2. Naipasa na at aprobado na rin ni Pangulong Aquino ang RH Bill na kung saan
nilalayon na maiwasan ang unwanted pregnancies na maaari ring dahilan sa paglaki ng
populasyon ng Pilipinas.
Sa aking palagay,dapat na talagang magkaroon ng bill na ganito.Kahit sobra na ang
dami ng population ng Pilipinas at kung sino pang mahirap yon pa ang mas maraming
anak.Paano ba naman, kapag malalasing si mister si misis lang ang libangan at wala naman
protection para hindi mabuntis si misis at mahirap nga, so hindi kayang bumili.Pag
nagpatuloy pa ang pagdami ng population tuloy ang pagdami ng mahihirap at sila ang
number one na nagpaparami nito.Biruin mo ang Great Britain isa sa mayamang bansa eh 63
million lang ang population, samantalang ang pilipinas na isa sa 3rd world countries eh 106
million na ang dami ng tao.Ewan ko rin kung bakit kontra ang simbahang katoliko
dito(katoliko po ako ha) pero wala rin silang alternatibo kung ano ang dapat gagawin ng
gobierno.Sa aking pananaw dapat na simulan na ng Pilipinas at pagko kontrol ng
population.
3. A.C. Cortes Ave.
Looc, Mandaue City
Ika-22 ng Disyembre 2013
Ang Dekano
Departamento ng Marine Engineering
Unibersidad ng Cebu Lapulapu at Mandaue
Ginoo:
Ako po ay kasalukuyang nag-aaral ngayon sa unibersidad. Ako po ay matagal na po dito mula nung matapos ko ang
aking pag apprentice sa labas ng bansa. Ngayon po ay balak ko sanang mag-apply na sa aming STO(Shipboard
Training Office) para sa aking B.S. Degree kaso dapat raw may asignatura muna sa inyo bago ko po masimulan ang
proseso dahil nalaman po nila na matagal na ako rito at bakit ngayon pa raw ako nag apply. Mangyari pong
manghingi ako ng permisyo po sa inyo at mapahintulutan na mag simula na ako ngayon sa aking pag apply sa STO.
Ito po ay magiging posible lamang kung inyo pong pirmahan.
Taus-puso ko pong pasasalamat sa inyo.
Magalang na sumasainyo,
Gemmyl C. Ysatam
4. MALAMANG naisip na ng
gobyerno ang mga imumungkahi
ko ngayon sa kolum na ito alang-
alang sa nasalanta ni Yolanda.
Pero kung hindi pa, sana’y
magsilbi ang mga sumusunod na
reminder:Libu-libong niyog at
punongkahoy ang tinumba ni
Yolanda. Pero ang alam nating
itinatatag ng gobyerno na mga
shelters ay mga tents lamang.
Dapat bumili o humiram ang
gobyerno ng mga chain saw para
gawing coco lumber ang mga
natumbang puno ng niyog at iba
pang puno. Maghanap ng mga
biktima ng Yolanda na mag-
operate ng mga chainsaw, mga
karpintero, mga mason, mga
electrician at iba pa para
gumawa ng mga temporary
schoolhouses, mga bahay, mga
gusaling gobyerno, mga chapel,
palengke, clinics, hospital at iba
pa. Sa pamamagitan nito
maraming hanapbuhay ang
maililikha para sa mga biktima ni
Yolanda.Para sa mga palikuran,
maghukay sa lupa at lagyan ng
mga sampung patong na used
tires na magsilbing mga malalalim
na butas. Dingdingan ang mga
palikuran ng mga
pawid.Magpagawa ng mga
kariton at mag-hire ng mga taga-
igib ng mga tubig galing sa dagat
o sa mga ilog at taga-linis ng
mga palikuran sa araw-araw.
Bumili o humingi ng mga
donasyong drum para imbakan
ng tubig.Dahil sa maraming
miyembro ng PNP at iba pang
mga taga-gobyerno ang naging
biktima rin ni Yolanda, mag-hire
ng mga pansamantalang peace
officers, kaminero, health
workers at iba pa para
matugunan ang lahat ng mga
pangangailangan ng mga
mamamayang nasalanta. Dapat
paigtingin ng gobyerno ang
paghuli sa buong bansa ng
smugglers ng bigas, vegetables,
clothing at iba pa at ibigay ang
mga nakumpiska sa Yolanda
victims. Bilisan ang paglilitis ng
pork barrel scams at
kumpiskahin ang mga perang
nakurakot at ipagpagawa ng
mga konkretong bahay ang mga
biktima ni Yolanda.
Ni Roy Seneres (Pilipino Star Ngayon, Dec.1,2013)
5.
6. Ayon kina Constantino at Zafra (2000) sa kanilang
nailathalang modyul na pinamagatang “Kasanayan sa
Komunikasyon”, ang isang mananaliksik ay kinakailangang
maging matiyaga, mapamaraan, maingat at matapat.
May apat na proseso ang pagbasa— persepsyon,
komprehensyon, asimilasyon, at reaksyon ( Grey W.S., 1984 ).
7. Nung ako pay nasa barko, ikay aking unang nakilala
Nang naghiwalay kayo, ng iyong sinisinta
Iyong mga problema't sulirani'y, sa akin ibinahagi
At akin namang tinugunan, ang 'yong lumbay at pighati.
Ano bang nangyari sakin? Nun pay ang lupit mo na
Kaya pumayag ako, na sa iyo'y maging kuya
Akoy unti unting namangha, napalit sa'yo
Ngunit ni-isang palad, ay hindi ko sinamantala.
Sa kinalauna'y nabatid, damdamin nati'y nalaman
Nadarama'y nagbago, iba na ang pakiramdam
Alam natin sa isa't isa, na pwede maging tayo
Ngunit hindi ito dapat, dahil kuya mo ako.
Nakalipas ang ilang buwan, may iba kang nagustuhan
Ako'y iyong tinanong, pinayuhan kita ng harapan
Masakit man sa loob, hapdi'y kinaya kung takpan
Dahil kuya mo nga ako, at hindi na dapat higitan.
Bakit nga ba tinawag, at tinuring mo akong kuya
Ang aking buong akala'y, makamtan ko ang saya
Huli na ang lahat, nangyari ang kabaliktaran
Abot na abot ko na sana, ang iyong kagandahan
Ngayon ay masaya kana, masaya na rin ako
Sapagkat sa puso't buhay mo'y, naging parte ako
Hindi lahat ng ating gusto, atin ay mapapasakamay
Matamis o maasim talaga, ang lasa ng buhay.
BA’T NAGING KUYA PA?