3. Paciano Rizal
Heneral ng rebolusyonaryong hukbong Filipino at kuya ni
Jose Rizal si Paciano Rizal (Pas·yá·no Ri·zál). Isinilang
siyá noong 9 Marso 1851 sa Calamba, Laguna at
panganay sa 11 anak nina Francisco Mercado at Teodora
Alonso. Sa Colegio de San Jose sa Maynila, naging guro
niyá si Jose A. Burgos, paring Filipino na aktibo sa
sekularisasyon ng simbahang Katoliko sa Filipinas.
Napalapit siyá sa pari at nagsilbing mensahero nitó.
Tinuligsa ni Paciano ang pagbitay sa Gomburza. Bunga
nitó, hindi siyá pinayagang kumuha ng eksamen sa
paaralan. Dahil sa nangyari, nagpalit siyá at si Jose ng
apelyido mulang “Mercado” tungong “Rizal.”
4. Huminto siyá sa pagaaral at bumalik sa Laguna. Tinulungan
niyá ang matanda nang ama na pamahalaan ang ari-arian ng
pamilya. Naging mahusay siyáng agrikultor at negosyante.
Siyá halos ang naging pangalawang ama ng kanyang mga
kapatid. Alang-alang sa Kilusang Propaganda, nangalap siyá
ng suskrisyon sa Laguna at Batangas para sa Diariong
Tagalog na pinamamatnugutan ni Marcelo H. del Pilar. Siyá
ang umamuki kay Rizal para mag-aral sa España noong
1882 at patuloy na tagapagbalita hinggil sa nangyayari sa
Filipinas. Isa na dito ang tungkol sa kaso ng asyenda ng mga
Dominico sa Calamba. Inangkin ng mga prayle ang lupaing
matagal nang sinasaka ng mga taga-Calamba. Nang
tumanggi siláng magbayad ng buwis, ipinatapon silá sa
Mindoro. Isang taon doon si Paciano. Siyá ang unang
nagsalin ng Noli me tangere, bagaman nawawala ang
manuskrito ng kaniyang salin.
5. Nang dakpin si Rizal noong 1896, ibinilanggo din si Paciano.
Tatlong araw siyáng pinahirapan upang idawit ang kapatid sa
Katipunan. Hindi siyá umamin. Siyá mismo’y naging heneral
ng Himagsikan pagkatapos bitayin si Rizal. Napasuko niyá
ang mga Español sa Sta. Cruz, Laguna. Sumunod siyá sa
tigil-putukan nang lagdaan ang Kasunduang Biyak-na-Bato
noong 1897. Nang muling sumiklab ang digmaan makaraan
ang ilang buwan, ipinagpatuloy niyá ang laban sa larangan
ng Laguna. Limampu’t anim na ang edad niyá noon.
Nagkasakit siyá ng malarya at nadakip ng mga bagong
kalabang Americano noong 1900. Nanatili siyá sa kaniyang
bukirin sa Los Baños, Laguna hanggang sa mamatay noong
13 Abril1930 sa gulang na 79.
7. Emilio F. Aguinaldo
Siya ang una’t hulíng pangulo ng Unang Republika ng
Filipinas. Ipinanganak si Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong 26
Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. May
kabuhayan ang pamilya niyá, ngunit tumigil sa pag-aaral sa
Aguinaldo noong nása ikatlong taon ng segunda
enseñanza at tumulong sa negosyo ng mga magulang.
Noong 1895, nahalal siyá ng Kawit na capitan municipal, ang
binagong tawag sa gobernadorsilyo o punò ng bayan sa
ilalim ng Batas Maura. Ikinasal din siyá kay Hilaria del
Rosario. Nang mabalitaan ang Katipunan, nagpunta siyá ng
Maynila at nanumpang kasapi. Pagsiklab ng Himagsikang
1896, nakilála siyá sa mga matagumpay na labanan sa
Cavite. Nang magkaroon ng halalan sa Tejeros noong 22
Marso 1897, siyá ang nahalal na pangulo ng binagong
pamahalaang mapanghimagsik.
8. Inilipat niyá ang himpilan ng pamahalaang mapang-himagsik
sa Biyak-na-bato, San Miguel de Mayumo, Bulacan. Doon din
siyá lumagda sa kasunduan, ang Kasunduang Biyak-na-bato
noong 14–15 Disyembre 1897, na pansamantalang nagtigil sa
himagsikan hábang kusa siyáng nadestiyero sa Hong Kong
kasáma ang iba pang lider rebolusyonaryo. Pagkaraan ng
ilang buwan, bumalik si Aguinaldo sa Filipinas, ipinahayag ang
kasarinlan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 mula sa
kaniyang tahanan sa Kawit, at sinimulan ang ikalawang yugto
ng Himagsikang Filipino. Noong 23 Enero 1899, pormal na
ipinahayag ang Unang Republika ng Filipinas sa Malolos,
Bulacan. Halos kasunod nitó ang pagsiklab din ng Digmaang
Filipino-Americano noong Pebrero 1899 na nauwi sa pag-
urong ng hukbong Filipino pa-Hilagang Luzon. Nadakip si
Aguinadlo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 at
tuluyang bumagsak ang Republikang Malolos.
9. Nabiyudo siyá noong 1921 at pinakasalan si
Hilaria Agoncillo noong 1930. Kumandidato
siyáng pangulo ng pamahalaang Komonwelt
ngunit tinálo ni Manuel L. Quezon. Namatay siyá
noong 6 Pebrero 1964 ngunit naabutan pa
niyáng ipinahayag ni Pangulong Diosdado
P. Macapagal ang Hunyo 12 bílang Araw ng
Kalayaan ng Filipinas.