Isang araw, naghalungkatsi
Mia sa lumang baul ng
kaniyang lola. Laking tuwa
niya nang makatagpo siya
ng sombrero. Kakaiba ang
itsura nito!
6.
Humarap si Miasa salamin
para sukatin ang sombrero.
Sinubukan niyang isuot ito sa
iba’t ibang paraan. Ngunit
naisip niya, bakit parang may
kulang?
7.
Lumabas ng kanilangbahay si Mia
at nagtungo sa tindahan sa tapat.
“Magandang umaga, Manang Sol,”
bati ni Mia.
“Maganda po ba ang aking
sombrero?”
“Oo Mia, pero mas maganda kung
lalagyan pa natin ng alkansiya,”
sagot ng tindera.
Nagulat si Mia sa handog sa kanya.
“Salamat po Manang Sol,” sabi ni
Mia.
8.
Sunod na pinuntahanni Mia
ang panaderya.
“Mang Rico!” tawag ni Mia.
“Maganda po ba ang aking
sombrero?”
“Oo Mia, pero mas maganda
kung palalamutian pa natin ng
kandelabra,” sagot ng
panadero.
Salamat po Mang Rico,” sabi ni
Mia.
9.
Nagdaan din siMia sa klinika.
“Doktora Dulce, maganda po ba
ang aking sombrero?” tanong
ni Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda
kung papatungan natin ng mga
prutas,” sagot ng doktora.
Salamat po, Doktora Dulce,”
sabi ni Mia.
10.
Naglakad pa siMia at
nakarating sa estasyon ng
bumbero.
“Mang Ador, maganda na po ba
ang aking sombrero?” tanong ni
Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda
kung dadagdagan natin ng
akwaryum,” sagot ng bumbero.
Salamat po Mang Ador,” sabi ni
Mia.
11.
Pagtawid niya sakalsada,
nakasalubong ni Mia ang pulis.
“Mia, Kakaibang sombrero iyan,
ah!” bati ni Mang Kalor. Pero
mas maganda kung sasabitan pa
natin ng hawla.”
Salamat po Mang Kalor,” sabi ni
Mia.
12.
Umabot si Miasa hardin ng
plasa.
“Mang Lito, maganda na po ba
ang aking sombrero?” tanong
ni Mia.
“Oo, pero mas maganda kung
kakabitan pa natin ng mga
bulaklak,” sagot ng hardinero.
Salamat po Mang Lito,” sabi ni
Mia.
“Mia, itong saranggolana lang
yata ang kulang diyan!” sabi ng
kanyang kalaro.
“Sandali lang, Toto!” sigaw ni
Mia.
Ngunit naitali na ni Toto ang
saranggola.
Bukas ay arawna ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay
sabik ng pumasok sa paaralan. Habang nag-aayos ng gamit si
Jose para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na baitang, bigla
siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit
si Jose sa kaniyang ina.
“Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga
kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok.”
20.
“Opo. Ano poba ang bibilhin sa tindahan? Tanong ni Jose.
“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni
Nanay Lorna kay Jose.
“Sige po Nay! Tugon ni Jose.
Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang
Melchor.
“Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng
masiglang bata sa may-ari ng tindahan.
21.
“Magandang tanghali rinsa iyo. Ano ang bibilhin mo?”
tanong ng tindero sa bata.
“Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong
paminta, isang bote ng mantika, suka at toyo.” “magkano po
lahat?”tanong ni Jose.
“Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika,
sampung piso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya
lahat-lahat ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting
tindero.
”Salamat po, Mang Melchor,” “Walang anuman, Jose!”
22.
Sa kaniyang pag-alisng tindahan, nakasalubong naman niya si
aling Helen na kanilang kapitbahay.
“Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito
sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo
napagod.” “Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking
lulutuing pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?”
“Opo kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at
hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang
makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing titigil sa
paaralan at hindi na makatutulong sa tanghali. Sige po mauna na
ako.”
23.
“Magandang araw po,Mang Caloy, pahinga muna
kayo,”ang kaniyang bati sa kaibigang abala sa pag-aayos ng
kaniyang sirang tricycle, sabay kaway.
“Uy, Ben.Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at
mainit na ang sikat ng araw. Pasukan na natin bukas. Sige
ka,ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis , mo ang mga
mangyayari sa unang araw ng pasukan natin, Ang paalala ni
Jose sa kaniyang kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa
kanilang bahay.
24.
At sa wakas,nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May
ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita
niya at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso.
Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga
taong kaniyang nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang
Melchor.
Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?
Magtanim Upang Mabuhay
Orasng asignaturang Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan ng mga mag-
aaral sa ikaapat na baitang. Nasa loob sila ng
silid-aralan. Ganito ang sinabi ng guro. “Mga
mag-aaral kayo ay tuturuan kong maghanda ng
tamang taniman ng gulay. Tuturuan ko rin kayo
ng wastong pagtatanim at pag-aalaga ng mga
gulay, halaman, at punongkahoy. Kailangan
natin ang magtanim upang mabuhay.
