Gamit ng modal:
1. Bilang malapandiwa
Gusto niyang makaahon sa hukay.
Ibig ng puno at ng baka na kainin ng tigre ang tao.
(Ang gusto at ibig ay ginamit bilang malapandiwa subalit di tulad
ng ganap na pandiwa wala itong aspekto.)
2.Bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa
Gusto niyang maglakbay muli.
(Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa salitang maglakbay
na isang pandiwang nasa anyong pawatas. )
Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog ang tigre.
(Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay turing sa salitang
makita na isang pawatas.)
Narito ang mga uri:
1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto
Mga Halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas.
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.
2. Sapilitang pagpapatupad
Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.
3. Hinihinging mangyari
Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.
4. Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa: Maaari ka bang makausap mamaya?
Puwede kang umasenso sa buhay.

Gamit ng modal

  • 1.
    Gamit ng modal: 1.Bilang malapandiwa Gusto niyang makaahon sa hukay. Ibig ng puno at ng baka na kainin ng tigre ang tao. (Ang gusto at ibig ay ginamit bilang malapandiwa subalit di tulad ng ganap na pandiwa wala itong aspekto.) 2.Bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa Gusto niyang maglakbay muli. (Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa salitang maglakbay na isang pandiwang nasa anyong pawatas. ) Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog ang tigre. (Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay turing sa salitang makita na isang pawatas.) Narito ang mga uri: 1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto Mga Halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas. Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay. 2. Sapilitang pagpapatupad Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon. 3. Hinihinging mangyari Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral. 4. Nagsasaad ng posibilidad Halimbawa: Maaari ka bang makausap mamaya? Puwede kang umasenso sa buhay.