Mga Uri
ng
Maikling
Kuwento
Mga paraan sa
klasipikasyon ng
mga uri ng
Maikling Kuwento
1. Ang uri batay sa layunin ng pagkakasulat
ng kuwento.
2. Ang uri batay sa bilang ng mga salita.
3. Ang uri batay sa pamamaraan ng
pagkakasulat.
4. Ang uri batay sa tiyak na mambabasa ng
mga kuwento.
Mga Uri ng Kuwento Batay sa
Layunin
May dalawang uri ng kuwento batay sa
layunin na pagkakasulat nito.
1. Pampanitikang Kuwento
2. Komersiyal na Kuwento
PAMPANITIKANG KUWENTO
Pampanitikang Kuwento o Literary
fiction, ang kuwentong isinulat alang-
alangnsa kasiningan. Sa ganitong uri ng
pagkakasulat ng kuwento, hindi
naisasantabi ng kuwentista ang kaniyang
malikhaing bisyon sa akda. Isinasaalang-
alang niya ang mga patnubay sa mainam
na pagsulat, higit sa kung anu pa mang
udyok sa malikhaing proyekto.
Maingat ang pagkakagamit niya ng
salita. Kadalasan nama'y tumututok siya
sa isang elemento ng kuwento para
pagyamanin ito. nag-eeksperimento rin
siya sa mga paraan ng pagkukuwento.
Mga Katangian ng Pampanitikang
Kuwento:
1. Orihinal na ideya
2. Mainam na pagkakasulat
3. Inobasyon sa wika
4. May natatanging estilo sa pagkukuwento
5. Pagtalakay sa mga napapanahong usapin
6. Paglalaro sa anyo/tradisyonal na banghay
7. Walang pangingimi at pangahas sa pagpili ng paksa
8. May katimpian ng emosyon sa loob ng teksto
9. Paggamit ng sariwang simbolo o talinghaga
10. Bumabaklas sa pormula o gasgas na banghay
May mga palagay na ang mga ganitong
uri ay mahirap maintindihan dahil sa
mataas na pilosopiyang kaakibat sa
paglikha ng akda. Karaniwang tinutugon
din ng mga pampanitikang kuwento ang
kaligayahang pansining o pang-estetika ng
kuwentista o ng mga kakilala niyang
manunulat. May mga paniniwala pang ang
pagsulat ng ganitong uri ay para sa mga
matatalino at intelektwal na mambabasa
lamang at limitado sa espayo ng
akademiya.
Madalas din, ang mga ganitong
kuwento ay kapwa manunulat din ang
bumabasa at tumatangkilik. Kung kaya,
ang ganitong uri ay naaakusahan ng
elitismo o makitid na paglikha ng
pagkukuwento. Nasa toreng garing daw
ang mga kuwentista.
Komersiyal na Kuwento
Komersiyal na kuwento o Commercial
fiction. Ito ay nilikha alang-alang sa
negosyo o sa komersiyo. Pagsusulat ito
na may katapat na kabayaran. Kung
gayon, nakasalalay sa salapi ng
tagapaglathala o patnugot ng magasin ang
layon sa pagsulat ng kuwento. Ibig
sabihin, maaaring diktahan ng
tagapaglathala kung ano ang dapat isulat
ng kuwentista, ayon na rin sa panlasa ng
masa o ng nakararami.
Maraming problema sa komersiyal na
kuwento. Sinasabing banta ang mga ito
sa kasiningan ng anyo. Kapag
komersiyal ang layunin ng manunulat,
nawawalan siya ng kalayaan kung ano
ang dapat niyang isulat. Bawat magasin
ay may patakarang editoryal. Ibig
sabihin, may mga paksain lamang na
dapat talakayin. May mga wikang dapat
pangalagaan- iyon lamang wikang higit
na mauunawaan at gumagamit ng mga
salitang katanggap-tanggapsa publiko.
Bawal ang mga eskandaloso at bulgar na
pananalita:
Bawal ang naglahok ng mga kolokyal,
balbal, o ang tinatawag na salitang kanto.
