Maganda ang panahon.Mainit ang sikat ng araw.
Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam.
Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya.
Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng
bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang
bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong.
"Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala kanang ginawa
kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"
Presentasyon:
Si Langgam at si Tipaklong
6.
"Oo nga, nag-iiponako ng pagkain habang maganda ang
panahon," sagot ni Langgam.
"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong.
"Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo
ay lumukso. Tayo ay kumanta.”
"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya
ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon ako ay
naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may
makain pag sumama ang panahon."
7.
Lumipas pa angmaraming araw, dumating na ang tag-
ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan pa rin.
At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang
hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na
ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala
niyang puntahan ang kaibigang si Langgam. Paglipas ng bagyo,
pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam.
Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng
masayahing si Tipaklong.
"Tok! Tok! Tok!"
Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba! Ang
aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."
8.
Binigyan ni Langgamng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na
naghanda siya ng pagkain. Ilan pang sandali at magkasalong kumain
ng mainit na pagkain ang magkaibigan.
"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako
naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda
ang panahon at nang may makain pagdating ng tag-gutom.“
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang
maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si
Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-
impok.
9.
Ano-anong salita angnaglalarawan
sa langgam?
Ano-anong salita ang naglalarawan
sa tipaklong?
10.
Ang bawat pangkatay susulat ng mga pangungusap
na naglalarawan sa ibibigay na paksa.
• Unang Pangkat – guro
• Pangalawang Pangkat – kaklase
• Pangatlong Pangkat – pamilya
Pangkatang Gawain: (3 Pangkat)
11.
Pang-abay
•Ito ay bahaging pananalita na naglalarawan
sa pandiwa, pang-uri at sa kapwa nitong
pang-abay.
12.
Halimbawa:
• Ang manggangtinda ni Maria ay masyadong maasim.
(Inilalarawan ng pang-abay na masyadong ang pang-uring maasim.)
• Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdan.
(Inilalarawan ng pang-abay na dahan-dahan ang pandiwang umakyat.)
• Talagang mabagal umunlad ang taong tamad.
(Inilalarawan ng pang-abay na talagang ang kapwa nitong pang-abay na
mabagal.)
13.
Magtala ng angkopna pang-abay sa mga
sumusunod na mga larawan.
Pagpapayamang Gawain:
14.
Tukuyin kung angsalitang nakasalungguhit ay isang pang-abay.
1. Mabagal magsulat si Allan kaya siya ang laging nahuhuling
lumabas sa silid-aralan.
2. Napakalinaw ng tubig mula sa bukal kaya tiyak na ligtas itong
inumin.
3. Nagulo ang tahimik na buhay ni Irene nang dumating ang
trahedya.
4. Masayang tumulong ang mag-aaral sa guro.
5. Mayaman sa kabutihan ang mga mag-aaral.
Paglalapat:
Isulat kung pang-abayang gamit ng mga salitang
nakasalungguhit.
1. Matibay ang lubid na ginagamit ni Ambo.
2. Mahusay sumalo ng bola si Jose.
3. Masayang naglalaro ang mga bata.
4. Mapalad ang mga batang Pilipino.
5. Malakas ang ulan kagabi.
Pagtataya:
17.
Takdang-Aralin:
Gumawa ng limang(5) pangungusap
tungkol sa pagmamalaki sa kulturang Pilipino
at pagiging Pilipino at salungguhitan ang
salitang pang-abay na ginamit.