sa modyul na matatagpuan sa pahina __ hanggang __. - Bayaang isadula ang kwento. - Ipakita ang mga larawan ng sitwasyon upang higit na mabigyan ng buhay ang bawat yugto. Pagtatalakayan Itanong: - Ano ang inyong naramdaman sa pagbibigay buhay sa mga pangyayari sa kwento? - Sino-sino ang magtutulungan kung sakaling may pangyayaring ganito sa lugar ninyo? - Ano ang kahalagahan ng pagsasadula ng mga pangyayaring ito sa inyo? Ipaliwanag. Paglalahat Itanong: - Ano-ano ang natutunan sa ginawa natin? Sino ang pwedeng magbuod sa mga natutunan. (Tumawag ng mag-aaral at sasabihin ang kanyang natutunan sa
  • 11.
    harap ng klase.)Basahin ang mga salita sa “Basahin Natin” A at B, pahina __. Isagawa ang pagsasanay sa “Subukin Natin”, pahina __. Paglalapat Pabuksan sa pahina __ ng modyul, “Alamin Natin” at “Tandaan Natin.” Itanong: - Ano ang dapat gawin kapag may lindol? Ano-ano ang mga dapat tandaan kapag kayo ay nakaramdam ng pagyanig ng lupa? (Pwedeng ipabasa nang maramihan , pangkatan dalawahan at isahan. Pagkwenta Paglalahad Itanong: Ano-ano ang mga kagamitan sa inyong bahay ang pwedeng masilungan o magamit kung may lindol ? Pabuksan sa pahina __ ng modyul. Pagmasdan at suriin mabuti ang mga larawan. Itanong: - Ano-anong mga kagamitan ang inyong nakikita? - Saan ito pwedeng gamitin? Ipaliwanag. Pagtatalakayan - Pagsamasamahin ninyo ang magkaka-uri at kung saan ito nabibilang na grupo? - Ilang grupo ng mga kagamitan mayroon si Aling Linda? Pabuksan sa pahina __ ng Modyul. Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Itanong : > Ano-anong mga larawan ang nakikita ninyo? Paglalahat > Ano-anong kagamitan mayroon si Aling Linda? > Saan kaya niya ito pwedeng gamitin? Bakit? Kailan? Paglalapat Sabihin: Nagkaroon ng lindol sa lugar ni Aling Linda, nagkagulo-gulo ang kanyang mga kagamitan. Nagkahalu-halo ang mga ito sa loob ng bahay. Paano natin siya matutulungan? 18 19
  • 12.
    IV. PAGTATAYA Pabuksan sapahina __ ng modyul sa “Alamin Natin”, pahina __. Ipagawa sa mag-aaral ang mga sumusunod: - Ipasulat ang pangalan ng bawat lugar na pwedeng pangyarihan ng pagyanig ng lupa. V. KARAGDAGANG GAWAIN Magpagawa ng scrap book ng mga larawan ng mga pangyayari sa lindol. 20