NIYEBENG ITIM
Maikling Kuwento-
China
ni Liu Heng
isinalin sa Filipino
ni Galileo S. Zafra
KOMPETENSI:
F9-PN-IIe-f-48 Nasusuri ang maikling
kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,
pagpapadaloy, at pagwawakas ng
napakinggang salaysay.
F9PB-IIe-f-48 Nahihinuha ang kulturang
nakapaloob sa binasang kuwento.
F9PT-IIe-f-48 Nabibigyang kahulugan ang
mga imahe at simbolo sa binasang
kuwento
Bakit kailangan nating
magpatuloy sa buhay
sa kabila ng mga
pagsubok na ating
nararanasan?
PANUTO: Magbigay ng mga salitang may
kaugnayan sa salitang NIYEBENG ITIM.
NIYEBENG
ITIM
Mga Tauhan:
1. Li Huiquan –pangunahing tauhan na
halos mawalan na nang pag-asa dahil
sa buhay na kanyang naranasan
pagkatapos makalaya sa
pagkakakulong.
2. Tiya Luo
3. Hepeng Li
4. Xiaofen
Tagpuan:
Una ay sa Red Palace noong
nagpapalitrato siya, sunod ay sa
komite sa kalye, sa East Tsina
Gate Consignment Store,
Chaoyong Gate Boulevard, gate
ng Blg.18, kalyeng spirit run at
daanan sa timog ng Silangang
Tulay.
Buod ng Kuwento “Niyebeng Itim”:
Si Li Huiquan ay isang dating bilanggo sa kampo na nakalaya na ngunit bilanggo pa rin sa kaniyang isip at damdamin sa
kalungkutan ng nakaraan at sa dating nakasanayan sa kulungan. Nagpakuha siya ng labinlimang litrato kasama si Tiya
Luo na gagamitin para sa aplikasyon ng lisensya sa kariton at pagtitinda ng prutas. Ngunit hindi ito naaprobahan dahil
puno na ang kota. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si
Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga’y mayroon siyang magawa.
Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang matabang lalake na si Hepeng Li. Yumuko si
Huiquan, isang ugaling natutuhan niya noong nakabilanggo siya sa kampo, bilang paggalang at pagsunod.
Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap ng mga parte na kailangan niya para sa sasakyan ng kaniyang paninda.
Nakahanap siya at nakabuo ng natatanging sasakyan para sa kanyang paninda na naging sentro ng atensyon dahil ito’y
kakaiba.
Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan sa bisperas ng Bagong Taon ngunit tinanggihan niya ito dahil kailangan
niyang tapusin ang ginagawa niya bago magbagong taon. At dahil na rin sa lakas at ingay ng mga paputok ay iniwan
muna niya ang ginagawa at naglasing. Naalala niya ang mga sandaling kasama pa niya ang kanyang ina.
At sa ikalimang araw ng bagong taon ay ibinigay na kay Huiquan ang puwesto niya at nagsimula na siyang magtinda ng
mga damit. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba at isinuot ang isa. Nakabenta siya ng dalawampung panlaming na
angora sa kanyang unang araw kaya siya’y sumigla. Naging masaya siya dahil sa wakas ay nagkaroon siya ng kontrol sa
isang bagay at pakiramdam niya siya’y makapangyarihan.
Sa sumunod na araw ay wala siyang masyadong nabenta ngunit isang araw nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army
sa apat na karpentero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang
panlamig ni Huiquan at iyon ay nagbigay ng inspirasyon sa kanya.
“Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng
pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad,
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba?” Nag-iisip si Huiquan.
Uri ng Maikling Kuwento
1.Kuwentong Makabanghay - ang binibigyang diin ng
sumulat ay ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o ang madulang pangyayari
2.Kuwento ng Tauhan – nakapokus ang pangyayari sa
tauhan upang mabigyan ng kabuuang pag-unawa ang
mga mambabasa tungkol sa kanila.
3.Kuwento ng Katutubong-kulay- pinahahalagahan nito
ang tagpuan- ang pook/ lugar na pinangyarihan ng
kuwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan
tungkol sa pook- hindi lamang pisikal kundi pati na rin
ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon,
ang kanilang mga kilos/ gawi, mga paniniwala,
pamahiin, at pananaw sa buhay.
Aral Ng Kwento:
Di mahalaga kung ano ang
iyong nakaraan basta
magsumikap ka lamang
para sa iyong kasalukuyan
at para sa iyong
kinabukasan.
Kultura at Tradisyon ng Bansang
Tsina
•Ang bansang Tsina o China ay ang
pinakamalawak at pinakamalaking bansa sa
Asya na sumusukat ng 9.6 milyong kilometro
parisukat. Ito rin ang bansang may
pinakamalaking bilang ng populasyon na may
bilang na 1.3 bilyong populasyon. Ang Tsina
ay mayaman sa kultura, kagamitan at pati
ang panrelihiyosong usapan. Buddhism o
Budismo ang pangunahing relihiyon dito.
