1. Marami ang nagsasabing mahirap ang maging guro Pagkat ito ay gawaing pasakit ang kalaguyo, Kung ito man ay totoo ay di nila nahuhulo Na sa likod nitong hirap ay may tuwang nakatago; Sa kabila niyang ulap na buhawi ang kasuno Ay may araw na maningning na sing-init ng pagsuyo. Ang gawaing pagtuturo ay di pawing mga hirap Ang dulot sa mga gurong maganda ang mga balak, Ang layunin nitong guro’y mabigyan ng bagong palad Ang maraming mga diwang nasa dilim ang hinagap; Ang tagumpay nitong bata ay nasain at pangarap Nitong gurong tila inang ang damdamin ay busilak.