Sa komersiyal na daluyan, nababawasan
ang pagkakataong makapag-eksperimento,
ang magpasok ng progresibo at abanteng
ideya, magpakilala ng inobasyon sa wika.
Kung kaya, binabatikos ng mga kritiko ang
mga kuwentistang "natali" na sa
komersiyalismo ng kanilang sining.
Dagdag pa, pinararatangan ang
komersiyal na kuwento ng pagiging
didaktiko, konserbatibo, at pagulit-ulit o
gasgas.
Kabilang sa maituturing na komersiyal
na kuwento ang mga nasa komiks,
nobelang romansa, erotiko, pornograpiko,
kababalaghan o pantasya, at katatakutan.
Sa Kanluran at sa iba pang panig ng
daigdig, ang mga komersiyal na katha ay
palagiang nasa listahan ng mga madaling
mabenta at popular na aklat. May iba't
ibang tipo at pormula ang mga kathang ito
na ginagamit ding bansag sa mga uri ng
komersiyal na pelikula. Isa-isahin natin
ang mga anyo nito:
1. KABABALAGHAN
Tumutukoy sa mga kathang may mga
elementong supernatural; nilikha ito bilang
panakot sa mambabasa at
kinakasangkapan nito ang mga
kinatatakutan ng mga mambabasa tulad
ng nilalang sa ibang mundo o ibang
panahon, kamatayan, at kabaliwan.
2. MISTERYO
Kathang makabanghay na umiinog sa
paglutas ng espiya o detektib ng mga
palaisipan tulad ng isang kamatayan o
aksidente.
3. KRIMEN
Kathang tinatalakay ang misteryo,
imbestigasyon, at paglutas sa
karimarimarim na krimeng naranasan ng
indibidwal o grupo ng tao.
4. THRILLER
Kathang makapigil-hininga sa paggamit
ng mga panggulat at pambibitin.
5. KATHANG SIYENSYA
Katha tungkol sa bentahe
ngteknolohiya at epekto ng siyensiya sa
isang lipunan, sa mga malalayo o
imbentong daigdig, o mga problemang
lumitaw dulot ng pag-usbong ng mga
imbensyon; nilikha ito para makapagmuni
ang mambabasa sa kalagayan ng lipunan
sa kasalukuyan.
6. ROMANSA
Kinatha bilang aliwan ng babae ukol sa
pakikipagsapalaran sa pakikipagkaibigan,
pakikipagkasintahan at maging buhay may
asawa.
7. KATHANG PAMBABAE
O di kaya'y chick lit. Kilala rin bilang
postfeminist fiction, ito'y mga kuwento,
kadalasang hitik sa siste at katawa-tawang
sitwasyon sa buhay pag-ibig ng mga
modernong babae sa kalunsuran.
May baryasyon ang ganitong uri ng
katha para naman sa kalalakihang
mambabasa. Tinatawag itong dick lit o
lad lit.
Mga Uri ng Kuwento Batay sa
Bilang ng mga Salita
Tinatawag na flash fiction ang
kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang
2,000 libong salita. May ilang nagsasabing
binubuo ito ng 200 hanggang 1,000 salita.
May mga puristang editor ang
nagsasabing maaring maisulat sa 75
hanggang 100 salita ang isang flas fiction.
Kilala rin ito sa tawag na sudden fiction,
micro fiction, short short fiction at
postcard fiction.
Isa sa pinakamaikling kuwentong
naisulat ng establisadong kuwentista ay
binubuo lamang ng anim na salita. Kinatha
ito ni Ernest Hemingway: "For sale. Baby
shoes. Never worn." (Ipinagbibili. Sapatos
ng sanggol. Hindi pa nagagamit.). Buong-
buo ang kuwento sa napakaikling kathang
ito; tila ito pamagat ng isang balita o isang
patalastas. Pero tulad ng tula, bukas ito sa
maraming interpretasyon.