Kilalang Pagdiriwang sa Tsina
•Ang Peking Opera ay dinudula upang
ipakita ang kasaysayan ng kanilang
bansa na ginaganapan naman ng mga
lalake upang di mapahiya ang babae. Ito
ay nagsimula noong 1790 sa ika-80 na
kaarawan ni Haring Chien Lung sa
Dinastiyang Qing.
Pagkain
Chinese dumplings ay
isang tradisyonal na
pagkain na sikat sa
Hilagang Tsina. Ang
Dumplings ay binubuo
ng tinadtad na karne at
tinadtad na gulay balot
sa isang manipis na
piraso ng kuwarta balat.
Kasuotan
CHEONGSAM at ZHONGSHAN SUIT
Ang kasuotan para sa mga babae ay
tinatawag na Chenogsam at Zhongshan
suit ang para sa mga kalalakihan.
LANTERN FESTIVAL (Yuanxiao Festival)
• Ito ang ika-15 araw ng pagdiriwang ng bagong taon, isang
magarbo at makulay na selebrasyon na ginaganap sa gabi. Ito
ang unang paglabas ng full moon ng taon. Ang araw na ito ay
ang tradisyunal na panahon ng pagsasalo-salo o pagsama-sama
ng isang pamilya.
• Ang paniniwala ng mga Tsino ay umiikot sa pangunahing
relihiyon ng Tsina ay umiikot sa pangunahing relihiyon ng Tsina,
ang Budismo. Parte ng kaugalian ng mga Tsino ang pagiging
magaling pagdating sa matematika at sa negosyo. Bukod dito,
ang prinsipyo ng Confucianism ay may impluwensiya sa kultura
ng Tsina: tinuturuan nito ang mga Tsino na sundin at respetuhin
ang mga nakatatanda, maging mabuting miyembro ng pamilya,
maging tapat sa mga kaibigan, maging mapagkumbaba at
maging magalang.
GAWAIN:
PANUTO: Kopyahin ang graphic organizer sa papel at gamit ito,
ibigay ang hinuha sa mga kulturang nakapaloob sa
kuwentong binasa. Gayahin ang pormat at isulat sa
sagutang papel.

NIYEBENG ITIM.pptx

  • 1.
    NIYEBENG ITIM Maikling Kuwento- China niLiu Heng isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
  • 3.
    KOMPETENSI: F9-PN-IIe-f-48 Nasusuri angmaikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy, at pagwawakas ng napakinggang salaysay. F9PB-IIe-f-48 Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento. F9PT-IIe-f-48 Nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento
  • 4.
    Bakit kailangan nating magpatuloysa buhay sa kabila ng mga pagsubok na ating nararanasan?
  • 5.
    PANUTO: Magbigay ngmga salitang may kaugnayan sa salitang NIYEBENG ITIM. NIYEBENG ITIM
  • 6.
    Mga Tauhan: 1. LiHuiquan –pangunahing tauhan na halos mawalan na nang pag-asa dahil sa buhay na kanyang naranasan pagkatapos makalaya sa pagkakakulong. 2. Tiya Luo 3. Hepeng Li 4. Xiaofen
  • 7.
    Tagpuan: Una ay saRed Palace noong nagpapalitrato siya, sunod ay sa komite sa kalye, sa East Tsina Gate Consignment Store, Chaoyong Gate Boulevard, gate ng Blg.18, kalyeng spirit run at daanan sa timog ng Silangang Tulay.
  • 8.
    Buod ng Kuwento“Niyebeng Itim”: Si Li Huiquan ay isang dating bilanggo sa kampo na nakalaya na ngunit bilanggo pa rin sa kaniyang isip at damdamin sa kalungkutan ng nakaraan at sa dating nakasanayan sa kulungan. Nagpakuha siya ng labinlimang litrato kasama si Tiya Luo na gagamitin para sa aplikasyon ng lisensya sa kariton at pagtitinda ng prutas. Ngunit hindi ito naaprobahan dahil puno na ang kota. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga’y mayroon siyang magawa. Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang matabang lalake na si Hepeng Li. Yumuko si Huiquan, isang ugaling natutuhan niya noong nakabilanggo siya sa kampo, bilang paggalang at pagsunod. Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap ng mga parte na kailangan niya para sa sasakyan ng kaniyang paninda. Nakahanap siya at nakabuo ng natatanging sasakyan para sa kanyang paninda na naging sentro ng atensyon dahil ito’y kakaiba. Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan sa bisperas ng Bagong Taon ngunit tinanggihan niya ito dahil kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya bago magbagong taon. At dahil na rin sa lakas at ingay ng mga paputok ay iniwan muna niya ang ginagawa at naglasing. Naalala niya ang mga sandaling kasama pa niya ang kanyang ina. At sa ikalimang araw ng bagong taon ay ibinigay na kay Huiquan ang puwesto niya at nagsimula na siyang magtinda ng mga damit. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba at isinuot ang isa. Nakabenta siya ng dalawampung panlaming na angora sa kanyang unang araw kaya siya’y sumigla. Naging masaya siya dahil sa wakas ay nagkaroon siya ng kontrol sa isang bagay at pakiramdam niya siya’y makapangyarihan. Sa sumunod na araw ay wala siyang masyadong nabenta ngunit isang araw nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpentero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan at iyon ay nagbigay ng inspirasyon sa kanya. “Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba?” Nag-iisip si Huiquan.
