18. 1. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang
kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi
naman
totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil
maraming tao ang nais na
makipagkaibigan sa
huli.
19. 2. Pinatatawag sa paaralan ang
magulang ni Joey dahil sa isang
paglabag sa
panuntunan sa paaralan. Sa takot na
mapagalitan, humanap siya ng ibang
kakilala na magpapanggap na
magulang niya.
20. 3. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na
pagiging madaldal sa klase. Madalas na
nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi
nakikinig sa klase at sa halip ay
kinakausap at ginagambala ang kaniyang
kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng
guro sinasabi niya na nadadamay lamang
siya dahil palagi siyang kinakausap ng
kaklase.
21. 4. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang
kaklase kasama ang inyong mga kaibigan.
Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga
magulang ang iyong matalik na kaibigan
dahil alam niya na hindi naman siya
papayagan. Ngunit dahil napasarap sa
pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo
namalayan na gumagabi na pala.
22. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang
mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka
niya upang magsinungaling sa mga ito
upang sabihin na ginabi kayo dahil sa
paggawa ng proyekto sa inyong bahay.
Ginawa mo ito dahil ayaw mong
mapahamak ang iyong kaibigan.