Naging laganap ang flash fiction nang
naging popular sa daigdig ang internet at
weblog. Naghahanp ang mga surfer o
tumatangkilik ng internet ng tekstong
mabilis basahin at nagbibigay ng
kakintalan kaya lumitaw ang napakaikling
maikling kuwento. Dikta rin ito ng panahon
na mabilis ang takbo ng buhay at
nagnanais ng mabilisang resulta sa
anumang ginagawa tulad ng pagbabasa.
Mga Uri ng Kuwento Batay sa
Pamamaraan
Natukoy ni Teodoro A. Agoncillo (1965)
buhat sa kaniyang pag-aaral sa maikling
kuwentong Tagalog mula 1886-1948 ang uri
ng kuwento batay sa pamamaraan o teknik na
pinili ng kuwentista.
Kabilang sa mga natukoy niya ay
ang mga sumusunod:
1. Kuwentong pangkatutubong kulay
- isang katha na ginagamit ang
pamamaraang katutubong kulay sa mga
tagpong panlalawigan o sa mga eksenang
agrikultural sa katha, kaya mahalaga ang
pananaliksik sa kuwentong-bayan,
kasaysayan, etnograpiya, heograpiya ng
partikular na lugar na napili bilang lunan.
2. Kuwentong makabanghay
- kilala ring plot-oriented na katha, na
nilikha batay sa mga kilos, sa mga aksiyon
at mga reaksiyon ng bawat tauhan at sa
magiging epekto nito sa ugnayan ng mga
tauhan.
3. Kuwentong Makakaisipan
- isang uri ng pilosopikal na akda, higit
na pinalalawig ang konsepto, at
pinatatalim ang pagkamatulain ng prosa
kaysa sumsailalim sa masuyong
pagmumuni ang kuwentista bago isulat
ang ganitong uri ng katha.
4. Kuwentong Makakapaligiran
- mga kathang namumuhunan sa
masusing paglalarawan ng lunan at sa
panahon, gamit ang lahat ng salik ng mga
pandama, bilang integral sa pagpipinta ng
mga emosyon sa katha.
5. Kuwentong Makatauhan
- isang kuwento na nakatuon sa
kasaysayan, pag-unlad, trahedya,
tagumpay, emosyon, at katauhan ng isa o
higit pang tauhan sa katha. Nakasalalay
ang kuwento sa mithiin ng tauhan at mga
paraan nito upang makamit ang ninanais
sa loob ng kuwento. Kilala rin ito bilang
character-driven na katha. Mahalaga sa
ganitong kuwento na masalimuot ang
pagkakahulma sa pisikal, sosyolohikal, at
sikolohikal na katangian ng tauhan.
Ma Uri ng Kuwento Batay sa Tiyak
na Mambabasa
May espesyal na uri ng kuwento batay sa
tiyak na gulang ng mambabasa. Ayon kay
Maria Elena Paterno, ang kuwentong
pambata, bilang bahagi ng panitikang
pambata, ang katangi-tanging anyo na
binigyang depinisyon ng mambabasa.
Dagdag pa niya, ito ay "audience-oriented"
na teksto. May palagay na lahat ng uri ng
panitikan ay para sa marunong nang
bumasa. Gayundin sa kuwento ang mga
nakasulat at nakalimbag na maikling kuwento
ay para sa mga may edad na.
2 sangay ng kuwentong pambata
sa Pilipinas
1. Maikling Kathang Pambata
- mga kathang isinulat para sa mga
sanggol hanggang sa antas elemntarya.
2. Kuwentong Pangkabtaan
- mga kathang isinulat para sa mga
tinedyer o sa antas sekondarya hanggang
mga unang taon ng kolehiyo.
Ang pangunahing layunin sa
pagkakasulat ng mga maikling kuwentong
pambata at pangkabataan ay ang
tumugon sa mga pangangailangan at
interes ng nasabing mga mambabasa
tungo sa kanilang pag-unlad bilang
mamamayan ng bansa.