28.
Dinala ng gurosa halamanan ng paaralan
ang mga bata. Dito niya itinuro ang wastong
pagbubungkal ng lupa at ang paghahanda ng
taniman. Binigyan din niya ng kani-kaniyang
lugar na bubungkalin ang bawat mag-aaral.
Maayos na nagsigawa ang mga mag-aaral. Sa
hindi sinasadyang pagkakataon ay
nabagsakan ng asarol ang paa ni Efren.
Nagdurugo ang paa nito. Agad naming dinala
nina Dodo at Bino si Efren sa klinika ng
paaralan. Ginagamot siya ng nars at
29.
Hindi nakapasok ngilang araw si Efren
sapagkat namaga ang kaniyang paa. Nang
magaling na ang kaniyang sugat ay saka pa
lamang siya nakapasok sa paaralan. Ang
halamanan ang una niyang tinungo upang
makita ito. Anong laking pagkamangha niya
nang makitang yari na ang kaniyang plot.
Sanggunian:
Filipino 4 Sagisag ng Lahi, Batayang Aklat sa Filipino-Pagbasa
Angelita L. Sta. Ana, pp. 24-25
30.
Hindi Sagabal
Isang masigabongpalakpakan ang
ibinigay ng mga nagsipagtapos at kanilang
mga magulang nang umakyat si Maryann
sa entablado upang tanggapin ang
kaniyang diploma at medalya.
Nagtapos bilang cum laude si Maryann
Rosuman sa Pamantasan ng Northern
Philippines. Pinalakpakan siya hindi
lamang dahil sa kaniyang katalinuhan
kundi dahil sa kakaiba siya sa lahat.
31.
Tatlong talampakan atlimang daling
lamang si Maryann. Isinilang siyang walang
mga paa, 20 taon na ang nakalilipas.
Katutubo siya sa Barangay Bayubay, San
Vicente, Ilocos Sur. Nagtapos siya sa kursong
accounting. Hindi nagging balakad ang
kapansanan niya sa kaniyang pag-aaral.
Naging valedictorian siya noon sa
elementarya at sekundarya. Kahit hirap sa
pagtindig at pagpunta sa klase, napagaan
32.
Franz Liszt
Itinuturing na“Pinakadakilang Piyanista sa
Lahat ng Panahon” si Franz Liszt. Ipinanganak sita
noong Oktubre 22, 1811 sa Lunsog ng Raiding,
Hungary. Isa siyang huwarang anak at mabuting
bata.
Nahilig na si Franz sa musika sa gulang na
lima. Tinuruan siya ng kaniyang tatay na si Adam
Liszt sa pagtugtog ng piyano.
Nang sumapit na si Franz sa gulang na walo,
nagsimula na siya gumawa ng mga komposisyon
na may kinalaman sa simbahan. Nang makita at
marinig ito ng mga taong simbahan, binigyan siya
33.
Maraming tao angdumalo sa araw ng
kaniyang palabas. Ibinuhos lahat ni Franz ang
galing niya sa pagtugtog ng piyano gamit ang
kaniyang komposisyon. Ang madla ay humanga,
naiyak, at nagalak sa namalas nilang kahusayan
ni Franz.
Simula noon, marami ang nag-alok sa kaniya
na magtanghal. Nakarating siya sa iba’t ibang
panig ng mundo. Namalas ng karamihan ang
kaniyang angking talent. Nahirang siya bilang isa
sa mga pinakadakilang piyanista at kompositor.
Pumanaw siya noong Hulyo 31, 1886.
Sa maputing buhangin
ngisang tangrib nakatira si
Hipon at Biya. Kahit hindi
magkauri, magkasama silang
nakatira sa isang lunggang
binungkal sa buhangin ni
Hipon. Masaya sila sa
ganitong pamumuhay.
37.
Trabaho ni Hiponna
panatilihing malinis ang
kanilang lungga. Hindi niya
hinahayaang pasukin ito ng
buhanging dala ng mga alon.
Dahil sa sampu niyang
mahahaba at matitinik na
binti, hindi ito problema.
Kaniya ring sinisigurado na
kumakain nang maayos si
Biya.
38.
Si Biya aymahigpit na
binabantayan ang lungga mula sa
mga nais mang-abala. Kaniya ring
tinitiyak na ligtas si Hipon mula sa
malalaki’t gutom na isda na sarap
na sarap sa manipis nitong balat.
Tuwing may papalalapit na
malalaking isda, agad na
ipipilantik ni Biya ang buntot nang
ilang beses. At si Hipon, na
malabo ang mga mata ay
magmamadaling papasok sa
lungga upang makaiwas sa
panganib.
39.
Kapag bumabagyo,
hinaharangan niHipon ng
bato ang bungad ng lungga.
Dahil dito, ligtas si Hipon at
si Biya mula sa mga along
humahampas sa tangrib.