  • 9.
    Uri ng MaiklingKuwento 1.Kuwentong Makabanghay - ang binibigyang diin ng sumulat ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang pangyayari 2.Kuwento ng Tauhan – nakapokus ang pangyayari sa tauhan upang mabigyan ng kabuuang pag-unawa ang mga mambabasa tungkol sa kanila. 3.Kuwento ng Katutubong-kulay- pinahahalagahan nito ang tagpuan- ang pook/ lugar na pinangyarihan ng kuwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkol sa pook- hindi lamang pisikal kundi pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang mga kilos/ gawi, mga paniniwala, pamahiin, at pananaw sa buhay.
  • 10.
    Aral Ng Kwento: Dimahalaga kung ano ang iyong nakaraan basta magsumikap ka lamang para sa iyong kasalukuyan at para sa iyong kinabukasan.
  • 11.
    Kultura at Tradisyonng Bansang Tsina •Ang bansang Tsina o China ay ang pinakamalawak at pinakamalaking bansa sa Asya na sumusukat ng 9.6 milyong kilometro parisukat. Ito rin ang bansang may pinakamalaking bilang ng populasyon na may bilang na 1.3 bilyong populasyon. Ang Tsina ay mayaman sa kultura, kagamitan at pati ang panrelihiyosong usapan. Buddhism o Budismo ang pangunahing relihiyon dito.
  • 12.
    Kilalang Pagdiriwang saTsina •Ang Peking Opera ay dinudula upang ipakita ang kasaysayan ng kanilang bansa na ginaganapan naman ng mga lalake upang di mapahiya ang babae. Ito ay nagsimula noong 1790 sa ika-80 na kaarawan ni Haring Chien Lung sa Dinastiyang Qing.
  • 13.
    Pagkain Chinese dumplings ay isangtradisyonal na pagkain na sikat sa Hilagang Tsina. Ang Dumplings ay binubuo ng tinadtad na karne at tinadtad na gulay balot sa isang manipis na piraso ng kuwarta balat.
  • 14.
    Kasuotan CHEONGSAM at ZHONGSHANSUIT Ang kasuotan para sa mga babae ay tinatawag na Chenogsam at Zhongshan suit ang para sa mga kalalakihan.
  • 15.
    LANTERN FESTIVAL (YuanxiaoFestival) • Ito ang ika-15 araw ng pagdiriwang ng bagong taon, isang magarbo at makulay na selebrasyon na ginaganap sa gabi. Ito ang unang paglabas ng full moon ng taon. Ang araw na ito ay ang tradisyunal na panahon ng pagsasalo-salo o pagsama-sama ng isang pamilya. • Ang paniniwala ng mga Tsino ay umiikot sa pangunahing relihiyon ng Tsina ay umiikot sa pangunahing relihiyon ng Tsina, ang Budismo. Parte ng kaugalian ng mga Tsino ang pagiging magaling pagdating sa matematika at sa negosyo. Bukod dito, ang prinsipyo ng Confucianism ay may impluwensiya sa kultura ng Tsina: tinuturuan nito ang mga Tsino na sundin at respetuhin ang mga nakatatanda, maging mabuting miyembro ng pamilya, maging tapat sa mga kaibigan, maging mapagkumbaba at maging magalang.
  • 16.
    GAWAIN: PANUTO: Kopyahin anggraphic organizer sa papel at gamit ito, ibigay ang hinuha sa mga kulturang nakapaloob sa kuwentong binasa. Gayahin ang pormat at isulat sa sagutang papel.

Editor's Notes

  • #3 Ano ang masasabi ninyo sa larawan? (buddha, Chinese dumplings, Cheongsam at Zhongshan suit, lantern Festival) Anong bansa ang may pagkakakilanlan nito?
  • #6 Hindi lamang sa laki ng bansa at bilang ng populasyon nangunguna ang Tsina ngunit hindi rin sila pahuhuli sa larangan ng panitikan. Isa ang Tsina sa mga bansa sa Asya na may pinakamayamang panitikan. Sinasabi nga sa mga pag-aaral na kung gaano katanda at kayaman ang sibilisasyon ng mga Tsino ay ganoon din katanda at kayaman ang kanilang panitikan. Mayaman ang Tsina sa iba’t-ibang klase ng panitikan, maging ito man ay tuluyan o patula. Narito ang isa sa halimbawa ng panitikan ng Tsina, ang maikling kuwento na pinamagatang “Niyebeng Itim” ni Liu Heng na isinalin ni Galileo S. Zafra.