-Mga-Uri-Ng-Maikling-Kuwento.pdf

  • 1.
  • 2.
    Mga paraan sa klasipikasyonng mga uri ng Maikling Kuwento
  • 3.
    1. Ang uribatay sa layunin ng pagkakasulat ng kuwento. 2. Ang uri batay sa bilang ng mga salita. 3. Ang uri batay sa pamamaraan ng pagkakasulat. 4. Ang uri batay sa tiyak na mambabasa ng mga kuwento.
  • 4.
    Mga Uri ngKuwento Batay sa Layunin May dalawang uri ng kuwento batay sa layunin na pagkakasulat nito. 1. Pampanitikang Kuwento 2. Komersiyal na Kuwento
  • 5.
    PAMPANITIKANG KUWENTO Pampanitikang Kuwentoo Literary fiction, ang kuwentong isinulat alang- alangnsa kasiningan. Sa ganitong uri ng pagkakasulat ng kuwento, hindi naisasantabi ng kuwentista ang kaniyang malikhaing bisyon sa akda. Isinasaalang- alang niya ang mga patnubay sa mainam na pagsulat, higit sa kung anu pa mang udyok sa malikhaing proyekto.
  • 6.
    Maingat ang pagkakagamitniya ng salita. Kadalasan nama'y tumututok siya sa isang elemento ng kuwento para pagyamanin ito. nag-eeksperimento rin siya sa mga paraan ng pagkukuwento.
  • 7.
    Mga Katangian ngPampanitikang Kuwento: 1. Orihinal na ideya 2. Mainam na pagkakasulat 3. Inobasyon sa wika 4. May natatanging estilo sa pagkukuwento 5. Pagtalakay sa mga napapanahong usapin 6. Paglalaro sa anyo/tradisyonal na banghay 7. Walang pangingimi at pangahas sa pagpili ng paksa 8. May katimpian ng emosyon sa loob ng teksto 9. Paggamit ng sariwang simbolo o talinghaga 10. Bumabaklas sa pormula o gasgas na banghay
  • 8.
    May mga palagayna ang mga ganitong uri ay mahirap maintindihan dahil sa mataas na pilosopiyang kaakibat sa paglikha ng akda. Karaniwang tinutugon din ng mga pampanitikang kuwento ang kaligayahang pansining o pang-estetika ng kuwentista o ng mga kakilala niyang manunulat. May mga paniniwala pang ang pagsulat ng ganitong uri ay para sa mga matatalino at intelektwal na mambabasa lamang at limitado sa espayo ng akademiya.
  • 9.
    Madalas din, angmga ganitong kuwento ay kapwa manunulat din ang bumabasa at tumatangkilik. Kung kaya, ang ganitong uri ay naaakusahan ng elitismo o makitid na paglikha ng pagkukuwento. Nasa toreng garing daw ang mga kuwentista.
  • 10.
    Komersiyal na Kuwento Komersiyalna kuwento o Commercial fiction. Ito ay nilikha alang-alang sa negosyo o sa komersiyo. Pagsusulat ito na may katapat na kabayaran. Kung gayon, nakasalalay sa salapi ng tagapaglathala o patnugot ng magasin ang layon sa pagsulat ng kuwento. Ibig sabihin, maaaring diktahan ng tagapaglathala kung ano ang dapat isulat ng kuwentista, ayon na rin sa panlasa ng masa o ng nakararami.
  • 11.
    Maraming problema sakomersiyal na kuwento. Sinasabing banta ang mga ito sa kasiningan ng anyo. Kapag komersiyal ang layunin ng manunulat, nawawalan siya ng kalayaan kung ano ang dapat niyang isulat. Bawat magasin ay may patakarang editoryal. Ibig sabihin, may mga paksain lamang na dapat talakayin. May mga wikang dapat pangalagaan- iyon lamang wikang higit na mauunawaan at gumagamit ng mga salitang katanggap-tanggapsa publiko. Bawal ang mga eskandaloso at bulgar na pananalita:
  • 12.