Ganitong panahon nang
magsimula ang kanilang
alitan.
40.
Ilang araw naring bumabagyo
at pagod na si Hipon sa pagtutulak ng
buhanging pumapasok sa kanilang
lungga.
“Wag ka ngang lumangoy-
langoy lang! Kumilos ka naman
diyan!” sigaw ng pagod na pagod na
si Hipon.
”Ano namang magagawa ko?”
sagot ni Biya.
“Wala namang makapasok sa
lungga para tayo’y kainin.
Alam ni Hipon na tama si Biya.
Pero bakit kailangang siya lang ang
laging magtrabaho?
41.
“Ikuha mo akong
pagkain!” utos ni Hipon.
“Kamutin mo ang likod
ko!”
“Pero mga palikpik lang
ang mayroon ako!” sagot ni
Biya, na gustuhin man ay di
magawa ang mga utos ni
Hipon.
Alam ni Hipon na tama
si Biya ngunit patuloy pa rin
nitong kinukulit si Biya.
42.
Hindi na matiisni Biya
ang nangyayari. Kaya
pagkatapos ng bagyo,
lumangoy siya palabas ng
lungga.
“Saan ka pupunta?”
tanong ni Hipon.
“Maghahanap ako ng
ibang lungga! sagot ni Biya.
Sa isang pilantik ng
kaniyang buntot, siya’y nawala.
43.
“Bllb,”sambit ni Hiponat
gumapang siyang pabalik sa lungga.
“Kung sa kaniyang palagay ay
kailangan ko siya, nagkakamali siya”.
Di nagtagal, lumabas si Hipong
malabo ang mata. Isa palang
pindangga ang naghihintay sa kaniya
sa labas ng lungga.
Buti na lang at bago siya
manguya ng matutulis at bako-
bakong ngipin ng pindangga,
nakapasok sa lungga si Hipon, na
bahagi lang ng isang binti ang
nawawala.
44.
Bago pa manlumubog
ang araw sa tangrib, ang takot
na Hipon ay muntik nang
makain hindi lamang ng
pindangga, kundi pati ng
isang lumba-lumba at isang
pawikan.
“Siguradong magiging
pagkaing isda ako ngayong
wala na si Biya,” iyak ng
kaawa-awang si Hipon.
45.
Di naman nalalayosi Biya.
“Kailangan mo ba ng isda para
magbantay ng lungga?”tanong niya
sa lahat ng Hipon na makasalubong.
Ngunit ang bawat lungga ay may
sariling Biya at hindi na
nangangailangan ng isa pa.
“Saan ako matutulog?” tangis
ni Biya na walang lungga, habang
takot na takot na nagtatago sa likod
ng isang malaking bato, umaasang di
siya mapansin ng dumadaang
maming.
46.
Pagdating ng pagtaasng
tubig, gutom na gutom na si
biya. Hindi pa siya kumakain
magmula nang umalis siya sa
kaniyang lungga.
“Sino’ng magbubungkal
para sa pagkain ko?” taghoy
niya, habang sinusubukang
sumandok ng makakain sa
buhangin gamit ang kaniyang
mga palikpik.
47.
Pagsikat ng araw,nagbungkal
si Hipon palabas ng lungga. At sino
pa nga ba ang naghihintay sa labas
kundi ang napakarumi at gutom na
gutom na si Biya!
“Nagbalik ka!” sigaw na
napakasayang Hipon, na akmang
yayakapin si Biya gamit ang
kaniyang siyam at kalahating binti.
“Kailangan kita upang
bantayan ako! Ipinapangako kong
magpapakabait na ako at hindi na
ipagagawa ang alam kong hindi mo
kayang gawin.”
48.
“Mabuti naman,” sabini Biya,
na masayang-masaya rin dahil siya’y
nakauwi na.
“Kailangan naman kita para
ihanap ako ng pagkain at para
ipagbungkal ako ng bahay.
Lahat ng ibang hipon ay may
kapares na at ang bahayang isda ay
isang mapanganib at malungkot na
lugar para sa isang biyang walang
tirahan,”dagdag pa ni Biya, sabay
pilantik ng buntot nang tatlong
beses bilang babala na may isang
gutom na gatasan na gumagala sa di
kalayuang koral.
Nanimbang sa Katig
Masayang-masayaang mga bata. Nakasakay sila sa
bangkang may motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng palakpak
at padyak ng mga paa. Umiindayog sila kasabay ng pagtaas
at pagbaba ng alon. Tuwang-tuwa sila lalo kapag may
malaking along sumasalpok sa kanilang bangka.
Maya-maya buong pagmamalaking nanimbang sa katig
si Armando. Tumayo siya nang walang hawak.
Nagpalakpakan ang lahat. Ang tapang ni Armando! Hindi
nila pinansin ang malaking alon na dumarating.
Sa uwian, walang kibuan ang lahat. Ang iba naman ay
mugto na ang mga mata at tahimik na humihikbi.