    Bawal ang naglahokng mga kolokyal, balbal, o ang tinatawag na salitang kanto. Sa komersiyal na daluyan, nababawasan ang pagkakataong makapag-eksperimento, ang magpasok ng progresibo at abanteng ideya, magpakilala ng inobasyon sa wika. Kung kaya, binabatikos ng mga kritiko ang mga kuwentistang "natali" na sa komersiyalismo ng kanilang sining. Dagdag pa, pinararatangan ang komersiyal na kuwento ng pagiging didaktiko, konserbatibo, at pagulit-ulit o gasgas.
  • 13.
    Kabilang sa maituturingna komersiyal na kuwento ang mga nasa komiks, nobelang romansa, erotiko, pornograpiko, kababalaghan o pantasya, at katatakutan. Sa Kanluran at sa iba pang panig ng daigdig, ang mga komersiyal na katha ay palagiang nasa listahan ng mga madaling mabenta at popular na aklat. May iba't ibang tipo at pormula ang mga kathang ito na ginagamit ding bansag sa mga uri ng komersiyal na pelikula. Isa-isahin natin ang mga anyo nito:
  • 14.
    1. KABABALAGHAN Tumutukoy samga kathang may mga elementong supernatural; nilikha ito bilang panakot sa mambabasa at kinakasangkapan nito ang mga kinatatakutan ng mga mambabasa tulad ng nilalang sa ibang mundo o ibang panahon, kamatayan, at kabaliwan.
  • 15.
    2. MISTERYO Kathang makabanghayna umiinog sa paglutas ng espiya o detektib ng mga palaisipan tulad ng isang kamatayan o aksidente.
  • 16.
    3. KRIMEN Kathang tinatalakayang misteryo, imbestigasyon, at paglutas sa karimarimarim na krimeng naranasan ng indibidwal o grupo ng tao.
  • 17.
    4. THRILLER Kathang makapigil-hiningasa paggamit ng mga panggulat at pambibitin.
  • 18.
    5. KATHANG SIYENSYA Kathatungkol sa bentahe ngteknolohiya at epekto ng siyensiya sa isang lipunan, sa mga malalayo o imbentong daigdig, o mga problemang lumitaw dulot ng pag-usbong ng mga imbensyon; nilikha ito para makapagmuni ang mambabasa sa kalagayan ng lipunan sa kasalukuyan.
  • 19.
    6. ROMANSA Kinatha bilangaliwan ng babae ukol sa pakikipagsapalaran sa pakikipagkaibigan, pakikipagkasintahan at maging buhay may asawa.
  • 20.
    7. KATHANG PAMBABAE Odi kaya'y chick lit. Kilala rin bilang postfeminist fiction, ito'y mga kuwento, kadalasang hitik sa siste at katawa-tawang sitwasyon sa buhay pag-ibig ng mga modernong babae sa kalunsuran. May baryasyon ang ganitong uri ng katha para naman sa kalalakihang mambabasa. Tinatawag itong dick lit o lad lit.
  • 21.
    Mga Uri ngKuwento Batay sa Bilang ng mga Salita Tinatawag na flash fiction ang kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 2,000 libong salita. May ilang nagsasabing binubuo ito ng 200 hanggang 1,000 salita. May mga puristang editor ang nagsasabing maaring maisulat sa 75 hanggang 100 salita ang isang flas fiction. Kilala rin ito sa tawag na sudden fiction, micro fiction, short short fiction at postcard fiction.
  • 22.
    Isa sa pinakamaiklingkuwentong naisulat ng establisadong kuwentista ay binubuo lamang ng anim na salita. Kinatha ito ni Ernest Hemingway: "For sale. Baby shoes. Never worn." (Ipinagbibili. Sapatos ng sanggol. Hindi pa nagagamit.). Buong- buo ang kuwento sa napakaikling kathang ito; tila ito pamagat ng isang balita o isang patalastas. Pero tulad ng tula, bukas ito sa maraming interpretasyon.
  • 23.
    Naging laganap angflash fiction nang naging popular sa daigdig ang internet at weblog. Naghahanp ang mga surfer o tumatangkilik ng internet ng tekstong mabilis basahin at nagbibigay ng kakintalan kaya lumitaw ang napakaikling maikling kuwento. Dikta rin ito ng panahon na mabilis ang takbo ng buhay at nagnanais ng mabilisang resulta sa anumang ginagawa tulad ng pagbabasa.
  • 24.
    Mga Uri ngKuwento Batay sa Pamamaraan Natukoy ni Teodoro A. Agoncillo (1965) buhat sa kaniyang pag-aaral sa maikling kuwentong Tagalog mula 1886-1948 ang uri ng kuwento batay sa pamamaraan o teknik na pinili ng kuwentista.
  • 25.
    Kabilang sa mganatukoy niya ay ang mga sumusunod: 1. Kuwentong pangkatutubong kulay - isang katha na ginagamit ang pamamaraang katutubong kulay sa mga tagpong panlalawigan o sa mga eksenang agrikultural sa katha, kaya mahalaga ang pananaliksik sa kuwentong-bayan, kasaysayan, etnograpiya, heograpiya ng partikular na lugar na napili bilang lunan.
  • 26.
    2. Kuwentong makabanghay -kilala ring plot-oriented na katha, na nilikha batay sa mga kilos, sa mga aksiyon at mga reaksiyon ng bawat tauhan at sa magiging epekto nito sa ugnayan ng mga tauhan.
  • 27.
    3. Kuwentong Makakaisipan -isang uri ng pilosopikal na akda, higit na pinalalawig ang konsepto, at pinatatalim ang pagkamatulain ng prosa kaysa sumsailalim sa masuyong pagmumuni ang kuwentista bago isulat ang ganitong uri ng katha.
  • 28.
    4. Kuwentong Makakapaligiran -mga kathang namumuhunan sa masusing paglalarawan ng lunan at sa panahon, gamit ang lahat ng salik ng mga pandama, bilang integral sa pagpipinta ng mga emosyon sa katha.
  • 29.
    5. Kuwentong Makatauhan -isang kuwento na nakatuon sa kasaysayan, pag-unlad, trahedya, tagumpay, emosyon, at katauhan ng isa o higit pang tauhan sa katha. Nakasalalay ang kuwento sa mithiin ng tauhan at mga paraan nito upang makamit ang ninanais sa loob ng kuwento. Kilala rin ito bilang character-driven na katha. Mahalaga sa ganitong kuwento na masalimuot ang pagkakahulma sa pisikal, sosyolohikal, at sikolohikal na katangian ng tauhan.
  • 30.
    Ma Uri ngKuwento Batay sa Tiyak na Mambabasa May espesyal na uri ng kuwento batay sa tiyak na gulang ng mambabasa. Ayon kay Maria Elena Paterno, ang kuwentong pambata, bilang bahagi ng panitikang pambata, ang katangi-tanging anyo na binigyang depinisyon ng mambabasa. Dagdag pa niya, ito ay "audience-oriented" na teksto. May palagay na lahat ng uri ng panitikan ay para sa marunong nang bumasa. Gayundin sa kuwento ang mga nakasulat at nakalimbag na maikling kuwento ay para sa mga may edad na.
  • 31.
    2 sangay ngkuwentong pambata sa Pilipinas 1. Maikling Kathang Pambata - mga kathang isinulat para sa mga sanggol hanggang sa antas elemntarya. 2. Kuwentong Pangkabtaan - mga kathang isinulat para sa mga tinedyer o sa antas sekondarya hanggang mga unang taon ng kolehiyo.
  • 32.
    Ang pangunahing layuninsa pagkakasulat ng mga maikling kuwentong pambata at pangkabataan ay ang tumugon sa mga pangangailangan at interes ng nasabing mga mambabasa tungo sa kanilang pag-unlad bilang mamamayan ng bansa.